You are on page 1of 1

NAGPAPAKAIN NGUNIT WALANG MAKAIN?

Shannah Jane Lumandas

Kung sino pa ang nagtatanim ng mga palay, gulay at prutas, sila ang walang maikain. Kung
sino ang mga nasasaka, sila ang walang lupa. Kataka-taka man kung iisipin ngunit ito ang
katotohanan. Marami sa kanila ang patuloy na kumakayod mabigyan lamang tayo ng pang araw-
araw na pagkain. Bakit ito ang nangyayari sa mga taong nagpapakain sa mga mamamayan? Ano
pa ba ang kayang gawin ng gobyerno upang mapalago ang sector ng agrikultura?

Marami nang namuno sa Department of Agriculture subalit sa kasalukuyan ay hindi pa rin


nabibigyang lunas ang salat na pamumuhay ng mga magsasaka. Mga pangakong napako lamang
nang sila ay naupo na sa pwesto kaya’t hindi natutugunan ang mga pangangailangan ng mga
magsasaka at lalo pa silang nababaon sa karalitaan. Hanggang ngayon nasa 38.3 % ang poverty
incidence sa hanay ng mga magsasaka sa ating bansa. Kayang mapababa ang porsyento ng datos
na ito kung mas pag-iigihan pa ng ating pamahalaan ang pagtututok sa ating mga magsasaka.
Hinihiling ng mga magsasaka na mabigyan sila ng pamahalaan ng bagong binhi upang mas
mapabilis ang kanilang pag-aani.

Halos 27 porsyento ng mga Pilipinong manggagawa ay na sa sektor ng agrikultura na isa


sa mga pinakamahirap na sector sa ating bansa. Isa sa mga pagsubok ng mga magsasaka sa
pagtatanim ay ang kanilang mababang kinikita, base mismo sa opisyal na datos, tinatayang mga
Php 156.8 lamang kada araw ang kanilang kita. Kaya’t sapat lamang o kulang ito para sa kanilang
pang araw-araw na pamumuhay. Talo sila sa lahat ng kanilang mga ginagastos mula sa patubig,
pataba, insecticide at iba pa. Lalo pa’t marami sa kanila ang walang sariling lupang
pinagtatamanan at nangungupahan lamang. Nagtataka sila kung bakit napakababa ng presyo ng
palay kapag dinadala nila sa pamilihaan na kung tutuusin ibayong paghihirap ang kailangan nilang
gawin upang maani ang mga ito. Nararamdaman ng mga magsasaka na binibigyan lang nila ng
mas madaling trabaho ang mga negosyante ng palay dahil ang mga ito ang labis na nakikinabang.
Mas pinipili na lamang nilang igastos ang kanilang kinikita sa panibagong pagtatanim at
pagsasaka sa halip na kanila itong ipagbili ng mga pagkaing kanilang gusto at mga gamit na
kanilang inaasam. Bakit hindi sila umaani ng biyaya kahit sila ang nagtatanim ng tiyaga?

Ito rin ang mga dahilan kung bakit ang mga kabataan sa ngayon nawawalan ng ng interest
pagdating sa sector ng agrikultura sa halip pinipili nila ang ibang propesyon tulad ng doktor o di
kaya ay abogado. Nakakalungkot na ayaw na ng susunod na henerasyon na magsaka dahil sa
dulot nitong paghihirap. Gigising ng maaga, gagastos ng malaki, mag-aararo sa bukid ngunit
karampot pa rin ang kita. Tunay ngang sila ang nagtatanim ng ating mga kinakain ngunit sila pa
ang hindi makakain.

You might also like