Professional Documents
Culture Documents
APRIL J. PEREZ
Editor Pangwika
01 Tala ng Editor
Rommel B. Rodriguez, PhD
04 Introduksiyon
Gerard P. Concepcion, PhD at Jem R. Javier
Ang Unibersidad ng Pilipinas ay kasalukuyang Academic Excellence (SAE). Ito’y mga paraan
nasa serye ng mga pagbabagong kurikular na marapat gawin ng mga akademikong
sa mga akademikong kurso at programa. Sa institusyon na may mga akademikong
ngayon, dumaraan sa proseso ng pagrerebyu programang tatasahin upang mabatid ang
at pagtatasa ang mga mungkahing bagong mga kalakasan at kahinaan ng programa.
kurso at programa na ipatutupad sa mga Bagaman may nagkakatunggaling mga
susunod na akademikong taon. Bukod dito, pananaw at opinyon ang mga akademiko sa
ang mga kursong iniaalok naman bilang mga nangyayaring pagbabago at proseso ng
daluyan
bahagi ng General Education Program (GEP) ng pagtatasa, ipinatutupad ito ng Unibersidad
UP ay nirerebisa upang tumugon sa kahilingan bilang pagtugon na rin sa kahingian ng mga
sa estruktura ng Outcomes Based Education institusyong pang-edukasyon ng bansa,
(OBE). Sa pagdaan nito sa iba’t ibang antas partikular ng Commission on Higher Education
ng pagtatasa sa Unibersidad, nagiging bukas (CHED).
ito sa mga mungkahing pagbabago, komento,
at rekomendasyon ng mga guro mula sa Nasa ganitong konteksto ngayon ang Filipino
JOURNAL NG WIKANG FILIPINO
iba’t ibang disiplina bago tuluyang ipatupad. hindi lamang bilang kurso at programa kundi
Samantala, habang nagaganap ang mga bilang disiplina. Nasa yugto ng pagbabago
pagbabagong kurikular, kasalukuyan ding ang mga kurso at mga akademikong disiplina,
Tomo XXIV, BLG. 1-2, 2018
1
2
Kung tatasahin man ang Filipino, bilang CHED Memo Number 20, series of 2013.
kurso, programa at disiplina, mahalagang
maisakonteksto ito sa kasaysayan at
kaligirang kinairalan nito. Ang paglunsad
ng mga mga kurso at programa sa Filipino
ay resulta rin naman ng paglunsad at
daluyan
pagsulong ng mga pananaliksik at araling may
kinalaman sa ating lipunan at kultura. Nabuo
ang Filipino bilang akademikong programa
upang tumugon sa pagtunggali sa kolonyal
na sistema ng edukasyon noon at sa banta
naman ng globalisasyon sa kasalukuyan.
Kaya ang pag-aaral at pagsasagawa ng mga
JOURNAL NG WIKANG FILIPINO
3
4
Introduksiyon
GERARD P. CONCEPCION, PhD
JEM R. JAVIER
Mga Editor
Si Prop. Gerard P. Concepcion, PhD, ay nagtapos ng mga
kursong BS. Education, MA Philippine Studies, at PhD
Filipino sa UP Diliman. Siya ay katuwang na Propesor sa
Departamento ng Filipino at Panitikan ng Pilipinas. Siya ay
kasalukuyang nagtuturo ng Filipino at Philippine Studies
bilang Visiting Professor sa Busan University of Foreign
Studies.
Ang isyung ito ng Daluyan journal ay salaminin ang kolektibong karanasan ng mga
naglalaman ng pitong artikulo, na pawang mamamayan tungo sa pagbuo ng ideolohiya,
nagsusulong ng matatag na identidad at kalinangan, at kasarinlan.
pagsasakasaysayan ng mga karanasan ng mga
Pilipino sa iba’t ibang bahagi ng kasaysayan Sinikap sa pag-aaral ni Ana Isabel D. Caguicla
ng bansa. Ang unang dalawang artikulo ay sa kaniyang artikulong pinamagatang
naglalayong makaagapay sa pangangailangan “Hugnayang Kognitibo: Balangkas sa Pagtatasa
ng mga mag-aaral ng wikang pambansa. at Paglikha ng mga Kagamitang Panturo sa
Ang mga sumunod na artikulo naman ay Filipino” na punan ang mga kakulangang
nagpapamalas, sa pamamagitan ng masinsing tinukoy sa mga rebyu ng mga teksbuk
pagbabasa (o close reading), ng kakayahan ng na ginagamit sa edukasyong primarya
iba’t ibang pamamaraan ng pagpapahayag sa pamamagitan ng pagmumungkahi ng
o pilosopiya – sistematikong gawi o kilos, balangkas na gagabay sa pagtatasa at paglikha
awiting-bayan, komiks, nobela, at iba pang ng mga kagamitang panturo sa Filipino; at
akdang pampanitikan – upang itanghal at ilarawan ang mga katangian ng mahusay na
kagamitang panturo upang maglatag ng mga pagbuo ng pag-aaral ng isang mungkahing
estratehiya sa paglikha ng mga materyal na akademikong modelong pangwika na
panturong umaayon sa mga pamantayan ng isinasaalang-alang ang pagpaplano, disenyo
hugnayang kognitibo. Nagpokus ang pag-aaral ng patakarang pangwika, konsultasyon
sa dalawang teksbuk sa Filipino sa wika at at diseminasyon, implementasyon, at
pagbasa na ginagamit ng DepEd. Gamit ang ebalwasyon, na magbibigay-linaw at
kahong taksonomiya ni Krathwohl, natuklasan magpapasikhay sa sitwasyong pangwika ng
na 1) nililinang lamang ng mga layunin sa Filipino partikular sa konteksto at karanasan
pagkatuto ng mga teksbuk ang kaalaman sa ng programang Filipino ng 13 Pang-estadong
paghahanap ng katotohanan at ang kaalaman Unibersidad at Kolehiyo sa Rehiyon III.
sa pagsasagawa, 2) nililinang ng mga tanong
ang magsaulo, ang kaalaman sa paghahanap Ang artikulo ni Reginaldo D. Cruz na
ng katotohanan at ang kaalaman sa pinamagatang “Saysay ng Kasanayan:
pagsasagawa, at 3) hindi nabigyan ng halaga Pagbuo ng Identidad sa Arnis o Eskrima”
ang kaalamang metakognitibo sa pagtatakda ay dumidiskurso sa pag-aaral kung paano
ng mga gawain. Sa huli, gamit ang panukalang nakabubuo ang arnis o eskrima bilang isang
balangkas ng hugnayang kognitibo, itinutulak isport at Filipino Martial Art ng sarili nitong
ng pag-aaral ang mga katangian ng identidad. Bunsod ng pagiging arnisador ng
mahusay na kagamitang panturo at ang mga may-akda, naging siksik ang pag-aaral hinggil
estratehiya sa pagtatasa at paglikha ng mga sa saysay ng mga isinasabuhay na kaalaman at
kagamitang panturo. Inaasahang malaki ang kasanayan hinggil sa arnis, partikular hinggil
ambag ng pag-aaral lalo pa’t nasa transisyon sa: 1) klasipikasyon sa arnis, 2) salaysay ng
ang sistema ng edukasyon ng Pilipinas sa pagsasanay sa paggamit ng itak, 3) anggulo
ilalim ng programang K-12. ng pagtaga at paghakbang o footwork, 4)
katangian ng itak at ang pamamaraan ng
Nakapokus naman sa programang Filipino ng paggamit nito, 5) pamamaraan kung walang
13 Pang-estadong Unibersidad at Kolehiyo baston, at 6) pagdadalumat sa mga nabanggit
sa Rehiyon III ang deskriptibong pag-aaral upang bigyan ng saysay ang mga kasanayan
ni Dexter L. Manzano na pinamagatang ng pag-aarnis. Gaya pa ng ibang komunidad,
“Ang Programang Filipino ng mga Pang- naipamalas ng pag-aaral na mayaman ang
estadong Unibersidad at Kolehiyo sa Rehiyon arnis sa mga katangian ng sarili nitong
daluyan
III: Batayang Pag-aaral Tungo sa Isang pagkakakilanlan.
Akademikong Modelong Pangwika.” Gamit ang
metodong triyangulasyon, nasuri ng pag-aaral Batay sa tatlong aspektong tunog, titik at
sa pamamagitan ng talatanungan, panayam, kahulugan, at ideolohiya, pinaghambing
at obserbasyon, ang sitwasyong pangwika ni John Leihmar C. Toledo, sa kaniyang
ng Filipino sa mga antas ng instruksiyon, artikulong pinamagatang “Ang Pulis at
pananaliksik, ekstensiyon, produksiyon, at ko- Pushang sa Ilalim ng Tulay: Komparatibong
JOURNAL NG WIKANG FILIPINO
5
6
7
8
Hugnayang Kognitibo:
Balangkas sa Pagtatasa at Paglikha ng mga Kagamitang
Panturo sa Filipino
ABSTRAK ABSTRACT
Malaki ang potensiyal ng mga teksbuk bilang The potential of textbooks as a multi-faceted
pantulong sa pagtuturo at pagkatuto kaya teaching and learning aid compels a guarantee
nararapat lamang magarantiyang mataas ang that they are produced with the level of quality
kalidad ng mga ito upang tumugma sa matayog required for them to fulfill their envisioned
na mithiin ng edukasyon. Lumabas sa mga purposes. Studies have shown that Philippine
pagsusuri sa mga teksbuk na ginagamit sa textbooks are wanting in this regard as they
primaryang edukasyon sa Pilipinas na ang mga have inadequacies that prevent the exhaustive
kakulangan nito ang humahadlang sa ganap na development of students’ knowledge and
pag-unlad ng kaalaman at paglinang sa proseso cognition. To fill this void, the current study
ng pag-iisip ng mga mag-aaral. Upang punan ang pursued the following objectives: to propose a
mga kakulangan, layunin ng pag-aaral na itong framework for the evaluation and development
maglatag ng balangkas na gagabay sa pagtatasa of cognitively complex Filipino instructional
at paglikha ng mga kagamitang panturo sa materials and to describe the qualities of
Filipino at ilarawan ang mga katangian ng cognitively complex instructional materials.
mahusay na kagamitang panturo. Binigyan I defined cognitive complexity by integrating
ng depinisyon ang konsepto ng hugnayang the principles of the revised Krathwohl’s
kognitibo sa pamamagitan ng pag-uugnay ng taxonomy, constructivism and metacognition.
mga prinsipyo ng nirebisang taksonomiya ni This framework prescribes the components and
Krathwohl, konstruktibismo at metakognisyon. characteristics of instructional materials that
Ang balangkas na ito ang nagdikta ng mga adhere to cognitive complexity standards.
elemento at katangian ng mga kagamitang
panturong sumusunod sa pamantayan ng Keywords: Filipino textbooks, instructional
hugnayang kognitibo. materials, cognitive complexity, constructivism,
metacognition
Mga susing salita: Filipino teksbuk, kagamitang
panturo, hugnayang kognitibo, konstruktibismo,
metakognisyon
May dalawang layunin ang papel na ito. Una, mapunan ang mga kakulangang tinukoy sa
mga rebyu ng mga teksbuk na ginagamit sa edukasyong primarya sa pamamagitan ng
pagmumungkahi ng balangkas na gagabay sa pagtatasa at paglikha ng mga kagamitang
panturo sa Filipino. Ikalawa, mailarawan ang mga katangian ng mahusay na kagamitang
panturo upang maglatag ng mga estratehiya sa paglikha ng mga materyal na panturong
umaayon sa mga pamantayan ng hugnayang kognitiboi. Inaasahang sa katapusan
ng sanaysay na ito, magagabayan ang mga manunulat ng teksbuk at ng iba pang mga
kagamitang panturo sa Filipino para sa Kagawaran ng Edukasyon (DepEd) upang masigurong
hahasain ng mga ito ang kritikal na pag-iisip ng mga estudyanteng gagamit nito.
rin ni Diaz (2000) na: (1) walang maayos na transisyon ang unang yunit sa kasunod kaya
nagkaroon ng kakulangan hindi lamang ang iisang teksbuk kundi ang buong serye nito;
9
10
(2) hindi sapat ang mga prosesong kognitibong napagagana sa pagsusuri ng mga teksto
dahil napakasimple ng mga impormasyong ibinigay; at (3) may hanay ng mga tanong para
sa mga pagtatasa subalit napakahirap sagutin dahil hindi naman naihanda ang mag-aaral
para masagot ang mga ito.
Ayon kay Bernardo (2000), kailangang lamnan ang mga teksbuk ng mga pagsasanay sa
pagkatuto at mga tanong na susukat at magbibigay sa mga estudyante ng pagkakataong
maipakita ang lawak at lalim ng kanilang pag-iisip. Sa pagtatasa naman ng kurikulum na
pang-elementarya at hay-iskul, natuklasan niyang “listahan lamang ito ng mga konsepto
at kasanayang dapat ituro” (21). Hinahasa lamang ng ganitong uri ng mga materyal ang
memorya ng mga mag-aaral at hindi nagagampanan ng mga estratehiyang ginamit
ang tungkulin nitong makabuo ng bagong kaalaman mula sa nakaraang kaalaman.
Sinuportahan ni Bernardo (2000) ang mga argumento ni Ravina (2000) sa kaniyang
sintesis ng nilalaman at balangkas ng mga teksbuk sa Pilipinas, na nagsasaad na dapat
magkaroon ang mga mag-aaral ng mga kasanayang kakasangkapanin nila sa pagharap sa
mga gawaing susubok sa kanilang kakayahang kognitibo—isang adhikaing matatamo kung
mahahasa ang mga kasanayang ito sa lahat ng mga asignatura.
daluyan
11
12
2. Hindi nagkulang sa dami ng tanong ang dalawang teksbuk subalit tulad ng mga
layunin, nasa ilalim lamang ng dimensiyong kognitibong makatanda, makaunawa,
at makapagsagawa ang mga ito na hindi sapat upang hikayatin ang mga mag-
aaral na siyasatin pa ang paksa ng aralin. Buhat lamang sa teksto ang sagot sa
mga tanong kaya ang nahahasa lamang ay kakayahan ng mga mag-aaral na
magsaulo o magmemorya. Nililinang din lamang ng mga tanong ang kaalaman sa
paghahanap ng katotohanan at kaalaman sa pagsasagawa. Napagagana lamang
ang kaalamang konseptwal sa mga tanong tungkol sa gramatika;
3. Maraming mga gawain at pagtatasa kaya magiging abala ang mga mag-aaral
subalit hindi sapat ang mga estratehiya at walang mga pamantayang ibinigay
sa mga aralin para maisagawa nang matagumpay ng mga mag-aaral ang mga
gawain. Hindi magkakaroon ng bagong kaalaman kung paulit-ulit lamang ang
mga ipinagagawa. Kagaya ng mga layunin at mga tanong, nasa ilalim lamang ng
Hugnayang Kognitibo: Balangkas sa Pagtatasa at Paglikha ng mga Kagamitang Panturo sa Filipino
Noong 2001, naglabas ng bagong bersiyon ng taksonomiya ni Bloom ang ilang iskolar
sa pangunguna ni David Krathwohl bunga ng kanilang rebyu ng lumang taksonomiya
upang tugunan ang pangangailangan ng mga mag-aaral ng ikadalawampu’t isang
siglo. Nakatampok sa nirebisang taksonomiya ang “dalawang-dimensiyong balangkas
na nagbibigay-diin sa kaalaman at mga prosesong kognitibo” (Krathwohl 218), at
dahil sa mga katangiang ito, higit na angkop ang nirebisang taksonomiya kumpara sa
taksonomiya ni Bloom (1950) na kadalasang gumagabay sa pagtatakda ng mga layunin
ng mga kagamitang panturo. Ginagawa nitong kongkreto ang mga abstraksyon sa lumang
taksonomiya sa pamamagitan ng: una, pagbibigay ng tiyak na anyo sa mga kahingian ng
dimensiyong kaalaman (ibig sabihin, para sa bawat ibinigay na layunin sa pagkatuto, may
mga espesipikong estratehiya o hakbang para makamtan ito). Ikalawa, nagtampok ng
bagong dimensiyon, ang metakognisyon na nagpapalawak sa halaga ng taksonomiya dahil
hindi lamang nalilimitahan ang pagkakatuto sa pagtatamo ng kaalaman kundi tumatawid
sa aplikasyon ng mga estratehiya sa pagkatuto. Ikatlo, hindi tulad ng lumang taksonomiya
na nag-aatas na kailangan munang magsimula sa mababang antas ng pag-iisiip bago
makarating sa mataas na antas ng pag-iisip, kinikilala ng nirebisang taksonomiya na
maraming mga prosesong kognitibo ang nagsasabayan para makamtan ang higit na
kompleks na uri ng pag-iisip. daluyan
Isang teorya ng pagkatutuo ang konstruktibismo na nagbibigay-diin sa aktibong
konstruksiyon ng pagkalap ng kaalaman ng mga tao (Woolfolk, 1999 sinipi kay Tracey
2006). Natututo lamang ang isang mag-aaral kung sangkot siya sa proseso ng pagkakatuto
at kaya niyang pag-ugnayin ang bagong kaalaman sa umiiral na kaalaman (Tracey 2006).
Sinimulan ng teoryang ito ang pagbabago sa paraan ng pagtuturong nakasentro sa titser
tungo sa dulog na nakasentro sa mag-aaral. Hinihingi ng pagsasangkot sa mga estudyante
sa proseso ng pagkatuto na bigyan sila ng oportunidad na mapaunlad ang kanilang mga
JOURNAL NG WIKANG FILIPINO
estratehiya at kasanayan upang sukatin ang kanilang nalalaman at tukuyin ang mga paraan
kung paano sila natututo. Kapag nagkaroon ang mga mag-aaral ng mga kasanayang ito,
sila ay magiging malaya at responsable.
Tomo XXIV, BLG. 1-2, 2018
13
14
15
16
daluyan
Nasa ikalawang yugto naman ang mga estratehiyang magpapaunlad at hahasa sa mga
JOURNAL NG WIKANG FILIPINO
17
18
magabayan ang guro sa magiging direksiyon ng aralin. Unang ibinigay ang listahan ng
bokabularyo bago ang teksto sa halip na sa huli upang makatulong sa pagbasa ng teksto
at hindi lamang gamiting pagtatasa sa pag-unawa ng binasa. Sa bahaging “Pagbasa ng
Teksto,” binigyan ng panuto ang mga estudyanteng dapat muna nilang intindihin ang
mga tanong bago magbasa upang magabayan ang kanilang pagbabasa at siyang lilinang
sa kasanayan sa pagtukoy sa pangunahing idea at pantulong na idea. May hanay ng mga
tanong na ibinigay sa mga estudyante upang hindi lamang literal ang kanilang pag-unawa
sa teksto. Sa paggawa ng habing-semantiko, ginagarantiyang maiuugnay at mailalapat
ng mga estudyante ang kanilang pag-unawa sa teksto sa iba pang mga idea at larang.
Mapapansing may mga graphic organizer para sa bawat gawain upang maibigay sa mag-
aaral ang estratehiyang gagamitin para maisakatuparan ang mga gawain at sa ganitong
paraan din mapauunlad ang kaalamang metakognitibo. Lahat ng gawain ay tungo sa
pagsasagawa ng pangkalahatang pagtatasang tatahi sa mga kasanayan sa pag-iisip ng
mga estudyanteng pinaunlad ng aralin. Nakalatag din dito ang proseso at mga pamantayan
sa pagsasagawa ng pagtatasang pangkalahatan upang matagumpay itong magawa ng
mag-aaral.
Hugnayang Kognitibo: Balangkas sa Pagtatasa at Paglikha ng mga Kagamitang Panturo sa Filipino
•
•
•
•
•
•
•
•
•
•
•
•
•
•
daluyan JOURNAL NG WIKANG FILIPINO
i
Nakatuon ang ikatlong yugto
Aplikasyon/pagpapatatag itosa
ngpagninilay sa aralin.
mga kasanayang Hinihikayat
nagmula nito
sa pagpuno sa ang mga estudyanteng
habing-sementiko.
balikan ang kanilang mga natutuhan at ang proseso ng kanilang pagkatuto. Kung pauli-ulit
Tomo XXIV, BLG. 1-2, 2018
itong gagawin sa lahat ng mga aralin sa buong taon ng pag-aaral, malilinang ang aspekto
ng metakognisyong pag-unawa sa kanilang sarili at kakayahan.
19
20
Paglalagom
Mahalaga ang mga teksbuk at mga kagamitang panturo dahil maaari itong maging
ahensiya ng pagbabago. Sa mga pampublikong paaralang may isang titser para sa
tatlumpu’t isa o higit pang estudyanteng nagsisiksikan sa isang masikip na klasrum, ang
teksbuk ang lumilikha ng kaayusan at isang mahalagang paraan para tugunan ang iba’t
ibang pangangailangan ng klase. Malaki ang potensiyal ng mga teksbuk bilang pantulong
sa pagtuturo at pagkatuto kaya nararapat lamang magarantiyang mataas ang kalidad ng
mga ito upang tumugma sa matayog na mithiin ng edukasyon.
teksbuk para sa mga bagong kurso kaya isa itong pambihirang pagkakataon upang itama
ang mga pagkakamali at punan ang kakulangan ng mga manunulat ng teksbuk noong
nakaraan. Sa pamamagitan ng paglikha ng mga kagamitang panturong inquiry-based,
masisigurong ang uri ng pagkatuto ay lihis sa tradisyonal kung saan nakasalalay lamang
ang mga mag-aaral sa pakikipag-ugnayan sa teksbuk at sa kanilang titser. Magiging
makabuluhan ang pakikipag-ugnayang ito kung mabibigyan ang mga mag-aaral ng mga
kagamitang panturong pupuwersahin silang usigin ang nilalaman nito. Umaasa ang
mananaliksik na makakaambag ang mga iminungkahi ng sanaysay na ito sa paglikha ng
mga kagamitang panturong hahasa sa kritikal na pag-iisip ng mga mag-aaral.
MGA SANGGUNIAN
Aguinaldo, Camille A. “K to 12 review finds declining Krathwohl, David R. “A revision of bloom’s taxonomy:
test scores, skills mismatch.” an overview.” Theory into practice, Theory into
BusinessWorld. BusinessWorld Publishing 6 Marso practice, 41 (4): 2002. 212-218. JSTOR. Web. 3
2019. Web. 5 Oktubre 2019. Marso 2016.
Belvez, Paz M. Landas sa pagbasa: batayang aklat Liwanag, Lydia B. Landas sa pagbasa: batayang aklat
sa filipino: ikaanim na baitang. Quezon sa filipino: ikaanim na baitang. Quezon
City: EduResources Publishing Inc., 2011. 1-246. City: EduResources Publishing Inc., 2011. 1-240.
Limbag. Limbag.
Bernardo, Allan B.I. “Frameworks and contents of Pintrich, Paul R. “The role of metacognitive knowledge
philippine basic education textbooks: a synthesis in learning, teaching and assessing.” Theory into
and exposition.” The social and human sciences in practice, 41 (4): 2002. 219-225. JSTOR. Web. 3
philippine basic education: a review of elementary Marso 2016.
and high school textbooks, inedit nina Florentino
H. Hornedo, Virginia A. Miralao and Felice P. Sta. Ravina, Maria Clara V. “A review of the social and human
Maria, 1-24. Quezon City: Philippine Social Science sciences a review of the framework and content of
Council, 2000. 1-24. Limbag. elementary and secondary textbooks and teacher’s
manuals in english and filipino.” The social and
Bloom, Benjamin S., et al. Taxonomy of educational human sciences in philippine basic education: a
objectives: the classification of educational review of elementary and high school textbooks,
goals by a committee of college and university inedit nina Florentino H. Hornedo, Virginia A.
examiners: Handbook 1: cognitive domain. New Miralao and Felice P. Sta. Maria, 139-160. Quezon
York: Longman, 1956. 201-207. Limbag. City: Philippine Social Science Council, 2000. 139-
160 Limbag.
Caguicla, Ana Isabel D. “The anatomy of deped-issued
filipino 6 textbooks: mapping out knowledge and Republic of the Philippines Commission on Audit.
cognitive complexity.” M.A. thesis. University of Department of Education Annual Audit Report (6
the Philippines Baguio, 2016. Limbag. Agosto 2019). 27. Web. 5 Oktubre 2019.
Department of Education. “K-12 basic education Tracey, Dianne H. and Lesley Mandell Morrow. Lenses
curriculum: baitang 6.” K to 12 gabay on reading: an introduction to theories and
pangkurikulum: filipino, 2013. Web. 11 Enero 2016. models. New York and London: The Gilford Press,
2006. 47-74. Limbag.
Diaz, Manuel P. “A review of selected textbooks and
other instructional media for sibika at kultura Wilson, Leslie O. “Five Basic Types of Questions.” The
in elementary schools.” The social and human second principle. Leslie Owen Wilson, N.d. Web. 1
sciences in philippine basic education: a review Mayo 2016.
of elementary and high school textbooks. Ed.
Florentino H. Hornedo, Virginia A. Miralao and Wolf, Dennis P. “The art of questioning.” College Board
daluyan
Felice P. Sta. Maria. Quezon City: Philippine Social Summer Institute Educational Equality
Science Council, 2000. 25-46. Limbag. Project. Sta. Cruz, California. 9-13 July 1986.
Lektura. Web. 20 Agosto 2009.
Hornedo, Florentino H., Virginia A. Miralao and Felice
P. Sta. Maria. The social and human sciences in
philippine basic education: a review of elementary
and high school textbooks. Quezon City: Philippine
Social Science Council, 2000. v-viii. Limbag.
JOURNAL NG WIKANG FILIPINO
Tomo XXIV, BLG. 1-2, 2018
21
22
MGA TALA
i
Hugnayang kognitibo ang minarapat kong salin vi
Dapat ibigay ang listahan ng bokabularyo bago
ng cognitive complexity sa halip na kompleksiting magbasa para higit na maintindihan ang teksto. Sa
kognitibo dahil sa palagay ko, higit itong makaaambag halip na bigyang depinisyon ang bawat salita, mas
sa imbentaryo ng mga akademikong konsepto sa mainam kung magpokus na lamang sa isang konsepto
Filipino. Sa balarilang Filipino, hugnayang pangungusap (hal., panitikang bayan) at hayaan ang estudyanteng
ang salin ng complex sentence. mag-brainstorm sa pamamagitan ng pagsulat ng
mga salita o pariralang may koneksiyon sa paksa sa
ii
Ayon kay Aguinaldo ng BusinessWorld, sa isang isang habing- semantiko. Dapat na magmula ang mga
senate committee hearing para sa rebyu ng kurikulum kahulugang ibibigay ng estudyante sa mga alam na
ng K-12 na isinagawa kamakailan lang, lumabas na nila at sa bagong impormasyon mula sa teksto.
bumaba ang National Achievement Test scores noong
2017 (40% para sa Grade 6 at 44.1% naman para sa Babaguhin ko ang teksto dahil hindi ito tugma sa
vii
Grade 10) na siyang indikasyon ng pagbaba ng kalidad depinisyong ibinigay sa unang talata ng teksto subalit
ng primaryang edukasyon sa Pilipinas. Nabanggit din sa pagkakataong ito pinanatili ko muna ang ibinigay sa
ang pagbaba ng kalidad ng mga guro base sa pagbaba aklat ni Belvez.
ng passing rate sa Licensure Exam for Teachers (LET).
Sa bahaging ito, dapat magbigay ng lektura ang
viii
DEXTER L. MANZANO
Associate Professor ng Programang Pangkolehiyo sa mga
Wika sa Tarlac State University. Nagtapos siya ng Doktor sa
Edukasyon na dalubhasa sa Edukasyong Pangangasiwa at
Master sa Edukasyon na dalubhasa sa Filipino. Ang kaniyang
artikulo tungkol sa pagbuo ng isang glosaryo ay nailathala sa
3L: Language, Linguistics, Literature, Vol. 24, No. 2 (2018) na
inilimbag ng Universiti Kebangsaan Malaysia. Kabilang sa mga
interes niya sa pananaliksik ang leksikografi, pagpaplanong
pangwika, edukasyong pangwika, at edukasyong pangangasiwa.
ABSTRAK ABSTRACT
Pangunahing layunin ng deskriptibong pag- This descriptive research aimed to develop a
aaral na ito na makabuo ng isang mungkahing proposed academic language model that was
akademikong modelong pangwika batay based on the results of the analysis of the status
sa isinagawang pagsusuri sa kalagayan ng of the Filipino Language Program of the 13 State
programang Filipino sa labintatlong pang- Universities and Colleges in Region III. Using
estadong unibersidad at kolehiyo sa Rehiyon the triangulation method, the data on both
III. Gumamit ng metodong triyangulasyon para curricular and co-curricular areas were analyzed
sa pag-aaral kung kaya’t ang mga nakalap na which were geared towards the development of
datos ay dumaan sa isang masikhay na pag- an academic model in Filipino. It was found out
aaral, paghihimay sa bawat bahagi at pagsusuri that there is no coded or formal document about
sa kabuuang lawak at antas ng paglalarawan na the language policies imposed in each state
siyang nagsilbing landas sa pagbuo ng isang institution in the region. With this premise, an
mungkahing akademikong modelong pangwika. academic language model anchored on the four
daluyan
Natuklasan na walang pormal, malinaw, at tiyak thrusts: instruction, research, extension, and
na patakarang pangwika na ipinatutupad sa production as well as curricular and co-curricular
bawat pang-estadong unibersidad at kolehiyo activities of an institution was developed. The
sa Rehiyon III. Mula rito, nabuo ang isang major phases of the said model include language
mungkahing akademikong modelong pangwika planning, language policy design, consultation,
na magbibigay-linaw sa patakarang pangwika dissemination, implementation, and evaluation.
sa apat na tunguhin at sa iba pang gawain ng Conclusively, there can be no language model
mga pang-estadong unibersidad at kolehiyo at that can terminate scholars’ continuous attempt
JOURNAL NG WIKANG FILIPINO
23
24
PANIMULA
Nagpapamalas ang kapangyarihan ng wika ng kahandaan sa anumang pagpapaunlad nito
upang lalo pang magamit nang may katatasan sa mga taong tumatangkilik nito. Kung
gayon, marapat na bigyang-pansin ang napapaloob na programang pangwika ng isang
akademikong institusyon. Maraming salik ang nakakiling sa mga programang pangwika
na kung minsan ay naisasawalang bahala lalo pa at ito ay wikang Filipino na sa tingin ng
ilan, wikang mas mahina kumpara sa prestihiyosong wikang Ingles. Ang mas mayamang
kaalaman at mas pursigidong pananaliksik, pag-aaral, at pakikipaglaban sa kung anong wika
ang mas nararapat mamayagpag sa bansang Pilipinas ay nagdudulot ng pagpapahalaga ng
ilang mga Pilipino sa Ingles kaysa sa wikang pambansa. Subalit dapat iwaksi at ituon sa
pag-aaral at pagpapalago ng pambansang wika ang walang hanggang pakikipaglaban sa
disposisyong ito.
Mahalaga ang paghihimay, pagsusuri, at pagtataya sa mga kaalaman tungkol sa wika batay
sa praktis ng institusyon. Ayon kay Constantino (2005):
Anumang pagbabagong dulot nito ay dapat tanggapin at tangkilikin.
Nangangahulugan ito na pinag-iisipan o may tangkang suriin ang kabuluhan at
pangangailangan ng dati na o ng narito na. Mahalaga ito lalo na sa larangan ng
edukasyon, partikular sa kurikulum, dahil malaki ang epekto nito sa pangkalahatang
kaunlaran hindi lang ng kaisipan kundi ng buong lipunan. Gayunpaman, ang
anumang pagbabago lalo na sa isang demokratikong lipunan, gaya ng Pilipinas, ay
laging nahaharap sa mga pagpuna at pagkilatis, konstruktibo man o hindi, lalo na
kung nangangahulugan ito ng matagalang pagpapatupad at epekto (171).
May panawagan naman si Constantino (24) na palawakin ang Filipino at ang pagpaplanong
pangwika sa dimensiyong pananaliksik. Sa kaniyang pagsulong sa mga gawaing pangwika,
ipinahayag niya ang konsepto ng isang Deskriptibong Pagpaplanong Pangwika na tinatawag
din namang Institusyonal na Pagpaplanong Pangwika na maaaring maipamalas sa mga
JOURNAL NG WIKANG FILIPINO
25
26
Ipinamalas naman ni Haugen (80) ang apat na yugto ng pagpaplanong pangwika: (1)
seleksyon, (2) kodipikasyon, (3) elaborasyon, at (4) implementasyon. Sa antas rehiyonal,
ang apat na prosesong nabanggit ay nasa antas na ng pag-unlad bagama’t hindi pa sapat
ayon na rin sa mga nakalap na impormasyon, obserbasyon, at pagsusuring naganap sa
pagsasakatuparan ng pag-aaral na ito.
Sa kabilang dako, isang napakalaking kontribusyon ang inilatag ni Tarun (207) tungkol sa
Ang Programang Filipino ng mga Pang-estadong Unibersidad at Kolehiyo sa Rehiyon III: Batayang Pag-aaral Tungo sa Isang Akademikong Modelong Pangwika
Disenyo at Metodolohiya
Ginamit ang deskriptibong pamamaraan ng pananaliksik sa pag-aaral na ito. Nagbibigay
ang deskriptibong pag-aaral ng isang malawakang paglalahad ng katotohanan na siyang
magiging basehan ng pagpapasiya (Calmorin 26). Maliban dito, isang pag-aaral at
pagsusuri sa nilalaman ng mga dokumento at sa kabuuang lawak at antas ng paglalarawan
ang isinagawa na siyang nagsilbing landas sa pagbuo ng isang mungkahing akademikong
modelong pangwika.
Mga Kalahok
Makikita sa sumusunod na talahanayan ang bilang ng mga guro at mag-aaral sa bawat
institusyon na naging bahagi sa pag-aaral.
Talahanayan 1
Bilang ng mga Kalahok sa mga Pang-estadong Unibersidad at Kolehiyo sa Rehiyon III
daluyan
Tomo XXIV, BLG. 1-2, 2018
JOURNAL NG WIKANG FILIPINO
27
28
Labintatlong pang-estadong unibersidad at kolehiyo sa Rehiyon III ang mga naging kalahok
sa pag-aaral. Bawat institusyon ay may kinatawang limang guro sa Filipino maliban sa
PhilSCA at PMMA na may tig-isang guro sa Filipino lamang. Gaya ng pagpili sa mga guro,
sa paraang pasumala rin nalikom ang 50 mag-aaral sa bawat institusyon. Sa mahalagang
kadahilanan, may mga ilang kalahok ang hindi nakapagbalik ng mga instrumento datapwa’t
hindi naman ito nakaapekto nang malaki sa kinalabasan ng pag-aaral. Samakatwid, 57 na
guro sa Filipino ang naging kasapi samantalang 645 naman ang kabuuang bilang ng mga
Ang Programang Filipino ng mga Pang-estadong Unibersidad at Kolehiyo sa Rehiyon III: Batayang Pag-aaral Tungo sa Isang Akademikong Modelong Pangwika
Mga Instrumento
Gamit ang metodong triyangulasyon, tatlong mahalagang instrumento at teknik ang
ginamit sa pagkalap ng mga datos mula sa mga guro at mag-aaral ng mga pang-estadong
unibersidad at kolehiyo sa rehiyon: (1) talatanungan, (2) panayam, at (3) obserbasyon.
Balangkas ng Pag-aaral
Sa panahong isinagawa ang pag-aaral, ilan sa mga pang-estadong unibersidad at kolehiyo
ay may Departamento ng Filipino (DHVTSU, NEUST, BPSU, CLSU, BulSU, BASC, PMMA,
PAC, PRMSU, at ASCOT) ang ilan naman ay wala nito (TSU, TAU, at PRMSU). Kung kaya,
ang pagkalap ng mga datos at naisagawang panayam ay dumaan sa mga departamento
o kung wala man ito ay sa guro na lang dumiretso. Ang limang guro sa bawat institusyon
ay naatasang kumuha ng tigsasampung mag-aaral sa paraang pasumala sa kanilang mga
klase. Samantala, nagkaroon din naman ng pagkakataon ang mananaliksik na masuri ang
kanilang mga silabus at makita ang kanilang mga kagamitang pampagtuturo at pasilidad
sa Filipino. Sa mga pagkakataong may nasumpungang mga administrador (tagapangulo ng
departamento at/o dekana), iba pang mga guro at mga mag-aaral, sinikap ng mananaliksik
na makapanayam sila kahit sa impormal na paraan lamang upang makakuha pa ng ilang
impormasyon ukol sa patakarang pangwika, suporta ng administrasyon sa Filipino bilang
wikang pang-instruksiyon at pambansa, lawak ng partisipasyon ng mga guro at mag-aaral
sa mga gawaing pangwika, maging ang papel ng Filipino bilang midyum ng instruksiyon.
Pagsusuri ng mga Datos
Dumaan ang mga nakalap na datos sa isang masikhay na pag-aaral, paghihimay sa bawat
bahagi at pagsusuri sa kabuuang lawak at antas ng paglalarawan na siyang nagsilbing landas
sa pagbuo ng isang mungkahing akademikong modelong pangwika. Naisakatuparan ang
pagsusuri sa mga nagamit na dokumentong nakalap sa mga pang-estadong unibersidad
at kolehiyo. Ang lahat ng nakalap na datos ay nilangkapan ng paglalarawan na siyang
naging batayan ng pagpapasiya ng mga tuntunin, gawain, balangkas, pamamahala, saklaw
ng implementasyon, at pagpapabuti ng programa tungo sa pagbuo ng isang akademikong
programang pangwika.
KINALABASAN NG PAG-AARAL
Paglalarawan sa Batayang Programa sa Filipino ng mga Pang-estadong Unibersidad at
Kolehiyo sa Rehiyon III
Lumabas sa pag-aaral na walang pormal, malinaw, at tiyak na patakarang pangwika ang
mga pang-estadong unibersidad at kolehiyo sa Rehiyon III. Ito ay dulot ng kawalan ng lokal
na komite na siyang mangunguna sa pagsulong ng mga gawaing pangwika, magbalangkas
ng tuntunin ng wika ayon sa gamit nito sa pagtuturo at pagkatuto. Isang nakapanlulumong
katotohanan sa kasalukuyan subalit hindi kailanman mapagkakaila na ang pagkalito sa kung
anong mayroon sa programang pangkurikulum at gawaing ko-kurikular ay hindi masabi
ng mga pinagtutuunan kung mayroon nga bang programang pangwika o wala. Ang isang
programang pangwika ay nagangailangan ng mga tuntuning marapat sundin, mga gawaing
konsistent o regular na naisasagawa, may komiteng tagapagsulong sa pagpapanatili at
pagpapabuti nito, may mga gawaing nakadisenyo sa isang taon, may malinaw na gawaing
pangkurikulum at ko-kurikular, may malinaw na diseminasyon sa programa, nalalapatan ng
angkop na ebalwasyon, at higit sa lahat may malinaw na tunguhin na naglalaman ng lahat
ng taong kasangkot sa akademikong komunidad.
Tunghayan ang mga danas ng mga institusyon batay sa limang tunguhin: instruksiyon,
pananaliksik, ekstensiyon, produksiyon, at ko-kurikular.
A. Instruksiyon
daluyan
Hindi magiging maayos ang pagpapatupad sa kurikulum sa antas tersiyarya kung hindi
magiging kaaya-aya ang karanasan ng mga mag-aaral sa pag-aaral sa mga asignatura.
Tandaan na ang kurikulum ay isang malawakang konsepto tungkol sa lahat ng gawain ng
mag-aaral ayon na rin sa layunin ng institusyon. Hindi lamang ito ayon sa kung ano ang
natututuhan ng mag-aaral, subalit kung paano nila ito natutuhan, kung paano nakatutulong
ang mga guro sa kanilang ganap na pagkatuto gamit ang mga angkop na kagamitang
pampagtuturo, estilo, metodolohiya, pagtataya, at sa kung anong uri ng pasilidad mayroon
JOURNAL NG WIKANG FILIPINO
ang unibersidad o kolehiyo (Rodgers 1989, 27). Ayon naman kay Constantino (2005):
tao bilang isang integral na nilalang na bahagi hindi lang ng kaniyang bansa
kundi pati ng global na komunidad. Naglalayong umangkop at tumugon ang
29
30
Talahanayan 2
Balangkas ng Yunit sa Filipino
Suriing mabuti kung anim na yunit lamang ang ipinatutupad ng mga pang-estadong
institusyon, saan masusumpungan ang katatasan sa pagpapahayag at kung siyam na yunit
naman, hindi rin mahahagilap ang panitikan ng mga Pilipino na kalimitang nagpapaalala
sa nakagisnang kultura at pagpapahalaga. Tandaan na karamihan sa mga mag-aaral ng
mga pang-estadong unibersidad at kolehiyo ay nagmula sa mga kasapi ng lipunang kulang
sa pribilehiyong sosyal kaya malimit Filipino ang gamit sa pakikipagtalastasan sa iba’t
ibang minoryang grupo. Dagdag pa rito, madalang sa mga mag-aaral ang may katatasan sa
Filipino gaya ng ilang mag-aaral sa BulSU, NEUST, CLSU, at DHVTSU sapagkat karamihan
ito ang unang wika nila, subalit karamihan ay gumagamit ng Pampango at Iluko at ang ilan
ay Zambal, Pangasinense, at Visayan. Masasabing madalang ang may unang wika nito kaya
katulad ng Ingles, hindi ito ganoon kadali sa mga mag-aaral.
Samantala, ang mga modelong silabus na dinisenyo ng komite ng Komisyon sa Lalong
Mataas na Edukasyon ay naging batayan ng lahat ng nilalaman ng pagtuturo sa Filipino
at kahit taunan ang ipinahayag na pagrerebisa sa mga silabus, hindi ito naging kapaki-
pakinabang sa kanila dahil sa mga institusyonal na kadahilanan. Tunghayan ang mga
institusyonal na kadahilanan sa pagrerebisa ng silabus:
Talahanayan 3
Institusyonal na Kadahilanan sa Pagrerebisa ng Silabus
at isaayos ang bawat gawaing pangwika. Sa mga sitwasyong ganito, mahirap pa rin ang
mag-isa sapagkat ang bawat guro ay nangangailangan ng ibang konsepto o kaalaman
na siyang magpapapaunlad sa kaniyang kaalaman at kakayahan sa pagpapalawig ng
Tomo XXIV, BLG. 1-2, 2018
programa sa Filipino.
31
32
paksang tatalakayin sa isang buong semestre. Hindi na naging sagabal ang paghalungkat o
paghahanap man lamang ng mga reperensiyang magpapalawak sa kanilang paksa.
B. Pananaliksik
Hindi naging kultura ng mga guro at mag-aaral ang magsulat ng saliksik gamit ang wikang
Filipino, maliban sa mga gurong nasa erya ng Filipino. Sa mga nakalap na datos, napansin
ang kahinaan ng mga guro at mag-aaral sa teknikal na pagsulat ng mga saliksik, artikulo,
ulat o report, at iba pa (tingnan ang Talahanayan 5) gayundin naman sa mga malikhaing
pagsulat ng kuwento, tula, sanaysay, dula, at awit. May kalakasan sila sa pagsasalita, kahit
sabihing may punto ang bawat salitang binibitawan. Ito ay sa kadahilanang magkaiba ang
anyo ng pagsasalita at pagsulat dagdag pa rito ang magkaibang deskriptibong estruktura
ng Filipino sa nakagawian nang paraan ng pagsulat sa Ingles. Nangangailangan ang pasulat
na anyo ng wika ng pormal na mga salita at termino na kaiba sa mga impormal na anyo nito.
Maliban dito, kakaunti lamang ang mga reperensiyang maaaring magamit upang maging
batayan sa pagsulat ng mga nabanggit na uri ng mga lathalain. Bunga nito, kinakailangan
ng mga pagsasanay sa pagsulat ng wikang Filipino sa pamamagitan ng pagbuo ng mga
organisasyon ng mga manunulat sa Filipino, pagsasanay sa mga manunulat o mag-aaral ng
Filipino sa pamamagitan ng kumperensiya at seminar-worksyap, pagbibigay ng pribilehiyo
sa mga manunulat na magkaroon ng sariling publikasyon sa Filipino, pagpapalimbag ng
mga teknikal na papel sa Filipino gaya ng tesis at disertasyon upang maging basehan
sa aspektong pananaliksik, at pagdadagdag ng mga asignatura sa Filipino na lilinang sa
kakayahan sa pagsulat ng mga malikhain at teknikal na papel. daluyan
Sa ganitong pangangailangan, marapat din namang magtalaga kung ilang bahagdan
ang paggamit ng Filipino sa mga publikasyong pangkampus. Marapat isaalang-alang
ang pagkahati ng mga artikulo o sanaysay na dapat maisulat sa Filipino at Ingles. Dapat
din namang subukan ang pagsulat ng mga liham at ulat sa Filipino upang mas mapadali
ang pag-unawa at mabigyan ng tamang posisyon ang wikang Filipino sa akademikong
konteksto. Sa paraang ito, maipamamalas ang parehong pagsuporta sa dalawang wikang
opisyal ng bansa.
JOURNAL NG WIKANG FILIPINO
33
34
na nasusulat sa wikang Filipino kaya sa tingin nila ay sadyang mahirap makakuha ng mga
kaugnay na panitikan at pag-aaral na maaaring magamit sa kanilang papel. Kung pipilitin
man, kailangan nila ng sapat na kaalaman sa pagsasaling-wika upang matugunan ang
kanilang pangangailangan.
C. Ekstensiyon
Wikang Filipino ang ginagamit ng mga institusyon sa pagbibigay ng impormasyon at
pagtulong sa mga mamamayan sa labas ng unibersidad o kolehiyo. Ilan sa mga institusyon
katulad ng TSU ay gumagamit ng mga pormularyong nasusulat sa Filipino, nagsasagawa ng
mga programang pangkomunidad gaya ng seminar-worksyap at pagsasanay sa Filipino, at
gumagamit din ng wikang Filipino o bernakular sa implementasyon ng mga proyekto maging
sa pagpapalaganap ng mga bagong tuklas na karunungan sa siyensiya at teknolohiya.
D. Produksiyon
Sa kaso ng mga pang-estadong unibersidad at kolehiyo sa Rehiyon III, naging mahina
ang produksiyon gamit ang wika. Walang nagsasagawa ng mga iskolarling pag-aaral
at pagpapalimbag ng mga tesawrong maaaring maging gabay sa pag-aaral ng wika.
Nangangailangan ang mga ganitong gawain ng pagkamasinop sa mga salita at terminong
nakalap upang makalikha ng isang tesawrong makatutulong sa mga guro at mag-aaral
lalong-lalo na sa mga hindi Tagalog. Sa mga nakalap na datos, binanggit ng mga mag-aaral
ang kanilang kahinaan sa paggamit ng mga salita. Nangangailangan sila ng mga tesawrong
makatutulong sa kanila upang kanilang malaman ang iba’t ibang gamit ng mga salita.
Sa pagpapalimbag ng mga aklat, ang erya ng Filipino lamang ang gumagamit ng mga aklat
na nakalimbag sa wikang Filipino. Ang ibang araling maaari namang maituro gamit ang
Filipino (Rizal at Kasaysayan) ay gumagamit ng mga aklat na nakalimbag sa Ingles. May
kahinaan ang produksiyon ng mga aklat na nalilimbag sa wikang Filipino sa mga pang-
estadong institusyon sa Rehiyon III.
Maliban dito, isang malaking pangangailangan sa pagpapalawak ng opsiyon ng wika ang
pagsasalin. Batay sa mga nakalap na datos, parehong mga guro at mag-aaral ay walang
pormal na kaalaman at kasanayan sa pagsasalin kaya hindi naging popular at hindi kalugod-
lugod sa kanila ang pagsulat sa Filipino. Hindi maikakaila ang kahalagahan ng pagsasalin
mula Ingles tungong Filipino sapagkat ito ay isang opsiyong pangwika na humihimok sa
intelektuwalisasyon at modernisasyon ng wikang Filipino. Dahil sa intelektuwalisasyon,
ginagamit ang wika bilang midyum ng akademikong diskurso, oral man ito o nakasulat
at sa ganitong paraan lalong napagyayaman, napag-aaralan, napauunlad, at napananatili
ang wika at kultura. Ang modernisasyon naman ay tumutukoy sa intertranslatability o
kakayahang maisalin ang bawat salita sa Ingles patungo sa Filipino (Constantino 5). Kung
nalalaman at nakasanayan na ang pagsasalin, maaaring maging agresibo ang bawat isa
na maisalin ang mga salitang Ingles sa Filipino. Paraan ito upang unti-unting tumimo
sa isipan na ang wikang Filipino ay isang maunlad na wikang maaaring makatugon sa
pangangailangan ng pagsasalin. Ayon kay Tarun (Constantino 215) ng Isabela State
University, makikita ang suporta sa elaborasyon ng wikang Filipino sa pamamagitan ng
pagsasalin sa pangalan ng unibersidad, mga opisina, at departamento nito. Ginagawa ito
sa pamamagitan ng pagsulat ng salin sa anyong maliit na letra sa ibaba ng isinalin. Sa mga
pang-estadong unibersidad at kolehiyo sa Rehiyon III, hindi nakitaan ng mananaliksik ang
pagsasalin sa mga pangalang nabanggit. Kung sakali mang gagamitin ang Filipino, direkta
itong ginagamit, subalit sa mga unibersidad at kolehiyong may sariling Departamento ng
Filipino lamang. Ang ilan naman ay nakasama lamang sa mga opisinang pangwika, kaya
magkasama ang mga guro sa Ingles at Filipino kaya mas nangingibabaw pa rin ang gamit
ng Ingles at ang Filipino ay tila waring natabunan nito.
E. Ko-kurikular
Mga ko-kurikular na gawain ang nagbibigay kaganapan sa kurikulum. Nagbibigay buhay ito
sa kurikulum at nagpapaunlad sa aspektong intelektuwal at sosyo-kultural ng mga mag-
aaral. Ilan sa mga ko-kurikular na gawain ng mga pang-estadong unibersidad at kolehiyo ay
nahahati sa dalawang antas: (1) institusyonal at (2) rehiyonal. Naging kaugalian na sa mga
unibersidad at kolehiyo na magsagawa ng mga institusyonal na programa at patimpalak
na nagiging kapaki-pakinabang upang kanilang maihanda ang kanilang mga kalahok sa
daluyan
mas mataas pang larangan, ang rehiyonal na pakikilahok sa mga gawaing pampanitikan
at pangkultura na sasalamin sa mayamang wika at kultura ng mga Pilipino. Naipapakita
ang mga katutubong kasanayang pangwika at kultura sa mga institusyonal na programa
at paligsahan na kanilang naipamamalas sa mga rehiyonal na patimpalak. Kaya sa antas
rehiyonal, naipamamalas ang kros-kultural na perspektiba ng wika. Ang bawat kalahok
sa iba’t ibang institusyon ay may natatanging kulturang naipamamalas sa kanilang mga
sayaw, talumpati, tula, awit, at pagsulat sa Filipino na naglalarawan sa kung anong wika at
JOURNAL NG WIKANG FILIPINO
kultura ang dala-dala nila. Narito ang ilang ko-kurikular na gawain ng bawat unibersidad at
kolehiyo sa Rehiyon III.
Tomo XXIV, BLG. 1-2, 2018
35
36
Talahanayan 4
Mga Ko-kurikular na Gawaing Pangwika
Ang Programang Filipino ng mga Pang-estadong Unibersidad at Kolehiyo sa Rehiyon III: Batayang Pag-aaral Tungo sa Isang Akademikong Modelong Pangwika
Hindi matatawaran ang pagiging makabayan ng mga administrador, guro, at mga mag-
aaral sa mga unibersidad at kolehiyo ng Rehiyon III. Nagdaraos ang lahat ng Buwan ng
Wika, simbolo ng hindi pagkalimot sa Filipino bilang wikang pambansa. Sa kadahilanang
ang Sentro ng Wikang Filipino-Rehiyon III ay nakabase sa Tarlac State University, hindi
maiwasang may nasyonalismong epekto ang aktibong pagsulong ng sangay sa pambansang
wika. Ramdam ng buong rehiyon ang epekto kaya walang patid ang pagdiriwang ng buwan
ng wika sa bawat pang-estadong unibersidad at kolehiyo sa rehiyon.
Sa punto ng mga mag-aaral, madalang sa kanila ang nagkukusang sumali sa mga programa
at patimpalak pampanitikan at kultural. Malimit, napipilitan lamang sila dahil nahihiya sa
mga gurong naghihikayat sa kanila. Nangyayari ito sapagkat, ayon sa kanila, mahina ang
suporta ng administrasyon at ibang mga guro sa kanilang mga gawain, kalimitan ay kulang
ang kanilang panahon sa pag-eensayo, at walang partikular na sistema ng pagbibigay ng
gantimpala sa mga kalahok at mga nanalo. Sa ganitong mga sitwasyon, minamabuti na lang
nilang huwag sumali upang hindi rin naman maperhuwisyo ang kanilang pag-aaral. Ang
ilan naman ay natutuwa sa pagsali sa ganitong mga gawain sapagkat maliban sa kanilang
mga personal na kadahilanan, ang mga unibersidad na ito katulad ng TSU ay nagbibigay ng
allowance sa mga kalahok hindi lamang sa mga mag-aaral kundi pati na rin sa mga gurong
daluyan
tagapagsanay. Sapagkat magkakaiba ang pananaw at pagpapahalaga ng mga mag-aaral
sa mga gawaing ko-kurikular, marapat na himukin ang mga ito at tulungang hagilapin sa
kanila ang pagpapahalaga ng kanilang panitikan at kultura sa pamamagitan ng pagbibigay
ng sapat na suporta at sistemang gantimpala na nakadisenyo sa mga kalahok at nananalo.
Sa ganitong paraan, mahihikayat ang mga mag-aaral na makibahagi sa mga patimpalak
pampanitikan na sumasalamin ng kanilang kultura at tunay na pagka-Pilipino.
JOURNAL NG WIKANG FILIPINO
37
38
Talahanayan 5
Mga Pang-institusyong Gawain at Antas ng Gamit ng Wikang Filipino
Ang Programang Filipino ng mga Pang-estadong Unibersidad at Kolehiyo sa Rehiyon III: Batayang Pag-aaral Tungo sa Isang Akademikong Modelong Pangwika
Naipamalas sa resulta ng pag-aaral na mas gamitin ang wikang Filipino sa paraang pasalita
kaysa pasulat. Ang mga programang nangangailangan ng komunikasyong pasalita ay
nagtamo ng matataas na bahagdan na malayong-malayo sa mga komunikasyong pasulat.
Marahil sanhi ito ng tipikal na katangian ng isang wika sa Pilipinas na malimit pasalita
ang paraan kaysa pasulat. Pagnilay-nilayan ang ibang wika tulad ng Iluko, Kapampangan,
Pangasinense, Zambal, Visayan, Bikol, Waray, at iba pa na mas ginagamit sa paraang pasalita
kaysa pasulat. Dagdag pa rito ang hindi nila pagkatutong magsulat sa unang wika. Maaari
din namang sanhi ito ng pagiging mas gamitin ang wikang Filipino sa komunikasyong
pasalita kaysa pasulat. Ngunit ang wikang Filipino ay wikang pambansa, wikang opisyal,
isang asignatura at disiplina na dapat pagyamanin, kaya nararapat na magkaroon
ng katanggap-tanggap na antas ng gamit sa paraang pasulat. Kaya sa kasalukuyang
akademikong sitwasyon ng paggamit ng Filipino sa buong rehiyon, masasabing hindi pa
ganap ang elaborasyon ng wikang Filipino sa akademikong konteksto.
daluyan
Tomo XXIV, BLG. 1-2, 2018
JOURNAL NG WIKANG FILIPINO
39
40
1. Pagpaplano
Mula sa tipikal na ayos ng pagpaplano, isang alternatibong pagpaplano ang magaganap
–mula sa ibaba pataas–isang pagbabago sa sistema ng pagpaplano. Magsisimula ang
pagpaplano sa pamamagitan ng pagsusuri sa mga pangangailangan ng mga mag-aaral ng
bawat pang-estadong institusyon upang malaman kung ano ang nalalaman at nararanasang
kasanayan nila sa wika at kung ano pa ang kailangan nilang malaman at maranasan pa. Ito ay
malalaman lamang ng mga guro sa pamamagitan ng isang masusing pag-aaral at pagsusuri
Ang Programang Filipino ng mga Pang-estadong Unibersidad at Kolehiyo sa Rehiyon III: Batayang Pag-aaral Tungo sa Isang Akademikong Modelong Pangwika
a. Instruksiyon
Ang antas ng talakayan sa programang ito ay ayon sa mga asignaturang napapaloob sa
Kurikulum ng Programang Pangkolehiyo lamang. Subalit, kahit hindi nakaangkas ang ibang
programang pandisiplina sa Filipino sa batsilyer at gradwadong antas, maaari din namang
gawing basehan ang mga kurikular na gawain sa mga mas mataas pang pag-aaral sa Filipino.
Upang mabigyan ng makabagong instruksiyon ang mga mag-aaral sa iba’t ibang larangan,
narito ang mga panuntunang marapat maisagawa. Ang mga panuntunang hindi
nakapaloob sa bahaging ito ay maaari din namang maisagawa nang may pagsasaalang-
alang sa mga patakarang nauna nang nailatag ng Komisyon sa Lalong Mataas na Edukasyon.
Talahanayan 6
Panuntunan sa Instruksiyon
daluyan
Tomo XXIV, BLG. 1-2, 2018
JOURNAL NG WIKANG FILIPINO
41
42
b. Pananaliksik
Tunguhin ng modelong ito na makilala ang Filipino bilang isang opisyal na wika at paksa
ng pananaliksik sa lahat ng pang-estadong institusyon. Mapapansin ang kakulangan ng
mga reperensiyang artikulo, tesis, at disertasyon para sa mga mag-aaral na nasa batsilyer
at gradwadong antas. Ingles ang wikang kinikilala sa pananaliksik at masusumpungan
lamang ang Filipino sa mangilan-ngilang pag-aaral sa pagpapakadalubhasa sa Filipino, at
alternatibong wika naman ito sa mga pananaliksik sa kasaysayan at sikolohiya. Maaaring
Ang Programang Filipino ng mga Pang-estadong Unibersidad at Kolehiyo sa Rehiyon III: Batayang Pag-aaral Tungo sa Isang Akademikong Modelong Pangwika
isaalang-alang ang sumusunod upang maging kaaya-aya ang pananaliksik gamit ang
wikang pambansa:
Talahanayan 7
Panuntunan sa Pananaliksik
c. Ekstensiyon
Nakapokus ang mga programa ng ekstensiyon sa pagbibigay impormasyon at pagtulong
sa mga mamamayan sa labas ng unibersidad o kolehiyo. Dapat umiiral ang wikang Filipino
at bernakular sa pagsasagawa ng mga programang pangkomunidad gaya ng seminar-
worksyap at pagsasanay, implementasyon ng mga proyektong ekstensiyon, maging
sa pagpapalaganap ng mga bagong tuklas na karunungan sa siyensiya at teknolohiya,
at resulta ng pag-aaral ssa agham panlipunan at mataas na edukasyon. Dagdag pa rito,
marapat na makagawa ang opisina ng ekstensiyon ng mga brochure, pahayagan, magasin
o journal na nakasulat sa Filipino upang maipamudmod para mas madali at mabisa ang
paghahatid ng impormasyon sa mga mamamayan sa komunidad. Sa pamamagitan nito,
higit na mapaiigting o mapalalaganap ang programang ekstensiyon ng bawat pang-
estadong unibersidad at kolehiyo sa rehiyon.
d. Produksiyon
Naipababatid nang husto ang mga bunga ng pag-aaral at bagong teknolohiya sa
pamamagitan ng wikang Filipino. Sa mga ordinaryong mamamayan, higit itong epektibo
sa pag-aanunsiyo ng mga ibinebentang produktong nalikha ng institusyon. Tulad sa
ekstensiyon, lalong matagumpay ang tunguhin ng programa kung makagagawa ng mga
pamplet, brosyur, pahayagan, magasin, o journal na nakasulat sa wikang Filipino.
e. Ko-kurikular o Ekstra-kurikular
Ang sumusunod na talahanayan ay kinapapalooban ng mga gawaing maaaring isagawa
upang higit na mapaigting ang pagpapahalaga sa wika at kultura. Ilan lamang ang mga
ito sa mga gawaing dapat isaalang-alang upang makomplemento ang kurikulum. Magiging
daan ito upang lalong mahasa ang kasanayang pangwika ng mga mag-aaral at mapaigting
din sa diwa ng bawat isa ang pagpapahalaga sa wika at kultura.
Talahanayan 8
Mga Gawaing Ko-kurikular o Ekstra-kurikular
daluyan
Tomo XXIV, BLG. 1-2, 2018
JOURNAL NG WIKANG FILIPINO
43
44
3. Konsultasyon at Diseminasyon
Pangatlong yugto ng mungkahing modelong pangwika ang konsultasyon at diseminasyon.
Mauuna nga lamang na maisasagawa ang konsultasyon sa mga nabalangkas na programang
pangwika bago ang tuluyang diseminasyon nito. Marapat na magkaroon ng paghihimay sa
mga napapaloob na mga gawaing pangwika at mailahad ito sa mga administrador, eksperto,
guro, at mag-aaral sa antas institusyonal bago ito mailahad sa antas rehiyonal at nasyonal,
kung kinakailangan. Anumang mungkahing maibigay ng mga sangkot sa konsultasyon ay
Ang Programang Filipino ng mga Pang-estadong Unibersidad at Kolehiyo sa Rehiyon III: Batayang Pag-aaral Tungo sa Isang Akademikong Modelong Pangwika
4. Implementasyon
Isa ring pangunahing gawain ang implementasyon ng mga patakaran. Bigyang-pansin
ang pagpapatupad dahil walang tiyak na kaganapan ng mga plano at programa kung
hindi ito maisasagawa nang maayos. Subalit, hindi lamang dapat implementasyon ang
hangganan nito. Nangangailangan ito ng sapat na pondo upang maisakatuparan ang
lahat ng gawain. Ang pondo ang kalimitang suliranin sa kaganapan ng mga tunguhin at
gawain ng isang programa subalit hindi ito magiging balakid kung lubos ang suporta ng
mga administrador sa programang Filipino. Ang kanilang suporta ay masusumpungan
sa kanilang pag-aproba sa mga gawain at pagbibigay ng pondo. Kapag ang mga guro ay
nagnanais magsagawa ng pananaliksik patungkol sa wika, maglabas ng journal sa Filipino,
magsagawa ng mga paligsahan, magdaos ng mga seminar patungkol sa wikang Filipino
at pagtuturo nito o iba pang gawaing nangangailangan ng pondo, hindi maikakaila na
ang pondo ang nagbibigay kaganapan sa anumang tunguhin at gawain ng mga gurong
tagapagsulong ng wikang Filipino.
Ang resulta ng ebalwasyon ang siyang magsasabi kung anong uri ng gawain ang dapat
maisagawa sa pagpapatuloy ng programa. Kung naging maganda ang kinalabasan ng
ebalwasyon, marapat na paigtingin, palakasin at lalong pagyamanin. Subalit kung may mga
kahinaan man ang programa, nangangailangan ito ng muling pagpaplano at pagsasaayos
ng mga patakaran at gawain. Tunguhin ng ebalwasyon na alamin ang kahalagahan ng
akademikong programang pangwika. Nagsisilbi itong batayan sa pagdedesisyon at
pagpapaunlad ng programa sa hinaharap.
Kongklusyon at Rekomendasyon
Ang tunay na kaganapan ng kurikulum sa Filipino maging ang mga gawaing ko-kurikular
ay nakasalalay sa bisang taglay ng mga patakarang naipatutupad sa nasyonal, rehiyonal,
at higit sa lahat sa institusyonal na konteksto. Hindi pa ganap na naaabot ang tunay na
tunguhin o lawak ng programa sa Filipino lalo na at walang pormal, tiyak, at malinaw na
pagpaplanong pangwika sa bawat pang-estadong unibersidad at kolehiyo sa rehiyon. Sa
patuloy na pagbuo ng mga bagong kaisipan sa konteksto ng kurikulum nang may mataas
na pagpapahalaga sa wika at kultura, mabibigyang-saysay ang tunay na kaganapan
ng wikang Filipino sa isang akademikong aspekto. Kaya, ang pag-aaral ng wika ay hindi
dapat nakahiwalay sa pagpapahalaga sa kultura at sa paglalalapat sa tunay na gamit ng
wika. Samakatwid, nangangailangan ang kurikulum ng mga gawaing magbibigay-diwa o
kaganapan nito – ang ko-kurikular na aspekto ng pag-aaral ng wika at kultura.
Upang magkaroon ng koneksiyon ang bawat punto ng layunin, ang isang mungkahing
daluyan
akademikong modelong pangwika ay marapat na nakaangkla sa mga simulaing gumagabay
o nakapokus sa pagkakabuo nito. Mula sa deskriptibong pagpaplano at pagbuo ng
mga patakarang pangwika sa apat na tunguhin at iba pang programa ng mga pang-
estadong institusyon hanggang sa isang masikhay na diseminasyon, implementasyon, at
ebalwasyon nito, mapagtitibay ang malaking pagpapahalaga sa pagpapaunlad ng wikang
Filipino. Walang mga modelo at patakaran ang makapagtutuldok sa patuloy na pag-aaral at
pagsasakatuparan ng mga programang pangwika.
JOURNAL NG WIKANG FILIPINO
wika, marapat na isaalang-alang ang kinalabasan ng pag-aaral na ito. Ito ang magiging
basehan sa patuloy na paglinang at pagsasaayos ng mga nasumpungang kakulangan
45
46
ng programang Filipino. Dahil ang pag-aaral ay limitado lamang sa Rehiyon III, maaaring
magsagawa ng masusing pag-aaral sa programang Filipino sa iba’t ibang rehiyon ng
bansa upang mapagtagpi-tagpi ang resulta at magkaroon ng kabuuang paglalarawan
sa programang Filipino. Sa paraang ito, magkakaroon ng isang malawakang pagsusuri,
pagsasaayos, at pagpapaigting sa wika at kultura.
Ang Programang Filipino ng mga Pang-estadong Unibersidad at Kolehiyo sa Rehiyon III: Batayang Pag-aaral Tungo sa Isang Akademikong Modelong Pangwika
MGA SANGGUNIAN
Abad, Melania L. “Panimulang Pagsusuri sa Patakarang Gonzalez, Andrew B. “Evaluating Bilingual Education in
Pangwika ng Unibersidad ng Pilipinas.” Filipino at the Philippines: Towards a Multidimensional Model
Pagpaplanong Pangwika: Ikalawang Sourcebook of Evaluation in Language Planning.” Readings in
ng SangFil. Ed. Pamela C. Constantino. Lungsod Philippine Sociolinguistics, Pangalawang Edisyon.
Quezon: Sentro ng Wikang Filipino – UP Diliman Ed. Ma. Lourdes S. Bautista Manila: De La Salle
at Pambansang Komisyon para sa Kultura at mga University Press, 1996. 327-340. Limbag.
Sining, 2005 189-196. Limbag.
--- “Pagpaplanong Pangwika at Intelektuwalisasyon.”
Bell, Roger T. Translation and Translating: Theory and Filipino at Pagpaplanong Pangwika: Ikalawang
Practice. UK: Longman Group, 1991. 23-5. Limbag. Sourcebook ng SangFil. Isinalin ni Dr. Pamela C.
Constantino (Ed.) Lungsod Quezon: Sentro ng
Bobbit, John Franklin. The Curriculum. Boston, USA: Wikang Filipino – UP Diliman at Pambansang
Allyn & Bacon, Inc., 1918. Limbag. Komisyon para sa Kultura at mga Sining, 2005.
232-243. Limbag.
Brown, James Dean. Elements of Language Curriculum:
A Systemic Approach to Program Development. Jocson, Schedar D. “Ang Kahalagahan ng Palisi’t
Boston: Heinle and Heinle Publishers, 1995. Institusyon sa Pagpapayaman ng Wikang Filipino
Limbag. Bilang Wika ng Pananaliksik: Panayam kay Dr.
Sergio S. Cao.” Daluyan: Journal ng Wikang
Calmorin, Laurentina P. Educational Research Filipino, Vol. 19 No. 1, 2013. 73-95.108-18. http://
Measurement and Evaluation, Second Edition. www.journals.upd.edu.ph/index.php/djwf/
Manila: National Book Store, 1994. 26. Limbag. article/view/3677/3385. Web. Inakses noong 15
September 2018.
Constantino, Pamela C. “Riserts at Iskolarship sa
Pagpaplanong Pangwika: Adyenda sa Bagong Liwanag, Lydia B. “Pagpaplanong Pangwika sa
Milenyum.” Sa Filipino at Pagpaplanong Pangwika: Edukasyon: Karanasan ng Filipinas, Singapore, at
Ikalawang Sourcebook ng SangFil. Lungsod Hong Kong.” Filipino at Pagpaplanong Pangwika:
Quezon: Sentro ng Wikang Filipino – UP Diliman Ikalawang Sourcebook ng SangFil. Ed. Pamela C.
at Pambansang Komisyon para sa Kultura at mga Constantino. Lungsod Quezon: Sentro ng Wikang
Sining, 2005. 23-29. Limbag. Filipino – UP Diliman at Pambansang Komisyon
para sa Kultura at mga Sining, 2005. 42-51.
--- “Ang Filipino sa Binagong Kurikulum sa Sekundarya Limbag.
at Tersiyarya at ang Tunguhin ng Edukasyong
Filipino” Filipino at Pagpaplanong Pangwika: Magracia, Emma B. “Pamamahala at Patakaran sa
Ikalawang Sourcebook ng SangFil. Ed. Constantino, Filipino ng Mindanao State University: Filipino
Pamela C. Lungsod Quezon: Sentro ng Wikang bilang Kurikular na Pangangailangan.” Filipino at
Filipino – UP Diliman at Pambansang Komisyon Pagpaplanong Pangwika: Ikalawang Sourcebook
para sa Kultura at mga Sining, 2005. 168-173. ng SangFil. Ed. Pamela C. Constantino. Lungsod
Limbag. Quezon: Sentro ng Wikang Filipino – UP Diliman
at Pambansang Komisyon para sa Kultura at mga
Fishman, Joshua A. Advances in Language Planning. Sining, 2005. 175-178. Limbag.
The Netherlands: Mouton & Co. N. V., The Hague,
1974. 80-81. Limbag.
Pineda, Ponciano B. P. “Pagpaplano ng Wika Ukol sa Talegon, Vivencio Jr. M. “Tungo sa Pagbuo ng Patakaran
Pambansang Pagsulong.” Readings in Philippine at Programa sa Wika para sa University of Asia and
Sociolinguistics, Pangalawang Edisyon. Ed. Ma. the Pacific.” Filipino at Pagpaplanong Pangwika:
Lourdes S. Bautista. Manila: De La Salle University Ikalawang Sourcebook ng SangFil. Ed. Pamela C.
Press, 1996. 254-268. Limbag. Constantino. Lungsod Quezon: Sentro ng Wikang
Filipino – UP Diliman at Pambansang Komisyon
Richards, Jack C. Curriculum Development in Language para sa Kultura at mga Sining, 2005. 197-206.
Teaching. Cambridge: Cambridge University Press, Limbag.
2001. Limbag.
Tarun, Jaine Z. (2005). “Pagpaplanong Pangwika
Rio-Apigo, Ma. Victoria. “Ang Politeknikong Unibersidad para sa Pambanasang Wika ng Isabela State
ng Pilipinas Bilang Aktibong Tagapagsulong University.” Filipino at Pagpaplanong Pangwika:
ng Wikang Filipino.” Filipino at Pagpaplanong Ikalawang Sourcebook ng SangFil. Ed. Pamela C.
Pangwika: Ikalawang Sourcebook ng SangFil. Ed. Constantino. Lungsod Quezon: Sentro ng Wikang
Pamela C. Constantino. Lungsod Quezon: Sentro Filipino – UP Diliman at Pambansang Komisyon
ng Wikang Filipino – UP Diliman at Pambansang para sa Kultura at mga Sining, 2005. 207-218.
Komisyon para sa Kultura at mga Sining, 2005. Limbag.
179-188. Limbag.
Viray, Eunice T. “Pagpaplanong Pangwika sa Palawan
Rodgers, Theodore S. From Syllabus Design to State University.” Filipino at Pagpaplanong
Curriculum Design. USA: University of Hawaii, Pangwika: Ikalawang Sourcebook ng SangFil. Ed.
Oahu, Hawaii, 1989. Limbag. Pamela C. Constantino. Lungsod Quezon: Sentro
ng Wikang Filipino – UP Diliman at Pambansang
Komisyon para sa Kultura at mga Sining, 2005.
219-223. Limbag.
daluyan
Tomo XXIV, BLG. 1-2, 2018
JOURNAL NG WIKANG FILIPINO
47
48
Saysay ng Kasanayan:
Pagbuo ng identidad sa arnis o eskrima
REGINALDO D. CRUZ
Nagtuturo sa Departamento ng Antropolohiya, Kolehiyo ng
Agham Panlipunan at Pilosopiya, Unibersidad ng Pilipinas-
Diliman. Pangunahing interes ay biswal na wika, tradisyonal
na sining at musika.
ABSTRAK ABSTRACT
Ang akdang ito ay magbibigay ng maiksing This article will give a brief description of the art
paglalarawan sa sining ng arnis o eskrima na of arnis or eskrima, also known as Filipino Martial
kilala rin sa tawag na Filipino Martial Arts o Arts or FMA which is currently being practiced in
FMA na kasalukuyang ineensayo na rin sa iba’t different parts of the world like the United States
ibang bahagi ng mundo tulad sa Estados Unidos of America and Europe. Arnis practitioners learn
at Europa. Nauunang natututunan ng isang how to use weapons first, such as an arnis
arnisador ang paggamit ng baston o sandata stick before being taught how to use those
bago maturuan kung paano gamitin ang mga movements for the “empty hands techniques” or
natutuhang galaw sa tinatawag na “empty hands the way to defending one’s self without the use
techniques” o ang pamamaraan ng pagtatanggol of weapon such as an arnis stick.
sa sarili kung saan hindi gagamit ng anumang
sandata tulad ng baston. Based from the author’s experience in learning
arnis, the paper will show the concepts that
Saysay ng Kasanayan: Pagbuo ng identidad sa arnis o eskrima
Hango sa karanasan ng may-akda sa sistema mold the movements of the body and the
ng arnis o eskrimang natutuhan, ipapakita sa manipulation of the weapons. Emphasis will be
papel na ito ang mga pangunahing konseptong given on an arnis or eskrima system that is based
humuhubog sa galaw ng katawan at sa on bladed weapons such as an itak, also known as
pagmanipula sa sandata na siyang pangunahing “blade-based” or “blade art.”
nagbibigay-saysay sa kasanayan, o identidad
bilang arnisador. Bibigyang-diin sa papel ang In particular, the article will discuss the (a)
sistema ng eskrima o arnis na nakabatay sa classificaton of arnis, (b) story of how the author
sandatang may talim tulad ng itak na tinatawag learned to use the itak or sword (c) angles of
ding “blade-based” o “blade art.” striking and footwork, (d) quality and description
of the itak or sword and the “proper” way to use
Partikular na tatalakayin sa akda ang (a) it, (e) how to use the art of arnis even if you don’t
klasipikasyon ng arnis, (b) salaysay ng have sticks or sword, and (f) conceptualizing
pagsasanay sa paggamit ng itak, (c) anggulo ng about identity as an arnisador in a specific system
pagtaga at paghakbang o footwork, (d) katangian using the topics that was mentioned above.
ng itak at ang pamamaraan ng paggamit nito,
(e) pamamaraan kung walang baston, at (f) ang Keywords: arnis, eskrima, Filipino Martial Arts
pagdadalumat sa mga nabanggit upang ipakita (FMA), identity, skills
ang pagbibigay saysay sa kasanayan ng pagiging
arnisador, o pagbuo ng identidad, batay sa isang
espesipikong estilo o sistema ng arnis.
PANIMULA
Arnis, eskrima, o kali
Ang arnis, eskrima, o kaya naman ay ang katagang kali na madalas na ring gamitin sa ating
bansa, ay ang masasabing pinakakilala sa tinatawag na Filipino Martial Arts (FMA) na
nakikitang gumagamit ng baston, yantok o tinatawag din mismong arnis na kadalasan ay
may habang nasa humigit kumulang na dalawampu’t walong (28”) pulgada. Kilala rin ang
arnis sa paggamit ng dalawang mahabang baston (tinatawag ding doble baston at kung
minsan ay sinawali) bagamat maaari din namang gumamit ng isang mahaba at maiksing
sandata (tinawag ding espada y’ daga) na makikita sa larawan sa ibaba.
daluyan
Larawan 1. Ilan sa iba’t ibang posibleng sandatang gamit sa ensayo ng arnis. Mula sa itaas ang mga pares ng sandata ay ang
sumusunod: (a) doble baston (b) mahaba at maiksing baston, kapalit ng itak at maiksing patalim o mas kilala sa espada y daga
(c) tulad ng kombinasyon ng espada y daga bagamat matigas na kahoy na kamagong ang gamit at kapwa palapad ang mga hu-
gis na mas nahahawig sa itak at patalim na may malapad at manipis na bahagi (d) ang nasa itaas ay tunay na itak na may talim
samantalang ang pinakailalim ay gawa sa aluminum na hugis ng barong na kilalang gamit sa arkipelago ng Sulu at Basilan
JOURNAL NG WIKANG FILIPINO
Bagamat mas kilala sa paggamit ng sandata tulad ng baston at iba pang sandatang may
talim tulad ng itak, marami ring sistema ng arnis ang may pamamaraan ng pakikipaglaban
Tomo XXIV, BLG. 1-2, 2018
na hindi gumagamit ng sandata tulad ng paggamit ng kamay lamang kung walang baston,
pagsipa, pag-itsa sa kalaban, at maging pa-ipit sa leeg o choking. Kadalasang itinuturo ito
kapag ang manlalaro ay may sapat nang kasanayan sa paggamit ng sandata (Jocano 15).
49
50
Sa katawan ng akda ay makikita ang ilan naman sa mga posibleng paraan ng pagkaklasipika
ng arnis gayundin ang ilan sa sinasabing pagkakaiba ng pagpapangalan. Samantala,
sa akdang ito ay tinitingnan ang arnis, eskrima, at kali bilang iba’t ibang katawagan sa
masasabing iisang sining lamang na maraming baryasyong makikita sa iba’t ibang sistema
at estilo ng arnis. Kaya naman para sa akdang ito ay gagamitin ang katagang arnis, para sa
ating pambansang laro at martial art (RP), upang mapadali ang pagsusulat gayundin para
sa pagbabasa ng akda.
Para talakayin kung ano ang pagtutuunan ng pansin ng akda tungkol sa arnis, tingnan ang
layunin ng kasalukuyang pag-aaral at balangkas na gagamitin upang matahi ang piniling
aspektong ilarawan sa sining ng pakikipaglaban at pananandata ng ating mga ninuno.
Partikular na tatalakayin sa akda ang (a) klasipikasyon ng arnis, (b) salaysay na pagsasanay
sa paggamit ng itak, (c) mga anggulo ng pagtaga at paghakbang (footwork) sa arnis, (d)
katangian ng itak at ang pamamaraan ng paggamit nito, (e) paggamit sa sining ng arnis
kung walang baston o itak, at (f) pagdadalumat sa mga nabanggit upang ipakita ang
pagbibigay saysay sa kasanayan ng pagiging arnisador, o pagbuo ng identidad, base sa
isang espesipikong estilo o sistema ng arnis. Bilang eksploratoryong pagdadalumat ay
gagamitin ang balangkas mula sa larawan 2:
Saysay ng Kasanayan: Pagbuo ng identidad sa arnis o eskrima
Larawan 2. Balangkas sa pag-aaral upang ipakita ang saysay ng pagiging isang arnisador (base sa espesipikong estilo o siste-
mang) mula sa pagkakaroon ng kasanayan.
Hindi lamang isang pisikal na aktibidad ang pagsasanay, bagkus ito ay panahon din ng
pakikisalamuha, pakikipagkuwentuhan, pakikiramdaman sa pagkatao ng bawat isa.
Mapatitibay dito halimbawa ang mga nabubuong relasyon tulad ng relasyon bilang mag-
aaral at guro o ang tumatanggap ng kaalaman at tagapagbigay ng kaalaman. Ito rin ang
pagkakataon para ibahagi ang masasabing tila mga kuwentong-bayan ng grupo, mga
kuwentong nagpapatibay sa mga simbolong pinangangalagaan at pinahahalagahan. Sa
mga pagkakataong ito naibabahagi ang mga kuwento ng kagalingan at tagumpay, mga
paboritong galaw o teknik, ng kinikilalang tagapagtatag at maaari ding ng kasalukuyang
maestro. Napagtitibay din ng mga sandaling ito ang posibleng pagbabahagi ng mga
kuwentong hindi para sa lahat kundi para lamang sa mga kasapi ng grupo. Samakatuwid
ang pagsasanay ay hindi lamang para sa pisikal na galaw ng katawan bagkus ito ay ang
panahon o pagkakataon upang matutunan o makasanayan ang pagbibigay halaga sa mga
pinahahalagahan ng isang grupo ng estilo ng arnis.
Limitasyon ng pag-aaral
Magandang banggitin sa simula pa lamang na ang balangkas ay tumutugon sa pag-aaral
daluyan
ng isang sistema lamang. Paano gayon kung may ibang estilo o sistema ng arnis ang
kinabibilangan din ang isang nagsasanay? Dahil ito ay panimulang pagdadalumat pa lamang
gamit ang mga lokal na katagang “saysay” at “sanay” upang mas mailapit ang pagdadalumat
sa paksa ng kasanayan at identidad nating mga Filipino, hindi pa nito tutugunan ang
detalyadong pagpapaliwag ng interaksiyon ng sabay-sabay na magkakaibang identidad.
Ngunit, bilang panimulang tugon ay maaaring ihambing ito sa pagkatuto ng wika. Sa Pilipinas
halimbawa, marami ang may taglay na kaalaman o kakayahan sa iba’t ibang wika ng bansa,
JOURNAL NG WIKANG FILIPINO
subalit kapag ikaw ay nasa lugar na sinasalita ang naturang wika inaasahang mabigkas mo
ito ayon sa nakasanayan ng mga tagapagsalita. At tulad din ng wika, may masasabi pa ring
pagkakaiba-iba ng mga tagapagsalita ng iba’t ibang wika bagamat may pagkakaintindihan,
Tomo XXIV, BLG. 1-2, 2018
kahit papaano, sa kung tila nagiging tunog dayuhan na ba ang isang kababayan. Gayundin
sa galaw sa arnis, may mga katanggap-tanggap na pagkakaiba sa paraan ng paggalaw at
51
52
may tila ibang estilo (o wala pang kasanayan) ang isang gumagawa ng teknik. Binabanggit
ito upang hindi isipin ng mga mambabasa na may iisang magkamukhang-magkamukhang
mga galaw, tila mga robot, ng bawat kasaping may kasanayan sa isang sistema ng arnis.
Maaaring magkaroon din ng kaunting pagkakaiba dahil sa pagkakaiba-iba sa taas, laki ng
katawan, bilis ng kakayanang gumalaw at iba pang pagkakaiba-iba ng bawat manlalaro.
DATOS
Pinagbatayan ng datos
Ang pinagbatayan ng datos ay nanggaling sa pagsasanay sa isang sistema ng arnis o
eskrimang pinag-aralan ng may-akda. Hindi man sinimulan bilang pag-aaral na may layong
ianalisa o isulat para sa isang akademikong sulatin, masasabing base ito sa pakikiugaling
pagmamasid o participant-observation. Mas pagbabalik-tanaw at pagrerebyu sa ilang
personal videos (na maituturing na ring bahagi ng mga tala sa field o field notes sa
Saysay ng Kasanayan: Pagbuo ng identidad sa arnis o eskrima
etnograpiya kapag binabalikan ang mga naging karanasan sa field) ng mga ensayo gayon
din sa mga aklat na nailimbag tungkol sa nasabing sistema ang ginamit upang ianalisa ang
dati nang nakikita at naranasang pagbuo ng identidad mula sa pagsasanay sa arnis.
sistema. Samantala, para kina Nepangge at Macachor (80-81) ay may tatlong uri na base
naman sa pagturing sa ginagamit na baston: (1) una ay sistema kung saan itinuturing ang
53
54
arnis bilang “blade art,” ibig sabihin ay nirerepresenta ng baston ang sandatang may talim
tulad ng itak, (2) pangalawa, ang pagturing sa baston bilang sandatang pamalo na walang
talim o bilang “impact weapon,” (3) pangatlo, ang mataas na pagpapahalaga sa paggamit
ng kamay lamang na walang sandalata o “empty hands” na mahalaga para sa militar at
mga pulis. Ang klasipikasyon ng sistema ng arnis o eskrimang tatalakayin sa papel na ito
ay maihahalintulad sa unang binanggit nina Nepangue kung saan itinuturing ang baston
bilang sandatang may talim tulad ng itak.
mong ibangga sa talim… gamitin mo ang gilid ng itak,” madalas na paalala ng maestro sa
oryentasyon ng sandata. Mapapansin ding mas madalas na gamitin ang salitang “taga” sa
halip na “palo,” dagdag na rin ang mga katagang “saksak” at “tusok” na mas akma sa sandata
tulad ng itak. “’Pag taga mo sa taas… ‘pag taga mo sa ilalim…’pag taga sa iyo…,” ang madalas
na kasabay na sabi ng maestro habang nagpapalitan ng atake at depensa gamit ang
pang-ensayong itak (kahoy man o bakal). Ang regular na baston o ratan sa pag-eensayo
ay ginagamit din namang muli matapos makitang natutuhan na ang tamang paghawak
sa itak. May isang pagkakataon ngang napansin kong lumabas ang salitang “palo” nang
minsang baston ang aming gamit sa ensayo, “binigyan ka ng palo rito” bagamat bumalik ulit
sa taga, “tignan mo posisyon ng baston. Pag tinaga ka…,” siguro dahil nakasanayan na o kaya
naman ay dahil itak nga ang turing kahit baston pa ang gamitin.
Makikita sa larawan 3 ang mga anggulo ng atake/depensa na siya ring anggulo naman ng
mga galaw ng paa o paghakbang kung ang mga ito ay ilalapat sa sahig. Mas malaki ang
padahilis na linya dahil sa karamihan ng sistema ng arnis ay ito ang pangunahing anggulo
ng palo at galaw ng paa. Katunayan, madalas na makikita ang padahilis na anggulo sa mga
logo ng mga grupo ng arnis.
Samantala, sa ibang sistema naman ng arnis ay mas madalas gamitin ang tatsulok
sa Larawan 4 bilang batayan ng paggalaw ng paa o footwork, na isa rin sa ginagamit sa
sistemang base sa itak at tinatawag na “tatlong bao” (isiping may tatlong baong nakabaon
sa lupa na nakapormang tatsulok na maaari lamang galawan at tapakan ng paa).
PATAAS (pagtaga)
ABANTE (paghakbang)
PABABA (pagtaga)
PAATRAS (paghakbang)
Tomo XXIV, BLG. 1-2, 2018
Larawan 3. Mga anggulo ng pagtaga, gayundin sa paghakbang Larawan 4. Tatlong bao o tatsulok na tapakan
55
56
…In terms of fighting philosophy and strategy,.. does not condone “Lawhag” (wide)
daluyan
movements… stresses economy of movement, strategic positioning and use of the
weapon and centerline awareness…
Nagagawa ang pagposisyong ito gamit ang pagpihit ng katawan, sa halip na gamit lamang ang
braso, at detalyadong pag-anggulo at galaw ng mga paa sa halip na ang madalas na paggalaw
ng mga paa sa ibang sistema na base sa tatsulok (Diego and Ricketts 42). Pinatunayan ito ng
mismong tagapagtaguyod ng sistema sa kaniyang sinabing (Sulite 165):
JOURNAL NG WIKANG FILIPINO
Our attacks or defense have minimal angles or lead time. I always keep my weapon
in front of me with the tip always directed towards the opponent. A simple push or
Tomo XXIV, BLG. 1-2, 2018
forward movement will change my ready position into an offensive action. This is
economy of movement and practical strategy.
57
58
Ang mga nabanggit ay napansin din mula sa mga itinuro ng maestro. Dahil ang tuon ng
pansin ng akdang ito ay sa mga pangunahing galaw lamang, marapat lamang na ipaalala
na hindi lamang ang mga galaw o maging mismong mga teknik ang mahalaga para at
masabing naging bihasa ka, paalala ng isang maestro:
It must be noted, however, that the techniques themselves are not the secret to
mastering the art.... Rather, it is the combination of training methods, and fighting
concepts of enganyo (feinting maneuvers), prakcion (off-beat timing), cadena real
(linking the principal techniques), reloj de arena (hourglass shape concept), and
dakip-diwa (spontaneous action without conscious thought), which distinguish
the application of this art from others. (Galang 83- 84)
Bilang karagdagan, ang mga nabanggit kayang galaw ng katawan at mga teknik ay maaari
pang magamit kung sakaling walang baston o itak na hawak ang arnisador?
REKOMENDASYON
Isa sa hindi nabibigyang-pansin sa akademikong pagsusulat sa ating bansa ang Filipino
Martial Arts o FMA. Sa katunayan, mahirap pa ngang bigyan ng salin ang “martial arts” sa
daluyan
Filipino. Isa lamang itong simpleng ambag sa akdang tumatalakay sa ating pambansang
laro na arnis o eskrima.
ng martial arts.
Marami na ring pagbabago ang naganap at nagaganap sa sining ng arnis kaya’t maganda
Tomo XXIV, BLG. 1-2, 2018
59
60
Isa rin sa hindi naisama sa pag-aaral na ito na magandang pag-aralan ay ang pag-aanalisa
sa mga logo ng mga sistema ng eskrima. Mula sa mga salitang ginagamit hanggang sa mga
simbolong inilalagay at ang pagkakaayos ng mga simbolong napili ay interesanteng tingnan.
MGA SANGGUNIAN
Diego, Antonio at Christopher Ricketts. The secrets of Nepangue, Ned R. at Celestino C. Macachor. Cebuano
Kalis Ilustrisimo: The Filipino fighting art explained. eskrima: Beyond the Myth. Xlibris Corporation:
Boston Massachusetts: Tuttle Publishing, 1999. United States of America, 2007. Limbag.
Limbag.
Presas, Remy A. The practical art of eskrima. Quezon
Galang. Reynaldo S. Warrior arts of the Philippines. City: New Galaxie Lithographic Arts & Printing
Roseland, New Jersey: Arjee Enterprises, 2005. Press, 1994. Limbag.
Limbag.
Presas, Ernesto A. Arnis: Presas style and balisong.
Inosanto, Dan, Gilbert L. Johnson at George Foon. The Manila: E. A. Presas, 1996. Limbag.
Filipino Martial Arts as taught by Dan Inosanto.
Los Angeles, CA: Know Now Publishing Company, Republic of the Philippines (RP). Republic Act No.
1980. Limbag. 9850: An Act Declaring Arnis as National Martial
Art and Sport of the Philippines. 2009. https://
Jennings, George. Out of the labyrinth: The new Mexican www.officialgazette.gov.ph/2009 /12/11/republic-
martial arts riding the wave of Mexicanidad. act-no-9850/. 22 Setyembre, 2019.
Paper presented at the 3rd Martial Arts Studies
International Conference, Cardiff University, UK, Somera, Antonio E. The Secrets of Giron Arnis Escrima.
12 July 2017. https://chinesemartialstudies. Charles E. Tuttle Publishing. Rutland, Vermont and
com/2017/08/14/ seeking-identity-through- Tokyo, Japan, 1998. Limbag.
the-martial-arts-the-case-of-mexicanidad/. 30
Setyembre 2019. Sulite, Edgar. Masters of Arnis, Kali & Eskrima. Manila:
Socorro Publications, 1993. Nakalimbag.
Jocano, Felipe, Jr. Arnis: A Question of origins. Rapid
Journal 2 (1997): 15-17. Limbag.
Wiley, Mark. Filipino Martial Arts: Cabales Serrada
Saysay ng Kasanayan: Pagbuo ng identidad sa arnis o eskrima
ABSTRAK ABSTRACT
Kinokompara sa akda ang dalawang bersiyon ng This study compares two versions of the
novelty song na “May Pulis sa Ilalim ng Tulay” novelty song “May Pulis sa Ilalim ng Tulay”
mula sa unang bersiyon nito na inawit ng grupong (“There’s a Policeman Under the Bridge”) from
D’Big 3 Sullivans noong dekada ‘70 tungo sa its first version which have been sung by D’Big 3
ikalawang bersiyon nito na inawit ng People’s Sullivans, a novelty song group popular from the
Chorale noong Martial Law commemoration 1970s, to its second version sung by the People’s
2018 sa Luneta Park. Ang parehong awit ay Chorale last Martial Law commemoration 2018
binasa batay sa tatlong bahagi: ang tunog, at Luneta Park. Both songs were approached
ang lyrics at kahulugan, at ang ideolohiya. through three parts: the music/sound, the lyrics
Mula dito, natagpuan na ang unang bersiyon and its meaning, and the ideologies found in
daluyan
ay nagpapatuloy sa mahabang tradisyon ng the text. From here, the first song revealed that
mga popular na awit ng protesta noong dekada it harks back to the long tradition of resistance
‘70 na lumalaban sa isang pigura ng awtoridad to corrupt authorities from the popular songs
samantala, ang ikalawang bersiyon ay may of 1970s while the second version revealed
potensiyal na makapag-udyok sa tagapakinig potential in arousing the listener to move and
na lumikha ng aksiyon at magsulong ng advance social transformation. The study also
pagbabagong panlipunan. Tinutukoy din dito ang deals with the potential of popular music to be
potensiyal ng mga popular na awitin na maging nationalist in the process of transmogrification
JOURNAL NG WIKANG FILIPINO
61
62
Bilang paggunita sa Batas Militar noong Setyembre 21, 2018, inawit ng grupong People’s
Chorale ang kantang “Pusha Wag Tularan” (2018), isang adaptasyon ng novelty song na
“May Pulis, May Pulis sa Ilalim ng Tulay” ng D’Big 3 Sullivans (nasa vinyl album na May Puno,
dekada 70).
Ani Roman Marcial Gallego, isang guro sa kolehiyo na nanonood noong hapong iyon, “Di
ko gaanong marinig ang pagkanta dahil nasa dulo kami ng mga kasama ko, pero nang
pakinggan at unawain kong mabuti ang inaawit nila, natawa ako” (Gallego). Napansin
din niya na natawa ang mga kasama niya at ang mga tao sa paligid niya dahil may mga
nakabarikadang pulis sa paligid. Ang iba raw ay nagalit dahil “nag-alab ang galit sa di-
makataong gawa ng mga nasa kapangyarihan na pagsugpo ng ilegal na droga” (Gallego).
Bago ang pagtatanghal ng awiting ito sa Luneta, pinost ng LODI ang unang rekording ng
“Pusha Wag Tularan” sa kanilang Facebook page (fb.com/MagingLODI) noong 1 Setyembre
2018 na umani ng humigit-kumulang 4,300 views, 211 shares, at 124 likes. Ani isang nag-
share noong 12 Setyembre 2018, “Dumagundong sa tenga ko ang mensahe” (Jovel Tablate
Bulan). Samantala, ani Jimmie Jaz, isang user na nag-share sa kaniyang public account
noong 18 Setyembre 2018, ikinuwento niya na noong dekada 70, inawit ang orihinal na
lyrics ng kanta upang pagtawanan ang mga pulis. Dagdag niya, “Even before policemen
were not respected. Now they are feared and hated as well” (Jimmie Jaz). May tatlong
nag-share sa kanilang public account (Pistong Melliza, 8 Setyembre 2018; Nieky Quitain,
3 Setyembre 2018; at Pamúghaton, 20 Setyembre 2018) na sinisipi o referens ang huling
linya ng awit: “Nanlaban ang bayan laban sa panunukhang ng pulis na inutos ng adik sa
loob ng Malacañang.”
Nilikha ang awitin bilang suporta sa mga pamilyang nabiktima ng tokhang na magsasampa
ng reklamo sa International Criminal Court. Sa kasalukuyang estado ng rehimen ni Pangulong
Duterte, pinapaslang ang maraming tinedyer at binata sa gana ng kaniyang kampanyang “war
on drugs.” Ayon sa tala ng Philippine Drug Enforcement Agency, 5,050 na ang napaslang mula
Hulyo 2016 hanggang Nobyembre 2018 sa loob ng 115,453 drug operations samantalang
164,265 naman ang nahuli dahil sa ipinagbabawal na droga (Tomacruz). Taliwas naman ito sa
tala ng human rights groups na mayroon umanong 20,000 tao ang napaslang sa rehimeng
Duterte kung isasama ang mga vigilante killing (Tomacruz).
at kilalang eksperto sa larong Defense of the Ancients 2, ay binaril umano ng mga pulis
sa isang engkuwentro, marunong sumakay sa motorsiklo kahit pinabulaanan ng kaniyang
nanay, nagmamay-ari umano ng .45 kalibreng pistol at narkotiko, at napagkamalang isang
Tomo XXIV, BLG. 1-2, 2018
magnanakaw dahil sa tattoo ng “Queen of Pain” sa kaniyang mga bisig (Maglinong). Apat
lamang sila sa mas mahaba pang listahan ng mga pinaslang sa loob ng tatlong taong
63
64
Sa isa pang pagkakataon, pinulis muli ni PNP Chief Albayalde ang rap artist na si Shanti
Dope sa kaniyang awit na “Amatz” dahil pinapalaganap daw nito ang paggamit ng marijuana
Ang Pulis at Pushang sa Ilalim ng Tulay: Komparatibong Pagbasa sa Dalawang Popular na Awit
(ABS-CBN News). Kinukuwestiyon at pinupuna ni PDEA Director General Aaron Aquino ang
linya ng kanta ni Shanti Dope: “Lakas ng amats ko, sobrang natural, walang halong kemikal”
(ABS-CBN News). Ngunit pinabulaanan ito ng Concerned Artists of the Philippines, na
mas lumalala pa ang problema sa droga dahil sa giyerang sinimulan ni Duterte. Anila, “As
long as the chief purveyors of illegal drugs remain, so will the culture of drug use and the
social illness of addiction—and cultural expressions like music are mere reflections of this”
(ABS-CBN News). Palasak ngayon ang pagiging kritiko ng PNP o PDEA sa mga kultural na
artefak ng kasalukuyang panahon. Subalit hindi natutugunan ng mga ganitong sensura
ang namamayaning problema sa ilegal na droga sa ating bayan. Kung papansinin ang mga
pahayag ng Dangerous Drugs Board at ni Pangulong Duterte makikita na halos 334% ang
itinaas sa bilang ng mga gumagamit ng ipinagbabawal na gamot mula 2015 hanggang
2018 (Punongbayan).
Ang mga awit ay isang lunan ng malikhaing pakikibaka noong dekada 70. Ipinakikita na
sa mga awit, naipapahayag ang saloobin at damdamin ng mga uring naaapi sa lipunan.
May pahiwatig na sa pagsesensura ng kasalukuyang administrasyon sa mga awit o palabas
ay nagiging problematiko para sa mga nasa kapangyarihan ang malayang pamamahayag.
Nakaugat dito ang awtoritaryong pangongontrol ng mga kalagayan ng lipunan sa mga awit
at panulat na inilalabas ng mga artista. Nagiging lunan ang iba’t ibang uri ng awit upang
maipahayag ang nangyayari sa realidad ng lipunan. Ang mga awit ng protesta ang mga
umuusbong na uri ng pamamahayag na hindi ikinukulong ang nakikinig sa pagsasawalang-
bahala ng mga problema ng lipunan. Sa panahon ng Bagong Lipunan, ang defamiliarisasyon
ng mga awit ng protesta sa mga nakasanayang uri ng awitin noon na inisponsor ng estado
ay pagsagka sa mga “katotohanang” ipinalalaganap ng administrasyong Marcos (Gimenez-
Maceda 34). Naipapasok ang politika sa loob ng mga awit ng protesta at naipapahayag dito
ang mas tunay na pangangailangan ng mga nakikinig dito upang maitawid ang mensahe
ng pagbabagong-lipunan (Gimenez-Maceda 35).
paniniwalang ito, at ang pakikibakang ito na nakapaloob sa anyo ng awit ay isa mismong
mapagpalaya at alternatibong praktika ng pag-impluwensiya sa kaisipan ng mga nakikinig
65
66
nito. Kung tutuusin, mula sa likod, doon sa mga tagong bagay na hindi naririnig, iniharap o
inilalagay sa harapan ang mga boses na dapat madinig muli.
Laging may nalilikhang panibagong kahulugan ang mga awit at sa ganang ito, maaaring
maglunsad ng transpormasyon/improbisasyon o estandardisasyon (Mirano 153). Sa
konteksto ng awit, may kumbensiyon ang musika na dapat ay sinusunod ang isang piyesa
batay sa kung ano ang nasa mga pahina nito at mayroon din namang naniniwala na dapat
ay makalikha ng improbisasyon ang umaawit batay sa kalayaan niyang magparamdam at
maglahad ng kung ano ang kaniyang natagpuan sa proseso ng paglikha, maaaring isang
idea, isang mensahe, isang pakiwari, isang pakiramdam, o isang adbokasi. Pangunahin din
sa mga awitin ang “persona” na tulad ng sa tula ay siyang pangunahing “nagpapakilos sa
naratibo ng liriks” (Umil). Sa pagbasa ni Abet Umil, isang iskolar ng awiting bayan, ukol sa
apat na himnong musikang pop at awit sa kilos-protesta, iginiit niya ang kahalagahan ng
Ang Pulis at Pushang sa Ilalim ng Tulay: Komparatibong Pagbasa sa Dalawang Popular na Awit
persona na,
Sa kaniyang paglalatag ng relasyon ng sining sa lipunan, may ilang mga bagay ang dapat
isaalang-alang tulad ng pagpapadinig sa mga hindi nasasabi (unsaid) sa ibabaw ng isang
teksto, pagboboses sa mga ikinukubli (hidden) ng namamayaning kaayusan o komposisyon
ng isang akda o obra, at pagtukoy sa mga butas (gaps) o bitak (fissure) sa hibla ng kahulugan
(Guillermo 2). Sapagkat ang mga teksto’y umiiral maski sa kung ano ang hindi naririnig, ang
nasa di-malay (unconscious) ay nagluluwal ng mga kontradiksiyon ng mga imahinaryong
relasyon ng mga pahiwatig at mga bagay na nabubuo sa loob ng isang likhang-sining
(Guillermo 2).
Ganito ko nais simulan ang pagbasa sa musika. Ang awit bilang isang anyo ay nakaugat
na mismo sa ating kultura. Nariyan ang Florante at Laura ni Balagtas na sa kumbensiyon
ay hindi lamang binabasa kundi itinatanghal sa isang entablado, ginagamit sa talumpati,
o inaawit ang mga linya sa tradisyong kumintang. Ang awit ay nasa ating kultura na mula
pa noong bago tayo sakupin ng mga Kastila tulad ng matatagpuan sa mga ambahan, sa
mga oyayi, at sa mga kundiman. May makabayan na itong karakter sapagkat inaawit ang
mga karanasan mula sa isang panahon at lugar. Ang pagdating ng anyong Kanluranin tulad
ng awit na may impluwensiya ng metrical romance ay isang halimbawa ng pag-angkop ng
isang dayuhang anyo sa kultura, idyoma, tunggalian, at karanasan ng mga katutubo. daluyan
Nariyan din ang tradisyon ng mga awiting-bayan at kundiman na naging popular sa
panahon ng pananakop ng mga Amerikano. Hindi namatay ang awit. Sa bawat lungsod
at bayan-bayanan, sa loob at labas ng mga sentro, hanggang sa mga bundok, sa iraya
at ilawod, naririnig natin ang awit. Kilala sa global na estado ang mga Pilipino bilang
mahuhusay na mang-aawit, mga biritero’t biritera, magaganda ang mga boses at kung
papalarin pa’y mananalo sa isang kompetisyon laban sa mga dayuhan. Sa kasalukuyang
panahon, naghalo-halo na ang mga tradisyon, kumbensiyon, at inobasyon sa pag-awit.
JOURNAL NG WIKANG FILIPINO
pa rin ang mga mang-aawit ng epiko na kinakanta ng mga binukot at ang mga awiting-
bayan na nagmumula sa mga kilos protesta. Maski man ang pagsigaw ng chant sa isang
67
68
aking isipan at aking nararamdaman. Kaya pala may mga taong umiiyak, napapasayaw, o
tumatawa kapag umaawit. Sapagkat ang awit mismo’y nag-uugnay ng mga kalooban. Mula
sa loob ng mang-aawit tungo sa loob ng nakikinig, naririnig ang kahulugan ng tono.
Subalit hindi lahat ng awit ay magkaugnay ang emosyon at nilalaman ng mga salita. May
mga awit na nagmumula sa iba’t ibang karanasan na sa paglikha ng isang artista ng mga
awiting ito, nagiging hayag ang mga pagkakaiba-iba.
Sapagkat ang mga awit ay nilikha mula sa karanasan maituturing na ito’y isang praktikang
panlipunan at maaaring basahin bilang isang teksto. May mga awit na sa pagdaan ng
panahon ay muling hinahamon na mabuhay muli. Hinihiram ko kay Raymond Williams
ang paghahanay sa tatlong uri ng kultura, ang namamayani (dominant) o yung kultura ng
namamayaning kaayusan at nasa taas o nasa sentro ng lipunan, ang umuusbong (emergent)
o yung kultura na nagmumula sa ibaba o sa laylayan at minsa’y bago o makabago, at ang
natitira (residual) o yung kultura mula sa isang lumang kaayusan na maaaring tumutukoy
sa piyudal at konserbatibong uri ng pananaw (121-127).
Ayon kay Althusser, may mga aparato ang estado upang maipalaganap ang namamayaning
kapangyarihan nito. Tinawag niyang Ideological State Apparatus (ISA) ang simbahan,
paaralan, batas, at pamilya na siyang nagpapanatili sa ideolohiya na ginagahum ang mga
taong-bayan na sumunod at maging sabjek ng mga naghaharing-uri sa isang lipunan
(Belsey 47). Sa tingin ko’y kabahagi na rin ng pagpapalaganap ng kapangyarihan ng
estado ang mga lumilikha at nagpapalaganap ng kulturang global, mula sa mga artista
na nagpapalaganap ng sining na hiwalay sa totoong nangyayari sa ating lipunan. Sa
namamayaning kaayusan ng Billboard Charts at OPM, ang mga awiting nililikha’y isang
eskapistang uri ng sining na siyang nagpapalaganap ng pagtanggap at paglimot sa mga
nangyayaring karahasan sa ating lipunan. Ito ang nais bakahin ni Alice Guillermo sa
kaniyang pagbabalangkas at pagdadalumat ng sining at lipunan. Nais niyang isulong ang
interes, pangangailangan, at aspirasyon ng mga uring tinapakan ang karapatan, ng mga
uring laging nakikibaka dahil sa namamayaning kultura ng impunidad, at ng mga uring sa
kasalukuyan ay hindi pa rin umuunlad ang buhay dahil na rin sa pagtaas ng presyo ng mga
bilihin at pagbagsak ng ekonomiya, ang mga pesante, magsasaka, mangingisda, maralitang
tagalunsod, manggagawa sa pabrika, kababaihan, bakla, tomboy, lesbyana, transgender,
daluyan
queer, intersex, kabataan, human rights workers, migrante, at marami pang nasa laylayan ng
lipunan. Sa sining na nagmumula sa kanilang karanasan, pangangailangan, at aspirasyon
uusbong ang isang mapagpalayang uri ng pagpapahiwatig sapagkat binabasag nila ang
mga tradisyonal, nakasanayan at tinatanggap na nosyon ng paglikha ng sining sa proseso
ng demystification at defamiliarization (Guillermo 3). Isang halimbawa na rito ang mga
awit na maski popular ang anyo ay naiangkop ang nilalaman tungo sa isang pambansa at
makabayang potensiyal nito.
JOURNAL NG WIKANG FILIPINO
Sa ganitong gana, nais kong buksan ang diskurso sa hangganan at kakayanan ng sining
na makalikha ng mapagpalayang diskursong panlipunan. Maaari kasing ulitin lamang ng
Tomo XXIV, BLG. 1-2, 2018
sining ang nangyayari sa labas o kaya nama’y maaari din namang magbukas ito ng mga
pagbasa na hindi naririnig sa mainstream media. Ang mga anyong sining, tulad ng awiting-
69
70
bayan, ay hindi hiwalay sa karanasan. May katangiang temporal ang awiting-bayan sapagkat
nagmumula ito sa espesipikong espasyo at panahon. Maski ang produksiyon ng awit ay
may iba’t ibang pagbasa ayon na rin sa kung paano lumalapit ang nakikinig o tumitingin,
maaaring sa anyo o teknik at imahinasyon ng lumikha, sa kahulugan/konteksto/pahiwatig
o ang wika ng sining at interpretasyon nito, at sa politikal na ekonomiya nito o produksiyon
ng sining at ang ideolohiya o imahinaryong relasyon na nagbibigkis sa prosesong ito (de la
Paz at Flores, xvi-xix).
Sa susunod na bahagi, tutuntunin sa isang masinop na pagbasa ang mga bitak, hindi
nasasabi, transpormasyon/transmogripikasyon, radikal na posibilidad, at resepsiyon ng
mga tagapakinig ng awiting “May Pulis May Pulis sa Ilalim ng Tulay” at “Pusha Wag Tularan”
ng People’s Chorale. Babasahin ang mga awit ayon sa: (1) mga elemento ng tunog, keys,
at komposisyon upang makita ang pinagkaiba ng kasalukuyang adaptasyon sa naunang
awit, (2) ang liriks, ang kahulugan, at ang mga representasyon ng mga hulagway at karakter
sa loob ng awit, at ang (3) resolusyon o ideolohiyang ipinahihiwatig sa pagtatapos ng
dalawang awit.
sa isang laro ng sudlungan, ang mga umaawit ay magsisimula sa isang parirala o linya ng
awit na umuulit-ulit sa unang stanza nito at patuloy na dadagdagan ng susunod na kalaro
ng isa pang bagong linya hanggang makabuo ng isang buong kanta.
Kinompara ko ang chords sa unang pasok ng mga linyang umuulit, “May pulis, may pulis sa
ilalim ng tulay. /May pulis, may pulis sa ilalim ng tulay. /May pulis, may pulis, may pulis, may
pulis, may pulis sa ilalim ng tulay.”
Samantala, sa parehas na linya ng “Pusha Wag Tularan” ang chords ay naglalaro sa E-B-E-
A-E-B-E-E at mas mababa kaysa sa pitch ng pinaghalawang adaptasyon nito. Inaawit ito ng
isang buong grupo nang sabay-sabay o in unison kaya naman malinaw ang lirikal na tempo,
ibig sabihin mas mahalaga ang pagbigkas ng mga salita na ipinahihiwatig ng unang berso.
May lalim ang tekstura ng boses ng mga umaawit at nagpapahiwatig na mas malungkot
ang emosyon nito.
Kapag pinakinggan ang buong awit, maski man umuulit ang mga chord upang maglatag
muli ng bagong berso, hindi naman magkatulad ang dalawang awit sa kung paano
nagsama-sama ang mga elemento nito. Sa “May Pulis” ng D’Big 3 Sullivans, laging sa unang
nota o turn, nagsasalita ang persona ng parirala o linya na kaniyang aawitin kaya naman
bago awitin ang mga berso laging may marka ng kung ano ang aawitin, isang katangian ng
sudlungan. Maliban pa diyan, naging mapaglaro din ang mga umawit nitong kanta dahil
nagsama pa sila ng nagsasalitang pulis na siyang nagpupulis sa inaawit nung beybi na
boses. Kaya may maririnig din na mga pito ng pulis. Dito’y inilalatag na ang katangian ng
pulis bilang isang awtoridad na siyang nagpapatakbo ng batas sa kalsada. Pinupulis niya
ang beybi na boses na ituloy ang pag-awit ng kanta at tila ba nagpopostura rin siyang guro
sa beybi na boses.
Hindi pansin sa una ngunit kapag pinakinggang muli, ang orihinal na bersiyon ng “May
Pulis” ay katunog ng isang nursery rhyme sa Ingles, ang “If You’re Happy and You Know It,
Clap Your Hands.” Katangian ng awiting ito ang maging isang cumulative tale. Sa esensiya
at kasaysayan ng anyong ito, matatagpuan ang cumulative tale sa mga bersong pokloriko
dahil ito ay mga kuwentong may umuulit na linya, subalit sa bawat pag-uulit nadadagdagan
ang mga kuwento na parang mga ikinakabit na kadena ng mga detalye hanggang sa
kung saan kakayanin ng pasensya nitong nagkukuwento at nakikinig (Ashliman 245). Sa
pagpapahaba, minsan nawawalan na ng kahulugan ang buong kuwento tulad ng isang non-
sense rhyme.
Ang “If You’re Happy and You Know It” ay tumutunog sa chords na C-G-C-F-C-D-G-C at
hindi malayo sa “May Pulis sa Ilalim ng Tulay” ng D’Big 3 Sullivans na nasa C-G7-C-F-C-
G-C-G. Kung gayon, ipinahihiwatig ng bersiyon ng D’Big 3 Sullivans na ang katangian ng
popular ay isang praktika ng pag-angkop o pagsasakatutubo. Kumbaga, ang adaptasyon ay
hindi lamang ng paghahawig ng anyo kundi paggamit ng mga anyo at pagsasakonteksto
nito sa isang espesipikong kultura, karanasan, at kapaligiran. Kung papansinin, mula sa
JOURNAL NG WIKANG FILIPINO
masasayang chord na nasa major keys ng nursery rhyme at ng novelty song, ang recording
ng People’s Chorale o bersiyong tokhang ay nasa mas malalim at mas mababa na register.
Hindi ko sinasabing ang kolonyal na karakter nito noong una’y siyang nagpapababa sa
Tomo XXIV, BLG. 1-2, 2018
kalidad nito. Nakikita at hayag na may impluwensiya mismo ang mga popular na awit
ng mga naunang awit na idinala rin dito ng mga Amerikano noong panahon ng kanilang
71
72
pananakop. Global man ang importasyon ng kultura, nagamit itong popularidad ng awit
dahil sa kaniyang matataas at nakakapukaw na tunog upang iangkop sa pangangailangan
at interes ng mga pamilyang nabiktima ng penomena ng tokhang. Marahil malay ang mga
lumikha ng “Pusha Wag Tularan” na may gamit ang pagpapababa ng tono kaakibat na din
ng mas seryosong emosyon upang maiparamdam sa nakikinig ang nilalaman nito—ang
pakikibaka at pagtuligsa sa namamayaning kultura ng impunidad.
May pulis, may aso, may baril, may shabu sa ilalim ng tulay
Ang ikalawang nibel ng pagbasa ay nakabatay sa kahulugan at pagbabagong-kahulugan o
transpormasyon o transmogripikasyon mula sa hulagway ng “May Pulis sa Ilalim ng Tulay”
tungo sa hulagway ng “Pusha Wag Tularan.” Sa antas ng pagbasang ito, sinisipat ang mga
butas sa bawat pahiwatig at kung mayroon bang posibilidad na bumubuo ang mga awiting
ito ng mito ng isang pulis. Narito ang liriko ng mga awit:
Ang Pulis at Pushang sa Ilalim ng Tulay: Komparatibong Pagbasa sa Dalawang Popular na Awit
Maoobserbahan sa mga awit na malay ang mga lumikha na isa itong sudlungan at sa bawat
pagdagdag ng linya ay mas umiigting o nagiging buo dapat ang pagtingin sa nilalaman o
ipinaparating ng mga hiwatig. Sa unang linya ng “May Pulis,” nilalatag ang kumbensiyon
ng folksong o awiting-bayan. Komunal ang pagtawag ng mga makikinig at masayang
magkakasama habang sama-samang nilalaro ang sudlungan sa isang awit. Inilatag ng
“May Pulis” ang kumbensiyon lalo na sa pagdagdag ng mga parirala o salita na siyang
bumubuo sa pangungusap o linya ng awit. Sa adaptasyong “Pusha Wag Tularan,” nabura na
ang kumbensiyon ng paghikayat sa mga makikinig. May palagay ako na dahil ito ay inaawit
na sa isang madla, sa isang pagkilos kumbaga tulad ng Martial Law commemoration sa
Luneta, ay hindi na kailangan pang tumawag ng mga tao na magsama-sama sa iisang lugar
at umawit nang sabay-sabay dahil alam na agad ng madla na ito’y pagtatanghal bilang
isang protesta.
Ang ilalim ng tulay sa awit ng D’Big 3 Sullivans ay nakakatawa kung hindi man, may karakter
ng pangungulit o pamumusong sapagkat napakakenkoy, tuso, at matalino ang personang
JOURNAL NG WIKANG FILIPINO
umaawit. Kaya niyang manloko sa larangan ng wika. Sa mga unang berso’y masunurin pa
ang personang ito subalit habang nadadagdagan ang mga linya, mas nagiging laro ng salita
ang buong pagkanta. Pinatunayan nito na ang wika mismo ay mga arbitraryong relasyon
Tomo XXIV, BLG. 1-2, 2018
73
74
Bilang halimbawa, nais kong ilatag ang kuwentong nabuo sa pagkakabit-kabit ng mga salita.
Simple lang ang linyang naratibo. May pulis na may bitbit na bayong at nasa loob nito ang
pansit. Marahil pauwi na siguro ang pulis o baka nama’y papunta pa lang sa trabaho ngunit
ang malinaw ay dala-dala niya ang pansit na ito. Ang pansit na ito’y naging mahalaga sa
pagpapaigting ng kuwento dahil sa isang maliit na kamalian, ang kaniyang di-sinasadyang
pagkatapon ng pansit ay naging hudyat para kainin ito ng aso na nandoon din at naghihintay
sa ilalim ng tulay. Anong ipinahihiwatig nito? Marahil noong panahon ng Batas Militar kung
saan nagmumula ang konteksto ng awit na ito, umiigting ang kahirapan. Ang mga aparato ng
estado, tulad ng pulis, ang siyang may akses sa pagkain samantalang ang nakararami tulad
ng isang aso’y kailangan maghintay ng biyayang mahuhulog o di kaya nama’y maambunan
ng pagkain na nagmumula sa pagkakamali ng isang makapangyarihang tao. Sa pagbasang
ito, nais kong malinaw na hindi sinadya ang paglalagay ng aso at pulis at pansit na nahulog sa
sahig sa ilalim ng tulay. Lahat ito’y nasa kamalayan ng umaawit na persona. Pinili ito upang
mapatingkad marahil ang kahirapan o ang krisis na nararanasan mismo ng mga taong nasa
laylayan ng lipunan. Naging mayabong ang posisyon ng laylayan na ito sapagkat umawit
ang persona ng isang nakakatawang kuwento ng katangahan ng isang aparato ng estado.
Sapagkat sila umano ang nagpapanatili ng kaayusan at katahimikan sa isang lipunan, may
dating ang naratibo ng awiting ito na sila rin ay may kahinaan. Hindi lahat ng nasa itaas
ay laging nasa itaas. Sa kaso ng umaawit, ang pansit ay mismong naging talinghaga din
at proseso ng kaniyang pagganti sa nagtuturong awtoridad na kasama niya habang siya’y
umaawit. Isa siyang mas matanda sa tono at tigas ng pananalita. Sa kuwento, nakatakas
Ang Pulis at Pushang sa Ilalim ng Tulay: Komparatibong Pagbasa sa Dalawang Popular na Awit
ang asong kumain ng pansit nitong mamang pulis. At ang buong kanta’y nagmistulang
paghahabol din sa kahulugan tulad nitong palitan sa dulo na :
Sa pagbabaligtad ng personang bata, mas umiigting ang paglalaro ng mga salita. Tila ang
mga linya ng awit ay nagiging pansit at sa pagpapansit na ito’y natatawa tayo. Naging
absurdo o surreal ang mga bagay na hindi naman kapani-paniwala ngunit nakakatawa lang
isipin tulad ng tulay na ngayon ay nasa ilalim ng aso o ang asong may-ari ng bayong na nasa
ilalim ng walis! At maski ang walis ay naging tulad ng tao, marunong tumakbo at maglinis!
Sa huli’y matatawa ka dahil kahit anong pilit mong gawan ng intelektuwal o lohikal na
ugnayan, ang pulis ay bitbit ng aso at ang walis ay tumatakbo at lahat ng kaabsurdohang
ito ay nagaganap sa ilalim ng tulay, malayong-malayo o hindi man lang mararamdaman
ng mga taong nasa ibabaw ng tulay. Sapagkat hindi ba ganito ang katangian ng mga
nagmumula sa ibaba, na sila sa kahit sa kasalatan ng wika, na tanging ang mga materyal
lang na mayroon sila ay ang kanilang wika, nakabubuo sila ng estetikang tanggap at
ikinasisiya nila.
Maraming bagay ang nabura sa unang awit nang ito’y gawing bagong bersiyon ng People’s
Chorale. May pakiwari pa rin ng kasiyahan sa tono nito ngunit nabahiran na ng karahasan
ang pagbisita ng pulis sa mga espasyo ng krisis at kahirapan. Ang ilalim ng tulay ay naging
alegorya o simbolismo ng mga espasyong pinangyayarihan ng tokhang: estero, kalsada,
highway, tagong ilog, at madidilim na lugar.
Madilim na nga ang tono dahil mababa ito, madilim din ang pinapahiwatig pang mga
hulagway. Pagkatapos ilatag ang sitwasyon “May pulis may pulis sa ilalim ng tulay” ng
dalawang ulit na berso, agad na itong dumiretso sa ikalawang linya upang burahin na ang
misteryo ng sisidlan o bayong na nagkukubli ng pansit at ngayon diretso na itong shabu at
baril, mga bagay na itinatanim sa sinumang manlalaban sa mga pulis, elemento ng estado,
o dili naman kaya’y mga riding-in-tandem, yung mga vigilanteng nakatago ang mukha.
Sa bahaging ito ng awit, marahil hindi na ngumingiti ang nakikinig. Nakikinig na lang siya
o kung may lyrics sa screen, sasabayan ng pagbasa ang lyrics. Kalaunan, ito pala ang bitbit
ng pulis na siyang kaniyang itatanim sa isang bata! Ngayong 2018, ang pagtatanim ng
bala ay hindi na lamang para sa mga magsasaka tulad noong panahon ni dating Pangulong
Noynoy Aquino o yung pagtatanim ng bala sa mga bagahe ng airport. Itinatanim ang bala
marahil sa maling kamay na hindi ginagamit ng bata. Marahil ipapasok din ng pulis ang
shabu sa bulsa nitong bata upang maipakita na siya’y gumagamit ng droga. Ipahahawak sa
bata ang baril upang lumabas na hindi niya pinilit ito kundi nanlaban ang bata at nakipag-
engkuwentro. Maliban pa diyan, baka sakay pa ang bata ng isang motorsiklo at nagkaroon
pa ng habulan kasama ang mga pulis. Hindi na ito ang habulang aso sa bersiyon ng D’Big
3 Sullivans. Walang saksi sa kung ano talaga ang totoo. Ang katotohanan ay mismong
daluyan
binabaliko ng pulis na persona ng pandarahas at kasamaan sa mito ng awit na ito.
Nabubura ang totoo dahil sa kapangyarihan ng mga pulis na makalikha ng report, ang
kanilang mga sinumpaang salaysay ang siyang magiging nilalaman ng katotohanan o
ng balita sa susunod na araw. Burado na ang tensiyon na namagitan sa batang pinatay
at sa pulis. Burado marahil maski ang pagmamakaawa ng bata na bigyan pa siya ng
pagkakataong mabuhay. Burado marahil ang katotohanang baka dinukot siya habang
JOURNAL NG WIKANG FILIPINO
bumibiyahe pauwi dahil wala siyang kasamang magulang. Sa palagay ko, patay na ang bata
bago pa matagpuan ang katawan nito. Ganito ang tokhang o ang estado ng panonokhang
sa mga maralita at uring anakpawis. Sapagkat wala silang armas ni kalaban-laban sa mga
Tomo XXIV, BLG. 1-2, 2018
pulis na armado, sila ang mga uri na pinapatay. Kung tutuusin, may pahiwatig na kontra-
mamamayan at anti-mahirap ang ganitong uri ng giyera laban sa droga.
75
76
Ang pagtokhang sa bata ay hindi nagtatapos sa bata dahil nadadamay ang sinumang
mapagdiskitahan ng pulis o mapagkamalang adik o pushang dahil lang sa tattoo na
nakaukit sa balat ng kanilang mga bisig. At damay lahat ng mga kamag-anak at kapitbahay
sa buong estado ng tokhang. Sa unang dinig, mapapatawa at hihiyaw ang manonood sa
sunod-sunod na paglilista ng mga pinapatay,
damay sa konteksto ng tokhang mula sa pamilya tungo sa bayan. Maski nga ang hayop
na tulad ng aso, bilang karakter din ng kahirapan sa “May Pulis” ay naging biktima rin ng
panonokhang sa “Pusha Wag Tularan.” Hindi makakatakas sa hagupit ng isang diktadurya
ang mga nilalang. Kung ganito nga ang batas militar noon, marahil ay ganito rin ang
pakiwari at pakiramdam ngayon.
Kay lakas ng hulagway nitong shabu at baril bilang mga kasangkapan na nagpapalaganap
ng diskurso ng tokhang sa katawan ng estado. Ano marahil ang sinasabi ng pagtatanim?
Hindi lamang ito simpleng paglalagay. Ito rin ay pagsusuksok, paglilibing, pagpapalalim,
pagpapatahimik, at pagpapakalat tulad ng isang virus o cancer cell na maaaring kumalat
at lumago tulad ng mga tanim. Ang shabu at baril ang mga punlay nagmumula sa phallus
ng sentro, ang utak ng lahat ng mga pangyayaring ito na hindi sana mangyayari kung hindi
lamang nagtiwala ang mga tao sa isang diktador ng kalsada. Habang siya’y nagpapalaganap
ng maling mga impormasyon sa itaas, sa ilalim ng tulay gumagalaw ang kaniyang mga
galamay, ang kaniyang mga sanga at baging na unti-unting gumagapang sa kabahayan at
mga bayan-bayanan.
Sa “May Pulis sa Ilalim ng Tulay,” nagamit ang aparato ng estado bilang hitsura ng kahinaan
ng mga pulis. Ang pagkalalaki niya’y tulad ng nahulog na pansit, maaaring paglaruan at
pagtawanan. Maaari siyang takasan at takbuhan sa panahon ng tunggalian. May pahiwatig
na ang unang hulagway ng isang pulis ay ang kaniyang pangongotong dahil kaya niyang
pasunurin ang mga tao sa kaniyang salita tulad ng awtoridad na pinasusunod ang personang
boses beybi sa awit. Ang kaniyang pakikipaglaro sa larangan ng salita ay isa lamang laro ng
imahinasyon. Ang mga taong gutom na tulad ng aso ay maaaring makatakas sa baston o
hagupit ng sinturon ng isang pulis.
Mapapatunayan na naging popular ang awit na “May Pulis sa Ilalim ng Tulay” lalo noong
dekada bilang isang “non-sense rhyme” ayon kay Gilda Cordero-Fernando sa The Filipino
Heritage,
A “progressive” song that accumulates lines as you go along, like The House that
Jack Built, became popular not so long ago… There are nonsense rhymes about
long hair, curfew, martial law and jumbo jets. There will always be nonsense rhymes
as long as there are children. (2268)
Ang siping ito’y inilathala noong 1977, kasagsagan ng diktaduryang Marcos. May ilan
pang tala mula sa iba’t ibang manunulat na naging popular umano ang awiting ito lalo
na sa kilusang pambansang demokratiko sa mga unibersidad, sa mga unyon ng mga
manggagawa’t pesante, at sa lumalawak na kilusang mapagpalaya sa mga kanayunan.
Patunay rito ang isa pang sipi tungkol sa naganap na demonstrasyon ng SDK-MDP at
KM (MAKIBAKA-KABATAANG KALOOKAN) noong 19 Agosto 1971 mula sa Ang Hanging
Di-Namamatay: Nobelang Pangkasaysayan ni Zafrullah M. Alonto at Edna F. Magdaong-
Mangisay noong 1992,
Kapag nakakakita sila ng pulis trapiko o militar, iinsultuhin nila ito, ‘May pulis sa
daluyan
ilalim ng tulay!’ ang kanilang isisigaw. (69)
Palasak ang mga pulis noon bilang kurakot, korap, at nambibiktima ng mga kaawa-awang
drayber ng dyipni. Inaawit sa kilos protesta ang sipi ng kantang ito at binabago ang liriko
tulad ng ginawa ni Paul Galang sa awiting “Pira-pirasong Balita,”
77
78
Samantala, sa biografi ni Rolando Olalia na isinulat ni Jun Cruz Reyes, naitala ang
nangyayaring klima ng pakikibaka at kasama na rito ang tungkol sa mga awit sa protesta,
Maski man ang bata pa noong si Manuel Quezon III, isa ring kilalang kolumnista sa dekada
90, ay naaalalang inaawit ang “May Pulis sa Ilalim ng Tulay.” Kalaunan na lang niya nalaman
na kontra-pamahalaan pala ang totoong intensiyon ng awitin (248).
Ang mandudula sa Sebuwano na si Karl Gaspar ay isinalin ang “May Pulis sa Ilalim ng Tulay”
noong 1978 sa isang musical morality play at tinawag na “May Bangag sa Ilawon sa Dagat”
(Castrillo 186). Naging device din sa mga kuwento nina Tony Perez ang awit at naisama
sa koleksiyong Cubao-Kalaw, Kalaw-Cubao: Mga Premyadong Katha noong 1995 (92-94) at
ginamit din ni Nick Joaquin sa kaniyang nobelang Cave and Shadows na inaawit ng isang
babaeng karakter bilang device ng memorya ng Batas Militar (95). Pahiwatig din ng lawak
ng resepsiyon at popularidad ng awiting ito nang isapelikula ang buhay ng isang matinong
pulis, si Pitong Dimasuhulan, sa pelikulang “May pulis, may pulis sa ilalim ng tulay” (1989)
na pinagbidahan ni Dolphy, Joey Albert, at Nova Villa (IMDb). Ipinakita sa pelikula kung
Ang Pulis at Pushang sa Ilalim ng Tulay: Komparatibong Pagbasa sa Dalawang Popular na Awit
ano ang turing sa mga pulis noon, silang mga nakakatawang elemento ng ating lipunan na
nanghuhuli ng mga manininda sa sidewalk at ikinukulong ang mga magnanakaw. Subalit,
pinakita rin sa pelikula ang katauhan ng mga pulis bilang mababait na nilalang, na may
puso at kayang umampon ng mga batang lansangan.
Sa haibun ni Reuel Aguila, ang “Timbog,” pinalitan niya ang liriko ng popular na awit upang
ikuwento ang nilalaman ng kaniyang cabinet na sa kuwento niya’y kamuntikan nang
halughugin ng mga militar noong ginagawa ang Arrest, Search, and Seizure Order sa kaniya
noong Batas Militar:
Kapansin-pansin na ang mga novelty song ay patuloy na inaawit hindi lamang dahil sa
orihinalidad nito kundi kinokonsumo, binibili ang vinyl record, nire-replay sa mga radyo,
inaawit sa alaala, at ginagamit na sandatang epistemolohikal sa mga truncheon, baril,
at posas ng mga pulis. Hindi ko sinasabing pagbebenta lamang ang nais gawin ng awit.
Marahil, mas hayag pa ang pagpapatawa at pakikibaka sa mas mataas na gamit ng awiting
ito. Higit pa rito, kayang pagtawanan ng isang lipunan at gumanti ng lipunan sa mga
elemento na nagpapalaganap ng krisis at labis.
Kung tutuusin, mas malay pa ang paglaban ng bayan sa awtoridad dito sa bersiyong
tokhang ng awitin lalo na sa huling linya,
Maaari pa rin matawa ang nakikinig dahil kahit ang huling dalawang linya ay may sipa ng
pangungutiya sa estado ng kamalayan nitong nasa loob ng Malacañang. Sapagkat pinost
ito sa Facebook at kalauna’y inawit din ng People’s Chorale sa Luneta, makikita na hindi para
makabenta ang tunguhin ng awitin. Narito ang maraming boses upang awitin ang pag-
asa na bumalikwas o basagin ang namamayaning sentro ng kapangyarihan, ang aparato
ng kapulisan na siyang nagmamalabis sa kanilang pagiging mga tagapamahala ng giyera
laban sa droga ni Pangulong Duterte.
daluyan
79
80
Nais iparating ng ikalawang awit na makabayan ang kaniyang oryentasyon. Nais nitong
isulong ang interes at aspirasyon ng mga taong-bayan. Sa sining mismo, nababasa ang
boses ng maraming tao. Kung babalikan nga ang pagkilos sa labas ng Luneta noong 21
Setyembre 2018, makikita sa bidyo ni Lalu na masaya ang mga tao habang inaawit ang
kantang ito.
Ang awiting “Pusha Wag Tularan” ay mas malapit pa sa kung ano ang dapat ginagawa ng mga
taong-bayan. Sa nakikinig nito, hindi lang ito awitin ng pagsuporta. Maaaring magbago ang
gamit nito. Maaaring maging awit ng mga nagmamartsa at nagluluksa. Maaaring maging
awit na pupukaw sa mga piniling ipasak ang earphones sa kanilang Spotify o Soundcloud
playlist. Sa diskurso nito ng paglaya, ipinahihiwatig na ang mga manlilikha, artista, at
manunulat ng bayan ay dapat pumulot ng aral mula sa awiting ito. “Ang awit ay himig
satiriko dahil sa pagtuligsa sa “tokhang” ng rehimeng Duterte, (gayong marami ring pulis na
nakapaligid sa programa) sa patuloy nitong pagpatay nang walang isinasagawang paglilitis
sa mga taong napagbibintangan at tinatakan bilang mga ‘nanlaban’,” ani Roman Marcial
Gallego, guro ng Social Studies sa Colegio de San Juan Letran at isa sa mga nakapanood
noong pagtatanghal sa Luneta (Gallego).
malayang pamamahayag sa ating bayan sapagkat hindi sinensura ng estado ang awiting
ito maski pa man tumuligsa ito noong 2018 sa pangulo at sa kapulisan (Lalu).
“Isa itong matibay na pahayag ng [mga kritiko ni Duterte] na hindi matitinag ng anumang
polisiya ng gobyerno ang kanilang pagsasalita laban sa mga patakaran na pakiramdam nila
ay nakakasama sa bayan,” paliwanag ni Lalu. Higit pang pinalalakas ng awit ang pagbubuhay
ng isang makabayang tradisyon ng mga awiting-bayan na unti-unting sinisikil ng sensura
ngunit hayan at patuloy na nakikibaka.
daluyan
Tomo XXIV, BLG. 1-2, 2018
JOURNAL NG WIKANG FILIPINO
81
82
MGA SANGGUNIAN
ABS-CBN News. “’Hands off our music’: Pinoy artists Castrillo, Pamela del Rosario. “The Theater of Karl
furious over move to ban Shanti Dope’s Gaspar: The Social Plays.” Philippine Studies,
volume 45, 2nd Quarter 1997, pp. 174-196.
‘Amatz’.” 25 Mayo 2019. ABS-CBN News. https://news. Nakalimbag.
abs-cbn.com/entertainment/05/25/19/hands-
off-our-music-pinoy-artists-furious-over-move-to- Collingwood, R.G. “Art as Expression.” Nature of Art: An
ban-shanti-dopes-amatz. Web. Inakses noong 05 Anthology. Ed. Thomas E. Wartenberg. on
afrC
:ial
Mayo 2019. Thomson Wadsworth, 2007. Nakalimbag.
---. “PNP, DILG chiefs urged to look in the mirror, not Cordero-Fernando, Gilda. “A Folio of Nonsense Rhymes
‘Ang Probinsyano’.” 18 Nobyembre 2018. and Songs.” Filipino Heritage: The Making of
a Nation. Ed. Alfredo R. Roces. Manila: Lahing
ABS-CBN News. https://news.abs-cbn.com/ Pilipino Publishing, 1978. Nakalimbag.
news/11/18/18/pnp-dilg-chiefs-urged-to-look-in-
the-mirror-not-ang-probinsyano. Web. Inakses Dewey, John. “Art as Experience.” Nature of Art: An
noong 05 Mayo 2019. Anthology. Ed. Thomas E. Wartenberg. California:
Thomson Wadsworth, 2007. Nakalimbag.
Aguila, Reuel. “Timbog.” Lagom: Mga Piling Akda.
Quezon City: Kataga Samahan ng Manunulat sa Easthope, Anthony. British Post-Structuralism Since
Pilipinas, Inc., 2018. Nakalimbag. 1968. London: Routledge, 1988. Nakalimbag.
Alonto, Zafrullah M. at Edna G. Magdaong-Manginsay. “Everything you want to know about ‘If You’re Happy
Ang Hanging Di-Namamatay: Nobelang and You Know It’.” N.d. Kidsongs. https://kidsongs.
Pangkasaysayan. Manila: New Day Publishers, com/page/IfYoureHappyandYouKnowIt/. Web.
1992. Nakalimbag. Inakses noong 06 Mayo 2019.
Ang Pulis at Pushang sa Ilalim ng Tulay: Komparatibong Pagbasa sa Dalawang Popular na Awit
Althusser, Louis. “Ideology and Ideological State Gallego, Roman Marcial. Personal na panayam. 28
Apparatuses.” Lenin and Philosophy and Other Mayo 2019.
Essays, Monthly Review Press. 1971. N.d. Marxists. Gimenez-Maceda, Teresita. “The Culture of Resistance:
org. https://www.marxists.org/reference/archive/ A Study of Protest Songs from 1972-1980.”
althusser/1970/ideology.htm. Web. Inakses noong Kasarinlan: A Philippine Quarterly of Third World
05 Mayo 2019. Studies, volume 1, 3rd Quarter 1985, pp. 29-35.
Nakalimbag.
Andrade, Jeannette L. “PNP, ABS-CBN reach deal on
‘Ang Probinsyano’.” 23 Nobyembre 2018. GMA News. “30 Stab Wounds: Carl Angelo Arnaiz’s
Inquirer.net. https://newsinfo.inquirer.net/1056372/ companion found dead in Nueva Ecija.” 6
pnp-abs-cbn-reach-deal-on-ang-probinsyano.
Web. Inakses noong 05 Mayo 2019. GMA News Online. https://www.gmanetwork.com/
news/news/nation/624762/carl-angelo-arnaiz-
Ashliman, D.L. “Cumulative Tale.” The Greenwood s-companion-found-dead-in-nueva-ecija/story/.
Encyclopedia of Folktales and Fairy Tales Volume Setyembre 2017. Web. Inakses noong 05 Mayo
1: A-F. Ed. Donald Hasse. Westport, CT: Greenwood 2019.
Press, 2008. Nakalimbag.
Guillermo, Alice. “Preface.” Art and Society. Diliman,
Belsey, Catherine. “Constructing the subject: Quezon City: University of the Philippines,
deconstructing the text.” Feminist Criticism and 1997. Nakalimbag.
Social Change: Sex, Class, and Race
in Literature and Culture. Ed. Judith Newton and “’If You Are Poor, You Are Killed’: Extrajudicial
Deborah Coll Rosenfelt. New York: Methuen, Executions in the Philippines’ ‘War on Drugs’.”
1985. Nakalimbag. Amnesty International. London, England:
Amnesty International Publications, 2017.
https://www.amnesty.org/download/Documents/
ASA3555172017ENGLISH.PDF. Web. Inakses
noong 03 Mayo 2019.
IMDb. “May pulis, may pulis sa ilalim ng tulay (1989).” Mirano, Elena R. “Music in Culture.” Art and Society.
N.d. IMDb.com. https://www.imdb.com/title/ Diliman, Quezon City: University of the Philippines,
tt0420099/?ref_=nm_flmg_dr_24. Web. Inakses 1997. Nakalimbag.
noong 05 Mayo 2019.
Navarro, Raul Casantusan. Kolonyal na Patakaran at
Jimmie Jaz. As kids on the street of Quiapo during ang Nagbabagong Kamalayang Filipino: Musika
martial law… Facebook, 2 Setyembre 2018, 8:01 sa Pampublikong Paaralan sa Pilipinas 1898-1935.
a.m. https://www.facebook.com/jimmie.jaz.75/ Quezon City: Ateneo de Manila University Press,
posts/254674785377932. Web. Inakses noong 05 2007. Nakalimbag.
Mayo 2019.
Nieky Quitain. Nanlaban ang bayan laban sa
Joaquin, Nick. Cave and shadows. Metro Manila, panunukhang na inutos ng adik sa loob ng
Philippines: National Book Store, 1983. malacañang. Facebook, 3 Setyembre 2018,
Nakalimbag. 11:15 a.m. https://www.facebook.com/nkyqtn/
posts/2134009660002411. Web. Inakses noong
Jovel Tablate Bulan. Dumagundong sa tenga ko ang 05 Mayo 2019.
mensahe. Facebook, 12 Setyembre 2018, 2:02
a.m. https://www.facebook.com/bulan.jobel/ Pamúghaton. ‘Nanlaban ang bayan…’ Facebook, 20
posts/239811886705834. Web. Inakses noong 05 Setyembre 2018, 7:45 p.m. https://www.facebook.
Mayo 2019. com/permalink.php?story_fbid=1972112672852
048&id=925912827472043&__tn__=-R. Web.
Lalu, Gabriel. Bidyo ng “May Pulis sa Ilalim ng Tulay” Inakses noong 05 Mayo 2019.
na kinanta ng People’s Chorale sa Luneta
Park. Facebook, 21 Setyembre 2018, 5:23 p.m., “Philippines 2017/2018.” N.d. Amnesty International.
https://www.facebook.com/gabrielpabicolalu/ https://www.amnesty.org/en/countries/asia-and-
videos/2083866954958419/. Web. Inakses the-pacific/philippines/report-philippines/. Web.
noong 21 Setyembre 2018. Inakses noong 05 Mayo 2019.
---. Personal na Panayam. 06 Hunyo 2019. Perez, Tony. Cubao-Kalaw, Kalaw-Cubao: Mga
premyadong katha. Mandaluyong: Cacho
Let’s Organize for Democracy and Integrity-LODI. Bidyo Publishing House, 1995. Nakalimbag.
ng “Pusha Wag Tularan.” Facebook, 1 Setyembre
2018, 10:18 p.m., https://www.facebook.com/ Pistong Melliza. Adik nga taga-Malakanyang. This
MagingLODI/videos/ 528256247595967/. song. Facebook, 2 Setyembre 2018, 3:47 a.m.
Web. Inakses noong 21 Setyembre 2018. https://www.facebook.com/pistong.melliza/
posts/2120126034686171. Web. Inakses noong
limva123. “MAY PULIS SA ILALIM NG TULAY - D’ Big 3 05 Mayo 2019.
Sullivans (w/ Itik-itik).” YouTube, 28 Agosto 2011,
www.youtube.com/watch?v=Bqn9fV7FWoU. Web. Punongbayan, JC. “[ANALYSIS] How Duterte’s
Inakses noong 23 Setyembre 2018. exaggerations worsened the Philippines’ drug
daluyan
problem.” 28 Pebrero 2019. Rappler. https://www.
“Lyrics: May Pulis sa Ilalim ng Tulay.” N.d. Musixmatch. rappler.com/thought-leaders/224583-analysis-
https://www.musixmatch.com/lyrics/D-Big-3- how-duterte-exaggerations-worsened-drug-
Sullivans/May-Pulis-Sa-Ilalim-Ng-Tulay. Web. problem-philippines. Web. Inakses noong 05 Mayo
Inakses noong 05 Mayo 2019. 2019.
Maglinong, Dan. “Killing of DOTA player Joshua Quezon III, Manuel L. Then and now. Pasig: Anvil
Laxamana in ‘police shootout’ sparks Publishing, 1996. Nakalimbag.
JOURNAL NG WIKANG FILIPINO
83
84
---. “PNP’s drug war death toll tops 4,500 before SONA
2018.” Rappler, 23 Hulyo 2018. https://www.
rappler.com/nation/207947-pnp-report-death-
toll-war-on-drugs-july-sona-2018-philippines.
Web. Inakses noong 27 Setyembre 2018.
nation/220013-duterte-government-tally-killed-
war-on-drugs-november-2018. Web. Inakses
noong 05 Mayo 2019.
PASASALAMAT
Nagpapasalamat ang may-akda kay G. Gabriel P.
Lalu sa pagpapahintulot na ma-screenshot ang
kaniyang bidyo ng People’s Chorale sa Luneta.
Salamat din sa mga estudyante niya ng ARTS 1,
Unang Semestre A.T. 2018-2019 sa Unibersidad
ng Pilipinas Los Baños, Laguna. Mahalaga ang
kanilang mga ibinigay na opinyon tungkol sa
dalawang awit.
Si Kenkoy Bilang Kuwelang
Ingles sa Komiks:
Isang Pagdalumat sa Karabaw English Bilang Instrumento
ng Pagsulong ng Makabayang Diwa sa Panahon ng
Kolonyalismong Amerikano; 1929-1934
ABSTRAK ABSTRACT
Ang tinaguriang “Carabao English” ay inilalarawan “Carabao English” is portrayed as a farcical and
bilang isang katawa-tawa at hindi kanais-nais na an unfavorable means of communication. It was
paraan ng komunikasyon. Kinikilala ito bilang known to caused by an enforced adherence to
paraan ng pilit na paglakip sa dayuhang wika the use of a foreign language wherein it formed
kung saan nagkaroon ng korupsiyon (sariling a ‘corrupted version’ (based on the Philippine
maka-Pilipinong pagbabaybay) ang wikang enumeration) of the English language due to its
Ingles dahil sa naging paghahalo nito sa wikang contact and mixing with the Filipino language.
Filipino. Tatangkain ng papel na ito na matunton This paper aims to trace the usage of “Carabao
ang naging paggamit sa “Carabao English” na English” based on the dialogues in Tony Velasquez’
mababakas sa mga diyalogo na inilarawan ni Kenkoy Komiks. The main character, Kenkoy,
daluyan
Tony Velasquez sa kaniyang likhang-sining na embodies the use of “Humourous English” which
Kenkoy Komiks. Si Kenkoy ang kumatawan at first glance may seem laughable however
sa ‘kuwelang Ingles’ na sa unang pagtingin ay under thorough analysis implies patriotic values
katawa-tawa ngunit kung bibigyan ng malalim and underscores the struggles of Filipinos under
na pagsusuri ay nagpapahiwatig ng mga a colonial society. The purpose of this study is to
makabayang aral at mga tunggalian sa isang highlight and contextualize the use of “Carabao
kolonyal na lipunan. Layunin ng pag-aaral na English” under the American colonial period
mabigyan ng masusing pagtalakay at masuri in the Philippines and its use by the author in
JOURNAL NG WIKANG FILIPINO
ang mga simbolismong pumapaloob sa Kenkoy order to achieve nationhood. The dynamics of
Komiks na makikita sa ilustrasyon at mga linya response and conflict within the Filipino society
nito. Bukod pa rito, layunin ding mabigyang- under a period of cultural change brought about
Tomo XXIV, BLG. 1-2, 2018
linaw at maisakonteksto ang nilalaman ng by a new colonial era based on the comics, can
sining ng pagguhit at wikang “Carabao English” be seen from the study. The study proposes that
sa ilalim ng pamamahala ng Estados Unidos language underwent a process of acculturation
85
86
nasabing wika sa layunin ng may-akda upang cultural elements within the Filipino society but
maisulong ang kaniyang mithiing pagkabansa. nevertheless, became instrumental in promoting
Matutunghayan mula sa pag-aaral ang pagtugon patriotism by serving as an alternative
at ang pakikipagtunggali ng lipunang Pilipino sa expression of continued resistance to American
panahon ng mga kultural na pagbabago sa dagok colonial rule.
ng kolonisasyon mula sa komiks. Iminumungkahi
ng pag-aaral na nagkaroon ng proseso ng Keywords: comics, Carabao English, Kenkoy,
akulturasyon sa wika kung saan sinasalamin patriotism, language
nito ang pag-angkin ng lipunang Pilipino sa
mga dayuhang elemento, ngunit nagkaroon ng
pagtatakip upang maipagpatuloy ang diwang
makabayan sa kabila ng kaayusang kolonyal na
pinatatakbo ng Estados Unidos sa bansa.
Wala pang naging sistematikong pag-aaral hinggil sa Kenkoy Komiks bilang daluyan ng
nasyonalismo at ang pakikipagtunggali nito gamit ang ‘Carabao English’ sa kaayusang
kolonyal na inilapat ng Estados Unidos. Nais ng pag-aaral na ito na matunton ang proseso
ng pag-angkin at pag-angkop ng mga Pilipino sa wika sa dagok ng pananakop ng Estados
Unidos at matunghayan ang kahalagahan ng Kenkoy Komiks na sumasalamin sa “Carabao
English” na ang nasabing wika ay akulturasyon ng wikang Ingles at Tagalog. Sa mga
paraang ito, maisasakonteksto ang mga naging hakbang sa paggamit sa dayuhang wika
sa loob ng kolonyal na lipunan sa Pilipinas at samakatuwid ay matutukoy ang mga realidad
at mga suliraning pangwika batay sa Kenkoy Komiks at naging implikasyon ng mga ito
sa kabuuang pag-unawa sa wika. Sa gayon, matutukoy sa pamamagitan ng pananaliksik
ang natatanging kahalagahan ng “Carabao English” sa akdang Kenkoy Komiks sa pagsulong
ng diwang makabayan sa panahon ng Kolonyalismong Amerikano sa Pilipinas. Kasama rin
dito ang pagsusuri ng konteksto sa paggamit ng tinaguriang “Carabao English” sa Kenkoy
Komiks bilang salamin sa pang-araw-araw na ginagalawang lipunan sa panahon ng ika-20
siglo sa Pilipinas.
Nakatuon ang pag-aaral sa pagsusuri sa naging paggamit ng wika (Carabao English) at ang
karagdagang mga pahayag sa Kenkoy Komiks – ang kauna-unahang komiks na inilimbag
sa Pilipinas; 1929 – 1934. Pumapaloob ang paglimbag nito sa kolonyal na lipunan sa ilalim
ng pamamalakad ng Estados Unidos kung kaya’t sinasalamin nito ang mga panlipunang
kondisyon at mga kaganapan sa mga Pilipino noon. Tinatangkang matunton ng pananaliksik
ang naging pagpapatuloy ng diwang makabayan ng lipunang Pilipino sa konteksto ng wika
sa unang bahagi ng ika-20 siglo upang matugunan ang mga pagbabagong ipinataw ng
mga kolonyal na pamantayan at mga institusyon. Bahagi ng pag-aaral ang pagtalakay sa
pag-angkop, pag-angkin, at pagtatakip ng kultura at wikang Pilipino na tumuon sa proseso
ng akulturasyon kung saan nagsilbing tagapagpatuloy ito ng kalinangang Pilipino sa kabila
ng mga pagbabago bunga ng pananakop. daluyan
Sa pananaliksik na ito matutunghayan ang kahalagahan sa pagsusuri ng wika at panitikan
sa pag-aaral ng kultura at kasaysayan. Magkatuwang ang tatlong ito, dahil mula sa wika
at panitikan, nagagawang maipahayag at maibahagi ang diwa at kultura ng isang bansa
at sa daloy ng panahon ay hinuhubog ito ng kasaysayan. Samakatwid, ang bakas ng mga
naging karanasan ng bansa sa konteksto ng kasaysayan ay maaaring matanaw mula sa
larangan ng wika at panitikan. Dumadaloy at sinasalamin din ang kolonyal na karanasan
ng mga bansang ‘Third World’ sa panitikan kung kaya’t nagsisilbi itong mayamang batis
JOURNAL NG WIKANG FILIPINO
87
88
sub-field nito, ang Sociolinguistics, upang matanaw ang pagsusuri sa sumusunod: ang
porma ng wika, ang pagpapakahulugan sa wika, at ang konteksto sa paggamit ng wika.
Samakatwid, nakatuon ang artikulo sa pagsusuri ng “Linguistic Imperialism” (Phillipson 1-7)
ng wikang Ingles kung saan isinasaad nito ang pangunahing tungkulin bilang sistematikong
pamamaraan ng kultural na imperyalismo. Ayon kay Phillipson, “English is employed as a
product, process, and project that maintains the neoliberal order” (39) kung kaya’t ang pag-
aaral nito ay maaaring maging gabay upang maunawaan at matuklasan ang mga pangyayari
sa lipunang Pilipino sa ika-20 siglo gamit ang nasabing wika. Sa pag-aaral ni Maldonado-
Torres (240-270) isinaad ang umiiral na kolonyal na kamalayan sa kasalukuyang lipunan
sa pamamagitan ng pagsusuri ng wika at panitikan, “[Coloniality] is maintained alive in
books, in the criteria for academic performance, in cultural patterns, in common sense, in
the self-image of peoples, in aspirations of self, and so many other aspects of our modern
experience (243). Kasama rin sa pananaliksik ang layuning maunawaan ang sistematikong
pamamaraan ng kultural na pananakop gamit ang wika at ang naging tugon ng sinasakop
na lipunan. Malalim ang pangangailangan upang masuri ang pag-aaral hinggil sa wika,
kultura, lipunan, at ang ugnayan nito sa mga pagbabago dulot ng pananakop gamit ang
Kenkoy Komiks na nais masuri ng artikulo.
Itinuturing bilang “the greatest contribution of American Colonialism in the Philippines” ang
tinaguriang “Americanization” ng edukasyon sa ilalim ng pamamahala ng Estados Unidos
mula 1899 hanggang 1946. Hindi lamang wikang Ingles ang itinuro kundi ang kulturang
kolonyal at mga makakanluraning asal. Sa panig ng mga Amerikano, ito ang simbolo ng
kanilang pag-unlad at mga pagsisikap upang maging sibilisado ang mga Pilipino. Subalit,
hinamon din ito ng makabayang iskolar tulad ni Constantino at iginiit na isang mekanismo
ng opresyon ang wikang Ingles at ang pagpataw ng mga makakanluraning asal kung
saan nagbunga ito ng malalim na hidwaan sa antas ng mayayaman at mahihirap. Ayon
kay Constantino, “English has become a status symbol, while the native tongues are
looked down upon” (19). Isinasaad naman sa pag-aaral ni Hsu (39-62) na ang ipinataw na
polisiya sa paggamit ng wikang Ingles ay isang paraan upang ikubli ang imperyalismo ng
Estados Unidos sa katagang “benevolence” at “democratic Americanization.” Sa artikulong
ito, naunawaan na ang wikang Ingles ay naging isang “hegemonic device” upang ipataw
ang ideolohiyang kolonyal. Sa pagsusuri ng Kenkoy Komiks at ang karagdagang wikang
ginamit ng pangunahing tauhan (Carabao English), maaari itong tingnan bilang daluyan
ng kamalayang Pilipino sa panahon ng kultural na pananakop ng Estados Unidos. Kung
satirikal ang Kenkoy Komiks, marahil ang tunguhin ng may-akdang si Tony Velasquez ay
ipahayag ang pagmamahal sa sariling wika at kultura.
ang pagkilala sa sarili. Samakatwid, sadya naman ang paggamit sa “Carabao English” o
sa kaso ng Kenkoy Komiks, ang “kuwelang Ingles” bilang tunguhin sa pagbabalik-loob at
pagpapatuloy ng diwang makabayan. Bagama’t kinatawan ng Kenkoy Komiks ang inisyal na
Tomo XXIV, BLG. 1-2, 2018
89
90
Si Kenkoy Bilang Kuwelang Ingles sa Komiks: Isang Pagdalumat sa Karabaw English Bilang Instrumento ng Pagsulong ng Makabayang Diwa sa Panahon ng Kolonyalismong Amerikano; 1929-1934
Akulturasyon
KENKOY KOMIKS
“Carabao English”
Pagtanggap,
Pag-angkop,
at
Pakikibagay
Kenkoy himself must have struck the readers of Liwayway as a true ‘colonial’ who
donned tuxedos [versus the native clothes constantly worn by other Velasquez
characters, Rosing and her parents, for example], wore colorful Hawaiian shirts,
played the ukulele, sang English pop songs…(Ancheta 35–60)
Kritikal upang maunawaan ang konteksto ng panahon kung kailan inilimbag ang Kenkoy
Komiks. Noong 1930’s, inihahanda ng Estados Unidos ang Pilipinas tungo sa pagkabansa
nito sa pamamagitan ng Hare-Hawes Cutting Act. Naging daan naman ang Tydings-
McDuffie Act upang opisyal na maging malaya ang Pilipinas mula sa kolonyalismong
Amerikano sa pamamagitan ng pamahalaang Commonwealth. Mauunawaan mula rito ang
pagiging bukas ng mga Amerikano sa pagbibigay ng kalayaan sa mga Pilipino. Pumasok
ang Kenkoy Komiks sa kontekstong ito at itinuturing bilang katalisis ng pagbabagong anyo
ng kabataan na harapin ang nagbabagong Pilipinas sa nasabing panahon na mayroong diin
sa wika, kultura, at pambansang identidad. Ipinararating ni Velasquez sa tulong ng Kenkoy
Komiks ang pangangailangan upang harapin ng kabataan ang pagmamahal sa sariling
wika at kabihasnan dahil ang kabataan na itinuturing na kinabukasan ng bayan ay saligan
ng isang bagong lipunang malaya sa mga Amerikano.
daluyan
tagabukid, o ang masa kung kaya’t ito ang nagsisilbing akmang representasyon ng isang
Pilipino. Ngunit nagiging negatibo naman ang simbolismo kung gagamitin ang “kalabaw”
sa isang wika tulad ng “Carabao English” dahil nagsasaad ito ng panlipunang pagkakahati
Tomo XXIV, BLG. 1-2, 2018
ng tao sa pagitan ng mga Pilipinong elite at mga Pilipinong masa. Tumutukoy at nagiging
representasyon sa kakayahan ng Pilipinong masa sa pagsasalita ng wikang Ingles ang
tinaguriang “Carabao English.”
91
92
Isang uri ng “pidgin” ang “Carabao English,” hindi ito maaaring matanggap bilang Ingles
Si Kenkoy Bilang Kuwelang Ingles sa Komiks: Isang Pagdalumat sa Karabaw English Bilang Instrumento ng Pagsulong ng Makabayang Diwa sa Panahon ng Kolonyalismong Amerikano; 1929-1934
o Tagalog (Ancheta 35–60). Ito rin ay isang katagang nilikha ng mga edukadong elite,
upang mailarawan ang katawa-tawang paggamit ng wikang Ingles ng mga karaniwang tao
o ng masa (Ancheta 35–60). Sumisimbolo ang “Carabao English” sa isang mababang uri
ng wika, ang wika ng masa na sadyang pinipilit makibagay sa isang kolonyal na lipunang
pinamumunuan ng mga elit at dayuhan. Ang sadyang pakikibagay ng masa sa pamamagitan
ng paggamit ng wikang Ingles ay isang katawa-tawang pagsasaayos ng mga karaniwang
tao sa perspektiba ng elite, mga naghaharing-uri, o mga dayuhan. Ayon kay Ancheta, ang
Carabao English ay isang “bastardized English, in which orthography is changed almost
to incomprehensibility, in which we find the interspersion and insertion of Americanized
phrases with very Filipino (Tagalog) expressions” (Ancheta 35–60).
Talahanayan 1
Koleksiyon ng mga Idyoma Mula sa Kenkoy Komiks at mga Karagdagang Salin at Kahulugan
ayon
Siarap Shut-up Manahimik; Itigil ang
pagsasalita
Monidaun Money down Mag-ambag ng pera
Weitaminit Wait a minute Sandali lamang
Magblo-aut To blow-out Manlibre
Yu Bet You bet Pusta?
Wat-Sa-Mara What’s the matter Anong problema?
Gad-Demit ?????? God, damn it! Diyos ko!
Yu-wil-si You will see Makikita mo
Bay-Gad My God! Diyos ko!
Laik Dat…O… Yu-Si Like that, you see? Ganoon, oh! Nakita mo?
Beri-Gud Very Good Mahusay
Luk-aut Look out Mag-ingat; Magmasid
Ol-rait Alright Ayos
Gud Moning Good Morning Magandang Umaga
Tenk-Yu Thank you Salamat
Dats Oret That’s alright Ayos lang
Hoy! Huat is dis? Hey! What is this? Hoy! Ano ito?
Istik Em Ap! Stick them up! Itaas ang kamay!
Luk Hier Look here Tignan mo rito
Yu Gad Dem Hel Oras mo You God Damn Hell, it’s your time Oras mo na!
Hevens Seik! Heaven’s sake! Alang-alang sa langit!
Sumasalamin ang mga nabanggit at natukoy na idyoma mula sa Kenkoy Komiks sa mga
katagang ginamit din sa pang-araw-araw na pakikipagtalastasan sa panahon ng Amerikano sa
Pilipinas noong mga panahong 1920’s hanggang 1930’s o mga unang bahagi ng ika-20 siglo.
Mayroong kamalayan si Kenkoy sa mga “usong” idyoma sa wikang Ingles kung saan nagsasaad
ito ng sadyang pakikibagay at “akulturasyon” ng dayuhang kultura at katutubong wika.
Talahanayan 2
daluyan
Mga Parirala: Pag-aangkop at Pag-aangkin ng wikang Ingles
JOURNAL NG WIKANG FILIPINO
Tomo XXIV, BLG. 1-2, 2018
93
Si Kenkoy Bilang Kuwelang Ingles sa Komiks: Isang Pagdalumat sa Karabaw English Bilang Instrumento ng Pagsulong ng Makabayang Diwa sa Panahon ng Kolonyalismong Amerikano; 1929-1934
94
Sa pag-aaral nina Bucholtz at Hall (2005), isinasaad nito na ang identidad ay kaugnay
sa antas ng isang indibidwal sa lipunan batay sa paggamit ng wika. Lumilitaw mula sa
paggamit ng Carabao English ang kalidad ng edukasyon ni Kenkoy. Pilit ang kaniyang
paggamit ng Ingles sa gayon maraming pagkakataon ay puno ito ng kamalian sa gramatika.
Sumisimbolo ang mga pagkakamaling ito sa kaniyang kawalan ng kakayahan upang
makipagtalastasan nang mabuti sa iba. Nakahon si Kenkoy sa identidad ng hindi edukado
o mayroong malaking kakulangan sa edukasyon. Nilalaro mula rito ang kaisipan hinggil sa
pag-unlad ng isang indibidwal at ang kamalayang kolonyal na iginigiit na ang susi sa pag-
unlad o kaginhawaan ng buhay ay matuto ng wikang Ingles. Kung tutuusin, ang mismong
kawalan ng abilidad ni Kenkoy na makiangkop at makibagay sa mga dayuhan tulad ng
kaniyang pananamit, ang kaniyang Asyanong mukha, at lalo na ang kaniyang Carabao
English ang nagsasaad sa inilalayon ng mga may-akda; huwag tularan si Kenkoy.
95
96
Krisis Pangwika
Naglalaman ang Kenkoy Komiks ng iba’t ibang “kabalbalan” ni Kenkoy sa loob ng kolonyal
na lipunan. Hindi lamang limitado ang naratibo sa pagpapatawa ng mga mambabasa, kung
hindi tumatalakay rin ito sa iba’t ibang panlipunan at politikal na mga suliraning nadatnan
sa tunggalian ng magkaibang wika at kultura sa pagitan ng Pilipinas at Estados Unidos.
Ang kuwento ni Kenkoy ay ang salaysay ng mga Pilipino sa konteksto ng mapanghamong
karanasan sa panahon ng administrasyong kolonyal ng Estados Unidos.
Ipinamalas ni Kenkoy ang diwa ng pagiging makabayan nang tinangka nitong sumali sa
politikal na programa ni Roxas, “Ang Bagong Katipunan” (Larawan 1). Ipinapahayag ni Kenkoy
ang pagiging handa nitong mamatay para sa bayan at nabayaran na siya ng ‘wan piso’ [piso],
subalit pinuna ito ni Roxas. Bihis-rebolusyonaryo si Kenkoy at pilit na gumagamit ng wikang
Ingles habang kausap si Roxas, subalit payo ni Roxas na hindi tunay na rebolusyonaryo ang
pagiging bayaran, ang pagsusuot ng magarbong kasuotang pangsundalo, o ang gumamit ng
wikang Ingles (Velasquez 3).
daluyan
Larawan 1. ‘Bagong Katipunan’. Pinagkunan: Album ng Kabalbalan ni Kenkoy (Velasquez 3)
nang matagpo nito ang sunog, bilang pagsaklolo isinisigaw nito ang “sunog… pa-ir, pa-ir…
sunog! (Velasquez 9),” subalit sumakto ang pagsigaw nito ng “FIRE!” sa harap ng mga pulis na
nag-eensayo ng pagbabaril, kung kaya’t hindi sadyang nabaril si Kenkoy ng pulis (Larawan 2).
Tomo XXIV, BLG. 1-2, 2018
Nagtapos ito sa pagbibigay-payo ng pulis kay Kenkoy, “Ikaw kasi, iningles mo pa ang sunog,
iyan ang mapapala ng ayaw gumamit ng sariling wika… kaya madala ka na…” (Velasquez 9)
97
98
Si Kenkoy Bilang Kuwelang Ingles sa Komiks: Isang Pagdalumat sa Karabaw English Bilang Instrumento ng Pagsulong ng Makabayang Diwa sa Panahon ng Kolonyalismong Amerikano; 1929-1934
Importan notis from dis dey Kenkoy wil ispik Inglis olweys no mor Tagalog bkos
Inglis is di moda an ebribadi ispik dis language of civiliansacion… very respekfooly…
Ken…(Velasquez, 34).
[Important notice, from this day Kenkoy will speak English always, no more Tagalog
because English is the mode and everybody speaks this language of civilization….
Very respectfully…. Ken]
Larawan 3. “Ay Du Nat Ispik Tagalog”. Pinagmulan: Album ng Kabalbalan ni Kenkoy (Velasquez, 34)
PANGWAKAS
Isang direkta at simpleng plataporma o moda ng pagpapahayag ang komiks kung saan
iniuugnay ang biswal at tekstong elemento kung kaya’t nagsisilbing madaliang paraan
ito ng komunikasyon. Kung babalikan ang pambungad ni Velasquez sa aklat, tanging
JOURNAL NG WIKANG FILIPINO
na pananalita:
99
100
Natunton mula sa pagsusuri ng Kenkoy Komiks ang naging proseso ng pag-angkin at pag-
angkop ng mga Pilipino sa wika at sa dagok ng pananakop ng Estados Unidos, kung saan
nagsilbing tagapamagitan si Kenkoy sa dalawang magkaibang wika at kultura. Dahil sa
sapilitang pagpataw ng mga kolonyal na pamantayan at institusiyon naging limitado ang
malayang pagpapahayag sa konteksto ng pagtutol sa pananakop sa bahagi ng mga Pilipino.
Natunghayan ang kahalagahan ng Kenkoy Komiks bilang isang paraan upang maipakita
ang pagbatikos at protesta mula sa paghihigpit ng kolonyal na lipunan. Samakatwid,
nagkaroon ng malikhaing paraan ng pagpapahayag ang mga Pilipino laban sa mga hindi
kanais-nais na mga pagbabagong nararanasan dulot ng pananakop at kolonisasyon.
Nadatnan din mula sa pananaliksik ang mga naging hakbang sa paggamit sa dayuhang
wika sa loob ng kolonyal na lipunan sa Pilipinas, dahil sa pilit na paggamit, pakikibagay,
at pag-angkop ng mga Pilipino sa kanluraning mga pamantayan, nabuo ang isang uri ng
“Pidgin English” na tinaguriang “Carabao English” ng mga elit. Matutunghayan din ang
pagkakahati ng lipunan sa konteksto ng bayan at elit. Mayroong taglay na pangungutya,
pagpuna, at pagbatikos ng bayan ang Kenkoy Komiks hinggil sa mga pagbubura ng sariling
kabihasnan na nakikipagtunggali sa punong-abalang bansang mananakop.
Natukoy ang naging pag-angkin ng mga Pilipino sa dayuhang wika at ang pilit na paggamit
nito sa pang-araw-araw na buhay. Natunghayan ang naging suliranin hinggil sa paggamit
ng wikang Ingles ng mga Pilipino sa mga bahagi ng pagbabaybay, pagbigkas, at pang-
unawa ng mga parirala at idyomang ginamit sa Kenkoy Komiks. Bunga ng suliraning ito,
nagkakaroon ng matinding krisis pangwika at panlipunan. Ang katagang “Carabao English”
na mismong terminong ginamit ng elit upang malarawan ang uri ng Ingles (makuwela at
katawa-tawa) ng bayan ay isang pagpapatuloy ng kamalayang kolonyal sa pamamagitan
ng pagpapairal ng rasismo sa sariling bayan.
Ancheta, Maria Rhodora G. “Halakhak: Defining the Croft, William, and D. Alan Cruse. Cognitive linguistics.
“National” in the Humor of Philippine Popular Cambridge University Press, 2004.
Culture.” Thammasat Review 14, no. 1 (2010): 35-
60. Limbag. ---. Neocolonial identity and counter-consciousness:
Essays on cultural decolonization. Routledge, 2017.
Barrows, D. P. A history of the Philippines. Manila, Limbag.
Philippines: American Book Company, 1905.
Limbag. ---. The Philippines: A past revisited. Tala Pub. Services,
1975. Limbag.
Black, Art. “Monsters, Midgets, Politicians and
Superheroes: The Philippines on Film.” Asian D’Angelo, M., and L. Cantoni. “Comics: semiotic
Cinema 17, no. 2 (2006): 78-83. Limbag. approaches.” (2006): 627-635. Encyclopedia of
Language & Linguistics (Second Edition). Boston
Boyd, Brian. “Laughter and literature: A play theory of Elsevier, 2006. 627-635. Limbag.
humor.” Philosophy and literature 28, no. 1 (2004):
1-22. Limbag. Fondevilla, Herbeth. “Contemplating the Identity of
Manga in the Philippines” International Journal of
Bramlett, F. Linguistic Codes and Character Identity Comic Art 9, no. 2 (2007) Limbag.
in Afro Samurai. In F. Bramlett (Ed.), Linguistics
and the study of comics. New York, NY: Palgrave Green, Lisa J. African American English: a linguistic
Macmillan, 2012. introduction. Cambridge University Press, 2002.
Limbag.
Bucholtz, M. (2003) Sociolinguistic nostalgia
and the authentication of identity. Journal of Grindstaff, Beverly K. “Creating identity: exhibiting
Sociolinguistics 7.3: 398–416. Limbag. the Philippines at the 1904 Louisiana Purchase
Exposition.” National Identities 1, no. 3 (1999):
Bucholtz, M. and Hall, K. Identity and interaction: 245-263. Limbag.
a sociocultural linguistic approach. Discourse &
Society (2005) 7.4–5: 585–614. Limbag. Hall Jr, Robert A. “The life cycle of pidgin
languages.” Lingua11 (1962): 151-156. Limbag.
Chua, Karl Ian U. Cheng. “The Stories They Tell:”
Komiks” during the Japanese Occupation, 1942- Hsu, F. Colonial lessons: Racial politics of comparison
1944.” Philippine studies (2005): 59-90. Limbag. and the development of American education policy
in the Philippines. In D. C. Maramba & R. Bonus
---. “Educational Komiks: Shifting Perspectives.” Kyoto (Eds.), The “other” students: Filipino Americans,
Review of Southeast Asia 16, (2014). https://
daluyan
education, and power (2013): 39-62. Charlotte, NC:
kyotoreview.org/issue-16/educational-komiks- Information Age Publishing, Inc. Limbag.
shifting-perspectives/. Web. Inakses noong 5
Agosto 2019. Hsu, Funie. “The coloniality of neoliberal English: The
enduring structures of American colonial English
Chua, Karl Ian Uy Cheng, and Kristine Michelle Santos. instruction in the Philippines and Puerto Rico.” L2
“Pinoy Manga in Philippine Komiks.” Global Manga. Journal7.3 (2015).
Routledge, 2016. 201-216. Limbag.
Hudson, Richard Anthony. Sociolinguistics. Cambridge
JOURNAL NG WIKANG FILIPINO
Cohn, Neil. “Comics, linguistics, and visual language: University Press, 1996. Limbag.
The past and future of a field.” Linguistics and
the Study of Comics. Palgrave Macmillan, London, Ileto, Reynaldo Clemena. “Philippine wars and the
Tomo XXIV, BLG. 1-2, 2018
101
102
---. “The ‘unfinished revolution’in Philippine political Oxford University Press. Phillipson, R. (2008). The
Si Kenkoy Bilang Kuwelang Ingles sa Komiks: Isang Pagdalumat sa Karabaw English Bilang Instrumento ng Pagsulong ng Makabayang Diwa sa Panahon ng Kolonyalismong Amerikano; 1929-1934
discourse.” Japanese Journal of Southeast Asian linguistic imperialism of neoliberal empire. Critical
Studies 31, no. 1 (1993): 62-82. Limbag. Inquiry in Language Studies, 5(1), 1- 43. Limbag.
Lent, John A. “Comic art in the Philippines.” Philippine ---. “Linguistic imperialism.” The Encyclopedia of Applied
studies46, no. 2 (1998): 236-248. Limbag. Linguistics (1992): 1-7. Limbag.
Linn, Brian McAllister. Guardians of Empire: The US Pierce, Charles Sanders, and J. Hoopes. “Pierce on
Army and the Pacific, 1902-1940. University of Signs: Writings on Semiotic.” Edited by James
North Carolina Press, 1997. Limbag. Hooper. Chapel (1991). Limbag.
---. The Philippine War, 1899-1902. University Press of Rafael, Vicente L. “Reorientations Notes on the Study
Kansas, 2000. Limbag. of the Philippines in the United States.” Philippine
Studies (2008): 475-492. Limbag.
---. The US Army and Counterinsurgency in the Philippine
War, 1899-1902. UNC Press Books, 2000. Limbag. Reyes, Soledad S. “The Philippine” Komiks”: Text as
Containment.” Southeast Asian Journal of Social
Maldonado-Torres, Nelson. “On the Coloniality of Science (1997): 79-91. Limbag.
Being: Contributions to the Development of a
Concept.” Cultural studies 21.2-3 (2007): 240-270. Roxas, Cynthia, and Joaquin Arevalo. History of Comics
Limbag. of the Philippines and Other Countries. Islas
Filipinas Publishing Company, 1985. Limbag.
Martin, Isabel Pefianco. “Periphery ELT: The politics and
practice of teaching English in the Philippines.” Shurcliff, Arthur. “Judged humor, arousal, and the
In The Routledge handbook of world Englishes, pp. relief theory.” Journal of personality and social
269-286. Routledge, 2010. Limbag. psychology 8, no. 4p1 (1968): 360. Limbag.
---. How, How the Carabao: Tales of Teaching English Teske Jr, Raymond HC, and Bardin H. Nelson.
in the Philippines. Ateneo de Manila University, “Acculturation and assimilation: A
Loyola Schools, 2009. Limbag. clarification.” American Ethnologist 1.2 (1974): 351-
367. Limbag.
McKinley, William. “Benevolent Assimilation
Proclamation.” Speech, Washington, DC (1898). Tsakona, Villy. “Language and image interaction
Limbag. in cartoons: Towards a multimodal theory of
humor.” Journal of Pragmatics 41, no. 6 (2009):
Miller, Stuart Creighton. Benevolent assimilation: The 1171-1188. Limbag.
American conquest of the Philippines, 1899-1903.
Yale University Press, 1982. Limbag. Veatch, Thomas C. “A theory of humor.” (1998): 161-
216. Limbag.
Morreall, John. “Philosophy of humor.” (2012). Limbag.
Pefianco Martin, Isabel. “Fearing English in the Velasquez, Tony. “Album ng Kabalbalan ni Kenkoy. np:
Philippines.” Asian Englishes 11, no. 2 (2008): 76- Rarekomiks.” (2004). Limbag.
79. Limbag.
Woolford, Ellen. “Bilingual code-switching and syntactic
Philippine Commission. Public laws passed during the theory.” Linguistic inquiry 14.3 (1983): 520-536.
period from September 1, 1900, to August 31, 1902: Limbag.
Acts nos. 1 to 449, inclusive. Manila, Philippines:
Bureau of Public Printing, 1903. Limbag.
ABSTRAK ABSTRACT
Sa artikulo, isinusulong na sa pagturing sa The article argues that by categorizing
Panitikang Maritimo bilang nagsasariling the oceanic texts as a separate literary
domeyn sa Panitikan, mas mapalilitaw domain, the maritime Filipino character
ang mga katangian at kakanyahang and significance can effectively come
makabuluhan sa Pilipinong kultura at forth. In this context, there is a need
pagkakakilanlan. Sa ganitong konteksto, to formulate frameworks and modes of
mahalagang magkaroon ng lente sa knowing that are designed for the purpose
panunuring pampanitikan na idinisenyo of understanding the sea. However, in the
daluyan
at iniangkop sa mga gawaing kaugnay ng process of developing the research, two
dagat. Gayunman, kinaharap sa proseso ng major difficulties were encountered: (1)
pananaliksik ang dalawang matitingkad na The lack of systematic and comprehensive
suliranin: (1) May kakulangan sa sistematiko documentation of maritime texts and (2)
at komprehensibong dokumentasyon the absence of clear and explicit definition
ng mga akdang maritimo at (2) walang of Maritime Literature in the Philippines. In
malinaw at eksplisit na pagpapakahulugan order to effectively develop the maritime as
JOURNAL NG WIKANG FILIPINO
mga akdang maaaring kumatawan dito. the sea in the text will not suffice for it to be
Ang papel na ito ay pagbabahagi ng mga considered “maritime.” The paper shares the
103
104
PANIMULA
“May kahinaan ang tradisyong maritimo sa panitikan ng Pilipinas” - isa ito sa mga inilitaw
na suliranin ni Resil Mojares (“The Imaginary Body of the Nation” 218) sa lektura sa UP
Diliman bilang bahagi ng pagdiriwang sa sentenaryo ng kasarinlan ng bansa noong 1998.
Ayon sa kaniya, mahalagang suriin ang pag-akda sa dagat sa mga nobelang Pilipino sa
pagbibigay-kahulugan sa nasyon. Dalawang dekada makalipas ang pag-uusisa ni Mojares,
inasahan kong natugunan na ang nasabing suliranin upang maging tungtungan sana ng
planong saliksik tungkol sa kasaysayang pampanitikan ng mga akdang tumatalakay sa
karagatan (at mga kaugnay na konsepto). Taong 2016 nang balangkasin ang pag-aaral na
may panimulang layunin na maitala ang produksiyong literari ng maritimong akda upang
mamalas ang diyakronikong pag-unlad nito. Sentral sa ganitong uri ng pananaliksik ang
pagtitipon at pagbibilang ng mga teksto. Gayunman, wala akong natagpuang malinaw
o eksplisit na depinisyon ng “Panitikang Maritimo” sa Pilipinas. Kaugnay nito, walang
komprehensibong pagtukoy at pagkategorya sa mga “akdang maritimo.” Maaaring may
“intuitive” na pagpapakahulugan ang mga iskolar subalit mahalaga pa ring matugunan ito
sa empirikal na pamamaraan.
Sa kabila nito, dahil integral sa kasaysayan at kultura ng Pilipinas ang karagatan dahil sa
katangiang pulo-pulo, hindi kapani-paniwalang dahop ang malikhaing pagpaksa sa dagat
at mga gawaing kaugnay nito. Sa inisyal na hinuha, hindi pa lamang masinop na natitipon
at akademikong nasusuri ang mga tekstong maaaring kumatawan sa panitikang maritimo.
Bukod dito, marahil ay hindi rin masiglang nailalahok sa kritisismong pampanitikan ang mga
akda kung saan sentral ang karagatan kaya may kahinaan sa pagpapaunlad sa pagteteorya.
Maituturing ang mga ito na pansamantalang sagwil na mahalagang matawid upang mas
maitampok ang katangiang arkipelahiko ng ating kultura.
Dahil hindi pa makapagtukoy ng mga akdang maritimo, naiba ang direksiyon ng saliksik
at isinagawa muna ang pagkalap ng mga akda. Ang papel na ito ay pagbabahagi ng mga
naranasang kompleksiti sa seleksiyon at kategorisasyon ng mga malikhaing teksto. Taliwas
sa inisyal na pananaw, hindi sapat ang simpleng paglahok sa dagat upang maituring
na “maritimo.” Upang makapaghain ng gabay sa mga nasa parehong larang ng interes,
ibabahagi ang mga katangiang lumitaw mula sa mga sinuring nobela at maikling kuwento.
Mahalagang maisaalang-alang ito at ang kaugnay na mga usapin upang mas maging
makabuluhan ang pagtukoy at pagpapakahulugan sa Panitikang Maritimo sa Pilipinas.
danas sa naratibo (Gidmark x). Masasabing heneriko ang ganitong pagpapakahulugan dahil
sa saklaw at kompleks na katangian ng dagat kaya mahirap itong bigyan ng depinidong
kahulugan. Paliwanag ni Windmüller, halos imposibleng maikategorya ang panitikang dagat
Tomo XXIV, BLG. 1-2, 2018
dahil sa yaman ng mga tekstong umiiral mula sa mga naratibo ng paglalakbay hanggang
talambuhay ng mga kapitan (23). Kapag pinag-uusapan ang literaturang maritimo, malimit
105
106
5). Sa unang kahulugan, ibinubukod ang ilog at mga anyong hindi kasama sa katipunan
ng katubigan; samantalang pinatitingkad naman ng ikalawa ang katangiang solido ng
kalupaan (terra firma).
daluyan
Tomo XXIV, BLG. 1-2, 2018
JOURNAL NG WIKANG FILIPINO
107
108
Hindi lamang natipon kundi na-digitize na ang 400 taong mga maritimong tekstong Ingles.
Dahil dito, mabilis na itong magkareresulta sa mga paghihinuha at mas malalim na pag-
aaral tungkol sa paghupa ng pagpaksa sa dagat sa kalagitnaan ng 1700.
Sa kabilang banda, nang sangguniin ang mga akda sa Pilpinas sa Filipino at Ingles,
walang natagpuang ensayklopedya na espesipikong pumapaksa sa maritimo. Dahil dito,
pangunahing naging gabay ang CCP Encyclopedia of Philippine Art (Literature) (1994) ng
Cultural Center of the Philippines, Origins and Rise of the Filipino Novel: A Generic Study of
the Novel Until the 1940 (1983, 1998) ni Resil Mojares, at Bibliography of Filipino Novels,
1901-2000 (2008) ni Patricia May Jurilla. Makabuluhan ang CCP Encyclopedia dahil
nasasaklaw nito ang produksiyong literari ng buong Pilipinas. Mga antolohiya naman ang
pangunahing sinangguni upang mapili ang mga maikling kuwentong ilalahok sa sampol.
Kung ihahambing sa nobela, mas mayaman ang balon ng anyong ito at mas partikular
ang pagpaksa sa dagat at kaugnay na mga gawain. Sinuri din ang panitikang seaman na
kinalap sa mga antolohiya at mga magasing popular (limbag at online) na naglalathala
Pagtukoy at Pagpapakahulugan sa mga Akdang Maritimo sa Pilipinas: Mga Makabuluhang Katangian at Kaugnay na Usapin
ng mga malikhaing akda ng mga Pilipinong seaman. Naging kapaki-pakinabang ang Ani:
CCP Literary Journal (2008) at nakapagtipon at nakapagsuri na rin ng mga akdang seaman
sa sariling artikulo na “Panimulang Pag-aaral sa Hulagway ng Pilipinong Seaman sa mga
Maikling Kuwento at Tula (1990 – 2010)” (2015).
Para sa layunin ng papel na ito na palitawin ang mga usaping kinaharap sa pagtukoy sa
mga akdang maritimo, ginamit ang mga nobelang Aginaldo ng Dagat (1945) ni Narciso S.
Asistio, Margosatubig (1946/ 2012) ni Ramon Muzones, Shri Bishaya (1969/ 2015) ni Ramon
Muzones, Shifting Sands (1997) ni Irah Borinaga, Anina ng mga Alon (2002) ni Eugene
Evasco, at Samboangan: The Cult of War (2006) ni A.R. Enriquez. Sa mga maikling kuwento,
pinagtuunan lamang ang mga akda ni Gremer Chan Reyes na tinukoy bilang maritimong
manunulat: “Reyes is more rooted to the sea than any other Cebuano writer and it is through
this combination of experiences that he has become one of Cebu’s most respected writers of
fiction” (Sabanpan-Yu 2009, 15. Aking diin). Si Reyes lang din ang may subtansiyal na mga
akdang malinaw na nagtataglay ng katangiang maritimo. Ilan sa mga ito ang “Tinagoan sa
Dagat” (1967) at mga koleksiyon sa Man at Sea and Other Stories (2009) gaya ng “Ang Bata,
Ang Langgam, Ang Tawo” (The Child, The Bird, The Man), “Mga Binuhat sa Lawod” (Men at
Sea), “Ang Isda sa Bulak sa Talikod” (The Fish of the Flower of Talikod), “Ang Bata ug ang
Kasag nga Balinggiitan” (The Child and the Fearsome Crab), “Ang Tawo nga Nanamin sa
Adlaw sa Tinagong Dagat” (A Day in the Life of a Man at Tinagong Dagat), at “Mga Baybayon
ang Pikas Bahin sa Lawod” (A Shore on the Other Side of the Sea).
Mas marami nang akda ang aktuwal na natipon subalit makasasapat na ang mga nabanggit
bilang kinatawan. Nais linawing hindi malalim ang pagsusuri sa nasabing mga teksto dahil
ang pangunahing layunin ay mailitaw ang mga pagsubok na kinaharap sa pagtukoy at
pagpapakahulugan. Ipinook ang mga halimbawang nobela at maikling kuwento sa mas
malawak na pagtalakay sa kompleksiti ng pagpapakahulugan.
MGA USAPIN SA PAGPAKSA O DI-PAGPAKSA SA DAGAT
Napakadali para sa mga mananaliksik ng kasalukuyang panahon na ikubli ang dagat sa
gunita dahil sa pag-unlad ng transportasyong panlupa at panghimpapawid gayundin ng
telekomunikasyon. Pinaniniwalaang kahit / dahil lubhang integral ng maritimong karakter sa
kasaysayan at kultura ng mga lipunang pulo-pulo, mabilis itong mawaglit sa postmodernong
perspektiba (Baker x). Kaugnay nito, makabuluhang siyasatin ang mga batayan ng mga
sinasabing pagsasaisantabi sa dagat, lalo na sa arkipelahikong bansa katulad ng Pilipinas.
Inuugnay ang konstant na paggalaw ng tubig bilang pangunahing dahilan kung bakit
itinuturing na antitetikal ang dagat sa lupa. Bilang resulta, mas napagtutuunan sa
akademiya ang Geography/ Heograpiya o “pagsulat tungkol sa daigdig” dahil mas nagagagap
at naipaliliwanag ito samantalang napag-iiwanan ang Thalassography/ Talasograpiya
o “pagsulat tungkol sa dagat” (Steinberg, “Foreword: On Thalassography” xv). Malimit ding
pinagsisilbi ang karagatan bilang bakgrawnd habang sa kalupaan nangyayari ang tunay
na aksiyon (Mack 19). Kaugnay nito, mahalagang suriin ang mga kategorya ng panunuring
panlipunan (at pampanitikan) na pangunahing dinebelop upang unawain ang mga
pamayanang terestriyal o nasa lupa (Bentley, Bridenthal, at Wigen 17). Paliwanag nina
Anderson at Peters:
Due to the radical difference in physicality between the terrestrial and the oceanic,
these perspectives serve to not only marginalize the marine world from scholarly
study, but also preclude theoretical innovations that may help to conceptualize
this world more properly. We have seen how geography has always been a ‘land’
discipline, but in this way is also became a ‘locked’ discipline, fixated on the
sedentary, static and terrestrially rooted rather than processes of flow, hybridity
and mobile routes. (11)
Sa kabila nito, nagkakasundo ang mga iskolar sa Talasograpiya na relatibong mayaman ang
pagpaksa sa dagat sa malikhaing pagsulat at panitikan. Sa katunayan, itinuturing itong
isa sa mga pinaka-unibersal na simbolismo sa literatura (Raban 3). Karagatan ang nasa
haraya ng makata sa pag-arok ng kailaliman at kaibuturan dahil dumadalas at sumisidhi
JOURNAL NG WIKANG FILIPINO
ang pagpaksa sa “ilog ng daigdig” kapag pinagninilayan ang tungkol sa imensiti ng buhay at
kabilang-buhay (Baker 24). Kahit sa teatro, malaganap ang metapora ng misteryoso at hindi
maarok na dagat (Windmüller 23). Marahil ang likidong katangian na palagiang varyasyon
Tomo XXIV, BLG. 1-2, 2018
at pagbabago ang sanhi kung bakit ito naging angkop sa mga mito ng hindi maipaliwanag
(Sobecki 6. Aking diin). Kinikilala ang biyaya at buhay na hatid nito subalit itinuturing pa
109
110
ring kakatwa dahil sa kawalan ng estabilidad ng terra firma (Mathieson 146. Aking diin).
Makabuluhan, kung gayon, na sipatin ang ganitong mga paglalarawan dahil napananatili
at naipapalaganap nito ang partikular na imahen at kaisipan. Kailangang bantayan ang
representasyon sa karagatan bilang Iba at baka magresulta ito sa pagtinging hindi bahagi
ng lipunan ang dagat o “marine othering” (Steinberg, The Social Construction of the Ocean
37). Paliwanag ni Niel Smith, may tendensiya ang mga metapora sa espasyo na ituring ang
mga aktuwal na espasyo bilang sisidlang patay o walang laman kung saan inilalagay ang
mga bagay o pangyayari (Tally, The Routledge Handbook of Literature 34).
Sinikap na punan ng Heograpiya, Literatura, at iba pang larang ang sinasabing puwang sa
pagitan ng materyal at metaporikal na dagat sa Spatial Humanities, Spatial Literary Studies,
Geocriticism, o Geopoetics. Ekstensibong sisipiin si Robert Tally, Jr. sa pagpapakahulugan sa
nasabing mga disiplina:
umaasang mas sistematikong masusuri ang angking kakanyahan ng nasabing topos. May
potensiyal itong makapagpalitaw ng mahahalagang usapin sa produksiyong literari at
kulturang maritimo sa Pilipinas.
Tomo XXIV, BLG. 1-2, 2018
111
112
Nais linawing hindi inaangking pinal at kompleto ang itinalang mga katangian (at mga
halimbawang teksto). Sa halip, inilalatag ang mga ito bilang mga panimulang punto at maaaring
panatilihin, palawigin, o hamunin ng mga iskolar na nasa parehong interes mula sa Panitikan
at iba pang larang. Kinikilalang ginagabayan ang bawat paunang pagtatangka ng pahayag na:
“[N]o human mind will have the final vision, and no human voice will speak the final word about
the sea. This […] is but one attempt to gather together the most meaningful of what […] has
thought, sensed, and imagined about this fluid and potent element” (Gidmark xxiii).
Doble ang negatibong epekto nito sa maritimong pag-aaral dahil (a) itinuturing na
pasibo at palamuti ang tagpuan kaya naisasantabi at (b) bilang tagpuan, natulak din ang
dagat sa laylayan dahil itinuturing itong antitetikal sa kalupaan. Naimpluwensiyahan ng
ganitong pananaw ang mga Pilipino dahil sa epekto ng kolonyalismo na nakapagpabago
sa maritimong paraan ng pamumuhay. Ipinataw ng mga mananakop ang kamalayang
kontinental sa mga katutubo at kinasangkapan ang karagatan upang magsilbi sa kolonyal
na layuning militar, politikal, at ekonomiko (Villan 11). Dito nanggagaling ang obserbasyon
ni Olivia Swift (2007) na nagkaroon ng pagbibiyak ang lupa at dagat sa konsepto ng mga
Pilipino. Naging mas komplikado ang nasabing usapin dahil sa pag-unlad ng transportasyong
panlupa at panghimpapawid na nakapagpahina sa katubigan bilang pangunahing moda ng
paglalakbay. Hindi na rin kailangang pisikal na magtagpo ang mga tao upang makapag-
usap dahil sa nakamamanghang pag-abante ng telekomunikasyon. Naging sanhi ito ng
unti-unting pag-urong ng dagat patungo sa laylayan ng kaisipan, kultura, at literatura.
Paliwanag ni Steinberg, nag-iiwan ng puwang sa pag-unawa ang parsiyal na katangian ng
pakikipagtagpo sa dagat kaya naging sentro ng mga akademikong disiplina ang kalupaan
(Anderson at Peters 4. Aking diin). Sa katunayan, pinaniniwalaang ang kakulangan
ng maritimong danas ng manunulat ang isa sa mga dahilan kung bakit pinagsilbing
dekorasyon ang dagat sa mga naratibo (Edwards 219). Bilang resulta, naging ekstensiyon o
kaligiran na lamang ng lipunang nakabase sa lupa ang karagatan. Kahit sa mga panahong
pinaniniwalaang may pagsigla sa talasograpiya, lumilitaw na nakapagdaragdag nga ang
dagat sa detalye subalit hindi talaga sentro o sabjek (Miller 3). Mabigat din ang implikasyon
ng pananaliksik ni Steinberg kung saan natuklasang umiiral ang diskurso ng karagatan sa
labas ng rasyonal na kaayusan ng daigdig (The Social Construction of the Ocean 35. Aking
diin) dahil malayo sa terestriyal na moda ng pag-unawa.
Paano matataya kung gayon na kritikal ang karagatan sa naratibo? Hahalawin ang pahayag
ni Foulke (2002) sa pagpapaliwanag ng punto: Hindi maituturing na “space literature” ang
isang kuwento kung nabanggit lamang na nasa kalawakan ang astronaut subalit lahat ng
aksiyon at pangyayari sa spaceship ay para lang ding nasa lupa. Sa parehong konteksto,
hindi masasabing “panitikang maritimo” ang akdang mangingisda ang pangunahing tauhan
at tabing-dagat ang tagpuan pero uminog ang kabuuan ng salaysay sa panliligaw ng bida
sa mayamang kababata. Para sa layunin ng pag-aaral, isa itong halimbawa ng hindi kritikal
ang dagat sa naratibo dahil sa dalampasigan lamang naganap ang mga pangyayari subalit
daluyan
hindi ang tagpuan ang nakapagpaunlad sa kuwento. Bilang kongkretong halimbawa, isa si
Gremer Chan Reyes sa mga natukoy nang maritimong manunulat dahil sa katawan ng mga
sulating pumapaksa sa dagat at mga kaugnay na gawain. Gayunpaman, sa Men at Sea and
Other Stories (2009), koleksiyon ng maiikling kuwento sa Sebwano ni Reyes at isinalin ni
Hope Sabanpan-Yu sa Ingles, hindi maituturing na “kritikal” ang dagat sa “Sa Utlanan sa
Kahayag ug Kangitngit” (At the Edge of Light and Dark) kahit naganap ito sa pamayanang
kostal ng Luyong Baybay. Tungkol ito sa mabuting relasyon ni Bb. Dalinas sa estudyante
JOURNAL NG WIKANG FILIPINO
nitong si Daniel na nagkaroon ng lamat nang malaman ng bata na sundalo ang kasintahan
ng guro. Kung babasahin ang subteksto, pinatay ng mga militar ang mga magulang ni
Daniel kaya ito pumisan sa lugar ng lolo at lola kung saan malapit ang pinasukang paaralan
Tomo XXIV, BLG. 1-2, 2018
113
114
nakapagpapalaho sa dagat
Hindi lamang ang mismong pisikal/heograpikal na dagat ang tinutukoy ng konseptong
“maritimo” kundi pati na rin ang politikal, sosyal, ekonomiko, at kultural na pakikipag-ugnayan
dito. Sa pakahulugan ni Windmüller, nasasaklaw nito ang mga sona ng pagtatagpo at pag-
uugnayan (48) katulad ng pulo, baybayin, at sasakyang-pandagat. Makabuluhan ang nasabing
mga tagpuan sa panitikan upang mapalutang ang iba’t ibang gawaing pangkaragatan.
Despite revealing how both sides of the oceanic edge become transient and
interactive, the discourse suggests that neither side loses its inherent essence.
As the terrestrial and the oceanic continually change form, the complexity of the
“edge” accelerates in step with contemplations of the by-the-sea narrators. This
endlessly vacillating, oscillating quality is characteristic of the essence of what
literature “by the sea” represents. (Yamashiro 6)
Instrumento naman ang sakayan/bangka/barko upang marating ang ibang lupain sa
pamamagitan ng dagat. Sa kapuluan ng Pilipinas, masusing pinag-aralan ng mga katutubo
ang katangian ng karagatan, galaw ng mga alon, at pagbabago ng panahon. Sa pamamagitan
nito, mabisang naiangkop ang disenyo ng mga sakayang-dagat depende sa gamit (Abrera
2002). Sa katunayan, itinuturing ng mga Austronesyano ang karagatan bilang ekstensiyon
ng kalupaan at makabuluhang nailangkap ang hulagway ng tubig-alat sa oral na tradisyon
katulad ng alamat, epiko, awit, bugtong, at iba pa. Sumasalamin ito sa maritimong kultura
ng sinaunang mga pamayanan kung saan napakahalaga ng papel ng sakayan. Sa mga
malikhaing akda, madalas na inilalarawan ang karagatan mula sa pananaw ng mga karakter
na nasa sasakyang-pandagat pero may mga pagkakataon ding nagsasariling pinapaksa
ang bangka/barko bilang esensiyal na bahagi ng naratibo o bilang katuparan ng kabuluhan
ng nobela (Philbrick 258). Mabisang nailarawan ni Ramon Muzones sa Margosatubig
(1946) ang makukulay na biniday, pangku, kumpit, at binta na nagpapaligsahan sa rikit
at ringal gayundin ang makilos at maasahang mga sakayang ginagamit sa paglalakbay,
pakikipagkalakalan, at pakikidigma. Sa paglipas ng panahon, nanatili ang imahen ng
bangka/barko sa mga naratibo bilang piraso ng terra firma na naglululan at nagtatawid ng
mga tao, produkto, at kaisipan.
Kaugnay ng lahat ng nabanggit, ano-ano nga ba ang mga halimbawa ng gawaing maritimo?
Inaasahan ang pagkakaiba-iba ng pagpapakahulugan dito sa bawat lipunan at panahon.
JOURNAL NG WIKANG FILIPINO
Kung sa Pilipinas (o maritimong Timog Silangang Asya), nasa dulo ng ispektrum ang
mga taong-dagat katulad ng mga Badjao na nananahan at namumuhay sa karagatan at
nasa ibang punto ang mga mangingisda, maninisid ng perlas, mangangalakal, at pirata
Tomo XXIV, BLG. 1-2, 2018
(Boomgaard 5-6). Masigla rin ang mga Pilipinong seaman sa paglalayag sa kapuluan at sa
ibang bansa. Sa kabilang dulo naman mailulugar ang mga aktibidad ng mga pamayanang
115
116
Mahalaga ring suriin ang mga pantalan bilang pook sa kalupaan na unang nararating ng
mga biyahero, produkto, at kaisipan. Walang dudang naging lunan ang sektor-maritimo ng
mga bago at ibang idea dahil sa potensiyal ng pag-abot sa maraming pook at mamamayan
(Peck 2). Barko ang unang nagtulay kay Jose Rizal upang makasalamuha ang iba’t ibang
lahi at mabatid ang liberalismo ng Europa. Lumawak ang perspektibo ng komunistang
lider na si Ho Chi Minh habang naglilingkod sa kusina ng barkong Pranses noong 1911
(Fink 132). Kabilang ang mga marino at manggagawa sa pantalan sa unang nagbandila
ng pakikipagkaisa sa radikalismo at internasyonalismo sa kilusang paggawa (Lillie 2006).
Inaasahang makapagpapalitaw ng mga makabuluhang representasyon ang mga aktibidad
sa barko mula sa panitikang seaman sa Pilipinas (Kaugnay nito, maaaring tingnan ang
“Panimulang Pag-aaral sa Hulagway ng mga Pilipinong Seaman sa mga Maikling Kuwento
at Tula, 1990-2010” [2015] ni Joanne Manzano).
Bilang pagtatapos sa pamantayang ito, masasabing “gawaing maritimo” ang aksiyon o pangyayari
na nagaganap sa isla; dalampasigan; sakayan, bangka, o barko; at ibabaw, ilalim, at gilid ng
dagat. At sa naratibo, hindi dapat naisasantabi o naglalaho ang kahalagahan ng karagatan.
117
118
Truth about the Philippines” (1925) ni Katherine Mayo, at “Sailing the Sulu Sea: Belles and
Bandits in the Philippines” (1940) ni David Potter. Patunay ang mga ito sa pagkasangkapan
ng mga imperyalista sa representasyon at moda ng persepsiyon upang wasakin ang
katutubong kultura (Keown 18). Kaya mahalagang paunlarin ang kritikal na postkolonyal
na panulat at panunuring pampanitikan upang mabunyag ang ideolohikal na motibo ng
mga mananakop. Sa pamamagitan nito, maibabalik sa mga katutubo ang kapangyarihang
bigyang-kahulugan ang sariling pagkakakilanlan.
Bilang panghuli, mahalagang suriin ang epekto ng karagatan sa mga pilosopikal at metaporikal
JOURNAL NG WIKANG FILIPINO
119
120
PANGWAKAS
Nang ibahagi ko sa isang akademiko ang tungkol sa saliksik, naitanong niya kung kailangan
pa bang gawin ito. Marahil magkaiba lamang kami ng interes o maaari ding matapat ang
kaniyang paniniwalang hindi na kailangang tukuyin ang mga akdang maritimo sa Pilipinas.
Maituturing na pareho ito sa pagtingin ni Ted Underwood, propesor sa University of
Illinois na nagpahayag na may mga paksa o anyo sa literatura, katulad ng dagat, na kahit
hindi malalimang suriin ay magreresulta sa inaasahan (predictable o madaling hulaan).
Gayunman, batay sa sariling danas, maaari ding masorpresa ang ibang mananaliksik sa
pagdalumat sa malikhaing akdang maritimo. Mas malaki ang posibilidad ng pagkakatuklas
sa mga larang na naisasantabi dahil sa pagturing na “gasgas” o “karaniwan.” Sa halip
na pasibong ipawalang-saysay ang dagat, isinusulong ang ibayong paglalahok sa mga
akdang nasusulat sa mga wikang rehiyonal. Isang hakbang ito upang makabuo ng
mas komprehensibong pagpapakahulugan sa Panitikang Maritimo sa Pilipinas. Bukod
dito, inaasahang makapagluluwal ng mga bago, alternatibo, o radikal na pagpaksa ang
mga pagbabagong hatid ng globalisasyon ng industriyang maritimo. Lalong nagiging
Pagtukoy at Pagpapakahulugan sa mga Akdang Maritimo sa Pilipinas: Mga Makabuluhang Katangian at Kaugnay na Usapin
makabuluhan ang kahalintulad na saliksik dahil ang bansa ang pinakamalaking suplayer ng
mga seaman sa buong mundo.
Anderson, Jon at Kimberley Peters. Water Worlds: Cohen, Ralph. “History and Genre.” New Literary History
Human Geographies of the Ocean. England at USA: 17.2 (1986): 203-218. Limbag.
Ashgate, 2014. Limbag.
Devitt, Amy J. Writing Genres. USA: Southern Illinois
Baker, Samuel. Written on the Water: British University Press, 2004. Limbag.
Romanticism and the Maritime Empire of Culture.
USA: University of Virginia Press, 2010. Limbag. Duché, Elodie. “’A Sea of Stories’: Maritime Imagery
and Imagination in Napoleonic Narratives of War
Barnes, Trevor J. at James S. Duncan, mga ed. Writing Captivity.” Sea Narratives: Cultural Responses to
Worlds: Discourse, Text, and Metaphor in the the Sea, 1600-Present. Ed. Charlotte Mathieson.
Representation of Landscape. London: Routledge, Palgrave Macmillan, 2016. 47-80. Ebook. Inakses
1992. Limbag. noong 1 Hulyo 2017.
Bassnet, Susan. “Translating Genres.” Sa Genre Matters: Earle, Sylvia A. Sea Change: A Message of the Oceans.
Essays in Theory and Criticism. Mga ed. Garin Dowd, New York: Ballantine Books, 1995. Limbag.
Lesley Stevenson, at Jeremy Strong. Bristol UK:
Intellect Books, 2008. 85-95. Limbag. Edwards, Philip. The Story of the Voyage: Sea-Narratives
in Eighteenth Century England. Cambridge:
Bentley, Jerry H., Renate Bridenthal, at Kären Wigen, Cambridge University Press, 1994. Limbag.
mga ed. Seascapes Maritime Histories, Littoral
Cultures, and Transoceanic Exchanges. Honolulu: Evasco, Eugene Y. Anina ng mga Alon. Lungsod Quezon:
University of Hawai’i Press, 2007. Limbag. Adarna House, 2002. Limbag.
Bodenhamer, David J., John Corrigan, at Trevor M. Fink, Leon. Sweatshops at Sea: Merchant Seamen in
Harris, mga ed. Deep Maps and Spatial Narratives. the World’s First Globalized Industry from 1812 to
Bloomington, Indiana: Indiana University Press, the Present. USA: The University of North Carolina
2015. Limbag. Press, 2011. Limbag.
Bodenhamer, David J. “Narrating Space and Place.” Sa Foulke, Robert. The Sea Voyage Narrative. New York:
Deep Maps and Spatial Narratives. Mga ed. David Routledge, 2002. Limbag.
J. Bodenhamer, John Corrigan, at Trevor M. Harris.
Bloomington, Indiana: Indiana University Press, Gidmark, Jill B., Ed. Encyclopedia of American Literature
daluyan
2015. 7-27. Limbag. of the Sea and Great Lakes. Connecticut: Greenwood
Press, 2001. Limbag.
Boomgaard, Peter, ed. A World of Water: Rain, Rivers,
and Seas in Southeast Asian Histories. Leiden: Gillis, John R. “Islands in the Making of an Atlantic
KITLV Press, 2007. Limbag. Oceania, 1500-1800.” Sa Seascapes Maritime
Histories, Littoral Cultures, and Transoceanic
Chamberlain, Mary at Paul Thompson, mga ed. Narrative Exchanges. Mga ed. Jerry H. Bentley, Renate
and Genre. London: Routledge, 1998. Limbag. Bridenthal, at Kären Wigen. Honolulu: University
JOURNAL NG WIKANG FILIPINO
121
122
Isham, Howard. Image of the Sea: Oceanic Consciousness Moslund, Sten Pultz. Literature’s Sensuous Geographies:
in the Romantic Century. New York: Peter Lang, Postcolonial Matters of Place. New York: Palgrave
2004. Limbag. Macmillan, 2015. Limbag.
Keown, Michelle. Pacific Islands Writing: The Peck, John. Maritime Fiction: Sailors and the Sea in
Postcolonial Literatures of Aotearoa/ New Zealand British and American Novels, 1719-1917. Hampshire
and Ocean. Oxford at New York: Oxford University at New York: Palgrave, 2001. Limbag.
Press, 2007. Limbag.
Philbrick, Thomas. James Fenimore Cooper and
Klein, Bernhard at Gesa Mackenthun, mga ed. Sea the Development of American Sea Fiction.
Changes: Historicizing the Ocean. New York at Massachusetts: Harvard University Press, 1961.
London: Routledge, 2004. Limbag. Limbag.
Langewiesche, William. The Outlaw Sea: A World of Remmington, Janet. “’Through Dustless Tracks’ for
Freedom, Chaos, and Crime. London: Granta Books, African Rights: Narrative Currents and Political
2004. Limbag. Imaginaries of Solomon Plaatje’s 1914 Sea
Voyage.” Sea Narratives: Cultural Responses to
Lillie, Nathan. A Global Union for Global Workers: the Sea, 1600-Present. Ed. Charlotte Mathieson.
Pagtukoy at Pagpapakahulugan sa mga Akdang Maritimo sa Pilipinas: Mga Makabuluhang Katangian at Kaugnay na Usapin
Collective Bargaining and Regulatory Politics in Palgrave Macmillan, 2016. 81-110. Ebook. Inakses
Maritime Shipping. New York at London: Routledge, noong 1 Hulyo 2017.
2006. Limbag.
Reyes, Gremer Chan. Men at Sea and Other Stories.
Mack, John. The Sea: A Cultural History. UK: Reaktion Salin Hope Sabanpan-Yu. Manila: NCCA, 2009.
Books, Ltd., 2011. Limbag. Limbag.
Manzano, Joanne Visaya. “Panimulang Pag-aaral sa Sobecki, Sebastian I. The Sea and Medieval English
Hulagway ng Pilipinong Seaman sa mga Maikling Literature. Cambridge: D.S. Brewer, 2008. Limbag.
Kuwento at Tula (1990-2010).” Lagda: Journal
ng UP Departamento ng Filipino at Panitikan ng Steinberg, Philip E. The Social Construction of the Ocean.
Pilipinas 10.1 (2015): 169-204. Limbag. UK: Cambridge University Press, 2001. Limbag.
Mathieson, Charlotte, ed. Sea Narratives: Cultural Steinberg, Philip. “Foreword: On Thalassography”. Water
Responses to the Sea, 1600-Present. Palgrave Worlds: Human Geographies of the Ocean. Mga ed.
Macmillan, 2016. Ebook. 1 Hulyo 2017. Jon Anderson at Kimberley Peters. England at
USA: Ashgate, 2014. xiii-xvii. Limbag.
Miller, Carolyn R. “Genre as Social Action.” Quarterly
Journal of Speech 70 (1984): 151-167. Limbag. Swift, Olivia. “‘Natural Born’ Sailors? Reconsidering
Stereotypes of Filipino Global Seafarers.” Agham
Miller, Peter N., ed. The Sea: Thalassography and Tao 16 (2007): 1-28. Web. Inakses noong 10 Hulyo
Historiography. USA: University of Michigan Press, 2017.
2013. Limbag.
Tally, Robert T., Jr., Ed. Literary Cartographies: Spatiality,
Mojares, Resil. “The Imaginary Body of the Nation”. Representation, and Narrative. New York: Palgrave
Binasang papel sa UP Centennial Lecture Series, Macmillan, 2014. Limbag.
UP Diliman, Quezon City, Setyembre 22, 1998.
Limbag. Tally, Robert T., Jr., Ed. The Routledge Handbook of
Literature and Space. Oxon at New York: Routledge,
Mojares, Resil. Origins and Rise of the Filipino Novel: A 2017. Limbag.
Generic Study of the Novel Until 1940. Quezon City:
UP Press, 1998. Limbag. UNCTAD (United Nations Conference on Trade and
Development). Review of Maritime Transport 2016.
Mojares, Resil. Waiting for Mariang Makiling. Essays in Geneva: United Nations Publication, 2016. unctad.
Philippine Cultural History. Quezon City: Ateneo De org. Web. Inakses noong 12 Mayo 2017.
Manila University Press, 2006. Limbag.
MGA TALA
Van den Heever, Gerhard. “Spatializing Practices at the Lampas sa pormalistang lapit, masasabing naitulak
1
daluyan
Tomo XXIV, BLG. 1-2, 2018
JOURNAL NG WIKANG FILIPINO
123
124
[Ang mga fraile] ang nagsulong ng pagkastigo kina Burgos, Gomez at Zamora….
Subalit ang ganitong hayag na kawalang-katarungan ay hindi nagpunla ng takot
kundi magkamuhi sa mga fraile…at pakikiramay at pagdaramdam para sa mga
biktima…Pinag-isip ng mga Filipino, sa unang pagkakataon, hinggil sa kanilang
kalagayan. Sa pagdaramdam, naramdaman nilang nabubuhay sila. Kaya itinanong
nila kung paano sila nabubuhay….
—APOLINARIO MABINI,
Ang Rebolusyong Filipino (1931)
He who desires something, desires because of the common good, because it is his
own good, since it is the good of the entire universe…It is impossible for someone
to realize their good if their project is not convergent with the common good.
Kung ihahambing ang akda ni Aguilar sa mga kapanahon, mapapansin na ang klasikong
Nena at Neneng (1903) ni Valeriano Hernandez Pena ay siksik ng moralistikong aralin
at pasumalang sirkunstansiya (Mojares 198). Tipikalidad ng karakter ang mahalaga.
Nilagom mula sa siniyasat na kaisipan at udyok ng mga tauhan ang tipikal na katangiang
makauri na kongkretong inilarawan sa alegorikang iskemang ipinaliwanag nina Lukacs
(1972) at Jameson (1971). Bakit paraang mala-parabula o alegorya? Upang bigyan ng
higing o himatong pang-unibersal ang mga katangiang partikular o aktuwal na nangyari o
puwedeng mangyari (Scholes & Kellogg 151-52). Sa anatomiya ng mga karakter naikintal ni
Aguilar ang makauring pananaw at paninindigang nagbubungguan sa diyalektika ng lugar
at panahon sa nobela na ibinadyang “primary semiotic agent of intelligibility” (Culler 189).
daluyan
125
126
Isang sulyap sandali sa banghay ng nobela: Pinaikot ito sa pithaya ng ordeng Heswita na
makuha ang yaman ni Carmen, isang ulilang dalaga, kung makumbinsi siyang pumasok sa
monasteryo. Nang dumulog ang Amerikanong Mister Roland, inutusan ng mga Heswita
ang alagang Eladio Resurrecion na magmanman at magmasid. Di nagtagal, nagmongha
si Carmen. Ipinatapon si Eladio sa lalawigan, nagkaroon ng kasintahan at malaguyong
pangarap. Nang pauwiin siya upang maging alipin muli, umalpas at tinangkang maghiganti
ngunit nabigo’t nabilanggo. Isang parikalang wakas: ang matapat na katulong ay ipinasok
sa bilibid habang si Carmen ay ikinulong sa kumbento.
Trinato ng sistemang umiiral sina Carmen, Eladio, Mister Roland bilang mga bagay na
maipagpapalitan. Naghari ang “commodity-fetishism,” pagsuob sa produkto/salapi, nang
lumaganap ang pamilihan at pangangalakal. Ikinubli ng salapi/komoditi (halimbawa:
lakas o talino ni Eladio) ang katangian ng makalipunang laman ng trabahong pampersonal
(Marx 326-28; Ollman 198-204). Sa isang matalinghagang ironya, naisakatuparan ang
komodipikasyon ng mga kaluluwa: nasugpo ang anarkistang pagbabangon ng dangal
ng anakpawis, nanaig ang maka-negosyanteng pita ng mga prayleng umunlad ang
makamundong kakayahan at kasaklawan nila, sampu ng materyal na katawan at kabuhayan,
sa ngalan ng Diyos, kahit ipagwalang-bahala ang moralidad nito, kung makabubuti sa
kaunting pribilehiyadong nilalang at makapipinsala sa mayorya.
The religious world is but the reflex of the real world. And for a society based
upon the production of commodities, in which the producers in general enter
into social relations with one another by treating their products as commodities
and values, whereby they reduce their individual private labour to the standard
of homogeneous human labour—for such a society, Christianity with its cultus
of abstract man, more especially in its bourgeois developments, Protestantism,
Deism, etc., is the most fitting form of religion….The religious reflex of the real
world can, in any case, only then finally vanish, when the practical relations
of every-day life offer to man none but perfectly intelligible and reasonable
relations with regard to his fellowmen and to Nature.” (326-27) daluyan
Nakasasabik sundan ang pag-inog ng mga pangyayaring naibuod sa umpisa. Gayunman,
hindi napigilan ni Soledad Reyes na punahin ang sa wari niya’y kakulangan ni Aguilar.
Maputla ang nobela dahil “ang mga tauha’y nagmistulang sagisag ng mga abstraktong
puwersa,” sapagkat hindi napag-ukulan ng pansin ang paglikha ng “mga kapani-
paniwalang tauhan at sitwasyon” (46). Sa palagay ko, mababaw at tagilid ang hatol ni
Reyes. Sukat nang babalaan ang mambabasa na hindi payak na salamin ng buhay o
simpleng repleksiyon ang nobela, kundi alegorikong analisis at ebalwasyon ng mga
JOURNAL NG WIKANG FILIPINO
127
128
Ilatag natin ang parametro ng mga kalakarang umiinog sa likod ng mga pangyayaring
pinaghugpong sa nobela. Naipaliwanag sa atin ni Benilda Santos ang personal na
katayuan ni Aguilar noong panahong isinusulat ang nobela. Sa halalan noong 1907, na
ibinunsod ng Cooper “Organic” Act ng 1902, naitatag ang Asamblea o Unang Kapulungang
Salapi, Dangal, Paniniwala: Ang Komodipikasyon ng Kaluluwa sa Kathambuhay, Sa Ngalan ng Diyos ni Faustino Aguilar
Pilipino noong Oktubre 1907 kung saan nakamayani ang Partido Nacionalista laban sa
mga Federalista. Binuhay nina Quezon at mga kapanalig ang dating rebolusyonaryong
digmaan sa pagkamit ng kalayaan mula sa Amerika. Samantala, habang kawani sa
adwana at kahero sa Bazar La Union, patuloy na masugid naglingkod ang nobelista sa
pahayagang La Patria at Muling Pagsilang.
Ulat ni Santos: “Nang matalo, noong 1910, ang pahayagang Muling Pagsilang sa kaso nito
sa korte dahil sa pangulong-tudling na “Aves de Rapina” na bumatikos sa pagmamalabis
ng mga Amerikano, naging Taliba ito. At si Aguilar ang hinirang na maging patnugot
nito hanggang noong 1913, nang himukin siya ni Quezon at Osmeña na manungkulan
sa pamahalaan” (xi; tingnan rin ang tala ni Agoncillo 292-93). Nakakaabala ito. Lubos
bang sumanib si Aguilar sa oligarkong pangkat o nanatiling tapat sa uring manggagawa’t
magbubukid ng Katipunan na kaniyang pinaglingkuran noong kabataan niya? Sa palagay
ko’y hindi.
Ang pangkahalatang problema sa nobela ay kung paano naibunyag ang lihim ng mga tauhan,
ang katotohanan at kabulaanan, batay sa historyang hindi matatakasan, lalo na ang guhit-
tagpuan ng produksiyon at reproduksiyon ng buhay: Carmen=propriedad, Eladio=serbisyong
ginamit upang maangkin ang pag-aari. Ibinaling ang lente ng isip sa diyalektika ng
intensiyon ng tao at nakapamayaning orden ng ekonomiya at relasyong sosyal ng mga uring
nagpapaligsahan. Sa pangyayaring partikular nakaugat ang kahulugang unibersal.
Taft sa mga korporasyong relihiyoso na bilhin ang 166,000 ektarya sa halagang pitong
milyong dolyares. Ngunit nang ialok ito sa mga pesante, napakataas ng halagang ipinataw
dahil sa mga buwis, interes, atbp. Kaya sa halip na makinabang ang mga ingkilino, ang mga
Tomo XXIV, BLG. 1-2, 2018
korporasyon ng mayayaman ang sumunggab sa San Jose Estate at lumala ang krisis ng
kabukiran. Hindi ito maiwawaksi sa matagalang programa ng mga prayle.
129
130
lupaing higit sa 16 ektarya sa isang tao at higit sa 1,024 ektarya sa korporasyon. Subalit
walang bisa ito upang mabago ang San Jose Estate transaksiyon (Constantino 298-99).
Sa patakarang ito, pinalusog ang sistemang asyendang mana sa panahon ng Kastila at
sinuportahan ng mga Amerikanong namumuno ang elitistang pangkat ng oligarkong
katutubo na maiging kaalyado ng kolonyalismo. Lumala ang kalagayan ng mga ingkilino
at magsasakang walang lupa.
Ang unang banggit sa historya tungkol sa Heswita bilang panginoong maylupa ay naganap
noong 1603 nang bilhin nila ang lupang angkin ng ilang pinuno sa Quiapo, na tinutulan ng
mga katutubo sa dahilang hindi pag-aari iyon ng ilang hepe. Pinalayas ang mga Heswita
noong 1768 ngunit bumalik noong 1859 at muling umangkin sa kanilang mga parokya sa
Mindanao, na dahilan ng pakikipag-away sa Rekoletos at iba pang pangkat. Pinaghati ng
monarkiya ang mga lupain sa Luzon sa Augustiniano, Franciscano at Dominicano, at ang
Visayas at Mindanao ay ibinigay sa mga Heswita at Rekoletos (de la Costa 27).
Mapaghinalang Hermenyutika
Ano ang saysay ng mga impormasyong ito sa pagkilatis sa nakatayang likhang-sining?
Lumilitaw na ang nasyonalistikong simbuyong alingawngaw ng 1896 rebolusyon ay
nakasentro pa rin sa relasyong piyudal na umiiral sa buong kapuluan, relasyong nakakawing
pa rin sa humupa ngunit matibay na muog ng frailokrasyang tinuligsa nina Rizal at mga
JOURNAL NG WIKANG FILIPINO
131
132
Pagbulatlat at Pagbubunyag
Kakatwa nga ang papel ni Eladio Resurrecion. Ang bahagi ng sambayanang hawak pa rin ng
ideolohiyang piyudal, si Eladio (na wala sa pitong kabanatang nauna), ay gumaganap ng papel
ng Kamalayang nagsusumikap maabot ang Kamalayang-makasarili (Self-Consciousness)
sa pagsunod, pag-aaral, at sa tuluyang paghihimagsik. Tigib ng ressentiment (damdaming
ginalugad sa Genealogy of Morals ni Nietzsche), paghihiganti ng busabos ang kaniyang
alternatibong gamot sa sakit ng kaluluwa. Ang sunog na tinangka ni Eladio ay propetikong
bisyon ng mala-rebolusyonaryong “resureksiyon” o muling pagkabuhay na naibantayog sa
huling kabanata ng Pinaglahuan, sa ngalan ng sawing pag-iibigan nina Luis at Danding.
Maituturing ito na analohiya sa nasukol na himagsikan ng sambayanang anak-pawis at
magbubukid laban sa luma at bagong manlulupig.
Nakalantad pa rin ang tanong na anong ngalan ng Diyos ang inihuhudyat ng buong
salaysay? Kung aalagatain ang tatlong hibla ng banghay (Heswita-Carmen, Heswita-Eladio,
Heswite-Mister Roland), nakatuon ang interpretasyon dito sa kuwestiyong sumusunod:
Sino sa huling pagtutuos ang makahahamig sa budhi’t pag-aari ni Carmen? Ano ang ibig
ipahiwatig ng pagkasingit kay Eladio sa pagtatagisan ng Amerika at Simbahan? Ano ang
katuturan ng rebelyon ni Eladio, ang pagkatapon niya sa hilaga at pagkasawi niya? Ganap
ba o hungkag ang tagumpay ng mga Heswita at walang naiwang positibong sangkap ang
balintunang pakikipagsapalaran ni Eladio?
Nais ko lamang palalimin at palawakin ang nakaugaliang pagbasa sa nobelang ito. Hindi
ito mekanikal na paglapat ng mga datos pangkasaysayan sa balangkas ng nobela, na kung
realistikong talaga ay nagpipinta ng mga tipikal na sitwasyon at sintesis ng karakter. Hindi
simpleng kopya ng hilaw na datos o estadistiko ang nobela. Binatikos ni Roberto Añonuevo
ang di-umano’y direktang tumbasan ng kasaysayan at likhang-sining, na sa kaniya’y
“paglulunoy sa kumunoy ng realismong panlipunang mahirap igpawan” na, sa turing ko,
ay sadyang karikatura ng radikal na kritisismo (vi-vii). Metapisikang malabo’t malisya ang
resulta kung abstraksiyon ng likhang-sining lamang na bukod sa lipunan at kasaysayan
ang bibigyan-pansin. Kontento na ba tayo sa paghugot ng ilang aral o leksiyon na kagyat
maingunguya’t mailuluwa ng mga pobreng estudyante?
133
134
Ang kaaway ng mga Heswita ay madaling bakahin, paliwanag ng Padre Superyor kay
Padre Villamil, sa kasuwistikong tono: “Sa mabuting kapalaran natin, mali man o tama sa
katotohanan, ang kayamanan din ng mga Amerikano ay siya nilang ikinapapahamak…Sa
mga aklat at pahayagan, sa mga salitaang lihim at hindi, ang sabing sa Amerikano ay wala
nang mahalaga kundi ang pagkabuhay ng totoong karaniwan” (3). Tinutudla ng Amerikano
ang “supot” ni Carmen, ang matris ng yaman at kapangyarihan, hinala ng Heswita.
135
136
sa Lungsod ng Kamunduhan.
Naging sandata sa sugal ng mga negosyante ng kaluluwa ang kumpisal. Subaybayan ang
dalumat ng pari sa nangyaring pagtanggap ng Amerikano sa kaniyang alok:
Ang kaalaman sa isip ng kapuwa ay naging puhunan sa lalong pagtubo nito. Napagkayarian
ng dalawang kawal ng Compania ni Jesus na iakma ang estratehiya sa bagong katalagahan, na
manmanan at subukan ang bawat galaw at kilos ng kanilang biktima, si Carmen. Kailangan ang
isang makapagmamalas sa babae, taktikang ginampanan ng tiktik na si Eladio. Samantala, si
Padre Superyor ang uugit sa gawi at hilig ng ale ni Carmen, pasisiglahin ang kaugaliang dapat
sumunod sa magulang ang anak. Ito ay ideolohiyang piyudal na di inalintana ni Mister Roland,
sapagkat kasabwat at kaalyado ng kolonyalismong lakas ang mga katutubong oligarko na
ginagabayan ng tradisyonal na hilig at kaugalian. Bukod rito, kapuwa dayuhang Puti ang mga
Heuwita at kolonyalistang negosyante, magkakutsaba sa paninikil sa kanilang sakop.
Mga Espiritwal na Pagsasanay (Spiritual Exercises 1522-24) ni San Ignacio de Loyola ang
pinakamakabuluhang giya sa mga kasapi. Itinatag noong 1534 sa Paris ni San Ignacio, ang
Compania ni Jesus ay isang disiplinado at militanteng orden ng mga guro sa larangan ng
Tomo XXIV, BLG. 1-2, 2018
137
138
matinik na polemika ang mga deista, organisasyon ng mga mason, sina Voltaire at mga
kapanalig na Pranses sa Encyclopedia, hanggang isigaw ang kanilang adhikaing busalan
at ipatapon ang mga taong pinaratangan nilang walang diyos at erehe. Sa kanilang
militaristikong oryentasyon, kinatakutan sila ng marami at naging bantog sa bulag na
pagsilbi sa poder ng Papa.
mapatnubayan ang direksiyon ng buhay, tulad ng pagpayo kay Carmen na laging sumunod
sa ritwal at utos ni Padre Villamil. Hindi malayo ang regulasyon ng orden sa reglang
ipinatutupad sa pabrika ng mga kapitalista, o sa militaristikong pag-ugit ng Lider/Diktador
sa pulisya at sundalo ng rehimeng awtokratiko at pasista.
Ang espasyo sa nobela ay nakatuon sa mga silid ng Padre Superyor, Carmen at Eladio.
Ang publikong lugar ay simbahan, lansangan, sa looban at bulwagan ng bahay ni Carmen,
at ilang pook sa nayon. Bagama’t binabalaan na si Carmen ng Padre Superyor tungkol sa
indibidwalistikong pangitain-sa-mundo ng Amerikano’’—“ang masidhing paglingap sa sarili,
paris ng tinutuntong halimbawa ng pagdalangin sa ako ng mga Amerikano ay nagwawalat
ng pananampalataya” (24)—hindi nasuway si Carmen sa pagdulot ng panahong pagliripin
ang dulog ni Mister Roland na nangyari nang magkaroon ng handaan (Kabanata 6).
Pakikipagsapalaran ng Birhen
Ordinaryong buhay ang nakagagambala. Napukaw na ang damdamin ni Carmen sa balitang
pag-aasawa ng pinsang Dolores at Ventura. Matinding balisa ang sumaklot sa dibdib ni
Carmen: “…Siya kaya ay makaisip mag-asawa?…Hindi niya matulusan kung alin ang mabuti
sa gayong siya ay nag-iisa o sa may makatali ang kaniyang kapalaran” (33). Umawit ng
“Pamamaalam ni Aida sa Kaniyang Bayan”—pahiwatig na maitataboy siya sa madlang
burgis (hawak ang patubuang propriedad), habang damdam ng lahat ang “pagbulalas wari
ng pighating kinukuyom sa dibdib” (49) na hindi lang sa kabukiran kundi kabayanan at
dulaan mahirap makarinig noon. Tinig sa kagubatan ang naulinigan ng madla.
Kumitid muli ang espasyo ng hardin at bulwagan sa eksena nang magtakbuhan ang mga
automobil, sagisag ng modernidad. Sa pagdidili-dili ni Carmen, pinatunayang ang gawing
pagbulatlat at paghimay sa karanasan tungo sa kumbersiyon (pagdesisyong maging
mongha, asawa ni Jesus) ang siyang magbubunsod sa paghulog sa umang ng Heswita.
Mapanganib sanayin ang isip sa ikauunlad ng kalayaan ng bawat tao sa pagpili ng dapat
daluyan
gawin, pagpili ng landas na tatahakin. Ito marahil ang aral na ipinahahatid ng tagpong ito.
kabukiran, kung saan ang suyuan ni Dure at Eladio ay lumago, sumigla at naging negatibong
imahen sa nabigong pagsasama nina Carmen at Mister Roland. Nabuksan ang larangan,
mula masikip na siyudad tungo sa maluwag at maaliwalas na panganorin ng kabukiran.
Tomo XXIV, BLG. 1-2, 2018
139
140
sa aplikasyon ng turo ni San Ignacio. Tinuturol dito ang pagkumpisal, ulit-ulit na pagsulsol
at paglamuyot sa konsiyensiya ng may kayamanan, at maagap na interbensiyon ng alila o
instrumentong mauugitan tulad ni Eladio. Subalit pumaibabaw ang Estado sa pagkahuli’t
pagkapiit ni Eladio sa salang panununog—protesta sa palalong kapangyarihan ng mga
Heswita, na hindi katugma sa prinsipyo ng karidad at pagmamahal sa kapuwa nilalang,
ayon sa turo ni San Agustin. Pahiwatig ito na kailangan ang kolektibong mobilisasyon, hindi
anarkistang paghihiganting nagpapatibay lamang sa sistemang balakyot.
Ang huling bahagi ng nobela hinggil sa edukasyon ni Eladio, ng kaisipang walang muwang
at mapagtiwala, ay proyektong paglantad sa limitasyon ng aktong personal laban sa
makapangyarihan. Sa ibang pagsasaad, ang layon dito ay ipatalastas ang hanggahan ng
maramdaming kritika na walang kolektibong lakas. Mensahe rito na ang mapusok na maka-
sariling hakbang ay tulad ng reaksiyon ng hayop sa anumang panganib. Kung sa bagay,
maaaring ipalagay na si Eladio ay representatibo ng medya-klase o panggitnang uri, taglay
ang indibidwalistikong sigla’t talino. Ngunit ang munakala niya—halimbawa, kaniyahin si
Carmen—ay hinadlangan ng natutuhang pagsasaalang-alang sa dangal ng kababaihan at
sa puri ng magulang. Malakas pa rin ang impluwensiya ng piyudal na kaayusan at antig ng
dugo ng liping nakaugat sa agrikulturang produksiyon. Totoong ang esensiya ng pagkatao
ay katumbas ng kabuuan ng ugnayang panlipunan sa isang takdang yugto ng kasaysayan
(mungkahi ito ni Marx sa “Theses on Feuerbach”).
Tulad ni Padre Villamil, natutuhan ni Eladio ang maglihim, magkunwari, gamitin ang
linlang at pandaraya. Gaya-gaya, puto maya. Sa pagsaliksik sa kontradiksiyong bumabalisa
sa kaniya, alalaong baga’y naging Heswita rin si Eladio sa balak na iligtas ang sarili at
tumawid sa krisis ng di nabawasan ang dangal at pagkatao. Masinsinang siko-analisis
ang matagumpay na nahulma ni Aguilar, ebidensiya na ulirang pioneer ito sa tradisyon
ng nobelang makabago’t mapanghawan ng bagong landas sa paggalugad at pagmapa sa
kapaligiran. Kilatisin ang implikasyon ng dinamikong pagkukuro ni Eladio na tandisang
paghubog sa huwaran ng examen de conscience:
Bukod sa dapat naman niyang timbanging mabuti kung ano ang marapat na gawin.
Ang kakalabani’y sakdal-liksi, matalino at malakas, kaya ang kailangan ay hindi ang
pag-iingat lamang kundi ang buong talas at lakas ng loob.
Pinag-iisip kung ano ang mabuti, bagaman sa sarili ay yari na ang tangkang
ipagtanggol ang dalaga, laban sa kasakiman natay na sa kaniyang mga pag-asa sa
pag-ibig ay nagtatangka pang pumatay sa kanyang pagkatao.
Naipalagay ni Eladiong ang Diyos na rin ang siyang nagtalaga ng lahat ng iyon
daluyan
upang siya na isang anak-bukid lamang ay makagawa ng isang bagay na maging
karapat-dapat sa mata ng Makapangyarihang Lumikha (92).
Trahedya-komedya ng Pagbabanyuhay
Wangis Heswita ang asal ni Eladio sa puntong ito. Sa kabila ng ganitong pagsisiyasat
sa kalooban, hindi nakuhang gahasain ni Eladio si Carmen sa bantang biguin ang mga
Heswita. Sa halip, siya ang napahamak at napaglalangan. Bilang testigo o saksi sa pakana
JOURNAL NG WIKANG FILIPINO
141
142
ang imaheng nakapaloob dito: “Naglalamay na kinukuro ang kaniyang paghihiganti laban
sa mga Heswita. Ang damdamin niya’y nag-aapoy, parang isang malaking siga sa loob ng
dibdib na nagpapainit nang gayon na lamang sa kaniyang kalooban” (106). Naitampok na
naman ang imahen ng apoy, sunog, na tila bunga ng kaniyang poot, ngitngit, pagngangalit
sa aglahing di matiis, na magtutulak sa kanyang sunugin ang bahay ng mga Heswita sa
huling kabanata. Apokaliptikong panimdim ang pumalit sa tukso ng imahen ng katawan
ng birhen—isang pahiwatig ng kinabukasan ng bayan kung walang hustisya at paggalang
sa mga karapatan ng inaapi’t pinagsasamantalahan. Nagsanib muli ang diwa at katawan,
espiritu at laman.
Ang galit ni Eladio ay sumagitsit muli nang utusan siyang bumalik. Ang himutok ng
pag-iring niya “ay aapaw na parang tubig na kumukulo at sa pagdaraana’y walang
ilalabing anuman kundi ang bakas lamang ng mga pagkasawing ibubunga” (145). Tila
matiyagang estudyante ni San Ignacio si Eladio na sensitibo sa bugso ng damdamin at
mainam magmasid sa proseso ng pag-inog ng dalumat na siyang sintomas ng hatol ng
Diyos o katalagahan. Gumising ang nahihimbing na ulirat, umisip ng paraan kung paano
Salapi, Dangal, Paniniwala: Ang Komodipikasyon ng Kaluluwa sa Kathambuhay, Sa Ngalan ng Diyos ni Faustino Aguilar
N apag-alaman na natin ang nakalipas, ngayon naman usisain natin ang kinabukasan
o hinaharap ng mga tauhan at grupo sa lipunan. Kung si Carmen ang kumakatawan
sa kapalaran ng kababaihan at uring masunurin pa rin sa lumang orden, si Eladio ang
personipikasyon ng mapanganib na krisis ng panggitnang-uri, katutubong mamamayan
na supling sa bukid at napadpad sa lungsod kung saan namamayani ang awtoridad ng
simbahan at imperyalismong burokrasya (pulis, simbahan,burokrasya, atbp). Maitatanong:
bakit nagwakas ang nobela sa pagkabigo ni Eladio at pagkahuli sa kaniya? Bakit sumuko na
lamang si Mister Roland sa pagkaalam—salamat kay Eladio—na siya ang naging biktima ng
panlilinlang at pandaraya ni Padre Villamil?
Dumako muli tayo sa disenyo ng espasyo at panahon. Dalawang uri ng espasyo ang ginamit
sa banghay ng nobela: ang saradong silid sa bahay ni Carmen, ang Simbahan, at ang mga
pribadong silid ng mga Heswita, na kapwa entablado o plataporma sa analisis ng isip at
damdamin ng mga tauhan. Katumbalikan ang bukas na espasyo: hardin o looban ng bahay
ni Carmen, at dagat at bukirin kung saan nailipat si Eladio nang hindi na siya kailangan sa
paniniktik ni Padre Villamil. Pahiwatig ang dagat at parang ng posibilidad na makatakas si
Eladio at makapagsarili sa bagong buhay na kasama ang napusuang Dure, anak ng liping
tagabukid. Bapor at awtomobil ang sagisag ng nagmamadaling takbo ng industriyalisadong
sibilisasyon ng imperyalismo, ng monopolyo-kapitalismong papatnubay sa buong daigdig
mula Siglo 1900.
143
144
Banayad muna ang mga unang sandali, bago unti-unting tumulin, hanggang
sa naging mabilis ang paglayo sa pasigang pinanggalingan. Si Eladio ay hindi
tumitinag sa pagkakatayo, ang titig ay nakapako sa dalatan.
Ang kapighatian niya’y nag-ibayo nang mapakubli sa isang pulo ang sasakyan.
Wala na siyang matanaw sa bayang pinanggalingan, kaya napatungo na lamang
at sabay sa pagbubuntong-hiningang hinagkan nang buong kataimtiman ang
kumpol ng kamuning na alaala sa kaniya ni Dure (146-147).
Saka ngayon, nang sinisimulan niya ang paglangoy nang sarili, sa loob ng katayuang
nilikha ng mga lalang din ni Padre Villamil ay ito at hindi na iba ang siyang bumigo
sa lahat niyang mga panukala.
Ang talaga pong katotohanan, Padre Villamil. Sa ngalan ng inyong Diyos ay sinira
ninyo ang pag-iibigan ni Carmen at ni Mister Roland, sa ngalan ng inyong Diyos
ay niluoy ninyo ang mga pag-asa ni Carmen hanggang sa siya’y maipasok sa
monasteryo, sa ngalan ng inyong Diyos, ako ay inyong kinasangkapan sa mga lihim
JOURNAL NG WIKANG FILIPINO
145
146
“Hindi po, Padre Villamil, hindi ako tampalasan. Sa lilim ng ibang palakad sa
pamumuhay, sa sinapupunan ng ibang ayos na pagsasamahan ng mga tao sa
nangyayaring ito ay ako ang bayani at kayo ang salarin (157).
Pakay ng nobela na ibilad ang sakit ng lumang sistema (gayundin ang pakay ni Rizal sa
kaniyang dalawang nobela), gawing kasuklam-suklam ang ipokrisya ng simbahan at ang
kahangalan at karupukan ng mga masunuring mamamayang di makaigpaw sa matandang
kaugalian, at ang kahabag-habag na kasabwat sa gawaing panloloko’t pandaraya. Sa gitna
ng malagim na sitwasyon ng bayan noong dekada 1899-1910, matapos mabitay si Heneral
Sakay at masupil ang labing hukbo ng rebolusyonaryong Republika ng Malolos, sinikap
buhayin muli ang espiritu ng paghihimagsik sa mikropolitika ng pangkaraniwang buhay-
buhay (kapwa ulila sa magulang sina Eladio at Carmen) na kubkob ng ethos ng pamahiin,
sindak sa mga espiritu, at gawing walang kamalayan sa sariling bait. Nahubaran ang balat-
kayo ng “Ngalan ng Diyos” na islogan ng reaksiyonaryo’t oskurantistikong pangkat.
intellectuall of his time” (240). Subalit si Eladio ay hindi gumanap ng naturang papel. Siya
ang binatang pinaglaruan ng kapalaran, at sa udyok ng kodigo ng dangal (nakaangkla pa
rin sa normatibong animistiko), napilitang magtanong at gumanti sa sekretong paraang
Tomo XXIV, BLG. 1-2, 2018
hango sa asal ng mga Heswita. Nag-iisa siya at nakapako sa erotikang tanikala (namintuho
kay Carmen, at pagkatapos kay Dure). Walang makalipunang kinabukasan, sa pagtingin ni
147
148
Aguilar, Faustino. Busabos ng Palad. Manila: Aliwan, Harris, Marvin. Cannibals and Kings. New York: Vintage
1950. Limbag. Books, 1977. Limbag.
---. Sa Ngalan ng Diyos. Quezon City: Ateneo de Manila Hegel, Georg Wilhelm Friedrich. The Phenomenology of
UP, 2004. Limbag. Spirit. New York: Oxford UP, 1977. Limbag.
Añonuevo, Roberto. 2004. “Introduksiyon” sa Sa Ngalan Jameson, Fredric. Marxism and Form. Princeton:
ng Diyos. Quezon City: Ateneo de Manila UP, 2004. Princeton UP, 1971. Limbag.
pp. v-xxx. Limbag.
---. The Political Unconscious. Ithaca, NY” Cornell UP,
Aquinas, Thomas. Summa Theologiae. Parts I & II. 1981. Limbag.
Turin: Marietti, 1950. Limbag.
Lefebvre, Henri. The Production of Space. Oxford, UK;
Armstrong, Karen. A History of God. New York: Blackwell, 1991. Limbag.
Ballantine Books, 1993. Limbag.
Levin, Harry. “What is Realism?” Nasa sa The Practice
Bainton, Roland H. Christianity. Boston: Houghton of Modern Literary Scholarship, pat. Sheldon P.
Mifflin, 1964. Limbag. Zitner. Glenview, IL: Scott, Foresman and Co.,
1966. Limbag.
Balibar, Etienne & Pierre Macherey. “On Literature as
an Ideological Form.” Marxist Lliterary Theory, pat. Lukacs, Georg. “The Intellectual Physiognomy of
Terry Eagleton & Drew Milne. Oxford UK: Blackwell, Literary Characters.” Nasa sa Radical Perspectives
1996. pp. 275-95. Limbag. in the Arts, pat. Lee Baxandall. Baltimore, MD:
Penguin, 1972. pp. 89-141.Limbag.
Constantino, Renato. The Philippines: A Past Revisited.
Quezon City: Tala Publishing Services, 1975. Mabini, Apolinario. Ang Rebolusyong Filipino. Salin
Limbag. ni Michael Coroza. Metro Manila: Aklat ng Bayan,
2015. Limbag.
Culler, Jonathan. Structuralist Poetics. Ithaca, NY:
Cornell UP, 1975. Limbag. Marx, Karl. “Theses on Feuerbach.” Nasa sa Selected
Works of Karl Marx & Frederick Engels. New York:
De la Costa, Fr. Horacio. Readings in Philippine History. International Publishers, 1968. Limbag.
Manila: Bookmark, 1965. Limbag.
---. Critique of Hegel’s Philosphy of Right.
Dussel, Enrique. Ethics of Liberation. Durham, NC: Duke Pinamatnugutan ni Joseph O’Malley. Cambridge:
UP, 2013. Limbag. University Press, 1970. Limbag.
daluyan
Ferm, Vergilius. Encyclopedia of Religion. Paterson, NJ: ---. “Capital, Volume One.” The Marx-Engels Reader,
Littlefield, Adams, & Co., 1959. Limbag. pat. Robert Tucker. New York: W.W. Norton, 1978.
Limbag.
Foucault, Michel. The History of Sexuality: Volume 1:
An Introduction. New York: Vintage Books, 1980. Medina, B.S. Jr.. Tatlong Panahon ng Panitikan. Manila:
Limbag. National Book Store, 1972. Limbag.
149
150
151
JOURNAL NG WIKANG FILIPINO
Tomo XXIV, BLG. 1-2, 2018
152