Professional Documents
Culture Documents
Uri ng
Tayutay
1. Sinekdoke
Nagbabanggit ito ng isang bahagi
upang sakupin o tukuyin ang kabuuan.
Halimbawa:
Pagkabata ko na’y walang inadhika kundi
paglilingkod sa iyo’t kalinga, di makailan
kang babal-ing masira, ang mga kamay
ko’y siyang tumimawa.
2. Hayperbole
Nagmamalabis ito sa paglalarawan ng
mga bagay.
Halimbawa:
Nagbuntung-hininga itong abang kalong
at sa umaaliw na Moro’y tumugon:
kung di mo kinalag sa puno ng kahoy
nalibing na ako sa tiyan ng leon.
3. Personipikasyon –
Nagsasakatawan o nagsasalin ito ng
katangian ng tao sa mga bagay na hindi
buhay o hindi tao.
Halimbawa:
Sa tinaghuy-taghoy na kasindak-sindak
gerero’y hindi na mapigil ang habag,
tinunton ang boses at siyang hinanap,
patalim ang siyang nagbukas ng
landas.
4. Onomatopiya –
Paggamit ito ng mga salitang may
angkop na tunog.
Halimbawa:
Dawag na masinsi’y naglagi-lagitik sa
dagok ng lubhang matalas na kalis.