You are on page 1of 6

MGA SALITANG NAGHAHAMBING

Baybayin 10
Aralin 25
Paghahambing na Magkatulad

Ginagamit ito kung ang dalawang


pinaghahambing ay may patas o pantay na
katangian. Ginagamitan ito ng mga panlaping
kasing-, sing-, magsing-, magkasing- o kaya ay
ng mga salitang gaya, tulad, paris, kapwa at
pareho.
Paghahambing na Magkatulad

a. Magkasintatag ng paninindigan ang mga


pangunahing tauhan sa dalawang nobela.

b. Si Basilio ay gaya rin ni Simoun na


nakikipagtunggali sa mga hamon ng buhay.
Paghahambing na Di-magkatulad.

Ginagamit ito kung ang pinaghahambing ay may


magkaibang katangian.
Paghahambing na Di-magkatulad.

a. Pasahol. Pasahol ang pang-uri kung ang inihahambing


ay may mas maliit o mas mababang katangian. Gumagamit
ito ng mga salitang tulad ng di-gaano, di-totoo, di-lubha, o
di-gasino.

Halimbawa:
1. Di-lubhang mapusok ang karakter ni Crisostomo tulad ni
Simoun.
2. Di-gasinong apektado ng masamang kapalaran si Isagani
gaya ni Basilio.
Paghahambing na Di-magkatulad.

b. Palamang. Ginagamit ang pahambing na palamang


kung ang ikinukumpara ay may mas mataas o nakahihigit
na katangian. Gumagamit ito ng mga salitang higit, lalo,
mas, labis at di-hamak.

Halimbawa:
1. Di-hamak na matapat ang pag-ibig ni Juli kaysa kay
Paulita .
2. Naniniwala akong higit na madamdamin ang nobelang El
Filibusterismo kaysa sa Noli Me Tangere.

You might also like