You are on page 1of 3

THIRD QUARTER REVIEWER IN FILIPINO 9

I. KATUTURAN

(Parabula)
Ang akdang pampanitikan na ito ay hango sa salitang “Parabole” na nagsasaad ng dalawang
bagay (na maaaring tao, hayop, lugar, o pangyayari) para paghambingin. Ito ay makatotohanang
pangyayaring naganap noong panahon ni Hesus batay sa nakasaad sa Banal na Aklat.

(Elehiya)
Isang tulang liriko na naglalarawan ng pagbubulay-bulay o guni-guni na nagpapakita ng
masidhing damdamin patungkol sa alaala ng isang mahal sa buhay na yumao na.

(Alamat)
Pinagmulan ito ng isang bagay lugar, pangyayari o katawagan na hubad sa katotohanan. Alin sa
sumusunod ang tinutukoy ng pahayag?

(Epiko)
Ito ay isang uri ng panitikang tumatalakay sa kabayanihan at pakikipagtunggali ng isang tao o
mga tao laban sa kaaway.

(Paglalapi)
Ito ay pagbubuo ng salita sa pamamagitan ng pagsasama ng panlapi at salitang-ugat.

(Pang-abay)
Ito ay bahagi ng pananalita na nagbibigay-turing sa pandiwa, pang-uri at sa kapwa nito.

(Pahiwatig o Simbolo)
Ito ay Elemento ng Elehiya na tumutukoy ito sa mga bagay o pangyayari na nagpapahiwatig ng
ideya o kaisipan kaugnay sa pagpanaw ng tauhan at ng makata sa mga inilahad sa elehiya.

(Tao Laban sa Sarili)


“Nakasasawa na ang ganitong buhay. Bakit kailangan kong akuing mag-isa ang responsibilidad
ng pag-aalaga kay itay? Dapat ko na ba siyang iwan?” Naguguluhang bulong ni Boy sa sarili.
Anong uri ng tunggalian ang nangingibabaw sa talata?

(Tao Laban sa Sarili)


Tunggalian ng maikling kuwento ang tumutukoy sa paglaban ng pangunahing tauhan sa
kanyang sariling paniniwala, pinsipyo at palagay.

(Tao laban sa lipunan)


“Sawang-sawa na ako sa baho na nakapaligid sa lugar na ito. Gustong-gusto ko nang makawala
sa pagbubuhay-daga natin.” - Maricel Soriano - Gina Alajar sa Kaya Kong Abutin Ang Langit.
Anong uri ng tunggalian ang ipinakita sa pahayag?

(maalalahanin)
Napansin ni Bb. Mikasa ang pagbaba ng marka ng kanyang mag-aaral na si Armin. Nababahala
siya dahil hindi niya makontak ang mga magulang nito. ”Kailangan ko siyang puntahan sa
kaniyang bahay mamaya para naman malaman ko kung paano ko siya matutulungan.” Bilang
isang guro ano ang katangiang ipinakita ni Bb. Mikasa?

(Palaasa)
Nabalitaan ni Mario na makakatanggap ang kanyang pamilya ng ayuda galing sa gobyerno dahil
kabilang sila sa ”poorest of the poor” kaya naman hindi na siya gumawa ng paraan upang
kumita ng pera dahil bibigyan na lamang daw sila. Ano ang karakter ang kanyang ipinakit?

II. KAHULUGAN
- “Malungkot na lumisan ang tag-araw kasama ang pagmamahal na inialay. ”Ang unang linya ng
tula ay nagpapahiwatig ng _____________. PAGLUBOG NG ARAW

- Anong damdamin ang nangingibabaw sa saknong sa ibaba? NANGUNGULILA


Malungkot na lumisan ang tag- araw
Kasama ang pagmamahal na inialay
Ang isang anak ng aking ina ay hindi na makikita
Ang masayang panahon ng pangarap.
Elehiya sa kamatayan ni Kuya – isinalin ni Pat V. Villafuerte

- Anong kahulugang ng saknong sa ibaba. MANANATILI ANG ALA-ALA NG ISANG TAONG MAY
MAGANDANG GINAWA SA MUNDO
Sa ganito, mananatili ka
Sa mundo, sapagkat, kailanman
Hindi mo itinanghal
Ang iyong kamatayan

- “Madalas kong kontrolin ang mga bagay – bagay at pangyayari sa buhay ko. Ano ang maaaring
maging pantulong na pangungusap sa unang pahayag? NAGHAHANDA AT NAGPAPLANO AKO
SA AKING BUHAY.

- Ano ang ibig sabihin ng pahayag na “Kakampi nila ang mga Diyos” kung ang usapan ay
pagkapanalo sa kaaway? LAHAT NG BAGAY AY KAYA NILANG GAWIN DAHIL BINABANTAYAN
SILA NG MGA DIYOS.

- Sa sumusunod na sitwasyon, ano ang higit na maituturing na pangyayaring pang-epiko?


UMALIS SIYA AT BUMALIK UPANG ILIGTAS ANG BAYAN SA HALIMAW.

III. IMPLIKASYON

- Ang pahayag na, “Ang nahuhuli ay nauuna at ang nauuna ay nahuhuli” ay nangangahulugang
__________________. C. lahat ay may pantay- pantay na karapatan ayon sa napag-usapan.

- Habang siya’y nabibitak at unti-unting lumulubog ay naalala ng batang banga ang pangaral ng
kanyang ina. Ang aral na nais ipahiwatig sa pangungusap ay; A. alam ng magulang kung anong
makakabuti sa kanyang anak

- Suriin ang mga pahayag, ang mga sumusunod ay kahalagahan ng Parabula MALIBAN sa:
C. Natutunan lamang ito dahil kailangan sa pag-aaral

- Ang mga sumusunod ay maari nating gamitin bilang Tema sa isang Elehiya MALIBAN sa:
C. Pagpapakita ng Pagbati sa kaarawan

- Alin sa sumusunod ang HINDI naglalarawan sa etimolohiya ng mga salita?


D. Pag-aaral sa makabuluhang tunog

- Piliin kung alin sa mga sumusunod ang nagpapakita ng isang tauhang lapad batay sa mga
karakter ng mga tauhan.
D. Sa pagtatapos ng kwento, nanatiling masama ang Pamilya Cruz dahilan upang makulong ang
buong pamilya.

- Ang sumusunod na salita ay makatotohanan maliban sa _____________. B. isang Diwata

- “Mahalin mo lang ako ay ibibigay ko sa iyo ang lahat ng kayamanan” sabi ni Ravana. Pero
hindi niya napasuko si Sita. Ano ang higit na katangiang ipinamalas ni Sita sa bahaging ito?
B. matapat sa sarili

- Alin sa sumusunod ang katangiang ipinamalas ni Rama sa Epiko ng India na ”Rama at Sita”?
C. matapat

- Ang mga sumusunod ay katangian ng epiko maliban sa;


B. inilalarawan ang taong namatay

- Alin sa sumusunod ang higit na nagpapakita ng katangian ng isang epiko?


D. Ang tauhan ay madalas na nakikipagdigma para sa mga mahal sa buhay.
- Alin sa mga pahayag ang HINDI TOTOO tungkol sa kahulugan ng epiko?
B. Binibigyan ng diin ang pinagmulan ng isang bagay.

- Likas sa isang tauhan sa isang epiko ang kanyang mga magagandang ugali at asal. Alin sa mga
sumusunod ang HINDI KATANGIAN ng mga bayani sa isang Epiko?
B. Lahat ng nasasakupan ay kinukuha ang ari-arian at pinaparusahan

IV. APLIKASYON

- Sa pananahi ng isang damit, kailangang sundin natin ang mga sumusunod na proseso:
UNA, ihanda ang mga gagamitin sa pananahi.
IKALAWA, isulot ang sinulid sa karayom.
IKATLO, tahiin na ang sirang bahagi ng damit.

- Siya ay matuwid na alkaldeng namumuno sa siyudad ng Isabela. Ang salitang matuwid ay


ginagamitan ng panlaping ma-. Ito ay UNLAPI.

- “Ngunit ang kaligayahan niya ay nasa pangangaso”. Anong uri ang panlaping ginamit sa
salitang kaligayahan? UNLAPI AT HULAPI

B. Pamaraan 26. Masayang nagtatampisaw ang mga bata sa ulan.


A. Panlunan 27. Maraming bagong tuklas na tanawin sa siyudad ng Basilan.
C. Pamanahon 28. Nagluto si Aling Ester ng ginisang ampalaya kahapon.

- Tukuyin ang may pinakamasidhing damdamin. D. SUKLAM

- Tukuyin ang may pinakamasidhing damdamin. A. HILAKBOT


A. hilakbot B. kaba C. pangamba D. takot

- Pagsunud-sunurin ang mga salitang nakasalungguhit batay sa antas ng kasidhian nito. 1 ang
pinamababa at 3 naman ang pinakamataas. C. 3,1, 2

3 - Sumama ang loob ng ina dahil matigas ang ulo ng kaniyang anak.
1 - Ang pagiging suwail ng batang kalabaw ang dahilan ng pagkamatay ng ina.
2 - Napansin ng ina na hindi sumusunod ang kaniyang anak.

You might also like