You are on page 1of 4

Republika ng Pilipinas

KAGAWARAN NG EDUKASYON
Rehiyon I
Pansangay na Tanggapan ng mga Paaralan
PAMBANSANG MATAAS NA PAARALAN NG LUNGSOD NG DAGUPAN
Ikatlong Markahang Pagsusulit
Filipino 9
Pangalan:______________________________________________ Baitang at Pangkat:______________________
Panuto: Piliin ang letra ng tamang sagot sa mga sumusunod na bilang matapos basahin ang bawat akda.Itiman ang
ang angkop na bilog.
BUHAY-LATA
Paano kung pinagkalooban ka ng karapatanupang ilabas at ibuhos ang iyong hinanakit maging ang kanyang
hinaing? Paano kung ipamukha nila na kailangan rin nila ng kalingang walang hanggan? Paano kung isang araw
magulantang na lamang tayo kapag sinimulan nilang gawin ito?

Sa isang sulok na nababalot ng kadiliman at kahiwagaan; ang katatagpuan ng nakabibinging katahimikan;


masisilayan ang isang latang wala na sa dating kagandahan. Hindi na rin kakikitaan ng sigla sa kanyang kapasidad. Pagdaan
ng araw, kaalinsabay ng paglubog nito,wala pa ring nagaganap na pagbabago sa kanya. Naroon pa rin siya at nakadarama
ng kapighatian. Hindi maikakailang may pasanin siyang kayhirap buhatin, na sa kanyang palagay , mahirap ng makatagpo
ng solusyon upangg ito’y masumpungan. Labis-labis ang kanyang pagdadalamhati. Nag-uumapaw angpag-aalabng galaiti
sa kanyang puso. Halos ‘di makahinga sa paninikip ngkanyang dibdib sa kanyang dinaramdam. Taglay niya ang mukhang
walang sigla… labing walang ngiti… at matang walang saya… sa tuwing inaalala niya ang kanyang kalagayan, na utin-
unting nalulugmok sa mga kalawang na nakapaligid sa kanyang buong katawan, tila may bumubulong sa bawat pagpintig
ng kanyang munting puso, na sumisigaw ng katarungan sa kanya. Pilit isinasaad nito na sa kabila ng kadiliman, may liwanag
na maatim, pagsibol ong araw kinabukasan.

“Bakit sadyang may mga manggagamit”, usal niya. ”Dahil ba bagay lamang ako’t itinatapon kung hindi
pakikinabangan?” Isinasaad niya ang mga ito na may talim sa mga labi, matinding pagbuhos ng luha, at pagtagaktak ng
pawis. Napatindig ako’t nakaramdam ng awa na ay bahagi sa puso kong hindi mapakali na nagsasabing konsensya sa aking
pagkatao. Nagpatulo pa siya at sinabi,”Buong buhay ko, nilikha lamang akong parang isang susi upang magbigay-saya at
tugunan ang mga pangangailangan nila. Mpaloob man o mapalabas, ginagamit ako kung ano-anong pamamaraan. Sumapit
man ang panahong salat at nakararanas ng pagkalam ng tiyan, heto’t buong pusoong inaalay ang lahat para mapawi ang
kagutumang nadarama. Subalit bakit? Bakit ako ginaganito? Bakit pagkalipass nilang angkinin ang lahat sa akin,
kinaligtaan nila ako? Bakit pagkatapos kung ilahad ang aking pagmamay-ari ng walang pagpupumiglas, ilalagay na lamang
ako sa sulok na ito? Balit?” patuoy pa rin ang hinagpis nanadarama. Hindi ko maiplaiwanag kung bakit nakadarama rin ako
ng ganitong sakit sa pamamagitan ng pagdaloy ng aking luha. Habang sinisilayan ko ang kanyang mata… nakikita ang
pagmamakaawa, na animo’y humihingi ng tulong upang makamit ang katanungan.

1. Ang damdaming nangingibabaw sa akda ay


a. Nalulungkot b. nasisiyahan c. nagdaramdam d. nagagalit
2. Isinasaad niya ang mga ito na may talim sa mga labi. Ang talim ng mga labi ay may kahulugang
a. Madaldal b. masakit magsalita c. tsismosa d. tahimik
3. Sinimulan ang akda sa
a. Kasabiahn b. retorikal na tanong c. paglalarawan d. wala sa nabanggit
4. Animo’y humingi ng tulong upang makamit ang katanungan. Ang pahayag ay may tayutay na
a. Pagwawangis b. paghahalintulad c. pagsasatao d. pagmamalabis
5. Ang nagsasalita sa akda ay
a. Lata b. babae c. Pilipino d. iisang naghihinakit
6. Ang lata sa akda ay isang
a. Metaporikal na pagpapakahulugan c. literal na pagpapakahulugan
b. Sinonimo na pagpapakahulugan d. wala sanabanggit
7. Labis-labis ang kanyang pagdadalamhati. Ang hambingang palamang sa pangungusap ay
a. Kanyang b. labis-labis c. pagdadalamhati d. ang
8. Ang akda ay isang
a. Sanaysay b. tula c. maikling kuwento d. wala sa nabanggit
9. Taglay niya ang mukhang wlang sigla…abing walang ngiti… at matang walang saya… sa tuwing inaalala
niya ang kanyang kalagayan, na utin-unting nalulugmok sa mga kalawang na nakapaligid sa kanyang
buong katawan. Ang pangungusap ay
a. Nagsasalaysay b. nangangatwiran c. naglalarawan d. lahat ng nabanggit
10. Sumapit man ang panahong salat at nakararanas ng pagkalam ng tiyan. Ang sinonimo ng salat ay
a. Marami b. kulang c. hikahos d. lahat ng nabanggit

May isang mayamang laging nagdaramit ng mamahalin at saganang-sagana sa pagkain araw-araw. 20 May isa
naming pulubing nagngangalang Lazaro na tadtad ng sugatsa katawan at nakahiga sa may pintuan ng mayaman 21sa
hangad na matapunan man lamang ng mga nahuhulog mula sa hapag ng mayaman. At doo’y nilalapitan siya ng
mga aso at dinidilaan ang kanyang sugat.
22
Namatay ang pulubi at siya’y dinala ng mga anghel sa piling ni Abraham sa langit bilang isang parangal. Namatay
rin angmayaman at inilibing. 23 Sa gitna ng kanyang pagdurusa sa daigdig ng mga patay, natanaw ng mayaman si
Lazaro sa piling ni Abraham. 24 Kaya’t sumigaw siya, ‘Amang Abraham maawa po kayo sa akin. Utusan po ninyo
si Lazaro na isawsaw sa tubig ang dulo ng kanyang daliri at basain ang aking dila, dahil ako’y naghiirap sa apoy na
ito.’ 25 Ngunit sumagot si Abraham,’Anak alalahanin mong nagpasasa kasa buhay noong ika ay nasa lupa, at si
Lazaro naman ay nagtitiis ng kahirapan. Subalit ngayon ay maligaya siya rito samantalang ikaw naman’y nagdurusa
riyan. 26 Bukod ditto, may malaking bangin sa pagitan natin, kaya’t ang mga naririto ay hindi makapupunta diyan
at ang mga naririyan ay hindi makakapunta rito.’
27
Ngunit sinabi ng mayaman, ‘Kung gayon po, Amang Abraham, ipinapakiusap ko pong papauntahin na lamang
ninyo si Lazaro sa bahay ng aking ama, 28 sa aking limang kapatid na lalaki. Suguin po ninyo siya upang sila’y
bigyang-babala upang hindi sila humantong sa dakong ito ng pagdurusa.’ 29 Ngunit sinabi sa kanya ni Abraham,
‘Nasa kanila ang ga sinulat ni Moses at ng mga propeta; iyon ang kanilang sundin.’ 30 Sumagot ang mayaman,
“Hindi po sapatangmga iyon. Ngunit kung magpapakita sa kanila ang isang patay na muling nabuhay, magsisi sila’t
tatalikuran ang kanilang mga kasalanan.’ 31 Sinabi naman sa kanya ni Abraham,’Kung ayaw nilang sundin ang mga
sinulat ni Moises at ng mga propeta, hindi rin nila paniniwalaan kahit ang isang patay na muling nabuhay. “

11. Ang akdang binasa ay isang halimbawa ng


a. Maikling kuwento b.sanaysay c. talumpati d. parabola
12. Mahihinuhang ang pamagat ng akda ay
a.Si Lazaro b.Ang pulubi at ang mayaman
c.Sa piling ni Abraham d.wala sa nabanggit
13. Ang pamaksang pangungusap sa akda ay makikita sa
a.Unang talata b.Ikalawang talata c.Ikatlong talata d.wala sa nababggit
14. Ang pantulong na pangungusap sa akda ay makikita sa
a.Unang talata b.ikalawang talata c.padala d. wala sa nabanggit
15. Suguin po ninyo siya upang sila’y bigyang-babala.Ang salitang suguin ay kasalungat ng
a.ipinagdamot b.bigay c. ang pangaral d.wala sa nabanggit
16. Matatagpuan ang parangal ng akda sa
a.pangungusap 27 b.pangungusap 28 c.pangungusap 30d.pangungusap 31
17. Sa hangad na matapunan man lamang ng mga mumong mula sa nahuhulog sa ay hapag.Ang sinonimo
ng nasalungguhitan ay
a.multo b.maligno c.butil d.kanin
18. Ang kahulugan ng akdang binasa ay
a.kung mahirap ka sa lupa mayaman ka sa langit .
b.ang ginawa mo sa lupa ang siyang kabayaran sa kabilang buhay
c.kung mayaman ka sa lupa sa dagat-dagatang apoy ka mapupunta
d.lahat ng nabanggit
19. Ang tono ng akda ay
a.nangangaral b.nagbabahala c.nagsasalaysay d. lahat ng nabanggit
20. Ang kuwentong binasa ay matatagpuan sa
a. Koran b.diksyunaryo c.bibliya d.encyclopedia

O,katamis- bulaklak ng sampanga Marikit na rosaMistika,oh,Perla Sola


Marikit,marilag,butihing Inang Maria Mahal na Ina ng Hesukristong sinisinta
Dinggin pagsumamong mga anak ni Eva Ikaw po ang katamis-tamisan sa tuwina.
Dito sakahapishapisang bayan ng dusa! Sa baying may hapis,ikaw nga po ang ligaya!

Ilawit ang tulong mo,o mahal naming Ina. Amin nga pong pangako,sa butihin mong Puso
Huwag hayaang mawala sa Iyong Kalinga Sa landas ng kabanalan,doon nga dadako-
Reyna’t Un aka, Tanggulan ng kaluluwa Nang ang Siete Dolores na nagtulak sa iyo
Bukal ng awa at labis-labis na pagsinta! Huwag madagdagan,mawala sa pagkaduro!
21. Ang tulang binasa ay isang halimbawa ng
a. dalit b.elehiya c. awit d.korido
22. Ang pinupurihan sa tula ay
a.ang reyna b.sampaga c.birheng maria d.dolores
23. Ang sukat ng tulang binasa ay
a.lalabindalawahin b.lalabintatluhin c.lalabing-apatin d.lalabing-animin
24. Ang tugmaan ng tula ay
a. tugmaang may impit b.tugmaang walang impit
c.tugmaang malakas na katinig d.tugmaang mahinang tinig
25. Ang pinakamatamis na pangalan na binanggit sa tula ay si
a.Rosa Mistika b.Perla Sola c. Reyna d.Birheng Maria
26. Ang iaalay kay Birheng Maria ay
a.bukal na awa b.Bulaklak ng sampaga c.Marikit d.Marilag
27. Marikit, marilag,butihing Inang Maria.Ang mga nasalungguhitan sa pangungusapay isang halimbawa ng
a.paglalarawan b.pandiwa c.pangngalan d.lahat ng nabanggit
28. Dinggin pagsusumamo ng mga anak ni Eva. Ang nasalungguhitan sa pangungusap ay isang halimbawa
ng________.
a.literal b.sinonimo c.metaporikal d.lahat ng nabanggit
29. Ang kahulugang ng salitang nabanggit sa 28 ay
a.babae b.pangalan ng babae c.Si Eva sa lumang tipan d.lahat ng nabanggit
30. Sa bayang may hapis,ikaw nga po ang ligaya!Ang sinonimo ng salitang hapis ay
a.ligaya b.lungkot c. pighati d.pagdurusa
Isang gabi,lihim na ipinahakot ni Donya Leona sa mga trak ang mgapalay niya sa kamalig at pinaluwas sa Maynila
upang ipagbili sa intsik doon.Isang umaga nagisnan na lamang ng Sampilong na nasusunog ang kamalig ng mga
Grande.Ibinintang ang pagkasunog ng kamalig sa mga pinuno ng union at sa mga magsasaka at sa mga pinuno ng mga
kooperatiba ng mga iskwater.Salamat na lamang at ang mayordoma sa bahay ng mga Grande,si Iska, ay nagalit kay kosme
na mangingibig niya at siyang inutusan ng donyana sumunog sa kamalig,dahil sa hindi siya ang isinama ni Kosme sa
Maynila kundi si Cely na kapatidni Dislaw. Ipinagtapat ni Iska kay Sedes na asawa ni Andres ang lihim at ipinagtapat naman
ni Sedes .
Nahuli si Kosme at umamin sa kasalanan. Isinugod pa ni Andres ang paghahabol sa hukuman sa lupa niyang
kinamkam ng mga grande.Dahilan sa kanyang tinamo,hinakot ng mga grande sa Maynila ang mga kasangkapan at doon na
nagpirmi.Sa Maynila, si Donya Leona ay nagkasakit ng alta presyon at naging paralisado ng maatake.Si Don Severo naman
ay nagkasakit ng matinding insomya.

Samantala,napawalang saysay ang hablang administratibo laban kay Bandong at tiniyak ng Superintindente na siya
ang ilalagay na principal sa Sampilong sapagkat aalisin doon si Danyos dahil sa hindi magkasundo ang mga guro at ng mga
magulang ng mga bata.

Namanhikan si Bandong kay Pina at may hiwatig na siya ay ikakandidato sa pagka-alkalde ng kayang mga kanayon
sa susunod na halalan.

31. Ang Luha ng Buwaya ni Amado V. Hernandez ay mula sa


a. maikling kuwento b.nobela c.talumpati d.parabula
32. Ang inihabla ng kasong administratibo
a.Danyos b. Kosme c. Leona d.Bandong
33. Ang nahuli sa kuwento at umamin sa kasalanang ginawa
a.Danyos b.Kosme c. Leona d. Bandong
34. Ang pamagat ng Luha ng Buwaya ni Amado V. Hernandez ay isang halimbawa ng
a.sinonimo b.literal c. metaporikal d. lahat ng nabaanggit
35. Namanhikan si Bandong kay Pina.Ang metaporikal ng namanhikan ay
a.umakyat ng ligaw b.hiningi ang kamay c. pinasagot ng oo d.lahat ng nabanggit
36. Ang nagpahiwatig ng pagtakbo sa pagkaalkalde ay si
a.Danyos b.Kosme c.Leona d.Bandong
37. Ang unang talata ay isang halimbawa ng
a. pagsasalaysay b.paglalarawan c.paglalahad d.pangangatwiran
38. Ang ipapalit na Prinsipal sa Sampilong ay si
a.Danyos b.Kosme c.Leona d.Bandong
39. Matatawag si Amado V. Hernandez sa kanyang sinulat bilang____.
a.kuwentista b.makata c.nobelista d.lahat ng nabanggit
40. Ang Luha ng Buwaya ay nangangahulugang
a.pagsisisi b.pagdurusa c.pagkabigo d.tagumpay

Isang bayaning Kuaman si Tuwaang na lagging nakikitang nakaupo sa isang uer ng banig at tikos at sinekoleya.Isang
palamuti ang tikas at isang singsing naman ang sinikoleya.Nagpaalam si Tuwaang sa kapatid niyang babae isang arawdahil
sa siya’y ipinatatawag ng hari ng Batooy.Mayroon daw kasing babaeng dumating na balot sa kadiliman at ayaw niyang
magsalita.Kahit hindi siya pinayagan ng kanyang kapatid ay umalis din siya.
Sinakyan niya ang kidlat at dala-dala nito ang sandatang gagamitinsa pakikidigma.Kasabay niyang nagtungo sa
Batooy si Binata Pangarukad dahil dinaanan niya ito.Hinangaan nang lubusan ang kakisigan ni Tuwaang pagdating nila sa
kaharian ng Batooy.Napatingin ang lahat sa kanya at ang diwata ng kadiliman ay humanga rin sa kanya at sinabi niyang
siya’yhandang sumama kay Tuwaang kahit siya paroon.

Sa pagkakataong ito’ymay humamon kay Tuwaang kahit saan na isang binatang galing sa Pagumanon at sila’y
naglaban.Natalo kaagad ni Tuwaang ang kanyang kalaban dahil sa taglay nitong lakas at tapang.Pagsapit nila sa kaharian
ay mayroon na naming binatang gustong makipaglaban sa kanya. Tinanggap ni Tuwaang ang hamon at sila’y naglaban.

Minabuti ni Tuwaang na umalis na sa kanilang kaharian upang hindi na sila muling guluhin pa ng mga kaaway.Sila
ay nagpunta sa isang lugarna masaya,tahimik at walang kamatayan.

41. Ang binasang akda ay isang halimbawa ng


a.alamat b.nobela c. maikling kuwento d.epiko
42. Ang pamagat ng akdang binasa ay
a.Tuwaang b,Bayani ng Kuaman c.Sinikoliya d.Hari ng Batooy
43. Ang akda ay nagpasalin-dila ng mga
a.Muslim b.Iloko c.Bagobo d.Pangasinan
44. Ang bayani ng Kuaman ay si
a.Haring Batooy b.Tuwaang c.Binata ng Pagumaon d.lahat ng nabanggit
45. Natalo kaagad ni Tuwaang ang kanyang kalaban dahil sa taglay nitong lakas at tapang.Ang
nasalunnguhitan ay iang halimbawa ng
a.pagsasalaysay b.pangangatwiran c.paglalarawan d.lahat ng nabanggit
46. Matatagpuan ang pamaksang pangungusap ng akda sa
a. talata 1 b.talata 2 c.talata 3 d.talata 7
47. Ang mga pantulong na pangungusap ay matatagpuan sa
a.talata 1 b.talata 2 c.talata 3 d.talata 7
48. Kasabay niyang nagtungo sa Batooy si Binata Pangarukad dahil dinaanan niya ito.Ang salitang kasabay
ay ________________.
a.pahambing na makatulad b.pahambing na palamang c.pahambing na pasahol d.wala sa nabanggit
49. Sila ay nagpunta sa iasng lugar namasaya,tahimik at walangkamatayan.Ang walang kamatayan ay may
metaporikal na kahulugan na
a.Imortal b.Panginoon c.Siyam na Buhay d. Wala sa Nabanggit
50. Ang sinakyan ni Tuwaang papunta sa kaharian ng Batooy ay
a.bangka b. kidlat c.ulap d.hangin

You might also like