You are on page 1of 16

Pang-uri

(Adjective)
Pang-uri

Ito ay salitang naglalarawan o nagbibigay turing sa mga


pangngalan o panghalip.

Halimbawa: kulay - asul laki – mataas


bilang - tatlo hugis - parisukat
dami - isang kilo hitsura - maganda
URI NG PANG-URI
1.Panlarawan – nagpapakilala ng pangngalan o panghalip.
–Ang tawag sa mga salitang naglalarawan ng katangian, kulay,
lasa, anyo, hugis, at laki ay pang-uring naglalarawan.
Halimbawa: masipag,maganda,pula, kalbo, mabango, palakaibigan,
mahiyain.
2. Pamilang -nagpapakilala ng bilang, halaga o dami ng
pangngalan o panghalip.

Halimbawa: marami, mga,tatlo, kalahati, ika-pito, buo, pangalawa,


sandaan
HALIMBAWA: maganda, mayaman, matiba

1. Si Princess ay maganda.
2. Ang pamilya nina CJ ay mayaman.
3. Ang ginawang upuan ng ating Tatay ay matibay.
Halimbawa: mas maganda, di-gaanong matibay

1. Mas maganda ang gawa ni Mel kaysa sa gawa ni Bel.


2. Di-gaanong matibay ang gawang lamesa ni Abby.
Ang sim, kasim, magsim, magkasim ay nagsasabi ng pantay na
katangian ng mga ipinaghahambing.
Ginagamit ang mga ito kung ang sumusunod na salita ay nagsisimula
sa p at b.
HALIMBAWA:
Simputi ng bulak ang kaniyang labada.
Kasimbaba ng marka ni Bobby ang markaa ni Mark.
Ang sin, kasin, magsin, magkasin ay nagsasabi ng pantay na katangian
ng mga ipinaghahambing.
Ginagamit ang mga ito kung ang sumusunod na salita ay nagsisimula
sa d,l,r,s,at t.
HALIMBAWA:
Sindami ng palay ang mais.
Kasintaba ni Rona ang anak ni Ellis.
Magkasinsungit ang dalawang matanda.
Ang sing, kasing, magsing, magkasing ay nagsasabi ng pantay na
katangian ng mga ipinaghahambing.
Ginagamit ang mga ito kung ang sumusunod na salita ay nagsisimula
sa mga patinig na a, e, i, o, u at iba pang mga katinig na di-nabanggit
sa mga naunang paghahambing.
HALIMBAWA:
Sing-amo ng tupa ang mga bata nang sila ay humingi ng paumanhin.
Kasingganda ng singsing na ito ang kaniyang iniregalo kay Inay.
Halimbawa: pinakaabala, pinakamasarap

1. Pinakaabala sa lahat si Aling Sima, ang aming tagaluto.


2. Pinakamasarap sa kaniyang mga iniluto ang hamonado.
GAWAIN:
Sagutan ang Isagawa at Isulat A, B, at D sa pahina
127-128.
Note:
Huwag kalilimutang lagyan ng pangalan ang inyong gawa.
PANUTO: Basahin ang bawat pangungusap. Salungguhitan ang pang-
uri sa pangungusap at isulat sa patlang ang tamang antas ng pang-uri
kung ito’y Lantay, Pahambing, o Pasukdol.
Halibawa: Pasukdol : Si Tina ang pinakamabait na anak ni Aling
Susan.
____________1. Mas maganda ang bagong laruan ni Ella kaysa kay
Anna.
____________2. Ubod ng linis ang bahay ni tita Lena
____________3. Maganda ang mga tanawin na makikita sa Baguio.
____________4. Sina Yuri at Torry ay magkasing taas na.
____________5. Si Ken ay mas gwapo kay Bamba.

You might also like