You are on page 1of 37

PANG-URI

A. Kayarian ng Pang-uri

• Payak
• Maylapi
• Inuulit
• Tambalan
Payak

ang pang-uri ay nasa payak na


kayarian kung binubuo ng likas na
salita lamang o salitang-ugat.
Halimbawa:
* ganda
* lungkot
* tigas
Maylapi

ang pang-uri ay nasa maylaping kayarian kung ito ay


pinagsamang panlapi at salitang-ugat.
Halimbawa:
panlapi + salitang-ugat = maylapi
ma+ ganda = maganda
ma+ lungkot = malungkot
ma+ tigas = matigas
napaka + dulas = napakadulas
Inuulit
ang salita ay maaaring inuulit ng
buo o inuulit na ganap.Maaari ring
bahagi lamang ng isang salitang-
ugat o tinatawag na parsyal ang
pag-uulit.
Halimbawa:
Inuulit na ganap
pulang-pula
maputing-maputi
malamig na malamig

Parsyal na inuulit
masasarap
matatabil
bibilugin
Tambalan

ang pang-uri kung binubuo ng dalawang


salitang pinag-iisa. Ang mga ganitong pang-
uri ay maaaring may kahulugang
karaniwan o patalinghaga. 
Halimbawa ng Karaniwang kahulugan:
taus-puso
Halimbawa ng Patalinghagang kahulugan:
ngising-aso
B. Kailanan ng Pang-uri
May tatlong kailanan ang mga pang-uri:
isahan, dalawahan at maramihan.

Halimbawa: Kalahi ko siya. (Isahan)


Magkalahi kaming dalawa.
(Dalawahan)
Magkakalahi tayong lahat. (Maramihan)
C. Kaantasan ng Kasidhian ng Pang-uri
May iba’t ibang antas ng kasidhian ang
pang-uri: lantay o pangkaraniwan,
katamtamang antas at masidhi.

Ang unang antas ay lantay ang


karaniwang anyo ng pang-uri
tulad ng mayaman, pang-araro,
palabiro, atb.
Ang ikalawang antas ay tinatawag na katamtamang
antas. Naipakikita ito sa paggamit ng medyo, nang
bahagya, nang kaunti, atb., o sa pag-uulit ng
salitang-ugat o dalawang unang pantig nito.

Mga halimbawa:

• Medyo hilaw ang sinaing.


• Labis nang bahagya ang pagkain.
• Mapurol nang kaunti ang kutsilyong ito.
• Masarap-sarap na rin ang ulam na nilutp ni Aling
Maria.
Ang ikatlong antas ay ang pinakamasidhi. Ito ay naipakikita sa
pamamagitan ng:
(1) pag-uulit ng salita,
(2) paggamit ng mga panlaping napaka-, nag-,…-an, pagka at
kay-;
(3) sa paggamit ng mga salitang lubha, masyado, totoo, talaga,
tunay, atb.

Mga halimbawa:
Mataas na mataas pala ang bundok Apo.
Napakalamig pala sa Lalawigang Bulubundukin
Lubhang malaking pagbabago ang nasaksihan natin sa bagong
Administrasyon.
D. Hambingan ng mga Pang-uri

Nagkakaroon din ng iba’t ibang anyo ang pang-uri ayon


sa kung ito ay naglalarawan ng dalawa o higit sa dalawa.

Pang-uring pahambing ang tawag sa mga pang-


uring naghahambing ng dalawang tao, bagay, pook, atb.
Pasukdol naman ang tawag sa mga pang-uring
naghahamabing ng higit sa dalawa.
 
May dalawang uri ng pang-uring pahambing: (1)
pahambing na magkatulad at (2) pahambing na di-
magkatulad
Magkatulad ang hambingan kung ang mga
pinaghahambing ay pareho o magkapatas ng uri
o katangian. Naipakikita ito sa pamamagitan ng
paggamit ng mga panlaping ka-, sing-, kasing-,
magsing-, atb., at sa paggamit ng mga salitang
pampanulad, tulad ng gaya, tulad, paris, kapwa,
atb.

Mga halimbawa:
Kamukha ni Mike ang ama niya.
Magsingdunong ang magkapatid na Mary Ann at
Arsenio.
Di-magkatulad ang hambingan kung ang mga
pinaghahambing ay hindi magkapatas ng uri o
katangian. Naipakikita sa paggamit ng mga
salitang panghambing, tulad ng kaysa, di-tulad,
di-gaya, di-gaano, di-hamak, atb.

Mga halimbawa:
Malayo ang Kiangan kaysa Baguio kung
manggagaling sa Maynila.
Sariwa ang simoy ng hangin sa bukid, di-tulad ng
hangin sa lungsod.
 
Ang panukdulan ng nga pang-uri ay
naipakikita sa pamamagitan ng mga
panlaping pinaka-, ka-,…-an at ng
pinagsamang salitang walang at kasing-.

Mga halimbawa:
Pinakatanyag na laro sa Pilipinas ang
basketbol.
Walang kasingganda ang paglubog ng
araw sa Manila Bay.
 
E. Mga Pamilang
Ibinibilang sa mga pang-uri ang mga pamilang
sapagkat ginagamit na panuring ng pangngalan o
panghalip. Halimbawa, sa pangungusap na
Limang malalaking kaimito ang uwi niyang
pasalubong.
ang pamilang na lima ay panuring ng pangngalang
kaimito samantalang sa pangungusap na

Sampung ganito ang kunin mo.


ang pamilang na sampu ay nagbibigay-turing sa
panghalip na ganito.
Mga Uri ng Pamilang
Dalawa ang pangkalahatang uri ng mga pamilang:
pamilang na patakaran o pamilang na kardinal at
pamilang na panunuran o pamilang na ordinal.

Ang mga pamilang na patakaran ay ginagamit sa


pagbilang o sa pagsasaad ng dami.
Ang mga pamilang na panunuran ay ginagamit sa
pagpapahayag ng pagkasunod-sunod ng tao, bagay, atb.
May panlapi itong ika- o pang-.
Mga halimbawa:

Pamilang na Patakaran o Pamilang na Kardinal


Isa
Dalawa
Tatlo
Apat…

Mga Pamilang na Panunuran


Anyong ika-
Una
Ikalawa
Ikatlo
Ikaapat…
Ang mga pamilang na patakaran ay batayan ng
iba pang pang-uring pamilang: (1) pamilang na
pamahagi (fraction) (2) pamilang na palansak o
papangkat-pangkat (collective-distributive) at (3)
pamilang na pahalaga (unitary collective.)
Ginagamit ang pamilang na pamahagi kung
may kabuuang binabahagi o pinaghahati-hati.
Ginagamit dito ang panlaping ika- na
tinatambalan ng salitang bahagi, at ng panlaping
ka- na buhat sa ika-.
Narito ang mga halimbawa:

Panlaping ika-
Ikaisang bahagi
Ikalawang bahagi….
Panlaping ka-
kalahati (1/2)
katlo (1/3)….

Ang mga pamilang na nakatala sa itaas ay nangangahulugang


isang bahagi lamang ng kabuuan. Kapag higit na sa isa ang
tinutukoy ay ganito na ang paraan ng pagpapahayag:

Dalawang-katlo (2/3)
Tatlong-kapat (3/4)….
Ang mga pamilang na palansak o papangkat-pangkat ay
nagsasaad ng bukod sa pagsasama-sama ng anumang
bilang, tulad ng tao, bagay, hayop, pook, atb. Naipakikila ito
sa pamamagitan ng:
(1) pag-uulit nang ganap o parsyal sa pamilang na
patakaran,
(2) paggamit ng panlaping –an ~-han,
(3) pag-uulit ng unang pantig ng pamilang at sa gayon ay
nagkakaroon ng kahulugang “gayon lamang ang dami”,
(4) sa pamamagitan ng magkasamang parsyal at ganap na
pag-uulit ng pamilang na patakaran, at sa gayon ay
nagkakaroon ng kahulugang “gayung-gayon lamang ang
dami” at
(5) sa paggamit ng panlaping tig-, na may kahulugang
paghahati nang magsindami.
Mga halimbawa:

Pag-uulit ng pamilang na patakaran:

Isa-isa
Dala-dalawa…

Paggamit ng panlaping –an ~ -han:

Isahan
Dalawahan
Tatluhan….
Pag-uulit ng unang pantig o katinig-patinig ng pamilang na
patakaran:

Iisa
Dadalawa
Tatalo….

Ang mga ganitong pamilang ay may diing mariin sa unang pantig:

Ganap at parsyal na pag-uulit ng salitang-ugat:

Iisa
Dadalawa
Tatatlo….
Mapapansing unang dalawang pantig
lamang ng salita ang inuulit kapag may
higit sa dalawang pantig ang pamilang.

Sa paggamit ng tig-

Tig-isa o tigisa
Tigdalawa o tigawala
Tigtatlo o tigatlo….
Ang pamilang na pahalaga ay ginagamit para sa
pagsasaad ng halaga ng bagay o mga bagay. May
dalawang panlaping ginagamit sa ganitong uri ng
pamilang, ang mang- na ginagamit kapag ang presyo ay
isang yunit lamang ng halaga, at ang tig- na maaaring
gamitin sa kahulugang isa o higit pang yunit ng halaga.

Mga halimbawa:

Mamera (buhat sa mang + sampera)


Mamiso (buhat sa mang + isang piso)
F.) Mga Panlaping Makauri
a. ma-

Unlaping nagsasaad ng pagkakaroon ng isinasaad na


salitang ugat. Karaniwang marami ang isinasaad na
salitang ugat.

Mga halimbawa :

matao , mabato , madamo , mapera , maganda ,


malusog
b. maka

Unlaping nagsasaad ng katangiang may


kakayahang gawin ang isinasaad na salitang ugat

Mga halimbawa:

Makabayan , makaluma , makahayop , maka


markos
c. maka

Unlaping nagsasaad ng katangiang may


kakayahang gawin ang isinasaad na salitang ugat

Mga halimbawa:

makalaglag matsing
makalaglag puso
makatindig balahibo
d. mala

Unlaping nagsasaad ng pagiging tulad o


isinasaad ng salitang ugat

Mga halimbawa:

malabuhangin , malakanin , malasibuyas ,


malakanin
e. mapag

Unlaping nagsasaad ng ugali

Mga halimbawa:

Mapagbiro, mapagluto, mapagmura,


mapagpatawa
f. mapang – mapan - mapam

Nangangahulugan din ng mga ugaling


taglay ng salitang ugat

Mga halimbawa:

Mapang-akit, mapanukso,
mapanghimagsik, mapamihag,
mapambato
g. pala

Unlaping nagsasaad ng katangiang lagging


ginagawa ang kilos na isinasaad ng salitang
ugat

Mga halimbawa:

Palabiro, palasigaw, palabasa, palakanta


h. pang- pan-pam

Magkakaiba ng destripsyon ngunit isa ang


kahulugan nagsasaad ng kaalaman ng gamit
ayon sa isinasaad ng salitang ugat

Mga halimbawa:

pang-alis, pang-ukit
panlilok, pandikit
pambato, pampako
i. an-han

Hulaping nagsasaad ng pagkakaroon ng


isinasaad ng salitang ugat nang higit sa
karaniwang dami laki,tangkad atb.

Mga halimbawa

putikan, putian, uluhan, ilungan, noohan


j. ka

Nangangahulugan ng kaisa

Mga halimbawa:

kakulay, kalahi, katulad, kabagay,


kabalat
k. kay

Nangangahulugan ng paghanga

Mga halimbawa:

Kaybuti, kay-inam, kaybait,


kaylusog
l. in

Nangangahugan ng may hugis o uri ng


bagay na sinasabi ng salitang-ugat kapag
may gitlapi ng pagkamahilig o palagian
kapag hulapi:

Mga halimbawa:

antukin, sipunin, galisin

You might also like