You are on page 1of 33

Estruktura ng Wika

Pa+Laban= Palaban
Pa+aral+an = Paaralan
Ta+Ma= Tama
MORPOLOHIYA (MORPEMA AT ALOMORP)
KAHULUGAN AT KALIKASAN NG MORPEMA
i. Ang morpolohiya ay ang pag-aaral ng mga morpema ng
isang wika at ang pagsasama-sama ng mga ito upang
makabuo ng mga salita sa pamamagitan ng iba’t ibang
morpema. Ito rin ay isang pag-aaral ng mga salita sa
pamamagitan ng iba’t ibang morpema.
ii.Ang salitang morpema ay mula sa katagang “morpheme” sa
ingles na kinuha naman sa salitang Griyego na “morph”
(anyo o yunit) at “eme” (kahulugan)
iii. Sa payak na kahulugan, ang morpema ay ang
pinakamaliit na yunit ng isang salita na nagtataglay ng
kahulugan , ibig sabihin ng pinakamaliit na unit ay unit na
hindi na maari pang mahati nang hindi masisira ang
kahulugan nito.
iv. Ang morpema ay maaring isang salitang -ugat o isang
panlapi.
• Halimbawa: makahoy (may dalawang morpema: unlaping
(may) at salitang-ugat na (kahoy)
A.ANYO NG MORPEMA
1. Morpemang Ponema
Pag-gamit ng makahulugang tunog o ponema sa Filipino na
nagpapakilala ng gender o kasarian.
Isang ponema lamang ang binabanggit ngunit malaking factor ito
upang mabago ang kahulugan ng isang salita.
• Halimbawa: propesor at propesora
 Nakilala ang pagkakaibang ito sa pamamagitan ng (-a) sa posisyong
pinal ng ikalawang salita
 Ang ponemang /a/ ay makahulugang yunit na nagbibigay ng kahulugang
“kasariang pambabae”. Samakatuwid, ito ay isang morpema, ang salitang
propesora ay binubuo ng dalawang morpema. (propesor at -a)
 Ngunit hindi lahat ng mga salitang may inaakalang morpemang
(-a) na ikinakabit ay may morpema na, tulad ng salitang
maestro at maestra.
 Binubuo lamang ito ng tig-iisang morpema (maestro) (maestra)
• Ang mga ponemang (-o) at (-a) na ikinakabit ay hindi mga
morpema dahil wala naman tayong salitang “maestr” at
sasabihing (-o) at (-a) ang ikinakabit dahil nagpapakilala ng
kasariang panlalaki at pambabae
•Iba pang halimbawa:
• Bombero, na hindi (bomber) at (-o) o (-a)
• Kusinero, na hindi (kusiner) at (-o) o (-a)
• Abugado, na hindi (abugad) at (-o) o (-a)
2.Morpemang salitang-ugat

Binubuo ng mga salitang-ugat, salitang payak at mga


salitang walang panlapi.

Halimbawa: tao, silya, droga, payong at iba pa.


3. Morpemang panlapi
Morpemang ikinakabit sa salitang-ugat
Ang panlapi ay may kahulugang taglay, kaya’t bawat isa ay
isang morpema.
Halimbawa: (um)/(-um) – ay may kahulugan sa pagganap sa
kilos na isinasaad ng salitang-ugat. Sa pandiwang umaawit, ang
(-um) ay nangangahulugang “gawin o ginawa ang kilos ng pag-
awit”
HALIMBAWA:
um/-um (gawi o ginagawa) umalis, humiyaw
ma- (pagkamayroon) masipag, matalino,mayaman
ka- (kapangkat) kasama,kabaranggay, kahati
mala- (may hawig na katangian) mala-rosas,
mala-prinsesa, mala-agila
-an (lugar na pinaglalagyan) aklatan
MGA URI NG MORPEMA

1.MORPEMANG LEKSIKAL
Morpemang tinatawag ding pangnilalaman.
Nangangahulugan na ang morpema ay nakakatayo ng mag-isa sapagkat
may angkin siyang kahulugan na hindi nangangailang ng iba pang salita.
• PANGALAN – Rey, Olympic, aso, tao, paaralan, kompyuter
• PANGHALIP – siya, kayo, tayo, sila, ako, ikaw, atin, amin, ko
at mo
• PANG-URI – banal, maligaya, palaaway, balat-sibuyas
• PANG-ABAY – magaling, kahapon, kanina, totoo, noon
• PANDIWA- tumayo, umupo, kumakain
2. MORPEMANG MAY KAHULUGANG PANGKAYARIAN
Morpemang walang kahulugan at kailangan makita ang sa
isang kayarian o konteksto upang maging makahulugan.
Salitang nangangailangan pa ng iba pang salita upang mabuo
ang kanilang gamit sa pangungusap.
• PANGATNIG – kaya, at, o, saka, pati, ngunit,
datapwat, subalit
• PANG-ANGKOP – na, -ng, ng, -g
• PANG-UKOL – sa, tungkol sa/kay, ayon sa/kay
• PANANDA – ay, si, ang, ng, sina, ni/nina, kay/kina
3.PAGBABAGONG MORPOPONEMIKO
Anumang pagbabago sa karaniwang anyo ng isang
morpema dahil sa impluwensiya ng katabing ponemang
panlapi.

Ang mga nakaiimpluwensiyang ponema ay maaring


yaong sinundan ng morpema o yaong sumusunod.
• Halimbawa: [pang-]+paaralan=pampaaralan
URI NG PAGBABAGONGMORPOPONEMIKO
a.ASIMILASYON
Ito’y tumutukoy sa pagbabagong nagaganap sa isang morpema
dahil sa impluwensiya ng katabing tunog.
Kabilang dito ang mga panlaping nagtatapos sa “nang” tulad
ng sing, pang, at mang na nagkakaroon ng alomorp.
• Halimbawa: pang+bakod=pambakod
Sing+tangkad=sintangkad
Mang+likha=manlikha
• URI NG ASIMILASYON
o Asimilasyong parsyal/ di-ganap
Pagbabago sa unang morpema
Hal. Pang+bansa=Pambansa
Pang+daya=Pandaya
o Asimilasyong ganap
Pagbabago ng kapwa panlapi at salitang ugat
Hal. Mag+tahi=manahi
Pang+tali=panali
b.PAGPAPALIT NG PONEMA
Ito,y pagbabagong anyo ng isang ponema na
napapalitan sa pagbabagong anyo ng isang salita.
o o at u
Kapag inuulit ang na may tunog na /o/ na maaring gamitan
ng pang angkop ang unang bahagi ng inuulit na salita kapag
nilalapian ang mga salitang may /o/ sa huling pantig.
• Halimbawa:
1)Sino+sino= sinu-sino
2)Bibo+ng+bibo=bibung-bibo
3)Bilog+an=bilugan

o e at i
Kapag inuulit ang pangtig na may /e/ at kinakabitan ng
pang-angkop ang unang bahagi ng salitang inuulit.
• Halimbawa:
1)Lalake+ng= lalaking lalaki
o d at r
nagiging /r/ ang /d/ kapag ito ay nasa pagitan ng dalawang patinig.
• Halimbawa:
ma+dunong=marunong

o h at n
kapag ang salitang ugat ay nilapian ng panlaping nagsisimula sa /h/ at
ito ay napapalitan ng /n/
• halimbawa:
tawa+han= tawanan
c. METATESIS
Pagpapalit ng posisyon ng panlaping /in/,
kapag ang kasunod na ponema ay ang mga
ponemang /l/ o /y/.
• Halimbawa:
 In + Lipad=nilipad
 In + Yakap=niyakap
 In + Luto=niluto
d. PAGKAKALTAS NG PONEMA
Sa pagbabagong ito, may nawawalang isang
ponema o morpema sa isang salita. Maaring
mangyari ito sa unahan o sa gitnang salita.
• Halimbawa:
 Takip+an=takpan
 Bukas+an=buksan
 Laba+han=labhan
e. PAGLILIPAT-DIIN
Kapag ang salitang-ugat ay nilalagyan ng
panlapi ito ay nagbabago kapag ito ay
nilalapian.
• Halimbawa:
 Laro+an=laruan
 Dugo+an=duguan
f. REDUPLIKASYON
Nangyayari ito kapag may pag-uulit sa pantig
ng salitang-ugat. Ang pag-uulit na ito ay
maaaring magpahiwatig ng kilos ng ginagawa
o gagawin pa lamang,tagagawa ng kilos o
pagpaparami.
• Halimbawa:
 Pamalo=pamamalo
 Panali=pananali
g. REDUKSYON
Nangyayari ito kapag pinag-isa ang dalawang
salita, ngunit may pagkakaltas ding kasama.
• Halimbawa:
 Winika ko= ikako, kako
 Hinintay ka=tayka, teka
PAGBUBUO NG SALITA
1.PAYAK
Ito ang paggamit ng mga simpleng salita o mga
salitang-ugat lamang

Halimbawa:
kain, talumpati, tanda, tawa, bata, ibig.
2.PAGLALAPI
ito ang paraan ng pagbuo ng salita sa pamamagitan ng pagkakabit
ng panlapi sa salitang-ugat
• ANYO NG PANLAPI
 Unlapi
o ito ay mga panlaping ikinakabit sa unahannng salitang-ugat.
• Halimbawa:
 um+asa=umasa
 mag+aral=mag-aral
 mang+isda=mangisda
 ma+ligo=maligo
 Gitlapi
oito ang mga panlaping isinisingit sa pagitan ng unang
katinig at kasunod nitong patinig.
• Halimbawa:
-um+basa=bumasa
-in+sulat=sinulat
 Hulapi
oIto ay oanlaping matatagpuan sa hulian ng salitang ugat.
• Halimbawa:
Basa+hin=basahin
Gupit+tan=gupitan
 Kabilaan
oIto ay matatagpuan sa unahan at hulian ng salitang-ugat.
• Halimbawa:
Ka- +laya+-an=kalayaan
Mag-+mahal+an=magmahalan
 Laguhan
oIto ay matatagpuan sa unahan, gitna, at hulian ng
salita.

• Halimbawa:
Pag+-um+sikap+an=pagsumikapan
Mag+-in+dugo+an=magdiniguan
3.PAG-UULIT NG MGA SALITA
Paraan ito ng pagbubuo ng salita sa pamamagitan ng pag-uulit ng
salitang-ugat
• PARAAN NG PAG-UULIT NG SALITANG UGAT
 Parsyal/di-ganap na pag-uulit
o Hal. Minu-minuto
 Ganap
o Hal. Oras-oras
 Magkahalong parsyal at ganap
o Hal. Tatakbo-takbo
4.PAGTATAMBAL NG SALITA
Ito ang pagbubuo ng salita sa pamamagitan ng pagtatambal o
pagsasama ng dalawang magkaibang salitang-ugat upang makabuo
ng bagong salita.

Buo/ganap na pagtatambal
a.Hal. Hampaslupa, kapitbisig

Parsyal/ di-ganap na pagtatambal


a.Hal. Bahay-kubo, balat-sibuyas
GAWAIN
Sumulat ng mga salitang nabubuo sa pamamagitan
ng mga sumusunod:

asimilasyong parsyal/di-ganap (5) metatesis(5)


asimilasyong ganap (5) pagkakaltas ng ponema(5)
pagpapait ng ponema paglilipat-diin (3)
-o at u (3) -d at r (3) reduplikasyon (5)
-e at I (3) -h at n (3)

You might also like