You are on page 1of 23

Balik-aral:

1. Ano ang tawag sa pinakamaliit na


yunit ng salita?
MORPEMA

2. Ano ang tawag sa makaagham na pag-aaral


ng pangkat ng mga tunog na bumubuo ng
mga salita ng isang wika?
PONOLOHIYA
3. Ano ang tawag sa isa ring makaagham na
pag-aaral pagbuo naman ng mga salita sa
pamamagitan ng ibat-ibang morpema?

MORPOLOHIYA

4. Ano ang tawag makaagham na pag-


aaral ng mga tunog?

PONOLOHIYA
MORPOLOHIYA Pag-aaral
sa pagbuo
ng salita
Salita at pag-aaral
Morpema
- pinakamaliit na yunit ng isang salita, na
nagtataglay ng kahulugan

Salitang-ugat + panlapi:
Ibig sabihin: Ma + ganda = maganda
mayroon
Ma + bait = mabait
Ma + talino = matalino
Mga Uri ng Pagbabagong
Morpoponemiko
PAGBABAGONG
MORPOPONEMIKO
Asimilasyon (ganap at di-ganap)
Pagpapalit ponema
Paglilipat o Metatesis
Pagkakaltas
Paglilipat-diin
1. Asimilasyon
- ito ay tumutukoy sa pagbabagong anyo ng morpema
dahil sa impluwensiya ng mga katabing tunog nito.

- panlaping nagtatapos sa –ng katulad ng – sing na


maaaring maging sin o sim.

- pang- na maaaring maging pan- o pam- dahil sa


impluwensiya ng kasunod na katinig.
- Ang mga salitang nagsisimula sa d,l,r,s,t ay
inuunlapian ng (sin) at (pan)
Halimbawa :
sing + tindi = sin + tindi = sintindi
pang + laban = pan + laban = panlaban
sing+sarap = sinsarap
- ang mga salitang nagsisimula sa patinig /a,e,i,o,u/
at katinig na /k,g,h,n,w,y/ ay inuunlapian ng (sing) at
(pang). Dito ay walang nagaganap sa mga salita.

Halimbawa:
sing+ganda = singganda
pang+kaisipan = pangkaisipan
- ang mga salitang nagsisimula sa b,p ay inuunlapian ng (sim) at (pam)
Halimbawa :
pang + pilosopiya = pampilosopiya Sing + puti = Simputi

pang + bata = pambata Kasing + bagsik = Kasimbagsik

pang + bansa = pambansa

Pang + pelikula= pampelikula

pang + bahay= pambahay


a. Asimilasyong Parsiyal/di-ganap
ang pagbabagong nagaganap lamang dito ay nasa pinal na
panlaping –ng.
Halimbawa:

pang + bahay = pambahay

pang + pito = pampito

sing + tindi = sintindi


pang + laban = panlaban
pang + pilosopiya = pampilosopiya
b. Asimilasyong Ganap
- nagaganap ang pagbabago sa ponemang /ng/ subalit bukod pa rito,
ang unag tunog o ponema ng nilalapiang salita ay naaasimila ng
sinusundang ponema.
Halimbawa :
pang + tali = pantali = panali Mang + salamin = Manalamin

pang + sukat = pansukat = panukat Mang + pitas = Mamitas

pang + baril = pambaril = pamaril

pang + takot = pantakot = panakot


2. Pagpapalit Ponema
- ito ay pagpapalit sa ponemang nagbabago o
napapalitan sa pagbuo ng mga salita.

Istruktura – Estruktura /i-e/


Totoo – Tutoo /o-u/
Dito – Rito /d-r/
Tawahan – Tawanan /h-n/
◦/d/ at /r/ - nagpapalitan ng r at d kapag
patinig ang tunog na sinusundan ng d

halimbawa: Dito – rito


Ma+dapat = marapat
Ma+dami = marami
Mga Halimbawa: /o/-/u/, /e/-/i/, /d/-/r/
gugol+in = gugulin Ma + dapat = marapat

dugo+an = duguan Kayod + in = kayurin

Laro + an = laruan Kababae + han = Kababaihan

Lapad + an = laparan
Sige + han = sigihan
Bago + hin = baguhin
Hubad + in = Hubarin
Ka + dagatan = karagatan
3. Paglilipat o Metatesis
◦- paglilipat ng posisyon ng mga ponema. Kapag
nagsisimula sa /l/ o /y/ ang salitang-ugat nito at
nilagyan ito ng gitlaping /in/

◦ /in/ - nagkakapalit ng /i/ at /n/ at nagiging /ni/


Y + in + akag = yinakag = niyakag

L + in + ayon = linayon = nilayon

Yaya + in = yayain/yinaya = niyaya

Laro + in = laroin = laruin = nilaro

Lutas + in = linutas = nilutas


4. Pagkakaltas
◦- ito ay ang pagkawala ng isang ponema o
morpema sa isang salita.
Halimbawa: dala+hin = dalahin = dalhin
bukas+an = bukasan = buksan
takip+an = takipan = takpan
kitil+in = kitilin = kitlin
bigay+an = bigayan = bigyan
4. Pagkakaltas
- ito ay ang pagkawala ng isang ponema o morpema sa
isang salita.
Halimbawa:
dala+hin = dalahin = dalhin bigay+an = bigayan = bigyan

bukas+an = bukasan = buksan Kuha + in = kuhain = Kunin

takip+an = takipan = takpan

kitil+in = kitilin = kitlin


5. PAGLILIPAT- DIIN
 Ito ang pagbabagong morpoponemiko na nalilipat ang diin ng salita kapag
nilalapian. Maaaring malipat ng isa o dalawang pantig ang diin patungong
huling pantig o maaaring malipat ang pantig patungong unahan ng salita.

Halimbawa:
bAsa + -hin = basAhin

ka + sama + -han = kasamahAn

laro + -an = laruan


Panuto : Tukuyin ang pagbabagong morpoponemiko na naganap sa salita.
GAWAIN: Piliin ang sagot sa loob ng kahon.

Ganap Di-ganap Pagpapalit Paglilipat Pagkakaltas

______________________1. Dakpin ______________________9. Panulak


______________________2. Mambola ______________________10. Takpan
______________________3. Pambabae ______________________11. Bukirin
______________________4. Pamasko ______________________12. Nilipad
______________________5. Maramot ______________________13. Bigyan
______________________6. Sarhan ______________________14. Yinaya
______________________7. Baguhin ______________________15. Pamutol
______________________8. Laparan
Sanggunian:
 Komunikasyon sa Akademikong Filipino
May-akda: Josefina C. Mangahis
Rhoderick V. Nuncio
Corazon M. Javillo

 Punla: Mga Panitikang Rehiyonal


May-akda: Bernie C. Santos
Gina P. Canlas
TAGAPAG-ULAT :
 Angelica S. Adviento-Lijero
 Emely T. Romero
MST-FILIPINO

MARAMING SALAMAT SA PAKIKINIG AT


PAKIKILAHOK

GOD BLESS !!!

You might also like