You are on page 1of 2

MGA PAGBABAGONG MORPOPONEMIKO

Metatesis
Asimilasyon – Minovolet assimilation McKendry
Paglilipat diin
Pagpapalit ng ponema
Pagkakaltas

MORPOPONEMIKO – Sa ating paksa, alamin natin ang limang iba’t ibang uri ng mga pagbabagong
morpoponemiko. Mayroong limang uri ng morpoponemikong pagbabago: asimilasyon, pagpapalit,
paglilipat, pagdaragdag, at pagkakaltas.

1. ASIMILASYON – Tumutukoy ito sa pagbabagong anyo ng morpema dulot ng pagimpluwensiya ng


mga katabing tunog nito. Ang mga panlaping nagtatapos sa -ng ay pinapalitan ito ng -n o -m
gaya ng panlaping sing- na magiging sin- o sim-

Ang mga salitang nagsisimula sa mga patinig at katinig na k, g, h, n, w at y ay idinagdag ang


panlaping sing- at pag-

 sing + haba = singhaba


 pang + awit = pang-awit

Sa mga nagsisimula sa d, l, r, s, at t ay may panlapi na sin- o pan-

 sing + tamis = sin + tamis = sintamis


 pang + dagat = pan + dagat = pandagat

Sa mga nasisimula naman sa b at p ay may panlapi na sim- at pam-

 pang + basa = pam + basa = pambasa


 sing + payat = sim + payat = simpayat

May dalawang uri ng asimilasyon

 Asimilasyong parsyal o di-ganap – pagbabagong nagaganap lamang sa pinal na panlaping.


 Asimilasyong ganap – nagaganap ito kapag natapos na maging n at m ng panlapi.

2. PAGPAPALIT – Tumutukoy sa ponemang nagbabago o napapalitan sa pagbuo ng mga salita

Halimbawa:

 d at r
* dito – rito
* ma + dapat – marapat
* ma + dumi – marumi
* h at n
* tawahan – tawanan

3. PAGLILIPAT O METATESIS – Ito ay ang paglilipat ng posisyon ng mga ponema. Halimbawa, kapag
nagsimula sa letrang l o y at may gitlaping -in- ay nagpalit ang n at I sa unlaping ni-

* y + -in- + akap = yinakap = niyakap


* l + -in- + ayo = linayo = nilayo

4. PAGDARAGDAG – Ito ay ang pagdagdag ng hulapi sa salita kahit mayroon nang hulapi.

* ka + totoo + han = katotohan + an = katotohanan


* pa + bula +han = pabulahan + an = pabulaanan

5. PAGKAKALTAS – Ito ay ang pagkawala ng isang ponema o morpema na maari itong nasa unahan
o sa gitna ng salita.

* bukas + an = bukasan = buksan


* dala + hin = dalahin = dalhin

You might also like