You are on page 1of 5

Republic of the Philippines

BACOLOD CITY COLLEGE


Taculing Road, Bacolod City, 6100,
Email:a.bacolodcitycollege@yahoo.com
Tel #: (034) 707-7469

Pamagat: Pagbabagong Morpoponemiko


Instructor: Shiela May J. Palomar, LPT, MAED

Tagapag-ulat: Bagallon, Rhiane May G.


Pagbabagong Morpoponemiko
Ang Pagbabagong Morpoponemiko ay ang anumang pagbabago sa karaniwang anyo
ng isang morpema dahil sa impluwensya ng kaligiran nito. Ang kaligiran ay yaong mga katabing
ponemang maaring makaimpluwensya upang makabago sa anyo ng morpema.

 May iba't ibang uring pagbabagong


morpoponemiko: (1) asimilasyon, (2) pagpapalit ng ponema, (3) metatesis, (4) pagkakaltas ng
ponema, (5) paglilipat-din, (6) pagsusudlong,
(7) pag-aangkop at (8) Reduplikasyon.
 Ayon kay Santiago (2003), ang mga salita sa Filipino kapag nilapian ay dumaraan sa
proseso ng pagbabago, ito ay tinatawag na pagbabagong morpoponemiko sa Filipino na
nakalahad sa kanyang aklat na Makabagong Balarilang Filipino.

Mga Uri ng Pagbabagong Morpoponemiko:


1. Asimilasyon
 Nagbabago ang panlaping pang kapag kinakabitan ng mga salitang-ugat na nagsisimula
sa mga letrang /d, l, r, s, t/ at ito'y nagiging pan. Sa kabilang dako naman, ito ay
nagiging pam kapag ang ikinakabit sa mga salitang-ugat na nagsisimula sa mga letrang
hindi nabanggit. Ang pagbabagong nangyari sa salita ay tinatawag na asimilasyon.
 May dalawang uri ng asimilasyon: (1) asimilasyong parsyal o di-ganap at (2)
asimilasyong ganap.

A. Asimilasyong Parsyal o Di-ganap


 Kung ang panlapi o salita ay nagtatapos sa /ng/ at ito’y ikinabit sa isang salitang-ugat na
nagsisimula sa /p/ o /b/, nagiging /m/ ang /ng/.
Halimbawa:
Pang+ paaralan — pampaaralan Pang + babae — pambabae
Sing+ puti — simputi Labing+ pito — labimpito
Pang+ palo — pampalo
 Kung ito’y ikinabit naman sa isang salitang-ugat na nagsisimula sa /d, l, r, s, t/, ang
huling ponemang /ng/ ng isang morpema ay nagiging /n/.
Halimbawa:
Pang+ dakot = pandakot Pang+ laro = panlaro
Ipang+ regalo = ipanregalo Labing+ siyam = labinsiyam
Pang+ tali = pantali

B. Asimilasyong Ganap
 Taglay ang asimilasyong ganap kung ang unang ponemang inuunlapian ay naasimilang
ganap ng tunog ng panlapi. Mapapansin ito sa panlaping /pam/ na inuunlapian ng
ponemang /p/ tulad ng patay. Ang tunog na /p/ sa patay ay naaasimila ng ponemang /m/
ng /pam/ kaya; sa halip na bigkasing "pampatay" ay naging "pamatay". Ito ay
nagpapakita ng asimilasyong ganap. Ang mga salitang pantakot at pansukat ay mga
parsyal. Samakatuwid, dalawang beses ang pag-asimila sa asimilasyong ganap.
Halimbawa:
pang + patay = pampatay = pamatay pang + takot = pantakot = panakot
pang + sukat = pansukat = panukat pang + salubong = pansalubong = panalubong
mang + bili = mambili = mamili
 Hindi lahat ng mga salitang nagsisimula sa /p, b, s, t/ ay nagkakaroon ng asimilasyong
ganap. Ang mga salitang ugat na inuunlapian ay nananatili ang anyo nito gaya ng:
pampalakas — hindi pamalakas pambarko — hindi pamarko
pansalamangkero — hindi panalamangkero pansamaritano— hindi panamaritano
pantawiran — hindi panawiran

2. Pagpapalit ng Ponema
 May mga ponemang nababago o napapalitan sa pagbubuo ng salita. Kung minsan, ang
ganitong pagbabago ay nasasabayan ng pagpapalit ng diin. Ang mga sumusunod na mga
ponema ay nagpapalitan na di nagbabago ang kahulugan gaya ng:
d- r
Ang /d/ sa inisyal na posisyon ng salitang inuunlapian ay karaniwang napapalitan ng /r/ kapag
ito ay nakapagitan sa dalawang patinig.
Halimbawa:
ma + dumi = madumi = marumi
ma + dunong = madunong = marunong
ma + dinig = madinig = marinig

Bagaman may mga pagkakataong ang /d/ na nasa posisyong final ng nilalapiang salita ay
nagiging /r/ kapag ito ay hinuhulapian ng /-an / o /-in/.
Halimbawa:
ka-an + bukid = kabukidan = kabukiran
lipad + in = lipadin = liparin
tawid+ an = tawidan = tawiran

o-u
Ang / o / ay nagiging / u / kapag ito ay nasa huling pantig ng salitang-ugat na hinuhulapian o sa
salitang inuulit.
biro + an = biroan = biruan
bilog + an = bilogan = bilugan
halo + halo = halo-halo = halu-halo

h-n
Sa ilang halimbawa, ang /h/ bagamat hindi binabaybay o tinutumbasan ng titik sa pagsulat ng
panlaping /-han/ ay nagiging /n/.
Halimbawa:
tawa + han = tawahan = tawanan
kuha + han = kuhahan = kuhanan

3. Metatesis
 Kapag ang salitang-ugat ay nagsisimula sa /l/ o /y/ ay ginitlapian ng /-in/, ang /l/ o /y/ ng
salitang ugat at ang /n/ ng gitlapi ay nagkakapalit ng pusisyon.
-in- + lagay = linagay = nilagay
-in- + yari = yinari = niyari
-in- + lipad = nilipad
-in- + yaya = niyaya
 May mga salitang nagkakaroon ng pagkakaltas ng ponema bukod sa pagkakapalit ng
pusisyon ng dalawang ponema.
Atip + an = aptan
Tanim + an = tamnan

Tagapag-ulat: Segovia, Ma. Joy-Anne M.

4. Pagkakaltas ng Ponema o MAYKALTAS


 Ito ay nangangahulugang pagkawala ng isang ponema o morpema sa isang salita. Ito ay
magaganap kung ang huling ponemang patinig ng salitang-ugat na hinuhulapian ay
nawawala.
Halimbawa:
Dakip + -in = dakipin = dakpin
Takip + -an = takipan = takpan

5. Paglilipat Diin o MAYLIPAT


 Nagbabago ang diin sa pagbabago ng mga panlaping ginagamit. Maaari itong malipat ng isa
o dalawang pantig tungo sa huling pantig o isang pantig sa unahan ng salita.
Halimbawa:
laro + an = laruan
tapos + in = tapusin

6. REDUPLIKASYON
 Pag-uulit ito ng pantig ng salita. Ang pag-uulit na ito ay maaaring magpahiwatig ng kilos na
ginagawa o gagawin pa lamang, tagagawa ng kilos o pagpaparami.
Halimbawa:
aalis
matataas
magtataho
pupunta
masasaya
naglalakad

7. Pagdaragdag ng Ponema o MAYSUDLONG


 Nangangahulugan ito ng pagdaragdag ng isa pang morpema sa hulihan ng salitang-ugat
(hulapi) gayong mayroon ng hulaping inilagay. Ang idinagdag na hulapi ay ang dalawa ring
uri ng hulaping -in at -an. May pagkakaltas ding kasama rito.
Halimbawa:
totoo + an/han > totohan + an = totohanan
alaala + an/han > alaalahan + in = alalahanin

8. Pag-iisa ng dalawang salita o PAG-AANGKOP


 Sa pagbabagong ito, pinagsasama ang dalawang salita upang makabuo ng isang bagong
salita. Hindi maiiwasan na magkaroon ito ng pagkakaltas upang mapaikli ang anyo ng
nabuong bagong salita.
Halimbawa:
hintay + ka = tayka = teka
hayaan + mo = hamo

Mga Sanggunian:

Doctor- Dinglasan, Resurrection. Komunikasyon sa Akademikong Filipino. Rex Book Store, Inc.
Manila, Philippines. 2007. pp 84-87.

Tanawan, Dolores T. et. al. Sining ng Mabisang Komunikasyon. Trinitas Publishing, Inc.
Trinitas Complex, Pantoc Road, Meycauayan 3020 Bulacan. 2004. pp. 142-143.
Arrogante, Jose A. et. al. Ugnayan: Komunikasyon sa Akademikong Filipino. Navotas Press,
Inc. Quad Alpha Centrum Bldg. 125 Pioneer Street, Mandaluyong City. 2014. Pp. 102-104.

https://www.scribd.com/document/471708514/PAGBABAGONG-MORPOPONEMIKO?
fbclid=IwAR3ELM6_WjMSRWLG0fxkxCfZEZ2IO2uJg1RzwG2Gmw-s0qSgbCk1fkFGD5I

You might also like