You are on page 1of 2

Ang mga pagbabagong mapapansin sa isang morpema ay bunga ito ng impluwensya ng

kaligiran. Anomang pagbabago ng morpema ay taglay ng kaniyang kapaligiran at ito ay


tinatawag itong pagbabagong moporponemiko. Ang anumang maliit na salita ay kakabit at
naka impluwensya ito sa pagbabagong anyo ng morpema. Ang mga salita ay kapag nilapian ay
dumaraan sa proseso ng pagbabago, ito ay tinatawag na pagbabagong moporponemiko sa
Filipino na nakalahad sa isang aklat na Makabagong Bariralang Filipino.

Asimilasyon – Ang asimilasyon ay nagbabago ang panlaping pang kapag kinakabitan ng mga
salitang ugat na nagsisimula sa mga letrang d,l,r,s,t at ito’y naging pan. Sa kabilang dako
naman, ito ay naging pam kapag ang ikinabit sa mga salitang ugat na nagsisimula sa mga
letrang hindi nabanggit. Ang pagbabagong nangyari sa salita ay tinatawag itong asimilasyon.
Merong dalawang uri ang asimilasyon ito ay ang Asimilasyong parsyal o Di-ganap at
Asimilasyong ganap. Ano ba ng dalawang asimilasyon na ito?

1. Asimilasyong parsyal o Di ganap – ito ay mapansin sa pagbabagong nagaganap sa isang


morpema sanhi ng posisyong pinal na sinusundan ng mga salitang nagsisimula sa bigkas na
pailong. Ang /n/ ng / pang / ay naging /m / o / n / at mangyayari ay manatili /n/ ayon sa kasunod
na tunog. Narito ang mga halimbawa nito

/pang/ + bato = pambato


/pang/ + panood = pampanood
/pang/ + takas = pantakas
/pang/ + lagay = panlagay

Ang mga halimbawa na ito ay nagkaroon na di-ganap ng pagbabagong moporponemiko o


asimilasyong parsyal o di-ganap. Ang pagbabagong ito ay dahilan ng mga tunog ng panlapi o
salita.

2. Asimilasyong Ganap – ito ay taglay ng asimilasyong ganap na kung ang unang ponemang
inuunlapian ay naasimilang ganap ng tunog ng panlapi. Mapapansin ito sa panlaping /pam/ na
inuunlapian sa ponemang /p/ tulad ng patay. Ang tunog na /p/ sa patay at naaasimila ng
ponemang /m/ ng /pam/ kaya sa halip na bigkasing “pampatay” ay naging “pamatay”. Ito ay
nagpapakita ng asimilasyong ganap. Ang mga salitang pantakot at pansukat ay mga parsyal.
Samakatuwid, dalawang beses ang pag-asimila sa asimilasyong ganap. Narito ang halimbawa
ng asimilasyong ganap.

/pang/ + patay = pampatay – pamatay


/pang/ + takot = pantakot – panakot
/pang/ + sukat = pansukat – panukat
/pang/ + salubong = pansalubong – panalubong

Hindi lahat ng mga salitang nagsisimula sa /p, b, s, t / ay nagkakaroon ng asimilasyong ganap.

Metatesis – Kapa gang salitang ugat na nagsisimula sa / I / o / y / ay nilalagyan ng gitlaping –


in- ang / I / at / n / ay nagkapalitan ng posisyon.
Halimbawa:
-in- + lipad = nilipad (linipad)
-in + yaya = niyaya (yinaya)

You might also like