You are on page 1of 11

UNIVERSIDAD DE DAGUPAN

SCHOOL OF TEACHER EDUCATION


Arellano St., Dagupan City

Teacher Intern: Ryan S. Fabia


Date of Execution: May 26, 2022 (2:20-2:50PM)
Grade Level: 7
Pamantayang Pangnilalaman: Naipamamalas ng mag-aaral ang pag-unawa sa
mga akdang pampanitikan ng Kabisayaan
Pamantayan sa Pagganap: Naisusulat ng mag-aaral ang sariling awiting-bayan
gamit ang wika ng kabataan.
Kasanayang Pampagkatuto: Nasusuri ang antas ng wika batay sa pormalidad
na ginagamit sa pagsulat ng awiting-bayan (balbal, kolokyal, lalawiganin, pormal)
F7WG-IIa-b-7
A. Paksa: Antas ng Wika
B. Layunin: Pagkatapos ng talakayan, ang mga mag-aaral ay inaasahang
magkamit ng mga kasanayan sa:
1. Nakapagpapaliwanag ng antas ng wika na ginamit sa pangungusap.
2. Nakasusuri ng antas ng wika batay sa pormalidad mula sa usapan
3. Nakagagamit ng antas ng wika sa sariling pangungusap.
C. Kagamitan:
D. Sangguninan: Pinagyamang Pluma, Ailene Baisa-Julian, Nestor Lontoc,
Carmela Esguera-Jose, 160-166
E. Pamamaraan sa Pagkatuto

1. PAGLAHOK
Ayusin Mo Naman AKES!
Ang mag-aaral ay papasok sa kawing na ipadadala ng guro sa chat
box. Piliin lamang ang tamang ayos ng nakagulong titik upang
tumugma sa inilalarawan ng larawan. Mayroon silang 20 segundo para
sumagot. Ang bawat sagot ay mayroong kalakip na Trivia.
Gagamit ang guro ng isang aplikasyon “QUIZIZZ” para sa aktibidad na
ito.
Ayusin ang salita batay sa inilalarawan ng larawan.
"IFELSE"
a. SELFIE
b. LIFEES
c. LIFESE

Ayusin ang salita batay sa inilalarawan ng larawan.


"ANGLAF"
a. FALANG
b. LAFANG
c. FANGAL

Ayusin ang salita batay sa inilalarawan ng larawan.


"ARDUM"
a. MUDRA
b. DRAMU
c. DUMAR

2. PAGGALUGAD
4 Words, 1 Word
Ang guro ay magpapakita ng apat na salita na kung susuriin ang apat
na salitang ito ay makikilala ang isang antas ng wika.
3. PAGPAPALIWANAG
Ilawan Natin!

Gawain ng Guro Gawain ng Mag-aaral


Bago natin alamin kung ano ba yang
balbal na iyan, alamin muna natin
kung ano ang ibig sabihin ng wika.

Ang wika, ayon kay Gleason ay


isang masisitemang balangkas ng
sinasalitang tunig na pinili at
isinasaayos sa paraang arbitraryo
upang magamit sa komunikasyon
ng mga taong nabibilang sa isang
kultura.
Magaling.
Sa katuturang ibinigay ni Gleason,
ang mga pangunahing mga salita ay
masistemang balangkas, arbitraryo,
sinasalitang tunog, tao,
komunikasyon, at kultura. Sa
pagbibigay-kahulugan sa mga ito,
matutukoy na rin ang mga
katangian at kalikasan ng wika.

Ano naman ang Antas ng Wika?


Pakibasa (N)
Ang wika ay nahahati sa iba’t ibang
katigorya sa antas na ginagamit ng
tao batay sa kanyang pagkatao, sa
lipunang kanyang ginagalawan,
lugar na tinitirhan, panahon,
katayuan at okasyong dinadaluhan.
Tama ang antas din ng wika ay
nahahati sa dalawa: ang pormal at
di-pormal
Ang di-pormal ay mga salitang
karaniwang ginagamit sa pakikipag-
usap sa mga kakilala o kaibigan at
ito ay nauuri sa tatlo

Unang uri ng di-pormal ay iyong


Balbal.
Pakibasa (N) Ang balbal ang tawag sa mga
salitang karaniwang ginagamit sa
mga kalye kaya’t madalas na
tinatawag ding salitang kanto o
salitang kalye. Nabibilang ang mga
salitang ito sa di pormal na uri ng
salita kaya’t karaniwang hindi
ginagamit sa mga pormal na
pagtitipon o pagsusulat.

Tama. Ito ay salitang kalye o


pinakamababang uri wikang
ginagamit ng tao, nabuo sa
kagustuhan ng isang partikular
nagrupo na nagkakaroon ng sariling
pagkakakilanlan.

Ang salitang balbal o slang ay


nabubuo sa pamamagitan ng iba’t
ibang paraan tulad ng sumusuno:
1. pagkuha sa dalawang huling
pantig ng salita tulad ng sa salitang
“AMERIKANO na naging KANO”

2. pagbaliktad sa mga titik ng isang


salita tulad ng “TIGAS na naging
ASTIG”

3. paggamit ng salitang Ingles at


pagbibigay rito ng ibang kahulugan
tulad ng toxic na binigyan ng
kahulugang “hindi maayos ang
kalagayan o hindi maayos na tao”
tulad ng “toxic na schedule” o “toxic
na kasamahan”

4. pagbibigay kahulugan mula sa


katunog na pangalan tulad ng Carmi
Martin na ang kahulugan ay “karma”
Magbigay pa nga kayo ng
halimbawa ng balbal na salita at
gamitin ito sa pangungusap. (N)

Ano ang ginamit mong balbal na


salita at ano ang kahulugan nito?
Ang aking tatay ay isang lespu.

Sunod naman ay kolokyal, ano ang


ibig sabihin ng kolokyal, (N)
Lespu – pulis

Ang kolokyal ay isa pang uri ng


mga salitang di-pormal na
ginagamit sa pang-araw-araw na
pakikipag-usap. Madalas na
ginagamitan ng pagpapaikli o
Mahusay. pagkakaltas ng ilang titik sa salita
Ang kolokyal ay ang pakikibagay ng upang mapaikli ang salita o kaya’y
wika sa taong gumagamit nito. mapagsama ang dalawang salita.
Kadalasan napaiikli ang mga salita
ngunit napagkakasunduan ang
pagpapaikli nito. 
Halimbawa ng kolokyal ay pa’no
mula sa salitang paano.
Meron mula sa mayroon.
Te’na mula sa tara na.

At bahagi pa rin nito ang pagsasama


ng dalawang wika tulad ng Tagalog
at Ingles o “Tag-lish” o Tagalog-
Espanyol.

Halimbawa ng Tag-lish, A-attend ka


bas a birthday ni Lina?

Halimbawa ng Tag-Espanyol, Hindi,


may gagawin kami sa eskuwelahan.

Ngayon, maari ba kayong magbigay


ng sarili pong pangungusap na
ginagamitan ng salitang kolokyal?

Ano ang ginamit na salitang


kolokyal?

Sunod naman na antas ng wika, ang Sa’yo ba itong panyo?


lalawiganin. Pakibasa, (N)

Sa’yo mula sa salitang sa iyo

Ang lalawiganin ay mga salitang


karaniwang ginagamit sa mga
lalawigan o probinsya o kaya’y
particular na pook kung saan
nagmula o kilala ang wika.
Magaling. Kapansin-pansing ang mga
Ang lalawiganin ay mga wikang lalawiganing salita ay may taglay
ginagamit ng mga tao sa lalawigan na kakaibang tono o bigkas na
gaya ng Chavacano, Tausug, maaring magbigay ng ibang
Cebuano, Ilonggo, Visaya at iba pa. kahulugan dito.
Hindi talamak ang paggamit sa
isang bansa ng mga wikang
lalawiganin ngunit nagsasadya ito
ng implikasyon ng kultura ng isang
lalawigan.
Halimbawa dito ay;
tanan mula sa salitang Bisaya na
ibig sabihin ay “lahat”
ambot mula sa salitang Bisaya na
ibig sabihin ay “ewan”

maari pa ba kayong magbigay ng


pangungusap na ginagamitan ng
salitang lalawiganin, (N)

Ano ang salitang panlalawigan na


iyong ginamit at anong lalawigan
ito?
Ang aking manong ay nagbigay ng
aking baon.

Sunod naman nating tatalakayin ay


iyong mga salitang pormal.
Pakibasa, (N) Manong mula sa salitang Ilocano na
ibig sabihin ay “kuya”
Ang salitang pormal ay mga
salitang istandard dahil ang mga ito
ay ginagamit ng karamihan ng mga
nakapg-aral sa wika. Ito ang mga
Tumpak. salitang ginagamit sa paaralan, sa
Ang pormal na salita ay antas ng mga panayam, seminar, gayundin
wika na istandard at sa mga aklat, ulat, at sa iba pang
kinikilala/ginagamit ng nakararami. usapan o salitang pang-
Ito ay may dalawang uri: intelektuwal.
Ang Pampanitikan at Pambansa

Pakibasa ang kahulugan ng


Pampanitikan, (N)

Tama. Ang Pampanitikan ay ito


naman ang mga salitang gamitin ng Ito ay ginagamit ng mga malikhain
mga manunulat sa kanilang mga manunulat. Ang mga salita ay
akdang pampanitikan. Ito ang mga karaniwang malalim, makulay at
salitang karaniwang matatayog, masining.
malalalim, makulay, talinghaga at
masining.
Ilaw ng tahanan - Ina
Nasiraan ng bait - Baliw
Malikot ang kamay - Magnanakaw

Maari ka bang gumawa ng sarili


pong pangungusap gamit ang
salitang Ilaw ng tahanan, (N)

Dumako naman tayo sa Pambansa.


Pakibasa, (N)
Wala ng hihigit sa aming ilaw ng
tahanan.

Mahusay. Ang Pambansa ay wikang ginagamit


Ang Pambansa ay ang mga salitang sa panitikan, sa mga paaralan at
karaniwang ginagamit sa mga aklat pamantasan, sa gobyerno, sa korte
pangwika sa lahat ng mga paaralan. at iba pang venyung profesyunal
Ito rin ang wikang kadalasang
ginagamit ng pamahalaan at
itinuturo sa mga paaralan.

Halimbawa:
Ina – na ibig sabihin ay Ilaw ng
tahanan

Baliw na ibig sabihin ay Nasiraan ng


bait

Magnanakaw na ibig sabihin ay


Malikot ang kamay

Magbigay ng salitang Pambansa, (N)

Naunawaan na ba ang antas ng


wika?
Asawa, Anak, Tahanan
Ano ang wika?
Ano ang dalawang antas ng wika?
Ano ang tatlong uri ng di-pormal?
Ano ang dalawang uri ng porma?
4. PAGPAPALAWIG
Usap Tayo!
Papangkatin ng guro ang klase sa apat. Ang bawat pangkat ay may
dalawang miyembro na kung saan lilikha sila ng isang maikling
dayalogo na ginagamitan ng iba’t ibang antas ng wika, gagawin ang
pagbuo sa loob ng tatlong minuto sa breakoutrooms. Sasambitin ang
nabuong iskrip pagkatapos ng tatlong minuto at tutukuyin ang mga
salita at kung anong antas ng wika ito.

Halimbawa:
Kaibigan 1: Beshy, kailangan pa bang isuot ‘tong face shield?
Kaibigan 2: Oo naman, mamaya huhulihin ka pa ng sekyu dito kahit
nandito tayo sa loob ng mall kailangan paring isuot iyan dahil ‘yan ang
nararapat.
Kaibigan 1: Tama nga naman Beshy. Siya na nga. Bilisan na natin
dahil ako’y tomguts na. Kanina pa tayo hinihintay ni Spaghetti! Haha
Kaibigan 2: Oo naman.

Mga salita na natukoy sa dayalogo


1. Beshy (matalik na magkaibigan) – BALBAL
2. ‘tong (ito/ itong) – KOLOKYAL
3. Sekyu (Security Guard) BALBAL
4. yan (iyan) – KOLOKYAL
5. tomguts (gutom) – BALBAL
5. PAGTATAYA
Sukatin Natin!
Ang guro ay gagamit ng “Quizizz” para sa pagsusulit.
Suriin ang antas ng wikang ginamit ng bawat tauhan sa usapang nangyari
sa isang family reunion. Kilalanin at piliin kung ang nakadiin ay balbal,
kolokyal, lalawiganin, o pormal.

1. Lola: Ang pagdating ng buong angkan ay tila sinag ng bulalakaw na


nagdulot sa akin ng kaligayahan.
a. balbal b. kolokyal c. lalawiganin d. pormal

2. Jean: Uy, si Lola, emote na emote…


a. balbal b. kolokyal c. lalawiganin d. pormal

3. Lito: Hayaan mo nga siya Jean, moment niya ito eh.


a. balbal b. kolokyal c. lalawiganin d. pormal

4. Tita Lee: O sige, kakain na tayo. Pakitawag si Manang para tumulong


sa paghahanda ng mesa.
a. balbal b. kolokyal c. lalawiganin d. pormal

5. Ding: Wow! Ito ang chibog!!! Ang daming putahe…


a. balbal b. kolokyal c. lalawiganin d. pormal

6. Kris: Oh, so dami. Sira na naman my diet here.


a. balbal b. kolokyal c. lalawiganin d. pormal

7. Nanay: Sige, sige kain ngarud para masulit ang pagod naming sa
paghahanda.
a. balbal b. kolokyal c. lalawiganin d. pormal

8. Lyn: Ipinakikilala ko ang syota kong Kano. Dumating siya para


makilala kayong lahat.
a. balbal b. kolokyal c. lalawiganin d. pormal
9. Tito Mando: Naku, nag-aamoy bawang na. Kelan ba naman ang pag-
iisang dibdib?
a. balbal b. kolokyal c. lalawiganin d. pormal

10. Lolo: Basta lagging tatandaan mga apo, ang pag-aasawa’y hindi
parang kaning isusubo na maaring iluwa kapag napaso.
a. balbal b. kolokyal c. lalawiganin d. pormal

6. PAGPAPAYABONG
Sulat-Awit
Ikaw ay kasapi ng isang banda ng mga kabataang nagmamalasakit sa
mga awiting sariling atin. Bilang composer ng inyong grupo, bubuo ka
ng bersiyon ng isang awiting-bayan ng inyong sariling lugar. Gagamitan
mo ito ng sariling wika Ninyo. Lalapatan mo ito ng himig ng isang
kilalang awiting-bayan o maaari ding orihinal mong himig. Pagkatapos
ay aawitin mo ito para marinig ng lahat ang ganda ng sarili ninyong
awiting-bayan.
Ipapasa ang bidyo sa ating Group Chat. Ang huling araw ng
pagsusumite ay sa ika-31 ng Mayo, 2022.

Pamantayan Puntos Marka


Nailalahad sa awiting-bayan ang mga
15
impormasyon tungkol sa sariling lugar o bayan.
Naisusulat ang sariling bersiyon ng isang
awiting-bayan sa sariling lugar gamit ang wika
20
ng mga mag-aaral o wikang nauunawan ng
kabataan.
Naitatanghal nang mahusay at masigla ang
15
binuong awiting-bayan.
Kabuoang Puntos 50

Inihanda ni:

RYAN S. FABIA
Nagsasanay na Guro

Sinuri ni:

MAYETTE DE DUZMAN PATRICK JAY BANCOD


Kritikong Guro Koordineytor

Inaprobahan ni:

DR. MA. DITAS FERNANDEZ


Punongguro

You might also like