Professional Documents
Culture Documents
I. Layunin
a. Paksa: Morpolohiya
III. Pamamaraan
A. Panimulang Gawain
a1. Pagdarasal
a2. Pagbati
B. Pagbabalik Aral
C. Pagtatalakay
Itatalalakay ng guro ang depenisyon ng morpolohiya. Itatalakay din ang
mga uri ng Morpema sa Wikang Filipino, kasama din dito ang limang proseso ng
paglalapi.
*Morpolohiya
D. Gawain
Ang mga mag- aaral ay bubuo ng dalawang grupo. Ang dalawang grupo ay
magpapaunahan sa pagtukoy ng morpema at pagbigay ng mga halimbara nito.
E. Paglalahat
Morpolohiya -Ang morpolohiya ay pinaka maliit nay unit na salita.
-Ito ay ang pag-aaral ng pagsasama-sama ng mga salita upang makabuo ng
panibagong salita.
-Ito din ay pag-aaral ng mga pinagsama samang mga tunog para makabuo ng
panibagong salita.
Morpema - Ang morpema ay ang pinakamaliit nay unit ng isang salita na mayroong
kahulugan.
Anyo ng Morpema
*Morpemang Ponema - Ito ay ang morpemang maaaring baguhin ang isang salita sa
pamamagitan ng pagpapalit ng letra sa dulo ng isang salita.
-Sa salitang doktora, ginagamit ang ponemang /a/ sa pagtutukoy sa kasarian ng isang
babae.
-Halimbawa ay ang salitang Tito na pinalitan ang ponemang /o/ sa /a/ ay magiging Tita.
Antonio – Antonia
Paulo – Paula
Angelito – Angelita
Tito – Tita
Lolo – Lola
Propesor – Propesora
Maestro – Maestra
Halimbawa ng Tiyak
Abogado- Abogada
Doktor – Doktora
Lino – Lina
-Ang di-tiyak ay ang mga salitang hindi maaaring palitan ng ponemang /a/ at /o/ upang
matukoy ang kasarian ng isang tao.
*Karpintero
*Bumbero
*Guwardya
Morpemang Panlapi -Ang bawat salita ay may angking kahulugan kaya ang bawat
salitang panlapi ay isang morpema. May mga panlaping nagpapahayag ng pagkilos ng
isang tao.
Pag-uunlapi
Ang pag-uunlapi ay makikita sa unahan ng salita.
Ang panlaping /um/, /ma/, /ipa/, /paki/ na panlapi ay idinadagdag sa unahan ng salita
upang makabuo ng panibagong salita na nagtataglay ng panibagong kahulugan.
Um + asa = Umasa
Um + inom = Uminom
Um + una = Umuna
Um + abot = Umabot
Ma + yaman = Mayaman
Ma + rumi = Marumi
Ma + bango = Mabango
Ma + ayos = Maayos
Ma + kalat = Makalat
Um + punta = Pumunta
Um + baba = Bumaba
Um + tama = Tumama
Um + lipat = Lumipat
Um + tawag = Tumawag
In + sabi = Sinabi
In + sama = Sinama
In + malas = Minalas
In + bili = Binili
Ang panlaping /in/ at /um/, /mag/, /pag/ ay mga halimbawa ng kabilaang pag-lalapi.
An + punta = Puntahan
An + kain = Kainan
Laguhan - Ang panlapi ay maaaring mayroon sa simula, gitna, hulihan ng isang salita.
o Sigaw
o Kain
o Bili
o Bukid
o Basahan
o Ulila
o Kawawa
o Lupa
o Bahay
o Lakad
o Takbo
o Larp
o Hingal
Pagpapaliwanag
Sisimulan ang pagtatalakay sa pinaka madaling pagtukoy sa kahulugan ng
morpolohiya at ng morpema at magbibigay ng mga halimbawang salita patungkol dito.
Ipapaliwanag din ang mga anyo ng morpema sa madaling paraan na mas mauunawaan
ng mga mag-aaral at magbibigay ng mga halimbawa sa bawat anyo hanggang sa mas
maunawaan ng mga mag-aaral ng lubos. Ang pagpapaliwang ng ganitong aralin sa
mga elementarya ay makakatulong sakanila sa pagbuo ng tamang pangungusap sa
pakikipag-usap at paggawa ng mga essay na makakatulong sa kanilang pag-aaral.
Analisis
Ang pag-aaral ng morpolohiya, morpema, at mga anyo ng morpema ay
mahalagang pag-aralan sa elementarya mas maunawaan ang mga bata ang
kahalagahan ng isang letra upang mabago ang kahulugan ng isang salita Nakatutulong
ito upang makalikha ang mga mag-aaral ng mga awtput sa eskuwelahan na konektado
sa morpolohiya. Mahalagang maunawaan at malaman ng mga mag-aaral kung paano
ang tamang pagdaragdag ng letra sa isang salita upang mas mdali ang pakikipag-usap.
Ang pagdadagdag ng letrang /a/, /o/, /um/, at /in/ ay maaaring makapagpabago ng
kahulugan ng isang salita.