You are on page 1of 81

Pag-uulat ng grupo 2

MGA KASAPI:
• Melda Kondo
• Jeah Jane Malabo
• Gyusel Abada
• Louie Abuso
• Margot Jamlan
• Rocheber Navales
• Princess Peller
• Elaisa Gamba
• Jinky Tiempo
• Analie Solindao
• Juda Palma
MORPOLOHIYA
Anyo at uri ng
Morpema
• Hindi ito dapat ipagkamali sa pantig na likha ng
mga salita kung isinusulat o ang bawat saltik ng
dila kapag binibigkas.

• Maraming mga pantig ang walang kahulugan sa


sarili kaya Hindi maaaring tawaging morpema.

• Ang morpema ay maaaring isang salita o bahagi


lamang ng isang salita.
May tatlong anyo ang morpema :

Morpemang salitang - ugat

Morpemang panlapi

Morpemang binubuo ng
isang ponema
1. Morpemang salitang-ugat - ito ay binubuo ng salitang walang
kasamang pan-lapi. Ito ay mga salitang payak. Tinatawag din
itong malayang morpema.

❇️Halimbawa : ilog, bahay, araw, lupa, bandila

2. Morpemang panlapi - ito ay may taglay na kahulugan sa sarili.


Ngunit Tina-tawag ang ganitong morpema na di-malayang
morpema. Hindi sila makakatayo sa kanilang sarili. kinakailangan
pa itong samahan ng isang malayang morpema upang magkaroon
ng ganap na kahulugan.
• Iba - ibang pusisyon ang kinalalagyan ng panlapi sa salita kaya may
iba - ibang uri din ng panlapi ayon sa pusisyon nila sa loob ng salita.

• Unlapi - kapag inilalagay sa unahan ng salita.

Halimbawa :

magbasa, umibig, paalis, makahuli.

• Gitlapi - kapag nakalagay sa loob ng salita.

Halimbawa :

sumayaw, lumakad, sinagot, ginawa.


Hulapi - kapag nakalagay sa hulihan ng salita.

Halimbawa :

ibigin,sulatan, sabihan, gabihin


• Kabilaan - kapag ang isang pares ng panlapi ay
nakalagay sa unahan at ang isa ay NASA hulihan
ng salita. Halimbawa : mag-awitan, paalisin,
kaibigan, kadalagahan.

• Laguhan - kapag makikita ang mga panlapi sa


unahan, gitna at hulihan ng salita. Halimbawa :
magdinuguan, pagsumikapan, ipagsumigawan.
3. Morpemang binubuo ng isang ponema -
makikita sa mga sumusunod na halimbawa:

doktor - doktora, abogado - abogada.


Pagbabagong
Morpoponemiko
1. Asimilasyon - Ito ay tumutukoy sa
pagbabagong anyo ng morpema dahil sa
impluwensya ng mga katabing tunog nito. •
panlaping nagtatapos sa –ng katulad ng sing- na
maaaring maging sin o sim • pang- na maaaring
maging pan- o pam- dahil sa impluwensya ng
kasunod na katinig.
2. Ang mga salitang nagsisimula sa d, l, r, s, t ay
inuunlapian ng (sin-) at (pan-)

Halimbawa:
• sing + tindi = sin + tindi = sintindi
• pang + laban = pan + laban = panlaban

3. Ang mga salitang nagsisimula sa b, p ay inuunlapian ng


(sim-) at (pam-)

Halimbawa:
• pang + pilosopiya = pam + pilosopiya = pampilosopiya
4. Ang mga salitang nagsisimula sa patinig /a,e,i,o,u/ at katinig na
/k,g,h,n,w,y, ay inuunlapian ng (sing-) at (pang-). Dito ay walang
pagbabagong nagaganap sa mga salita.

Halimbawa:
• sing + ganda = sing + ganda = singganda
• pang + kaisipan = pang + kaisipan = pangkaisipan

5. Ang asimilasyon ay may dalawang uri.

Halimbawa:
• Asimilasyong parsyal o di-ganap
• Asimilasyong ganap
6. Asimilasyong parsyal o di-ganap – ang pagbabagong nagaganap lamang dito ay
nasa pinal na panlaping – ng.

Halimbawa:

• sing + tindi = sin + tindi = sintindi


• pang + laban = pan + laban = panlaban
• pang + pilosopiya = pam + pilosopiya = pampilosopiya

7. Asimilasyong ganap – nagaganap ang asimilasyong ito kapag matapos na maging


/n/ at /m/ ng panlapi dahil sa pakikibagay sa kasunod na tunog ay nawawala pa ang
sumusunod na unang titik ng salitang-ugat at nananatili na lamang ang tunog na /n/
o /m/.

Halimbawa:
• pang + baril = pam + baril = pamaril
• pang + takot = pan + takot = panakot
1. Pagpapalit –ito ay tumutukoy sa ponemang nagbabago o
napapalitan sa pagbuo ng mga salita. /o/ at /u/.

• Sa ngayon, ayon sa Ortograpiyang Pambansa 2013, sa pag-uulit


ng salitang-ugat na nagtatapos sa patinig na o hindi ito
pinapalitan ng letrang u. Kinakabitan ng pang-ugnay/ linker (-
ng) at ginagamitan ng gitling sa pagitan ng salitang-ugat.

Halimbawa:
• Linggo-linggo
• ano-ano
• /e/ at /i/. Ganoon din sa pag-uulit ng salitang-ugat na nagtatapos sa e, hindi ito
pinapalitan ng letrang i. Kinakabitan ng pang-ugnay/liner (-ng) at ginagamitan din ito
ng gitling sa pagitan ng salitang-ugat.

Halimbawa:

• babae - babaeng-babae
• Salbahe - salabaheng-salbahe

• /d/ at /r/. Napapalitan ng /r/ and /d/ kapag patinig ang tunog na sinusundan ng /d/.
Halimbawa: dito >rito ma + dapat >marapat ma + dami >marami

• Paglilipat -ito ay tinatawag ding metatesis na nangangahulugan ng paglilipat ng


posisyon ng mga ponema. Kapag nagsisimula sa /l/ o /y/ ang salitang-ugat nito at
nilagyan ng gitlaping
-in-, nagkakapalit ang /i/ at /n/ at nagiging /ni-/.
Halimbawa:

•y + -in + akag> yinakag > niyakag (niyayakag, hindi yinayakag)


•l +-in + ayon > linayon > nilayon (nilalayon, hindi linalayon)

• Pagdaragdag - Nangangahulugan ito ng pagdaragdag ng isa pang


morpema sa hulihan ng salitang- ugat (hulapi) kahit mayroon nang
dating hulapi ang salitang-ugat.

Halimbawa:

•pa + bula + han > pabulahan > pabula(h)an + an > pabulaanan


•ka + totoo + han > katotoohan > katoto(o)han + an > katotohanan
• Pagkakaltas -Ito ay ang pagkawala ng isang ponema o
morpema sa isang salita. Maaari itong maganap sa unahan o
gitna ng salita. May mga salita ring nakakaltas ang ponema o
morpema sa gitna, at napapalitan ng ponema ang nasa
hulihang morpema.

Halimbawa:
•Dala +hin >dalahin > dalhin
•Bukas +an >bukasan > buksan.
BAHAGI NG PANANALITA
• Ang pangngalan ay tumutukoy sa ngalan ng tao, hayop,
bagay, pook o pangyayari.

Halimbawa:

• Ana
• Pusa
• Lapis
• Corrales
• Kaarawan
• Panghalip- Ang panghalip ay ang salitang humahalili o pamalit sa
ngalan o pangngalan na nagamit na sa parehong pangungusap.

Mga uri ng Panghalip:

1. Panghalip na Panao-Ito ay panghalili sa ngalan ng tao. Maaari itong


gamitin bilang simuno at tagaganap.
• Ang panghalip na panaong simuno ay makikita sa unahan ng ay at nasa
hulihan ng pangungusap kapag walang ay.

Halimbawa ng mga panghalip na panao ay ang mga salitang ;

ako (me), ko, kami (we), kayo, atin , inyo, kita, kata, mo (you), at siya
(he/she).
Panghalip na Paari-Ito ay mga panghalip na pumapalit sa
pangngalang nagpapakita ng pag-aari.
Mahalagang tandaan ang mga sumusunod tungkol sa panghalip na paari:

• Lagi itong nakikita sa bahaging panaguri o pagkatapos ng panandang "ay" at sa


unahan ng pangungusap kung walang "ay".

• Hindi ito dapat sinusundan ng pangngalan.

• Hindi ito dapat may "sa" sa unahan.


Halimbawa:

• "Ang bansang Pilipinas ay atin." , "Kanya ba ang magandang


proyekto?
• "Kapag ang salitang nagpapakita ng pag-aari ay nasindan o may
nauunang pangngalan, hindi na ito panghalip. Sa halip, itinuturing
na itong panuring.

Halimbawa:
1. Ang bagong damit ay akin. (panghalip)
2. Ang aking damit ay bago. (panuring)
3. Ang damit ko ay bago. (panuring)
• Panghalip na Pananong-Ang panghalip na pananong ay pamalit sa pangngalan sa paraang patanong. Ito ay maaaring
isahan o maramihan.

Halimbawa ng panghalip na pananong o patanong ang mga salitang ;

• ano(what),
• ano-ano
• sino, sinu-sino
• nino, alin
• at alin-alin.
• Panghalip na Pamatlig-Ang panghalip na pamatlig ay humahalili sa ngalan ng
bagay, at iba pa na itinuturo o inihihimaton.Ang dito, diyan at doon ay ginagamit
kung ang nauunang salita ay nagtatapos sa katinig maliban sa mga malapatinig
na w at y.

Halimbawa:
• "Ligtas diyan ang anak mo”

• Nagiging rito, riyan at roon ang dito, diyan at doon kung ang nauunang salita ay
nagtatapos sa patinig at mga malapatinig na w at y.

Halimbawa:

• "Lumapit ka rito."
• Panghalip na Panaklaw- ito ay mga salitang ginagamit bilang panghalili o
pamalit na sumasaklaw ng kaisahan, bilang, dami, o kalahatan ng pangngalang
tinutukoy

A. Tiyakan - mga panghalip na;

• 1. kaisahan - isa, iba, bawat isahalimbawa:Ang isa sa mga gamit na kanyang


dinala ay banig.
• 2. kalahatan - ilan, madla, lahat, pawang, pulos

Halimbawa:
Lahat ay natutuwa sa batang may magandang asal.
B. Di-tiyakan - ito ay mga panghalip na pananong na
kinakabitan ng man na nangangahulugan na hindi
katiyakan ang pinag-uusapan.

Halimbawa: anuman, kaninuman, sinuman, ninuman,


lahat Maski kanino man dapat tayo ay nagpapakita ng
paggalang.
• Ang pangngalan ay isang salita na gumana bilang pangalan ng
isang tukoy na bagay o hanay ng mga bagay, tulad ng mga
nabubuhay na nilalang, lugar, kilos, kalidad, estado ng pagkakaroon,
o mga ideya. Gayunpaman, ang pangngalan ay hindi isang kategorya
ng semantiko, kaya't hindi ito maaaring mailalarawan sa mga tuntunin
ng kahulugan nito.
• Sa gayon, ang mga aksyon at estado ng pag-iral ay maaari ding
ipahayag sa pamamagitan ng mga pandiwa, katangian ng pang-uri,
at lugar ng mga pang-abay.
• Sa pangwika, ang isang pangngalan ay isang miyembro ng isang
malaki, bukas na bahagi ng pagsasalita na ang mga kasapi ay
maaaring mangyari bilang pangunahing salita sa paksa ng isang
sugnay, ang object ng isang pandiwa, o ang object ng isang pang-
ukol.
• Ang mga kategorya ng leksikal ay tinukoy sa mga tuntunin ng
mga paraan kung saan ang kanilang mga miyembro ay
nagsasama sa iba pang mga uri ng expression.
• Ang mga panuntunang syntactic para sa mga pangngalan ay
naiiba sa wika sa wika.
• Sa Ingles, ang mga pangngalan ay ang mga salitang maaaring
mangyari sa mga artikulo at pang-uri na adjective at maaaring
gumana bilang pinuno ng isang parirala na pangngalan. "Sa
pagkakaalam namin, bawat wika ay gumagawa ng pagkakaiba sa
gramatika na mukhang isang pagkakaiba ng pandiwa ng
pangngalan."
• Ang mga klase sa salita ay inilarawan ng mga grammarian ng
Sanskrit mula sa hindi bababa sa ika-5 siglo BC. Sa Nirukta ni
Yāska, ang pangngalan ay isa sa apat na pangunahing kategorya
ng mga salitang tinukoy.Ang Katumbas na Griyego na katumbas
ay ónoma, na tinukoy ni Plato sa diyalogo ng Cratylus, at
kalaunan ay nakalista bilang isa sa walong bahagi ng pagsasalita
sa The Art of Grammar, na iniugnay kay Dionysius Thrax.
• Ang term na ginamit sa gramatika ng Latin ay nōmen. Ang lahat
ng mga katawagang ito para sa "pangngalan" ay mga salitang
nangangahulugang "pangalan". Ang salitang Ingles na pangngalan
ay nagmula sa terminong Latin, sa pamamagitan ng pangngalang
Anglo-Norman.
• Ang mga klase ng salita ay natukoy nang bahagya sa
pamamagitan ng mga pormulang gramatikal na kinukuha
nila. Sa Sanskrit, Greek at Latin.

• Halimbawa, ang mga pangngalan ay ikinategorya sa


pamamagitan ng kasarian at pinalaki para sa kaso at bilang.
Dahil ibinabahagi ng mga pang-uri ang tatlong mga
kategorya ng gramatika, ang mga pang-uri ay inilalagay sa
parehong klase ng mga pangngalan.
PANDIWA
• Ang isang pandiwa, mula sa Latin verbum na
nangangahulugang salita, ay isang salita na sa syntax ay
nagpapahiwatig ng isang aksyon, isang pangyayari, o isang
estado ng pagiging.
• Sa karaniwang paglalarawan ng Ingles, ang pangunahing
form, na mayroon o walang maliit na butil ng, ay ang
infinitive.
• Sa maraming mga wika, ang mga pandiwa ay pinalawak
upang ma-encode ang panahunan, aspeto, kondisyon, at
boses.
PANG-URI
PANG-ABAY
MGA URI NG PANG ABAY
PANGKAYARIAN

• Mga Panada
• Mga Pantukoy
• Mga Pang-ukol
MGA-PANANDA
Ano ang Pananda?

Ang Pananda- ito ay nagpapakilala o


nagsisilbing tanda ng gamit na pambalarila
ng isang salita sa loob ng pangungusap.
A. Ang / Ang mga - ginagamit sa pantukoy ng
isang pangngalan na ginagamit na simuno ng
pangungusap. Ginagamit ang ang mgakapag
marami ang tinutukoy.

Halimbawa:

1. Sinulat ang pangalan ng mga maiingay sa pisara.


2. Ang mga bata naglalaro sa kalsada.
B. Sa / Para sa - ang saay ginagamit bilang isang
panandang ganapan kung saan naganap ang kilos ng
pandiwa. Ito ay nagiging panandang kalaanan kung
sinasamahan ng salitang para.

Halimbawa:

1. Pauwi na sa kanilang tirahan ang mag-anak.


2. Ginagawa ko ito para sa akiang mga magulang.
C. Si / Sina - ginagamit sa pagtukoy ng tao o mga tao. Ang
siay ginagamit sa isahan at ang sinaay para sa dalawahan
o maramihan.

Halimbawa:

1. Si Andrea ang may kasalanan


2. Sina nanay at tatay ang nag disenyo ng aming bahay.
D. Ng / Ng Mga - ginagamit bilang pananda sa pangngalang
ginagamit na layon ng pandiwa, panuring na paari o
tagatanggap ng pandiwa.

Halimbawa:

1. Bumili ka ng gulay sa palengke


2. Sumusunod ka sa mga payo ng mga magulang mo.
E. Kay / Kina - ito ay mga pananda ng pangngalang
ginagamit na layon ng pandiwa at panuring. Ang kayay
isahan at ang kinaay maramihan.

Halimbawa:

1. Kay James ang sombrero sa lamesa.


2. Kina Kim at Joy ang mga makukulay na proyekto ang
nasa pisara.
MGA PANTUKOY
Ano ang Pantukoy?

Ang pantukoy ay ang katagang


ginamit sa pagpapakilala sa
pangngalan ng tao, bagay, lugar
o pangyayari.
Dalawang Uri ng Pantukoy:

1. Pantukoy na PambalanaIto ay tumutukoy sa pangngalang


pambalana tulad ng "ang" at "ang mga.“

Halimbawa:

• Ang mga prutas na dala ni Lola ay matamis.


2. Pantukoy na PantangiIto ay tumutukoy sa pangngalang
pantangi o tiyak na ngalan.Ito ay ang si,sina,ni nina kay,
kina.

Halimbawa:

• Si Luis ay nagtatanim ng halaman.


• Handa na ang dami nina Jose at Luis para sa Linggo.
Tandaan:
• Ang "ang," "si," ni" at "kay" ay ang mga pantukoy na ginamit
kung ang tinutukoy nito ay pang-isahan.
• Ang "ang mga," "sina," nina" at "kina" ay ang mga pantukoy na
ginamit kung ang simuno ay pangmaramihan.
MGA PANG-UKOL
Ano ang pang-ukol?

Pang-ukol ang tawag sa mga kataga o


salitang nag-uugnay sa isang pangngalan sa
iba pang salita sa pangungusap.
MGA URI / MGA KARANIWANG PANG-UKOL:

• sa/sa mga
• kay/kina
• nang may
• ng/ ng mga
• sa/ kay
• ni/nina
• ayon sa/kay
• mula sa
• laban sa / kay
DALAWANG PANGKAT NG PANG-UKOL:

1. GINAGAMIT SA PANGNGALANG PAMPALANAA - ukol sa,


laban sa, hingil sa , ayon sa, tungkol sa , para sa.

HALIMBAWA:

• Laban sa manggagawa ang kanilang pinapanukala.


• Ukol sa mga filipino ang paksa ng usapin
2. GINAGAMIT SA NGALAN NG TANGING TAO- ang
gawa, ari , layon , at kilos ay para lamang sa ngalan ng
tao , tulad ng ukol kay , laban kay, para kay , tungkol kay,
ayon kay , hinggi kay.

HALIMBAWA:

• Para kay Jesseca ang pagkain ito .


• Hingil kay Jackie ang kanilang problema .
• May pinaparatang kaso si Kriza laban kay Gyusel.
Manatiling ligtas sa lahat at sana
magkaroon kayo ng magandang araw!

You might also like