You are on page 1of 234

1

TALAAN NG NILALAMAN

COVER PAGE …………………………………………………………………… i


TALAAN NG NILALAMAN ……………………………………………………. ii-v

AKDA 1: TREES (NI: JOYCE KILMER)…………………………………… 1

Panimula …………………………………………………………………. 2

Rubriks ng Analisis …………………………………………………… . 4

MARKA: Talahanayan 1. Linya-por-linyang Paghahambing ……… 5


ng Orihinal na Akda at Salin sa Filipino

Pagsusuri sa Saling “Punungkahoy” ………………………………….… 6

Pagsusuri at Ebalwasyon sa Isinagawang ……………………………... 9


Pagsasalin ng Tulang Punungkahoy

A. Ang mga pangungusap ay malaya o pormula. …………….. 9

B. Marami ba o masalimuot ang mga salitang ………………… 16


ginamit sa pagsasalin?

C. Ang pangungusap ay idyomatiko o kawikaan ……………... 22


(diwa ang isinasalin at hindi salita).

D. Pinakamalapit sa diwa, isipan o damdaming ………………. 28


taglay ng orihinal.

E. Sinunod ba ang kinaugaliang paraan ng ………………….… 32


pagpapahayag sa wikang pinagsasalinan.

F. Maugnayin o consistent ba ang salin kung …………………. 37


saan isang salita lamang ang ginamit sa
mga salitang tinapatan?

G. Natural na tunog o daloy o estilo ng wikang ………………… 37


pinagsasalinan.

ii
KONGKLUSYON ……………………………………………………………….. 45

AKDA 2: DESIDERATA (NI: MAX EHRMANN)……………………….… 46

Panimula ……………………………………….…………………….…. 47

Rubriks ng Analisis …………………………..…………………….… 49

MARKA: Talahanayan 2. Linya-por-linyang Paghahambing …..… 50


ng Orihinal na Akda at Salin sa Filipino

Pagsusuri sa Saling “Desiderata” ………………………………….…….. 54

Pagsusuri at Ebalwasyon sa Isinagawang ……………………………... 57


Pagsasalin ng Tulang Desiderata

A. Ang mga pangungusap ay malaya o pormula. …………….. 57

B. Marami ba o masalimuot ang mga salitang ………………… 69


ginamit sa pagsasalin?

C. Ang pangungusap ay idyomatiko o kawikaan ……………... 81


(diwa ang isinasalin at hindi salita).

D. Pinakamalapit sa diwa, isipan o damdaming ………………. 88


taglay ng orihinal.

E. Sinunod ba ang kinaugaliang paraan ng ……………………. 95


pagpapahayag sa wikang pinagsasalinan.

F. Maugnayin o consistent ba ang salin kung ………………... 105


saan isang salita lamang ang ginamit sa
mga salitang tinapatan?

G. Natural na tunog o daloy o estilo ng wikang ………………. 106


pinagsasalinan.

KONGKLUSYON ……………………………………………………………… 109

iii
AKDA 3: WHAT IS THE WORTH OF MY POETRY? ………………….. 110
(NI: EDEN LAYDA)

Panimula ……………………………………….………………………... 111

Rubriks ng Analisis …………………………..………………………… 113

MARKA: Talahanayan 3. Linya-por-linyang Paghaham ……..…….. 114


ng Orihinal na Akda at Salin sa Filipino

Pagsusuri sa Saling “What Is The Worth Of My Poetry?”……….… 118

Pagsusuri at Ebalwasyon sa Isinagawang ……………………………... 122


Pagsasalin ng Tulang What Is The Worth Of My Poetry?

A. Ang mga pangungusap ay malaya o pormula. ……………... 122

B. Marami ba o masalimuot ang mga salitang ………………… 133


ginamit sa pagsasalin?

C. Ang pangungusap ay idyomatiko o kawikaan ……………... 143


(diwa ang isinasalin at hindi salita).

D. Pinakamalapit sa diwa, isipan o damdaming ………………. 149


taglay ng orihinal.

E. Sinunod ba ang kinaugaliang paraan ng ……………………. 156


pagpapahayag sa wikang pinagsasalinan.

F. Maugnayin o consistent ba ang salin kung ……………….… 163


saan isang salita lamang ang ginamit sa
mga salitang tinapatan?

G. Natural na tunog o daloy o estilo ng wikang ……………….. 172


pinagsasalinan.

KONGKLUSYON …………………………………………………………….…. 186

iv
AKDA 4: I AM STILL WHOLE AND THEN WORDS ……………………. 187
HAVE NOT YET BEEN DESTROYED (NI: EDEN LAYDA)
Panimula ……………………………………….…………………………. 188

Rubriks ng Analisis …………………………..………………………… 189

MARKA: Talahanayan 4. Linya-por-linyang Paghahambing ………. 190


ng Orihinal na Akda at Salin sa Filipino

Pagsusuri sa Saling “I Am Still Whole And Then ……………………. 192


Words Have Not Yet Been Destroyed”

Pagsusuri at Ebalwasyon sa Isinagawang ……………………………... 194


Pagsasalin ng Tulang I Am Still Whole And Then
Words Have Not Yet Been Destroyed

A. Ang mga pangungusap ay malaya o pormula. …………….. 194

B. Marami ba o masalimuot ang mga salitang …………….…… 203


ginamit sa pagsasalin?

C. Ang pangungusap ay idyomatiko o kawikaan ……………... 210


(diwa ang isinasalin at hindi salita).

D. Pinakamalapit sa diwa, isipan o damdaming ………………. 212


taglay ng orihinal.

E. Sinunod ba ang kinaugaliang paraan ng ……………………. 215


pagpapahayag sa wikang pinagsasalinan.

F. Maugnayin o consistent ba ang salin kung ……………….… 221


saan isang salita lamang ang ginamit sa
mga salitang tinapatan?

G. Natural na tunog o daloy o estilo ng wikang ……………….. 222


pinagsasalinan.

KONGKLUSYON …………………………………………………………….…. 225

SANGGUNIAN ………………………………………………………………….. vi-viii


v
vi
TREES
ni: Joyce Kilmer

Ayon kay Edgar Allan Poe, ang tula ay masasabing ang maaliw-aliw na
paglikha ng namumukod na kagandahan. Wika naman ni Dr. Rufino
Alejandro, ang tula ay nangangahulugan ng LIKHA at ang makata ay
tinatawag na MANLILIKHA. Ito ay isang pagbabagong hugis sa buhay at sa
tulong ng guniguni, ang buhay ay nabibigyan ng bagong anyo ng makata.
Kalikasan at buhay ang pinaghahanguan ng paksa ng makata at sa
pamamagitan ng larawang-diwa ay pinupukaw niya ang ating damdamin.

Tulad ng tulang “Trees” ito’y inilalarawan ng manunulat na


pumapatungkol sa kagandahan ng kalikasan, lalo na sa mga puno.
Pinupukaw din nito ang mga mambabasa na walang sining ang maaaring
makadadaig sa isa sa mga nilikha ng Diyos. Dagdag pa, ito ang pinakatanyag
na tula na isinulat ng isang amerikanong manunula na si (Alfred) Joyce
Kilmer at ito’y unang inilathala noong Agosto 1915 sa magazine na Poetry at
nang lumaon naging pamagat ang tulang ito sa isang libro.

Si Alfred Joyce Kilmer (1886-1918) ay ipinanganak sa Brunswick, New


Jersey noong Disyembre 6, 1886 at nagtapos ng pag-aaral sa unibersidad ng
Columbia noong 1908. Siya rin ay isang batang Amerikanong makata na
dumanas ng kalunos-lunos na kamatayan sa World War I sa edad na 31. Ang
kaniyang tulang “Trees” ay marahil ang pinakasikat na tula sa kasaysayan
ng Amerika. Sa kabilang banda, isinalin naman ni Rufino Alejandro sa
Filipino ang nasabing tula na may pamagat na “Punungkahoy.” Dagdag pa,
siya ay ipinanganak noong Disyembre 25, 1925 at pumanaw sa edad na 64
noong Enero 11, 1990 at sa kasalukuyan, siya ay itinuturing na isang “single
author.”

Kung gayon, ang tulang “Trees” ay isinulat ni Kilmer nang magkataong


isang umagang buksan niya ang kaniyang bintana at nabighani sa mga
magagandang puno sa labas ng kaniyang tahanan. Ayon sa
PoemAnalysis.com na batay kay Emma Baldwin, ang tula ay nagsimula nang

2
sinabi ng tagapagsalita na hindi na siya makakikita ng isang tula na mas
maganda kaysa sa isang puno. Hindi siya naniniwala na ang sangkatauhan
ay may kakayahang gumawa ng isang bagay na mas mahusay kaysa sa
ginawa ng Diyos. Kung kaya, ang mga sumusunod na linya ay nakatuon sa
uri ng puno na nasa isipan ng tagapagsalita kung saan, magkakaroon ng
isang malapit na koneksyon sa mundo at mga elemento nito. Magkakaroon
ng mga ibon na namumugad sa mga sanga sa tag-araw, at banayad na niyebe
sa dibdib ng puno sa taglamig. Kung kaya, ang tula ay nagtapos sa
pagpapaliwanag ng tagapagsalita na kahit anong gawin ng tao, walang tula o
piraso ng sining ang magiging mas mahusay sa kung ano ang mayroon o
nilikha na sa daigdig.

Samakatuwid, ang buong tula ay makahulugan at may sinasagisag


kung saan ang manlilikha o ang Maykapal ay pinahahalagahan. Ang isang
pang mahalagang aspeto ng tulang ito ay ang pagpuna sa mga aktibidad ng
tao laban sa kalikasan. Dahil na rin sa matibay na paniniwala ng manunulat
sa relihiyon at pag-aalay sa natural na kagandahan ng mundo ito’y naging
dahilan niya upang maimpluwensiyahan ang karamihang gawa niyang akda.
Kung kaya, makikita sa papel na ito ang pagsusuri sa naging pagsasalin ni
Dr. Rufino Alejandro sa tulang gawa ni Alfred Joyce Kilmer na pinamagatang
“Trees.”

3
RUBRIKS NG ANALISIS

May mga markang 1 hanggang 5 ang Likert scale na ito at sumunod sa


rubrik na:

Numerical Value Kahulugan

1 Kapag malayong-malayo sa orihinal na saysay.

2 Kapag mas maraming saysay ang nawala/nabago


kaysa napanatili.

3 Kapag magkasingdami ang napanatili at ang


nawala/nabagong saysay.

4 Kapag mas maraming saysay ang napanatili


kaysa nawala/nabago.

5 Kapag kuhang-kuha ang orihinal na saysay.

Para maging mas malinaw at konsistent ang pagbibigay ng marka sa


bawat linya ng tatlong nasabing salin, ipinaliwanag sa papel ang mga dahilan
sa likod ng ibinigay na marka. Nilapatan ng berbal na interpretasyon ang mga
average na marka na nakuha mula sa marka ng mga linya ayon sa
sumusunod na range:

1.00 - 1.79 Malayong-malayo sa orihinal


1.80 - 2.59 Malayo sa orihinal
Katamtaman ang layo/lapit sa
2:60 - 3.39 orihinal
3.40 - 4.19 Malapit sa orihinal
4.20 - 5.00 Malapit na malapit sa orihinal

4
Talahanayan 1. Linya-por-linyang Paghahambing ng Orihinal na Akda at
Salin sa Filipino

Marka Average
Orihinal na na
Saknong Taludtod Salin sa Filipino ng Marka
Ingles Taludtod ng
Saknong

Sa aking palagay ay
I think that I
1 hindi na ako 5
shall never see
makakakita pa
1 4.5
Ng tulang sindikit
A poem lovely nitong
2 4
as a tree. punungkahoy na
kaaya-aya

A tree whose Bibig na dayukdok


3 hungry mouth di ibig alisin sa 2
is prest pagkakadikit
2
2.5
Against the Sa dibdib ng lupang
4 sweet earth’s ang daloy ng buhay, 3
flowing breast; walang kasingtamis

Sa buong 4
A tree that
maghapon, sa
5 looks at God
mukha ng Diyos
all day,
lamang nakatingin
3
And lifts her Ang dahunang bisig 4.5
6 leafy arms to ay nangakataas sa 5
pray; pananalangin

Kung nagtatag-init,
A tree that
ang malagong
7 may in 1
buhok ay
summer wear
4 nahihiyasan 1.5
A nest of Ng pugad ng ibong 2
8 robins in her pugad din ng tuwa
hair; at kaligayahan

5
Sa kanyang
Upon whose
kandungan, ang
9 bosom snow 1
kabusilaka’y doon
has lain;
5 umiidlip 1.5
Sa buhos ng ulan
Who intimately
10 ay magkarayamang 2
lives with rain.
nakikipagtalik

Poems are Tula’y nagagawa ng


11 made by fools mga gaya kong 5
like me, mulala at hangal,
6 5
Mga punungkahoy,
But only God
ang nakagagawa’y
12 can make a 5
tanging Diyos
tree.
lamang.

Kabuuang Marka (Average) 3.25

PAGSUSURI SA SALING “PUNUNGKAHOY”

Ipinapakita sa Talahanayan 1 ang pagkakatabi-tabi ng orihinal na


tulang “Trees,” at ng saling “Punungkahoy.” Ipinapakita rin sa nasabing
talahanayan ang mga markang kinalalabasan ng linya-por-linyang
paghahambing ng “Trees” sa naging salin nitong “Punungkahoy” sa Filipino.

Unang Saknong:

Binigyan ng markang 5 ang taludtod 1 dahil tugmang-tugma ang


pagkakasalin nito. Samantala, markang 4 ang ibinigay sa taludtod 2 dahil
mas marami ang nakuha kaysa nabagong saysay sa taludtod na ito.
Napanatili nito ang mga katangiang “a poem” tungong “ng tulang, ang “a tree”
katumbas naman “nitong punungkahoy,” ang imahen ng “lovely” na
bahagyang pinalitan ng imaheng “kaaya-aya” at nagdagdag ng salitang
“sindikit.”

6
Ikalawang Saknong:

Markang 2 ang ibinigay sa taludtod 3 dahil mas marami ang nabago


kaysa nakuhang saysay sa taludtod na ito. Dagdag pa, napanatili nito ang
imahen ng “mouth” na “bibig” gayundin ang imahen ng “hungry,” na
bahagyang pinalitan ng imaheng “dayukdok,” at nawala ang mga salitang
“tree,” “whose,” at “prest.” Gayundin idinagdag ang katangiang “di ibig alisin
sa pagkakadikit” na hindi makikita sa orihinal na taludtod. Binigyan naman
ng markang 3 ang taludtod 4 dahil magkasindami ang nakuha at nabagong
saysay sa taludtod na ito. Napanatili ang salin ng mga imahen ng “sweet” na
“kasingtamis,” ang “earth’s” na “lupang,” ang “flowing” na “daloy,” at ang
“breast” na “dibdib.” Ngunit nawala ang “against” sa orihinal gayundin
nadagdagan ng salitang “buhay” sa naging salin nito.

Ikatlong Saknong:

Binigyan ng markang 4 ang taludtod 5 dahil mas marami ang nakuha


kaysa nabagong saysay sa taludtod na ito. Dagdag dito, napanatili ang
imahen ng “looks” na “nakatingin,” ang “ God” na “Diyos,” at “all day” na
bahagyang pinalitan ng imaheng “sa buong maghapon.” Gayunpaman,
nagdagdag ng mga salitang “mukha” at “lamang,” at nawala ang salitang “a
tree” sa naging salin nito. Samantala, binigyan ng markang 5 ang taludtod 6
dahil tugmang-tugma sa orihinal ang pagkasalin sa taludtod na ito.

Ikaapat na Saknong:

Markang 1 ang ibinigay sa taludtod 7 dahil malayong-malayo na ito sa


orihinal na saysay. Wala nang kinalaman ang katangiang “malagong buhok
ay nahihiyasan” kung kaya, walang malinaw na batayan ang taludtod na ito
sa orihinal na taludtod ng tula. Binigyan naman ng markang 2 ang taludtod
8 dahil mas marami ang nabago kaysa nakuhang saysay sa taludtod na ito.
Gayunman, napanatili nito ang mga katangiang “nest” na “pugad,” ang
“robins” na “ibon.” Ngunit nawala at hindi naisalin ang katangiang “in her
hair.” Dagdag pa, inulit ang salitang “pugad” at nagdagdag ng imaheng “ng
tuwa at kaligayahan” na wala sa orihinal na taludtod.

7
Ikalimang Saknong:

Binigyan ng markang 1 ang taludtod 9 dahil malayong-malayo na ito


sa orihinal na saysay. Wala nang kinalaman sa “upon whose bosom snow has
lain” ng orihinal ang naging salin nitong “sa kanyang kandungan, ang
kabusilaka’y doon umiidlip.” Samantala, markang 2 ang ibinigay sa taludtod
10 dahil mas maraming nabago kaysa nakuhang saysay sa taludtod na ito.
Napanatili nito ang imahen ng “rain” na “ulan,” at “intimately” na bahagyang
pinalitan ng imaheng “magkarayamang.” Gayundin nagdagdag ng mga
katangiang “buhos” at “nakikipagtalik.”

Ika-anim na Saknong:

Parehong binigyan ng markang 5 ang taludtod na 11 at 12 dahil


tugmang-tugma ang pagkakasalin sa orihinal ng taludtod na ito.

Batay sa average na marka ng mga saknong, masasabi natin na


malapit na malapit sa orihinal ang unang saknong (4.50); malayo sa orihinal
ang ikalawang saknong (2.50); malapit na malapit sa orihinal ang ikatlong
saknong (4.50); malayong-malayo sa orihinal ang ikaapat na saknong (1.50);
gayundin, malayong-malayo sa orihinal ang ikalimang saknong (1.50); at
malapit na malapit naman sa orihinal ang ika-anim na saknong (5.00). Batay
naman sa kabuuang average, masasabi nating may katamtamang layo o lapit
sa orihinal na tulang “Trees” ang pagkakasalin nito sa Filipino na
“Punungkahoy” (3.25).

8
PAGSUSURI AT EBALWASYON SA ISINAGAWANG PAGSASALIN
NG TULANG PUNUNGKAHOY

A. Ang mga pangungusap ay malaya (paiba-iba ang anyo) o pormula (hindi


nagbabago ang anyo).

SAKNONG 1

Taludtod 1.

Simulaang Lengguwahe (Ingles) Tunguhang Lengguwahe (Filipino)

I think that I shall never see Sa aking palagay ay hindi na ako


makakakita pa

Ang pagsasalin sa unang taludtod na ito ay isang pormula o hindi


nagbabago ang anyo. Sapagkat, ang salin ay nakalukob o nakapokus sa
estruktura nito. Mapapansing nasunod ang anyo mula sa Simulaang
Lengguwahe nang tumbasan ito sa Tunguhang Lengguwahe. Ang salin ay
nagsimula sa parehong anyo na “I think” tungong “Sa aking palagay” at
sinundan naman ng “that I shall never” tungong “ay hindi na ako” at sa
bandang huli naman ay “see” na tinumbasan ng “ makakakita pa.” Dito
mapapansin na ang anyo mula sa orihinal na taludtod ay hindi nagbago
bagkus ito’y isang pormularyong salin. Kung kaya, sa bahaging ito, sinisikap
ng tagapagsalin na makagawa ng eksakto o katulad na katulad sa
kahulugang kontekstwal ng orihinal.

Taludtod 2.

Simulaang Lengguwahe (Ingles) Tunguhang Lengguwahe (Filipino)

A poem lovely as a tree. Ng tulang sindikit nitong


punungkahoy na kaaya-aya

Sa Ikalawang na taludtod, makikitaan ng pagiging malaya o paiba-iba


ang anyo. Mapapansin na hindi nasunod ang anyo mula sa Simulaang

9
Lengguwahe nang tumbasan ito sa Tunguhang Lengguwahe. Nagsimula ang
salin sa parehong anyo na “A poem” tungong “Ng tulang” at sinundan naman
ng pag-iba ng anyo sa “lovely as a tree” tungong “sindikit ng punungkahoy
na kaaya-aya”, dito makikita na nagbago ang anyo partikular na sa salitang
“lovely” na tinumbasan ng “kaaya-aya” na siyang inilagay sa hulihang banda
ng taludtod. Matatandaang ang huling salita sa Simulaang Lengguwahe ay
“tree” tinumbasan ng “punungkahoy” sa tunguhang lengguwahe. Sa kabilang
banda, ayon kina Almario, et al., ito ay “malaya at walang kontrol. At parang
hindi na isang salin.” Dahil ipinahihintulot nito ang pagdaragdag o
pagbabawas ng mga salita na mas makakapagpalutang ng kahulugan ng
orihinal. Kung kaya, maaaring sabihin natin sa ginawang pagsasalin sa
ikalawang taludtod ng tula mas nanaig ang estilo ng tagapagsalin kaysa estilo
ng awtor.

SAKNONG 2

Taludtod 3.

Simulaang Lengguwahe (Ingles) Tunguhang Lengguwahe (Filipino)

A tree whose hungry mouth is prest Bibig na dayukdok di ibig alisin sa


pagkakadikit

Sa taludtod na ito, tulad ng nauna makikitaan ng pagiging malaya o


paiba-iba ang anyo. Sa kadahilanang, hindi nasunod ang eksaktong ayos ng
taludtod mula sa orihinal. Mapapansing mula sa Simulaang Lengguwahe,
ito’y nagsimula sa “A tree” tungo sa Tunguhang Lengguwahe nitong “Bibig
na” at sinundan naman ng “whose hungry mouth” tungong “dayukdok di ibig
alisin sa” at sa huling banda na “prest” na tinumbasan naman ng
“pagkakadikit.” Dito palang masasabi na nating ang anyo mula sa orihinal na
taludtod ay hindi nagawang ipanatili kung kaya ito’y naging malayang salin.
Kapansin-pansin ding dahil sa pagiging malaya nito, hindi na akma ang mga
salita at nagkaroon ng pagdaragdag o pagbabawas ng mga salita sa bahaging
ito. Dahil nawala o hindi nagawang tumbasan mula sa orihinal ang mga

10
salitang “a tree”, “whose,” at “prest.” Gayundin, idinagdag sa naging salin ang
“di ibig alisin sa pagkakadikit” na wala namang katumbas sa orihinal. Kung
kaya, sa taludtod na ito mas nanaig ang estilo ng tagapagsalin kaysa estilo
ng awtor.

Taludtod 4.

Simulaang Lengguwahe (Ingles) Tunguhang Lengguwahe (Filipino)

Against the sweet earth’s flowing Sa dibdib ng lupang ang daloy ng


breast; buhay, walang kasingtamis

Sa bahaging ito naman, ang salin ay makikitaan ng pagiging malaya o


paiba-iba ang anyo. Dahil, mapapansing mula sa SL, ito’y nagsimula sa
“Against the sweet earth’s” na tinumbasan naman sa TL na “Sa dibdib ng
lupang ang daloy ng buhay” at nagtapos sa “flowing breast” tungong “walang
kasingtamis.” Tulad din ng naunang taludtod, dahil sa taglay nito ang
pagiging malaya o paiba-iba ang anyo – dahilan na ang nagawang pagsasalin
ay hindi lamang ang estruktura ang nagbago pati rin ang mga salita rito.
Sapagkat kapansin-pansin ding hindi na naging akma o tama ang salin nito
base sa pagkakasunod-sunod sa pangungusap. Sa bahaging ito rin,
nagkaroon ng pagdaragdag ng mga salitang tulad ng “buhay” at “walang” na
wala namang katumbas sa orihinal. Samakatuwid hindi maipagkakailang sa
taludtod na ito mas nanaig ang estilo ng tagapagsalin kaysa estilo ng awtor.

SAKNONG 3

Taludtod 5.

Simulaang Lengguwahe (Ingles) Tunguhang Lengguwahe (Filipino)

A tree that looks at God all day, Sa buong maghapon, sa mukha ng


Diyos lamang nakatingin

Sa taludtod na ito gaya ng mga nauna pa, ito’y isang malaya o paiba-
iba ang anyo rin. Sa bahaging ito, mapapansing hindi nasunod ang anyo o

11
estruktura mula sa SL nang ito’y magawang tumbasan sa TL. Sapagkat, ito’y
nagsimula sa “A tree that looks” tungong “Sa buong maghapon” at sinundan
naman ng “at God all day” na tungong “sa mukha ng Diyos lamang
nakatingin.” Kung kaya dahil taglay ng bahaging ito ang pagiging malaya o
paiba-iba ang anyo – dahilan na hindi lamang ang estruktura ng taludtod ang
nagbago pati rin ang mga salita. Dahil mapapansing hindi na naging akma o
tama naging salin base sa pagkakasunod-sunod nito sa pangungusap. Sa
madaling sabi, ang pagsasalin sa taludtod na ito ay nakabase sa diwa at hindi
sa salita.

Taludtod 6.

Simulaang Lengguwahe (Ingles) Tunguhang Lengguwahe (Filipino)

And lifts her leafy arms to pray; Ang dahunang bisig ay nangakataas
sa pananalangin

Makikitaan ng pagiging malaya o paiba-iba ang anyo sa bahaging ito


dahil ang tagapagsalin ay hindi nasunod ang estruktura ng orihinal.
Mapapansing mula sa SL, ito’y sinimulan ng “And lifts her leafy arms” na
tinumbasan naman sa TL na “Ang dahunang bisig ay nangakataas” dito
makikita na nagbago ang anyo o estruktura partikular na sa salitang “lifts”
at “leafy arms” dahil sa nagawang salin, ito’y nagkabaligtad ng posisyon. Sa
kabilang banda naman, ito’y sinundan ng “to pray” na tinumbasan ng “sa
pananalangin” na naging akma naman ang salin.

SAKNONG 4

Taludtod 7.

Simulaang Lengguwahe (Ingles) Tunguhang Lengguwahe (Filipino)

A tree that may in summer wear Kung nagtatag-init, ang malagong


buhok ay nahihiyasan

12
Ang pagsasalin sa bahaging ito ay makikitaan ng pagiging malaya o
paiba-iba ang anyo. Dahil mapapansing mula sa SL, ito’y nag-umpisa sa “A
tree” tungong TL na “Kung nagtatag-init” at sinundan naman ng “that may in
summer wear” tungong “ang malagong buhok ay nahihiyasan.” Dito makikita
na hindi nasunod ang anyo mula sa SL nang ito’y nagawang tumbasan sa TL.
Kung susuriing mabuti, sa taludtod na ito hindi nagawang isalin ang mga
salitang “a tree”, “that may,” at “wear.” Gayundin nagkaroon ng pagdaragdag
ng salita sa taludtod tulad ng “ang malagong buhok ay nahihiyasan” na hindi
makikita sa orihinal. Kung kaya, sa bahaging ito mas nanaig ang estilo ng
tagapagsalin kaysa estilo ng awtor.

Taludtod 8.

Simulaang Lengguwahe (Ingles) Tunguhang Lengguwahe (Filipino)

A nest of robins in her hair; Ng pugad ng ibong pugad din ng


tuwa at kaligayahan

Makikitaan naman ng pagiging pormula o hindi nagbabago ang anyo


sa bahaging ito, sapagkat nagawang masunod ng tagapagsalin ang estruktura
o anyo na mayroon sa orihinal. Makikitang mula sa SL ito’y sinimulan ng
salitang “A nest” tungong TL na “Ng pugad,” sinundan ng “of robins” tungong
“ng ibong” na akma rin ang nagawang salin. Ngunit, ito’y nag-iba lamang
nang hindi nagawang isalin ang salitang “in her hair” na mula sa orihinal at
nagkaroon ng pagdaragdag sa taludtod – “ng tuwa at kaligayahan” at inulit
rin ang salitang “pugad” sa nagawang salin. Dahil dito, kung ating titingnan
ang anyo ay nasunod naman, ngunit may ilang salita lang na hindi nagawang
isalin. Kung kaya, masasabi nating sa bahaging ito mas nanaig ang estilo ng
tagapagsalin kaysa estilo ng awtor.

13
SAKNONG 5

Taludtod 9.

Simulaang Lengguwahe (Ingles) Tunguhang Lengguwahe (Filipino)

Upon whose bosom snow has lain; Sa kanyang kandungan, ang


kabusilaka’y doon umiidlip

Sa bahaging ito, makikitaan naman ng pagiging malaya o paiba-iba ang


anyo sa nagawang salin. Dahil, mapapansing mula sa SL ito’y nagsimula sa
“Upon whose bosom” tungong TL na “Sa kanyang kandungan” at sinundan
ng “snow has lain” tungong “ang kabusilaka’y doon umiidlip.” Dito makikita
na hindi nasunod ang anyo na mayroon sa SL nang ito’y itumbas sa TL.
Ngunit kung susuriing mabuti rin, ang lahat ng salitang mula sa orihinal ay
hindi nagawang isalin. Samakatuwid, sa pagsasaling ito mas nanaig ang
estilo ng tagapagsalin kaysa estilo ng awtor.

Taludtod 10.

Simulaang Lengguwahe (Ingles) Tunguhang Lengguwahe (Filipino)

Who intimately lives with rain. Sa buhos ng ulan ay


magkarayamang nakikipagtalik

Sa taludtod na ito, makikitaan ng pagiging malaya o paiba-iba ang


anyo. Sa kadahilanang, hindi nasunod ang eksaktong ayos ng taludtod mula
sa orihinal. Dahil mula sa SL, ito’y nagsimula sa “Who intimately” tungong TL
na “Sa buhos ng ulan” at sinundan ng “lives with rain” tungong “ay
magkarayamang nakikipagtalik.” Dito kapansin-pansing hindi nasunod ang
estruktura ng orihinal na taludtod base na rin sa nagawang pagkumpara rito.
Dahil sa pagiging malaya nito, hindi na akma ang mga salita at nagkaroon ng
pagdaragdag o pagbabawas ng mga salita sa bahaging ito. Makikitang hindi
natumbasan ang mga salitang “who” at “lives” gayundin nagkaroon ng
pagdaragdag ng mga salitang “nakikipagtalik” at “buhos” na wala naman sa

14
orihinal. Kung kaya masasabing, mas nanaig ang estilo ng tagapagsalin kaysa
estilo ng awtor sa taludtod na ito.

SAKNONG 6

Taludtod 11.

Simulaang Lengguwahe (Ingles) Tunguhang Lengguwahe (Filipino)

Poems are made by fools like me. Tula’y nagagawa ng mga gaya kong
mulala at hangal

Makikitaan naman ng pagiging pormula o hindi nagbabago ang anyo


sa bahaging ito dahil nasunod ng tagapagsalin ang estruktura na mayroon sa
orihinal. Makikitang mula sa SL, itoy nagsimula sa “Poems are made”
tungong TL na “Tula’y nagagawa” na akma naman ang pagkakasalin nito at
sinundan ng “by fools like me” na tinumbasan naman “ng mga gaya kong
mulala at hangal.” Mapapansing ginamit ang mga salitang “mulala at hangal”
bilang katumbas ng salitang “fools” na parehong tanggap naman ang dalawa.
Kung gayon, sa bahaging ito mas masasabing mas nanaig ang estilo ng awtor
kaysa estilo ng tagapagsalin.

Taludtod 12.

Simulaang Lengguwahe (Ingles) Tunguhang Lengguwahe (Filipino)

But only God can make a tree. Mga punungkahoy, ang


nakagagawa’y tanging Diyos
lamang.

Sa panghuling taludtod na ito ay makikitaan ng pagiging malaya o


paiba-iba ang anyo. Sapagkat, mapapansing mula sa orihinal ito’y sinimulan
ng salitang “But only God” patungo sa salin nitong “Mga punungkahoy” at
sinundan ng “can make a tree” patungo namang “ang nakagagawa’y tanging
Diyos lamang.” Dito makikita na hindi nakapokus ang tagapagsalin sa
estruktura bagkus sa diwa ng taludtod na ito. Dahil kung titingnang mabuti,

15
natumbasan naman ang lahat ng salitang mayroon sa orihinal ngunit ito’y
hindi naging akma lang dahil sa ayos ng ng mga salita sa isinagawang salin.

B. Marami ba o masalimuot ang mga salitang ginamit sa pagsasalin?

SAKNONG 1

Taludtod 1.

Simulaang Lengguwahe (Ingles) Tunguhang Lengguwahe (Filipino)

I think that I shall never see Sa aking palagay ay hindi na ako


makakakita pa

Batay sa taludtod ng ito, malinawag na maraming salitang ginamit sa


pagsasalin at may ilang salitang ginamit din na walang katumbas sa orihinal
na taludtod gaya ng mga salitang; ay, at pa. Kung kaya, maaaring ipasok dito
ang teorya sa pagsasalin na batay kay Eugene Nida ang Dynamic Equivalence
Theory kung saan ang teoryang ito ay maaari kang magdagdag at bawas ng
mga salita basta pasok ang mensahe ng iyong ginawang pagsasalin. Sa kaso
ng unang taludtod na ito, ang orihinal ay may pito (7) na mga salita at ang
salin naman sa Filipino ay naragdagan at ito’y naging siyam (9). Higit pa riyan
binago, inangkop at isinaalang-alang ng tagapagsalin ang diwa sa diwa na
salin nang maunawaan ng maraming mambabasa.

Taludtod 2.

Simulaang Lengguwahe (Ingles) Tunguhang Lengguwahe (Filipino)

A poem lovely as a tree. Ng tulang sindikit nitong


punungkahoy na kaaya-aya.

Sa bahaging ito ng ikalawang taludtod ng isinaling tula, tulad ng nauna


kapansin-pansin na maraming salitang ginamit sa pagsasalin at may salitang
ginamit din na walang katumbas sa orihinal gaya ng salitang; sindikit. Ang

16
orihinal na taludtod ay may anim (6) na mga salita at ang salin naman sa
Filipino ay naragdagan at ito’y naging pito (7). Kung kaya sa taludtod na ito
ng tula ay maaaring mailapat din ang Dynamic Equivalence Theory ni Eugene
Nida.

SAKNONG 2

Taludtod 3.

Simulaang Lengguwahe (Ingles) Tunguhang Lengguwahe (Filipino)

A tree whose hungry mouth is prest Bibig na dayukdok di ibig alisin sa


pagkakadikit

Sa taludtod na ito, kapansin-pansing naging masalimuot o magulo ang


mga salitang ginamit sa pagsasalin. May salitang ginamit din na walang
katumbas sa orihinal na salita tulad ng; di ibig alisin sa pagkakadikit.
Samantala hindi naman nagawang tumbasan ang mga salitang; a tree,
whose, at prest. Kung kaya, dahilan ito na naging masalimuot o magulo na
ang nagawang salin sapagkat hindi napanatili ang diwang gustong iparating
ng may akda sa mga mambabasa.

Taludtod 4.

Simulaang Lengguwahe (Ingles) Tunguhang Lengguwahe (Filipino)

Against the sweet earth’s flowing Sa dibdib ng lupang ang daloy ng


breast; buhay, walang kasingtamis

Maliwanang din sa taludtod na ito ang pagkakaroon ng maraming


salitang ginamit sa pagsasalin at may ilang salitang nabanggit din na walang
katumbas sa orihinal gaya ng mga salitang; buhay at walang – gayunman ang
salitang “against” ay hindi nagawang tumbasan. Kung kaya, sa bahaging ito
maaaring maipasok din ang teoryang Dynamic Equivalence Theory na batay
kay Eugene Nida, dahil nagkaroon ng pagdaragdag at pagbawas ng mga

17
salita. Kung kaya taglay nito ang pagkakaroon ng maraming salita dahil ang
orihinal ay mayoong anim (6) na salita, samantalang ang salin nito sa Filipino
ay mayroong sampung (10) salitang ginamit.

SAKNONG 3

Taludtod 5.

Simulaang Lengguwahe (Ingles) Tunguhang Lengguwahe (Filipino)

A tree that looks at God all day, Sa buong maghapon, sa mukha ng


Diyos lamang nakatingin

Sa kaso ng ikalimang taludtod na ito, tulad ng nauna taglay din nito


ang pagkakaroon ng maraming salitang ginamit sa pagsasalin. Dahil may
ilang salitang nabanggit na walang katumbas sa orihinal gaya ng mga
salitang; mukha at lamang – gayundin sa nagawang pagsasalin ang mga
salitang ito ay hindi tumbasan; a tree, at that. Samantala ang orihinal ay may
walo (8) na mga salita at ang salin naman sa Filipino ay naragdagan at ito’y
naging siyam (9). Higit pa riyan binago, inangkop at isinaalang-alang ng
tagapagsalin ang diwa sa diwa na salin nang maunawaan ng maraming
mambabasa.

Taludtod 6.

Simulaang Lengguwahe (Ingles) Tunguhang Lengguwahe (Filipino)

And lifts her leafy arms to pray; Ang dahunang bisig ay


nangakataas sa pananalangin

Batay sa taludtod na ito, masasabing hindi marami o masalimuot ang


mga salitang ginamit sa pagsasalin kundi EKSAKTO o TUMPAK. Base sa
nagawang pagsasalin narito ang mga salitang akma o natumbasang mabuti;
and lifts (ay nangataas), her leafy arms (ang dahunang bisig), at panghuli – to

18
pray (sa pananalangin). Sa kabilang banda, ang orihinal ay may pito (7) na
mga salita at ang salin naman sa Filipino ay may pito (7) rin.

SAKNONG 4

Taludtod 7.

Simulaang Lengguwahe (Ingles) Tunguhang Lengguwahe (Filipino)

A tree that may in summer wear Kung nagtatag-init, ang malagong


buhok ay nahihiyasan

Sa taludtod na ito, makikitaan ng pagiging masalimuot o magulo ang


mga salitang ginamit sa pagsasalin. Dahil may salitang nabanggit din na
walang katumbas sa orihinal na salita tulad ng; malagong buhok ay
nahihiyasan ay wala sa orihinal na taludtod. Gayundin hindi naman
nagawang tumbasan ang mga salitang; a tree, that, may, at wear. Kung kaya,
ang taludtod na ito ay masalimuot dahil nawala ang diwa na gustong
iparating ng may akda sa mga mambabasa.

Taludtod 8.

Simulaang Lengguwahe (Ingles) Tunguhang Lengguwahe (Filipino)

A nest of robins in her hair; Ng pugad ng ibong pugad din ng


tuwa at kaligayahan

Sa bahaging ito, kapansin-pansin na maraming salitang ginamit sa


pagsasalin at may salitang nabanggit din na walang katumbas sa orihinal
gaya ng mga salitang; ng tuwa at kaligayahan. Samantala, may salita ring
hindi nagawang isalin tulad ng; in her hair at inulit din ang salitang “pugad”
sa nagawang salin. Kung kaya ang taludtod na ito ay mayroong pito (6) na
mga salita sa orihinal at ang salin naman sa Filipino ay naragdagan at ito’y
naging sampu (10). Kung kaya sa taludtod na ito ng tula ay maaaring
mailapat din ang Dynamic Equivalence Theory ni Eugene Nida.

19
SAKNONG 5

Taludtod 9.

Simulaang Lengguwahe (Ingles) Tunguhang Lengguwahe (Filipino)

Upon whose bosom snow has lain; Sa kanyang kandungan, ang


kabusilaka’y doon umiidlip

Sa kaso ng taludtod na ito, makikitaan ng pagiging masalimuot o


magulo ang mga salitang ginamit sa pagsasalin. Isa pa sa nagpasalimuot nito
ang walang katumbas kahit ni isang salita na mula sa orihinal na taludtod.
Sapagkat, wala nang kinalaman ang “sa kandungan, ang kabusilaka’y doon
umiidlip” mula sa orihinal na taludtod ng tula.

Taludtod 10.

Simulaang Lengguwahe (Ingles) Tunguhang Lengguwahe (Filipino)

Who intimately lives with rain. Sa buhos ng ulan ay


magkarayamang nakikipagtalik

Makikitaan ng pagkakaroon ng maraming salita ang pagkakasalin sa


bahaging ito. Dahil may salitang nabanggit na walang katumbas sa orihinal
gaya ng salitang; nakikipagtalik at buhos. Gayundin hindi naman nagawang
tumbasan ang mga salitang mula sa orihinal na; who at lives. Sa kaso ng
taludtod na ito, ang orihinal ay mayroong limang (5) salita, at ang salin naman
sa Filipino ay naragdagan at ito’y naging pitong (7) salita.

20
SAKNONG 6

Taludtod 11.

Simulaang Lengguwahe (Ingles) Tunguhang Lengguwahe (Filipino)

Poems are made by fools like me. Tula’y nagagawa ng mga gaya kong
mulala at hangal

Batay sa taludtod ng ito, maliwanag na hindi marami o masalimuot ang


mga salitang ginamit sa pagsasalin kundi EKSAKTO o TUMPAK. Kung ating
titignang mabuti, base sa nagawang pagsasalin narito ang mga salitang akma
o natumbasang mabuti; poems (tula’y), are made (nagagawa), fools (mulala at
hangal) at panghuli, like me (gaya kong). Sa kabilang banda, ang orihinal ay
may pito (7) na mga salita at ang salin naman sa Filipino ay may siyam (9).
Bakit siyam, kung ito’y eksakto? Dahil ang salitang “fools” ay ginamitan ng
dalawang salitang “mulala at hangal” na pareho ang kahulugan at maaari
ding gamiting pareho ang dalawa.

Taludtod 12.

Simulaang Lengguwahe (Ingles) Tunguhang Lengguwahe (Filipino)

But only God can make a tree. Mga punungkahoy, ang


nakagagawa’y tanging Diyos lamang.

Sa panghuling taludtod na ito, tulad ng nauna ito’y makikitaan ng


pagkakaroon ng EKSAKTO o TUMPAK na mga salitang ginamit sa pagsasalin.
Dahil sa nagawang pagsasalin narito ang mga salitang akma o natumbasang
mabuti; but (lamang), only God (tanging Diyos), can make (ang nakagagawa’y),
at panghuli, tree (punungkahoy). Gayunpaman dahil taglay ng taludtod na
ito ay pagiging eksakto, kung kaya ang parehong orihinal at salin nito sa
Filipino ay mayroong pitong (7) mga salita.

21
C. Ang pangungusap ay idyomatiko o kawikaan (diwa ang isinasalin at
hindi salita).

SAKNONG 1

Taludtod 1.

Simulaang Lengguwahe (Ingles) Tunguhang Lengguwahe (Filipino)

I think that I shall never see Sa aking palagay ay hindi na ako


makakakita pa

Ang taludtod na ito ay hindi makikitaan ng pagiging idyomatiko ng salin


ngunit hindi nawala ang diwa na nais ipabatid ng may akda. Sa puntong ito
ay nakuha ng tagapagsalin ang ideya ng orihinal na may akda. Hindi ito
nakasalin sa paraang salita sa salita dahil kung naisalin ito sa paraang yaon
ay iba ang magiging estruktura ng pangungusap, sa madaling sabi hindi ito
nakikitaan ng literal na paraan ng pagkakasalin

Taludtod 2.

Simulaang Lenggwahe (Ingles) Tunguhang Lenggwahe (Filipino)

A poem as lovely as a tree Ng tulang sindikit nitong punungkahoy


na kaaya- aya.

Sa bahaging ito ng ikalawang taludtod ang naging salin ay hindi


idyomatiko katulad ng nauna. Sa isinaling teksto ay gumamit ang
tagapagsalin ng tayutay na “pagtutulad o simili” – ayon sa noypi.com.ph, ito
ang di-tiyak na paghahambing ng dalawang magkaibang tao, bagay, o
pangyayari. Dahil, makikitang ginamit ang salitang sindikit sa naging salin
ngunit ang naging problema lang, ito’y walang katumbas naman sa orihinal
na taludtod. Sa paraang ito, masasabing mas nangibabaw ang estilo ng
tagapagsalin laban sa estilo ng awtor dahil gumamit siya ng talinghagang
salita upang gawing kaakit-akit ang pagpapahayag nito.

22
SAKNONG 2

Taludtod 3.

Simulaang Lengguwahe (Ingles) Tunguhang Lengguwahe (Filipino)

A tree whose hungry mouth is prest Bibig na dayukdok di ibig alisin sa


pagkakadikit

Makikitaan ng idyomatiko ang naging salin sa taludtod na ito dahil may


salitang ginamit sa tunguhang lengguwahe tulad ng “dayukdok” na maaaring
bigyan ng tuwirang pagpapakahulugan na; gutom o nagugutom kung kaya,
masasabing ginamitan ng idyoma ang pagkakasalin dito. Ngunit, sa puntong
ito, bahagyang nawala naman ang diwa na nais ipabatid ng may akda. Sa
kadahilanang, hindi nakuha ng tagapagsalin ang ideya ng orihinal na may
akda dahil sa mga idinagdag na salita na wala namang katumbas sa orihinal
tulad ng “di ibig alisin sa pagkakadikit” kung gayon nawala ang diwa ng
orihinal. Sa puntong ito, mas nangibabaw ang estilo ng tagapagsalin laban sa
estilo ng awtor.

Taludtod 4.

Simulaang Lengguwahe (Ingles) Tunguhang Lengguwahe (Filipino)

Against the sweet earth’s flowing Sa dibdib ng lupang ang daloy ng


breast; buhay, walang kasingtamis

Ang pagkakasalin sa taludtod na ito ay makikitaan ng isang


idyomatikong salin, kung saan mula sa orihinal na taludtod ay nakuhang
isalin din ito ng tagapagsalin. Ayon kay Arenal (2018), ito’y matatawag na
idyoma dahil hindi ito binubuo ng tumpak na kahulugan. Sa bahaging ito rin,
ang diwa na nais ipabatid ng may akda ay hindi nawala. Maliwanag na ito’y
hindi nakasalin sa paraang salita sa salita at sa madaling sabi hindi ito
nakikitaan ng literal na paraan ng pagkakasalin.Kung kaya, ang sa paraang
ito mas nangibabaw ang estilo ng awtor laban sa estilo ng tagapagsalin.

23
SAKNONG 3

Taludtod 5.

Simulaang Lengguwahe (Ingles) Tunguhang Lengguwahe (Filipino)

A tree that looks at God all day, Sa buong maghapon, sa mukha ng


Diyos lamang nakatingin

Hindi makikitaan ng pagiging idyomatiko ang naging salin sa taludtod


na ito, ngunit hindi nawala ang diwa na nais ipabatid ng may akda kahit may
nadagdag na salitang katulad ng “mukha” at “lamang” na wala sa orihinal na
taludtod. Gayunpaman, masasabi namang ang pagkakasalin ay hindi sa
paraang salita sa salita bagkus ito’y isinalin base sa diwa ng taludtod.

Taludtod 6.

Simulaang Lengguwahe (Ingles) Tunguhang Lengguwahe (Filipino)

And lifts her leafy arms to pray; Ang dahunang bisig ay nangakataas
sa pananalangin

Batay sa taludtod na ito, ang naging salin ay hindi makikitaan ng


pagiging idyomatiko o kawikaan. Ngunit ang pagkakasalin naman sa taludtod
na ito ay kuhang-kuha ang diwa na nais ipabatid ng may akda sa tula.
Sapagkat kung susuriing mabuti ang lahat ng salitang mayroon sa orihinal
ay nagawang isalin ng tagapagsalin. Sa puntong ito, masasabing mas
nangibabaw ang estilo ng awtor laban sa estilo ng tagapagsalin.

24
SAKNONG 4

Taludtod 7.

Simulaang Lengguwahe (Ingles) Tunguhang Lengguwahe (Filipino)

A tree that may in summer wear Kung nagtatag-init, ang malagong


buhok ay nahihiyasan

Sa bahaging ito ay makikitaan ng pagkakaroon ng idyomatikong salin


kung saan nagkaroon ng di-tuwirang pagbibigay ng kahulugan. Ngunit, sa
nagawang pagsasalin sa nasabing taludtod ng tula ay hindi nagawang
ipanatili ng tagapagsalin ang diwa na mayroon sa orihinal. Sapagkat may mga
salitang idinagdag ng tagapagsalin tulad ng “ang malagong buhok ay
nahihiyasan” na wala naman sa orihinal. Kung kaya, ito’y naging dahilan sa
pagkawala ng diwa sa taludtod na ito ng tula, maliwanag na ang paraang mas
nangibabaw dito ay ang estilo ng tagapagsalin laban sa estilo ng awtor.

Taludtod 8.

Simulaang Lengguwahe (Ingles) Tunguhang Lengguwahe (Filipino)

A nest of robins in her hair; Ng pugad ng ibong pugad din ng


tuwa at kaligayahan

Batay sa linyang ito, makikitaan ng pagiging idyomatiko ang naging


salin ngunit bahagyang nawala ang diwa na nais ipabatid ng may akda. Sa
puntong ito, hindi nakuha ng tagapagsalin ang ideya ng orihinal na may akda.
Dahil sa mga idinagdag na salita na wala namang katumbas sa orihinal tulad
ng “ng tuwa at kaligayahan” at inulit pa ang salitang “pugad” – dahilan na
nawala ang diwa ng orihinal. Kung kaya, sa paraang ito mas nangibabaw ang
estilo ng tagapagsalin laban sa estilo ng awtor.

25
SAKNONG 5

Taludtod 9.

Simulaang Lengguwahe (Ingles) Tunguhang Lengguwahe (Filipino)

Upon whose bosom snow has lain; Sa kanyang kandungan, ang


kabusilaka’y doon umiidlip

Sa bahaging ito ay makikitaan ng pagkakaroon ng idyomatikong salin


ngunit, hindi nagawang ipanatili ng tagapagsalin ang diwa na mayroon sa
orihinal na linya. Sapagkat kung susuriing mabuti walang kahit isang salita
na mula sa orihinal ang nanatili sa nagawang salin. Kung kaya, ang
pagkakasalin ay wala nang kinalaman sa orihinal na taludtod ng tula.
Maliwanag na sa bahaging ito, ang paraang mas nangibabaw ay ang estilo ng
tagapagsalin laban sa estilo ng awtor.

Taludtod 10.

Simulaang Lengguwahe (Ingles) Tunguhang Lengguwahe (Filipino)

Who intimately lives with rain. Sa buhos ng ulan ay


magkarayamang nakikipagtalik

Tulad ng naunang taludtod, ang bahaging ito ay makikitaan ng


pagkakaroon ng idyomatikong salin dahil taglay nito ang pagkaroon ng di-
tuwirang pagbibigay ng kahulugan. Sapagkat mapapansing ginamitan ng
salitang “magkaramayang” sa isinagawang salin katumbas ng salitang
“intimately” sa orihinal. Ngunit kung ito’y bibigyan ng tuwirang
pagpapakahulugan maaring gamitin din ang mga salitang “kilalang-kilala,
malapit o matalik”. Sa kabilang banda, hindi naman nagawang ipanatili ng
tagapagsalin ang diwa na mayroon sa orihinal na linya at bahagyang nawala
ang nais ipabatid ng may akda. Dahil sa mga idinagdag na salita na wala
namang katumbas sa orihinal tulad ng “nakikipagtalik” at “buhos” ay nawala

26
nga ang diwa na mayroon sa orihinal. Kung kaya, sa paraang ito mas
nangibabaw ang estilo ng tagapagsalin laban sa estilo ng awtor.

SAKNONG 6

Taludtod 11.

Simulaang Lengguwahe (Ingles) Tunguhang Lengguwahe (Filipino)

Poems are made by fools like me. Tula’y nagagawa ng mga gaya kong
mulala at hangal

Hindi makikitaan ng pagiging idyomatiko ang naging salin sa taludtod


na ito at napanatili o hindi naman nawala ang diwa na nais ipabatid ng may
akda dahil ito’y tumpak na naisalin mula sa diwa ng taludtod ng tula. Kung
kaya, masasabi namang ang pagkakasalin ay hindi sa paraang salita sa salita
bagkus ito’y isinalin base sa diwa ng taludtod. Sa puntong ito, mas
nangibabaw ang estilo ng awtor laban sa estilo ng tagapagsalin.

Taludtod 12.

Simulaang Lengguwahe (Ingles) Tunguhang Lengguwahe (Filipino)

But only God can make a tree. Mga punungkahoy, ang


nakagagawa’y tanging Diyos lamang.

Tulad ng nauna, ang bahaging ito ay hindi makikitaan ng pagiging


idyomatiko ngunit kung susuriin kuha-kuha ang pagkakasalin sa taludtod
na ito. Kung kaya, hindi nawala ang diwa na nais ipabatid ng may akda
sapagkat ito’y tumpak na naisalin mula sa diwa ng orihinal. Sa bahaging ito
naman, masasabing mas nangibabaw ang estilo ng awtor laban sa estilo ng
tagapagsalin.

27
D. Pinakamalapit sa diwa, isipan o damdaming taglay ng orihinal.
Sa pagsasalin, ang katapatan sa may akda ang sinasalamin ng
kanilang isinalin. Hindi nangingibabaw ang sariling himig, mensahe at
damdamin, bagkus ipinapalitaw sa inyong akda ang orihinal na may-akda.
Marapat lamang na maging maalam at gamay na gamay ng tagapagsalin ang
tono, himig, estilo at emosyon ng akda upang hindi ito malapastangan.

SAKNONG 1.

Simulaang Lengguwahe (Ingles) Tunguhang Lengguwahe (Filipino)


Sa aking palagay ay hindi na ako
I think that I shall never see,
makakakita pa,
A poem as lovely as a tree. Ng tulang sindikit nitog
punungkahoy na kaaya- aya.

Mahalaga sa pagsasalin na makuha ang diwa na ipinapabatid ng may


akda kaya marapat lang na maging maalam ang tagapagsalin at nakuha niya
ang puntong nais sabihin ng may akda bago siya magsalin. Sa bahaging ito,
ang paraan ng pagkakasalin ay may damdaming taglay ng orihinal. Dagdag
pa nagkaroon dito ng pag-aangkop sa tekstong ginamit sa simulaang
lenggwahe tungo sa tunguhang lenggwahe. Kung kaya, sa saknong na ito
maaaring mailapat ang Formal Equivalence Theory ni Eugene Nida, kung saan
ito’y nagsasaad na ang paraan ng pagsasalin ng tagapagsalin ay ang
pagpapanatili sa teksto mismo, kung ano ang katumbas ay iyon na. Ganito
ang nangyari sa ikalawang linya ng tula, tinumbasan ng tagapagsalin ang
mga salitang ginamit sa simulaang lenggwahe ngunit ang diwa o damdamin
ng teksto ay nanatili pa rin.

SAKNONG 2.

Simulaang Lengguwahe (Ingles) Tunguhang Lengguwahe (Filipino)

A tree whose hungry mouth is prest, Bibig na dayukdok di ibig alisin sa


pagkakadikit,

28
Sa dibdib ng lupang ang daloy ng
Against the sweet earth’s flowing
buhay, walang kasingtamis;
breast;

Sa saknong na ito, masasabing tinataglay nito ang damdamin ng


orihinal kung saan ang nagawang pagsasalin ay nagkaroon ng mas malapit
sa diwa ng orihinal. Ayon kay Eugene Nida, ang pagsasalin ay paglalahad sa
tumatanggap na wika ng pinakamalapit na katumbas ng mensahe ng
simulaang wika, una’y sa kahulugan at pangalawa’y sa estilo. Kung kaya, sa
kasong ito natumbasan ng tagapagsalin ang mga salitang ginamit sa
simulaang lengguwahe at ang diwa o damdamin ng teksto ay nanatili pa rin.
Higit pa riyan, pwedeng mailapat dito ang teorya ni Eugene Nida na Dynamic
Equivalence na kung saan pwedeng magdagdag o magbawas ng salita basta
ito ay pasok sa mensahe ng kaniyang pagsasalinan at ito’y makikita naman
sa ginawang salin. Kung saan, idinagdag ang mga salitang; di ibig alisin sa
pagkakadikit, buhay, at walang.

SAKNONG 3.

Simulaang Lengguwahe (Ingles) Tunguhang Lengguwahe (Filipino)

Sa buong maghapon, sa mukha ng


A tree that looks at God all day,
Diyos lamang nakatingin,
And lifts her leafy arms to pray;
Ang dahunang bisig ay nangakataas
sa pananalangin;

Sa bahaging ito, tinumbasan ng tagapagsalin ang mga salitang ginamit


sa simulaang lengguwahe gayundin ang diwa o damdamin ng mayroon sa
orihinal na saknong ay nanatili pa rin. Dahil mahalaga sa pagsasalin na
makuha ang diwa na ipinapabatid ng may akda kaya marapat lang na maging
maalam ang tagapagsalin. Kung kaya, sa naging pagsasalin na ito
masasabing nakuha ng tagapagsalin ang puntong nais ipabatid ng may akda.
Sa saknong ding ito, ang paraan ng pagkakasalin ay may damdaming taglay

29
ng orihinal. Ayon kay Newmark (1988), ang pagsasaling-wika ay pagbibigay
kahulugan ng isang teksto sa ibang wika sa paraang ninanais ng may-akda.

SAKNONG 4.

Simulaang Lengguwahe (Ingles) Tunguhang Lengguwahe (Filipino)

A tree that may in summer wear, Kung nagtatag-init, ang malagong


buhok ay nahihiyasan,
A nest of robins in her hair;
Ng pugad ng ibong pugad din ng
tuwa at kaligayahan;

Sa saknong na ito masasabing hindi nagawang ipanatili ng


tagapagsalin ang diwa na mayroon sa orihinal. Dahil sa mga idinagdag na
mga salita o pahayag sa nagawang salin, ang diwa o damdaming taglay ng
orihinal ay nawala. Mapapansing sa unang taludtod ng saknong na ito
idinagdag ang pahayag na “ang malagong buhok ay nahihiyasan” gayundin
sa ikalawang taludtod nito idinagdag naman ang “ng tuwa at kaligayahan” at
nagkaroon ng pag-uulit sa salitang “pugad”. Dahil sa mga idinagdag na ito na
walang katumbas sa orihinal, nawala ang pinakadiwa na mayroon dito.

SAKNONG 5.

Simulaang Lengguwahe (Ingles) Tunguhang Lengguwahe (Filipino)

Upon whose bosom snow has lain; Sa kanyang kandungan, ang


kabusilaka’y doon umiidlip;
Who intimately lives with rain.
Sa buhos ng ulan ay
magkarayamang nakikipagtalik

Sa bahagi namang ito ang pagsasalin ay masasabing napalayo na sa


pinakamalapit na diwa o damdaming taglay ng orihinal. Sinasabing mahalaga
sa pagsasalin na makuha ang diwa na ipinapabatid ng may akda kaya
marapat lang na maging maalam ang tagapagsalin. Kung kaya, sa bahaging

30
ito hindi nakuha ng tagapagsalin ang puntong nais sabihin ng may akda.
Mapapansin sa unang taludtod ng saknong na ito, walang kahit isang salita
na mula sa orihinal ang natumbasan. Maliwanag na sa pamamaraang ito,
hindi ginamit ng tagapagsalin ang lahat ng kaniyang kakayahan upang
mapanatiling tapat sa mensahe ng orihinal.

SAKNONG 6.

Simulaang Lengguwahe (Ingles) Tunguhang Lengguwahe (Filipino)

Poems are made by fools like me, Tula’y nagagawa ng mga gaya kong
mulala at hangal,
But only God can make a tree.
Mga punungkahoy, ang
nakagagawa’y tanging Diyos lamang.

Ang pagsasalin sa huling saknong na ito ay masasabing tinataglay nito


ang damdamin ng orihinal kung saan ang nagawang pagsasalin ay
makikitaan ng pagkakaroon ng pinakamalapit sa diwa ng orihinal. Dito nais
ipabatid ng tagapagsalin ang punto ng tula at para mas maunawaan ng mga
mambabasa ang mensahe. Masasabing ang pagsasalin ay maaaring nakabase
sa pahayag na berbal kaya ang pagsasalin na ito ay mailalagay sa diwa. Dahil
nga, mahalaga sa pagsasalin na makuha ang diwa na ipinapabatid ng may
akda kaya’t masasabing naging maalam ang tagapagsalin sa bahaging ito ng
tula at nakuha niya ang puntong nais sabihin ng may akda. Sa saknong ding
ito, maaaring mailapat ang Formal Equivalence Theory ni Eugene Nida kung
saan, nagsasaad na ang paraan ng pagsasalin ng tagapagsalin ay ang
pagpapanatili sa teksto mismo, kung ano ang katumbas ay iyon na.

31
E. Sinunod ba ang kinaugaliang paraan ng pagpapahayag sa wikang
pinagsasalinan.

SAKNONG 1

Taludtod 1.

Simulaang Lengguwahe (Ingles) Tunguhang Lengguwahe (Filipino)

I think that I shall never see Sa aking palagay ay hindi na ako


makakakita pa

Sa unang taludtod ng tula, sinunod ang kinaugaliang paraan ng


pagpapahayag ng Tunguhang Lengguwaheng Filipino na kung saan nauna
ang paksa kaysa panaguri. Gumamit ng panandang pangawing na ‘ay’ kung
kaya’t maituturing na ito’y nasa di-karaniwang ayos. Ang paksa ay “sa aking
palagay” at ang panaguri ay “hindi na ako makakakita pa”.

Taludtod 2.

Simulaang Lengguwahe (Ingles) Tunguhang Lengguwahe (Filipino)

A poem lovely as a tree. Ng tulang sindikit nitong


punungkahoy na kaaya-aya.

Sa Ikalawang taludtod naman ng tula, nasunod din ang kinaugaliang


paraan ng Simulaang Lengguwaheng Ingles. Kung saan, ang naging ayos ng
taludtod ay nauna ang simunong “Ng tulang” at sinundan ng panaguring
“Sindikit ng punongkahoy na kaaya-aya”.

32
SAKNONG 2

Taludtod 3.

Simulaang Lengguwahe (Ingles) Tunguhang Lengguwahe (Filipino)

A tree whose hungry mouth is prest Bibig na dayukdok di ibig alisin sa


pagkakadikit

Sa Ikatlong taludtod namang ito, makikitang nasunod ang


kinaugaliang paraan ng pagpapahayag ng Simulaing Lengguwaheng Ingles.
Kung saan tulad ng nauna, ang naging ayos nito’y mula sa simunong “Bibig
na dayukdok” at sinundan ng panaguring “di ibig alisin sa pagkakadikit”.

Taludtod 4.

Simulaang Lengguwahe (Ingles) Tunguhang Lengguwahe (Filipino)

Against the sweet earth’s flowing Sa dibdib ng lupang ang daloy ng


breast; buhay, walang kasingtamis

Sa taludtod ito ay mapapansing ang kinaugaliang paraan ng


pagpapahayag sa Tunguhang Lengguwaheng Filipino ay nasunod kung saan
nauna ang panaguri kaysa simuno. Makikitang ang naging ayos ng taludtod
ay mula sa panaguring “Sa dibdib ng lupang” tungong simunong “ang daloy
ng buhay, walang kasingtamis”.

SAKNONG 3

Taludtod 5.

Simulaang Lengguwahe (Ingles) Tunguhang Lengguwahe (Filipino)

A tree that looks at God all day, Sa buong maghapon, sa mukha ng


Diyos lamang nakatingin

33
Sa ikalimang taludtod ay nasunod pa rin ang paraan ng kinaugaliang
pagpapahayag sa wikang pinagsasalinan. Sapagkat dito makikitang nauna
ang panaguri bago ang simuno. Narito ang naging ayos ng taludtod, mula sa
“Sa buong maghapon” na panaguri sinundan naman ng “sa mukha ng Diyos
lamang nakatingin” na isang simuno.

Taludtod 6.

Simulaang Lengguwahe (Ingles) Tunguhang Lengguwahe (Filipino)

And lifts her leafy arms to pray; Ang dahunang bisig ay


nangakataas sa pananalangin

Sa taludtod namang ito, ang kinaugaliang paraan ng pagpapahayag ng


Tunguhang Lengguwaheng Filipino ang nasunod. Kung saan, sa bahaging ito
mas nauna ang simuno kaysa panaguri. Makikitang ang naging ayos nito’y
mula sa simunong “Ang dahunang bisig” sinundan ng panaguring
“nangakataas sa pananalangin”. Gumamit din ng panandang pangawing na
‘ay’ kung kaya’t maituturing na ito’y nasa di-karaniwang ayos.

SAKNONG 4

Taludtod 7.

Simulaang Lengguwahe (Ingles) Tunguhang Lengguwahe (Filipino)

A tree that may in summer wear Kung nagtatag-init, ang malagong


buhok ay nahihiyasan

Sa ikapitong taludtod makikitang sinunod ang kinaugaliang paraan ng


pagpapahayag sa Tunguhing Lengguwaheng Filipino. Dito makikitang ang
ayos ng taludtod ay nauna ang panaguri bago ang simuno. Mula sa “Kung
nagtatag-init” na panaguri sinundan naman ng “ang malagong buhok ay
nahihiyasan” na isang simuno. Sa bahaging ito rin, gumamit ng panandang
pangawing na ‘ay’ kung kaya’t maituturing na ito’y nasa di-karaniwang ayos.

34
Taludtod 8.

Simulaang Lengguwahe (Ingles) Tunguhang Lengguwahe (Filipino)

A nest of robins in her hair; Ng pugad ng ibong pugad din ng


tuwa at kaligayahan

Sa taludtod namang ito ng tula ay makikitang ang kinaugaliang paraan


ng Simulaang Lengguwaheng Ingles ang sinunod sa pagpapahayag. Kung
saan, nauna ang simuno kaysa panaguri. Mapapansing ang ayos ay mula sa
“Ng pugad ng ibon din” na simuno at sinundan ng panaguring “ng tuwa at
kaligayahan”. Ang pangungusap ay nagsimula sa paksa ang bago ang
panaguri kaya maituturing na di-karaniwang ayos ang taludtod na ito.

SAKNONG 5

Taludtod 9.

Simulaang Lengguwahe (Ingles) Tunguhang Lengguwahe (Filipino)

Upon whose bosom snow has lain; Sa kanyang kandungan, ang


kabusilaka’y doon umiidlip

Sa sumunod na taludtod namang ito ng tula, makikitang sinunod pa


rin ang kinaugaliang paraan ng pagpapahayag ng Tunguhang Lengguwaheng
Filipino. Gayundin, ang taludtod na ito’y nasa anyong karaniwang ayos dahil
mas nauna ang panaguri bago ang simuno. Ang panaguri ay “Sa kanyang
kandungan” at ang simuno nama’y “ang kabusilaka’y doon umiidlip”.

Taludtod 10.

Simulaang Lengguwahe (Ingles) Tunguhang Lengguwahe (Filipino)

Who intimately lives with rain. Sa buhos ng ulan ay


magkarayamang nakikipagtalik

35
Ang taludtod namang ito ay makikitang sinunod ang kinaugaliang
paraan ng pagpapahayag ng Tunguhang Lengguwaheng Filipino na kung
saan nauna ang paksa kaysa panaguri. Ang paksa ay “Sa buhos ng ulan” at
ang panaguri ay “magkarayamang nakikipagtalik”. Gayundin ito’y
maituturing na nasa di-karaniwang ayos dahil sa taludtod na ito gumamit ng
panandang pangawing na ‘ay’.

SAKNONG 6

Taludtod 11.

Simulaang Lengguwahe (Ingles) Tunguhang Lengguwahe (Filipino)

Poems are made by fools like me. Tula’y nagagawa ng mga gaya kong
mulala at hangal

Dito ang kinaugaliang paraan ng pagpapahayag ng Tunguhang


Lengguwaheng Filipino ang sinunod, kung saan nauna ang panaguri bago
ang paksa. Mapapansing ang ayos ay mula sa “Tula’y nagagawa” na panaguri
at sinundan ng paksang “ng mga gaya kong mulala at hangal”.

Taludtod 12.

Simulaang Lengguwahe (Ingles) Tunguhang Lengguwahe (Filipino)

But only God can make a tree. Mga punungkahoy, ang


nakagagawa’y tanging Diyos
lamang.

Ang panghuling taludtod namang ito ng tula ay makikitaang sinunod


pa rin ang kinaugaliang paraan ng pagpapahayag ng Tunguhang
Lengguwaheng Filipino. Dito nauna ang panaguri kaysa simuno, kung kaya
narito ang pagkakaayos sa taludtod; mula sa “Mga punungkahoy” na
panaguri, sinundan naman ng “ang nakagagawa’y tanging Diyos lamang” na
isang simuno.

36
F. Maugnayin o consistent ba ang salin kung saan isang salita lamang
ang ginamit sa mga salitang tinapatan?

Sa orihinal na bersyon ng tula, ang pamagat na ginamit ay “Trees” na


tinapatan sa Tunguhang Lengguwaheng Filipino ng “Punungkahoy”,
gayundin sa huling taludtod ng tula. Ngunit mapapansin na may mga bahagi
sa tula na hindi na isinalin sa Wikang Filipino ang naturang salita. Dagdag
pa rito ay ang salitang “a” ng Ingles na tinumbasan ng iba’t ibang salita sa
Filipino gaya ng; ng, na, sa, at mga. Sa kabilang banda, konsistent naman
ang pagsalin ng “Poem” bilang “Tula” ng dalawang beses at “God” bilang
“Diyos”.

G. Natural na tunog o daloy o estilo ng wikang pinagsasalinan.

SAKNONG 1

Taludtod 1.

Simulaang Lengguwahe (Ingles) Tunguhang Lengguwahe (Filipino)

I think that I shall never see Sa aking palagay ay hindi na ako


makakakita pa
Batay sa pagkakasalin sa unang taludtod na ito, makikitang taglay nito
ang pagkakasaling natural kung saan ang daloy o estilo na mayroon sa
orihinal ay nanatili at hindi nagbago. Sinasabing nagiging natural ang isang
pagsasalin kung ang ayos ng pangungusap ay natural lamang kung
babasahin at ito’y taglay sa taludtod na ito. Ngunit, kung ang mga salitang
nasa wikang Ingles ay iisa-isahin na isasalin sa literal na anyo at salita sa
wikang Filipino, ay hindi na magiging tama ang gramatika at diwa. Tulad na
lamang nito:

I = Sa aking
Think = palagay
That = na
I = ako

37
Shall = ay
Never = hindi
See = makakakita pa

Sa aking palagay na ako ay hindi makakakita pa.

Base sa ginawang pagkakasalin sa itaas, makikitang nariyan parin ang


daloy at estilo mula sa orihinal. Ngunit naiba ang mensahe nito dahil salita
sa salita ang pagkakasalin nito.

Taludtod 2.

Simulaang Lengguwahe (Ingles) Tunguhang Lengguwahe (Filipino)

A poem lovely as a tree. Ng tulang sindikit nitong


punungkahoy na kaaya-aya.

Sa ikalawang taludtod ng saknong na ito, tulad ng nauna tinataglay


nito ang natural na daloy o estilo ng wikang pinagsasalinan. Sapagkat kung
iyong babasahin, ang diwa na mayroon sa orihinal ay hindi nawala kahit iba
man ang pagkakaayos ng mga salita. Gayunpaman, kung isasalin ito batay
sa salita sa salita maaring ganito ang kalabasan:

A = Ng
poem = tulang
lovely = kaaya-aya
as = na
a tree = nitong punungkahoy

Ng tulang kaaya-aya na nitong punungkahoy.

Kung kaya dahil ang pagkakasalin ay binase sa salita sa salita tulad ng


halimbawa sa itaas ang daloy at estilo na mula sa orihinal ay nawala. Ngunit
kung ito’y titignan, hindi naman gaano kalayo ang naging ayos nito sa naging
salin sa Filipino, ngunit iyon nga ang diwa na mayroon sa orihinal ay sadyang
nawala. Mapapansin ding hindi nabanggit ang salitang “sindikit” sapagkat
ito’y wala namang katumbas sa orihinal na taludtod.

38
SAKNONG 2

Taludtod 3.

Simulaang Lengguwahe (Ingles) Tunguhang Lengguwahe (Filipino)

A tree whose hungry mouth is prest Bibig na dayukdok di ibig alisin sa


pagkakadikit

Sa taludtod namang ito, ang paraan ng pagkakasalin ay masasabing


hindi natural ang tunog o daloy mula sa wikang pinagsasalinan. Sapagkat
may mga salitang itinumbas na malalagoy o malalalim na salita tulad ng
salitang “dayukdok” at may ilang mga salita ring nabanggit ngunit wala
namang katumbas sa orihinal tulad ng “di ibig alisin sa pagkakadikit”. Kung
kaya, masasabing ang diwa lalo na ang daloy o estilo na mula sa wikang
pinagsasalinan ay bahagyang nag-iba.

Taludtod 4.

Simulaang Lengguwahe (Ingles) Tunguhang Lengguwahe (Filipino)

Against the sweet earth’s flowing Sa dibdib ng lupang ang daloy ng


breast; buhay, walang kasingtamis

Masasabing tinataglay sa taludtod na ito ang natural na tunog, daloy o


estilo ng wikang pinagsalinan. Kahit ang anyo nito ay malaya, ang daloy
naman mula sa orihinal ay naiparating ng mabuti sa mga mambabasa.
Mapapansing may salitang hindi natumbasan sa isinalin tulad ng “against”
gayundin, may mga salitang idinagdag naman na walang katumbas sa
orihinal tulad ng “buhay” at “walang”. Kung kaya, mahihinuhang ang
pagkakasalin nito ay batay sa diwa na mayroon sa taludtod at hindi batay sa
salita. Samakatuwid, ating masasabi na naging maingat ang tagapagsalin
upang maibigay ang tamang diwa o daloy ng taludtod na ito.

39
SAKNONG 3

Taludtod 5.

Simulaang Lengguwahe (Ingles) Tunguhang Lengguwahe (Filipino)

A tree that looks at God all day, Sa buong maghapon, sa mukha ng


Diyos lamang nakatingin

Sa ikalimang taludtod na ito, masasabing naging natural ang tunog ng


pagkakasalin. Kahit taglay nito ang pagiging malaya o pagkakaroon ng paiba-
iba ang anyo, hindi naman nawala ang mensaheng nais ipabatid ng may akda
rito. Gayunpaman, kahit may salitang hindi natumbasan sa isinalin tulad
ng “A tree” at may mga salitang ring idinagdag naman na walang katumbas
sa orihinal tulad ng “mukha” at “lamang”. Kahit paman ganito, masasabing
naging natural naman ang tunog, daloy o estilo na mayroon sa taludtod na
ito.

Taludtod 6.

Simulaang Lengguwahe (Ingles) Tunguhang Lengguwahe (Filipino)

And lifts her leafy arms to pray; Ang dahunang bisig ay


nangakataas sa pananalangin

Sa taludtod na ito, masasabing naging mahusay ang tagapagsalin sa


pagpapanatili ng diwa at mga salita na mula sa orihinal. Kung kaya, ang
bahaging ito ay nagtataglay din ng naturalidad ng daloy o estilo sa wikang
pinagsasalinan. Ang pagpapanatili nitong pormulang anyo ng pagkakasalin
at ang paggamit ng angkop na salita sa wikang Filipino ay mas lalong
nagpapalinaw sa mensahe ng wikang pinagsasalinan. Kung ating iisa-isahin
ang pagkakasalin nito, narito ang magiging kalalabasan.

And = ay
lifts = nangakataas
her = ang

40
leafy = dahunang
arms = bisig
to = sa
pray = pananalangin

Ay nangakataas ang dahunang bisig sa pananalangin.

Ito ang magiging anyo kung ang pagkakasalin ay nakabase sa salita sa


salita, kung kaya mapapansing mali na ang pahayag na nabuo at nawala ang
mensahe ng orihinal. Samakatuwid, ang pagkakasalin sa bahaging ito ay
tama kung saan ang diwa na mayroon sa orihinal ay nanatili at maayos na
ginamit ng tagapagsalin ang mga salita ng sa gayon ito’y hindi lumabas na
katawa-tawa sa mga mambabasa.

SAKNONG 4

Taludtod 7 at 8.

Simulaang Lengguwahe (Ingles) Tunguhang Lengguwahe (Filipino)

A tree that may in summer wear Kung nagtatag-init, ang malagong


buhok ay nahihiyasan

A nest of robins in her hair; Ng pugad ng ibong pugad din ng


tuwa at kaligayahan

Masasabing ang parehong taludtod na 7 at 8 ay hindi nagtataglay na


natural na daloy o estilo ng wikang pinagsasalinan sapagkat; una pagiging
malaya o paiba-iba ng anyo nito – dahilan na pinalaya rin ang anyo ng
pangungusap na naging sanhi rin ng pagkakaroon ng di-natural na mukha
nito at pangit ang impak kung babasahin. At panghuli ay ang pagdaragdag
ng salita na wala naman sa wikang pinagsalinan ay pinapahaba lang nito ang
salin at hindi na rin naging natural. Tulad ng mga salitang; “ang malagong
buhok ay nahihiyasan” na makikita sa taludtod 7 at “ng tuwa at kaligayahan”
na makikita naman sa taludtod 8, gayundin sa nasabing taludtod may pag-
uulit na naganap sa salitang “pugad”. Samakatuwid, sa parehong taludtod

41
hindi nito tinataglay ang pagkakaroon ng natural na daloy o estilo mula sa
wikang pinagsasalinan nito.

SAKNONG 5

Taludtod 9.

Simulaang Lengguwahe (Ingles) Tunguhang Lengguwahe (Filipino)

Upon whose bosom snow has lain; Sa kanyang kandungan, ang


kabusilaka’y doon umiidlip

Batay sa taludtod na ito, maliwanag na hindi ito nagtataglay ng


pagkakaroon ng naturalidad na daloy o estilo mula sa wikang pinagsasalinan.
Sa kadahilanang, kung susuriing mabuti wala kahit ni isang salita sa
isinagawang salin ang naitumbas sa orihinal. Dahilan na parang lumilitaw
na ang naging salin ay naging orihinal na, kaya dito makikita na mas nanaig
ang estilo ng tagapagsalin laban sa estilo ng awtor.

Taludtod 10.

Simulaang Lengguwahe (Ingles) Tunguhang Lengguwahe (Filipino)

Who intimately lives with rain. Sa buhos ng ulan ay


magkarayamang nakikipagtalik

Sa taludtod namang ito, gaya ng nauna ito’y hindi rin makikitaan ng


pagkakaroon ng natural na pagkakasalin sa wikang Filipino. Sapagkat hindi
naging maayos ang daloy ng pangungusap kung ito’y babasahin at waring
saliwa ang naging dating nito sa mambabasa. Makikitang may mga salitang
hindi nagawang isalin tulad ng; who, at lives. Gayundin may ilang salita ring
nabanggit na wala namang katumbas sa wikang pinagsasalinan gaya ng;
nakikipagtalik, at buhos. Kung kaya, masasabi rito na naging ang diwa na
mayroon sa orihinal ay nawala o hindi napanatili.

42
SAKNONG 6

Taludtod 11 at 12

Simulaang Lengguwahe (Ingles) Tunguhang Lengguwahe (Filipino)

Poems are made by fools like me. Tula’y nagagawa ng mga gaya kong
mulala at hangal

But only God can make a tree. Mga punungkahoy, ang


nakagagawa’y tanging Diyos
lamang.

Batay sa pagkakasalin sa tunguhing wika ng dalawang taludtod,


unang-unang mapapansin ang pagpapanatili sa estilo na mayroon sa
orihinal, ang tula-sa-tula at maliwanag na hindi niya ginawang prosa ang
kanyang salin. Dito, ang pagkamakata ng nagsalin ay sumasalamin sa
kanyang akdang naisalin. Gayunpaman, malinaw din na isinaalang-alang ng
may akda ang estilo ng orihinal na tula sa tula, subalit ang kanyang
damdamin at estilo ay sa tingin ko ay bahagyang nagingibabaw lalo na sa
pagkakasalin ng mga salita partikular na sa taludtod 11. Tila ba, nabahiran
ng kanyang sariling-estilo ang daloy ng mga salita, kung kaya bahagyang
sumobra at naapektuhan ang kabuuang estilo o daloy ng wikang
pinagsasalinan.

Kagaya na lamang sa taludtod 11, ating mababasa sa orihinal na;


“Poems are made by fools like me”, ay naging ganito sa TL; “Tula’y nagagawa
ng mga gaya kong mulala at hangal.”

Sa unang basa, masasabi nating walang mali sa pagkakasalin nito.


Pero kung ikukumpara ito sa orihinal, ang himig at estilo ng may akda ay
dama mo ang pagiging kalmadong pagpapadala ng mensahe kahit na medyo
katawa-tawa dahil sa salitang “fools.” Samantala, ang pagkakasalin naman
sa Filipino ay nabago ang tono at mabigat sa pakiramdam kung babasahin

43
dahil sa pagdaragdag nito ng iba pang salita na may mabigat ding diwa tulad
ng mga salitang; mulala at hangal na pareho naman ang kahulugan.

Sa kabilang banda, mapapansin naman sa taludtod 12 ang


pagkakasalin sa sapagkat ito’y tinumbasan ng mga salitang akma o tumpak
sa orihinal. Tulad ng mga salitang; but (lamang), only God (tanging Diyos),
can make (ang nakagagawa’y), at panghuli, tree (punungkahoy).

Samakatuwid, pagdating naman sa naturalidad ng daloy ng wikang


pinagsasalinan sa parehong taludtod at dahil nga ito ay tula, natural ang
naging takbo nito o daloy. Nagkakaroon ng tugmaan sa hulian at ang mga
pangungusap ay malayang isinaayos.

44
KONGKLUSYON

Ang tulang “Trees” na isinulat ni Alfred Joyce Kilmer at isinalin naman


ni Rufino Alejandro sa Filipino bilang “Punungkahoy” ay malinaw na
makikitaan ng pagiging malaya o paiba-iba ang anyo nito batay sa kaniyang
ginawang salin. Makikitaan din ng parehong pagdaragdag at pagbabawas ng
mga salita upang mas mapalitaw ang diwa na mayroon sa orihinal.

Sa naging pagsusuri malinaw naman na naging maayos ang


pagkakasalin ni Rufino Alejandro sapagkat napunan niya ng tamang pahayag
ang bawat taludtod, kahit may mga ilang salitang hindi natumbasan ay
naroroon pa rin naman ang diwa o mensahe na akma sa orihinal. Kung ating
babasahin ang salin ay maganda, patula ito, may tugma, madulas ang mga
daloy ng mga salitang ginamit, maayos ang bagsak ng mga sensura, at
naipasok din ang tamang ayos ng pangungusap upang maipakita ang tamang
diwa sa bawat pahayag. May mga malalagoy at malalalim mang salitang
ginamit ngunit naroon pa rin ang kaisipan o diwang gustong maiparating ng
orihinal na akda.

Samakatuwid, ang layunin ng papel na ito ay natugunan na alamin


kung gaano kalapit sa orihinal na tulang “Trees” ni Alfred Joyce Kilmer ang
saling “Punungkahoy” ni Rufino Alejandro. Batay na rin sa nakuhang
kabuuang average na (3.25), masasabing ang pagkakasalin ng tulang ito ay
may katamtamang layo o lapit sa orihinal. Ayon nga kay Almario, ang
pagsasalin ay kinakailangan matumbasan ang bawat pahayag at salitang
ginamit ngunit kinakailangan din natin maging tapat. Ika nga nila, walang
perpektong salin kaya kailangan natin maging mapagmatyag upang matukoy
natin ang tamang salita na ginagamit sa mga akdang isinalin.

45
46
DESIDERATA
ni: Max Ehrmann

“Be cheerful. Strive to be happy.”


Maging masayahin. Sikaping lumigaya.

Ang mga linyang ito ay mula sa tanyag na tulang tuluyan o prosa na


Desiderata na nasa panulat ni Max Ehrmann. Ang salitang “Desiderata” ay
isang salitang Latin na nangangahulugang “Things desired”. Ito ay isinulat ni
Ehrmann noong 1920 at sa panahong ito ay hindi pa ito naging tanyag.
Ngunit pagdating sa taong 1960- 1970—taon na kung saan sobrang lawak na
ng naabot na audience ng tula. Nagkaroon ng spoken word recordings at mga
posters upang mas lalo pang makilala ang tula.

Hindi katulad ng ibang tula, ang Desiderata ay binubuo ng isang


mahabang saknong lamang ngunit sa kalaunan ay hinati ito sa ilang mga
saknong na walang pahintulot mula sa may akda nito. Ang tulang ito ay
walang tugma at sukat na sinusunod. Sa pangkalahatan, nilalaman o
tinatalakay ng tula na ito kung paano dapat mamuhay ang isang tao at mga
katangiang dapat nitong taglayin habang siya’y nabubuhay sa malawak na
mundo.

Ang may akda—Max Ehrmann

Si Max Ehrmann (1872- 1945), ay isang


iskolar at makata. Ipinanganak sa Terre Haute,
Indiana noong Setyembre 16, 1872. Bunso sa
limang magkakapatid at ang kanyang mga
magulang ay mga German immigrants.
Nakapagtapos siya sa DePauw University ng
Greencastle, Indiana noong 1894 at sumunod
ay nag- aral siya ng Pilosopiya at Abogasya sa
Harvard University

47
Matapos magtrabaho bilang isang abogado at pamamahala sa negosyo
ng pamilya sa loob ng sampung taon ay nagretiro siya at nagsimulang
magsulat ng mga akda. Bago pumanaw ay nna akapagsulat siya ng maraming
tula at isa na nga rito ang kanyang tanyag na tulang Desiderata.

Ang Tagapagsalin—Benilda Santos

Si Benilda S. Santos ay isang premyadong


makatang Filipino at nagtamo ng Gawad
Pambansang Alagad ni Balagtas (2003), Don
Carlos Palanca Memorial Awards for Literature, at
National Book Awards ng Manila Critics Circle.
Kinilala rin ang kaynag mga akda ng Talaang
Ginto at kabilang siya Unyon ng mga Manunulat
sa Pilipinas.

Nagturo siya sa Ateneo de Manila University


at naging tagapamuno ng Departamento ng
Filipino ng Loyola Schools, dekana ng School of Humanities, at direktor ng
Ateneo National Writers Workshop.

Siya ay tanyag sa kanyang akda na “Sa kasintahang nilimot na”. Siya


rin ang may akda ng “Kuwadro Numero Uno: Mga Tula”, “Alipato: Mga Bago
at Piling Tula”, at marami pang ibang akdang pampanitikan. Bukod pa,
isinalin din niya ang napakatanyag na tula ni Max Ehrman—Desiderata.

48
RUBRIKS NG ANALISIS

May eskalang 1 hanggang 5 ang pag- aanalisa sa akdang Desiderata.


Ito ay binatay sa rubriks na:

Numerical Value Kahulugan


5 kapag kuhang-kuha ang orihinal na saysay
4 kapag mas maraming saysay ang napanatili kaysa
nawala/nabago
3 kapag magkasingdami ang napanatili at ang
nawala/nabagong saysay
2 kapag mas maraming saysay ang nawala/nabago
kaysa napanatili

1 kapag malayong-malayo sa orihinal na saysay

Para maging mas malinaw at konsistent ang pagbibigay ng marka sa


bawat taludtod ng nasabing salin, ipinaliwanag ang mga dahilan sa likod ng
ibinigay na marka. Nilapatan ng berbal na interpretasyon ang mga average
na marka na nakuha mula sa marka ng mga taludtud ayon sa sumusunod
na saklaw;

AVERAGE Kahulugan
4.20 – 5.00 kapag kuhang-kuha ang orihinal na saysay
3.40 – 4.19 kapag mas maraming saysay ang napanatili kaysa
nawala/nabago
2:60 – 3.39 kapag magkasingdami ang napanatili at ang
nawala/nabagong saysay
1.80 – 2.59 kapag mas maraming saysay ang nawala/nabago
kaysa napanatili

1.00 – 1.79 kapag malayong-malayo sa orihinal na saysay

49
` Ang tulang Desiderata ay orihinal na akda ni Max Ehrmann na naisulat
sa wikang Ingles noong 1927. Ang salitang Desiderata ay mula sa salitang
Latin na ang ibig sabihin ay “Things Desired”. Ito ay isang tulang tuluyan o
prosa. Ang akdang ito ay isinalin naman ni Benilda Santos sa wikang Filipino.

Sa bahaging ito ay ating susuriin ang naging salin ni Benilda Santos sa


tula. Gagamitin natin ang rubriks na nakasaad sa itaas sa pagbibigay ng
marka sa pagsuri sa bawat taludtod ng tula. Makikita sa talahanayan ang
naging resulta ng pagsuri. Sa unang hanay ay ang mga saknong, sa
ikalawang hanay naman ay ang mga taludtod ng tula, ikatlo ay ang orihinal
na teksto ng akda, ikaapat ay ang salin ng akda, panlima ay ang marka ng
bawat taludtod at ang panghili ay ang kabuuang marka (average) ng bawat
saknong.

Talahanayan 2. Linya-por-linyang Paghahambing ng Orihinal na Akda at


Salin sa Filipino

Average
Marka na
Orihinal na
Saknong Taludtod Salin sa Filipino ng Marka
Ingles
Taludtod ng
Saknong
1 1 Go placidly Humayo nang 5 5
amid the noise payapa sa gitna
and haste, ng ingay at
and remember pagkukumahog
what peace at tandaang may
there may be katiwasayang
in silence. masusumpungan
sa katahimikan.
2 As far as Hanggang 5
possible kakayanin at
without nang hindi
surrender be sumusuko,
on good terms pakitunguhan
with all nang mabuti ang
persons. lahat.

50
3 Speak your Sambitin ang 5
truth quietly sariling
and clearly; katotohanan
and listen to nang mahinahon
others, even at walang gatol at
the dull and pakinggan ang
ignorant; they iba, kahit ang
too have their pulpol at
story. mangmang.Sila
man ay may
masasabi.
4 Avoid loud Iwasan ang 4
and hambog at
aggressive mapusok;
persons; they nakaliligalig sila
are vexations ng loob.
to the spirit.
5 If you compare Kung 5
yourself with ihahambing ang
others, you sarili sa iba,
may become baka maging
vain or bitter, palalo o puno ng
for always hinampo; dahil
there will be laging may
greater and makahihigit o
lesser persons mababa sa iyo.
than yourself.

2 6 Enjoy your Maging 5 4.75


achievements masiyahin sa
as well as iyong tagumpay,
your plans. maging sa iyong
mga balak.
7 Keep Pangalagaan ang 4
interested in iyong
your career, hanapbuhay
however gaano man
humble; it is a kahamak; iya’y
real maaasahang pag-
possession in aari sa pabago-
the changing bagong
fortunes of kapalarang dala
time. ng panahon.

51
8 Exercise Mag-ingat sa 5
caution in your pakikipagnegosyo
business pagkat puno ng
affairs; for the bulaan ang
world is full of mundo.
trickery.
9 But let this not Ngunit huwag 5
blind you to namang
what virtue magbulag-
there is; many bulagan sa
persons strive kabutihan;
for high ideals; marami ang
And nagsisikap
everywhere maabot ang
life is full of kadakilaan, at
heroism. saan mang
dako’y may
kabayanihan.
3 10 Be yourself. Magpakatotoo sa 5 5
sarili.
11 Especially, do Higit sa lahat, 5
not feign huwag
affection. magpanggap sa
pagmamahal.
12 Neither be Subalit huwag 5
cynical about ding kutyain ang
love; for in the pag-ibig;
face of all sapagkat sa
aridity and harap ng lahat
disenchantme ng kawalan ng
nt it is as sigla at pag-asa
perennial as lagi itong
the grass. tumutubong muli
tulad ng damo.
4 13 Take kindly Tanggapin nang 5 4.75
the counsel of mahinahon ang
the years, payo ng taon, at
gracefully isuko nang
surrendering magiliw ang mga
the things of biyaya ng
youth. kabataan.

52
14 Nurture Patatagin ang 4
strength of espiritu bilang
spirit to shield pansanggalang
you in sudden sa di-inaasahang
misfortune; kasawian; ngunit
but do not huwag
distress magpakaligalig
yourself with sa mga
imaginings. nakababahalang
alalalahanin.
15 Many fears Maraming 5
are born of pangamba ang
fatigue and dulot ng pagod at
loneliness. pangungulila.

16 Beyond a Bukod sa 5
wholesome pagkakaroon ng
discipline, be sapat na
gentle with disiplina, maging
yourself. malumanay sa
sarili.
5 17 You are a child Supling ka ng 4 4
of the uniberso, gaya ng
universe, no mga puno’t tala;
less than the karapatan mong
trees and the dumito.
stars; You
have a right to
be here.
18 And whether At malinaw man 4
or not it is ito o hindi sa iyo,
clear to you, walang
no doubt the alinlangan,
universe is sadyang
unfolding as it namumukadkad
should. ang uniberso.
6 19 Therefore be Kaya maging 5 5
at peace with payapa sa
God, whatever Panginoon,
you conceive paano man ang
Him to be pagkilala mo sa
Kanya

53
20 And whatever At anuman ang 5
your labors iyong pagsisikap
and at pangarap; sa
aspirations, in maingay na
the noisy kaguluhan ng
confusion of buhay;
life keep peace panatilihing
with your soul. panatag ang
iyong loob.
21 With all its Sa kabila ng 5
sham, pagkukunwari,
drudgery and kawalang-
broken kawawaan, at
dreams, it is bigong pangarap,
still a beautiful Maganda pa rin
world. itong mundo.

22 Be cheerful. Maging 5
Strive to be masayahin.
happy. Sikaping
lumigaya.

Kabuuang Marka (Average) 4.75

PAGSUSURI SA SALING “DESIDERATA”

Ipinapakita sa Talahanayan 2 ang pagkakatabi-tabi ng orihinal na


tulang “Desiderata,” at ng salin nito sa Filipino. Ipinapakita rin sa nasabing
talahanayan ang mga markang kinalalabasan ng linya-por-linyang
paghahambing ng “Desiderata” sa naging salin nito sa Filipino.

Unang Saknong:

Ang unang saknong ay may kabuuang marka na 5. Mula sa unang


taludtod hanggang sa panlimang taludtod ay nabigyan ito ng markang 5 dahil
nakuha ng tagapagsalin ang saysay ng orihinal na akda. Hindi nawala ang
diwa na nais ipabatid ng orihinal na akda. Nagsama rito ang diwa at salita
kaya ang saysay ng akda nang ito ay isinalin ay hindi nawala o nabago.

54
Ikalawang Saknong:

Dito sa ikalawang saknong ito ay nabigyan ng kabuong marka ng 4.75.


Ang unang taludtod ay minarkahan ng 5 dahil buo pa rin ang saysay ng
orihinal pagdating salin nito. Samantala, ang ikalawang taludtod ay nabigyan
ng markang 4 dahil iba ang pagkakasalin sa “keep interested”, ito ay naging
“Pangalagaan”. Datapwa’t hindi naisalin ang mga salitang ito ayon sa
katumbas nito ay nakuha pa rin naman ang diwa ng taludtod na ito.
Samantala, sa ikatlo at ikaapat na taludtod ng saknong na ito ay nabigyan
ng marka gaya ng naunang taludtod.

Ikatlong Saknong:

Sa saknong na ito, ang lahat ng taludtod nito ay namarkahan ng 5.


Kuhang-kuha ng naisalin na teksto ang orihinal na teksto nito. Hindi lang sa
salita kundi pati rin sa diwang nakapailalim sa buong saknong.

Ikaapat na Saknong:

Binigyan ng markang 5 ang una, ikatlo at ikaapat na taludtod ng


saknong na ito dahil klaro, tumpak at natural ang pagkakasalin na ginawa ni
Benilda Santos. Pati ang estruktura ng teksto ng simulaang lenggwahe ay
naangkop sa tunguhang wika nito. Sa kabilang banda, binigyan ng 4 na
marka ang ikalawang taludtod ng saknong na ito dahil nagkaroon ng literal
na pagkakasalin sa salitang “spirit”—(Nurture strength of spirit to shield you in
sudden misfortune), ito ay naisalin sa salitang “espiritu”—(Patatagin ang
espiritu bilang pansanggalang sa di-inaasahang kasawian) . Maaari na
gamitin ang “loob” at nang mas makuha ng buo ang diwa ng taludtod na ito.
Sa kabuuan, ang ikaapat na saknong ay nakakuha ng 4.75 na marka.

Ikalimang Saknong:

Binigyan ng markang 4 ang una at ikalawang aludtod ng saknong na


ito dahil sa paraan ng pagkakasalin ng salitang “universe” na isinalin ni
Santos bilang “uniberso” sa wikang Filipino. Tama naman ang salitang
“uniberso” ngunit mas mainam ang salitang “sansinukob” kung ang target na

55
mambabasa ay mga Filipino upang mas angkop at pasok sa kultura. Sa
kabuuan, nakakuha ng 4 na marka ang ikalimang saknong.

Ikaanim na Saknong:

Ang lahat ng taludtod sa saknong na ito ay binigyan ng 5 marka dahil


nangibabaw pa rin ang estilo ng awtor laban sa estilo ng awtor, na siyang
nararapat. Tumpak at klaro pa rin ang diwa ng tula kahit na naisalin na ito
sa wikang Filipino.

Sa pangkalahatang pagsusuri, ang salin ni Benilda Santos sa tulang


Desiderata ni Max Ehrmann ay may markang 4.75. Ibig sabihin, kuhang-
kuha ng tagapagsalin ang saysay ng tula. Naging himig- orihinal din ito dahil
ginaya ang estruktura ng simulaang lenggwahe, halimbawa ay ang huling
taludtod sa ikaanim na saknong; “Be cheerful. Strive to be happy.” na naging
“Maging masayahin. Sikaping lumigaya.”

May mga teoryang nailapat sa pagsasalin ng tulang ito, katulad ng


teoryang Formal Equivalence vs. Dynamic Equivalence ni Eugene Nida. Sa
salin na ito na ginawa ni Benilda Santos ay mas nangibabaw ang Formal
Equivalence na konsepto dahil tumutok ang tagapagsalin sa teksto mismo ng
tula, tinutumbasan nito kung ano ang salita na nakalagay sa simulaang
lenggwahe (SL) at higit sa lahat ay nanging strikto sa mga alituntunin ang
tagapagsalin sa pagsasalin niya ng tulang Desiderata.

56
PAGSUSURI AT EBALWASYON SA ISINAGAWANG PAGSASALIN NG
TULANG DESIDERATA

A. Ang mga pangungusap ay malaya (paiba-iba ang anyo) o pormula (


hindi nagbabago ang anyo)
SAKNONG 1

Taludtod 1

Simulaang Lengguwahe (Ingles) Tunguhang Lengguwahe (Filipino)

Go placidly amid the noise and haste, Humayo nang payapa sa gitna ng
and remember what peace there may ingay at pagkukumahog, at
be in silence. tandaang may katiwasayang
masusumpungan sa katahimikan.

Ang pagkakasalin sa taludtod na ito ay sa paraang Malaya. Sa


malayang pagsasalin ay pinapahalagahan ang kahulugan kaysa sa
estruktura ng pangungusap. Pinapahintulutan nito na magdagdag o
magbawas ng mga salita upang mas lumitaw ang kahulugan ng orihinal. Sa
taludtod na ito, hindi nakakulong sa mahigpit na balangkas ang wikang
isinalin kundi ang mensaheng gustong ipahayag. Mapapansin din ang mga
salitang ginamit at idinagdag upang maparating ang nais iparating ng may
akda. Sa TL ay mapapansin na gumamit ito ng salitang “gitna” o “middle” sa
ingles kahit na wala ito sa SL. Dito masasabi na nagdagdag ng salita sa TL
upang maipamalas pa ang kahulugan ng SL.

Taludtod 2

Simulaang Lengguwahe (Ingles) Tunguhang Lengguwahe (Filipino)

As far as possible without surrender be Hanggang kakayanin at nang hindi


on good terms with all persons. sumusuko, pakitunguhan nang
mabuti ang lahat.

57
Sa taludtod na ito, makikita pa rin ang pagiging malaya nito dahil
nagdaragdag ng mga salita ang nagsalin upang tumugma ito sa nais nitong
iparating. Makikita na mas maraming salitang nagamit sa SL kaysa sa TL,
mayroong labintatlo na salita ang SL at labing-isa naman sa TL. Mapapansin
rin ang ginamit na salin ng “Person” ng SL at “lahat” naman sa TL. Dito
makikita na Malaya at walang kontrol ang salin dahil gumamit siya ng salita
na mas angkop dito. Sa malayang pagsasalin pinahihintulutan nito ang
pagbawas at pagdaragdag ng mga salita upang mas mapalutang ang
kahulugan ng orihinal.

Taludtod 3

Simulaang Lengguwahe (Ingles) Tunguhang Lengguwahe (Filipino)

Speak your truth quietly and clearly; Sambitin ang sariling katotohanan
and listen to others, even the dull and nang mahinahon at walang gatol at
ignorant; they too have their story. pakinggan ang iba, kahit ang pulpol
at mangmang. Sila man ay may
masasabi

Sa taludtod na ito, mas lumitaw ang pagiging malaya nito o paiba-iba.


Mapapansin na sa SL na “Speak your truth quietly and clearly” ay tinumbasan
ito sa TL ng “Sambitin ang sariling katotohanan nang mahinahon at walang
gatol”. Kung susuriin, nagdagdag ang tagapagsalin ng mga salita upang
maging mas malinaw ang kahulugan ng SL patungong TL. Mapapansin rin
ang mga salitang “quietly and clearly” na hindi sinalin sa salitang “tahimik at
malinaw”, bagkus ginamit ang salitang “mahinahon at walang gatol”. Dito
gumamit ng ibang salita ang tagapagsalin upang maging mas natural
pakinggan. Mapapansin na sa mga salitang “they too have their story” ay iniba
rin ng tagapagsalin at ginamit ang “Sila man ay may masasabi”. Kahit may
salin ang salitang “story” sa filpino na “kuwento o istorya” ay ginamit ng
tagapagsalin ang “may masasabi” dahil ito ay nakapalilitaw ito ng kahulugan

58
sa orihinal. Dahil sa ito ay malaya, pinahihintulutan ito na magdagdag o
magbawas ng mga salita o baguhin ito.

Taludtod 4

Simulaang Lengguwahe (Ingles) Tunguhang Lengguwahe (Filipino)

Avoid loud and aggressive persons; Iwasan ang hambog at mapusok;


they are vexations to the spirit. nakaliligalig sila ng loob.

Sa ikaapat na taludtod, ay makikita pa rin ang pagiging malaya ng


salin, mapapansin na iba ang ginamit ng tagapagsalin, sa mga salitang “loud
and aggressive” ay ginamit niya ang mga salitang “hambog at mapusok” na
kung iisipin ay “Maingay na tunog at agresibo” ang salin nito sa Filipino. Hindi
na rin isinali ang salitang ang “persons” sa pagsalin, ito ay binawas. Pati na
rin ang pagsalin ng salitang “spirit” o “espiritu o kaluluwa” ang salin, ginamit
ng tagapagsalin ang “loob”. Dito makikita talaga ang pagkamalaya dahil sa
pagkawalang control, dahil pinahihintulutan nito ang pagbawas at padagdag
ng mga salita upang mapalutang ang nais iparating ng kahulugan ng orihinal.
Dito mas lumitaw ang estilo ng tagapagsalin kaysa sa awtor.

Taludtod 5

Simulaang Lengguwahe (Ingles) Tunguhang Lengguwahe (Filipino)

If you compare yourself with others, Kung ihahambing ang sarili sa iba,
you may become vain and bitter; for baka maging palalo o puno ng
always there will be greater and hinampo; dahil laging may
lesser persons than yourself. makahihigit o mababa sa iyo.

Sa ikalimang taludtod, mapapansin naman ang pagiging pormula at


pagiging malaya. Sa pangungusap na “If you compare yourself with others” ay
sinalin ito sa “Kung ihahambing ang sarili sa iba” ay makikitaan ng pormula
dahil pinanatili at walang binago sa anyo. Ang pagsasalin ay nakapokus sa
estruktura ng pangungusap at angkop ang naibigay, walang binago sa mga

59
salita sa pagsalin. Ngunit, sa salitang “you may become vain and bitter” ay
isinalin ito sa “baka maging palalo o puno ng hinampo”, kung papansinin ay
iniba ng tagapagsalin ang salin ng “bitter” o “mapait’’ sa Filipino. Ang mga
salitang “always” na “palagi” sa Filipino, “persons” o “ tao”, “than” o “higit”,
at “yourself” o “sarili”. Parehas sa mga naunang taludtod, makikitaan ito ng
malayang pagsasalin dahil sa pagbawas ng mga salita upang mas
maintidihan at lumitaw pa ang kahulugan nito, mas inuuna ang diwa nito.

SAKNONG 2

Taludtod 6

Simulaang Lengguwahe (Ingles) Tunguhang Lengguwahe (Filipino)

Enjoy your achievements as well as Masiyahin sa iyong tagumpay,


your plans maging sa iyong mga balak.

Ang taludtod na ito ay nagpapakita ng malayang pagsasalin,


mapapansin na “masayahin” ang salitang ginamit. Hindi ito angkop sa
salitang “enjoy”. Malalapat dito ang Dynamic Equivalence ni Eugene Nida
na mas matingkad ang tagapagsalin, iniba niya ito at ginamit ang ibang salin
ng Enjoy, gumamit ng ibang termino ngunit malapit rin sa salitang sinalin.
Mas nanaig dito ang istilo ng tagapagsalin kaysa sa orihnal na Awtor.

Taludtod 7

Simulaang Lengguwahe (Ingles) Tunguhang Lengguwahe (Filipino)

Keep interested in your career, Pangalagaan ang iyong hanapbuhay


however humble; it is a real gaano man kahamak; iyay
possession in the changing fortunes maaasahang pag-aari sa pabago-
of time. bagong kapalarang dala ng panahon

Ang salin sa taludtod na ito ay sa paraang malaya. Pinapahintulutan


nito na magdagdag o magbawas ng mga salita upang mas lumitaw ang
kahulugan ng orihinal. Sa taludtod na ito, hindi nakakulong sa mahigpit na

60
balangkas ang wikang isininalin kundi ang mensaheng gustong ipahayag.
Mapapansin sa “Keep interested in your career, however humble” ay sinalin ito
tungong “Pangalagaan ang iyong hanapbuhay gaano man kahamak”
mapapansin agad ang paggamit ng salitang “pangalagaan” bilang salin sa SL
na “keep interested”. Ang “it is a real possession in the changing fortunes of
time.” ay isinalin tungong “iyay maaasahang pag-aari sa pabago-bagong
kapalarang dala ng panahon”. Mapapansin agad dito ang pagsalin ng salitang
“real possession” ay sinalin “maaasahang pag-aari” na kung iisipin na ang
kahulugan ng “real” ay “tunay” at hindi “ maaasahan”. Dito, ang tagapagsalin
ay gumamit ng mga salitang aangkop at mas mapapadali ang pagkakaintindi
para sa mga mambabasa. Mas lumitaw ang nais ipakahulugan ng orihinal na
taludtod.

Taludtod 8

Simulaang Lengguwahe (Ingles) Tunguhang Lengguwahe (Filipino)

Exercise caution in your business Mag-ingat sa pakikipagnegosyo


affairs; for the world is full of trickery. pagkat puno ng bulaan ang mundo
Sa taludtod na ito, naipamalas ang malayang pagsasalin. Ayon kay
Virgilio Almario, pinapahintulutan nito na magdagdag o magbawas ng mga
salita upang mas lumitaw ang kahulugan ng orihinal. Sa taludtod na ito ay
hindi nakakulong sa mahigpit na balangkas ang wikang isinasalin kundi ang
mensaheng gustong ipahayag. Mapapnsin na nagbawas ng salitang isinalin
ang tagpagsalin, tulad ng salitang “exercise” o “ ehersisyo o ensayo” sa Filipino
ay hindi na ginamit at isinalin, bagkus “caution” na lamng ang ginamit at
sinalin patungong “mag-ingat”. Dito makikita natin ang pagbabawas ng mga
salita, ngunit pareho pa rin ang diwa ng dalawa. Mas nanaig ang estilo ng
tagpagsalin dahil sa pagbabawas ng mga salitang isinalin bagkus hidi naman
nagbago ang kahulugan nito.

61
Taludtod 9

Simulaang Lengguwahe (Ingles) Tunguhang Lengguwahe (Filipino)

But let this not blind you to what Ngunit huwag naming magbulag-
virtue there is; many persons strive bulagan sa kabutihan.Marami ang
for high ideals; and everywhere life is nagsisikap maabot ang kadakilaan,
full of heroism at saan mang dakoy may
kabayanihan

Sa taludtod na ito, nanaig pa rin ang pagiging malaya ng tagpagsalin.


Mapapansin ang mga salitang ingles na hindi na sinalin tungong Filipino. Isa
na rito ang “But let this not blind you to what virtue there is” tungong “Ngunit
huwag naming magbulag-bulagan sa kabutihan”. Dito mapapansin na hindi
na sinalin ang “virtue” at ginamit ang “ kabutihan” o “goodness”, mapapansin
na gumamit ng ibang termino ang tagapagsalin. Sa pagsasalin naman sa
“many persons strive for high ideals; and everywhere life is full of heroism”
patungong “Marami ang nagsisikap maabot ang kadakilaan, at saan mang
dakoy may kabayanihan” ay may mga terminong ginamit ang tagpagsalin
kahit na iba na ang kahulugan mula sa orihinal na salita. Ang salitang “high
ideals” o “mataas na mithiin” ay isinalin tungong “Maabot ang kadakilaan”
kahit na magkaiba ang kahulugan ay ginamit ng tagapagsalin ang salita at
inangkop lamang para mas maiiintindahan ng mambabasa. Mas nanaig ang
estilo ng tagapagsalin sa taludtod na ito.

SAKNONG 3

Taludtod 10

Simulaang Lengguwahe (Ingles) Tunguhang Lengguwahe (Filipino)

Be yourself. Magpakatotoo sa sarili.

Sa taludtod na ito, nanaig pa rin ang malayang pagsasalin, mapapansin


ang pagdagdag ng mga salita sa salin, dito makikita natin ang pagkamalaya.

62
Ang malayang pagsasalin ay pinahihitulutan ang pagdagdag-bawas ng mga
salita hanggat pasok ito sa diwa. Dito, ang pagkakasalin ng “Be yourself” ay
“Magpakatotoo sa sarili”, kahit na may pagka malayo ang salin nito ay pasok
pa rin ang siwa sa kabuuang diwa. Mapapansin rin ang pagdagdag ng “higit
sa lahat” kahit na wala ito sa orihinal na teksto. Mapapasok na dito ang
pagdagdag ng mga salita ng pagiging malaya na pagsasalin ayon kay Almario.

Taludtod 11

Simulaang Lengguwahe (Ingles) Tunguhang Lengguwahe (Filipino)

Especially, do not feign affection. Higit sa lahat, huwag magpanggap sa


pagmamahal

Sa taludtod na ito, ang salitang “do not feign affection” ay isinalin sa


“huwag magpanggap sa pagmamahal”, dito ay naging pormularyo na ang
pagsasaln dahil nakalukob na ang tagasalin sa estruktura ng pangungusap
dahil ito ay nagtatakda ng kahulugan na nais ipahayag.

Taludtod 12

Simulaang Lengguwahe (Ingles) Tunguhang Lengguwahe (Filipino)

Neither be cynical about love; for in Subalit huwag ding kutyain ang pag-
the face of all aridity and ibig, pagkat sa harap ng lahat ng
disenchantment it is as perennial as kawalan ng sigla at pag-asa lagi itong
the grass. tumutubong muli tulad ng damo.

Sa taludtod na ito, makikita pa rin ang pagiging malaya ng salin, sa


pagsasalin ng “Neither be cynical about love” patungong “Subalit huwag ding
kutyain ang pag-ibig”, mapapansin na nadadagdagan ang mga salitang
ginamit. Nanaig ang pagiging alaya dahil sa pagdagdag ng mga salita upang
maiangkop ito sa Filipino, at kahit ito ay hindi nasunod ay pareho pa rin ang
diwa ng parehong teksto. Ang pagkakasalin naman ng “for in the face of all
aridity and disenchantment it is as perennial as the grass.” ay sinaling “pagkat
sa harap ng lahat ng kawalan ng sigla at pag-asa lagi itong tumutubong muli

63
tulad ng damo”. Sa pagsasalin ng mga yaon ay mapapansin ang pagpapalit
ng mga terminong ginamit, tulad ng “aridity” na imbis na “pagkatuyo”. Ang
pagkaksalin nman ng “perennial” na kung isasalin sa Filipino ay
“pangmatagalan” ay gumamit ng pandiwa na “tumutubong” na tumutukoy sa
damo. Dito ay nanaig na naman ang istilo ng tagapagsalin. At maari ring
magamit ang teoryang Dynamic Equivalence ni Eugene Nidz.

SAKNONG 4

Taludtod 13

Simulaang Lengguwahe (Ingles) Tunguhang Lengguwahe (Filipino)

Take kindly the counsel of the years, Tanggapin nang mahinahon ang
gracefully surrendering the things of payo ng taon, at isuko nang magiliw
youth. ang mga biyaya ng kabataan.

Sa taludtod na ito, pormulang pagsasalin ang makikita. Mapapansin


na nakalukob ang tagasalin sa estruktura ng pangungusap dahil ito ay
nagtatakda ng kahulugan sa nais ipahayag. Ang mga salitang ginamit ay
isinalin lamang batay sa gamit at estruktura. Magagamit rin natin ang Formal
Equivalence ni Eugene Nida sa pagsusuri natin sa taludtod na ito, dahil
napanatili pa rin ang ambiguwidad ng mensahe at diwa ng linya. Dito ay
nanaig ang istilo ng orihinal at hindi na ginalaw ang istruktura ng
pangungusap bagkus ay isinalin na lang ito.

Taludtod 14

Simulaang Lengguwahe (Ingles) Tunguhang Lengguwahe (Filipino)

Nurture strength of spirit to shield you Patatagin ang espiritu bilang


in sudden misfortune. But do not pansangga lang sa di-inaasahang
distress yourself with imaginings. kasawian. Ngunit huwag
magpakaligalig sa mga
nakababahalang alalalahanin.

64
Sa taludtod na ito, makikita ang pagiging Malaya ng pagsasalin,
mapapansin na sa “Nurture strength of spirit” ay naisalin ito sa “Patatagin ang
espiritu”. Mapapansin na hindi na isinalin ang “nurture”, hindi na ito sinali at
ginamit na lamang ang “patatagin” o “strengthen”. Ngunit kung susumahin
pa rin ay parehas pa rin ang diwa ng dalawa. Isa rin sa napapansin ang
pagdagdag ng salitang “nakababahalang” na salita upang maiangkop sa
“alalalahanin”. Dito mahihinuha ang pagiging malaya ng salin.

Taludtod 15

Simulaang Lengguwahe (Ingles) Tunguhang Lengguwahe (Filipino)

Many fears are born of fatigue and Maraming pangamba ang dulot ng
loneliness. pagod at pangungulila.
Sa taludtod na ito, nanaig pa rin ang pagkamalaya sa pagsasalin, dahil
nangibabaw ang istilo ng tagapagsalin. Mapapansin ang pagkakasalin sa
“Many fears are born of fatigue and loneliness” tungong “Maraming pangamba
ang dulot ng pagod at pangungulila”, ang pagkakaslain ng salitang “fear” ay
naging “pangamba, na kung iisipin na ang salin ng “fear” ay “takot” at hindi
“pangamba” na “worry” sa ingles, dito mababanaag ang pagiging malaya sa
pagpalit ng mga termino upang umangkop ito sa pangungusap.

Taludtod 16

Simulaang Lengguwahe (Ingles) Tunguhang Lengguwahe (Filipino)

Beyond a wholesome discipline, be Bukod sa pagkakaroon ng sapat na


gentle with yourself. disiplina, maging malumanay sa
sarili

Sa taludtod na ito ay mapapansin ang malayang pagsasalin,


mapapansin sa pangungusap na “Beyond a wholesome discipline, be gentle
with yourself” at sinalin sa “Bukod sa pagkakaroon ng sapat na disiplina,
maging malumanay sa sarili”, mapapansin ang salitang “wholesome” ay hindi

65
naisalin sa “mabuti” o kung anong salin nito sa Filipino, bagkus gumamit ito
ng salitang “sapat” na halos magkasingkahulugan rin naman ng kahulugan.

SAKNONG 5

Taludtod 17

Simulaang Lengguwahe (Ingles) Tunguhang Lengguwahe (Filipino)

You are a child of the universe, no Supling ka ng uniberso, gaya ng mga


less than the trees and the stars; punot tala, karapatan mong dumito.
you have a right to be here

Sa kabuuan, masasabing malaya ito dahil pinapahalagahan ang


kahulugan kaysa sa estruktura ng pangungusap. Pinapahintulutan nito ng
magdagdag o magbawas ng mga salita upang mas lumitaw ang kahulugan ng
orihinal. Sa taludtod hindi nakakulong sa mahigpit na balangkas ang wikang
isininalin kundi ang mensaheng gustong ipahayag.

Taludtod 18

Simulaang Lengguwahe (Ingles) Tunguhang Lengguwahe (Filipino)

And whether or not it is clear to you, At malinaw man ito o hindi sa iyo
no doubt the universe is unfolding as walang alinlangan, sadyang
it should. namumukadkad ang uniberso.

Sa taludtod na ito ay nangibabaw pa rin ang malayang pagsasalin,


mapapansin sa salitang “no doubt the universe is unfolding as it should”
tungong “sadyang namumukadkad ang uniberso”, hindi na rin sinalin ang
salitang “no doubt” at “should” ngunit hindi pa rin nawala ang diwa ng
taludtod.

66
SAKNONG 6

Taludtod 19

Simulaang Lengguwahe (Ingles) Tunguhang Lengguwahe (Filipino)

Therefore be at peace with God, Kaya maging payapa sa Panginoon,


whatever you conceive Him to be, paano man ang pagkilala mo sa Kanya
and whatever your labors and at anuman ang iyong pagsisikap at
aspirations, in the noisy confusion of pangarap; sa maingay na kaguluhan
life keep peace with your soul. ng buhay panatilihing panatag ang
iyong loob.

Naipamalas sa malayang pagsasalin ang taludtod na ito. Sa taludtod


hindi nakakulong sa mahigpit na balangkas ang wikang isininalin kundi ang
mensaheng gustong ipahayag. Tulad ng salitang “confusion” ay “kaguluhan”
ang ginamit. Dito makikita natin ang pagpapalit ng mga termino ng mga
salita, ngunit pareho pa rin ang diwa ng dalawa.

Taludtod 20

Simulaang Lengguwahe (Ingles) Tunguhang Lengguwahe (Filipino)

And whatever your labors and At anuman ang iyong pagsisikap at


aspirations, in the noisy confusion of pangarap; sa maingay na kaguluhan
life keep peace with your soul. ng buhay panatilihing panatag ang
iyong loob.

Sa taludtod na ito, mapapansin na pormularyo ang pagkasalin, dahil


hindi nabago ang estruktura ng teksto. Mapapansin rin na nakalukob o
nakapokus sa estuktura ng pangungusap at angkop o naibigay ang nais
iparating ng orihinal. Pareho pa rin ang diwa ng parehong teksto at walang
nabawas at nadagdag ng mga salita tungo salin nito.

67
Taludtod 21

Simulaang Lengguwahe (Ingles) Tunguhang Lengguwahe (Filipino)

With all its sham, drudgery and Sa kabila ng pagkukunwari,


broken dreams, it is still a beautiful kawalang-kawawaan, at bigong
world. pangarap, Maganda pa rin itong
mundo.

Mapapansin sa taludtod na ito ang mga salitang ginamit at idinagdag


upang maintindihan ang nais iparating na diwa. Katulad ng salitang
“drudgery” ay sinalin ito sa “kawalang-kawawaan”. Sa kabuuan ay hindi
nabago ang diwa nito.

Taludtod 22

Simulaang Lengguwahe (Ingles) Tunguhang Lengguwahe (Filipino)

Be cheerful. Strive to be happy. Maging masayahin. Sikaping lumigaya.

Sa taludtod na ito, mapapansin na nasa pormula ang paraan ng


pagkakasalin, dahil ang isang pormula o hindi nagbabago ang anyo, ay hindi
nagbabago ang estruktura. Mapapansin rin ng nakalukob o nakapokus sa
estuktura ng pangungusap at angkop o naibigay ang nais iparating ng
orihinal. Pareho pa rin ang diwa ng parehong teksto at walang nabawas at
nadagdag ng mga salita tungo salin nito.

68
B. Marami ba o masalimuot ang mga salitang ginamit sa pagsasalin?
SAKNONG 1

Taludtod 1

Simulaang Lengguwahe (Ingles) Tunguhang Lengguwahe (Filipino)

Go placidly amid the noise and haste, Humayo nang payapa sa gitna ng
and remember what peace there may ingay at pagkukumahog, at
be in silence. tandaang may katiwasayang
masusumpungan sa katahimikan.

Sa unang taludtod, mapapansin agad ang pagdaragdag ng mga salita


sa sinalin upang mas maipakita ang nais iparating ng taludtod na ito. Ang
salitang “placidly” ay may salin na nakatigil o pwede ring malungkot, ngunit
ang salitang ginamit sa orihinal na “payapa” o “peace” sa ingles ay mas
naangkop na gamitin dito. Dito naipamalas ng tagapagsalin ang ibig
kahulugang nais iparating ng orihanal. Ang salitang “gitna” o “middle” sa
ingles kahit na wala ito sa orihinal ay ginamit rin. Ang salitang “ what “ o “
ano” ay hindi ginamit sa sinalin, bagkus ginamit ang salitang “may” imbis na
“ano”. Dito makikita na natin ang Dynamic Equivalence ni Eugene Nida, na
kung saan ang teoryang ito ay nagsasabi na maari kang magdagdag o
magbawas ng mga salita basta pasok ang mga mensahe sa pagsasalin. Dito
rin ay mas matingkad ang interbensyon ng tagapagsalin. Sa taludtod na
naibigay pinalitan ng tagasalin ang mga wikang ginamit mula sa orihinal
patungong sinalin sa angkop na mga termino upang mas maintihan ito.

Taludtod 2

Simulaang Lengguwahe (Ingles) Tunguhang Lengguwahe (Filipino)

As far as possible without surrender Hanggang kakayanin at nang hindi


be on good terms with all persons. sumusuko, pakitunguhan nang
mabuti ang lahat.

69
Sa Pangalawang taludtod, tulad sa naunang salin, maraming mga
salita ang hindi dinalin at gumamit ng mga salitang mas naangkop sa
tunguhing wika. Tulad ng salitang “persons” na hindi dinalin sa sa “ tao”
bagkus ginamit ang salitang “lahat” dito makikita natin ang Dynamic
Equivalence ni Eugene Nida, nagsasaad na pwedeng magdagdag o magbawas
ng mga salita, o palitan ang salita basta pasok ito sa diwa ng isnalin. Sa
orihinal ay may labin-tatlong salitang nagamit, sa sinalin naman ay may
labing- isa.

Taludtod 3

Simulaang Lengguwahe (Ingles) Tunguhang Lengguwahe (Filipino)

Speak your truth quietly and clearly; Sambitin ang sariling katotohanan
and listen to others, even the dull and nang mahinahon at walang gatol at
ignorant; they too have their story. pakinggan ang iba, kahit ang pulpol
at mangmang. Sila man ay may
masasabi

Sa pangatlong taludtod, ang orihinal ay may dalawampung salitang


ginamit, at ang sinalin naman ay may dalawamput-tatlong salitang ginamit.
Mapapansin na nadagdagan ng mga salitang ginamit sa isinalin. Makikita pa
rin ang Dynamic Equivalence ni Eugene Nida tungkol sa pagdagdag at
pagbawas ng mga salita hanggat parehas pa rin ang diwa nito. Mapapansin
ang salitang ginamit sa “ Speak your truth” ay ginamit sa pagsalin ang “
Sambitin ang sariling katotohanan”, dito mapapansin ang paggamit ng
salitang “sariling” o “ own” sa ingles kahit na wala ito sa orihinal na teksto.
Pati na rin mga salitang “quietly and clearly” at isinalin tungong “ mahinahon
at walang gatol” na kung iisipin na ang salin sa filipino ng mga ito ay “ tahimik
at malinaw” dito ay binago ng tagapagsalin ang salitang ginamit nang mas
mabigay pa nito ng mabuti ang nais iparating ng orihinal.

70
Taludtod 4

Simulaang Lengguwahe (Ingles) Tunguhang Lengguwahe (Filipino)

Avoid loud and aggressive persons; Iwasan ang hambog at mapusok;


they are vexations to the spirit. nakaliligalig sila ng loob.

Sa pang-apat na taludtod, ang orihinal na teksto ay may labing-isa na


salitang ginamit, at mayroon namang siyam na salitang ginamit ang sinalin.
Dito ay mapanpansin salitang “loud and aggressive” ay ginamit nila ang mga
salitang “hambog at mapusok” na kung iisipin ay “Maingay na tunog at
agresibo” ang salin nito sa filipino. Hindi na rin isinali ang salitang ang
“persons” sa pagsalin at ito ay binawas. Pati na rin ang pagsalin ng salitang
“spirit” o “espiritu o kaluluwa” ang salin, ginamit ng tagapagsalin ang “loob”.
Dito mapapasoknatin ang Dynamic Equivalence ni Eugene Nida nagsasabi na
maari kang magbawas at magdagdag ng salita basta pasok sa diwang
pinapahayag ng orihinal. Inangkop laman ng tagapagsalin ang mga salita
upang mas lumitaw ang siwa nito.

Taludtod 5

Simulaang Lengguwahe (Ingles) Tunguhang Lengguwahe (Filipino)

If you compare yourself with others, Kung ihahambing ang sarili sa iba,
you may become vain and bitter; for baka maging palalo o puno ng
always there will be greater and hinampo. dahil laging may
lesser persons than yourself. makahihigit o mababa sa iyo.

Sa panlimang taludtod, ang orihinal ay may labindalawang salitang


ginamit, at ang isinalin ay may labintatlong salitang ginamit. Mapapansin
dito ang Formal Equivalence sa una, at dynamic equivalence sa hulihan. Ang
formal Equivalence ay mas prayoridad ang form at content ng sinasalin.
Mapapansin na walang binago ang pagkakasalin ng “If you compare yourself
with others” tungong “Kung ihahambing ang sarili sa iba”. Ngunit sa hulihan
naman ay may mapapansin ang Dynamic equivalence dahil pagdagdag ng

71
salitang “puno” o “full” kahit wala naman ito sa oirihinal sa teksto. . Ang mga
salitang “always” na “palagi” sa filipino, “persons” o “ tao”, “than” o “higit”, at
“yourself” o “sarili”. Ay hindi na sinalin at pinalitan ang mga iilan upang mas
mapadali ang pagkakaintindi sa diwa nito. Dito ay malalapat natin ang
Dynamic Equivalence ni Eugene Nida na nagsasabi na maaring magbawas at
magdagdag ng salita hanggat pasok ito sa diwa ng isinalin.

SAKNONG 2

Taludtod 6

Simulaang Lengguwahe (Ingles) Tunguhang Lengguwahe (Filipino)

Enjoy your achievements as well as Masiyahin sa iyong tagumpay,


your plans. maging sa iyong mga balak.

Sa taludtod na ito, ang simulaing lengguwahe ay may walong salitang


ginamit, at sa isinalin o sa tunguhing wika ay may siyam na. naging
masalimuot rin ang pagsalin dali sa ginamit ng salitang “ Masiyahin” mula sa
orihinal na “ enjoy” na maaring malapit ang salitang “ Magsaya o masaya”.
Dito ay malalapat natin ang Dynamic Equivalence ni Eugene Nida na kung
saan mas matingkad ang interbersyon ng tagpagsalin.

Taludtod 7

Simulaang Lengguwahe (Ingles) Tunguhang Lengguwahe (Filipino)

Keep interested in your career, Pangalagaan ang iyong hanapbuhay


however humble; it is a real gaano man kahamak; iyay
possession in the changing fortunes maaasahang pag-aari sa pabago-
of time. bagong kapalarang dala ng panahon

Sa taludtod na ito, dito ay may labing-walo ang orihinal at may labing-


anim na salitang ginamit. Mapapansin sa “Keep interested in your career,
however humble” ay sinalin tungong “Pangalagaan ang iyong hanapbuhay
gaano man kahamak” mapapnsin agad ang paggamit ng salitang

72
“pangalagaan” mula sa orihinal na “keep interested” sa pagsasalin na tio ay
iniba ang ng tagpagsalin ang mga salitang isinalin bagkus ang diwa ay
parehas lamang. Nagign masalimuot rin ang pagsasalin ng “it is a real
possession in the changing fortunes of time.” Ay isinalin tungong “iyay
maaasahang pag-aari sa pabago-bagong kapalarang dala ng panahon”.
Mapapansin agad dito ang pagsalin ng salitang “real possession” ay sinalin
“maaasahang pag-aari” na kung iisipin na ang kahulugan ng “real” ay
“katotohanan” at hindi “ maaasahan”. Dahil sa pagbabago ng mga salita at
paggamit ng mga ibang termino upang mas maipakita ang diwa. Mas nanaig
ang tagapagsalin dito.

Taludtod 8

Simulaang Lengguwahe (Ingles) Tunguhang Lengguwahe (Filipino)

Exercise caution in your business Mag-ingat sa pakikipagnegosyo


affairs; for the world is full of trickery. pagkat puno ng bulaan ang mundo

Sa taludtod na ito, ang orihinal ay may labintatlong salita at ang sinalin


ay may siyam lamang, mapapansin na nagbawas ng salitang ginamit ang
tagapagsalin mula sa orihinal. Kahit na may pagbabawas ay mapapansin
pareho pa rin ng dalawa. tulad ng salitang “exercise” o “ ehersisyo o ensayo”
sa filipino ay hindi na ginamit at isinalin, bagkus “caution” na lamng ang
ginamit at sinalin patungong” mag-ingat” ayon nga sa Dynamic Equivalence
ni Eugene Nida, ay nagsasabi na maari kang magdagdag o magbawas ng mga
salita basta pasok ang mga mensahe sa pagsasalin. Dito rin ay mas
matingkad ang interbensyon ng tagapagsalin. Kaya dito nagbawas ng salitang
ginamit ang tagapagsalin upang hindi maging komplekado ang diwa nito.

73
Taludtod 9

Simulaang Lengguwahe (Ingles) Tunguhang Lengguwahe (Filipino)

But let this not blind you to what Ngunit huwag naming magbulag-
virtue there is; many persons strive bulagan sa kabutihan.Marami ang
for high ideals; and everywhere life is nagsisikap maabot ang kadakilaan,
full of heroism at saan mang dakoy may
kabayanihan

Sa taludtod na ito, ang orihinal ay may dalwampu’t apat na salita at


ang sinalin ay may labimpitong salita. Makikita agad ang pagbawas ng mga
salita, may mga inibang termino ang ginamit tulad ng “But let this not blind
you to what virtue there is” tungong “Ngunit huwag naming magbulag-bulagan
sa kabutihan”. Dito mapapansin na hindi na sinalin ang “virtue” at ginamit
ang “ kabutihan” o “goodness” at salitang “ high ideals” o “ mataas na mithiin
“ ay isinalin tungong “ Maabot ang kadakilaan” kahit na magkaiba ang
kahulugan. Hindi naging masalimuot ang pagsalin ng tagapagsalin dahil
pareho pa rin ang diwa ng dalawang taludtod sa tula. Mababanaag pa rin ang
Dynamic Equivalence ni Eugene Nida sa taludtod na ito.

SAKNONG 3

Taludtod 10

Simulaang Lengguwahe (Ingles) Tunguhang Lengguwahe (Filipino)

Be yourself. Magpakatotoo sa sarili.

Sa taludtod na ito, mapapansin na mas maraming salita ang nasa


naisalin na, mayroong dalawa sa orihinal at tatlo na man sa naisalin na. may
mga salitang naibawas mula sa orihinal tulad ng pagkakasalin ang “Be
yourself” ay “Magpakatotoo sa sarili”, kahit na may pagka malayo ang salin
nit ay, pasok pa rin ang siwa sa kabuuang diwa. Dito hindi naging
masalimuot ang pagsasalin dahil andiyan pa rin ang diwa na parehas sa

74
orihinal. Malalapat rin dito ang dynamic Equivalence ni Eugene Nida katulad
ng naunang suri.

Taludtod 11

Simulaang Lengguwahe (Ingles) Tunguhang Lengguwahe (Filipino)

Especially, do not feign affection. Higit sa lahat, huwag magpanggap sa


pagmamahal

Sa taludtod na ito, mapapansin na mas maraming salita ang nasa


naisalin na, mayroong dalawa sa orihinal at tatlo na man sa naisalin na. May
mga salitang naibawas mula sa orihinal ngunit sa “do not feign affection” ay
isinalin sa “huwag magpanggap sa pagmamahal”. Dito hindi naging
masalimuot ang pagsasalin dahil andiyan pa rin ang diwa na parehas sa
orihinal. Malalapat rin dito ang Dynamic Equivalence ni Eugene Nida katulad
ng naunang suri.

Taludtod 12

Simulaang Lengguwahe (Ingles) Tunguhang Lengguwahe (Filipino)

Neither be cynical about love; for in Subalit huwag ding kutyain ang pag-
the face of all aridity and ibig pagkat sa harap ng lahat ng
disenchantment it is as perennial as kawalan ng sigla at pag-asa lagi itong
the grass. tumutubong muli tulad ng damo

Sa taludtod na ito, ang orihinal ay may dalawampu’t isa na salita at


dalawamput apat naman na salita sa sinalin. Dito mapapnsin na hindi
masalimout ang pagkasalin kahit na may inibang termino ang ginamit ngunit
iisa pa rin ang diwa ng taludtod. Tulad ng nauna ay mababanaag pa rin ang
Dynamic Equivalence dahil sa pagdadag o bawas ng mga salitang isasalin,
pagpapalit ng mga salita upang maiangkop ito sa tunguhing wika. Tulad ng
“aridity” na imbis na “tigang” ay “kawalan ng sigla” pero kung susuriin ay
malapit rin naman ang kahulugan nito. Ang pagkaksalin nman ng “perennial”

75
na kung isasalin sa Filipino ay “pangmatagalan” ay gumamit ng pandiwa na
“tumutubong” na tumutukoy sa damo. Mas nanaig pa rin ang istilo ng
tagasalin.

SAKNONG 4

Taludtod 13

Simulaang Lengguwahe (Ingles) Tunguhang Lengguwahe (Filipino)

Take kindly the counsel of the years, Tanggapin nang mahinahon ang
gracefully surrendering the things of payo ng taon, at isuko nang magiliw
youth. ang mga biyaya ng kabataan.

Sa taludtod na ito, ang orihinal ay may labintatlong salita at labing-


anim naman sa sinalin. Kahit na magkaiba ang bilang ng dalawa ay parehas
pa rin ang salin. Mapapansin rin na walang pagbabagong naganap sa salita
at naisalin ito batay sa salitang meron ang orihinal. Mapapasok natin ang
Formal equivalence ni Eugene Nida, sapagkat dahil napanatili pa rin ang
ambiguwidad ng mensahe at diwa ng linnya. Dito ay nanaig ang istilo ng
orihinal at hindi na ginalaw ang istruktura ng pangungusap bagkus ay
isinalin na lang ito.

Taludtod 14

Simulaang Lengguwahe (Ingles) Tunguhang Lengguwahe (Filipino)

Nurture strength of spirit to shield you Patatagin ang espiritu bilang


in sudden misfortune. But do not pansangga lang sa di-inaasahang
distress yourself with imaginings. kasawian. Ngunit huwag
magpakaligalig sa mga
nakababahalang alalalahanin.

Sa taludtod na ito, mapapansin na may labimpitong salita at may


labing-anim na na salita lamang sa naisalin na. Hindi naging masalimuot ang
pagsasalin dahil hindi nagbago ang diwa ng parehong taludtod. Kahit na may

76
mga salitang nawala at nadagdag tulad ng salitang “nurture”, hindi na ito
sinali at ginamit na lamang ang “patatagin” o “strengthen”, at pagdagdag
“nakababahalang” na salita upang maiangkop sa “alalalahanin”. Kahit na
nagdagdag-bawas ng mga salita ay hindi naing masalimuot ang pagsasalin.
Mahahalintulad pa rin ito sa Dynamic Equivalence ni Eugene Nida.

Taludtod 15

Simulaang Lengguwahe (Ingles) Tunguhang Lengguwahe (Filipino)

Many fears are born of fatigue and Maraming pangamba ang dulot ng
loneliness. pagod at pangungulila.

Sa taludtod na ito, ang ang orihinal ay may walo na salita at ang isinalin
ay may walo rin na salitang nagmit. Kahit na may mga litang hindi naisalin
at gumamit ng ibang termino ay hindi mababanaag ang pagkamasalimuot sa
pagsasalin. Naibigay pa rin ang diwa na nais iparating ng taludtod at hindi
nagbago. Maaring milalapat sa taludtod na ito ang Dynamic Equivalence ni
Eugene Nida.

Taludtod 16

Simulaang Lengguwahe (Ingles) Tunguhang Lengguwahe (Filipino)

Beyond a wholesome discipline, be Bukod sa pagkakaroon ng sapat na


gentle with yourself. disiplina, maging malumanay sa
sarili

Sa taludtod na ito, ang ang orihinal ay may walo na salita at ang isinalin
ay may labing-isa na salitang nagmit. Kahit na may mga litang hindi naisalin
at gumamit ng ibang termino ay hindi mababanaag ang pagkamasalimuot sa
pagsasalin. Naibigay pa rin ang diwa na nais iparating ng taludtod at hindi
nagbago. Maaring milalapat sa taludtod na ito ang Dynamic Equivalence ni
Eugene Nida.

77
SAKNONG 5

Taludtod 17

Simulaang Lengguwahe (Ingles) Tunguhang Lengguwahe (Filipino)

You are a child of the universe, no less Supling ka ng uniberso, gaya ng mga
than the trees and the stars; you have punot tala, karapatan mong dumito.
a right to be here.

Sa taludtod na ito, may labindalawa ang orihinal at may labindalawa


rin ang sinalin. Kahit na maraming binawas na mga salita at hindi na sinalin
ay pareho pa rin ang siwa ng parehong teksto. Kahit may mga salita tulad ng
sa “no less than the trees and the stars” tungong “gaya ng mga punot tala”.
Hindi na sinalin ang “no less than” bagkus “gaya” ang ginamit sa
pangungusap, ngunit naroon pa rin ang diwa sa sinalin. Pati na rin ang “no
doubt the universe is unfolding as it should” tungong “sadyang
namumukadkad ang uniberso”. Dito makikita na natin ang Dynamic
Equivalence ni Eugene Nida, na kung saan ang teoryang ito ay nagsasabi na
maari kang magdagdag o magbawas ng mga salita basta pasok ang mga
mensahe sa pagsasalin. Dito rin ay mas matingkad ang interbensyon ng
tagapagsalin. Sa taludtod na naibigay pinalitan ng tagasalin ang mga wikang
ginamit mula sa orihinal patungong sinalin sa angkop na mga termino upang
mas maintihan ito.

Taludtod 18

Simulaang Lengguwahe (Ingles) Tunguhang Lengguwahe (Filipino)

And whether or not it is clear to you, At malinaw man ito o hindi sa iyo
no doubt the universe is unfolding as walang alinlangan, sadyang
it should. namumukadkad ang uniberso.

Sa taludtod na ito, may labing-walo ang orihinal at may labing-apat rin


ang sinalin. Kahit na maraming binawas na mga salita at hindi na sinalin ay

78
pareho pa rin ang siwa ng parehong teksto. Hindi na rin sinalin ang salitang
“no doubt” at “should” ngunit hindi pa rin nawala ang diwa ng taludtod. Dito
makikita na natin ang Dynamic Equivalence ni Eugene Nida, na kung saan
ang teoryang ito ay nagsasabi na maari kang magdagdag o magbawas ng mga
salita basta pasok ang mga mensahe sa pagsasalin. Dito rin ay mas
matingkad ang interbensyon ng tagapagsalin. Sa taludtod na naibigay
pinalitan ng tagasalin ang mga wikang ginamit mula sa orihinal patungong
sinalin sa angkop na mga termino upang mas maintihan ito.

SAKNONG 6

Taludtod 19

Simulaang Lengguwahe (Ingles) Tunguhang Lengguwahe (Filipino)

Therefore be at peace with God, Kaya maging payapa sa Panginoon,


whatever you conceive Him to be, paano man ang pagkilala mo sa
Kanya

Sa taludtod na ito, ang simulaing lengguwahe ay may labindalawang


salitang ginamit, at sa isinalin o sa tunguhing wika ay may labindalawang
salita. Dito makikita natin ang pagpapalit ng mga termino ng mga salita,
ngunit pareho pa rin ang diwa ng dalawa. Mas nanaig ang estilo ng
tagpagsalin dahil sa pagbabawas ng mga salitang isinalin bagkus hidi naman
nagbago ang kahulugan nito. Dito rin ay malalapat natin ang Dynamic
Equivalence ni Eugene Nida na kung saan mas matingkad ang interbersyon
ng tagpagsalin.

Taludtod 20

Simulaang Lengguwahe (Ingles) Tunguhang Lengguwahe (Filipino)

And whatever your labors and At anuman ang iyong pagsisikap at


aspirations, in the noisy confusion of pangarap; sa maingay na kaguluhan
life keep peace with your soul.

79
ng buhay panatilihing panatag ang
iyong loob.

Sa taludtod na ito, ang simulaing lengguwahe ay may labimpitong


salitang ginamit, at sa isinalin o sa tunguhing wika ay may labong-walo, hindi
naging masalimuot ang pagsalin. Tulad sa paggamit ng salitang “confusion”
ay “kaguluhan ang ginamit”. Dito makikita natin ang pagpapalit ng mga
termino ng mga salita, ngunit pareho pa rin ang diwa ng dalawa. Mas nanaig
ang estilo ng tagpagsalin dahil sa pagbabawas ng mga salitang isinalin
bagkus hidi naman nagbago ang kahulugan nito. Dito rin ay malalapat natin
ang Dynamic Equivalence ni Eugene Nida na kung saan mas matingkad ang
interbersyon ng tagpagsalin.

Taludtod 21

Simulaang Lengguwahe (Ingles) Tunguhang Lengguwahe (Filipino)

With all its sham, drudgery and Sa kabila ng pagkukunwari,


broken dreams, it is still a beautiful kawalang-kawawaan, at bigong
world. pangarap, Maganda pa rin itong
mundo.

Sa taludtod na ito, ang orhinal ay may dalawampu na salita at ang


sinalin ay may labimpito ba salitang nagamit. Hindi naging masalimuot ang
pagsasalin dahil hindi nawala ang diwa ng sinalin kahit na may mga
pagbabago sa mga termino ay napanatili pa rin ang diwa nito. Mapapansin
din ang mga salitang ginamit at idinagdag upang m ang nais iparating na
taludtod.katulad ng salitang “drudgery” ay sinalin ito sa “kawalang-
kawawaan” kahit na iba ang kahulugan ngunit may pagkakapareho rin
naman ang kahulugan nito. Mahahalintulad natin ito sa teoryang Dynamic
equivalence ni Eugene Nida.

80
Taludtod 22

Simulaang Lengguwahe (Ingles) Tunguhang Lengguwahe (Filipino)

Be cheerful. Strive to be happy. Maging masayahin. Sikaping


lumigaya.

Sa taludtod na ito, ang orhinal ay may anim na salita at ang sinalin ay


may apat na salitang nagamit. Hindi naging masalimuot ang pagsasalin dahil
hindi nawala ang diwa, at sinalin ito salita sa talita. Mahahalintulad natin ito
sa teoryang Dynamic equivalence ni Eugene Nida.

C. Ang pangungusap ay idyomatiko o Kawikaan ( Diwa ang isinalin at


hindi isinalin)

Unang Saknong

Simulaang Lengguwahe (Ingles) Tunguhang Lengguwahe (Filipino)

Go placidly amid the noise and Humayo nang payapa sa gitna ng


haste, and remember what peace ingay at pagkukumahog at
there may be in silence. tandaang may katiwasayang
masusumpungan sa katahimikan.
As far as possible without surrender
be on good terms with all persons. Hanggang kakayanin at nang hindi
sumusuko, pakitunguhan nang
Speak your truth quietly and clearly;
mabuti ang lahat.
and listen to others, even the dull
and ignorant; they too have their Sambitin ang sariling katotohanan
story. nang mahinahon at walang gatol at
pakinggan ang iba, kahit ang pulpol
Avoid loud and aggressive persons;
at mangmang. Sila man ay may
they are vexations to the spirit.
masasabi.

81
If you compare yourself with others, Iwasan ang hambog at mapusok;
you may become vain and bitter; nakaliligalig sila ng loob.

For always there will be greater and Kung ihahambing ang sarili sa iba,
lesser persons than yourself. baka maging palalo o puno ng
hinampo dahil laging may
makahihigit o mababa sa iyo.

Sa saknong na ito ay hindi ito makikitaan ng pagiging idyomatiko ng


salin ngunit hindi nawala ang diwa na nais ipabatid ng may akda. Sa puntong
ito ay nakuha ng tagapagsalin ang ideya ng orihinal na may akda.
Mapapansin na sa orihinal na “Speak your truth quietly and clearly” ay
tinumbasan ito sa sinalin ng “Sambitin ang sariling katotohanan nang
mahinahon at walang gatol”. Kung susuriin, nagdagdag ang tagapagsalin ng
mga salita upang mas malinaw ang kahulugan ng orihinal patungong sinalin.
Mapapansin rin ang mga salitang “quietly and clearly” na hindi sinaling sa
salitang “tahimik at malinaw” Sa salitang “If you compare yourself with others”
ay sinalin ito patungong “Kung ihahambing ang sarili sa iba” ay makikitaan
ng pormularyo dahil pinanatili at walang binago sa anyo. Ang pagsasalin ay
nakapokus sa estruktura ng pangungusap at angkop ang naibigay, wang
binago sa mga salita sa pagalin. Ngunit, sa salitang “you may become vain
and bitter” ay isinalin ito sa “baka maging palalo o puno ng hinampo”, kung
papansinin ay iniba ng tagapagsalin ang salin ng “bitter” o “mapait’’ sa
Filipino Kahit may mga salitang iniba ang pagkakasalin ay mababanaag pa
rin ang diwa. Hindi ito nakasalin sa paraang salita sa salita dahil kung
naisalin ito sa paraang yaon ay iba ang magiging estruktura ng pangungusap,
sa madaling sabi hindi ito nakikitaan ng literal na paraan ng pagkakasalin.

Ikalawang Saknong

Simulaang Lengguwahe (Ingles) Tunguhang Lengguwahe (Filipino)

Enjoy your achievements as well as Masiyahin sa iyong tagumpay,


your plans. maging sa iyong mga balak.

82
Keep interested in your career, Pangalagaan ang iyong hanapbuhay
however humble; it is a real gaano man kahamak; iyay
possession in the changing fortunes maaasahang pag-aari sa pabago-
of time. bagong kapalarang dala ng
panahon. .
Exercise caution in your business
affairs; for the world is full of Ngunit huwag naming magbulag-
trickery. bulagan sa kabutihan.

But let this not blind you to what Marami ang nagsisikap maabot ang
virtue there is; kadakilaan, at saan mang dakoy
may kabayanihan.
Many persons strive for high ideals;
and everywhere life is full of
heroism.

Sa saknong na ito, tulad ng nauna ay hindi ito makikitaan ng pagiging


idyomatiko ng salin ngunit hindi nawala ang diwa na nais ipabatid ng may
akda. Sa puntong ito ay nakuha ng tagapagsalin ang ideya ng orihinal na may
akda. Pareho pa rin silang may mga salitang iniba ang pagkakasalin dahil
inangkop lamang ito sa kabuuang diwa. Mapapansin sa “Keep interested in
your career, however humble” ay sinalin tungong “Pangalagaan ang iyong
hanapbuhay gaano man kahamak” mapapnsin agad ang paggamit ng salitang
“pangalagaan” mula sa orihinal na “keep interested” sa pagsasalin na tio ay
iniba ang ng tagpagsalin ang mga salitang isinalin bagkus ang diwa ay
parehas lamang. Ang “it is a real possession in the changing fortunes of time.”
ay isinalin tungong “iyay maaasahang pag-aari sa pabago-bagong kapalarang
dala ng panahon”. Mapapansin agad dito ang pagsalin ng salitang “real
possession” ay sinalin “maaasahang pag-aari” na kung iisipin na ang
kahulugan ng “real” ay “katotohanan” at hindi “ miaaasahan” Isa na rito ang
“But let this not blind you to what virtue there is” tungong “Ngunit huwag
naming magbulag-bulagan sa kabutihan”. Dito mapapansin na hindi na
sinalin ang “virtue” at ginamit ang “ kabutihan” o “goodness”, mapapansin
na gumamit ng ibang termino ang tagapagsalin upang maibagay sa

83
mambabasa. Sa pagsasalin naman sa “many persons strive for high ideals;
and everywhere life is full of heroism” patungong “Marami ang nagsisikap
maabot ang kadakilaan, at saan mang dakoy may kabayanihan” ay may mga
terminong ginamit na naman ang tagpagsalin kahit na iba na ang kahulugan
mula sa orihinal na salita. Ang salitang “ high ideals” o “ mataas na mithiin “
ay isinalin tungong “Maabot ang kadakilaan” kahit na magkaiba ang
kahulugan ay ginamit ng tagapagsalin ang salita at inangkop lamang sa
mambabasa. Hindi ito nakasalin sa paraang salita sa salita dahil kung
naisalin ito sa paraang yaon ay iba ang magiging estruktura ng pangungusap,
sa madaling sabi hindi ito nakikitaan ng literal na paraan ng pagkakasalin.

Ikatlong Saknong

Simulaang Lengguwahe (Ingles) Tunguhang Lengguwahe (Filipino)

Be yourself.Especially, do not feign Magpakatotoo sa sarili. Higit sa


affection. lahat, huwag magpanggap sa
pagmamahal.
Neither be cynical about love; for in
the face of all aridity and Subalit huwag ding kutyain ang
disenchantment it is as perennial as pag-ibig pagkat sa harap ng lahat
the grass. ng kawalan ng sigla at pag-asa lagi
itong tumutubong muli tulad ng
damo.

Sa saknong na ito, tulad ng nauna ay hindi ito makikitaan ng pagiging


idyomatiko ng salin ngunit hindi nawala ang diwa na nais ipabatid ng may
akda. Sa puntong ito ay nakuha ng tagapagsalin ang ideya ng orihinal na may
akda. Pareho pa rin silang may mga salitang iniba ang pagkakasalin dahil
inangkop lamang ito sa kabuuang diwa. Sa pagsasalin ng “Neither be cynical
about love” patungong “Subalit huwag ding kutyain ang pag-ibig”, mapapansin
na nadadagdagan ang mga salitang ginamit. Nanaig talaga ang pagiging
Malaya dahil sa pagdagdag ng mga salita upang maiangkop ito sa Filipino, at
kahit ito ay hindi nasunod ay pareho pa rin ang diwa ng parehong teksto. Ang
pagkakasalin naman ng “for in the face of all aridity and disenchantment it is

84
as perennial as the grass.” Ay sinaling “pagkat sa harap ng lahat ng kawalan
ng sigla at pag-asa lagi itong tumutubong muli tulad ng damo”. Sa pagsasalin
ng mga yaon ay mapapansin ang pagpapalit ng mga terminong ginamit, tulad
ng “aridity” na imbis na “tigang” ay “kawalan ng sigla” pero kung susuriin ay
malapit rin naman ang kahulugan nito.Hindi ito nakasalin sa paraang salita
sa salita dahil kung naisalin ito sa paraang yaon ay iba ang magiging
estruktura ng pangungusap, sa madaling sabi hindi ito nakikitaan ng literal
na paraan ng pagkakasalin.

Ikaapat na Saknong

Simulaang Lengguwahe (Ingles) Tunguhang Lengguwahe (Filipino)

Take kindly the counsel of the years, Tanggapin nang mahinahon ang
gracefully surrendering the things of payo ng taon, at isuko nang magiliw
youth. ang mga biyaya ng kabataan.

Nurture strength of spirit to shield Patatagin ang espiritu bilang


you in sudden misfortune. But do not pansanggalang sa di-inaasahang
distress yourself with imaginings. kasawian. Ngunit huwag
magpakaligalig sa mga
Many fears are born of fatigue and
nakababahalang alalalahanin.
loneliness. Beyond a wholesome
discipline, be gentle with yourself. Maraming pangamba ang dulot ng
pagod at pangungulila. Bukod sa
pagkakaroon ng sapat na disiplina,
maging malumanay sa sarili.

Sa saknong na ito, tulad ng nauna ay hindi ito makikitaan ng pagiging


idyomatiko ng salin ngunit hindi nawala ang diwa na nais ipabatid ng may
akda. Sa puntong ito ay nakuha ng tagapagsalin ang ideya ng orihinal na may
akda. Pareho pa rin silang may mga salitang iniba ang pagkakasalin dahil
inangkop lamang ito sa kabuuang diwa. Mapapansin na sa “Nurture strength
of spirit” ay naisalin ito sa “Patatagin ang espiritu”. Mapapansin na hindi na

85
isinalin ang “nurture”, hindi na ito sinali at ginamit na lamang ang “patatagin”
o “strengthen”. Ngunit kung susumahin pa rin ay parehas pa rin ang diwa ng
dalawa. Isa rin sa napapansin ang pagdagdag “nakababahalang” na salita
upang maiangkop sa “alalalahanin” Mapapansin ang pagkakasalin sa “Many
fears are born of fatigue and loneliness” tungong “Maraming pangamba ang
dulot ng pagod at pangungulila”, ang pagkakaslain ng salitang “fear” ay naging
“pangamba, na kung iisipin na ang salin ng “fear” ay “takot” at hindi
“pangamba” na “worry” sa ingles Hindi ito nakasalin sa paraang salita sa
salita dahil kung naisalin ito sa paraang yaon ay iba ang magiging estruktura
ng pangungusap, sa madaling sabi hindi ito nakikitaan ng literal na paraan
ng pagkakasalin

Ikalimang Saknong

Simulaang Lengguwahe (Ingles) Tunguhang Lengguwahe (Filipino)

You are a child of the universe, no Supling ka ng uniberso, gaya ng


less than the trees and the stars; you mga punot tala, karapatan mong
have a right to be here. dumito.

And whether or not it is clear to you, At malinaw man ito o hindi sa iyo
no doubt the universe is unfolding as walang alinlangan, sadyang
it should. namumukadkad ang uniberso.

Sa saknong na ito, tulad ng nauna ay hindi ito makikitaan ng pagiging


idyomatiko ng salin ngunit hindi nawala ang diwa na nais ipabatid ng may
akda. Sa puntong ito ay nakuha ng tagapagsalin ang ideya ng orihinal na may
akda. Pareho pa rin silang may mga salitang iniba ang pagkakasalin dahil
inangkop lamang ito sa kabuuang diwa. Makikita agad ang pagbawas atm
dagdag ng mga salita sa pagsasalin. Pareho ng “no less than the trees and the
stars” tungong “gaya ng mga punot tala”. Hindi na sinalin ang “no less than”
bagkus “gaya” ang ginamit sa pangungusap, ngunit naroon pa rin ang diwa
sa sinalin. Mapapansin sa salitang “no doubt the universe is unfolding as it
should” tungong “sadyang namumukadkad ang uniberso”, hindi na rin sinalin

86
ang salitang “no doubt” at “should” ngunit hindi pa rin nawala ang diwa ng
taludtod. Sa kabuuan masasabing Malaya ito dahil pinapahalagahan ang
kahulugan kaysa sa estruktura ng pangungusap. Pinapahintulutan nito ng
magdagdag o magbawas ng mga salita upang mas lumitaw ang kahulugan ng
orihinal. Hindi ito nakasalin sa paraang salita sa salita dahil kung naisalin
ito sa paraang yaon ay iba ang magiging estruktura ng pangungusap, sa
madaling sabi hindi ito nakikitaan ng literal na paraan ng pagkakasalin. At
pareho pa rin diwa ng dalawa.

Ikaanim na Saknong

Simulaang Lengguwahe (Ingles) Tunguhang Lengguwahe (Filipino)

Therefore be at peace with God, Kaya maging payapa sa Panginoon,


whatever you conceive Him to be, paano man ang pagkilala mo sa
Kanya
And whatever your labors and
aspirations, in the noisy confusion of At anuman ang iyong pagsisikap at
life keep peace with your soul. pangarap; sa maingay na
kaguluhan ng buhay panatilihing
With all its sham, drudgery and
panatag ang iyong loob.
broken dreams, it is still a beautiful
world. Sa kabila ng pagkukunwari,
kawalang-kawawaan, at bigong
Be cheerful. Strive to be happy.
pangarap, Maganda pa rin itong
mundo. Maging masayahin.
Sikaping lumigaya.

Sa saknong na ito, tulad ng nauna ay hindi ito makikitaan ng pagiging


idyomatiko ng salin ngunit hindi nawala ang diwa na nais ipabatid ng may
akda. Sa puntong ito ay nakuha ng tagapagsalin ang ideya ng orihinal na may
akda. Pareho pa rin silang may mga salitang iniba ang pagkakasalin dahil
inangkop lamang ito sa kabuuang diwa. Tulad ng salitang “confusion” ay

87
“kaguluhan ang ginamit”. Salitang “drudgery” ay sinalin ito sa “kawalang-
kawawaan”.

D. Pinakamalapit sa diwa, isipan o damdaming taglay ng orihinal.

Sa pagsasaling ito ni Benilda Santos, isa laamng ang iyong


mapapansing, ang paggamit niya ng literal na salin. Maingat niyang pinanatili
ang kahulugan at estruktura ng wikang orihinal na akda. Hindi rin
karaniwang ang ayos ng pangungusap nito sapagkat nauuna ang paksa sa
panaguri, katulad ng sa wikang Ingles na nagrersulta ng pagiging hindi
madulas at natural ang dating nito sa paningin at pandinig ng mga
mambabasa ng isinaling akda.

Ang salin ding ito ni Santos ay isang uri ng Formal Equivalence ni


Eugene Nida. Dahil nakatuon ditto ang denotatibong kahulugan ng mga
salita, parirala, o pangungusap. Ginanit ito ni Santos upang Makita ng
malinaw ng mambabasa ang estruktura at kahulugan ng orihinal.

Mas mahalaga ang katapatan sa orihinal na teksto kaysa fluency sa


literal na salin. Ito’y karaniwang ginagawa kapag ang target na mambabasa
ng salin ay mga estudyante, iskolar, o karaniwang taong karaniwang taong
nakauunawa sa parehong source language (SL) at target language (TL).
Itinatanghal dito ang kulturang nakapaloob sa SL kaya naman nagtutunog
itong dayuhan. Halimbawa ng pagtuon sa dayuhang kultura ang hindi na
paghahanap ng katumbas sa Filipino ng mga kultural na dayuhan o
ekspresyon.

Makikita sa ibaba ang isinaling akda ni Benilda Santos, kasabay ng


ekplinasyon ng mga linya at kung ano ang nais ipakahulugan at ipahiwatig
nito.

88
Unang Saknong

Simulaang Lengguwahe (Ingles) Tunguhang Lengguwahe (Filipino)

Go placidly amid the noise and Humayo nang payapa sa gitna ng


haste, and remember what peace ingay at pagkukumahog at
there may be in silence. tandaang may katiwasayang
masusumpungan sa katahimikan.
As far as possible without surrender
be on good terms with all persons. Hanggang kakayanin at nang hindi
sumusuko, pakitunguhan nang
Speak your truth quietly and clearly;
mabuti ang lahat.
and listen to others, even the dull
and ignorant; they too have their Sambitin ang sariling katotohanan
story. nang mahinahon at walang gatol at
pakinggan ang iba, kahit ang pulpol
Avoid loud and aggressive persons;
at mangmang. Sila man ay may
they are vexations to the spirit.
masasabi.

If you compare yourself with others,


Iwasan ang hambog at mapusok;
you may become vain and bitter;
nakaliligalig sila ng loob.

For always there will be greater and


Kung ihahambing ang sarili sa iba,
lesser persons than yourself.
baka maging palalo o puno ng
hinampo dahil laging may
makahihigit o mababa sa iyo.
Ipinagdiriwang ng unang saknong ang katahimikan kung saan maaari
at dapat ilipat ang isa sa gitna ng ingay at gulo ng buhay. Nais rin nitong
ipahiwatig ang isang mapayapang pamumuhay sa kapwa tao, ngunit
ginagawa ito pagkatapos na maging karapat-dapat ito sa loob ng isang tiyak
na kasiguraduhan: As far as possible without surrender...

Nakita namin ang tulang nagbibigay-daan sa mapayapang


pamumuhay nang hindi isinuko ang sariling respeto sa sarili at dignidad sa
ganyang paraan magagawang ang mga payo ay isang makatotohanan sa halip

89
na isang ideyalistiko. Ang pagsasalita ng katotohanan ng isang tao ay
balansehin sa pakikinig sa iba, hindi alintana ang kanilang intelektwal na
kakayahan dahil ang mga tao ay may mga karanasan na maaaring lumampas
sa dominyo ng talino at ang dignidad ng tao ay higit pa sa galing sa pag-iisip.

Ikalawang Saknong

Simulaang Lengguwahe (Ingles) Tunguhang Lengguwahe (Filipino)

Enjoy your achievements as well as Masiyahin sa iyong tagumpay,


your plans. maging sa iyong mga balak.

Keep interested in your career, Pangalagaan ang iyong hanapbuhay


however humble; it is a real gaano man kahamak; iyay
possession in the changing fortunes maaasahang pag-aari sa pabago-
of time. bagong kapalarang dala ng
panahon. .
Exercise caution in your business
affairs; for the world is full of Ngunit huwag naming magbulag-
trickery. bulagan sa kabutihan.

But let this not blind you to what Marami ang nagsisikap maabot ang
virtue there is; kadakilaan, at saan mang dakoy
may kabayanihan.
Many persons strive for high ideals;
and everywhere life is full of heroism

Sa pangalawang saknong pinapayuhan ng makata ang isa na iwasan


ang hambog at mapusok na mga tao tulad ng, simpleng salita, sinisira nila
ang isang kalagayan. Isang kinakailangang payo sa mundong ito sa atin.
Gayundin, hindi dapat natin ihambing ang ating sarili sa iba sapagkat
palaging mayroong isang tao na mas mabuti o mas hindi nakaaangat kaysa
sa atin. Hindi kinakailangang magmalaki o manghinayang sa sarili. Ang isang
napakahalagang piraso ng payo ay ibinibigay sa huling linya ng ikalawang
saknong: Masiyahin sa iyong tagumpay, maging sa iyong mga balak.
Maaaring ang payong ito ay tunog makaluma na, ngunit dapat nating

90
pakatandaan na angpaglalakbay ay kasing kahalagahan ng ating
patutunguhan.

Ang paghawak ng mahigpit sa isang karera ay natatangi sa saknong na


ito dahil nagbibigay ito ng isa sa isang tiyak na antas ng katatagan sa mga
oras na may kaguluhan. Pinapayuhan din nito ang isa na maging maingat sa
mundong ito na puno ng panlilinlang ngunit gawin ito nang hindi isinasara
ang sarili sa lahat ng mabuti at banal, para sa maraming tao na nagpapatuloy
sa kanilang hindi namamalaging gawa at hindi namamalaging kilos ng
kabayanihan sa kanilang pang-araw-araw na buhay. Ang tula ay may
hinaluan mga salitang tulad ng ng, ngunit, hangga't maaari, lalo na atbp. Ang
kagandahan ng tula ay nakasalalay sa balanse nito at ang implicit na
pagkilala nito sa mga limitasyon ng aplikasyon nito.

Ikatlong Saknong

Simulaang Lengguwahe (Ingles) Tunguhang Lengguwahe (Filipino)

Be yourself.Especially, do not feign Magpakatotoo sa sarili. Higit sa


affection. lahat, huwag magpanggap sa
pagmamahal.
Neither be cynical about love; for in
the face of all aridity and Subalit huwag ding kutyain ang
disenchantment it is as perennial as pag-ibig pagkat sa harap ng lahat
the grass. ng kawalan ng sigla at pag-asa lagi
itong tumutubong muli tulad ng
damo.

Ang stanza na ito ay hinihimok ang isa na maging totoo sa sarili, lalo
na sa mga usapin ng pagmamahal at pagmamahal. Hinihimok nito ang isa
na huwag gumawa ng mga pagpapanggap tungkol sa pag-ibig "lalo na huwag
magpanggap ng pagmamahal” o maging mapang-uyam tungkol dito. Ang
isang positibong pagtutulad ay ginagamit upang ilarawan ang papel na
ginagampanan ng pag-ibig sa panahon ng paghihirap ng buhay sapagkat ito
ay isa sa ilang mga bagay na umunlad bilang pangmatagalan tulad ng damo

91
kahit na sa harap ng mga paghihirap at kawalan ng pag-asa (tigang at
kawalan ng kasiyahan).

Ikaapat na Saknong

Simulaang Lengguwahe (Ingles) Tunguhang Lengguwahe (Filipino)

Take kindly the counsel of the years, Tanggapin nang mahinahon ang
gracefully surrendering the things of payo ng taon, at isuko nang magiliw
youth. ang mga biyaya ng kabataan.

Nurture strength of spirit to shield Patatagin ang espiritu bilang


you in sudden misfortune. But do not pansanggalang sa di-inaasahang
distress yourself with imaginings. kasawian. Ngunit huwag
magpakaligalig sa mga
Many fears are born of fatigue and
nakababahalang alalalahanin.
loneliness. Beyond a wholesome
discipline, be gentle with yourself. Maraming pangamba ang dulot ng
pagod at pangungulila. Bukod sa
pagkakaroon ng sapat na disiplina,
maging malumanay sa sarili.

Ang isang metonymy ay ginagamit dito upang ilarawan ang


kahalagahan ng karunungan at karanasan ng pagtanda (payo ng mga taon)
na kailangang kunin sa isang tiyak na antas ng pagiging bukas at kababaang-
loob. Kahit na ang isang tao ay hindi dapat maging balisa, ang isa ay dapat
maging handa na kunin ang mga hamon ng buhay tulad ng na-highlight ng
alliteration alagaan lakas ng espiritu upang kalasag sa iyo sa biglaang
kapalaran. Sa sandaling disiplinahin ang sarili sa isang malusog na
pamamaraan, ang isa ay hindi dapat maging masyadong matigas sa sarili.

92
Ikalimang Saknong

Simulaang Lengguwahe (Ingles) Tunguhang Lengguwahe (Filipino)

You are a child of the universe, no Supling ka ng uniberso, gaya ng


less than the trees and the stars; you mga punot tala, karapatan mong
have a right to be here. dumito.

And whether or not it is clear to you, At malinaw man ito o hindi sa iyo
no doubt the universe is unfolding as walang alinlangan, sadyang
it should. namumukadkad ang uniberso.

Ang partikular na saknong na ito ay naglalaman ng isa sa mga


kapansin-pansin na linya sa buong tula. Ang pagiging positibo ng mensahe
sa saknong na ito ay walang kapantay. Nagsasangkot ito ng pagkilala sa sarili
bilang isang bahagi ng sansinukob sa parehong pagkakasunud-sunod ng
mga puno at mga bituin. Sa pamamagitan ng paglalagay ng indibidwal bilang
isang strand sa mahusay na tela ng pagiging, ang stanza ay nagpapatunay
na ang cosmos ay nakikipagsabwatan upang mangyari ang mga bagay ayon
sa nararapat, maging o hindi ito maaaring nasa loob ng aming pagkaunawa.

Ikaanim na Saknong

Simulaang Lengguwahe (Ingles) Tunguhang Lengguwahe (Filipino)

Therefore be at peace with God, Kaya maging payapa sa Panginoon,


whatever you conceive Him to be, paano man ang pagkilala mo sa
Kanya
And whatever your labors and
aspirations, in the noisy confusion of At anuman ang iyong pagsisikap at
life keep peace with your soul. pangarap; sa maingay na
kaguluhan ng buhay panatilihing
panatag ang iyong loob.

93
With all its sham, drudgery and Sa kabila ng pagkukunwari,
broken dreams, it is still a beautiful kawalang-kawawaan, at bigong
world. pangarap, Maganda pa rin itong
mundo. Maging masayahin.
Be cheerful. Strive to be happy.
Sikaping lumigaya.

Ang saknong na ito ay nagtatayo sa pang-anim na saknong at


hinihikayat ang isa na manatiling tahimik at kilalanin na ang mga bagay ay
nangyayari alinsunod sa paraan na nilalayon na ito ay dapat at na ang isa ay
dapat na payapa sa Diyos at sa kaluluwa ng isa sa gitna ng maingay na
pagkalito ng buhay. Tinatakwil nito ang makitid na hangganan ng relihiyon
sa pamamagitan ng linya na kung ano man ang maituturing mo sa kanya
(Diyos).

Ang huling saknong ay ipinagdiriwang ang pagiging perpekto sa loob


ng mga di-kasakdalan ng pang-araw-araw na buhay. Habang ang karamihan
sa mundo ay puno ng mga depekto, gayon pa man ito ay isang magandang
mundo. Sa ganitong mundo, ang kaligayahan ay hindi estado ngunit aksyon;
ito ay isang pagsisikap at pag-uugali. Marahil ito ang dahilan kung bakit
nagtapos ang tula sa mga linya: Maging maligaya. Sikaping maging masaya

Ang Desiderata ay isang tula na hindi lamang tumatanggap ng mga


kakulangan ng ating mundo ngunit tumutulong din sa amin na bumangon
sa kanila at pinapaalala sa atin ang mga munting kagalakan at kagandahang
dumadami sa ating buhay. Ipinaaalala nito sa atin na ang isang tao ay maaari
pa ring maging isang malapad na mapangarapin nang hindi sinasara ang
sarili sa mga di-kasakdalan ng totoong mundo.

94
E. Sinunod ba ang kinaugaliang paraan ng pagpapahayag sa wikang
pinagsasalinan.
SAKNONG 1

Taludtod 1

Simulaang Lengguwahe (Ingles) Tunguhang Lengguwahe (Filipino)

Go placidly amid the noise and haste, Humayo nang payapa sa gitna ng
and remember what peace there may ingay at pagkukumahog, at
be in silence. tandaang may katiwasayang
masusumpungan sa katahimikan.

Sa unang taludtod ng tula, sinunod ang kinaugaliang paraan ng


pagpapahayag ng Tunguhang Lengguwaheng Filipino na kung saan nauna
ang paksa kaysa panaguri. Gumamit ng panandang pangawing na ‘at’ kung
kaya’t maituturing na nasa di-karaniwang ayos ang linya. Ang paksa ay
“Humayo nang payapa sa gitna ng ingay at pagkukumahog” at ang panaguri
ay “at tandaang may katiwasayang masusumpungan sa katahimikan”.

Taludtod 2

Simulaang Lengguwahe (Ingles) Tunguhang Lengguwahe (Filipino)

As far as possible without surrender Hanggang kakayanin at nang hindi


be on good terms with all persons. sumusuko, pakitunguhan nang
mabuti ang lahat.

Sa Ikalawang taludtod naman ng tula, sinunod ang pa rin ang


kinaugaliang paraan ng Simulaang Lengguwaheng Ingles. Ang ayos ng linya
ay, nauna ang simunong “Hanggang kakayanin at nang hindi sumusuko” at
sinundan ng panaguring “pakitunguhan nang mabuti ang lahat”. Gumamit
lamang ito ng pananda na kuwit.

95
Taludtod 3

Simulaang Lengguwahe (Ingles) Tunguhang Lengguwahe (Filipino)

Speak your truth quietly and clearly; Sambitin ang sariling katotohanan
and listen to others, even the dull and nang mahinahon at walang gatol at
ignorant; they too have their story. pakinggan ang iba, kahit ang pulpol
at mangmang. Sila man ay may
masasabi

Sa Ikatlong taludtod naman ng tula, sinunod pa rin ang kinaugaliang


paraan ng Simulaang Lengguwaheng Ingles. Ang ayos ng linya ay, nauna ang
simunong “Sambitin ang sariling katotohanan nang mahinahon at walang
gatol at pakinggan ang iba,” at sinundan ng panaguring “pakinggan ang iba,
kahit ang pulpol at mangmang. Sila man ay may masasabi”. Gumamit rin
siya ng panandang pangawing na “at”. Dagdag pa rito, hindi ito ginamitan ng
tuldok-kuwit ngunit ginamitan ng pananda na kuwit at tuldok.

Taludtod 4

Simulaang Lengguwahe (Ingles) Tunguhang Lengguwahe (Filipino)

Avoid loud and aggressive persons; Iwasan ang hambog at mapusok;


they are vexations to the spirit. nakaliligalig sila ng loob.

Sa Ika-apat na taludtod ng tula, sinunod ang pa rin ang kinaugaliang


paraan ng Simulaang Lengguwaheng Ingles. Ang ayos ng linya ay, nauna ang
simunong “Iwasan ang hambog at mapusok” at sinundan ng panaguring
“nakaliligalig sila ng loob”.

96
Taludtod 5

Simulaang Lengguwahe (Ingles) Tunguhang Lengguwahe (Filipino)


If you compare yourself with others, Kung ihahambing ang sarili sa iba,
you may become vain and bitter; for baka maging palalo o puno ng
always there will be greater and hinampo. dahil laging may
lesser persons than yourself. makahihigit o mababa sa iyo.

Sa Ika-limang taludtod naman ng tula, sinunod ang pa rin ang


kinaugaliang paraan ng Simulaang Lengguwaheng Ingles. Ang ayos ng linya
ay nauna ang simunong “Kung ihahambing ang sarili sa iba, baka maging
palalo o puno ng hinampo” at sinundan ng panaguring “dahil laging may
makahihigit o mababa sa iyo. Idagdag pa rito ang hindi paggamit ng tuldok-
kuwit.

SAKNONG 2

Taludtod 6

Simulaang Lengguwahe (Ingles) Tunguhang Lengguwahe (Filipino)

Enjoy your achievements as well as Masiyahin sa iyong tagumpay,


your plans maging sa iyong mga balak.

Sa Ika-anim na taludtod ng tula, sinunod ang pa rin ang kinaugaliang


paraan ng Simulaang Lengguwaheng Ingles. Ang ayos ng linya ay nauna ang
simunong “Masiyahin sa iyong tagumpay” at sinundan ng panaguring
“maging sa iyong mga balak. Ngunit ginamitan lng itong panandang kuwit
upang pag-hiwalayin ang simuno sa panaguri.

97
Taludtod 7

Simulaang Lengguwahe (Ingles) Tunguhang Lengguwahe (Filipino)

Keep interested in your career, Pangalagaan ang iyong hanapbuhay


however humble; it is a real gaano man kahamak; iyay
possession in the changing fortunes maaasahang pag-aari sa pabago-
of time. bagong kapalarang dala ng panahon

Sa Ika-pitong taludtod naman ng tula, sinunod ang pa rin ang


kinaugaliang paraan ng Simulaang Lengguwaheng Ingles. Ang ayos ng linya
ay, nauna ang simunong “Masiyahin sa iyong tagumpay, maging sa iyong mga
balak,” at sinundan ng panaguring “Pangalagaan ang iyong hanapbuhay
gaano man kahamak; iyay maaasahang pag-aari sa pabago-bagong
kapalarang dala ng panahon”.

Taludtod 8

Simulaang Lengguwahe (Ingles) Tunguhang Lengguwahe (Filipino)

Exercise caution in your business Mag-ingat sa pakikipagnegosyo


affairs; for the world is full of pagkat puno ng bulaan ang mundo
trickery.

Sa Ikawalong taludtod naman ng tula, mapapansin ang hindi paggamit


tutuldok-kuwit bagkus tulo-tuloy ang daloy ng pangungusap. Sinunod pa rin
ang kinaugaliang paraan ng Simulaang Lengguwaheng Ingles. Ang ayos ng
linya ay, nauna ang simunong “Mag-ingat sa pakikipagnegosyo” at sinundan
ng panaguring “pagkat puno ng bulaan ang mundo”.

Taludtod 9

Simulaang Lengguwahe (Ingles) Tunguhang Lengguwahe (Filipino)

98
But let this not blind you to what Ngunit huwag naming magbulag-
virtue there is; many persons strive bulagan sa kabutihan.Marami ang
for high ideals; and everywhere life nagsisikap maabot ang kadakilaan, at
is full of heroism saan mang dakoy may kabayanihan

Sa taludtod na ito naman ng tula, sinunod pa rin ang kinaugaliang


paraan ng Simulaang Lengguwaheng Ingles. Ang ayos ng linya ay, nauna ang
simunong “Ngunit huwag namang magbulag-bulagan sa kabutihan.” at
sinundan ng panaguring “Marami ang nagsisikap maabot ang kadakilaan, at
saan mang dakoy may kabayanihan”. Ngunit mapapansin ang hindi paggamit
ng tutldok-kuwit sa halip ay kuwit ang ginamit sapagkat inihihiwalay ang
magkasunod na salita at lipon ng mga salitang magkakauri.

SAKNONG 3

Taludtod 10

Simulaang Lengguwahe (Ingles) Tunguhang Lengguwahe (Filipino)

Be yourself. Magpakatotoo sa sarili.

Ang ikasampung taludtod ay sinunod pa rin ang kinaugaliang paraan


ng Simulaang Lengguwaheng Ingles. Ang ayos ng linya ay nauna ang
simunong “Magpakatotoo” at sinundan ng panaguring “sa sarili”.

Taludtod 11

Simulaang Lengguwahe (Ingles) Tunguhang Lengguwahe (Filipino)

Especially, do not feign affection. Higit sa lahat, huwag magpanggap sa


pagmamahal

Sa Ikalabing-isang taludtod naman ng tula, sinunod ang pa rin ang


kinaugaliang paraan ng Simulaang Lengguwaheng Ingles. Ang ayos ng linya

99
ay, nauna ang simunong “Higit sa lahat,” at sinundan ng panaguring “huwag
magpanggap sa pagmamahal”.

Taludtod 12

Simulaang Lengguwahe (Ingles) Tunguhang Lengguwahe (Filipino)

Neither be cynical about love; for in Subalit huwag ding kutyain ang pag-
the face of all aridity and ibig, pagkat sa harap ng lahat ng
disenchantment it is as perennial as kawalan ng sigla at pag-asa lagi itong
the grass. tumutubong muli tulad ng damo.

Sa taludtod na ito ng tula, sinunod pa rin ang kinaugaliang paraan ng


Simulaang Lengguwaheng Ingles. Ngunit ang salin na “Subalit huwag ding
kutyain ang pag-ibig” ay maibibilang sa uring Payak na Simuno at Tambalang
panaguri naman ang “pagkat sa harap ng lahat ng kawalan ng sigla at pag-
asa lagi itong tumutubong muli tulad ng damo.

SAKNONG 4

Taludtod 13

Simulaang Lengguwahe (Ingles) Tunguhang Lengguwahe (Filipino)

Take kindly the counsel of the years, Tanggapin nang mahinahon ang payo
gracefully surrendering the things of ng taon, at isuko nang magiliw ang
youth. mga biyaya ng kabataan.

Sa ikalabin- tatlong taludtod ng tula, sinunod ang kinaugaliang paraan


ng pagpapahayag ng Tunguhang Lengguwaheng Filipino na kung saan nauna
ang paksa kaysa panaguri. Gumamit ng panandang pangawing na ‘at’ kung
kaya’t maituturing na nasa di-karaniwang ayos ang linya. Ang paksa ay
“Tanggapin nang mahinahon ang payo ng taon” at ang panaguri ay “at isuko
nang magiliw ang mga biyaya ng kabataan”.

100
Taludtod 14

Simulaang Lengguwahe (Ingles) Tunguhang Lengguwahe (Filipino)

Nurture strength of spirit to shield Patatagin ang espiritu bilang


you in sudden misfortune. But do not pansangga lang sa di-inaasahang
distress yourself with imaginings. kasawian. Ngunit huwag
magpakaligalig sa mga
nakababahalang alalalahanin.

Sa Ikalabing-apat na taludtod naman ng tula, sinunod ang pa rin ang


kinaugaliang paraan ng Simulaang Lengguwaheng Ingles. Ang ayos ng linya
ay, nauna ang simunong “Patatagin ang espiritu bilang pansanggalang” at
sinundan ng panaguring “sa di-inaasahang kasawian”. Napapanatili pa rin sa
ikalabinlimang linya ang kinaugaliang paraan Simulaang Lengguwaheng
Ingles. Ang simuno ay matatagpuan pa rin sa unang bahagi ng pangungusap
na “Ngunit huwag magpakaligalig” at panaguri naman na “sa mga
nakababahalang alalalahanin” na matatagpuan sa hulihang bahagi ng
pangungusap.

Taludtod 15

Simulaang Lengguwahe (Ingles) Tunguhang Lengguwahe (Filipino)

Many fears are born of fatigue and Maraming pangamba ang dulot ng
loneliness. pagod at pangungulila.

Sa ikalabin-limang taludtod na linya, ang simuno na “Maraming


pangamba ang dulot” ay isang payak na simuno at ang panaguring “ng pagod
at pangungulila.” ay tambalang panaguri. Napapanatili pa rin nito ang sa
kinaugaliang paraan ng Simulaang Lengguwaheng Ingles.

101
Taludtod 16

Simulaang Lengguwahe (Ingles) Tunguhang Lengguwahe (Filipino)

Beyond a wholesome discipline, be Bukod sa pagkakaroon ng sapat na


gentle with yourself. disiplina, maging malumanay sa sarili

Sa ikalabing anim na taludtod, ang simuno dito o ang pinag-uusapan


sa isang pangungusap ay “Bukod sa pagkakaroon ng sapat na disiplina,” at
ang panaguri namao o ang tumatalakay sa pinaguusapan ay “maging
malumanay sa sarili.” ay nakapananatili pa rin sa kinaugaliang paraan ng
Simulaang Lengguwaheng Ingles.

SAKNONG 5

Taludtod 17

Simulaang Lengguwahe (Ingles) Tunguhang Lengguwahe (Filipino)

You are a child of the universe, no Supling ka ng uniberso, gaya ng mga


less than the trees and the stars; punot tala, karapatan mong dumito.
you have a right to be here

Sa taludtod ng tulang ito, sinunod ang kinaugaliang paraan ng


pagpapahayag ng Tunguhang Lengguwaheng Filipino na kung saan nauna
ang paksa kaysa panaguri. Gumamit ng panandang pangawing na ‘at’ na
ikinabis sa salitang “puno” kung kaya’t maituturing na nasa di-karaniwang
ayos ang linya. Ang paksa ay “Supling ka ng uniberso, gaya ng mga puno’t
tala” at ang panaguri ay “karapatan mong dumito”.

102
Taludtod 18

Simulaang Lengguwahe (Ingles) Tunguhang Lengguwahe (Filipino)

And whether or not it is clear to you, At malinaw man ito o hindi sa iyo
no doubt the universe is unfolding as walang alinlangan, sadyang
it should. namumukadkad ang uniberso.

Sa taludtod na ito makikita kuwit o “,” sapagkat dito hinati ang mga
lipon ng salitang panuring o pamuno sa simunong “At malinaw man ito o
hindi sa iyo,” an gang panaguri naman na “walang alinlangang sadyang
namumukadkad ang uniberso”. Napanatili pa rin ng linyang ito ang hinihingi
ng kinaugaliang paraan ng pagpapahayag ng Tunguhang Lengguwaheng
Filipino.

SAKNONG 6

Taludtod 19

Simulaang Lengguwahe (Ingles) Tunguhang Lengguwahe (Filipino)

Therefore be at peace with God, Kaya maging payapa sa Panginoon,


whatever you conceive Him to be, and paano man ang pagkilala mo sa
whatever your labors and Kanya at anuman ang iyong
aspirations, in the noisy confusion of pagsisikap at pangarap; sa maingay
life keep peace with your soul. na kaguluhan ng buhay panatilihing
panatag ang iyong loob.

Sa labin- siyam na taludtod ng tula, sinunod ang kinaugaliang paraan


ng pagpapahayag ng Tunguhang Lengguwaheng Filipino na kung saan nauna
ang paksa kaysa panaguri. Gumamit ng panandang pangawing na ‘at’ kung
kaya’t maituturing na nasa di-karaniwang ayos ang linya. Ang simuno ay
nasa payak na kalagayan at ang panaguri naman ay nasa uring payak na
tambalan. Ang paksa ay “Kaya maging payapa sa Panginoon paano man ang
pagkilala mo sa Kanya” . . .

103
Taludtod 20

Simulaang Lengguwahe (Ingles) Tunguhang Lengguwahe (Filipino)

And whatever your labors and At anuman ang iyong pagsisikap at


aspirations, in the noisy confusion of pangarap; sa maingay na kaguluhan
life keep peace with your soul. ng buhay panatilihing panatag ang
iyong loob.

. . . At ang panaguri ay “at anuman ang iyong pagsisikap at pangarap;


sa maingay na kaguluhan ng buhay panatilihing panatag ang iyong loob”.

Taludtod 21

Simulaang Lengguwahe (Ingles) Tunguhang Lengguwahe (Filipino)

With all its sham, drudgery and Sa kabila ng pagkukunwari,


broken dreams, it is still a beautiful kawalang-kawawaan, at bigong
world. pangarap, Maganda pa rin itong
mundo.

Sa ikadalawampu’t isang taludtod ng tula, sinunod pa rin ang


kinaugaliang paraan ng pagpapahayag ng Tunguhang Lengguwaheng Filipino
na kung saan nauna ang paksa kaysa panaguri. Gumamit ng panandang
pangawing na ‘at’ kung kaya’t maituturing na nasa di-karaniwang ayos ang
linya. Ang paksa ay “Sa kabila ng pagkukunwari, kawalang-kawawaan, at
bigong pangarap,” at ang panaguri ay “maganda pa rin itong mundo. Maging
masayahin. Sikaping lumigaya.”

Taludtod 22

Simulaang Lengguwahe (Ingles) Tunguhang Lengguwahe (Filipino)

Be cheerful. Strive to be happy. Maging masayahin. Sikaping


lumigaya.

104
Sa huling taludtod ng tula, sinunod pa rin ang kinaugaliang paraan ng
pagpapahayag ng “Maging masayahin. “at panaguring “Sikaping lumigaya.”

F. Maugnayin o consistent ba ang salin kung saan isang salita lamang


ang ginamit sa mga salitang tinapatan?

Ang unang-una na mapapansin sa tula ay hindi pagpalit sa pamagat


nito. Pinanatili ang ni Nilda Santos ang orihinal na pamagat na “Ang
karamihan sa mga salitang ginamit ni Nilda Santos ay tinapatan ng wasto at
tugma mula sa simulaing wika. Ngunit napapansin sa ibang mga salita ay
mayroon itong ibang nais ipakahulugan. Katulad na lamang ng salitang “dull”
na ang ibig-sabihin ay mapurol ngunit isinalin ito ni Nilda na “pulpol” o bobo
at kulang sa kakayahan sa wikang Filipino.

Mapapansin din na nagkakaiba ang paggamit sa mga bantas.


Ihalintulad natin ito sa linyang “But let this not blind you to what virtue there
is; many persons strive for high ideals; and everywhere life is full of heroism.”
At sa salin na “Ngunit huwag namang magbulag-bulagan sa kabutihan.
Marami ang nagsisikap maabot ang kadakilaan, at saan mang dakoy may
kabayanihan.”

Mapapansin ang hindi na paggamit ng tutuldok-kuwit “;” bagkos tuldok


“.” at kuwit “,” na lamang ang ginamit. Dahil ang simulaing lengguwahe ay
nasa dalawang malalayang sugnay na hindi pinangangatnigan o hindi
pinagdutugtong ng pang-ugnay, ito ay ginagamitan ng tuldukuwit. At dahil
na iba na nag uri ng pangungusap, ginamitan na ito ng tuldok sapagkat
hudyat ito na nagtapos sa paturol o pasalaysay, pakiusap at pautos ang
pangungusap. Ginamitan naman ng kuwit sapagkat maaaring
magkakasunod ito na parirala, nasa pagitan ng tuwirang sabi at ibang bahagi
ng pangungusap o nasa pagitan ng pangalan o panghalip at ng pamuno.

Kahanga-hanga ang ginawang saling ito ni Nilda sapagkat hindi lang


nito natumbasan ang mga salita na nagmula sa Simulaing lengguwahe
bagkus napanatili pa niya ang consistency o pagkamaugnayin nito. Ayon nga

105
kay Friedrich Schleiermacher (1813) Mayroong dalawang uri ng pagsasalin,
ito ay maaring pabayaang manahimik ng tagasalin ang awtor, o maaring
pabayaang manahimik ng tagasalin ang mambabasa hanggang possible, at
pakilusin ang awtor tungo sa kaniya. At ganoon nga ang ginawa ng saling ito.
Hinayaan niya na magkaroon ng pagkakakilanlan ang orihinal na tula at
isalin ng matapat at hindi maligoy ang mga salita upang naroon pa rin ang
diwa ng tula.

G. Natural na tunog o daloy o estilo ng wikang pinagsasalinan.

Ang pinakaunang mapapansin sa salin ng “Desiderata” ni Benilda


Santos ay ang pagpapanatili sa mismong paksa ng tula. Hindi niya
tinumbasan ng ibang kahulugan ang salitang ito bagkus binigyan ng
pagpapahalaga ang orihinal na akda.

Simulaang Lenggwahe (Ingles) Tunguhang Lenggwahe (Filipino)

Go placidly amid the noise and Humayo nang payapa sa gitna ng ingay
haste, and remember what peace at pagkukumahog at tandaang may
there may be in silence” katiwasayang masusumpungan sa
katahimikan

Ang salin ni Benilda Santos ay tinatawag na Salin-Bawat-Salin


sapagkat tinutumbasan nito ang kahulugan ng isang salita. Katulad na
lamang ng linyang “Go placidly amid the noise and haste, and remember what
peace there may be in silence” na tinapatan ng saling “Humayo nang payapa
sa gitna ng ingay at pagkukumahog at tandaang may katiwasayang
masusumpungan sa katahimikan”. Pagsasaling literal din kung ito ay
tawagin sapagkat ang pahayag ng pinagmulang wika ay isinasalin sa
pinakamalapit na gramatiko na pagkakabuo ng wikang pinagsasalinan.
Maiuugnay rin ito sa isang saling matapat sapagkat sinisikap nito na
makagawa ng eksakto o katulad na katulad na kahulugang konstekstwal ng
orihinal.

106
Ang pagsasalin ring ito ni Santos ay isang literal na salin at angpahayag
ay isinasalin sa pinakamalapit na gramatikal na pagkakabuo sa
pinagsalinang wika. Kung minsan, nagiging masalita ito at nagiging mahaba
ang pahayag (Brendia, 2016). Kagaya na lamang ng linyang nasa ibaba:

Simulaang Lengguwahe (Ingles) Tunguhang Lengguwahe (Filipino)

As far as possible without surrender Hanggang kakayanin at nang hindi


be on good terms with all persons. sumusuko, pakitunguhan nang
mabuti ang lahat.

Isa pa sa salin ni Santos ay ang pagiging matapat ng kaniyang salin.


Sinisikap nito na makagawa ng eksakto o katulad na kahulugang
konstekstwal ng orihinal bagaman may suliranin sa estrukturang gramatikal
na nagsisilbing hadlang sa pagkakaroon ng eksaktong kahulugang
konstektwal. Sa buong panahon ng kaniyang salin ay binigyang-daan niya
ang naisi ipahiwatig ng awtor at bunigyang hustisya ang akda. Timumbasan
niya itong masining at hindi nababago ang nais ipahiwatig ng akda.

Simulaang Lengguwahe (Ingles) Tunguhang Lengguwahe (Filipino)

Exercise caution in your business Mag-ingat sa pakikipagnegosyo


affairs; for the world is full of trickery. pagkat puno ng bulaan ang mundo.

Ngunit mapapansing minsa’y nagkakapalit ang mga gamit ng bantas sa


isang taludtod. Gaya na lamang ng nasa baba:

Simulaang Lengguwahe (Ingles) Tunguhang Lengguwahe (Filipino)

Avoid loud and aggressive persons, Iwasan ang hambog at mapusok;


they are vexations to the spirit. nakaliligalig sila ng loob.

107
Ang paggamit ng tuldok-kuwit sa halip na kuwit lamang. Ayon kay
Quiambao (2019), ginagamit ang dalawang malayang sugnay na hindi
panangangatnigan o hindi pinagdurugtong ng pang-ugnay at ito ay ang mga
salitang “mapusok” at sinundan ng salitang “nakaliligalig”.

Hindi rin naapektuhan ng kaniyang damdamin ang tula na kaniyang


isinasalin bagkus binigyan niya ito ng hustiysya. Pagdating naman sa
naturalidad ng daloy ng wikang pinagsasalinan, dahil sa ito ay tula, natural
ang naging takbo nito. Nagkakaroon ng tugmaan sa hulian at ang mga
pangungusap ay malayang isinaayos.

108
KONKLUSYON

Ang tulang Desiderata ay may napakaraming aral na dulot. Gaano man


ito ka luma ay nanatili pa rin itong bago dahil ang mga aral na dala nito at
tema nito ay nakaugnay pa rin sa buhay ng isang tao. Kaya isang pagpupugay
sa may akda—Max Ehrmann dahil nabuo niya ang piyesang ito.

Sa kabilang banda, bilang paglalagom sa ginawang pagsusuri sa salin


ni Benilda Santos sa tulang ito, masasabing naging mahusay ang pagkasalin
niya dito. Buo pa rin ang diwa at mensahe ng orihinal na akda, may mga
pagbabago man sa ibang mga salita o termino mula sa SL patungong TL ay
hindi ito naging hadlang upang maiba ang kahulugan ng buong tula. Ang
mga pagbabagong ito ay ginawa upang mas aangkop sa mga target na
mambabasa at maging pasok sa kultura ng mga ito. Nailapat din ang teoryang
formal equivalence vs. dynamic equivalence ni Eugene Nida sa pagsasalin na
ito. May mga saknong na nasa anyong formal equivalence at may mga anyo
namang naa dynamic equivalence.

Samakatuwid, ang salin ni Benilda Santos ay naging himig-orihinal


dahil hindi niya binago ang estruktura ng kanyang pagsalin, kung ano ang
estruktura ng orihinal na teksto ay iyon din ang kanyang ginawa. Ano’t ano
pa man, nawa’y magsilibing gabay natin ang tulang “Desiderata”—salin man
o ang orihinal, sa pakikibaka natin sa buhay at sa ating pagpapakatao.

109
110
WHAT IS THE WORTH OF MY POETRY?
ni: Eden Layda

Si Wiji Thukul o kilala rin sa pangalan na Widji Widodo ay isang


kilalang manunula, isa sa pinaka magaling na manunulat, isang aktibista at
musiker sa teatro. Ipinanganak noong ika 26 ng Agosto 1963 sa Solo, Central
Java Indonesia. Ang kadalasang paksa ni Thukul sa kaniyang mga isinulat
na akda ay pumapatungkol sa pang-araw-araw na pakikibaka ng mga
mahihirap sa inhustisyang pamamalakad ng kanilang gobyerno. Dahil sa
kaniyang ginawang mga tula ay marami ang humanga sa kanya, dahil sa
katapangan nitong isiwalat ang katotohanang nangyayari sa kanilang
gobyerno. Ginamit niya ang kanynag galingbsa pagtula uoang maging boses
ng mga mahihirap laban sa mga taong nagpapahirap sa kanila.

Isa sa pinakakilalang linya na isinulat ni Thukul na: Let’s be the


nightmare of the Presiden. Ang kapangyarihan ng kanyang mga salita ay nag-
udyok sa mga magsasaka at manggagawa na magtipon-tipon at mag-alsa
laban sa kanilang gobyerno. Marami nang akda ang naisulat ni Thukul, isa
na rito ang “ Mencari Tanah Lapang (Looking for an Open Plot of Land)” na
naparangalan ng Encourage Award mula sa Netherlands-based Wertheim
Foundation, siya rin ay nakatanggap ng parangal na Yap Thiam Hien Award.
Taong 1998, napabalita ang pagkawala ni Wiji Thunkul at magpahanggang
ngayon ay hindi alam kung ano ang dahilan ng kanyang pagkawala.

Ang tulang “What is the Worth of my Poetry” ay isang tula na isinulat


ni Wiji Thukul sa wikang Bahasa Indonesia, ang orihinal na pamagat nito ay
“Apa yang Berharga dari Puisiku”. Sumasalamin ang tulang ito sa kahirapan
ng buhay. Napapaloob ang tula ang mga hinaing ng mga tao kagaya ng pagtira
sa maruming kanal, pagtaas ng mga bayarin sa matrikula at ospital.

Ang tulang “Apa yang Berharga dari Puisiku” ni Thukul ay nagkaroon


ng salin sa Ingles na “What is the Worth of my Poetry” na isinalin ni Eden
Layda, isang manunulat, translator at propesor sa University of the
Philippines (UP Diliman), Quezon City. Nagkaroon din ito ng salin sa Filipino

111
na “Ano ang saysay ng aking pagtula” na isinalin naman ni Ramon Guillermo.
Si Ramon Guillermo ay isang Filipino nobelista, tagasalin, makata at
akademiko sa larangan ng Southeast Asian Studies. Siya rin ay isang
propesor sa Center for International Studies sa University of the Philippines
Diliman (UP Diliman) kung saan nagtuturo siya ng mga subject sa Souteast
Asia at Europe. Pangunahin siyang nagsusulat sa Filipino, English, German
at Bahasa Indonesia ngunit nagbabasa rin ng French at Spanish. Sa bahaging
ito ay susuriin ang mga nabanggit na salin ng akda ni Wiji Thukul.

112
RUBRIKS NG ANALISIS

May mga markang 1 hanggang 5 ang Likert scale na ito at sumunod sa


rubrik na:

Numerical Value Meaning


5 kapag kuhang-kuha ang orihinal na saysay
4 kapag mas maraming saysay ang napanatili kaysa
nawala/nabago
3 kapag magkasingdami ang napanatili at ang
nawala/nabagong saysay
2 kapag mas maraming saysay ang nawala/nabago
kaysa napanatili
1 kapag malayong-malayo sa orihinal na saysay

Para maging mas malinaw at konsistent ang pagbibigay ng marka sa


bawat linya ng tatlong nasabing salin, ipinaliwanag ang mga dahilan sa likod
ng ibinigay na marka. Nilapatan ng berbal na interpretasyon ang mga average
na marka na nakuha mula sa marka ng mga linya ayon sa sumusunod na
range;

AVERAGE Meaning
4.20 – 5.00 kapag kuhang-kuha ang orihinal na saysay
3.40 – 4.19 kapag mas maraming saysay ang napanatili kaysa
nawala/nabago
2:60 – 3.39 kapag magkasingdami ang napanatili at ang
nawala/nabagong saysay
1.80 – 2.59 kapag mas maraming saysay ang nawala/nabago
kaysa napanatili
1.00 – 1.79 kapag malayong-malayo sa orihinal na saysay

113
Ang tulang “What is the worth of my poetry” na orihinal na isinulat ni
Wiji Thukul isang Indonesian sa wikang Inodensian, ay nagkaroon ng salin
sa Ingles sa kauna-unahang pagkakataon. Isinalin ito ni Eden Layda isang
Pilipino at hindi kalauna’y isinalin ni Ginoong Ramon Guillermo sa Wikang
Filipino.

Ipapakita sa talahanayan 1, ang naging pagsasalin ni Guillermo sa


Wikang Filipino at ang salin sa Ingles ni Edna Layda na ginawa niyang
batayan sa pagsasalin. Ipapakita rin ang naging resulta ng pagmamarka sa
salin ng TL na naaayon sa rubriks, saknong sa saknong at taludtod sa
taludtod na pagsusuri.

Talahanayan 3. Linya-por-linyang Paghahambing ng Orihinal na Akda at


Salin sa Filipino

Marka Average
Saknong Taludtod Orihinal na Salin sa Filipino ng na Marka
Ingles Taludtod ng
Saknong
1 1 What is the Ano ang saysay 5
worth of my ng aking
poetry? pagtula?

2 If my Kung hindi 4
younger pumasok sa 4.6
sibling did eskwela ang
not leave for aking kapatid,
school,

3 because the Dahil hindi


school fees mabayaran ang 5
could not be matrikula?
paid?
2 4 What is the Ano ang saysay 5
worth of my ng aking
poetry? pagtula?

114
5 If my Kung umuwi ang 4
father’s aking tatay na
pedicab nawasak ang 4.5
suddenly pedicab
breaks
down

6 If rice had to Kapag kailangan 5


be bought ng perang
with money pambili ng bigas
7 If we have to Kung kailangan 4
eat naming kumain
And when At kung wala
there is nang makakain?
nothing to
eat?
3 8 What is the Ano ang saysay 5
worth of my ng aking
poetry? pagtula?

9 If father Kung nag-aaway 4


quarrels ang tatay at
with mother nanay
10 Mother Pinagbibintanga 2
blames n ni nanay si
father tatay na siya ang 3.75
may kasalanan

11 Even as Kahit ginigipit na 4


pedicabs are ng mga bus ang
pushed off mga pedicab
the streets
by city
buses
12 Who is to Sino ang may 5
blame that it kasalanan kung
is now mas mura
cheaper? nangsumakay sa
To ride a bus kaysa
bus than a magpedicab?
pedicab?

115
4 13 What is the Ano ang saysay 5
worth of my ng aking pagtula
poetry?

14 If mother is Kung sinasakal s 5 5


being a utang si
strangled by nanay?
debt

15 If the Kung sinasakal s 5


neighbours a utang ang
are being kapitbahay?
strangled by
debt?
5 16 What is the Ano ang saysay 5
worth of my ng aking
poetry? pagtula?

17 If we are Kung napilitan 4


forced to kaming magtayo
build our ng bahay
house Sa tabi ng 4.5
Along a maruming
canal, kanal?
18 While the Samantalang 4
cost of land lalong
keeps going nagmamahal ang
up lupa
We cannot At hindi kami
afford to buy makabili
19 Whose fault Sino ang may 5
is it that we kasalanan na
cannot hindi kami
afford to buy makabili ng
land? lupa?

6 20 What is the Ano ang saysay 5


worth of my ng aking
poetry? pagtula?
21 If a sick Kapag namatay 5
person dies ang isang
at home maysakit sa 4.6
kanyang bahay

116
22 Because Dahil 4
hospitals napakamahal
are magpa-ospital?
expensive?
7 23 What is the Ano ang saysay 5
worth of my ng aking
poetry pagtula?

24 Which takes Na kumakain ng 4


up months aking oras sa
of my time loob ng ilang 4.6
buwan
25 What can it Ano ang 5
contribute to maiaambag nito
alleviate the sa paglutas sa
poverty kahirapang
That is Sumasakal sa
strangling amin?
us?
8 26 What have I Ano ang naibigay 5
given ko

27 When the Kapag 4


audience at nagpalakpakan 4.7
the poetry ang mga nakinig
reading sa aking mga
have pagbasa
applauded

28 What have I Ano ang naibigay 5


given ko?

29 What have I Ano ang naibigay 5


given ko?

Kabuuang Marka (Average) 4.53125

117
PAGSUSURI SA SALING “WHAT IS THE WORTH OF MY POETRY?”

Ipinapakita sa Talahanayan 3 ang pagkakatabi-tabi ng orihinal na


tulang “What is the worth of my Poetry?” at ng saling “Ano Ang Saysay Ng
Aking Pagtula”. Ipinapakita rin sa nasabing talahanayan ang mga markang
kinalalabasan ng linya-por-linyang paghahambing ng “What is the worth of
my Poetry?” at naging salin nitong “Ano Ang Saysay Ng Aking Pagtula” sa
Filipino.

Unang Saknong:

Binigyan ng markang 5 ang taludtod 1, dahil tugmang-tugma ang


pagkakasalin sa linyang ito. Nailapat ni Guillermo sa kanyang pagsasalin ang
diwa sa diwa. Sumunod ang taludtod 2 ay minarkahan ng 4 dahil mas
maraming saysay ang napanatili kaysa nabago. Ang salin ng “younger sibling”
ay naging “kapatid” lang sa salin sa Filipino. Ang nabago lamang sa
pagsasalin ay ang pag-aalis ng salin ng “younger” sa TL. Ang taludtod 3
naman ay minarkahan din ng 5 dahil kuhang-kuha rin nito ang saysay sa
orihinal na piangabatayan niya ng salin na nasa wikang Ingles.

Ikalawang Saknong:

Sa ikalawang saknong, ang taludtod 1 ay minarkahan ng 5 dahil sa


tugmang-tugma ang saysay sa wikang Ingles at salin nito sa Filipino. Ang
taludtod 2 ay minarkahan ng 4 dahil mas maraming saysay ang napanatili
kaysa nabago. Nadagdagan lamang ng salitang “umuwi” na wala sa Ingles na
salin, ngunit ang kabuuang saysay ay napanatili. Ang taludtod 3 ay
minarkahang 5 sapagkat tulad ng iba, tugmang-tugma ang saysay na
naisalin sa salin sa Ingles. At ang taludtod 4 naman ay minarkahan din ng 4
dahil mas marami ang napanatili kaysa nabago. Ang nabago lamang ay ang
pagkakasalin nito ng pangatnig na “with” ng “at” na hindi masyadong
tumugma.”

Ikatlong Saknong:

Sa saknong naman na ito, ang taludtod 1 ay minarkahan ng 5, ang


taludtod 2 naman ay minarkahan ng 4 sa kadahilanang mas maraming

118
saysay ang napanatili kaysa sa nabago. Ang nabago lamang ay ang salin pa
rin sa pangatnig na “with” na naging at sa Filipino o Target Language.
Sumunod ay ang l taludtod 3, na may markang 2, dahil mas maraming saysay
ang nagbago kaysa sa napanatili, dahil napanatili nga nito ang diwa ng
“Mother blames father” ngunit ang pagkakasalin nito sa Filipino ay naging
Pinagbibintangan ni nanay si tatay na siya ang may kasalanan. Kung
hihimayhimayin ang Pinagbibintangan ay may salin sa Ingles na “accuse o
accusing”, ang “blames” naman ay may salin sa Filipino na sinsisi. Higit pa
riyan sa pagkakasalin ng taludtod 2, ang pagbabago ng pangkabuuang
larawan dahil na rin sa pagdaragdag nito ng isa pang diwa na wala sa orihinal.
Ang pagdagdag ng siya ang may kasalanan, na hinding-hindi natin mababasa
sa orihinal. Ang taludtod 3 naman ay minarkahang 4 din, dahil mas marami
ang napanatiling saysay sa pagsasalin. Ang mga nagbago lamang sa
pagsasalin ay ang pag-alis ng “street”, hindi na makikita ang salin ng
nasabing salita sa Ingles, dahil sa pagsasaalang-alang ng nagsalin sa
maaaring kinalabasang saysay o konteksto ng tula kung magkaroon pa ito ng
salin. Sa panghuling linya, ang linya 4 ay may markang 5, dahil tugmang-
tugma ang saysay ng orihinal at pagkakasalin.

Ikaapat na Saknong:

Ang ikaapat na saknong ay binubuo ng 3 taludtod. Ang mga nasabing


taludtod ay lahat minarkahan ng 5 dahil kung babasahin ang naging salin
nito sa Filipino, kuhang-kuha o tumpak na tumpak ang pagkakasalin ng mga
linyahan sa tula sa wikang Filipino. Kung mapapansin ang taludtod 2, ang
salin ng “if” ay naging “kapag” at halos ng ibang taludtod na may “if” rin ay
“kung” ang salin, na hindi suliranin o mali ang salin dahil pakatandaan ang
mga pangatnig sa wikang Filipino ay marami at may iba’t-ibang gamit
nakadepende sa konteksto ng pangungusap.

Ikalimang Saknong:

Ang taludtod 1 sa saknong na ito ay minarkahan ng 5. Samantala ang


taludtod 2 naman ay may markang 4, dahil mas marami ang napanatili kaysa

119
sa nabagong saysay. Ang naging pagbabago lamang sa linyang ito ay ang
“canal” sa ingles ay naging “maruming kanal” sa wikang Filipino. May
idinagdag na maruming kanal may paglalarawan sa kanal na sinasalamin
halos ng sitwasyon rito sa Pilipinas. Sumunod ang taludtod 3, na may
markang 4 din sapagkat, mas marami ang napanatiling saysay kaysa sa
nagbago. Nagkaroon lamang ng pagbabago dahil sa pangtangig na maaaring
makapagbago kaunti sa diwa ng pangungusap. Ang pagdaragdag ng
pangatnig na “at” ay hindi makikita sa pinagbatayang salin sa Ingles. Gamit
ang pang-ugnay na “at” ang dalawang ideya ay inugnay ni Guillermo sa
kanyang pagsasalin.. Ang taludtod 4 naman ay may markang 5, sanhi ng
pagiging tugma ng saysay nito sa salin sa Ingles.

Ikaanim na Saknong:

Ang taludtod 1 at 2 ay minarkahang 5, dahil nakuha o tumpak ang


nagiging salin nito sa Wikang Filipino. Makikita ang saysay ng salin sa Ingles
ay tugmang-tugma sa salin sa Wikang Filipino. At ang taludtod 3 naman ay
may markang 4, dahil marami ang napanatiling saysay kaysa sa nabago.
Nabago ang pagkakasalin sa Filipino ng “expensive” na naging
“napakamahal”. Kung susuriin ang “napakamahal” ay may salin din sa Ingles
na “very expensive”. Kung kaya, nagbago ang pagkakasalin ng salitang
“expensive” dahil nasa anyo itong lantay lamang, na naging kasukdulang
pagkakalarawan at pagkakasalin sa Filipino na naging “napakamahal”.

Ikapitong Saknong:

Ang taludtod 1 at 3 ay parehong may markang 5, sapagkat kuhang-


kuha nito ang saysay ng pinagbatayan ng pagsasalin sa Wikang Filipino.
Samantala ang taludtod 2 ay may markang 4, dahil mas maraming
napanatiling saysay kaysa nagbago. Sa tingin ko ang “takes up” na may salin
na “kumain” sa Filipino ay hindi angkop. Napanatili niya ang diwa ngunit
hindi naging angkop ang naging salin dito.

120
Ikawalong Saknong:

Sa saknong namang ito, ang taludtod 1, 3 at 4 ay parehong nakakuha


ng markang 5, sa kadahilanang parehas lamang ito at kuhang-kuha naman
ang saysay sa pagkakasalin sa wikang Filipino. Subalit ang taludtod 2, ay
nakakuha ng 4 na marka dahil mas maraming saysay ang napanatili kaysa
sa nagbago. Nagkaroon lamang ng pagbabago sa salin ng “poetry reading” na
naging “pagbasa” lamang, nawala ang pinakadiwa ng kanyang pagbabasa ng
kanyang tula.

Sa kabuuang pagsusuri sa pagpapanatili ng saysay ng tula sa salin sa


wikang Filipino, mayroon itong average score na 4.53125. Ibig sabihin ang
tulang What is the worth of my Poetry na isinalin ni Ramon Guillermo sa
wikang Filipino, ay mas maraming saysay ang napanatili kaysa sa nagbago.
Ang kabuuhang diwa ng salin sa Ingles ay hindi man naging tugmang-tugma
talaga sa salin sa Ingles, napagtagumpayan naman nitong ihatid sa Target
Audience ang totoong diwa ng tula.

Ang mga teorya ng pagsasalin sa tulang ito ay talagang nailapat ng


tagapagsalin. Unang-una, hindi niya mapagtagumpayan ang pagkakaroon ng
saling nanatili ang saysay sa kanyang pinagbatayan kung hindi niya
isinasaalang-alang ang teoryang dynamic equivalence. Ang teorya ng
pagsasalin na ito ni Eugene Nida ay pagsasaling maaaring magdagdag at
bawas subalit, pakatandaan kung ang naisalin ba ay pasok ang naging
mensahe o hindi?

ANG PAGSUSURI NG TULANG “ANO ANG SAYSAY NG AKING PAGTULA”

Sa bahaging ito ay tatangkaing suriin ang salin ng tulang What is the worth
of my Poetry sa wikang Filipino. Sa pamamagitan nga ng mga paraan sa
pagsusuri ay malalaman dito kung isinaalang-alang ba ng tagasalin ang mga
sumusunod na aanalisahin at susuriin sa ginawang pagsasalin sa wikang
Filipino.

121
PAGSUSURI AT EBALWASYON SA ISINAGAWANG PAGSASALIN
NG “WHAT IS THE WORTH OF MY POETRY?”

A. Ang Mga Pangungusap ay Malaya (Paiba-Iba Ang Anyo) O Pormula


(Hindi Nagbabago Ang Anyo).
SAKNONG 1

Taludtod 1

Simulaang Lengguwahe (Ingles) Tunguhang Lengguwahe (Filipino)

What is the worth of my poetry Ano ang saysay ng aking pagtula

Sa taludtod na ito ay pormula o hindi nagbago ang anyo na paraan ang


ginamit ng tagasalin. Mapapansin na ang anyo ng wikang pinagsalinan at
wikang isinalin ay parehong pormula, kaya’t masasabi kong pormula pa rin
ang paraan na pagkakasalin. Kahit na nabawasan ang bilang ng mga salita
mula sa Tunguhing Lenggwahe, dahil nga hindi na tinumbasan ng tagasalin
ang salitang “is” na may salin na “ay”. Kaya’t ang pagkakaayos ng mga salita
sa Simulaang Wika ay ganun din ang ayos sa Tunguhing Wika.

Maiipapasok nga dito ang teoryang Formal Equivalence ni Eugine


Nida kung saan nakutuon lamang ang tagasalin sa mismong teksto at kung
ano ang nasa teksto ay iyon na din itutumbas ng tagasalin.

Taludtod 2-3

Simulaang Lengguwahe (Ingles) Tunguhang Lengguwahe (Filipino)

If my younger siblings did not leave Kung hindi pumasok sa eskwela ang
for school, because the school fees aking kapatid, dahil hindi
could not be paid. mabayaran ang matrikula.

Sa ikalawang taludtod naman ay makikitang naging malaya ang paraan


ng kanyang pagsasalin. Kung mapapansin ang anyo ng salin ng wika sa
Simulaang Lenggwahe ay pormula kagaya nito:

122
If my younger siblings Kung ang aking
did not leave for nakababatang
school, because the kapatid ay hindi
school fees could not umalis sa paaralan,
be paid. dahil ang ang
matrikula ay hindi
mabayaran.

Ganyan ang magiging anyo kung pormula ang naging paraan ng


tagasalin, mawawala ang diwa ng salin nito kahit naiintindihan pa rin ito
kung iyong babasahin, parang saliwa pa rin ang pagkakasalin.

Maipapasok naman dito ang Teoryang Dynamic Equivalence din ni


Eugene Nida kung saan maaring magdagdag o magbawas ng salita ang
tagasalin upang maiangkop nito ang diwa ng mensaheng ipaparating sa
mambabasa.

Sa Wikang Filipino sa salin ni Guillermo ay ginawa niya itong malaya


ang kanyang ginamit na paraan, binago niya ang estilo ng pangungusap mula
sa Simulaang Lenggwahe, dahil mas isinaalang-alang nga ni Guillermo ang
diwa sa diwa at hindi sa salita to salita,

Isang halimbawa pa dito ng Dynamic Equivalence sa taludtod na ito ay


hindi na binigyan ng tagasalin ng tumbas ang salitang “younger” sa kanyang
pagsasalin. Ito ang tinatawag na pagtitipid sa salin, isa sa mga dapat tandaan
sa pagsasalin. Kung sa tingin ng tagasalin ay sapat na ang kanyang tumbas
na salin sa Simulaang Lenggwahe ay marapat lang hindi na kinakilangan
pang lapatan ng salin ito, dahil maiintindihan pa rin ng mambabasa ang
mensaheng ipinahi hiwatig sa tula.

123
SAKNONG 2

Taludtod 5

Simulaang Lengguwahe (Ingles) Tunguhang Lengguwahe (Filipino)

If my fathers pedicab suddenly Kung umuwi ang aking tatay na


breaks down, nawasak ang pedicab,

Sa taludtod na ito ay mapapansin na nag- iba ang anyo ng kanyang


pagsasalin kaya’t masasabing malaya ang paraan ng kanyang pagsasalin.
May mga binago at dinagdag na salita sa kanyang pagsasalin kagaya ng
salitang “umuwi” at ang hindi angkop na pagtutumbas ng “breaks down” ng
“nawasak”.

Maipapasok nga dito sa taludtod na ito ang Dynamic Equivalence


Theory, halimbawa hindi na binigyang tumbas na salin ni Guillermo ang
salitang suddenly na may salin sa Filipino na “bigla” at naidagdag niya ang
salitang “umuwi”na wala sa kanyang pinagsalinan. Ang huling napansin ko
ay interpretasyon niya sa salitang “breaks down” na naging “nawasak”
masyadong exaggerated o pinagrabe ang itinumbas niya na salita sa kanyang
pagsasalin. Gayunpaman, hindi pa rin nawala ang diwa sa diwa ng salin.
Naisaalang-alang pa rin ng tagasalin ang diwa ng orihinal na teksto kahit na
may mga nadagdag na salita.

Taludtod 6

Simulaang Lengguwahe (Ingles) Tunguhang Lengguwahe (Filipino)


If rice had to be bought with money Kapag kailangan ng perang pambili
ng bigas,

Sa ikaapat na taludtod ay malaya pa rin ang paraan ng pagsasalin nito.


Mapapansin na hindi nasunod ang anyo mula sa wikang pinagsalin patungo
sa paraan ng pagsasalin nito. Mapapansin na ang magiging anyo ng salin sa
Simulaang Lenggwahe ay pormula, kaya’t kung gagamitin ang paraang ito ay

124
mawawala ang diwa nito at hindi mauunawaan ang mensahe nito. Kaya
naman malaya ang ginamit niya. Sa pamamagitan ng pagsasaayos ng anyo
nito ay napalitaw ang diwa ng taludtod at naging kaaya-ayang basahin dahil
mas naiintindihan ito ng mambabasa.

Taludtod 7

Simulaang Lengguwahe (Ingles) Tunguhang Lengguwahe (Filipino)


If we have to eat and when there is Kung kailangan naming kumain at
nothing to eat? wala kaming makain?

Sa ikalimang taludtod naman ay pormula o hindi nakitaan ng


pagbabago ang naging paraan ni Guillermo sa kanyang pagsasalin. Dahil,
angkop ang mga salitang ginamit sa pagsasalin mula sa Wikang pinagsalinan.
Wala binagong salita bagkos nabigyan niya ng tumbas ang bawat salita sa
Simulaang Lenggwahe. Kaya naman kung babasahin ang salin hindi
nakakailang mas naiintindihan pa itong basahin, dahil nga angkop na salita
ang ginamit ni Guillermo na lalong nagpalitaw sa diwa ng taludtod na ito.

Mailalapat dito ang Formal Equivalence ni Eugene Nida kung saan


nakatuon lamang sa konteksto ang kanyang pagsasalin at kung ano ang
tumbas ay yun na yon.

SAKNONG 3

Taludtod 9

Simulaang Lengguwahe (Ingles) Tunguhang Lengguwahe (Filipino)


If father quarrel with mother. Kung nag-aaway ang tatay at nanay

Sa taludtod 2 sa ikatlong saknong, ang naging paraan ng kanyang


pagsasalin ay malay o nabago ang anyo, dahil makikita na iniba ang anyo ng
salin sa wikang kanyang pinagsalinan. Kung ang anyo ng pagsasalin ni
Guillermo ay salita sa salita magiging ganito ang kalalabasan nito:

Kung ang tatay, nakikipag-away kay nanay

125
Makikita na ang anyo nito ay iba ang mensahe sa Tunguhing
lenggwahe, kung sa salin nito sa wikang Filipino ay dalawa sila ang nag-
aaway at hindi alam kung sino ang nagpasimula ng away, sa simulating wika
naman ng Ingles ay si Tatay ang nagpasimula ng away. Kung kaya’t sa salin
nito sa Filipino ginawa itong malaya, binago ni Guillermo ang wikang kanyang
pinagsalinan upang maging angkop ito sa diwa sa diwa at hindi sa salita sa
salita.

Ayon pa kina Almario, et al., ito ay “malaya at walang kontrol. At parang


hindi na isang salin.” Dahil ipinahihintulot nito ang pagdadagdag o
pagbabawas ng mga salita na mas makakapagpalutang ng kahulugan ng
orihinal. Kung kaya, maaaring sabihin natin sa ginawang pagsasalin sa
ikalawang linya ng tula mas nanaig ang estilo ng tagapagsalin kaysa estilo ng
awtor.

Taludtod 10

Simulaang Lengguwahe (Ingles) Tunguhang Lengguwahe (Filipino)


Pinagbibintangan ni Nanay si Tatay
Mother blames father
na siya ang may kasalanan

Sa taludtod 7 ay naging malaya o nagbago ang anyo ng kanyang


pagsasalin, naipasok nga dito ng tagasalin ang pagiging flexible ng wika. Kung
saan nagkaroon ng pagpapahaba ng mga salita mula Tunguhing Lenggawahe
sa madaling sabi, hindi naging MASINOP ang tagasalin. Hindi itinuon ng
tagasalin ang estrukturang mula sa orihinal bagkos mas nanaig ang kanyang
salin sa bahaging ito. Maipapasok pa rin dito ang Skopos Theory, kung saan
nga ay isinaalang -alang ng tagasalin kung ano ang magiging epektibo na
salin sa kanyang target audience.

Halimbawa na lang dito ang kanyang salin sa “Mother blames father”


na naging “Pinagbibintangan ni Nanay si Tatay na siya ang may kasalanan”
masyadong napalayo ang salin nito mula sa Simulaing Lenggawahe. Ang mga
salitang din itinumbas niya sa Simulaing Lenggwahe ay hindi angkop kagaya

126
ng salitang “blames” na naging “pinagbibintangan” na dapat ang kanyang
salin ay “Sinisisi” at nagdagdag din siya ng pahayag na “siya ang may
kasalanan “ bagay na nagpapahaba sa salin nito. Kaya naman, sa taludtod
na ito mas nanaig ang estilo ng tagagsalin kaysa sa estilo ng orihinal.

Taludtod 11

Simulaang Lengguwahe (Ingles) Tunguhang Lengguwahe (Filipino)


Even as pedicabs are pushed off Kahit na ginigipit na ng mga bus ang
the streets by city buses mga pedicab.

Sa taludtod 4, malaya o nagbago ang anyo pa rin ang paraan ng


kanyang pagsasalin. Nagkaroon ng pag-iiba ng anyo sa salin na iba sa
kanyang wikang pinagsalinan. Kung mapapansin ang anyo sa wikang
pinagsalinan ay pormula, hindu maaring mabago dahil mawawala ang diwa
nito at hindi mauunawaan ang mensahe nito. Kung ang ginawang pagsasalin
ni Guillermo ay pormula ganito ang kalalabasan ng salin:

Kahit ang mga pedicab ay tinutulak paalis sa kalye ng mga bus.

Mapapansin na sa anyong pormula ay naiintindihan pa rin ngunit naging


saliwa ang salin nito. Hindi na ito kaaya-ayang basahin. Naging malayo ang
diwa ng salin kumpara sa salin ni Guillermo.

Mailalapat nga dito ang Skopos Theory kung saan mas naging naging priority
ang damdamin ng kanyang target audience. Sa kabuuan, kahit naging
malaya ang salin ay napalitaw pa rin nito ang diwa ng mensahe para sa
kanyang mambabasa.

Taludtod 12

Simulaang Lengguwahe (Ingles) Tunguhang Lengguwahe (Filipino)


Who is to blame that it is now Sino ang may kasalanan kung mas
cheaper to ride a bus than a mura nang sumakay sa bus kaysa
pedicab? sa pedicab?

127
Sa taludtod 5 sa ikatlong saknong, ay malayang pagsasalin ang naging
paraan ni Guillermo. Hindi nasunod ang ang anyo mula sa Simulaang
Lenggwahe nang tumbasan ito sa Tunguhing Lenggwahe. Mailalapat pa rin
ang Dynamic Equivalence Theory ni Eugene Nida kung saan ang tagasalin ay
maaring magdagdag at magbawas ng salita upang iangkop ang diwa ng
mensahe sa salitang gagamitin nita sa kanyang pagsasalin.

Halimbawa sa kanyang salin sa “Who is to blame” na naging “Sino ang may


kasalanan” kapansin pansin napalayo ang salin nito sa salitang “blame” na
dapat ang tumbas na salin din nito ay “sisisihin”.

SAKNONG 4

Taludtod 14

Simulaang Lengguwahe (Ingles) Tunguhang Lengguwahe (Filipino)

If mother is being strangled by debt Kung sinasakal sa utang si Nanay.

Taludtod 15

Simulaang Lengguwahe (Ingles) Tunguhang Lengguwahe (Filipino)

If the neighbors are being strangled Kung ang sinasakal sa sa utang ang
by debt? kapitbahay.

Sa mga taludtod na ito, nagbago ang anyo ng salin mula wikang


pinagsalinan, kaya’t ito ay malayang paraan ng pagsasalin. Hindi pinanatili
ang salin nito mula sa Simulaang Lenggwahe, mas mas napaikli ang salin
nito sa Tunguhing Lenggwahe upang iangkop ang salin sa diwa sa diwa at
hindi salita sa salita, napalitaw pa rin ang mensahe ng wikang pinagsalinan.
Kung sinunod ni Guillermo estilo ng Simulaang Lemggwahe magiging ganito
ang kalalabasan:

Kung si nanay ay sinasakal ng utang,


Kung ang mga kapitbahay ay sinasakal ng utang

128
Makikita sa kinalabasan ng pormulang salin nito, na nagbago ang
mensahe mula sa wikang pinagsalinan. Naging literal at katawatawang
basahin, hindi na angkop diwa sa Simulaang Lenggwahe.

SAKNONG 5

Taludtod 17

Simulaang Lengguwahe (Ingles) Tunguhang Lengguwahe (Filipino)

If we forced to build a house along Kung napipilitan kaming magtayo ng


canal bahay sa tabi ng maruming kana.

Ang ikalawang taludtod sa ikalimang saknong ay pormula o hindi


nagbago ang anyo. Sapagakat hindi binago ang estruktura ng pangungusap
ng wikang pinagsalinan sa kanyang salin. Napanatili ni Guillermo ang
kanyang pagsasalin nito sa wikang kanyang pinagsalinan at napalitaw niya
ang diwa ng mensahe ng salin mula sa Simulaang Lenggwahe.

Dalawa ang maipapasok ko ditong Teorya ang Formal Equivalence kung


saan natumbasan pa rin ng tagasalin ng angkop na salita sa kanyang
pagsasalin. Sunod ang Dynamic Equivalence kung saan may idinagdag siyang
salita upang maiangkop ang mensahe sa kanyang pagsasalin.

Taludtod 18

Simulaang Lengguwahe (Ingles) Tunguhang Lengguwahe (Filipino)

While the cost of land keeps going up Samantalang lalong nagmahal ang
that We cannot afford to buy land. lupa at hindi kami makabili ng
lupa.

129
Taludtod 19

Simulaang Lengguwahe (Ingles) Tunguhang Lengguwahe (Filipino)


Whose fault is it that we cannot Sino ang may kasalanan na hindi
afford to buy land? kami makabili ng lupa?

Sa taludtod 3 at 4 ay pormula o hindi nagbago ang paraan pa rin ng


kanyang pagsasalin. Gaya nga na naunang taludtod ay napanatili pa rin ni
Guillermo ang naging salin sa estruktura o anyo ng pangungusap, kaya’t
napalitaw pa rin ang diwa ng mensahe mula sa wikang pinagsalinan upang
maintindihan ng mambabasa. Subalit may binawas na pang-ugnay sa wikang
pinagsalinan at tinumbasang napag-iisang pang-ugnay kung kaya
nabawasan ang bilang ng mga salita sa pagsasalin sa wikang Filipino.

SAKNONG 6

Taludtod 21

Simulaang Lengguwahe (Ingles) Tunguhang Lengguwahe (Filipino)


If a sick person dies at home Kapag namatay ang isang maysakit
sa kanyang bahay

Sa ikalawang taludtod sa ikaanim na saknong ay malaya ang paraan


ng kanyang pagkakasalin dahil hindi napanatili ng tagasalin ang estilo ng
pangungusap mula sa Simulaang Lenggwahe. Ngunit kung ganoon ang
mangyayari ay magiging ganito ang kalalabasan ng salin:

Kung ang maysakit ay namatay sa kanyang bahay

Mapapansin na ang salin nito ay kaaya-aya pa ring basahin at


naiintindihan. Ngunit hindi nakikitaan ang diwa ng mensaheng nais iparating
naging payak lamang ang pangungusap. Kaya’t sa Wikang Filipino ni
Guillermo ay binago niya ang estilo nito ng pangungusap upang palitawin ang
diwa ng mensahe mula sa wikang pinagsalinan. Mailalapat pa rin dito ang
teoryang dynamic equivalence dahil nagiging flexible ang paraan ng kanyang
pagsasalin upang iangkop ang diwa nito sa Simulaang Lenggwahe.

130
Taludtod 22

Simulaang Lengguwahe (Ingles) Tunguhang Lengguwahe (Filipino)

Because hostpitals are expensive? Dahil napaka-mahal magpaospital?

Ang pagsasalin sa ikatlong taludtod na ito ay malaya o nagbago ang


anyo ng pagsasalin, dahil nga hindi nasunod ang naging anyo ng wikang
pinagsasalinan. Ngunit naging wasto naman ang kanyang pagsasalin,
sapagkat isinaalang alang ng tagasalin ang estruktura ng pangungusap at
naiangkop ang diwa at mensahe ng Simulaang lenggwahe. Masasabi pa rin
na naging masinop siya sa kanyang pagsasalin dahil nabigyan niya ng tumbas
na salin ang Simulaing Lenggwahe, upang mas maintindihan ng mga
mambabasa.

SAKNONG 7

Taludtod 24

Simulaang Lengguwahe (Ingles) Tunguhang Lengguwahe (Filipino)


Which takes up month of my time Na kumakain ng aking oras sa loob
ng ilang buwan

Sa taludtod 2 ay nagpapakita ng malaya o pagbabago ng anyo ang


paraan ng kanyang pagsasalin, dahil nagbago ang estruktura ng salin ng
kanyang pangungusap mula sa Estrukta ng pangungusap sa wikang kanyang
pinagsalinan. Kung nasunod ang estruktura ng pangungusap sa Simulaang
Lenggwahe ay magiging ganito ang anyo nito:

Kung saan nakuha ang buwan ng aking oras

Mapapansin sa salin na hindi naging maayos ang pangungusap at kung


babasahin ito ay nakalilito at saliwa magiiba ang dating nito sa mambabasa.
Kaya’t pinalaya ni Guillermo ang kanyang pagsasalin upang maiangkop ang
diwa ng mensahe sa Simulaang Lenggwahe upang maintindihan ng
mambababasa ang ipinapahiwatig sa salin.

131
Taludtod 25

Simulaang Lengguwahe (Ingles) Tunguhang Lengguwahe (Filipino)


What can it contribute to alleviate the Ano ang maiaambag nito sa
poverty that is strangling us? paglutas sa kahirapang sumasakal
sa amin?

Sa taludtod 3 naman ay pormula o hindi nagbaho ang anyo, dahil


napanatili ng tagasalin ang estruktura ng pangungusap mula sa Simulaang
Lenggwahe. Natumbasan ni Guillermo ng tama ang bawat salita sa Simulaang
Lenggwahe kaya napalitaw pa rin nito ang diwa ng mensahe mula wikang
pinagsalinan. Sa puntong ito, ginamit ang formal equivalence ni Eugene Nida.
Kung saan napapanatili pa rin ng tagasalin ang konteksto mula sa wikan
pinagsalinan. Matatawag pa rin itong matapat na pagsasalin dahil nga
matapat niyang tinumbasan ang bawat salita uoang maiangkop ang diwa ng
mensahe sa mambabasa.

SAKNONG 8

Taludtod 26

Simulaang Lengguwahe (Ingles) Tunguhang Lengguwahe (Filipino)

What I have given? Ano ang naibigay ko?

Sa unang talutod sa ikawalong saknong ay pormula o hindi binago ang


anyo ng salin na paraang ginamit ng tagasalin. Sa wikang Filipinong salin ni
Guillermo ay masasabing nabigyang tumbas pa rin ito ang koteksto mula sa
wikang pinagsasalinan. Sa ganitong paraan ay maipapasok ko dito ang
formal equivalence theory kung saan ang kanyang pagsasalin ay nag stick
to the text o kung ano ang tumbas nito ay yun na iyon. Iniaayo lamang niyo
upang mas lalo pa itong maintindihan ng mambabasa.

132
Taludtod 27

Simulaang Lengguwahe (Ingles) Tunguhang Lengguwahe (Filipino)


When the audience at the poetry Kapag nagpapalakpakan ang mga
reading have applauded nakikinig sa aking pagbasa

Sa ikalawang taludto naman sa ikawalong saknong ay malaya o


nagbago ang anyo ang paraan ng kanyang pagkakasalin. Kung saan, iniba
nito ang anyo ng salin mula sa wikang pinagsalin. Kung papansinin ang anyo
ng salin sa wikang pinagsalinan ito ay pormula, kung susundin ito ay magiiba
ang diwa nito at magiiba din ang interpretasyon ng mambabasa. Naipasok
nga dito ang Teoryang Dinamiko kung saan nga ay maaring magdagdag o
magbawas ang tagasalin upang magkaroon ng kaangkupan ang mensahe ng
Simulaang Lenggwahe.

Halimbawa sa taludtod “When the audience at the poetry reading have


applauded” na naging “Kapag nagpalakpakan ang mga nakikinig sa aking
pagbabasa” kapansin pansin na hindi na isinalin ng tagasalin ang salitang
“poetry” sa Tungunin Lenggwahe at nagkaroon din ng pagbabago ng anyo
mula sa orihinal nag iba din ang kahulagan nito. Sa kabuuan, mas nasunod
ang estilo ng tagasalin kaysa estilo ng orihinal.

B. Marami Ba O Masalimuot Ang Mga Salitang Ginamit Sa Pagsasalin?

SAKNONG 1

Simulaang Lengguwahe (Ingles) Tunguhang Lengguwahe (Filipino)

What is the worth of my poetry Ano ang saysay ng aking pagtula

If my younger siblings did not leave Kung hindi pumasok sa eskwela


for school, ang aking kapatid,

133
because the school fees could not be dahil hindi mabayaran ang
paid. matrikula.

Unang Taludtod. Napanatili ng tagasalin ang teksto kahit na may salita siya
hindi na binigyang tumbas at naging sapat na ang salin nito sa Tunguhing
Wika. Hindi rin kakitaan ang salin ni Guillermo sa unang taludtod na
masalimuot dahil kung babasahin ang salitang itinumbas niya mula sa
wikang kaniyang pinagsalinan ay hindi ito nagkaroon ng kalituhan, bagkos
mas naiintindihan pa ito.

Ayon pa nga kina Almario et, al, na sa pagsasalin ay may mga


pakakataon na “malaya at walang kontrol ang pagsasalin. Kaya naman
ipinahihintulot nito ang pagdadagdag o pagbabawas ng mga salita na mas
makakapagpalutang ng kahulugan ng orihinal. Pumapasok nga dito ang
dynamic equivalence, kung saan maaring magbawas o magdagdag ng salita.
Sa taludtud na ito mula sa pito (7) na salita ay naging anim (6) na lamang ito
upang maiangkop niya ang mensahe sa kanyang salin at maintindihan ito ng
mambabasa.

Ikalawang Taludtod. Maayos niya natumbasan ang Simulaang Lenggwahe


patungo sa Tunguhing Lenggwahe kaya’t hindi makikitaan ng kasalimuotan,
kung babasahin ang taludtod na ito ay hindi ka malilito bagkos mas
maiintindihan mo pa ang mensahe ng salin ni Guillermo. Hindi rin nakitaan
ang salin na mapanggulo dahil nga maayos itong nababasa.

Sa kaso naman kung mag mga salitang inalis sa mula sa wikang


pinagsalinan ay MERON. Kung papansinin ang bilang nito na mula sa siyam
(9) sa Simulaang Lenggwahe ay naging anim (6) na lamang ito sa Tunguhing
Lenggwahe kaya maipapasok parin ang dynamic equivalence ni Eugine Nida
kung saan marami ang binawas na salita mula sa kanyang wikang
pinagsalinan patungo sa salin nito upang mas maingkop ng tagasalin ang
diwa ng mensahe sa mambabasa

Ikatlong Taludtod. Kung babasahin ang salin dito ni Guillermo ay hindi ka


magkakaroon ng kalituhan kaya’t ang ginamit niya salita sa salin ay

134
makikitaan ng kasalimuotan, dahil ang itinumbas niyang salitang isasalin
mula sa Simulaang Lenggwahe ay hindi nagkaroon ng gulo. Napansin ko rin
na napaikli ang salin nito mula sa Simulaang Lenggwahe mula sa walong (8)
salita ay naging lima (5) na lamang ito. Kung kaya’t pasok pa rin ang dynamic
equivalence, kung saan mula sa Simulaang Lenggwahe ay nabawasan na ito
sa Tunguhing Lenggwahe. Samakatuwid ang salin ni Guillermo dito ay hindi
masalimuot.

SAKNONG 2

Simulaang Lengguwahe (Ingles) Tunguhang Lengguwahe (Filipino)


What is the worth of my poetry Ano ang saysay ng aking pagtula
If my fathers pedicab suddenly Kung umuwi ang aking tatay na
breaks down, nawasak ang pedicab,
If rice had to be bought with money. Kapag kailangan ng perang pambili
If rice have to eat and when there is ng bigas
nothing to eat. Kung kailangan naming kumain at
kung wala na kaming makain.

Ikalawang Taludtod. Marami at masalimuot ang ginamit na salita ng


tagasalin. Makikita na malaki ang pinagbago ng salin mula sa Wikang
pinagsalinan, dahil nga malaya ang paraan ng pagsasalin ni Guillermo sa
Taludtod na ito ay nag- iba ang naging dating nito sa mambabasa. May mga
salita na nagpagulo sa salin na wala naman sa orihinal kagaya ng salitang
“umuwi” hindi ito makikita sa Simulaang Lenggwahe kaya’t mas lalo itong
nagbigay ng kalituhan sa mensahe ng salin. Meron din naman salita na hindi
na binigyang tumbas kagaya ng “suddenly” na may salin sa Filipino na “bigla”
kaya’t nagresulta ito pag- iba ng mensahe sa Tunguhing Lenggwahe.
Mapapansin din na may salita na mula sa Simulaang Lenggwahe na nagbago
ang salin nito sa Tunguhing Lenggwahe kagaya ng “break down” na naging
“nawasak” ang salin nito. Masyadong sukdulan ang pagkakasalin nito kaya
naman nagiba ang interpretasyon nito sa Wikang pinagsalinan. Kung kaya’t
naipasok dito ang Skopos Theory ni Hans Joseph Vermeer kung saan sa
teoryang ito ay isinasalang-alang ng tagasalin ang kung ano epektibong salin

135
sa target audience. Sa kaso naman ng dami salitang ginamit ay maipapasok
dito dynamic theory dahil makikita sa salin na napahaba ang bilang nito mula
sa wikang pinagsalinan na may pitong (7) salita na naging siyam (9) sa salin
ni Guillermo.

Samakatuwid, naging masalimuot ang taludtod 2, sa kadahilanang


may mga salita siya idinagdag na wala sa simulating wika, may hindi angkop
na mga salita ang salin sa tunguhing wika at higit sa lahat mas naparami ang
mga salitang nadagdag sa salin.

Ikalawang taludtod. Hindi masalimuot ang taludtod 2 dahil, hindi din naging
masalimuot ang ginamit na salita sa salin ni Guillermo. Kahit na malaya ang
paraan ng pagkakasalin ay nabigyan ng tumbas an salita pa rin ni Guillermo
ang Simulaang Lenggwahe. Mapapansin na walang salitang nagbibigay gulo
sa salin ni Guillermo at makikita napaikli pa nito ang kanyang pagsasalin sa
orihinal mula sa walong (8) ay naging pito (7) na lamang ito sa salin kaya’t
naipasok pa rin ang dynamic theory kaya naman kahit na nabawasan ang
pagkakasalin nito mula sa orihinal ay nasira ang diwa ng mensahe.

Ikatatlong taludtod. Sa taludtod na ito, hindi masalimuot ang ginamit na


salita ni Guillermo sa kanyang salin. Makikita nga na nagbago ang anyo ng
salin mula sa wikang pinagsalinan. Kahit na ganoon, hindi pa rin gumamit
ng salita na magbibigay gulo sa mensahe ng salin mas isinaalang-laang ni
Guillermo dito ang diwa sa diwa ng pangungusap, kaya’t kung babasahin ito
ay maiintindihan mo ang ipinapahiwatig ng salin. Nabawasan din ang bilang
ng salita sa Tunguhing Lenggwahe mula sa labing dalawa (12) ay naging
sampu na lamang sa salin. Kahit na nagkaroon ng pagbabawas ng salita ay
maganda parin ang naging kinalabasan at dating nito sa mambabasa.

SAKNONG 3

Simulaang Lengguwahe (Ingles) Tunguhang Lengguwahe (Filipino)


What is the worth of my poetry Ano ang saysay ng aking pagtula
If fathers quarrels to mother Kung nag-aaway ang Tatay at
Nanay

136
Mother blames father Pinagbibintangan ni Nanay si Tatay
na siya ang may kasalanan,
Even as pedicab are pushed off the Kahit na ginigipit na ng mga bus
streets by city buses, ang mga pedicab
Who is to blame that it is now Sino ang may kasalanan kung mas
cheaper to ride a bus than a pedicab mura nang sumakay sa bus kaysa
magpedicab.

Ikalawang Taludtod. Ang taludtod na ito ay hindi masalimuot dahil ang


salita na ginamit sa pagsasalin ay epektibo at makikitaan ng parehong diwa.
Makikita sa salin ni Guillermo na walang panggulo na salita na nagbibigay
kalituhan, kaya’t kung babasahin ang salin ay maiintindihan mo agad ang
mensahe ng salin. Nadagdagan din ang bilang ng salin mula sa wikang
pinagsalinan mula sa limang (5) salita sa Simulaang Lenggwahe ay naging
anim (6) na sa Tunguhing Lenggwahe. Hindi nakasira ang mga salita sa diwa
o mensahe ng orihinal. Gayunpaman, kahit nabago ang anyo ng salin ay
napalitaw pa rin ni Guillermo ang nararapat na diwa o mensahe sa kanyang
pagsasalin.

Ikatatlong Taludtod. Marami at masalimuot ang mga salitang ginamit. Una


kong napansin sa pagsasalin ni Guillermo ay napahaba ang pangungusap
mula sa Simulaang Lenggwahe na may Tatlong (3) salita na naging sampu
(10) na nagresulta ng pag-iba ng mensahe. Pangalawa kong napansin ay ang
pagdagdag niya ng salita na wala sa simulaang wika kagaya ng “siya ang may
kasalanan” kaya nagkaroon ng pagkalito sa kahulugan mula sa orihinal.
Kaya maipapasok din dito ang dynamic equivalence kung maaring kang
magdagdag o magbawas upang maingkop diwa no mensahe ng pangungusap.
Ngunit sa pagdadagdag ni Guillermo ay hindi niya napalitaw ang diwa o
mensahe ng pangungusap bagkos napahaba lamang ang pagpapaliwanag
mula sa orihinal.

Ang panghuling napansin ko ay ang pag-iiba niya ng mga salin mula


sa orihinal kagaya ng salitang “blame” na ang naging salin nito ay
pinagbibintangan kaya nasira ang diwa o mensahe ng orihinal.

137
Gayunpaman, kinakailangan talaga sa pagsasalin ang pagiging matipid sa
pagsasalin kung alam mo na naipapaliwanag na ito sa isang salita hindi na
kinakailangang magdagdag pa.

Ikaapat na Taludtod. Sa bahaging ito, hindi masalimuot ang salin. Naging


malaya ang tagasalin kanyang pagsasalin kaya’t nabago ang mensahe nito.
Ang mga salita na ginamit sa pagsasalin ni Guillermo ay hindi nagkaroon ng
gulo pagkalito. Nagbago din ang bilang ng salita mula sa labingisa (11) na
salita ay naging sampu (10) na lang ito, kaya’t maipapasok pa rin ang dynamic
equivalence theory.

Mapapansin na may isinalinsiyang salita na malayo sa simulating wika


ang tumbas kung literal na isasalin kagaya ng “pushed of the street” na naging
“ginigipit” na ito sa salin ni Guillermo. Makikitaan ang konteksto o diwa ang
isinalin ni Guillermo sa bahaging yaon kaya, masasabi kong wasto o angkop
lamang ang naging salin na iyon. Hindi ito nagpasira sa diwa o mensahe
pangungusap bagkus, mas naipahatid nito ang mensahe sa simulaing wika
nang malinaw.

Ikalimang Taludtod. Sa taludtod na ito, naging masalimuot ang


pagkakasalin. Dahil may mga salita mula sa simulating wika na nag iba ang
tumbas, kagaya ng salitang “blame” na naging “kasalanan” sa salin ni
Guillermo, kaya’t parang nasira ang diwa o mensahe na nararapat isalin. Nag-
iba ang dating nito kaya dahil ang “kasalanan” ay may ibang dalang
kahulugan at ang “blame” ay may tumbas sa wikang Filipino na “sinisisi” na
bahagyang malayo sa saling “kasalanan” ni Guillermo.

SAKANONG 4

Simulaang Lengguwahe (Ingles) Tunguhang Lengguwahe (Filipino)

What is the worth of my poetry Ano ang saysay ng aking pagtula


If mother is being strangled by debt, Kung sinasakal sa utang si Nanay.
If the neighbors are being strangled Kung sinsakal sa utang ang
by debt. kapitbahay.

138
Ikalawang Taludtod. Hindi masalimuot ang salin sa wikang Filipino. Dahil
kung babasahin ang salin ni Guillermo ay naiintindihan pa rin ang nais
ipahiwatig mula sa orihinal, kahit na malaya nag paraan ng pagkakasalin ni
Guillermo. Hindi rin nilapatan ng mapanggulong salita ang salin ni Guillermo
kaya’t hindi pa rin nakalilitong basahin ang pangungusap. Makikita din na
nabawasan ang bilang ng salita sa Tunguhing Lenggwahe mula sa pitong (7)
salita ay naging anim (6) na ito sa salin ni Guillermo. Nalapatan pa din ng
maayos na tumbas ang bawat salita mula sa Simulaang Lenggwahe kaya’y
nasira ang diwa o mensahe ng orihinal. Sa kabuuan, ay maayos pa rin ang
pagkakasalin ni Guillermo sa taludtod na ito at naiintindihan ang
ipinapahiwatig na mensahe sa taludtod.

Ikatatlong Taludtod. Hindi masalimuot ang pagkakasalin ni Guillermo sa


wikang Filipino. Ang mga salitang itinumbas ng tagasalin mula sa orihinal ay
angkop upang mapalitaw ang diwa o mensahe ng Simulaang Wika at hindi
magkaroon ng kalituhan sa mababasa. Nabawasan din ng salita ang salin ni
Guillermo mula sa pito (7) ay naging anim (6) na lang ito salin. Gayunpaman,
ang pagsasalin ni Guillermo sa taludtod na ito ay hindi nasira ang diwa o
meansahe ng orihinal at hindi naging masalimuot angd dating nito, bagkos
naibigay pa rin nito ang nais ipahiwatig na mensahe mula sa Simulaang
Lenggwahe.

SAKNONG 5

Simulaang Lengguwahe (Ingles) Tunguhang Lengguwahe (Filipino)


What is the worth of my poetry Ano ang saysay ng aking pagtula
If we are forced to build our house Kung napipilitan kaming magtayo
along canal, ng bahay sa tabi ng maruming
kanal
While the cost of land keeps going Samantalang lalong nagmamahal
up. ang lupa
We cannot afford to buy land At hindi kami makabili ng lupa

139
Whose fault it is the we cannot afford Sino ang may kasalanan kung hindi
to by land. kami makabili ng lupa?

Ikalawang Taludtod. Hindi masalimuot ang salita na ginamit at marami ang


salitang ginamit ang salin ni Guillermo. Ang anyo ng salin ay nag-iba dahil
nga malaya ang paraan nito pagkakasalin. May mga salitang dinagdag ang
tagasalin na wala sa orihinal kagaya ng marumi na itanapat sa salitang kanal.
Makikita sa salin na walang panggulo na salita na nagbibigay kalituhan,
kaya’t kung babasahin ang salin ay maiintindihan pa rin agad ang mensahe
ng salin. Nadagdagan din ang bilang ng salin mula sa wikang pinagsalinan
mula sa sampu (10) salita sa Simulaang Lenggwahe ay naging labingisa (11)
na sa Tunguhing Lenggwahe. Hindi nakasira ang mga salita sa diwa o
mensahe ng orihinal. Gayunpaman, kahit nabago ang anyo ng salin ay
napalitaw pa rin ni Guillermo ang nararapat na diwa o mensahe sa kanyang
pagsasalin.

Ikatatlong Taludtod. Hindi rin masalimuot ang salita sa salin ni Guillermo.


Hindi nag-iba ang anyo ng salin dahil nga pormula ang paraan nito
pagkakasalin kaya’t napanatili ng tagasalin estruktura ng pangungusap,
kaya’t naangkop nito diwa o mensahe sa orhinal. Mapapansin sa salin ni
Guillermo na hindi naglagay ng panggulo na salita na nagbibigay kalituhan
sa mambabasa, kaya’t kung babasahin ang salin ay maiintindihan mo agad
ang mensahe ng salin. Napanatili din ang bilang ng salin mula sa wikang
pinagsalinan tungo sa salin nito. Kaya maipapasok din ang formal equivalence
kung napantili ang estruktura ng pangungusap upang mapalitaw ang diwa o
mensahe ng pangungusap. Hindi pa rin nakasira ang mga salita sa diwa o
mensahe ng orihinal. Sa kabuuan, maayos ang pagkakasalin ni Guillermo sa
Simulaang Lenggwahe at naiintindihan ang ipinapahiwatig na mensahe sa
Tunguhing Lenggwahe.

Ikaapat na Taludtod. Hindi masalimuot ang salita na ginamit sa salin at


kaunti lamang ang salitang ginamit sa salin. Mapapansin nga sa taludtod na
ito na napanatili pa rin ang estruktura ng pangungusap sa salin ni Guillermo

140
dahil pormula ang ginamit nito paraan ng pagsasalin. Kaya kung babasahin
ng mensahe sa orihinal at salin ay magkatugmang magkatugma ito. Walang
panggulong salita ang naisalin nula sa orihinal. Kapwa pareho ang bilang ng
dalawang lenggwahe. Wala din siyang isinalin na salita na nagpasira sa diwa
o mensahe ng Simulaang Lenggwahe. Kaya’t masasabing naiangkop pa rin ni
Guillermo ang diwa ng kanyang salin.

SAKNONG 6

Simulaang Lengguwahe (Ingles) Tunguhang Lengguwahe (Filipino)


What is the worth of my poetry Anonang saysay ng aking pagtula
If sick person dies at home, because Kung namatay ang may sakit sa
hospitals are expensive kanyang bahay, dahil napakamahal
magpaospital.

Ikalawang Taludtod. Hindi makikitaan ang mga salita sa salin ng bawat


taludtod ang pagkamasalimuot. Malaya ang paraan ng pagsasalin kaya’t
naiba ang anyo salin sa Simulaang Lenggwahe patungo sa Tunguhing
Lenggwahe. Ngunit, ang mensahe sa Simulaing Lenggwahe ay magkatulad pa
rin sa Tunguhing Lenggwahe. Kapansin-pansin nga ang salin ni Guillermo sa
salitang “home “na naging “bahay” sa wikang Filipino, naging literal ang
pagsasalin dito ngunit hindi pa rin ito nagpasira sa diwa o mensahe ng
orihinal. Wala ding inalis na salita sa pagdating sa salin ngunit nagdagdan
pa rin ang bilang ng salin kumapara sa bilang ng orihinal. Kung kaya, hindi
masalimuot ang salin sa Tunguhing Lenggwahe.

SAKNONG 7

Simulaang Lengguwahe (Ingles) Tunguhang Lengguwahe (Filipino)


What is the worth of my poetry Ano ang saysay ng aking pagtula
Which takes up month of my time Na kumakain ng aking oras sa
loob ng ilang buwan
What can it contribute to alleviate the Ano ang maiaambag nito sa paglutas
poverty that is strangling us? sa kahirapang sumasakal sa amin?

141
Ikalawang Taludtod. Sa taludtod na ito masalimuot ang salin sa wikang
Filipino. Dahil kung babasahin ang salin, makikita na naiintindihan pa rin
ang nais ipahiwatig mula sa orihinal, kahit pa malaya ang naging paraan ng
pagkakasalin ni Guillermo. Hindi rin tinumbasan ng mapanggulong salita
ang salin sa wikang pinagsalianan, kaya’t hindi pa rin nakalilitong basahin
ang pangungusap.

Makikita din na nadagdagan ang bilang ng salita sa Tunguhing


Lenggwahe mula sa pitong (7) salita ay naging sampu (10) na ito sa salin ni
Guillermo. Kung kaya’t maipapasok pa rin ang dynamic equivalence ni
Eugene Nida kung saan ang tagasalin ay nagdadagdag o nagbabawas ng
salita upang iangkop ang mensahe sa kanyang salin. Nalapatan pa din ng
maayos na tumbas ang bawat salita mula sa Simulaang Lenggwahe kaya’t
hindi nasira ang diwa o mensahe ng orihinal.

Ikatatlong Taludtod. Sa taludtod 3 naman ay hindi masalimuot ang ginamit


na salita sa salin ni Guillermo. Makikita napanatili pa rin ng tagasalin ang
mensahe sa Simulaang Lenggwahe patungo sa Tunguhing Lenggwahe.
Mapapansin na walang salitang nagbibigay gulo sa salin ni Guillermo at
makikita napaikli pa nito ang kanyang pagsasalin sa orihinal mula sa
labingdalawa (12) ay naging labingisa (11) na lamang ito sa salin kaya’t
naipasok pa rin ang dynamic theory kaya naman kahit na nabawasan ang
pagkakasalin nito mula sa orihinal ay hindi nasira ang diwa ng mensahe.

SAKNONG 8

Simulaang Lengguwahe (Ingles) Tunguhang Lengguwahe (Filipino)


What have I given? Ano ang naibigay ko?
When the audience at the poetry Kapag nagpalakpakan ang mga
reading have applauded nakikinig sa aking pagbabasa
What have I given? Ano ang naigibay ko?
What I have given? Ano ang naibigay ko?

142
Sa huling dalawang taludtod na ito sa ikawalong saknong hindi
makikitaan ng kasalimuutan ang naging salin dito ni Guillermo.

Unang Taludtod. Pareho ang naging mensahe sa simulating wika sa Ingles


at salin sa Filipino. Walang naidagdag na panggulo salita sa salin nito, kaya’t
kung babasahin mo ito maiintidihan mo ang nais iparating na mensahe
ganun din sa sa Simulaang Lenggwahe nito.

Ikalawang Taludtod. Nabago ang anyo nito mula sa Simulaang Lenggwahe


papunta sa Tunguhing Lenggwahe. Ngunit, ang mensahe sa wikang
pinagsalinan ay pareho din sa Salin, kaya’t kung babasahin mo ang dalawang
Lenggwahe ay pareho pa rin ang pinupunto nito. Kahit hindi na binigyan ng
tagasalin ng tumbas ang salitang “poetry” ay ganoon pa rin ang diwa o
mensahe sa salin. Kaya’t maipapasok dito ang dynamic theory kung saan
nagkaroong ng pagbabawas salita sa pagsasalin upang maingkop diwa o
mensahe ng salin. Sa kabuuan, napalitaw pa rin ng Tungunhing Lenggwahe
ang diwa o mensahe sa orihinal, walang mapanggulong salita ang
nagpapagulo sa mensahe ng wikang pinagsasalinan at sa salin sa Filipino.

C. Ang Pangungusap Ay Idyomatiko O Kawikaan (Diwa Ang Isinasalin At


Hindi Salita).

SAKNONG 1

Simulaang Lengguwahe (Ingles) Tunguhang Lengguwahe (Filipino)

What is the worth of my poetry Ano ang saysay ng aking pagtula

If my younger siblings did not leave Kung hindi pumasok sa eskwela ang
for school, because the school fees aking kapatid, dahil hindi
could not be paid. mabayaran ang matrikula.

Sa unang saknong na ito ay hindi makikitaan ng idyomatiko ang salin.


Kung babasahin ang Simulaang Lenggwahe ng unang saknong ay wala itong

143
nakatagong kahulugan, dahil unang basa palang sa pahayag ay
maiintindihan na ito agad. Magiging idyomatiko lamang ang pahayag kung
ang wikang pinagsasalinan nito ay idyomatiko din. Sa puntong ito, hindi
nagtataglay ang unang saknong sa simulaing wika ng malalim na
pagpapakahulugan. Kaya’t ang naging pagsasalin sa Tunguhing Lenggwahe
ay hindi din naging idyomatiko, dahil binatay lamang ng tagasalin kung ano
ang ipinapahiwatig ng orihinal. Samakatuwid ang pahayag sa unang saknong
ay makadiwang salin lamang walang makikita o mababasa na nakatagong
kahulugan, nilapatan lamang ni Guillermo ng tumbas na salita sa Simulaang
Lenggwahe tungo sa Tunguhing Lenggwahe.

SAKNONG 2

Simulaang Lengguwahe (Ingles) Tunguhang Lengguwahe (Filipino)


What is the worth of my poetry Ano ang saysay ng aking pagtula
If my fathers pedicab suddenly Kung umuwi ang aking tatay na
breaks down, nawasak ang pedicab,
If rice had to be bought with money Kapag kailangan ng perang pambili
. ng bigas
If rice have to eat and when there is Kung kailangan naming kumain at
nothing to eat. kung wala na kaming makain.

Mababanaag sa ikalawang saknong hindi makikitaan ng idyomatikong


salin, dahil ang pahayag sa wikang pinagsalinan ay hindi idyomatiko. Kaya’t
makikita sa ginawang pagsasalin ni Guillermo ay pagtatapat lamang ng
angkop na salin sa Simulaang Lenggwahe. Ngunit mapapansin sa unang
taludtod na may idinagdag na salita mula sa Simulaang Lenggwahe, subalit
ang idinagdag niyang salita ay hindi malalim ang pahiwatig. Kung iyong
babasahin ang bawat taludtod sa saknong na ito ay maiintindihan mo
kaagaad ang ipinapahiwatig ng orihinal na wika ganun din sa salin. Hindi
nilapatan ni Guillermo ang kanyang pagsasalin ng mga salitang nagbibigay
lalim bagkus, tinapatan lamang niya ng tumbas na salin ang bawat salita sa
orihinal na wika.

144
Pasok dito ang Skopos Theory dahil isinaalang-alang ng tagasalin ang
damdamin ng mambabasa. Hilambawa sa salin sa ikaapat na talutod na “If
rice have to eat and when there is nothing to eat” na naging “kung kailangan
naming kumain at kung wala kaming makain” mapapansin na sa unang basa
ay maiintindihan mo ka agad ang nais iparating ng pahayag na ito hindi na
tinumbasan ng malalim na salita ang pahayag na ito, dahil mas naging
priority ng tagsalin nga ang damdamin ng target audience kung ano ang
magiging epekto nito sa mambabasa. Gayunpaman, mababanaag na ang
simulating wika at Salin ng saknong ang nagtataglay ng makadiwa na salin
wala itong nakatagong kahulugan ng pagiging idyomatiko pahayag.

SAKNONG 3

Simulaang Lengguwahe (Ingles) Tunguhang Lengguwahe (Filipino)


If father quarrels with mother Kung nag-aaway ang Tatay at Nanay
Mothers blames father, Pinagbibintangan ni Nanay si Tatay
Even as pedicabs off the streets by na siya ang may kasalanan. Kahit na
city buses. ginigipit na ng mga bus ang mga
pedicab
Who is to blame that it is now Sino ang may kasalanan kung mas
cheaper to ride a bus than a mura ang nang sumakay sa bus
pedicab? kaysa magpedicab.

Katulad ng naunang suri sa naunang saknong ay ganito rin ang nakita


ko sa ikatlong saknong, hindi makikitaan ng idyomatikong pahayag ang salin
ni Guillermo. Malaya man ang pagkakasalin nito kung saan binigyang bihis
ni Guillermo ang salin mula sa orihinal. Ngunit hind nagkaroon ng malalim
ng pagpapakahulagan sa bawat pahayag. Ang mga pahayag mula sa
Simulaang Lenggwahe ay madaling intindihin at unawain. Kaya’t isinalin din
ito ni Guillermo na naiintindihan at nauunawaan. Gayunpaman, ang
pagsasalin sa bahaging ito nagpapakita ng maka-diwang salin walang
nakatagong kahulugan ang bawat taludtod mas naisalang-laang ng tagasalin
ang damdamin ng kanyang mambabasa.

145
SAKNONG 4

Simulaang Lengguwahe (Ingles) Tunguhang Lengguwahe (Filipino)


If mother is being strangled by debt Kung sinasakal sa utang si Nanay,
If the neighbor are being are being Kung sinasakal sa utang kapitbahay.
strangled by debt.

Sa ikaapat na saknong namang ay kakikitaan ang pahayag ng pagiging


idyomatiko. Kung babasahin ang pahayag sa orihinal ang magiging pahiwatig
sa iyo ng pahayag ay literal na sinasakal, ganun din sa salin nito. Ngunit ang
kung lalaliman mo ang iyong pagpapakahulugan sa pahayag ay
maiintindihan mo ang ipinapahiwatig sa orihinal at salin nito. Kung saan
binibigyang pahiwatig ng dalawang lenggwahe “na marami na silang utang”
o“nababaon sila sa utang”. Binigyang tumbas ni Guillermo ang salitang
“strangled “ng akmang salita nito na sumasakal. Makikita nga sa pagsasalin
ni Guillermo sa salitang yaon ay hindi pa rin nabago ang diwa ng mensahe
mula sa orihinal. Samaktuwid ang salin ni Guillermo sa bahaging ito ay
nagpapakita ng idyomatikong pahayag, ngunit nandoon pa rin ang ideya at
diwa mula sa orihinal at salin nito.

SAKNONG 5

Simulaang Lengguwahe (Ingles) Tunguhang Lengguwahe (Filipino)


If we are tired to build our house Kung napipilitan kaming magtayo
along canal ng bahay sa tabi ng maruming
canal.
While the cost of land keeps going up Samantalang lalong nagmamahal
and we cannot afford to buy a land ang lupa at hindi na kami makabili
Whose fault is it that we cannot ng lupa
afford to buy an land. Sino ang may kasalanan na hindi
kami makabili ng lupa?

Mapapansin na malaya ang paraang ng kanyang pagsasalin kung, saan


binagong bihis niya ang anyo ng kanyang salin, ngunit nadoon pa rin ang

146
ipinapahiwatig na mensahe sa Simulaang Wika. Sa ikalimang saknong ay
masasabing hindi ito idyomatikong salin. Hindi ito idyomatiko dahil nga kung
iyong babasahin ang Simulaang Lenggwahe ay mahihinuha mo kaagad ang
nais iparating ng tula walang salitang nilagay sa Simulaang Lenggwahe
nagbibigay ng malalim na pagpapakahulugan. Ganun din ang nangyari aa
salin ni Guillermo, tinapatan lamang ni Guillermo ng tumbas na salita mula
sa Simulaang Lenggwahe ngunit hindi gumamit ng malalim na mga salita.
Gayunpaman, ang salin sa saknong na ito hindi idyomatiko, bagkos ito
makadiwa pagsasalin walang matatalinghagang salita ang naisalin.

SAKNONG 6

Simulaang Lengguwahe (Ingles) Tunguhang Lengguwahe (Filipino)


If sick person dies at home, Kung namatay ang may sakit sa
kanyang bahay,
because hospitals are expensive dahil napakamahal magpaospital.

Makikita sa Ikaanim na saknong na hindi idyomatiko ang salin dahil


ang pahayag sa simulaang wika ay hindi din idyomatiko. Pinalaya ng
tagasalin ang anyo mg kanyang salin, ngunit hindi nito tinumbasan ang
simulaang wika ng malalim na pakahulugan. Kaya’t kung babasahin ang
dalawang wika ay magkatulad ang mensahe nito at madali mo malaman ang
ipinapahiwatig na mensahe sa dalawnag wikang ito. Malalapat pa rin ang ang
dynamic theory kung saan nagkaroong pagdaragdag ng salita uoang
maiangkop ang mensahe sa Simulaang Lenggwahe patungo sa salin.
Samakatuwid ang pagsasalin sa bahaging ito ay makadiwa pagsasalin walang
nakapaloob na malalalim na salita.

SAKNONG 7

Simulaang Lengguwahe (Ingles) Tunguhang Lengguwahe (Filipino)


What is the worth of my poetry Ano ang saysay ng aking pagtula
Which takes up month of my time Na kumakain ng aking oras sa loob
ng ilang buwan

147
What can it contribute to alleviate the Ano ang maiaambag nito sa
poverty that is strangling us? paglutas sa kahirapang sumasakal
sa amin?

Sa pagsasalin naman sa ikapitong saknong na ito ay nakitaan ko ng


idyomatikong salin o kawikaan. Sa pagtumbas nga niya ng salita sa
Simulaang Lenggwahe ay naging literal na ito sa Tunguhing Lenggwahe na
nagpakita ng malalim na pahiwatig. Halimbawa nga dito ang ang ikalawang
pahayag na “which takes up months of my time” na sa pagsasalin ay naging
“Na kumain ng aking oras sa loob ng ilang buwan” mapapansin nga na nag
iba ang salin dahil nilapatan niya ng malalim na pagpapakahulugan na ang
ibig sabihin ay “nasayang lang ang panahon” dito makikita na idyomatiko ang
salin.

SAKNONG 8

Simulaang Lengguwahe (Ingles) Tunguhang Lengguwahe (Filipino)

What have I given? Ano ang naibigay ko?

When the audience at the poetry Kapag nagpalakpakan ang mga


reading have applauded nakikinig sa aking pagbabasa

What have I given? Ano ang naigibay ko?


What I have given? Ano ang naibigay ko?

Sa huling saknong naman na ito ng pagsasalin sa Filipino ay hindi ko


nakitaan ng idyomatiko o kawikaan dahil hindi rin kakikitan ng pagiging
idyomatiko ang simulaang wika. Mababasa nga sa Simulaang Lenggwahe na
natural o daloy ng pangungusap kayat madali lang itong maiintindihan.
Kaya’t kung babasahin ang salin ni Guillermo ay madali rin maintindihan.
Kahit na may nagbago sa salin nito mula sa wikang Pinagsalinan ay makikita
parin ang parehong mesahe ng dalawang wika.

148
D. Pinakamalapit Sa Diwa, Isipan o Damdaming Taglay ng Orihinal
Sa pagsasalin, ang katapatan sa may akda ang sinasalamin ng
kanilang isinalin. Hindi nangingibabaw ang sariling himig, mensahe at
damdamin, bagkus ipinapalitaw sa inyong akda ang orihinal na may-akda.
Marapat lamang na maging maalam at gamay na gamay ng tagapagsalin ang
tono, himig, estilo at emosyon ng akda upang hindi ito malapastangan.

SAKNONG 1

Simulaang Lengguwahe (Ingles) Tunguhang Lengguwahe (Filipino)

What is the worth of my poetry? Ano ang saysay ng aking pagtula?


If my younger sibling did not leave Kung hindi pumasok sa eskwela ang
for school aking kapatid,
because the school fees could not be Dahil hindi mabayaran ang matrikula?
paid?

Sa unang saknong ng tula, ang naging paraan ng pagkakasalin ay may


damdaming taglay ang Ingles sa Filipino. Kung susuriin ang diwa o kaisipan
ng pagkakasalin sa wikang Filipino ay tumutugma sa diwa sa Ingles.
Nakitaan man ng pagbabago lalo na sa pagdaragdag at pagbabawas ng salita
sa pagsasalin, ngunit namayani pa rin ang iisang damdamin. Ang damdamin
na ipinaprating sa wikang Ingles ay tila nadidismayang mamamayan dahil sa
kahirapan at hindi nakapa-aral ang kanyang kapatid, na natumbok o
inangkop rin ni Guillermo ang damdaming na iyon sa wikang Filipino o sa
kanyang salin.

Nailapat ng tagapagsalin ang teoryang dynamic equivalence ni Eugene


Nida. Ang teoryang ito ay nagsasaad ng maaaring magdagdag at bawas sa
pagsasalin ngunit, hindi nawala o nalihis ang diwa ng isang salitang
pinagsalinan. Kung mapapansin ang naging salin ni Guillermo sa unang
taludtod ay, mayroon itong (6) na salita lamang kumpara sa Ingles na
mayroong (7) mga salita. Samantala sa ikalawang taludtod isinalin niya ang
“younger sibliling” na “kapatid” lamang at hindi ibinilang ang paglalarawang

149
“younger” dahil isa sa mg tips sa pagsasalin ay ang pagiging masinop.
Malinaw na may nangyaring pagababawas ng ibang salita upang hind maging
pagpapaliwanag na uri ang kanyang pagsasalin, ngunit ang kabuuang
konteksto at diwa ng pagsasalin ay lubos na malapit sa Ingles.

SAKNONG 2

Simulaang Lengguwahe (Ingles) Tunguhang Lengguwahe (Filipino)


What is the worth of my poetry? Ano ang saysay ng aking pagtula?
If my father’s pedicab suddenly Kung umuwi ang aking tatay na
breaks down nawasak ang pedicab
If rice had to be bought with money Kapag kailangan ng perang pambili
If we have to eat ng bigas
And when there is nothing to eat? Kung kailangan naming kumain At
kung wala nang makakain?

Sa saknong na ito, makikita natin ang dalawang magkaibang


damdamin dahil na rin nag-iba ang naging diwa ng pagkakasalin sa wikang
Filipino. Ang diwa na gustong iparating ng sa wikang Ingles ay paninibugho
o kalungkutan dahil sinasalamin rito ang tunay na kalagayan ng isang
mahirap sa lipunan. Samantala ang naging salin naman sa Filipino, ay hindi
umangkop sa damdamin ng awtor sa Ingles. Mararamdaman natin ang bigat
ng salitang “nawasak” na salin ng “breaks down” sa ingles. Ang salitang
nawasak ay nasa anyong pasukdol na pang-uri, ibig sabihin ito ay nasa
mabigat at sukdulang paglalarawan sa nasirang kagamitan. Sa punto ng
paggamit ng diwang “nawasak” naapektuhan ang kabuuang diwa ng saknong
na isinalin sa wikang Filipino. Ang damdamin at diwang gustong iparating ng
wikang Ingles na may katamtamang lungkot lamang, pagdating naman sa
wikang Filipino, nabahiran na ng sobrang dismaya at galit ng mismong
nagsalin sa Filipino. Sa pagsasalin, nararapat lamang na iangat mo ang tunay
na diwa, kaisipan at damdamin ng may akda dahil isa itong senyales na ikaw
ay matapat sa may akda at sa iyong target audience.

150
Ang Skopos Theory ni Hans Josef Vermeer ay pwedeng
makapagpapaliwanag rito. Ang teorya ng pagsasalin na ito ay iniaangat kung
ano ang mas epektibong salita o damdamin ang angkop para sa mambabasa.
Dahil para ito sa mga Pilipino, ang hagod ng damdaming maka-Pilipino ay
pailalim. Ibig sabihin, hinuhukay ng tagapagsalin ang mga danas o
karanasan ng mambabasa; ang hirap kapag ikaw ay mahirap. Ipinaprating
nito ang pagiging sawa na at galit sa isang sistemang nananatiling atrasado
sa kabila ng kaunlarang tinatamasa ng mayayamang tao.

SAKNONG 3

Simulaang Lengguwahe (Ingles) Tunguhang Lengguwahe (Filipino)

What is the worth of my poetry? Ano ang saysay ng aking pagtula?


If father quarrels with mother Kung nag-aaway ang tatay at nanay
Mother blames father Pinagbibintangan ni nanay si tatay
Even as pedicabs are pushed off na siya ang may kasalanan
the streets by city buses Kahit ginigipit na ng mga bus ang
mga pedicab
Who is to blame that it is now Sino ang may kasalanan kung mas
cheaper? mura nangsumakay sa bus kaysa
To ride a bus than a pedicab? magpedicab?

Sa saknong namang ito, kung babasahin sa kabuuan masasabi na


mayroong tugmang damdamin ang wikang Ingles at wikang Filipino.
Tinataglay ng salin sa Filipino ang damdamin na mayroon ang salin sa wikang
Ingles. Ang damdamin paglalarawan sa isang malungkot at ang tunay na
nangyayari sa isang tahanan at higit sa lahat ang damdaming gustong-
gustong magprotesta sa panggigipit. Nagkaroon ng pagsasalin sa may
pinakamalapit na diwa kahit na mapapansin ang pagdaragdag ng saysay o
salita sa salin sa Filipino. Una diyan ay ang pagkakasalin sa ikatlong taludtod
sa wikang Filipino. Ang “Mother blames father” ang naging salin sa wikang
Filipino ay “Pinagbibintangan ni nanay si tatay na siya ang may kasalanan.
Kung hihimayhimayin ang Pinagbibintangan ay may salin sa Ingles na

151
“accuse o accusing”, ang “blames” naman ay may salin sa Filipino na sinsisi.
Higit pa riyan sa pagkakasalin ng taludtod 2, ang pagbabago ng
pangkabuuang larawan dahil na rin sa pagdaragdag nito ng isa pang diwa na
wala sa pinagbatayan. Ang pagdagdag ng siya ang may kasalanan, na
hinding-hindi natin mababasa ang katumbas na diwa nito sa Ingles.
Bagama’t ganoon ang nangyaring pagkakasalin, naiangat ni Guillermo ang
diwa at damdamin ng awtor sa Ingles.

Ayon kay Batoon (2020), isa sa mga tips ng pagsasalin ay ang tukuyin
ang uri ng tekstong isinalin muna. Isa sa uri ng teksto ay ang expressive na
tukuyin kung anong damdamin mayroon ang isang mensahe. Malinaw na
natukoy at inangkop sa mensahe ng kanyang pinagbatayang salin kung kaya,
hindi naging balakid ang pagdaragdag ng mga salita hangga’t ang diwa’t
damdamin ay naroroon pa din dahil tinataglay pa rin ng salin sa Filipino ang
diwa at damdamin sa salin sa wikang Ingles.

SAKNONG 4

Simulaang Lengguwahe (Ingles) Tunguhang Lengguwahe (Filipino)

What is the worth of my poetry? Ano ang saysay ng aking pagtula


If mother is being strangled by debt Kung sinasakal sa utang si nanay?
If the neighbours are being strangled Kung sinasakal sa utang ang
by debt? kapitbahay?

Ang saknong na ito, at ang wikang Ingles at Filipino ay parehong


ipinaparating ang damdaming naghihingalo at hirap sa buhay na kumakapit
sa panghihiram upang may maipakain sa pamilya. Ang diwa o kaisipan ng
wikang Ingles at wikang Filipino ay walang pagkakaiba. Tumutugma ang diwa
at ang damdamin ng bawat salin na gusto nitong iparating. Katulad ng mga
naunang taludtod, ang dynamic equivalence ay kadalasang mahihinuha
bilang pamamaraan ng pagsasalin. Nangyayari ang pagdaragdag at
pagbabawas kaonti, ngunit sa kabuuan ang totoong diwa sa diwa at sa himig
sa himig/ damdamin sa damdamin ay hindi iwinaglit sa salin.

152
SAKNONG 5

Simulaang Lengguwahe (Ingles) Tunguhang Lengguwahe (Filipino)

What is the worth of my poetry? Ano ang saysay ng aking pagtula?


If we are forced to build our house Kung napilitan kaming magtayo ng
Along a canal, bahay
Sa tabi ng maruming kanal?
While the cost of land keeps going Samantalang lalong nagmamahal ang
up lupa
We cannot afford to buy At hindi kami makabili
Whose fault is it that we cannot Sino ang may kasalanan na hindi kami
afford to buy land? makabili ng lupa?

Sa bahaging ito, masusuri natin ang paglalapit ng tagapagsalin sa


Filipino sa diwa at damdamin sa salin sa Ingles na kanyang pinagbatayan.
Damdamin ng unti-unting paglaho ng pag-asang makapamuhay nang
maginhawa. Sa pamamagitan ng pinakamalapit na diwa ng pagsasalin ay
naihatid ng mga tagapagsalin ang parehong damdamin.

Isa sa mapapansin sa bahaging ito ay ang taludtod 2 nagkaroon ng


pagbabago sa pagsasalin sa wikang Filipino. Ang naging pagbabago lamang
sa linyang ito ay ang “canal” sa ingles ay naging “maruming kanal” sa wikang
Filipino. May idinagdag na maruming kanal may paglalarawan sa kanal na
sinasalamin halos ng sitwasyon rito sa Pilipinas, subalit ang pagsasalin sa
kabuuan ay may malapit na diwa at damdamin sa wikang Ingles. Nailapat pa
rin dito ang dynamic equivalence at skopos theory.

SAKNONG 6

Simulaang Lengguwahe (Ingles) Tunguhang Lengguwahe (Filipino)

What is the worth of my poetry? Ano ang saysay ng aking pagtula?


If a sick person dies at home

153
Because hospitals are expensive? Kapag namatay ang isang maysakit
sa kanyang bahay
Dahil napakamahal magpa-ospital?

Sa saknong 6 naman, tinataglay ng wikang Filipinong salin ang


damdamin sa wikang Ingles at kuhang-kuha ang orihinal na saysay o diwa
ng tula. Ipinapakita rito ang damdaming pag-aalala ng isag mahirap. Gamit
ang diwa sa diwang pagsasalin, tinaglay ng salin ang kabuuang damdamin
ng salin sa Ingles. Higit pa rito, inangkop din ng salin sa wikang Filipino ang
domestication theory ni Lawrence Venutti. Ang teoryang ito ay
pagpapasailalim sa karaniwang salita gamit ng target-audience. Ang ikatlong
taludtod sa ingles na “because hospitals are expensive” na ang salin sa
Filipino ay “dahil napakamahal magpa-ospital?” na kung mapapansin, iginiit
rito ang pananaw ng maraming target-readers, kapag Hospital ang pinag-
uusapan, talagang hindi lang mahal, kundi napakamahal. Kung kaya
patunay lamang sa taludtod na ito na halos taglay ng wikang Filipino ang
damdamin at diwa ng wikang Ingles na salin, ngunit isinaalang-alang din ang
karaniwang pananaw ng tao sa isang tao o bagay nang mas lalong
maunawaan ang kontekstong ipinapabatid.

SAKNONG 7

Simulaang Lengguwahe (Ingles) Tunguhang Lengguwahe (Filipino)

What is the worth of my poetry Ano ang saysay ng aking pagtula?


Which takes up months of my time Na kumakain ng aking oras sa loob
ng ilang buwan
What can it contribute to alleviate
the poverty Ano ang maiaambag nito sa paglutas
That is strangling us? sa kahirapang
Sumasakal sa amin?

Ang saknong 7 naman ay talagang taglay ng wikang Filipinong salin


ang diwa at damdamin ng salin sa wikang Ingles. Damdamin na handang

154
subukang labanan ang kahirapan. Ang literal na pagkaksalin ng mga salita
ay naipababatid rin ang saysay ng tulang ito, halimbawa ang salin ng “takes
up” na ang salin ay “kumain”, na kung susuriin talagang ito ay literal.
Bagama’t may pagbabago rin sa ginawang pagsasalin sa Filipino, higit sa
lahat ay nakabinbin at naiwan ang damdamin na gustong iparating ng salin
sa wikang Ingles sa salin sa wikang Filipino.

SAKNONG 8

Simulaang Lengguwahe (Ingles) Tunguhang Lengguwahe (Filipino)


Ano ang naibigay ko
What have I given Kapag nagpalakpakan ang mga
When the audience at the poetry nakinig sa aking mga pagbasa
reading have applauded
Ano ang naibigay ko?
What have I given Ano ang naibigay ko
What have I given

Sa panghuling bahagi ng tula, ang ikawalong saknong, masusuri natin


na tinataglay ng salin sa Filipino ang damdaming nakabinbin sa wikang
Ingles. Naipadama ang damdaming, pag-asa na baka sakaling mapakinggan
ang hinaing. Ang naging damdamin sa pagtatapos ng tulang ito ay may
malakas na impak sa bawat mamababasa na talagang, mag-iiwan ng
palaisipan sa inyong isipan. Bilang tagapagsalin sa Filipino, nailahad sa
bahaging ito ni Guillermo ang kaisahan ng diwa at damdamin. Kahit na may
kaunting pagbabago sa pagkaksalin tulad halimbawa ng “poetry reading” na
naging salin sa Filipino ay “pagbabasa” hindi pa rin ito naapektuhan ang
tunay na saysay ng tula, ang damdamin ng orihinal na may akda, damdamin
ng nagsalin sa Ingles at ang damdamin ng nagsalin sa wikang Filipino.

155
E. Sinunod ba Ang Kinaugaliang Paraan ng Pagpapahayag Sa Wikang
Pinagsalinan

Ang paraan ng pagpapahayag sa pagsasalin sa tulang “What is the


worth of my poetry” ay mayroong sinunod na kinaugaliang paraan ng
pagpapahayag. Sa pagsasalin hindi lamang nakabatay sa kung ano ang
etsruktura ng orihinal na akda kundi isinaalang-alang din ang kultura ng
mambabasa.

SAKNONG 1

Taludtod 1

Simulaang Lengguwahe (Ingles) Tunguhang Lengguwahe (Filipino)

What is the worth of my poetry? Ano ang saysay ng aking pagtula?


Ang taludtod na ito ay isang sugnay na di-makapag-iisa hindi buo ang
pagpapahayag. Ito ay may simunong “ang saysay ng aking pagtula” ngunit
walang panaguri. Ang sugnay na di-makapag-iisa ay maaring may simuno at
panaguri ngunit hindi buo ang ipinapahayag.

Taludtod 2

Simulaang Lengguwahe (Ingles) Tunguhang Lengguwahe (Filipino)


If my younger sibling did not leave Kung hindi pumasok sa eskwela ang
for school, aking kapatid

Ang taludtod na ito ay isang sugnay na makapag-iisa, mayroong


simuno at panaguri na tiyak kung ano ang naipararating. Ito ay may
karaniwang ayos, nauna ang panaguri na “hindi pumasok sa eskwela” bago
ang simuno na “aking kapatid”. Ang sugnay na makapag-iisa ay mayroong
simuno at panaguri, naipapakita ang diwa ng pahayag.

156
Taludtod 3

Simulaang Lengguwahe (Ingles) Tunguhang Lengguwahe (Filipino)


because the school fees could not dahil hindi mabayaran ang
be paid? matrikula?

Ang taludtod na ito ay isang halimbawa ng sugnay na hindi kompleto


ang pahayag na tinatawag na sugnay na di-makapag-iisa, may inilalarawan
ngunit walang katiyakan kung ano.

SAKNONG 2

Taludtod 5

Simulaang Lengguwahe (Ingles) Tunguhang Lengguwahe (Filipino)


If my father’s pedicab suddenly Kung umuwi ang aking tatay na
breaks down nawasak ang pedicab

Ang taludtod na ito ay isang halimbawa ng sugnay na makapag-iisa.


Ang kaugaliang paraan ng pagpapahayag ay sinunod sa simulaang lenggwahe
nauna ang simunong “umuwi ang aking tatay” sinundan naman ng panaguri
na “nawasak ang pedicab”

Taludtod 6

Simulaang Lengguwahe (Ingles) Tunguhang Lengguwahe (Filipino)


If rice had to be bought with money Kapag kailangan ng perang pambili
ng bigas

Ang taludtod na ito ay isang payak na pangungusap mayroong


simpleng simuno at panaguri, ang kaugaliaan paraan ay may karaniwan na
ayos. Ang panaguri ay “perang pambili” at ng simuno ay “bigas”

157
Taludtod 7

Simulaang Lengguwahe (Ingles) Tunguhang Lengguwahe (Filipino)


If we have to eat Kung kailangan naming kumain At
And when there is nothing to eat? kung wala nang makakain?

Ang taludtod na ito ay isang uri ng pangungusap na modal


nangangahulugan ito na gusto, maari o dapat mangyari. Ito ay walang paksa
at mayroon lamang itong panaguri. Matatawag rin na sugnay na di-makapag-
iisa dahil hindi kompleto ang ipinahahayag.

And when there is nothing to eat? At kung wala nang makakain?

Ito ay walang paksa o simuno, isa itong uring ng pangungusap na


eksistensyal nagsasaad ng pagkawala.

SAKNONG 3

Taludtod 9

Simulaang Lengguwahe (Ingles) Tunguhang Lengguwahe (Filipino)


If father quarrels with mother Kung nag-aaway ang tatay at nanay

Ang taludtod na ito ay isang halimbawa rin ng sugnay na di-makapag-


iisa na pangngalan dahil nasa paksa ito ng pangungusap, mayroon itong
panaguri na nag-aaway at simuno na ang tatay at nanay ngunit kompleto ang
ipinapahayag.

Taludtod 10

Simulaang Lengguwahe (Ingles) Tunguhang Lengguwahe (Filipino)


Mother blames father Pinagbibintangan ni nanay si tatay
na siya ang may kasalanan.

158
Ang taludtod na ito ay isang sugnay na nakapag-iisa at payak na
pangungusap dahil mayroon itong panaguri na pinagbibintangan at simuno
na si tatay, kompleto ang diwa na ipinapahayag.

Taludtod 11

Simulaang Lengguwahe (Ingles) Tunguhang Lengguwahe (Filipino)


Even as pedicabs are pushed off Kahit ginigipit na ng mga bus ang
the streets by city buses mga pedicab

Ito ay sugnay na di-makapag-iisa mayroong simuno at panaguri ngunit


hindi buo ang diwa nito. Ang simuno ay ang pedicab at ang panaguri ay
ginigipit ng mga bus.

Taludtod 12

Simulaang Lengguwahe (Ingles) Tunguhang Lengguwahe (Filipino)

Who is to blame that it is now Sino ang may kasalanan kung mas
cheaper mura nang sumakay sa bus kaysa
To ride a bus than a pedicab? magpedicab?

Ang taludtod na ito ay isang patanong na pangungusap mayroon itong


simuno na “bus” at panaguri na “mura nang sumakay”.

SAKNONG 4

Taludtod 14

Simulaang Lengguwahe (Ingles) Tunguhang Lengguwahe (Filipino)


If mother is being strangled by debt Kung sinasakal sa utang si nanay?

Ang taludtod na ito ay isang payak at patanong na pangungusap, payak


dahil mayroon itong simpleng panaguri na “sinasakal sa utang”at simuno na
“si Nanay” at patanong naman ang pamamaraan ng salaysay.

159
Taludtod 15

Simulaang Lengguwahe (Ingles) Tunguhang Lengguwahe (Filipino)


If the neighbours are being Kung sinasakal sa utang ang
strangled by debt? kapitbahay?

Katulad ng unang taludtod ito rin ay isang payak at patanong na


pangungusap, payak dahil mayroon itong simpleng panaguri na “sinasakal
sa utang”at simuno na “ang kapitbahay”.

SAKNONG 5

Taludtod 17

Simulaang Lengguwahe (Ingles) Tunguhang Lengguwahe (Filipino)

If we are forced to build our house Kung napilitan kaming magtayo ng


Along a canal, bahay
Sa tabi ng maruming kanal?

Ang taludtod na ito ay isang sugnay na di-makapag-iisa na pangngalan


dahil nasa paksa ito ng pangungusap mayroon itong simuno na “napilitan
kami” panaguri na “magtayo ng bahay”

Taludtod 18

Simulaang Lengguwahe (Ingles) Tunguhang Lengguwahe (Filipino)


While the cost of land keeps going Samantalang lalong nagmamahal ang
up lupa
We cannot afford to buy At hindi kami makabili

Ang taludtod na ito ay isang sugnay na di-makpag-iisa mayroong


panaguri at simuno ngunit walang buong diwang sa ipinapahayag. Ang
panaguri ay “lalong nagmahal” at ang simuno ay “ang lupa”

That We cannot afford to buy At hindi kami makabili

160
Ang pangalawang bahagi ng taludtod na ito ay isang eksistensyal na
pangungusap, nagsasaad ito ng pagkamayroon at pagkawala. Walang
panaguri at maaari ring sugnay na di-makapag-iisa hindi buo ang
ipinapahayag.

Taludtod 19

Simulaang Lengguwahe (Ingles) Tunguhang Lengguwahe (Filipino)


Whose fault is it that we cannot Sino ang may kasalanan na hindi
afford to buy land? kami makabili ng lupa?

Ang taludtod na ito ay isang sugnay na di makapag-iisa na pangngalan


dahil nasa paksa ito ng pangungusap, hindi buo ang diwa ng ipinapahayag.

SAKNONG 6

Taludtod 21

Simulaang Lengguwahe (Ingles) Tunguhang Lengguwahe (Filipino)


If a sick person dies at home Kapag namatay ang isang may sakit
sa kanyang bahay?

Ang taludtod na ito ay isang sugnay na makapag-iisa at isang payak na


pangungusap. Mayroon itong panaguri na “namatay” at simuno na “may
sakit”

Taludtod 22

Simulaang Lengguwahe (Ingles) Tunguhang Lengguwahe (Filipino)

Because hospitals are expensive? Dahil napakamahal magpa-ospital?

Ang taludtod na ito ay isang sugnay na di-makapag-iisa dahil hindi buo


ang diwa ng ipinapahayag, mayroon itong panaguri na “napakamahal” at
simuno na “magpa-ospital”

161
SAKNONG 7

Taludtod 24

Simulaang Lengguwahe (Ingles) Tunguhang Lengguwahe (Filipino)

Which takes up months of my time Na kumakain ng aking oras sa loob


ng ilang buwan

Ang taludtod na ito ay isang halimbawa ng sugnay na di-makapag-


iisa na pangngalan ito ay ang buong simuno ng pangungusap.

Taludtod 25

Simulaang Lengguwahe (Ingles) Tunguhang Lengguwahe (Filipino)

What can it contribute to alleviate Ano ang maiaambag nito sa paglutas


the poverty sa kahirapang
That is strangling us?
Sumasakal sa amin?

Ang taludtod na ito ay isang uri ng pangungusap na patanong,


nagtatanong sa kasagutan. Ito ay sugnay na di-makapag-iisa hindi buo ang
diwa ng pahayag.

SAKNONG 8

Taludtod 26, 28 at 29

Simulaang Lengguwahe (Ingles) Tunguhang Lengguwahe (Filipino)

What have I given Ano ang naibigay ko?

Ang taludtod na ito ay isang uri ng pangungusap na padadamn


nagsasaad ng damdamin.

162
Taludtod 27

Simulaang Lengguwahe (Ingles) Tunguhang Lengguwahe (Filipino)

When the audience at the poetry Kapag nagpalakpakan ang mga


reading have applauded nakinig sa aking mga pagbasa

Ang taludtod na ito ay isang sugnay na makapag-iisa, buo ang diwa ng


ipinapahayag. Mayroon itong panaguri na “nagpalakpakan” at mayroong
simuno na “ang mga nakikinig”.

Sa kabuuan ang bawat taludtod ay maaaring sugnay na makapag-iisa


mayroon itong simuno at panaguri na buo ang diwa ng pahayag at sugnay na
di-makapag-iisa mayroon ding simuno at panaguri ngunit hindi buo ang diwa
ng ipinapahayag at malalaman ito depende sa mga pangatnig na ginamit.
Mayroon ding mga taludtod na walang mga paksa.

F. Maugnayin o Consistent Ba Ang Salin Kung Isang Salita Lamang


Ginamit Sa Mga Salitang Tinatapatan.

Ayon kay Pamfilo Catacataca sikaping maging maugnayin (consistent)


o isang salin lamang ang gamitin sa salitang tinatapatan.

Batay sa pagsusuri sa orihinal na bersyon ng tula na may pamagat na


“What is the worth of my poetry” na isinalin sa wikang Filipino na “Ano ang
saysay ng aking pagtula” ay naging maugnayin o consistent ang pagtatapat
ng halos salita sa tula ngunit may iilang salita ay hindi naging maugnayin.

SAKNONG 1

Taludtod 1

Simulaang Lengguwahe (Ingles) Tunguhang Lengguwahe (Filipino)

163
What is the worth of my poetry Ano ang saysay ng aking pagtula

Naging maugnayin ang taludtod na ito dahil ginamit ng tagapagsalin


pitong beses itong nabanggit sa tula mula sa simula hanggang sa matapos
ang tula ay walang binago.

Taludtod 2

Simulaang Lengguwahe (Ingles) Tunguhang Lengguwahe (Filipino)


If my younger sibling did not leave Kung hindi pumasok sa eskwela ang
for school, aking kapatid

Ang taludtod na ito ay naging maugnayin dahil sa buong tula isang


beses lamang itong nabanggit.

Taludtod 3

Simulaang Lengguwahe (Ingles) Tunguhang Lengguwahe (Filipino)

because the school fees could not dahil hindi mabayaran ang
be paid? matrikula?

Naging maugnayin ang taludtod na ito dahil sa buong tula ang ginamit
na mga salita ang isang beses lamang nabanggit ang mga ito.

SAKNONG 2

Taludtod 5

Simulaang Lengguwahe (Ingles) Tunguhang Lengguwahe (Filipino)


If my father’s pedicab suddenly Kung umuwi ang aking tatay na
breaks down nawasak ang pedicab

164
Ang taludtod na ito ay naging maugnayin dahil ang mga salita ay isang
salita lang ang ginamit.

Taludtod 6

Simulaang Lengguwahe (Ingles) Tunguhang Lengguwahe (Filipino)

If rice had to be bought with money Kapag kailangan ng perang pambili


ng bigas

Ang paggamit ng isang salita sa taludtod na ito ay isang patunay na


naging maugnayin ito.

Taludtod 7

Simulaang Lengguwahe (Ingles) Tunguhang Lengguwahe (Filipino)

If we have to eat Kung kailangan naming kumain At


And when there is nothing to eat? kung wala nang makakain?

Ang taludtod na ito ay hindi naging maugnayin sa paggamit ng salita,


pansinin ang salitang eat sa simulaan lenggwahe nag-iba ang paggamit ng
eat sa tunguhang lenggwahe naging kumain at makain ito dahil nga sa
pagkakaiba ng kultura at wika nagkakaroon din ito ng pag-iiba sa paggamit
mga salita ngunit ang kahulugan ay nananatili pa rin.

SAKNONG 3

Taludtod 9

Simulaang Lengguwahe (Ingles) Tunguhang Lengguwahe (Filipino)

If father quarrels with mother Kung nag-aaway ang tatay at nanay

165
Ang taludtod na ito ay naging maugnayin dahil ang salita nanay at
tatay ay ginamit rin sa kasunod na taludtod at isang salita lamang ang
ginamit.

Taludtod 10

Simulaang Lengguwahe (Ingles) Tunguhang Lengguwahe (Filipino)

Mother blames father Pinagbibintangan ni nanay si tatay


na siya ang may kasalanan.

Ang taludtod na ito ay naging maugnayin sa paggamit ng nanay at


tatay ngunit mayroon ring salita sa taludtod na ito na hindi maugnayin sa
paggamit ang salitang blames at pinagbibintangan matatalakay ito sa
ibaba kung bakit hindi naging maugnayin ang paggamit.

Narito ang pagpapaliwanag sa Saknong 3 taludtod 3, 5 at sa Saknong


5 taludtod 4 kung bakit hindi naging maugnayin ang salitang mga ito:

Mothers blames father,


Pinagbibintangan ni Nanay si Tatay na siya ang may kasalanan

Who is to blame that it is now cheaper to ride a bus than a pedicab


Sino ang may kasalanan kung mas mura ang nang sumakay sa bus
kaysa magpedicab.

Whose fault is it that we cannot afford to buy an land


Sino ang may kasalanan na hindi kami makabili ng lupa

Pansinin ang mga salita na ito

INGLES FILIPINO

166
Blames Pinagbibintangan
Blame ang may kasalanan
Fault ang may kasalanan

Ang blame- responsibility for a fault or wrong


Ang kahulugan naman nito sa Filipino ay:
Sisihin, ibintang, kasalanan, magbigay-sala at iba pa.

Samaktuwid hindi naging maugnayin ang paggamit ng mga salitang


ito dahil iba-iba ang ginamit sa bawat pangungusap na nakaugnay rito
ngunit magkatulad lang ang kahulagan ng mga salitang ito.

Sa kabuuan ang mga salita sa tula ay ginamit halos na maugnayin


ngunit mayroong iba na taliwas rito dahil nakabatay ito sa kung paano bunuo
ang isang teksto ang salitang ginamit upang pag ugnayin ang mga ito.

Ayon kay Paciano Mercado Rizal, ang pagsasalin ay inaayon sa mga


salita kapag itoý mauunawaan at ginagawang Malaya naman kapag iyon ay
may kalabuan datapua’t hindi lumalayo kailanman ang kahulugan. Mayroon
mang ibang salita na hindi consistent sa paggamit ngunit naiintindihan pa
rin ang diwa ng paksa.

Taludtod 11 AT 12

Simulaang Lengguwahe (Ingles) Tunguhang Lengguwahe (Filipino)

Even as pedicabs are pushed off Kahit ginigipit na ng mga bus ang
the streets by city buses mga pedicab

Simulaang Lengguwahe (Ingles) Tunguhang Lengguwahe (Filipino)

Who is to blame that it is now Sino ang may kasalanan kung mas
cheaper mura nang sumakay sa bus kaysa
To ride a bus than a pedicab? magpedicab?

167
Ang taludtod na ito ay mayroong maugnayin na salita kagaya ng bus at
pedicab makikita na isang salita lang ang ginamit sa bawat taludtod.
Mayroon ring di maugnay na salita rito ito ay ang blame na may salin na ang
may kasalanan maipapaliwanag ito sa ibaba kung bakit ito naging di
maugnayin.

SAKNONG 4

Taludtod 14 AT 15

Simulaang Lengguwahe (Ingles) Tunguhang Lengguwahe (Filipino)

If mother is being strangled by debt Kung sinasakal sa utang si nanay?

Simulaang Lengguwahe (Ingles) Tunguhang Lengguwahe (Filipino)

If the neighbours are being Kung sinasakal sa utang ang


strangled by debt? kapitbahay?

Ang mga taludtod na ito ay naging maugnayin dahil sa mga salitang


ginamit at pareho ang pagpapakahulugan nag-iiba lang sa naging paksa.

SAKNONG 5

Taludtod 17

Simulaang Lengguwahe (Ingles) Tunguhang Lengguwahe (Filipino)

If we are forced to build our house Kung napilitan kaming magtayo ng


Along a canal, bahay
Sa tabi ng maruming kanal?

Ang taludtod na ito ay maugnayin dahil isa-isang salita lang ang


ginamit upang makabuo ng pangungusap.

168
Taludtod 18

Simulaang Lengguwahe (Ingles) Tunguhang Lengguwahe (Filipino)


While the cost of land keeps going Samantalang lalong nagmamahal ang
up lupa
We cannot afford to buy At hindi kami makabili

Sa taludtod na ito naging maugnayin ang paggamit ng salita dahil


makikita na ang salitang land na may salin sa na lupa kung mapapansin
magkatulad na salita o katawagan pa rin ang ginamit.

Taludtod 19

Simulaang Lengguwahe (Ingles) Tunguhang Lengguwahe (Filipino)

Whose fault is it that we cannot Sino ang may kasalanan na hindi


afford to buy land? kami makabili ng lupa?

Sa taludtod na ito ay may mga salita na maugnayin ang paggamit at


mayroon ring mga salita na hindi naging maugnayin. Ang salitang fault at
ang salitang ang may kasalanan. Ipapaliwanang ito sa ibaba.

SAKNONG 6

Taludtod 21

Simulaang Lengguwahe (Ingles) Tunguhang Lengguwahe (Filipino)

If a sick person dies at home Kapag namatay ang isang may sakit
sa kanyang bahay?

Sa taludtod na ito naging maugnayin ang mag salitang ginamit dahil


isang beses lang itong naipakita sa tula.

169
Taludtod 22

Simulaang Lengguwahe (Ingles) Tunguhang Lengguwahe (Filipino)

Because hospitals are expensive? Dahil napakamahal magpa-ospital?

Naging maugnayin ang paggamit ng mga salita sa taludtod na ito dahil


isang beses lang itong nabanggit sa tula.

SAKNONG 7

Taludtod 24

Simulaang Lengguwahe (Ingles) Tunguhang Lengguwahe (Filipino)

Which takes up months of my time Na kumakain ng aking oras sa loob


ng ilang buwan

Naging maugnayin ang taludtod na ito dahil sa mga ginamit na salita


nito, isang beses lamang nabanggit ang mga salita sa tula.

Taludtod 25

Simulaang Lengguwahe (Ingles) Tunguhang Lengguwahe (Filipino)


What can it contribute to alleviate Ano ang maiaambag nito sa paglutas
the poverty sa kahirapang
That is strangling us?
Sumasakal sa amin?

Naging maugnayin ang ang taludtod na ito dahil sa mga ginamit na


salita nito, isang beses lamang nabanggit ang mga salita sa tula.

170
SAKNONG 8

Taludtod 26, 28 AT 29

Simulaang Lengguwahe (Ingles) Tunguhang Lengguwahe (Filipino)

What have I given Ano ang naibigay ko?

Ang taludtod 1, 3 at 4 ay pareho lamang ang mensahe at diwa at ito


maugnayin dahil iisa lang ang ginamit na salita, tinumbasan ang lahat ng
mga salita na nasa wikang Ingles patungo sa wikang Filipino. Mapapansin na
may (4) na salita ang wikang Ingles gayon rin ang wikang Filipinong salin.

Taludtod 27

Simulaang Lengguwahe (Ingles) Tunguhang Lengguwahe (Filipino)


When the audience at the poetry Kapag nagpalakpakan ang mga
reading have applauded nakinig sa aking mga pagbasa

Sa taludtod na ito maugnayin ang mga salitang ginamit dahil isang


beses lamang nabanggit ang mga salita sa tula. Gayunpaman, makikita na
tinumbasan ang wikang pinagsalinan ng mga salita sa Filipino na madaling
maunawaan at consistent.Ibig sabihin, hindi gumamit ng mga salitang salin
si Guillermo na malalim sa pagtutumbas ng mga mababaw lamang na salita
sa wikang pinagsalinan.

171
G. Natural na Tunog o Daloy o Estilo ng Wikang Pinagsasalinan.

SAKNONG 1

Taludtod 1

Simulaang Lengguwahe (Ingles) Tunguhang Lengguwahe (Filipino)


What is the worth of my poetry? Ano ang saysay ng aking pagtula?

Ang unang taludtod sa unang saknong ay taglay ang pagsasaling


natural. Nagiging natural ang isang pagsasalin kung ang ayos ng
pangungusap ay natural lamang kung babasahin. Sa taludtod na ito,
mapapansing maayos ang pagkakaayos ng mga salita at maging ang
estruktura dahil hindi siya “awkward” tingnan at babasahin at talagang
maiintindihan ang mensaheng ipinapabatid ng taludtod 1.

Kung iisa-isahin ang mga salitang nasa wikang Ingles na isasalin sa


literal na anyo at salita sa wikang Filipino, ay hindi magiging tama ang
gramatika at diwa.

What = Ano
Is = ay
The = ang
Worth = saysay
Of = ng
My = ko
Poetry = pagtula

Ano ay ang saysay ng ko pagtula.

Kung ang ang naging estilo ng tagapagsalin sa Filipino ay isang di-


natural o hindi naging natural ang daloy ng pangungusap, magkakaroon ito
ng panibagong anyo at diwa. Tulad halimbawa, kung ang pormulang
estruktura ng taludtod na ito ay ginawang malaya, ay maipaparating pa rin
ang diwa, subalit hindi na ito natural kung babasahin. Ang pormula ay
kabaliktaran sa malayang pangungusap, hindi nagbabago ang anyo nito.
Dahil kapag nagbago maituturing na itong malayang pangungusap.

172
Salin sa Ingles Pormula Malaya

What is the worth Ano ang saysay ng aking Ang saysay ng aking
of my poetry? pagtula? pagtula, ay ano?

Nakita natin ang kaibahan kapag pinalaya ang estruktura ng salin sa


Filipino, katanggap-tanggap naman ang naging salin subalit hindi natural.
Pangalawa, ang estilo rin ay hindi natural dahil kapag pinalaya ang
estruktura ang kinalabasan sa taludtod na ito, tila ay pagkausap sa sarili
mismo (Unang Panauhan o point of view).

Taludtod 2

Simulaang Lengguwahe (Ingles) Tunguhang Lengguwahe (Filipino)


If my younger sibling did not leave Kung hindi pumasok sa eskwela ang
for school, aking kapatid

Sa ikalawang taludtod naman ay sa tingin ko ay hindi taglay ang


natural na pagkakasalin sa wikang Filipino. Hindi naging maayos ang daloy
ng pangungusap kung babasahin at wari’y saliwa ang naging dating nito sa
mambabasa. Nauunawaan natin na ang estilo ng pagsasalin sa daloy ng
pangungusap ay ang pagiging masinop sa salitang salin, na mula sa (9) na
orihinal na salita sa Ingles ay naging (8) na lamang ito. Subalit, marapat lang
rin sa pagsasalin ay natural ang maging mukha nito sa mambabasa.

Ang pormulang estruktura ng taludtod na ito ay ginawang malaya.


Naiintindihan, subalit saliwa kung titingnan at hindi naging natural ang
daloy ng salita sa pinagsalinan. Kung pinanatiling pormula ng tagapagsalin
sa wikang Filipino, mas mauunawaan ito ng marami at kaaya-aya pang
basahin.

Salin sa Ingles Pormula Malaya


If my younger Kung ang aking kapatid ay Kung hindi pumasok sa
sibling did not hindi pumasok sa eskwela ang aking kapatid
leave for school, eskwela,

173
Ayon nga sa Skopos Theory ni Lawrence Venutti, dapat sa pagsasalin
ay isaalang-alang ng tagapagsalin kung ano ang epektibo na salita,
estruktura o daloy ng salita para sa kanyang mambabasa. Kung kaya,
marapat na mayroong natural na daloy at estilo sa pinagsasalinang wika nang
makumbinse ang mambabasa at maihatid ang tunay na diwa o mensahe ng
iyong isinalin.

Taludtod 3

Simulaang Lengguwahe (Ingles) Tunguhang Lengguwahe (Filipino)


because the school fees could not dahil hindi mabayaran ang
be paid? matrikula?

Ang taludtod 2 at 3 ay konektado. Subalit sa paningin ko ang ikatatlong


taludtod ay mas natural ang daloy o estilo ng pangungusap kaysa sa
ikalawang taludtod. Sa kadahilanang ang pag-aangkop nito sa malayang
estilo ng pagkakasalin ay mas nagiging klaro kahit na pinasinop ito. Pansinin
ang kaibahan ng pagsasalin sa ibaba.

Salin sa Pormula Dami ng Malaya Dami ng


Ingles Salita Salita

because the dahil ang dahil hindi


school fees matrikula ay 6 mabayaran 5
could not be hindi ang
paid? mabayaran matrikula?

Makikita sa talahanayan ang pagkakaiba sa dami ng salita at sa anyo


ng pangungusap. Ang pinalayang salin ay mayroong (5) salita lamang at
natural na natural ang ayos ng pangungusap, naihahatid ang diwa na may
katiyakan. Samantala ang pormulang salin naman ay mayroong (6) na salita,
natural man ngunit may kaunting saliwa o “awkward” pa rin siyang basahin
sa kadahilanang ito ay isang malayang tula, kaya ang tula sa tula pa rin ay
mamayani.

174
SAKNONG 2

Ang unang taludtod sa ng unang saknong hanggang ikapitong saknong


ay magkapareha lamang.

Taludtod 5

Simulaang Lengguwahe (Ingles) Tunguhang Lengguwahe (Filipino)

If my father’s pedicab suddenly Kung umuwi ang aking tatay na


breaks down nawasak ang pedicab

Sa ikalawang taludtod ng saknong 4, hindi tinataglay nito ang natural


na daloy o estilo ng wikang pinagsasalinan. Unang dahilan ay, naging malaya.
Dahil sa pinalaya ang anyo ng pangungusap na ito naging di-natural ang
mukha nito at pangit ang impak kung babasahin. Pangalawa, hindi taglay
nito ang natural na daloy o estilo ng wikang pinagsalinan dahil sa paggamit
ng sukdulang paglalarawang salita bilang salin. Ang saling “nawasak” ay
hindi angkop o hindi natural na salita bilang tumbas ng “breaks down”. At
panghuli ay ang pagdaragdag ng salita na wala naman sa wikang
pinagsalinan ay pinapahaba nito ang salin na tila ba’y nagpapaliwanag ay
hindi na rin naging natural.

Taludtod 6

Simulaang Lengguwahe (Ingles) Tunguhang Lengguwahe (Filipino)

If rice had to be bought with Kapag kailangan ng perang pambili


money ng bigas

Sa taludtod 3, ito ay taglay ang natural na tunog o daloy o estilo ng


wikang pinagsalinan. Maayos ang takbo ng pangungusap sa wikang Filipino
at hindi saliwa. May malayang anyo ang pagsasalin na mas umakma dahil

175
nauunawaan ng mga mambabasa ang mensaheng bitbit ng salin. Magaling
rin ang pagkakasalin ng pangatnig na “if’ ng “kapag” sa Filipino.

Kung babalikan ang iba pang taludtod ng tula, ang halos lahat ng salin
ng “if’ ay kung. Sa puntong ito ginamit ang “kapag” bilang pangatnig sa
taludtod 3, na mas pinalinaw ang mensaheng gustong ipabatid ng taludtod.
Ginagamit lang ang KAPAG na pangatnig bilang pamalit sa kung na
nakadepende sa konteksto ng pangungusap, ngunit ang tungkulin nito ay
maigiit ang kahingian ng isang bagay na may kapalit. Sa salin sa Filipino, ang
kapalit ng pera ay ang bigas, kaya naman tumugma ang paggamit ng mga
salita ni Guillermo sa taludtod na ito sanhi ng pagiging natural na salin.

Taludtod 7

Simulaang Lengguwahe (Ingles) Tunguhang Lengguwahe (Filipino)

If we have to eat Kung kailangan naming kumain At


And when there is nothing to eat? kung wala nang makakain?

Katulad ng naunang taludtod, tumataglay rin ito ng natural na daloy o


estilo sa wikang pinagsasalinan. Ang pagpapanatili nitong pormulang anyo
ng pagsasalin at ang paggamit na angkop na salita sa pagsasalin sa wikang
Filipino ay mas lalong nagpapalinaw sa mensahe ng wikang pinagsasalinan.
Dagdag pa riyan ang pagpapaikli ng salin ay hindi naapektuhan ang diwa o
mensahe nito.

SAKNONG 3

Taludtod 9

Simulaang Lengguwahe (Ingles) Tunguhang Lengguwahe (Filipino)

If father quarrels with mother Kung nag-aaway ang tatay at nanay

176
Sa saknong 3, taludtod 2. Masasabi kong taglay pa rin ng salin ang
naturalidad ng daloy o estilo ng wikang pinagsasalinan. Kung salita sa
salitang pagsasalin ang ginamit rito, ganito ang kinalabasan ng salin.

If = Kung

Father = ang tatay

Quarrels = nakikipag-away

with = kay

mother = nanay

Kung ang tatay, nakikipag-away kay nanay.

Sa isa-isang pagsusuri sa taludtod 2 saknong 6, ang kinalabasan ng


literal na salin ay pinapasubalian ang totoong diwa o mensahe ng wikang
pinagsasalinan. Sapagkat, ang literal na salin ay may mensaheng, ang
simuno sa pangungusap ay siyang nagpasimula ng pakikipag-away, na hindi
naman pinunto ng wikang pinagsasalinan kung sino ang nagpasimula ng
away.

Samakatuwid, ang paggamit ng panggatnig na “with” ay pinapalitaw


ang diwa o mensahe ng wikang pinagsasalinan. Kung kaya ang naging salin
sa Filipino ay tumutugma rito, na hindi sinabi kung sino ang nagpasimula ng
away kundi ang mensaheng nagsasabi na kasangkot pareho ang tatay at
nanay sa kilos na nangyari.
Taludtod 10

Simulaang Lengguwahe (Ingles) Tunguhang Lengguwahe (Filipino)

Mother blames father Pinagbibintangan ni nanay si tatay


na siya ang may kasalanan.

Sa taludtod namang ito ay ating masasabing may taglay itong natural


na daloy o estilo sa wikang pinagsasalinan kahit na makikitaang dinagdagan
ito ng maraming diwa o salita. Sapagkat, ating mahihinuha na isinali ni
Guillermo sa pagsasalin ang kompletong larawan ng sanhi ng pag-aaway na

177
nakakonekta sa ikalimang taludtod. Ang “siya ang may kasalanan” ay hindi
isang diwang malayo sa pinag-uusapan, kung kaya maituturing pa din itong
taglay ang natural na daloy o estilo ng wikang pinagsasalinan sapagkat
nauunawaan at maayos ang naging daloy ng pagsasalin.

Taludtod 11

Simulaang Lengguwahe (Ingles) Tunguhang Lengguwahe (Filipino)

Even as pedicabs are pushed off Kahit ginigipit na ng mga bus ang
the streets by city buses mga pedicab

Ang taludtod 4 naman ay, taglay ang natural na daloy o estilo ng wikang
pinagsasalinan. Kahit na may mga pagbabago sa anyo ng pangungusap ay
maayos pa ding ipinaparating ang malinaw na mensahe ng taludtod at hindi
makikitaan ng kahit anumang saliw sa pagkakasalin sa wikang Filipino.

Taludtod 12

Simulaang Lengguwahe (Ingles) Tunguhang Lengguwahe (Filipino)

Who is to blame that it is now Sino ang may kasalanan kung mas
cheaper mura nang sumakay sa bus kaysa
To ride a bus than a pedicab? magpedicab?

Malinaw na malinaw na ang taludtod na ito ay taglay ang naturalidad


ng tunog, daloy o estilo ng wikang pinasasalinan. Ang diwa o saysay ng
taludtod ay tumutgma sa salin sa Ingles. May maayos na pagtutumbas at
pagbubuo ng napag-iisa at eksaktong mensahe na nakabatay rin sa wikang
pinagsasalinan.

178
SAKNONG 4

Taludtod 14

Simulaang Lengguwahe (Ingles) Tunguhang Lengguwahe (Filipino)

If mother is being strangled by debt Kung sinasakal sa utang si nanay?

Taludtod 15

Simulaang Lengguwahe (Ingles) Tunguhang Lengguwahe (Filipino)

If the neighbours are being Kung sinasakal sa utang ang


strangled by debt? kapitbahay?

Ang taludtod 2 at 3 aty taglay ang naturalidad ng daloy o estilo ng


wikang pinagsalinan ang salin sa Filipino. Nagkaroon ng pagbabago sa anyo
ng salin na naging malaya kaysa manatiling pormula. Gayunpaman, ang
pagkakabago tungo sa malayang anyo ay mas pina-iksi ang mga salita pero
ang kabuuang mensahe ay natural babasahin, hindi saliw at pinalilinaw
upang maintindihan ng mga mambabasa. Kung nanatiling pormula ang anyo
ng pagsasalin, malilito ang mga mambabasa kung ano nga ba ang mensaheng
gusto ipaabot ng tula.

Salin sa Ingles Pormula

If mother is being strangled by debt Kung si nanay ay sinasakal ng


utang.

If the neighbours are being strangled Kung ang mga kapitbahay ay


by debt? sinasakal ng utang?

179
Makikita sa talahanayan ang kinalabasan ng pagpapanatili sa
pormulang anyo ng pagsasalin at ang pagbabago rin mismo ng kahulugan ng
nito. Ang kinalabasan ang literal na utang ay literal ring sinasakal si nanay
at ang mga kapitbahay. Dahil sa pagbabago ng anyo at pag-aangkop ng
taludtod na ito sa mensahe ng diwa ng wikang pinagsalinan, ating
mahihinuha na taglay talaga nito ang natural na daloy o estilo.

SAKNONG 5

Taludtod 17

Simulaang Lengguwahe (Ingles) Tunguhang Lengguwahe (Filipino)

If we are forced to build our house Kung napilitan kaming magtayo ng


Along a canal, bahay
Sa tabi ng maruming kanal?

Ang ikalawang taludtod sa ikalimang saknong ay taglay ang natural na


tunog hindi saliw sapagkat may maayos na daloy ng pangungusap dulot na
rin ng pagpapanatili ng salin sa estruktura o anyo ng pangungusap sa daloy
ng wikang pinagsalinan. Ang pormulang anyo nito ay mas malinaw at natural
na inihahatid ang mensahe sa mga mambabasa. Bagama’t maaari naman
siyang palayain ang anyo at magiging ganito ang kinalabansan;

Kung ang bahay ay nakatayo malapit sa maruming kanal, ngunit


napipilitan.

Maaari naming maging ganito ang ayos ng pagkakasalin, subalit tulad


ng mga nabanggit, magiging saliw na kung babasahin. Ang mukha ng salin
ay mgiging di-natural na nakapagdudulot ng kalituhan sa Target-Audience.
Sa puntong ito, ginamit ang formal equivalence ni Eugene Nida. Ito ay
matapat na pagsasalin, kung gaano ka dami ang salita sa pinagsasalinan ay
gayon rin karami ang dami sa salin. Mapapansin na ang dalawang
magkaibang wika ay sinunod ang strict rule ng pagsasalin na ito, sapagkat
pareho itong may labing isang (11) mga salita.

180
Taludtod 18

Simulaang Lengguwahe (Ingles) Tunguhang Lengguwahe (Filipino)

While the cost of land keeps going Samantalang lalong nagmamahal ang
up lupa
We cannot afford to buy At hindi kami makabili

Taludtod 19

Simulaang Lengguwahe (Ingles) Tunguhang Lengguwahe (Filipino)

Whose fault is it that we cannot Sino ang may kasalanan na hindi


afford to buy land? kami makabili ng lupa?

Tulad ng sinundang taludtod, taglay rin ng taludtod 3 at 4 ang natural


na tunog hindi saliw sapagkat may maayos na daloy ng pangungusap dulot
na rin ng pagpapanatili ng salin sa estruktura o anyo ng pangungusap sa
daloy ng wikang pinagsalinan. Ang pormulang anyo nito ay mas malinaw at
natural na inihahatid ang mensahe sa mga mambabasa. Subalit sa dami ng
mga salita, hindi ito nakasandig sa strict rule ng formal equivalence,
nagkaroon ng pagbabawas ng mga salita na hindi rin naging hadlang na
palitawin ang mensahe ng wikang pinagsasalinan.

Pumapasok rito ang dynamic equivalence na maaaring makapagdagdag


o bawas ng mga salita sa wikang pinagsalinan, basta lang ang naging resulta
ng naging salin ay pasok at tumutugma ang mensahe sa wikang
pinagsalinan.

181
SAKNONG 6

Taludtod 21

Simulaang Lengguwahe (Ingles) Tunguhang Lengguwahe (Filipino)

If a sick person dies at home Kapag namatay ang isang may sakit
sa kanyang bahay?

Sa ikalawang taludtod, makikita ang hindi pagiging natural ng


pagkakasalin sa wikang Filipino. Unang dahilan ay sa anyo ng salin o anyo
ng sugnay na saliwa ang pagiging pormulang anyo. Kung iisa-isahin sa salita
sa salitang pagsasalin at hindi babaguhin ang naging anyo sa wikang
pinagsasalinan, pangit ang naging kinalabasan nito sa salin. Tunghayan ang
talahanayan sa ibaba, na nagpapakita ng pormula at malayang anyo.

Salin sa Pormula Dami ng Malaya Dami ng


Ingles Salitan Salita

1. Kung ang isang


If a sick Kapag 9 may sakit ay 9
person dies namatay namatay sa
at home ang isang bahay?
may sakit
sa kanyang 2. Kung sa bahay
bahay? namatay ang isang 8
may sakit?

3. Kung ang isang


may sakit ay sa 9
bahay namatay?

Mayroong tatlong pagpipilian ang tagapagsalin kung papalayain niya


ang wikang pinagsasalinan na may pormulang anyo. At dahil dito matutukoy
natin ang may pinaka-natural na daloy o estilo ng pagkakasalin. Maangkop
natin sa tatlong naging salin sa anyong malaya, ang unang salin na may (9)
na linya. Sa kadahilanang, napaka-natural nitong pakikinggan kung
babasahin at hindi saliwa ang magiging impak sa target-audience.

182
Ang ikalawang dahilan kung bakit ang naging salin ni Guillermo ay
hindi taglay ang natural na daloy o estilo ng wikang pinagsasalinan, dahil sa
nakaangkla ang kanyang isipan kung papaano ito paikliin o pagsasaktuhin
ang dami ng mga salita sa wikang pinagsasalinan at ang kanyang salin. Kung
kaya, naapektuhan tuloy ang daloy ng mga salita sa kanyang pagsasalin at
hindi na naging natural.

Taludtod 22

Simulaang Lengguwahe (Ingles) Tunguhang Lengguwahe (Filipino)

Because hospitals are expensive? Dahil napakamahal magpa-ospital?

Ang taludtod na ito ay tunay na taglay ang natural na tunog o daloy o


estilo ng wikang pinagsasalinan. Sanhi ng pagpapabago ng anyo ng salin
tungo sa malayang anyo. Kung ito ay napanatili ang pormulang anyo
magiging ganito ang kinalabasan.

Dahil ang magpa-ospital ay napakamahal.

Hindi naman saliw ang kinalabasan ng salin kung pinanatili ang anyo
nito, ngunit mas kaaya-ayang tingnan ang malayang salin na ginawa ni
Guillermo sa kadahilanang magaan lamang ito kung babasahin at napaka-
natural.

SAKNONG 7

Taludtod 24

Simulaang Lengguwahe (Ingles) Tunguhang Lengguwahe (Filipino)

Which takes up months of my time Na kumakain ng aking oras sa loob


ng ilang buwan

183
Sa taludtod na ito, bahagyang naging d-natural ang naging tunog o
daloy o estilo ng naging salin ni Guillermo. Naroroon ang saysay o thought ng
wikang pinagsalinan ngunit hindi naangkop ang pagsasalin ng “takes up” na
saliw siyang salin o awkward. Sa wikang Filipino, mayroon itong maraming
tumbas tulad ng;

Kumukuha
Takes up Naubos/inuubos
kumain

Sa mga tumbas nito, mas angkop na gamitin ang salitang inuubos dahil
ito ang komon o mas epektibong salita na maiintindihan ng maraming
mambabasa kaysa sa kumain. Kung kaya, nang dahil sa hindi angkop ang
salin sa Filipino, naging di-natural na ang daloy, estilo o takbo ng salin.

Taludtod 25

Simulaang Lengguwahe (Ingles) Tunguhang Lengguwahe (Filipino)

What can it contribute to alleviate Ano ang maiaambag nito sa paglutas


the poverty sa kahirapang
That is strangling us?
Sumasakal sa amin?

Ang taludtod na ito ay tumataglay ng natural na tunog o daloy o estilo


sa wikang pinagsasalinan. Napanatili ng salin sa Filipino ang anyo at
naitumbok nang malinaw at may kaayusan ang mensaheng gustong ipaabot
sa mambabasa ng wikang pinagsalinan.

SAKNONG 8

Taludtod 27

Simulaang Lengguwahe (Ingles) Tunguhang Lengguwahe (Filipino)

184
When the audience at the poetry Kapag nagpalakpakan ang mga
reading have applauded nakinig sa aking mga pagbasa

Ang taludtod na ito ay taglay ang natural na tunog o daloy o estilo ng


pagkakasalin kahit na mayroong pagbabago sa anyo ng pagkakasalin. Kung
mapapansin ang naging salin nito ay naging malayang salin. Nabago ang
estruktura ng salin na ang orihinal ay nasa pormulang anyo na naging
malaya naman sa tunguhing wika. Gayunpaman ang naging pagbabago ang
mas pinalinaw, pina-natural ang mukha nito kaysa napa-awkward. Mas
magaang basahin at nauunawaan ng maraming target-audience.

Taludtod 26, 28 at 29.

Simulaang Lengguwahe (Ingles) Tunguhang Lengguwahe (Filipino)

What have I given Ano ang naibigay ko?

Ang taludtod 1, 3 at 4 ay pareho lamang ang mensahe at diwa. Makikita


natin na mayroon silang natural na tunog o daloy o estilo ng pagkakasalin
mula sa wikang pinagsasalinan. Maayos na maayos na pinagdugtong ang
bawat ideya o salita at naitumbok ang iisang mensahe. Kung babasahin ito
ng mga target-audience mauunawaan nila ito kaagad at walang bahid ng
pagka-saliw, napaka-natural lamang at magaan kung babasahin.

185
KONGKLUSYON

Ang pagsalin sa tulang ito ay maraming isinaalang-alang upang


mapagtagumpayan ng tagapagsalin na maiparating ang diwa ng tula tungo
sa kanyang mga mambabasa. Sa paggamit ng mga salita sa pagtatapat ay
hindi ito nalalayo sa pinagsalinang wika mayroong mga salita na hindi
isinasalin ng literal kundi inaangkop ito sa kung ano ang kutura ng
kasangkot na wika. Sa pagsasalin na ginawa ni Guillermo ay naging malaya
siya paggamit ng mga salita, walang sinusundang kaugalian na paraan na
ang nais na maiparating ang hangarin ng tula. Sa aming pagsuri makikita
na pinag-isipan ng tagapagsalin kung ano ang mga salitang gagamitin kahit
ang iba ay hindi siya naging masinop sa pagpili, may mga salita na hindi
naging consistent sa paggamit ngunit natumbok pa rin ang punto nito. May
mga salita na hindi buo ang diwa sa pagpapahayag na nagbibigay ng
katangungan o pag-aanalisa sa ating mga isip. Ang pagsasalin ni Guillermo
ay mahusay dahil naibahagi niya ang nais na ipabatid sa buong mundo ng
may akda na si Wiji Thukul naglalaman ang tula ng mga pangyayari sa ating
lipunan ano ba ang dulot ng kahirapan at kung ano ang mga epekto nito. Sa
bawat taludtod na nabasa ay unti-unting namulat sa kung ano ang realidad,
nakikita natin kung ano ang kalagayan ng ating mundong ginagalawan at ito
ang nais na ipabatid ng tulang What is the worth of my poetry.

186
187
I AM STILL WHOLE AND THEN WORDS HAVE NOT YET BEEN
DESTROYED
ni: Eden Layda

Ang akdang “I am Still Whole and Then Words Have not Yet Been
Destroyed” ay isang tula na isinulat ni Wiji Thukul sa wikang Bahasa
Indonesia, ang orihinal na pamagat nito ay “Aku Masih utuh Dan Kata-Kata
Belum Binasa”. Si Wiji Thukul o kilala rin sa tawag na Widji Widodo ay
ipinanganak noong ika-26 ng Agosto 1963 sa Solo, Central Java Indonesia.
Siya ay kilalala at isa sa pinakamagaling na manunulat ng bansa, siya ay
isang aktibista at mangangawit sa teatro. Ang kadalasang paksa ni Thukul
sa kaniyang mga isinulat na akda ay pumapatungkol sa pang-araw-araw na
pakikibaka ng mga mahihirap sa inhustisyang pamamalakad ng kanilang
gobyerno. Isa sa pinakakilalang linya na isinulat ni Thukul na: Come Join us!
Let’s be the nightmare of the President. Ang kapangyarihan ng kanyang mga
salita ay nag-udyok sa mga magsasaka at manggagawa na magtipon-tipon at
mag-alsa laban sa kanilang gobyerno. Marami nang akda ang naisulat ni
Thukul, isa na rito ang “ Mencari Tanah Lapang (Looking for an Open Plot of
Land)” na naparangalan ng Encourage Award mula sa Netherlands-based
Wertheim Foundation, siya rin ay nakatanggap ng parangal na Yap Thiam
Hien Award.

Ang tulang “Aku Masih utuh Dan Kata-Kata Belum Binasa” ni Thukul
ay nagkaroon ng salin sa Ingles na “I am Still Whole and Then Words Have not
Yet Been Destroyed” na isinalin ni Eden Layda, isang manunulat, translator
at propesor sa University of the Philippines (UP Diliman), Quezon City.
Nagkaroon din ito ng salin sa Filipino na “Buo Pa Rin Ako At Ang Mga Salita
Ay Hindi Pa Nadudurog” na isinalin naman ni Ramon Guillermo. Si Ramon
Guillermo ay isang Filipino novelist, translator, at makata at akademiko sa
larangan ng Southeast Asian Studies. Siya rin ay isang propesor sa Center
for International Studies sa University of the Philippines Diliman (UP Diliman)
kung saan nagtuturo siya ng mga subject sa Souteast Asia at Europe.
Pangunahin siyang nagsusulat sa Filipino, English, German at Bahasa

188
Indonesia ngunit nagbabasa rin ng French at Spanish. Sa bahaging ito ay
susuriin ang mga nabanggit na salin ng akda ni Wiji Thukul.

RUBRIKS NG ANALISIS

May mga markang 1 hanggang 5 ang Likert scale na ito at sumunod sa


rubrik na:

Numerical Value Kahulugan

1
Kapag malayong-malayo sa orihinal na saysay.
2 Kapag mas maraming saysay ang nawala/nabago
kaysa napanatili.
3 Kapag magkasingdami ang napanatili at ang
nawala/nabagong saysay.
4 Kapag mas maraming saysay ang napanatili
kaysa nawala/nabago.
5
Kapag kuhang-kuha ang orihinal na saysay.

Para maging mas malinaw at konsistent ang pagbibigay ng marka sa


bawat linya ng tatlong nasabing salin, ipinaliwanag sa papel ang mga dahilan
sa likod ng ibinigay na marka. Nilapatan ng berbal na interpretasyon ang mga
average na marka na nakuha mula sa marka ng mga linya ayon sa
sumusunod na range:

1.00 - 1.79 Malayong-malayo sa orihinal


1.80 - 2.59 Malayo sa orihinal
Katamtaman ang layo/lapit sa
2:60 - 3.39 orihinal
3.40 - 4.19 Malapit sa orihinal
4.20 - 5.00 Malapit na malapit sa orihinal

189
Talahanayan 4: Linya-por-linyang Paghahambing ng Orihinal na Akda at
Salin sa Filipino

Average
Orihinal na na
Saknong Taludtod Salin sa Filipino Marka Marka
Ingles ng ng
Taludtod Saknong

I am not an hindi ako artistang


1 artist that gumagawa ng 5
makes news balita
1 but for certain I pero ako ay totoong 5
am always bad laging masamang
2 5
news for those balita para sa
in power makapangyarihan
my poetry is not hindi tula ang
3 4
poetry aking mga tula
but dark sweaty kundi mga
4 4
words madidilim na salita
crowding each na pawisan at
5 4
other nagtutulakan
searching for a naghahanap ng
6 4
way out daan
they refuse to hindi sila
2 7 4 4
die mamatay-matay
even though my
kahit dukutin ang
eyeballs are
8 mga bilog ng aking 4
gouged and
mata at palitan
replaced
they refuse to hindi sila
9 4
die mamatay-matay
taken away kahit inilayo ako sa
10 4
from my home aking tahanan

190
repeatedly tinutusok-tusok
11 3
stabbed alone nang nag-iisa
I have already
paid what they ibinayad ko na ang
12 4
demand from kanilang hinihingi
me
time-strength- panahon – lakas –
13 5
wounds sugat
those words
lagi akong sinisingil
14 never stop 3
ng mga salitang ito
demanding
3 always they tell laging sinasabi sa
15 4 4
me akin
you are still
16 buhay ka pa rin 5
alive
certainly I am totoong buo pa rin
17 5
still whole ako
4 and the words at ang mga salita 5
18 have not yet ay hindi pa 5
been destroyed nadudurog
Kabuuang Marka (Average)
4.5

191
PAGSUSURI SA SALING “I AM STILL WHOLE AND THEN WORDS HAVE
NOT YET BEEN DESTROYED”

Ipinapakita sa Talahanayan 4 ang pagkakatabi-tabi ng orihinal na


tulang “I Am Still Whole And Then Words Have Not Yet Been Destroyed,” at
ng salin nito sa Filipino. Ipinapakita rin sa nasabing talahanayan ang mga
markang kinalalabasan ng linya-por-linyang paghahambing ng “I Am Still
Whole And Then Words Have Not Yet Been Destroyed” sa naging salin nito sa
Filipino.

Unang Saknong:

Binigyan ng markang 5 ang taludtod 1 dahil kuhang-kuha ang orihinal


na saysay. Bagamat nabawasan ang bilang ng mga salita dahil sa kaibahan
ng estruktura ng dalawang wika gaya ng salitang “artist” na ang katumbas
sa Filipino ay “artista” na nadagdagan ng pang-angkop na ng kung kaya’t
naging “artistang” na siya namang katumbas na ng dalawang salita sa salin
na Ingles na “artist that”. Sa kabila nito ay natumbok pa rin ang saysay ng
taludtod 1. Ang taludtod 2 naman ay may marka rin na 5 dahil gaya ng
naunang taludtod kuhang-kuha rin ang saysay nito sa wikang pinagsalinan.

Ikalawang Saknong:

Ang taludtod 3 ay binigyan ng markang 4 dahil mas maraming saysay


ang napanatili kaysa nawala o nabago. Makikita sa sa taludtod na ito na
nadagdagan ng isang salita pagdating sa saling Filipino, ito ang pantukoy na
“mga”. Nangangahulugang tumutukoy ito sa maramihan. Sa taludtod 4
naman ay binigyan ng markang 4 din dahil bagama’t hindi ganoon ka dami
ang nawalang saysay, tanging “sweaty” lamang ang hindi tinumbasang
salita. Nadagdagan naman ito ng pantukoy na “mga” at sa Filipino na siya
namang hindi karaniwang tinutumbas dito. Ang taludtod 5 naman ay may
markang 4 dahil mas marami pa ring saysay ang napanatili kaysa nawala.
Natumbasan ang mga salita mula sa Ingles ngunit nadagdagan ng salitang
“pawisan” na matatandaang ito dapat ang katumbas ng “sweaty” sa naunang
taludtod. Ang taludtod 6 naman ay may markang 4 dahil mas maraming

192
saysay ang napanatili kaysa nawala o nabago. Tanging ang salitang “out” ang
hindi natumbasan sa saling Filipino. Ang taludtod 7 naman ay may markang
4 din dahil bagama’t hindi eskasktong isinalin salita sa salita, ang saysay
naman ay nanatiling buo at tugma. Sa ika-8 naman na taludtod ay nagkaroon
ng markang 4 dahil nadagdagan ng salitang “kahit” ang salin. Ang taludtod 9
naman ay nakakuha ng markang 2 dahil mas maraming saysay ang nawala
o nabago kaysa napanatili. Makikita na ang salitang “repeatedly stabbed” ay
tinumbasan ng “tinutusok-tusok” na siya namang hindi karaniwang tumbas
ng salita, kadalasang isinasalin ito bilang “sinaksak ng paulit-ulit”. Bagama’t
nagkaroon ng pagbabago sa salin ay napanatili pa rin ang ilang salita gaya
ng “alone”. Sa taludtod 9 naman ay nagbigay ng markang 4 dahil napanatili
ang karamihan sa saysay bukod sa “from me” na hindi tinumbasan sa
Filipino. Ang hulihang taludtod na ika-10 ng saknong naman ay nakakuha
ng markang 5 dahil kuhang-kuha ang orihinal na saysay. Direktang isinalin
ang tatlong salita sa Filipino.

Ikatlong Saknong:

Ang taludtod 12 ay nakakuha ng markang 3 sa kadahilanang


magkasing dami ang napanatili at ang nawala o nabagong saysay. Makikita
sa taludtod na ito na ang mga salitang “those”, “words” at “demanding” ay
natumbasan ngunit ang “never” at “stop” ay hindi. Samantalang sa saling
Filipino naman ay nadagdagan ng mga salitang “lagi” “akong” na siya namang
hindi direktang binanggit sa Ingles na taludtod. Sa taludtod 13 ay nagkaroon
ng markang 4 dahil lahat natumbasan sa Filipino liban na lamang sa salitang
“they”. Ang taludtod 14 naman ay may markang 5 dahil buong napanatili ang
saysay nito.

Ikaapat na Saknong:

Ang taludtod 15 ay nakakuha ng markang 5 dahil kuhang kuha ang


orihinal na saysay maging ang bilang ng mga salita sa dalawang wika. Ang
taludtod 16 naman ay nakakuha rin ng markang 5 dahil tugma ang saysyay
at bagama’t magkaiba ang estruktura, parehas pa rin ang bilang ng mga salita
sa dalawang wika gaya ng naunang taludtod.

193
Batay sa average na marka ng mga saknong, masasabi natin na malapit ma
malapit sa orihinal ang unang saknong (5); malapit sa orihinal ang ikalawang
saknong (4); gayon ding malapit sa orihinal ang ikatlong saknong; at malapit
na malapit sa orihinal ang ikaapat na saknong. Sa kabuoan namang average,
masasabi natin na malapit na malapit sa orihinal ang saling “Buo pa rin ako
at ang mga salita ay hindi pa nadudurog” sa Filipino na nakakuha ng 4.5 na
average.

PAGSUSURI AT EBALWASYON SA ISINAGAWANG PAGSASALIN


NG TULANG PUNUNGKAHOY

A. Ang mga pangungusap ay malaya (paiba-iba ang anyo) o pormula


(hindi nagbabago ang anyo)

SAKNONG 1

Taludtod 1

Simulaang Lengguwahe (Ingles) Tunguhang Lengguwahe (Filipino)


I am not an artist that makes news Hindi ako artistang gumagawa ng
balita

Ang salin sa pangungusap ng linyang ito ay pormula o hindi nagbago


ang anyo. Sapagkat, ang pagkakasalin nito ay nakatuon sa estruktura ng
pangungusap, at naiayon o naibigay ang mga nais iparating ng simulaang
lengguwahe, nanatili ang kahulugan ng mga salita rito. Maaring ipasok dito
ang teoryang Formal Equivalence ni Eugene Nida, kung saan ang teoryang ito
ay limitado, kung ano ang tumbas ay ganun na.

Taludtod 2

Simulaang Lengguwahe (Ingles) Tunguhang Lengguwahe (Filipino)


But for certain I am always bad Pero ako ay totoong laging masamang
news for those in power balita para sa makapangyarihan

194
Ang salin sa pangungusap ng taludtod na ito ay pormula o hindi
nagbago ang anyo. Sapagkat, ang estruktura ng pangungusap ng tunguhang
lenggwahe ay gayon ding pareho lamang sa estruktura ng simulaang
lengguwahe. Nanatili naman at naibigay ang mga nais iparating ng simulaang
lengguwahe, at nanatili ang kahulugan ng mga salita nito. Ngunit, may isang
salita sa orihinal, ang salitang “certain”, na binigyan ng ibang salin at naging
“totoong” sa wikang Filipino, ang pinakamalapit na salin ng “certain” ay sa
wikang Filipino ay “sigurado”. Bagaman, ang totoo at sigurado ay magkaibang
salita, mayroon naman itong magkalapit na diwa kaya nanatili pa rin ang
anyo ng pangungusap.

SAKNONG 2

Taludtod 3

Simulaang Lengguwahe (Ingles) Tunguhang Lengguwahe (Filipino)

My poetry is not poetry Hindi tula ang aking mga tula

Sa ikatlong taludtod naman ng tula, makikitaan ng pagiging malaya o


paiba-iba ang anyo. Mapapansin na nagbago ang estruktura ng pangungusap
at hindi nasunod ang anyo mula sa Simulaang Lengguwahe nang isalin ito sa
tunguhang lengguwahe. Nagsimula ang pangungusap ng simulaang
lengguwahe sa simuno na “My poetry” at sinundan ito ng panaguri na “is not
a poetry”. Sa tunguhang lengguwahe naman, nagsimula ang pangungusap sa
panaguri na “Hindi tula” at sinundan ng paksa na “ang aking mga tula”.
Nanatili ang nais ipahiwatig ng mga salita, ngunit nabago at naiba ang anyo
ng pangungusap.

Taludtod 4-5

Simulaang Lengguwahe (Ingles) Tunguhang Lengguwahe (Filipino)


But dark sweaty words, Crowding Kundi mga madidilim na salita, na
each other pawisan at nagtutulakan

195
Sa taludtod na ito naman ng tula, makikitaan ng pagiging malaya o
paiba-iba ang anyo. Mapapansin na nagbago ang estruktura at anyo ng
pangungusap at hindi nasunod ang anyo mula sa Simulaang Lengguwahe
nang isalin ito sa tunguhang lengguwahe. Naiba nag ayos ng mga salita,
makikita na ang pariralang “but dark sweaty words,” mula sa orihinal ay
naging “kundi mga madidilim na salita,” sa salin. Nawala ang salin ng salitang
“sweaty” sa unang parirala, at nakikita na ito sa sunod na parirala matapos
ang kuwit “na pawisan at nagtutulakan”. Mayroon namang nawala na salita
sa ikalawang parirala, ang “Crowding each other” mula orihinal ay naging “na
pawisan at nagtutulakan” sa salin, nawala ang mga salitang “each other” na
ang salin sa Filipino ay “isa’t isa”. Ayon kina Almario, et al, ito ay malaya
dahil ipinahihintulot nito ang pagdadagdag o pagbabawas ng mga salita na
mas makakapagpalutang ng kahulugan ng orihinal.

Taludtod 6

Simulaang Lengguwahe (Ingles) Tunguhang Lengguwahe (Filipino)

Searching for a way out Naghahanap ng daan

Sa taludtod na ito naman ng tula, makikitaan ng pagiging malaya o


paiba-iba ang anyo. Mapapansin na nagbago ang anyo ng pangungusap at
hindi nasunod ang anyo mula sa simulaang lengguwahe nang isalin ito sa
tunguhang lengguwahe. Nagsimula ang salin sa mga salitang “Searching for”
na tinumabsan ng “naghahanap ng”, at sinundan ng “a way out” na
tinumbasa naman ng salitang “daan”. Makikitang mayroong nawala na salita
sa simulaang lengguwahe nang isinalin na , ang salitang “out” na ang salin
ay “labas” o kung ibabatay sa pangungusap ay “palabas”, hindi na nakita sa
salin ng tunguhang lengguwahe. Sa kabilang banda, sinasabi nina Almario,
et al., ito ay “malaya at walang control, at parang hindi na isang salin.” Dagdag
pa nila, ipinahihintulot nito ang pagdadagdag o pagbabawas ng mga salita na
mas makakapagpalutang ng kahulugan ng orihinal.

196
“Searching for a way out” – “Naghahanap ng daan palabas”
“Searching for a way” - Naghahanap ng daan”

Taludtod 7

Simulaang Lengguwahe (Ingles) Tunguhang Lengguwahe (Filipino)

They refuse to die Hindi sila mamatay-matay

Sa ika-anim na taludtod naman ng tula, makikitaan ng pagiging


malaya o paiba-iba ang anyo. Mapapansin na nagbago ang estruktura ng
pangungusap at hindi nasunod ang anyo mula sa simulaang lengguwahe
nang isalin ito sa tunguhang lengguwahe. Simula pa lang ng pangungusap
ay makikitaan na ng pag-iba ng anyo nito, nagsimula ang orihinal na
pangungusap paksang “they” at nagsimula naman ang salin sa salitang
“hindi”. Ang salin ng “they” na “sila” ay makikita na nasa ikalawang pwesto
ng salin na pangungusap, kung saan ang nasa ikalawang pwesto naman ng
orihinal na pangungusap ay ang salitang “refuse” na kung titingnan sa
pangungusap ay tinumbasan ng salitang ‘hindi” na makikita sa unang bahagi
ng orihinal na pangungusap. Tanging ang mga salitang “to die” ang nanatili
sa ayos nito, bagaman tinumbasan naman ng salitang “mamatay-matay” sa
tunguhang lengguwahe.

Taludtod 8

Simulaang Lengguwahe (Ingles) Tunguhang Lengguwahe (Filipino)


Even though my eyeballs are gouged Kahit dukutin ang mga bilog ng
and replaced aking mata at palitan

Ang salin sa pangungusap ng taludtod na ito ay pormula o hindi


nagbago ang anyo. Sapagkat, ang pagkakasalin nito ay nakatuon sa
estruktura ng pangungusap, at naiayon o naibigay ang mga nais iparating ng
simulaang lengguwahe. Nanatili ang kahulugan ng mga salita rito, at ang
estruktura ng pangungusap na parehong nagsimula sa panaguri at nagtapos

197
sa simuno, at naipakita ang diwa ng pangungusap na nais sabihin ng awtor.
Maaring ipasok dito ang teoryang Formal Equivalence ni Eugene Nida, kung
saan ang teoryang ito ay limitado, kung ano ang tumbas ay ganun na.

Taludtod 9

Simulaang Lengguwahe (Ingles) Tunguhang Lengguwahe (Filipino)

They refuse to die hindi sila mamatay-matay

Ang ika-walong taludtod naman ng tula ay katulad lamang ng nasa ika-


anim na linya, makikitaan ng pagiging malaya o paiba-iba ang anyo.
Mapapansin na nagbago ang estruktura ng pangungusap at hindi nasunod
ang anyo mula sa simulaang lengguwahe nang isalin ito sa tunguhang
lengguwahe. Simula pa lang ng pangungusap ay makikitaan na ng pag-iba
ng anyo nito, nagsimula ang orihinal na pangungusap sa salitang “they” at
nagsimula naman ang salin sa salitang “hindi”. Ang salin ng “they” na “sila”
ay makikita na nasa ikalawang bahagi ng salin na pangungusap, kung saan
ang nasa ikalawang bahagi naman ng orihinal na pangungusap ay ang
salitang “refuse” na kung titingnan sa pangungusap ay tinumbasan ng
salitnag ‘hindi” na makikita sa unang bahagi ng orihinal na pangungusap.
Tanging ang mga salitang “to die” ang nanatili sa ayos nito, bagaman
tinumbasan naman ng salitang “mamatay-matay” sa tunguhang lengguwahe.

Taludtod 10

Simulaang Lengguwahe (Ingles) Tunguhang Lengguwahe (Filipino)

Taken away from my home Kahit inilayo ako sa aking tahanan

Sa taludtod na ito naman ng tula, makikitaan din ng pagiging malaya


o paiba-iba ang anyo. Mapapansin na nagbago ang estruktura ng
pangungusap at hindi nasunod ang anyo mula sa simulaang lengguwahe
nang isalin ito sa tunguhang lengguwahe. Nagsimula ang orihinal na
pangungusap sa “taken away” at nagsimula naman ang sinalin na

198
pangungusap sa “kahit inilayo”, makikitang nadagdagan ng salitang “kahit”
na kung isasalin sa ingles ay salitang “even” na hindi makikita sa orihinal na
pangungusap. Sinundan naman ito ng “from my home” na tinumbasan ng
“ako sa aking tahanan” sa tunguhang lengguwahe. Nadagdagan din ng
salitang “ako” na “me” sa ingles ang salin ng pangungusap sa tungunguhang
lengguwahe. Naipahayag naman ang diwa ng linyang ito, bagaman ay
nagbago ang anyo. Sa kabilang banda, ayon kina Almario, et al., ito ay
“malaya at walang control, at parang hindi na isang salin.” Tinurol nila na
ipinahihintulot nito ang pagdadagdag o pagbabawas ng mga salita na mas
makakapagpalutang ng kahulugan ng orihinal.

Taludtod 11

Simulaang Lengguwahe (Ingles) Tunguhang Lengguwahe (Filipino)


Repeatedly stabbed alone Tinutusok-tusok nang nag-iisa

Ang taludtod na ito ay makikitaan ng pagiging malaya o paiba-iba ang


anyo. Mapapansin na nagbago ang estruktura ng pangungusap at hindi
nasunod ang anyo mula sa simulaang lengguwahe nang isalin ito sa
tunguhang lengguwahe. Simula pa lang ng pangungusap ay makikita na ang
pag-iba ng anyo nito. Ang orihinal na pangungusap ay nagsimula sa salitang
“repeatedly stabbed” na tinumbasan ng “tinutusok-tusok”, makikitang iba ang
pagkasalin sa salitang “repeatedly” na ang totoong salin sa ingles ay “paulit-
ulit”. Sinundan naman ng “alone” na tinumbasan ng “nang nag-iisa”, na
parehong makikita sa huling bahagi ng pangungusap.

Taludtod 12

Simulaang Lengguwahe (Ingles) Tunguhang Lengguwahe (Filipino)


I have already paid what they Ibinayad ko na ang kanilang
demand from me hinihingi

Ang salin sa pangungusap ng taludtod na ito ay pormula o hindi


nagbago ang anyo. Sapagkat, ang pagkakasalin nito ay nakatuon sa

199
estruktura ng pangungusap, at naibigay ang mga nais iparating ng simulaang
lengguwahe. Bagamat makikita sa bahaging ito ng tula na tinumbasan ng
tagapagsalin ang mga salitang ginamit sa simulaang lenggwahe ngunit ang
diwa o damdamin ng teksto ay nanatili pa rin. Maaring ipasok dito ang
teoryang Formal Equivalence ni Eugene Nida, kung saan ang teoryang ito ay
limitado, kung ano ang tumbas ay iyon na.

Taludtod 13

Simulaang Lengguwahe (Ingles) Tunguhang Lengguwahe (Filipino)


Time-strength-wounds Panahon-lakas-sugat

Ang salin sa pangungusap ng taludtod na ito ay pormula o hindi


nagbago ang anyo. Sapagkat, ang pagkakasalin nito ay nakatuon sa
estruktura ng pangungusap, at naiayon o naibigay ang mga nais iparating ng
simulaang lengguwahe, nanatili ang kahulugan ng mga salita rito. Ang “time”
ay tinumbasan ng “panahon”, sinundan ng “lakas” na tinumbasan ng
“strength”, at “sugat” na tinumbasan ng “wounds”.

SAKNONG 3

Taludtod 14

Simulaang Lengguwahe (Ingles) Tunguhang Lengguwahe (Filipino)


Those words never stop demanding Lagi akong sinisingil ng mga salitang
ito

Sa taludtod na ito naman ng tula, makikitaan ng pagiging malaya o


paiba-iba ang anyo. Mapapansin na nagbago ang estruktura ng pangungusap
at hindi nasunod ang anyo mula sa simulaang lengguwahe nang isalin ito sa
tunguhang lengguwahe. Simula pa lang ng pangungusap ay makikitaan na
ng pag-iba ng anyo nito, nagsimula ang orihinal na pangungusap sa simuno
na “those words” at nagsimula naman ang salin sa panaguri na “lagi akong
sinisingil”. Ang salitang “those words” ay tinumbasan ng “mga salitang”, at
ito ay makikita na nasa ikalawang pwesto ng salin na pangungusap. Makikita
200
naman sa ikalawang pwesto ng orihinal na pangungusap ang mga salitang
“never stop demanding”, na kung titingnan sa pangungusap ay tinumbasan
ng salitang ‘Lagi akong sinisingil” na makikita sa unang bahagi ng orihinal na
pangungusap.

Taludtod 15

Simulaang Lengguwahe (Ingles) Tunguhang Lengguwahe (Filipino)

Always they tell me laging sinasabi sa akin

Ang salin sa pangungusap ng taludtod na ito ay pormula o hindi


nagbago ang anyo. Sapagkat, ang pagkakasalin nito ay nakatuon sa
estruktura ng pangungusap, at naibigay ang mga nais iparating ng simulaang
lengguwahe. Bagamat makikita sa bahaging ito ng tula na tinumbasan ng
tagapagsalin ang mga salitang ginamit sa simulaang lenggwahe ngunit ang
diwa o damdamin ng teksto ay nanatili pa rin. Kaya, maaaring ipasok dito
ang teoryang Formal Equivalence ni Eugene Nida, kung saan ang teoryang ito
ay limitado, kung ano ang tumbas ay iyon na.

Taludtod 16

Simulaang Lengguwahe (Ingles) Tunguhang Lengguwahe (Filipino)


You are still alive buhay ka pa rin

Ang taludtod na ito ay makikitaan ng pagiging malaya o o paiba-iba ang


anyo. Mapapansin na nagbago ang estruktura ng pangungusap at hindi
nasunod ang anyo mula sa simulaang lengguwahe nang isalin ito sa
tunguhang lengguwahe. Simula pa lang ng pangungusap ay makikita na ang
pag-iba ng anyo nito. Nagsimula ang unang lengguwahe sa simuno na “You”,
at ang tunguhang lengguwahe ay nagsimula sa salitang “buhay” , na ang salin
sa simulaang lengguwahe ay “alive”, at ito ay makikita sa huling banda ng
pangungusap na nagsisilbing panaguri.

201
SAKNONG 4

Taludtod 17

Simulaang Lengguwahe (Ingles) Tunguhang Lengguwahe (Filipino)


Certainly I am still whole totoong buo pa rin ako

Ang salin sa pangungusap ng taludtod na ito ay pormula o hindi


nagbago ang anyo. Sapagkat, ang pagkakasalin nito ay nakatuon sa
estruktura ng pangungusap, at naibigay ang mga nais iparating ng simulaang
lengguwahe. Bagamat makikita sa bahaging ito ng tula na tinumbasan ang
salitang “certain” ng tagapagsalin ng salitang “totoo” sa tunguhang
lenggwahe, ngunit ang diwa o damdamin ng teksto ay nanatili pa rin.

Taludtod 18

Simulaang Lengguwahe (Ingles) Tunguhang Lengguwahe (Filipino)


And the words have not yet been at ang mga salita ay hindi pa
destroyed nadudurog

Ang salin sa panghuling taludtod ng tula ay pormula o hindi nagbago


ang anyo. Sapagkat, ang pagkakasalin nito ay nakatuon sa estruktura ng
pangungusap, at naiayon o naibigay ang mga nais iparating ng simulaang
lengguwahe, nanatili ang kahulugan ng mga salita rito. Ang mga
pangungusap ay parehong nagsimula sa mga salitang “and the words” at
tinumbasan naman sa tunguhang lengguwahe ng “at ang mga salita”, na
parehong sinundan ng “have not yet been destroyed” at “ay hindi pa
nadudurog”. Maaring ipasok dito ang teoryang Formal Equivalence ni Eugene
Nida, kung saan ang teoryang ito ay limitado, na kung ano ang tumbas ay
ganun na.

202
B. Marami ba o masalimuot ang mga salitang ginamit sa pagsasalin?

SAKNONG 1

Taludtod 1

Simulaang Lengguwahe (Ingles) Tunguhang Lengguwahe (Filipino)


I am not an artist that makes news Hindi ako artistang gumagawa ng
balita

Makikita sa orihinal na taludtod ng tula na mayroon lamang itong


walong (8) salita, at nang isinalin sa Filipino ay naging anim (6) na lang ito.
Maaring may ilang salita sa simulaang lengguwahe na walang katumbas sa
tunnguhang lengguwahe, katulad na lamang ng salitang an. Kung kaya,
maaaring ipasok dito ang teorya sapagsasalin na batay kay Eugene Nida ang
Dynamic Equivalence Theory kung saan ang teoryang ito ay maaari kang
magdagdag at magbawas ng mga salita basta’t pasok ang mensahe ng iyong
ginawang pagsasalin.

Taludtod 2

Simulaang Lengguwahe (Ingles) Tunguhang Lengguwahe (Filipino)


Pero ako ay totoong laging
But for certain I am always bad
masamang balita para sa
news for those in power
makapanyarihan

Batay sa taludtod na ito, makikita sa orihinal na linya ng tula na


mayroon itong labindalawang (12) salita, at nang isinalin sa Filipino ay
naging sampu (10) na lamang ito. Makikitang nabawasan ng dalawang salita
nang isalin na ito sa Filipino, maaring mayroong dalawang salita sa
simulaang lengguwahe na isang salita lang ang salin sa tunguhang
lengguwahe, halimbawa na rito ay ang mga salitang “I am” na ang salin ay
isang salita na “ako” at ang tatlong salita na “for those in” na binigyan ng salin
na “para sa” na mayroong dalawang salita. Kung kaya, maaaring ipasok dito
ang teorya sapagsasalin na batay kay Eugene Nida ang Dynamic Equivalence

203
Theory kung saan ang teoryang ito ay maaari kang magdagdag at magbawas
ng mga salita basta’t pasok ang mensahe ng iyong ginawang pagsasalin.

SAKNONG 2

Taludtod 3

Simulaang Lengguwahe (Ingles) Tunguhang Lengguwahe (Filipino)


My poetry is not poetry Hindi tula ang aking mga tula

Batay sa taludtod na ito, malinawag na mas marami ang salita na


ginamit sa pagsasalin kaysa sa orihinal. May salita rin na ginamit na walang
katumbas sa orihinal na wika gaya ng salitang; mga. Kung kaya, maaaring
ipasok dito ang teorya sapagsasalin na batay kay Eugene Nida ang Dynamic
EquivalenceTheory kung saan ang teoryang ito ay maaari kang magdagdag at
bawas ng mga salita basta pasok ang mensahe ng iyong ginawang pagsasalin.
Makikita rito na ang orihinal ay may limang (5) mga salita at ang salin naman
sa Filipino ay naragdagan at ito’y naging anim (6). Higit pa riyan binago ang
estruktura, inangkop at isinaalang-alang ng tagapagsalin ang diwa sa diwa
na salin nang mas maunawaan ng mga mambabasa.

Taludtod 4-5

Simulaang Lengguwahe (Ingles) Tunguhang Lengguwahe (Filipino)


But dark sweaty words, Crowding Kundi mga madidilim na salita, na
each other pawisan at nagtutulakan

Batay sa taludtod na ito, malinawag na mas marami ang salita na


ginamit sa pagsasalin kaysa sa orihinal. May salita rin na ginamit na walang
katumbas sa orihinal na wika gaya ng salitang; mga, na, at. Kung kaya,
maaaring ipasok dito ang teorya sapagsasalin na batay kay Eugene Nida ang
Dynamic EquivalenceTheory. Makikita rito na ang orihinal na pangungusap
ay may pitong (7) mga salita at ang salin naman sa Filipino ay naragdagan at
ito’y naging siyam (9). Iinangkop at isinaalang-alang ng tagapagsalin ang
diwa sa diwa na salin nang mas maunawaan ng mga mambabasa.
204
Taludtod 6

Simulaang Lengguwahe (Ingles) Tunguhang Lengguwahe (Filipino)


Searching for a way out Naghahanap ng daan

Sa taludtod na ito, makikita sa orihinal na linya ng tula na mayroon


itong limang (5) salita, at nang isinalin sa Filipino ay naging tatlo (3) na lang
ito. Maaring may ilang salita sa simulaang lengguwahe na hindi tinumbasan
o walang katumbas sa tunnguhang lengguwahe, katulad na lamang ng mga
salitang for, out. Kung kaya, maaaring ipasok dito ang teorya sapagsasalin
na batay kay Eugene Nida ang Dynamic Equivalence Theory kung saan ang
teoryang ito ay maaari kang magdagdag at magbawas ng mga salita basta’t
pasok ang mensahe ng iyong ginawang pagsasalin.

Taludtod 7

Simulaang Lengguwahe (Ingles) Tunguhang Lengguwahe (Filipino)


They refuse to die Hindi sila mamatay-matay

Batay sa taludtod na ito, makikita na mayroong (4) na salita ang


orihinal, at nang isinalin ito sa tunguhang lengguwahe ay naging tatlong (3)
salita na lamang ito. Makikiktang nabawasan ang bilang ng mga salita nang
isinalin na, marahil mayroong salita mula sa simulaang lengguwahe na hindi
tinumbasan o walang katumbas sa tunguhang lengguwahe. Maaari ring
inangkop at isinaalang-alang ng tagapagsalin ang diwa sa diwa na salin nang
maunawaan ng maraming mambabasa. Kung kaya, maaaring ipasok dito ang
teorya sapagsasalin na batay kay Eugene Nida ang Dynamic Equivalence
Theory.

205
Taludtod 8

Simulaang Lengguwahe (Ingles) Tunguhang Lengguwahe (Filipino)


Even though my eyeballs are Kahit dukutin ang mga bilog ng aking
gouged and replaced mata at palitan

Batay sa taludtod na ito, malinawag na mas marami ang salita na


ginamit sa pagsasalin kaysa sa orihinal. May salita rin na ginamit na walang
katumbas sa orihinal na wika gaya ng salitang ng at mayroon ring isang salita
“eyeballs” na tinumbasan ng tatlong salita “bilog ng mata” sa tunguhang
lengguwahe. Kung kaya, maaaring ipasok dito ang teorya sapagsasalin na
batay kay Eugene Nida ang Dynamic EquivalenceTheory kung saan ang
teoryang ito ay maaari kang magdagdag at bawas ng mga salita basta pasok
ang mensahe ng iyong ginawang pagsasalin. Makikita rito na ang orihinal ay
may walong (8) mga salita at ang salin naman sa Filipino ay naragdagan at
ito’y naging sampu (10). Maaaring inangkop at isinaalang-alang ng
tagapagsalin ang diwa sa diwa na salin upang mas maunawaan ng mga
mambabasa.

Taludtod 9

Simulaang Lengguwahe (Ingles) Tunguhang Lengguwahe (Filipino)


They refuse to die hindi sila mamatay-matay

Batay sa taludtod na ito, makikita na mayroong apat (4) na salita ang


orihinal, at nang isinalin ito sa tunguhang lengguwahe ay naging tatlong (3)
salita na lamang ito. Makikiktang nabawasan ang bilang ng mga salita nang
isinalin na, marahil mayroong salita mula sa simulaang lengguwahe na hindi
tinumbasan o walang katumbas sa tunguhang lengguwahe. Maaari ring
inangkop at isinaalang-alang ng tagapagsalin ang diwa sa diwa na salin nang
maunawaan ng maraming mambabasa. Kung kaya, maaaring ipasok dito ang
teorya sapagsasalin na batay kay Eugene Nida ang Dynamic Equivalence
Theory.

206
Taludtod 10

Simulaang Lengguwahe (Ingles) Tunguhang Lengguwahe (Filipino)


Taken away from my home Kahit inilayo ako sa aking tahanan

Sa taludtod na ito naman, makikita na mas marami ang salita na


ginamit sa pagsasalin kaysa sa orihinal. Makikita rito na ang orihinal ay
mayroong limang (5) salita at ang salin naman sa tunguhang lengguwahe ay
naragdagan at ito’y naging anim (6). May salita rin na ginamit na walang
katumbas sa orihinal na wika gaya ng salitang; kahit. Kung kaya, maaarin
muling ipasok dito ang teorya sapagsasalin na batay kay Eugene Nida ang
Dynamic Equivalence Theory.

Taludtod 11

Simulaang Lengguwahe (Ingles) Tunguhang Lengguwahe (Filipino)


Repeatedly stabbed alone Tinutusok-tusok nang nag-iisa

Batay naman sa taludtod na ito, makikita na parehas lang ang bilang


ng mga salita ng simulaang lengguwahe at ng tunguhang lengguwahe.
Mayroong tatlong (3) salita sa orihinal at tatlong (3) salita pa rin nang isinalin
na.

Taludtod 12

Simulaang Lengguwahe (Ingles) Tunguhang Lengguwahe (Filipino)


I have already paid what they Ibinayad ko na ang kanilang
demand from me hinihingi

Batay sa taludtod na ito, makikita na mayroong siyam (9) na salita ang


orihinal, at nang isinalin na ito sa tunguhang lengguwahe ay naging anim (6)
salita na lamang ito. Makikiktang nabawasan ang bilang ng mga salita nang
isinalin na, marahil mayroong salita mula sa simulaang lengguwahe na hindi

207
tinumbasan o walang katumbas sa tunguhang lengguwahe. Maaari ring
inangkop at isinaalang-alang ng tagapagsalin ang diwa sa diwa na salin nang
maunawaan ng maraming mambabasa. Kung kaya, maaaring ipasok dito ang
teorya sapagsasalin na batay kay Eugene Nida ang Dynamic Equivalence
Theory kung saan ang teoryang ito ay maaari kang magdagdag at magbawas
ng mga salita basta’t pasok ang mensahe ng iyong ginawang pagsasalin.

Taludtod 13

Simulaang Lengguwahe (Ingles) Tunguhang Lengguwahe (Filipino)


Time-strength-wounds Panahon-lakas-sugat

Batay naman sa taludtod na ito, makikita na parehas lang ang bilang


ng mga salita na ginamit sa pangungusap ng simulaang lengguwahe at ng
tunguhang lengguwahe. Mayroong tatlong (3) salita sa orihinal at tatlong (3)
salita pa rin nang isinalin na.

SAKNONG 3

Taludtod 14

Simulaang Lengguwahe (Ingles) Tunguhang Lengguwahe (Filipino)


those words never stop demanding lagi akong sinisingil ng mga salitang
ito

Batay sa taludtod na ito, malinawag na mas marami ang salita na


ginamit sa pagsasalin kaysa sa orihinal. Makikita rito na ang orihinal ay may
limang (5) mga salita at nang salin naman sa tunguhang lengguwahe ay
naragdagan at ito’y naging pito (7). May salita rin na ginamit sa tunghuhang
wika na hindi makikita ang katumbas sa orihinal na wika gaya ng mga
salitang; lagi, akong, ng, mga, ito. Maaaring binago ang estruktura, inangkop
at isinaalang-alang ng tagapagsalin ang diwa sa diwa na salin upang mas
maunawaan ng mga mambabasa. Kung kaya, maaaring ipasok dito ang
teorya sapagsasalin na batay kay Eugene Nida ang Dynamic Equivalence

208
Theory kung saan ang teoryang ito ay maaari kang magdagdag at bawas ng
mga salita basta pasok ang mensahe ng iyong ginawang pagsasalin.

Taludtod 15

Simulaang Lengguwahe (Ingles) Tunguhang Lengguwahe (Filipino)


Always they tell me laging sinasabi sa akin

Batay naman sa taludtod na ito, makikita na parehas lamang ang


bilang ng mga salita na ginamit sa pangungusap ng simulaang lengguwahe
at ng tunguhang lengguwahe. Mayroong apat (4) na salita sa orihinal at apat
(4) na salita pa rin nang isinalin na.

Taludtod 16

Simulaang Lengguwahe (Ingles) Tunguhang Lengguwahe (Filipino)


You are still alive buhay ka pa rin

Batay naman sa taludtod na ito, makikita na parehas lamang ang


bilang ng mga salita na ginamit sa pangungusap ng simulaang lengguwahe
at ng tunguhang lengguwahe. Mayroong apat (4) na salita sa orihinal at apat
(4) na salita pa rin nang isinalin na.

SAKNONG 4

Taludtod 17

Simulaang Lengguwahe (Ingles) Tunguhang Lengguwahe (Filipino)


Certainly I am still whole totoong buo pa rin ako

Batay naman sa taludtod na ito, makikita na parehas lamang ang


bilang ng mga salita na ginamit sa pangungusap ng simulaang lengguwahe
at ng tunguhang lengguwahe. Mayroong lima (5) na salita sa orihinal at lima
(5) na salita pa rin nang isinalin na.

209
Taludtod 18

Simulaang Lengguwahe (Ingles) Tunguhang Lengguwahe (Filipino)


And the words have not yet been at ang mga salita ay hindi pa
destroyed nadudurog

Batay naman sa taludtod na ito, makikita na parehas lamang ang


bilang ng mga salita na ginamit sa pangungusap ng simulaang lengguwahe
at ng tunguhang lengguwahe. Mayroong walong (8) salita sa orihinal at
walong (8) na salita pa rin nang isinalin na.

C. Ang pangungusap ay idyomatiko o kawikaan (diwa ang isinalin at


hindi salita)

SAKNONG 1

Simulaang Lengguwahe (Ingles) Tunguhang Lengguwahe (Filipino)

hindi ako artistang gumagawa ng balita


I am not an artist that makes news
pero ako ay totoong laging masamang
but for certain I am always bad
balita
news for those in power
para sa makapangyarihan

Ang mga taludtod sa saknong na ito ay hindi nagpapakita ng pagka-


idyomatiko o kawikaan, sapagkat salita ang isinalin at hindi ang diwa, o
kahulugan ng mga pangungusap. Ngunit naipakita pa rin naman ang nais
ipahiwatig ng may akda at naisalin naman ito ng tagapagsalin sa paraang
hindi literal. Bagaman, makikitaan ito ng pagdagdag at bawas, at pag-iba sa
pagtumbas sa ibang salita; katulad ng salitang “certain” na ang salin sa ingles
ay “sigurado”, ngunit tinumbasan ng sa tula ng “totoong”. Sa paraang ito ay
mas nangibabaw ang estilo ng tagapagsalin laban sa estilo ng awtor.

210
SAKNONG 2

Simulaang Lengguwahe (Ingles) Tunguhang Lengguwahe (Filipino)


my poetry is not poetry hindi tula ang aking mga tula
but dark sweaty words, crowding kundi mga madidilim na salitana
each other pawisan at nagtutulakan
searching for a way out naghahanap ng daan
they refuse to die hindi sila mamatay-matay
even though my eyeballs are kahit dukutin ang mga bilog ng
gouged and replaced aking mata at palitan
they refuse to die hindi sila mamatay-matay
taken away from my home kahit inilayo ako sa aking tahanan
repeatedly stabbed alone tinutusok-tusok nang nag-iisa
I have already paid what they ibinayad ko na ang kanilang
demand from me hinihingi
time-strength-wounds panahon – lakas – sugat

Ang mga taludtod sa saknong na ito ay hindi nagpapakita ng pagka-


idyomatiko o kawikaan, sapagkat salita ang isinalin o tinumbasan at hindi
ang diwa, o kahulugan ng mga pangungusap. Maliban na lang sa mga linyang
“they refuse to die” na ang naging salin ay “hindi sila mamatay-matay. Ngunit
naipakita pa rin naman ang nais ipahiwatig ng may akda sa pangkalahatan.
Makikitaan rin ito ng literal na sa salin sa ibang salita, katulad ng “eyeballs”
na tinumbasan ng “bilog ng mata”. Ang huling linya rin ay makikitaan ng
literal na salin, ang mga salitang “time-strength-wounds” na binigyan ng salin
na “panahon – lakas – sugat”, at ang ibang pangungusap naman ay
makikitaan ng pagdagdag at bawas sa pagsalin ng mga salita sa tula. Sa
paraang ito ay mas nangibabaw ang estilo ng tagapagsalin laban sa estilo ng
awtor.

211
SAKNONG 3

Simulaang Lengguwahe (Ingles) Tunguhang Lengguwahe (Filipino)


those words never stop demanding lagi akong sinisingil ng mga salitang
always they tell me ito
you are still alive laging sinasabi sa akin
buhay ka pa rin
Sa bahaging ito ng ikatlong saknong ng salin ay hindi idyomatiko ang
mga pangungusap. Sapagkat salita ang isinalin o tinumbasan at hindi ang
diwa, o kahulugan at naisalin naman ito ng tagapagsalin sa paraang hindi
literal. Sa paraang ito ay mas nangibabaw ang estilo ng awtor laban sa estilo
ng tagapagsalin.

SAKNONG 4

Simulaang Lengguwahe (Ingles) Tunguhang Lengguwahe (Filipino)


certainly I am still whole totoong buo pa rin ako
and the words have not yet been at ang mga salita ay hindi pa
destroyed nadudurog
Sa bahaging ito ng huling saknong ng tula ay hindi idyomatiko ang mga
pangungusap. Sapagkat salita ang isinalin o tinumbasan, at hindi ang diwa,
mensahe o kahulugan, at isinalin ito ng tagapagsalin sa paraang literal. Sa
paraang ito ay mas nangibabaw ang estilo ng tagapagsalin laban sa estilo ng
awtor.

D. Pinakamalapit sa diwa, isipan o damdaming taglay ng orihinal

SAKNONG 1

Simulaang Lengguwahe (Ingles) Tunguhang Lengguwahe (Filipino)

hindi ako artistang gumagawa ng


I am not an artist that makes news
balita

212
but for certain I am always bad pero ako ay totoong laging
news for those in power masamang balita
para sa makapangyarihan

Sa pagsasalin, mahalaga na makuha ang diwa na ibinigay ng orihinal


na akda. Kung kaya, dapat alamin muna ng tagasalin ang damdamin o diwa
ng kanyang akdang isasalin bago siya magsalin. Sa saknong na ito, ang
paraan ng pagkakasalin ay nanatili o taglay pa rin nito ang damdamin ng
orihinal. Maaaring mailapat rito ang Formal Equivalence Theory ni Eugene
Nida. Ang Formal Equivalence ay nagsasaad na ang paraan ng pagsasalin ng
tagapagsalin ay ang pagpapanatili sa teksto mismo, kung ano ang katumbas
ay iyon na. Nagkaroon din dito ng pag-aangkop sa tekstong ginamit sa
simulaang lenggwahe tungo sa tunguhang lenggwahe. Makikita sa bahaging
ito ng tula na tinumbasan ng tagapagsalin ang mga salitang ginamit sa
simulaang lenggwahe ngunit ang diwa o damdamin ng teksto ay nanatili pa
rin.

SAKNONG 2

Simulaang Lengguwahe (Ingles) Tunguhang Lengguwahe (Filipino)


my poetry is not poetry hindi tula ang aking mga tula
but dark sweaty words, crowding kundi mga madidilim na salitana
each other pawisan at nagtutulakan
searching for a way out naghahanap ng daan
they refuse to die hindi sila mamatay-matay
even though my eyeballs are gouged kahit dukutin ang mga bilog ng
and replaced aking mata at palitan
they refuse to die hindi sila mamatay-matay
taken away from my home kahit inilayo ako sa aking tahanan
repeatedly stabbed alone tinutusok-tusok nang nag-iisa
I have already paid what they ibinayad ko na ang kanilang
demand from me hinihingi
time-strength-woundS panahon – lakas – sugat

213
Sa bahaging ito ng tula, ang pagkakasalin sa saknong na ito ay
makikitaan din ng pinakamalapit na diwa o damdain ng orihinal. Makikita sa
bahaging ito ng tula na tinumbasan ng tagapagsalin ang mga salitang ginamit
sa simulaang lenggwahe ngunit ang diwa o damdamin ng teksto ay nanatili
pa rin.

SAKNONG 3

Simulaang Lengguwahe (Ingles) Tunguhang Lengguwahe (Filipino)


those words never stop demanding lagi akong sinisingil ng mga salitang
ito
always they tell me
laging sinasabi sa akin
you are still alive
buhay ka pa rin

Sa bahaging ito ng tula, ang paraan ng pagkakasalin ay nanatili o taglay


pa rin nito ang damdamin ng orihinal. Nagkaroon din dito ng pag-aangkop sa
tekstong ginamit sa simulaang lenggwahe tungo sa tunguhang lenggwahe.
Maaaring mailapat rito ang Formal Equivalence Theory ni Eugene Nida. Ito ay
nagsasaad na ang paraan ng pagsasalin ng tagapagsalin ay ang pagpapanatili
sa teksto mismo, kung ano ang katumbas ay iyon na.

SAKNONG 4

Simulaang Lengguwahe (Ingles) Tunguhang Lengguwahe (Filipino)


certainly I am still whole totoong buo pa rin ako
and the words have not yet been at ang mga salita ay hindi pa
destroyed nadudurog

Sa saknong naman na ito, ang damdamin ng orihinal na akda ay


nanatili pa rin sa akdang isinalin. Nagkaroon din dito ng pag-aangkop sa
tekstong ginamit sa simulaang lenggwahe tungo sa tunguhang lenggwahe.
Maaaring mailapat rito ang Formal Equivalence Theory ni Eugene Nida.

214
E. Sinunod ba ang kinaugaliang paraan ng pagpapahayag sa wikang
pinagsasalinan.
SAKNONG 1

Taludtod 1

Simulaang Lengguwahe (Ingles) Tunguhang Lengguwahe (Filipino)

hindi ako artistang gumagawa ng


I am not an artist that makes news
balita

Sa unang taludtod ng tula, sinunod ng pinagsalinang wika ang


karaniwang paraan ng anyo ng pangungusap o pagpapahayag. Dahil dito
mapapansin na ang pahayag ay hindi gumamit ng panandang “ay” na siyang
unang mapapansin kapag ang isang pahayag ay nasa di-karaniwang anyo.
Kaya’t masasabi na sinunod ng pinagsalinang lengguwahe ang kinaugaliang
paraan ng pagpapahayag. Ang panaguri ay “hindi ako artistang gumagawa”
at ang paksa naman nito ay “ng balita”.

Taludtod 2

Simulaang Lengguwahe (Ingles) Tunguhang Lengguwahe (Filipino)

but for certain I am always bad pero ako ay totoong laging masamang
news for in power balita para sa makapangyarihan
Sa ikalawang linya naman ng tula, hindi sinunod ang kinaugaliang
paraan ng pagpapahayag sapagkat mapapansin sa tunguhang lengguwahe
na nauna ang simuno kaysa panaguri at mapapansin din na ginamit sa
pahayag ang panandang “ay” kung kaya’t ito ay nasa di-karaniwang ayos.

215
SAKNONG 2

Taludtod 3

Simulaang Lengguwahe (Ingles) Tunguhang Lengguwahe (Filipino)

my poetry is not poetry hindi tula ang aking mga tula

Sa ikatlong taludtod ng tula, mapapansin dito na hindi sinunod ng


kinaugaliang paraan ng pagpapahayag ng pinagsalinang wika na kung saan
hindi direktang pagsalin sa mga salitang “my poetry is not poetry” na naging
“hindi tula ang aking mga tula”. Mapapansin rin na nauna ang panaguri na
“hindi tula” at ang paksang “ang aking mga tula” na siyang naghahayag na
nasa karaniwang ayos ito ng pangungusap.

Taludtod 4-5

Simulaang Lengguwahe (Ingles) Tunguhang Lengguwahe (Filipino)

but dark sweaty words crowding kundi mga madidilim na salita na


each other pawisan at nagtutulakan

Sa ikaapat na taludtod ng tula, mapapansin rin na hindi sinunod ng


kinaugaliang paraan ng pagsasalin sa pinagsalinang wika kung kaya
makikita rito na hindi direktang pagsalin ang salitang “crowding each other”
sa saling “pawisan at nagtutulakan”.

Taludtod 6

Simulaang Lengguwahe (Ingles) Tunguhang Lengguwahe (Filipino)

searching for a way out naghahanap ng daan

216
Sa ikalimang taludtod ng tula, ang panaguri na “naghahanap” at ang
paksang “ng daan” ay isang pagpapatunay rin na nasa karaniwang ayos ng
pangungusap o pagpapahayag. Dahil mapapansin natin na nauna ang
panaguri kaysa sa paksa. Masasabing sinunod ang paraan ng pagpapahayag
ng simulaang lengguwahe.

Taludtod 7

Simulaang Lengguwahe (Ingles) Tunguhang Lengguwahe (Filipino)

they refuse to die hindi sila mamatay-matay

Sa ika-anim na taludtod ng tula, sinunod ng pinagsalinang wika ang


karaniwang paraan ng anyo ng pangungusap o pagpapahayag. Dahil dito
mapapansin na ang pahayag ay hindi gumamit ng panandang “ay” na siyang
unang mapapansin kapag ang isang pahayag ay nasa di-karaniwang anyo.

Taludtod 8

Simulaang Lengguwahe (Ingles) Tunguhang Lengguwahe (Filipino)

even though my eyeballs are gouged kahit dukutin ang mga bilog ng aking
and replaced mata at palitan
Sa ikapitong taludtod ng tula, mapapansin na sinunod ng kinaugaliang
paraan ng pagpapahayag ang pinagsalinan ng wika na kung saan makikita
dito na nasa karaniwang anyo ito ng pangungusap. Dahil, makikita sa
pangungusap na ito na hindi ginamitan ng panandang “ay” na nagpapahayag
na nasa di-karaniwang ayos ito.

Taludtod 9

Simulaang Lengguwahe (Ingles) Tunguhang Lengguwahe (Filipino)

they refuse to die hindi sila mamatay-matay

217
Sa pangwalong taludtod, makikita dito na hindi sinunod ng
kinaugaliang paraan ng pagpapahayag ng Tunguhang Lenggwaheng Filipino.
Mapapansin na hindi direktang pagkakasalin ang salitang “they refuse to die”
sa saling “hindi sila mamatay-matay”. Mapapansin rin na nasa karaniwang
ayos ito ng pangungusap na “hindi sila” ang panaguri at “mamatay-matay”
ang paksa.

Taludtod 10

Simulaang Lengguwahe (Ingles) Tunguhang Lengguwahe (Filipino)

taken away from my home kahit inilayo ako sa aking tahanan

Sa ika-siyam ng taludtod ng tula, sinunod ang kinaugaliang paraan ng


pagpapahayag ng Tunguhang Lenggwahe na kung saan nauna ang panaguri
na “kahit inilayo ako” kaysa paksa na “sa aking tahanan”. Kaya ito ay nasa
karaniwang anyo ng pangungusap.

Taludtod 11

Simulaang Lengguwahe (Ingles) Tunguhang Lengguwahe (Filipino)

repeatedly stabbed alone hindi sila mamamatay

Sa ika-sampung taludtod ng tula ay hindi sinunod ng kinaugaliang


paraan ng pagpapahayag sapagkat mapapansin na hindi ito direktang
pagsasalin na sa salitang “repeatedly stabbed alone” at saling “hindi sila
mamamatay”.

218
Taludtod 12

Simulaang Lengguwahe (Ingles) Tunguhang Lengguwahe (Filipino)

I have already paid what they ibinayad ko na ang kanilang


demand from me hinihingi

Sa ika-labing isang taludtod ng tula, sinunod ang kinaugaliang paraan


ng pagpapahayag sa Tunguhang Lenggwahe na kung saan nauna ang
panaguri na “ibinayad ko na” at ang paksang “ang kanilang hinihingi”.
Mapapansin na nasa karaniwang ayos ito ng pangungusap.

Taludtod 13

Simulaang Lengguwahe (Ingles) Tunguhang Lengguwahe (Filipino)

time-strength-wounds panahon - lakas – sugat

Sa ika-labindalawang taludtod ng tula, sinunod ng pinagsalinang wika


ang karaniwang paraan ng anyo ng pangungusap o pagpapahayag. Dahil dito
mapapansin na ang pahayag ay hindi gumamit ng panandang “ay” na siyang
unang mapapansin kapag ang isang pahayag ay nasa di-karaniwang anyo.
Kaya’t masasabi na sinunod ng pinagsalinang lengguwahe ang kinaugaliang
paraan ng pagpapahayag.

SAKNONG 3

Taludtod 14

Simulaang Lengguwahe (Ingles) Tunguhang Lengguwahe (Filipino)

those words never stop demanding lagi akong sinisingil ng mga salitang
ito

Sa ika-labintatlong taludtod ng tula, hindi sinunod ng kinaugaliang


paraan ng pagpapahayag ng pinagsalinang wika. Makikita na ang salitang

219
“words” ay nailagay sa hulihang banda ng taludtod, kaiba sa simulaang
lengguwahe.

Taludtod 15

Simulaang Lengguwahe (Ingles) Tunguhang Lengguwahe (Filipino)

always they tell me laging sinasabi sa akin

Sa ika labing-apat ng taludtod ng tula, sinunod ang kinaugaliang


pagpapahayag ng simuluaang lengguwahe. Nauna ang panaguri na “laging
sinasabi” at sinundan ng paksang “sa akin”.

Taludtod 16

Simulaang Lengguwahe (Ingles) Tunguhang Lengguwahe (Filipino)

you are still alive buhay ka pa rin

Sa ika-labing limang taludtod ng tula, hindi sinunod ng kinaugaliang


paraan ng pagpapahayag ng Tunguhang Lenggwahe. Dahil sa pinagsalinang
wika nauna ang simuno kaysa panaguri, taliwas sa ginawang salin na nauna
ang panaguri kaysa simuno.

SAKNONG 4

Taludtod 17

Simulaang Lengguwahe (Ingles) Tunguhang Lengguwahe (Filipino)

Certainly I am still whole totoong buo pa rin ako

Sa ika-labing anim na taludtod ng tula, hindi sinunod ng kinaugaliang


paraan ng pagpapahayag sa pinagsalinang wika. Sapagkat dapat na mauna

220
ang simuno na “ako” sa isinaling bersyon upang maikonsidera itong
sumunod sa kinaugaliang paraan.

Taludtod 18

Simulaang Lengguwahe (Ingles) Tunguhang Lengguwahe (Filipino)

and the words have not yet been at ang mga salita ay hindi pa
destroyed nadudurog

Sa ika-labing pitong taludtod ng tula, sinunod ang kinaugaliang paraan


ng pagpapahayag ng pinagsalinang wika na kung saan nauna ang paksa
kaysa panaguri. Gumamit ito ng panandang pangawing na “ay” kung kaya’t
maituturing na nasa di-karaniwang ayos ng linya. Ang paksa ay “at ang mga
salita” at ang panaguri ay “hindi pa nadudurog”.

F. Maugnayin o consistent ba ang salin kung saan isang salita lamang


ang ginamit sa mga salitang tinapatan?

Sa orihinal na bersyon ng tula ang mga salitang “news”, “words”, at I”


ay tinapatan ng mga salitang “balita”, “salita”, at “ako”. Naging consistent ang
nagawang salin sapagkat parehong mga salita ang itinumbas ng
tagapagsalin. Dagdag pa rito, mapapansin sa mga inulit na pahayag sa
orihinal na bersyon ang “they refuse to die” na consistent na tinumbasan ng
pahayag na “hindi sila mamatay-matay”. Kung kaya’t masasabing consistent
ang salin sa tula.

221
G. Natural na tunog o daloy o estilo ng wikang pinagsasalinan.

SAKNONG 1

Simulaang Lenggwahe (Ingles) Tunguhang Lenggwahe (Filipino)


hindi ako artistang gumagawa ng
balita
I am not an artist that makes news
but for certain I am always bad news pero ako ay totoong laging
for those in power masamang balita para sa
makapangyarihan

Mapapansin sa unang saknong na pinatili ng tagapagsalin ang estilo


ng orihinal na tula sa pamamagitan ng pagsalin ng salitang "I am not an artist
that makes news but for certain I am always bad news for those in power" sa
"hindi ako artistang gumagawa ng balita pero ako ay totoong laging
masamang balita para sa makapangyarihan" na kung saan sinunod niya ang
paraan ng pagkakaayos ng mga salita, direkta niya rin na isinalin ang mga
salita liban sa “certain” na tinumbasan ng “totoong” sa tunguhang lenggwahe
na siya namang hindi karaniwang ginanagamit na tumbas ng salita. Bagama’t
nagkaroon ng kaunting kaibahan sa salitang ginamit, malapit naman ito sa
ibig ipahatid ng simulaang lengguwahe kung kaya’t masasabi na nasunod
ang estilo ng orihinal na awtor at natural ang daloy ng tula.

SAKNONG 2

Simulaang Lengguwahe (Ingles) Tunguhang Lengguwahe (Filipino)


my poetry is not poetry hindi tula ang aking mga tula
but dark sweaty words, crowding kundi mga madidilim na salitana
each other pawisan at nagtutulakan
searching for a way out naghahanap ng daan
they refuse to die hindi sila mamatay-matay
even though my eyeballs are kahit dukutin ang mga bilog ng aking
gouged and replaced mata at palitan
they refuse to die hindi sila mamatay-matay

222
taken away from my home kahit inilayo ako sa aking tahanan
repeatedly stabbed alone tinutusok-tusok nang nag-iisa
I have already paid what they ibinayad ko na ang kanilang
demand from me hinihingi
time-strength-wounds panahon–lakas sugat

Sa ikalawang saknong ng tula, unang-unang mapapansin ang


pagsunod sa estilo ng simulaang lengguwahe ng tagapagsalin. Sinunod niya
maging ang pagkakaposisyon ng mga salita gaya ng sa unang taludtod “my
poetry is not poetry” na isinalin sa “hindi tula ang aking mga tula” makikita na
salita sa salita na tinumbasan ang mga salita at hindi nawala ang daloy ng
pagpapahayag nito. Lalong mas mapapansin ang estilo ng orihinal na tula sa
taludtod na “time-strength-wounds” na tinumbasan ng “panahon-lakas-
sugat”. Direkta ang pagsalin sa mga salita, maging ang mga posisyon ng mga
ito ay inihalintulad sa simulaang lengguwahe kung kaya’t masasabing nanaig
ang estilo ng orihinal na awtor.

SAKNONG 3

Simulaang Lenggwahe (Ingles) Tunguhang Lenggwahe (Filipino)


those words never stop demanding
lagi akong sinisingil ng mga salitang ito
always they tell me you are still
laging sinasabi sa akin buhay ka pa rin
alive

Makikita sa ikatlong saknong ng tula na pinatili pa rin ng tagasalin ang


estilo ng orihinal na awtor, kahit nasa hindi direkta ang pagkakasalin sa
unang linya sa salitang "those words never stop demanding" na tinumbasan
ng "lagi akong sinisingil ng mga salitang ito". Hindi ito inilihis sa orihinal na
bersyon ng tula. Sa pangkalahatan nito, ang estilo ng pahayag ay naging
consistent sa pagkakasalin ng tagasalin at hindi nawala ang emosyon o
temang nais ipahayag na orihinal na bersyon ng tula.

223
SAKNONG 4

Simulaang Lenggwahe (Ingles) Tunguhang Lenggwahe (Filipino)


certainly I am still whole totoong buo pa rin ako
and the words have not yet been at ang mga salita ay hindi pa
destroyed nadudurog

Sa ikaapat at huling saknong ng tula, ganoon pa rin na pinanatili pa


rin ang estilo ng orihinal na awtor. Nasa natural na daloy ang pahayag
sapagkat hindi nawala ang orihinal na bersyon ng tula. Sa salitang "certainly
I am still whole and the words have not yet been destroyed" na tinumbasan sa
tunguhang lenggwahe ng "totoong buo pa rin ako at ang mga salita ay hindi
pa nadudurog" makikita na nanaig pa rin ang estilo ng orihinal na awtor at
hindi ito pinalitan ng tagapagsalin maging ang daloy ng tula.

224
KONKLUSYON

Ang tula ni Wiji Thukul na “I am Still Whole and Then Words Have not
Yet Been Destroyed o “Aku Masih utuh Dan Kata-Kata Belum Binasa” bilang
orihinal na pamagat na mula sa wikang Bahasa Indonesia ay masasabing
isang tulang may kapangyarihan. Ito ang naging udyok para sa mga
magsasaka sa kanilang bayan upang maghangad ng pagbabago sa kanilang
sistema. Maaring sabihin na ito ay hindi nalalayo sa mga akdang isinulat ni
Gat. Jose Rizal na siyang naging dahilan upang mag-alab ang mga
damdaming makabayan ng mga Pilipino at naging mitsa ng pag-aalsa laban
sa mga Kastila. Kung kaya’t hindi maipagkakaila ang katotohanan na isang
napakahirap na gawain ang magsalin ng mga akdang katulad nito.

Sa salin ni ginawa ni Ramon Guillermo na nasuri at natalakay sa itaas,


masasabing ang tula ay may mga pangungusap na malaya o paiba-iba ng
anyo. Mayroon din naming mga piling mga pangungusap o linya na
sumusunod sa “pormula” o yaong mga hindi nagbabago ang anyo. Ngunit
mapapansing mas nakararami ang mga pangungusap na paiba-iba ang anyo
mula sa orihinal na bersiyon o mga linyang malaya kaysa sa mga linyang
hindi nagbabago ang anyo o pormula.

Nadagdagan din at nabawasan nang bahagya ang bilang ng mga salita


sa isinaling bersiyon kaysa sa orihinal. Mapapansing may mga linyang
nadagdagan sapagkat may mga salita sa wikang pinagsalinan na walang
katumbas sa wika ng orihinal na bersiyon. Halimbawa na rito ang salitang
“mga”. Isinaalang-alang din ng tagapagsalin ang diwa sa diwa na saling upang
mas maunawaan ng mga mambabasa. Sa kabilang banda naman, may mga
linya ding nabawasan ang bilang ng mga salita mula sa orihinal na salin
sapagkat walang katumbas o hindi tinumbasan sa tunguhang wika ang isang
salita o pahayag katulad na lamang ng salitang “for” at “out”. Ang
kaparaanang ito ay pinahihintulutan sa ilalim ng Dynamic Equivalence
Theory ni Eugene Nida. Dahil din dito, ang saling ginawa ni Guillermo ay hindi

225
nagpapakita ng pagka-idyomatiko o kawikaan. Wala ni isang pangungusap o
linya sa tula ang nagtataglay nito.

Bagama’t ang saling ginawa ni Guillermo ay uhaw sa pagka-idyomatiko


o kawikaan, hindi naman ito naging hadlang upang mapanatili ang orihinal
na damdamin ng saling kanyang nagawa.

Sinunod din niya ang kinaugaliang paraan ng pagpapahayag sa wikang


pinagsalinan. Ngunit may ilang mga linya kung saan mas pinili niyang
mapanatili ang damdamin kaysa sa pagsunod sa kinaugaliang paraan ng
pagpapahayag. Sa kabuuan, naging consistent ang salin, na siyang dahilan
upang maging natural ang tunog o daloy ng estilo ng wikang kanyang
pinagsasalinan.

Nagawa ni Ramon Guillermo na maging malapit sa estilo at mensahe o


damdaming nais iparating ng orihinal na akda. Sa kabuuan, napanatili niya
ang kapangyarihang taglay ng orihinal na akda ni Wiji Thukul. Napanatili
niya ang naglalagablab na apoy ng pakikibaka at makatarungang hakbang
para sa pag-aalsa.

226
MGA SANGGUNIAN:

Almario, Virgilio S. (2016). Batayang Pagsasalin: Ilang Patnubay at


Babasahin para sa baguhan. 2F Watson Blg., 1610 J.P. Laurel St., San
Miguel, Maynila: KOMISYON SA WIKANG FILIPINO

Ancient Faces (2021). Rufino Alejandro. Retrieved July 3, 2021 from


Google.com: https://www.ancientfaces.com/person/rufino-alejandro
-birth-1925-death-1990/91082164

Arenal, Zyriener (2018). Idyomatikong Pagsasalin. Retrieved July 3, 2021


from Google.com: https://www.slideshare.net/ZyrienerArenal/
idyomatikong-pagsasalin-87191954

Bacarra (2019). Mabuting Pagsasalin. Nakuha noong July 2, 2021 sa


https://www.slideshare.net/MariaAngelinaBacarra/pagsasalin-re-
echo

Baldwin, E., (2020, May 25). Desiderata by Max Ehrmann. Poem Analysis.
Retrieved from: https://poemanalysis.com/max-
ehrmann/desiderata/. Date Retrieved: July 06, 2021.

Baldwin, E. (2021). Trees by Joyce Kilmer. Retrieved July 3, 2021 from


Google.com: https://poemanalysis.com/joyce-kilmer/trees/

Brendia 2016, Pagsusuring Pampanitikan. Nakuha noong July 2, 2021 sa


https://www.slideshare.net/ChristineAubreyBrendia/fil-3a

English Summary (2021). Trees Poem by Joyce Kilmer Summary. Retrieved


July 3, 2021 from Google.com: https://englishsummary.com/trees-
poem-by-joyce-kilmer-summary/#gsc.tab=0

Filipino-Tula (2010). Ano nga ba ang Tula? . Retrieved July 3, 2021 from
Google.com: https://filipino-tula.blogspot.com/2010/06/ano-nga-ba-
ang-tula.html?m=1

vi
FORSEA. (2021). Forces of Renewal for Southeast Asia: Author Ramon
Guillermo. Retrieved July 2, 2021 from
https://forsea.co/author/ramong/

GoodReads.com. (ND). Benilda Santos. Retrieved from:


https://www.goodreads.com/author/show/845625.Benilda_S_Santos
Date retrieved: July 06, 2021.

Guillermo, R. (2003). Filipino and English Translations of Three Poems by


Wiji Thukul. Retrieved June 2021 from
https://www.researchgate.net/publication/306060941_Filipino_and_
English_Translations_of_Three_Poems_by_Wiji_Thukul_I_Want_to_Be_
a_Bullet_Three_Poems_by_Wiji_Thukul_Apa_yang_Berharga_dari_Puisi
ku_Balada_Peluru_Aku_Masih_utuh_Dan_Kata-Kata_Belum_Binasa

ID Writers. 2014. Wiji Thukul. Retrieved July 2, 2021 from


https://idwriters.com/writers/wiji-thukul/

Laurencio, Kristel (2012). Pagsasalin. Retrieved July 3, 2021 from


Google.com: https://www.slideshare.net/ilove_TEL/11-pagsasalin

Lovler, S. (2017). Max Ehrmann. Retrieved from:


https://www.desiderata.com/max-ehrmann.html . Date Retrieved:
July 06, 2021.

MaryOurMother.net (n.d). Joyce Kilmer – Trees. Retrieved July 3, 2021 from


Google.com: https://maryourmother.net/Kilmer.html

Noypi.com.ph (n.d). TAYUTAY: Halimbawa ng Tayutay, mga Uri ng Tayutay,


Atbp. Retrieved July 7, 2021 from Google.com:
https://noypi.com.ph/tayutay/

Poem analysis Desiderata. Nakuha noong July 2, 2021 sa


https://poemanalysis.com/max-ehrmann/desiderata/

Quiambao (2013). Wastong Paggamit ng mga Bantas. Nakuha noong July 4,


2021 sa https://www.slideshare.net/RovilynQuiambao/wastong-
paggamit-ng-mga-bantas

vii
Research Gate. (2008). Ramon Guillermo. Retrived July 2, 2021 from
https://www.researchgate.net/profile/Ramon-Guillermo
Rodrigo, G. (2017, June 20) Ang sugnay. Retreived July 07, 2021, from
https://www.slideshare.net/GypsyNicoleRodrigo/ang-sugnay-
77091867

Pangungusap na walang paksa. Retrieved on July 07, 2021, from


https://www.slideshare.net/JohnErvin4/pangungusap-na-walang-
paksa

Uri ng sugnay. Retrieved on July 07, 2021, from


https://www.tagaloglang.com/uri-ng-sugnay/

viii

You might also like