You are on page 1of 3

POLITEKNIKONG UNIBERSIDAD NG PILIPINAS

ARALIN 6

PAGBABAGONG MORPOPONEMIKO

TALA-TUNGUHAN
Matapos ang aralin, inaasahang maisasagawa ng mga mag-aaral ang mga sumusunod:
1. Nakikilala ang mga Pagbabagong Morpoponemiko
2. Natutukoy ang pagkakaiba-iba ng mga Pagbabagong Morpoponemiko
3. Nakabibigay ng mga halimbawa ng iba’t ibang Pagbabagong Morpoponemiko

BALIK-SILAY

Mula sa nakaraang aralin tinalakay natin ang iba’t ibang ideya patungkol sa pagbuo ng isang
salita na malaking bahagi ng paksang Morpolohiya. Natunghayan natin na may iba’t ibang
kaparaanan kung paano makabubuo tayo ng isang makahulugan salita. Sa bagong aralin na
ating matatalakay, matutunghayan natin kung paanong nagbabago ang bawat salita at
nagkakaroon na panibagong pagpapakahulugan na naaayon sa pagbabagong naganap dito.

TUKLAS-DIWA

PANUTO: Ibigay ang salitang-uugat at panlaping ginamit sa mga sumusunod na salita

salitang-ugat panlapi

1. pangahoy

2. marunong

3. takpan

4. nilampaso

5. bakuran
BATIS-KAALAMAN

Iba't Ibang Uri ng Pagbabagong Morpoponemiko

1. Asimilasyon - kapag ang kasunod na tunog ay alinman sa / d, l, r, s, t /, ang


                            panlaping pang- ay nagiging pan-. Ito ay nagiging pam- naman
                            kapag ang kasunod na tunog ay alinman sa / b, p /.

Paalala: Nananatilinng pang- kapag ang kasunod na tunog ay mga katinig na / k, 


              m, n, ng, w, y / o patinig ( a, e, i, o, u ). Nilalagyan ng gitling ( - )  kapag 
              ang salitang ugat ay nagsisimula sa patinig.
Halimbawa:
Pang + lunas - panglunas - panlunas
Pang + baon - pangbaon - pambaon
Pang + kulay - pangkulay
Pang + isahan - pang – isahan

Dalawang Uri ng Asimilasyon

a. asimilasyong di ganap - pagbabago sa unang morpema

Haimbawa:
pang + bansa = pambansa pang + bato = pambato
pang + publiko = pampubliko
sing + bait = simbait
mang + batas = mambabatas

b. asimilasyong ganap - pagbabago ng kapwa panlapi at salitang-ugat.

Halimbawa:
mang + tahi = manahi pang + bato = pamato
pang + talo = panalo pang + palo = pamalo
pang + takot = panakot pang + sangga = panangga
pang + baril =pamaril pang + tulak = panulak

2. Pagpapalit Ponema- may mga ponemang napapalitan o nagbabago sa pagbuo ng salita.


                      nagaganap ang pagpapalitan ng /r/ at /d/ kapag ang /d/ ay nasa pagitan ng
                      dalawang patinig.

Halimbawa:
ma + dami = marami
bakod + an = bakuran
ma + damot = maramot
ma + dunong = marunong
3. Metatesis - pagpapalit ng posisiyon ng panlaping /-in / kapag ang kasunod na ponema ay
ang
mga ponemang (l,y)

Halimbawa:

in + lipad = nilipad
in + yakap =niyakap
in + lampaso =nilampaso

4. Pagkakaltas - sa pagbabagong ito, may nawawalang ponema sa loob ng salita

Halimbawa:
Sunod + in - sunodin - sundin
Takip + an - takipan - takpan
Dala + han - dalahan - dalhan

5. Paglilipat-diin - kapag ang salitang-ugat ay nilalagyan ng panlapi, ito ay nagbabago kapag


ito'y nilalapitan.

Halimbawa:
laro + an= laruan
dugo + an = duguan

You might also like