You are on page 1of 3

REPUBLIC OF THE PHILIPPINES

BACOLOD CITY COLLEGE


TEACHERS EDUCATION DEPARTMENT

FIL 104 Estruktura ng Wika

Domeyn o Register at Gamit ng Wika sa Lipunan


Ang register ay isang baryasyon batay sa gamit. Ito ay tinatawag ding istilo sa
pananalita. Ipinapakita nito kung ano ang ginagawa ng isang tao.

Iminumungkahi ni Halliday (1968) ang pagkilala sa rehistro ng wika sa tatong


domeyn:

1.) Domeyn- Tiyak na larangan o disiplinang gumamit ng wika.


2.) Mode- paraan kung paano ginagamit ang wika sa pasalita at pasulat na paraan.
3.) Tenor/istilo- tumutukoy sa pormalidad o hindi pormal na paggamit ng wika.

May mahalagang gamit ng wika sa Lipunan ayon kay M.A.K, Halliday (1973). Ito ay
ang mga sumusunod;

1.) Instrumental- Ang wika ay ginagamit bilang instumento sa pagtugon sa mga


pangangailangan ng tao sa Lipunan.
Halimbbawa: pag-uutos, pagtatanong,pakikipagusap

2.) Regulatoryo- Ang wika kinokontrol nito ang kilos at pag-uugali ng bawat tao.
Hamllimbawa: Pagbibigay babala, pagpapaalala, pagbibigay panuto.

3.) Interaksyunal- Ang wika ay ginagamit sa pakikipag-ugnayan sa kapwa at


pagpapanatili sa relaying sosyal. Napapanatili natin ang Magandang Samahan
sa tulong ng wikang ginagamit.
Halimbawa: Pangangamusta, pagbabati, pagbibiro

4.) Personal- Sa pamamagitan ng wika ay napapahayag ang kanyang sariling


oponypn ay saloobin sa kapwa.
Halimbawa: Pagsulat ng sanaysay, pagkakaroon ng pormal o di pormal na
talakayan.
5.) Heuristiko- Ang paghahanap ng impormasyon o datos gamit ang wika ay
tinatawag na heuristiko.
Halimbawa: pagkakaroon ng sarbey, pananaliksik

6.) Pang-imahinasyon- Sa pamamagitan ng wika ay napagagana ang imahinasyon


ng tao. Nakasusulat ito ng tula, maikling kwento at iba pa.
Halimbawa: pagsulat ng akdang pampanitikan, pagguhit, paglalarawan.

7.) Impormatibo- Kung ang heuristiko ay paghahanap ng impormasyon ang


impormatibo naman ay ang mga kasagutan sa impormasyong hinahanap, ito ay
ang mga nagbibigay ng informasyon o datos.
Halimbawa: pag-uulat, pagtuturo

TUNGKULIN KATANGIAN HALIMBAWA


WIKA
Pasalita Pasulat
Instrumental Tumutugon sa mga Pakikipagusap, Liham, pangangalakal
pangangailangan pag-uutos
Regulatoryo Kumukontrol, Pagbibigay ng panuto
gumagabay sa kilos/ direksyon,
asal ng iba. paalala, o babala
Interaksyunal Nakapagpapanatili, Pangangamusta, Liham pangkaibigan
nakapagpapatatag ng pagpapalitan ng
relasyong sosyal biro
Personal Nakapagpapahayag Formal/ Liham sa patnugot
ng sariling Di-Formal na
damdamin o talakayan
opinion.
Heuristiko Nagahahanap ng Pagtatanong Sarvey, Pananaliksik
mga informasyon o pakikipanayam
datos.
Imajinativ/ Nakapagpapahayag Pasasalaysay Akdang pampanitikan
Pang- ng imahinasyon sa paglalarawan
imahinasyon malikhaing paraan
Impormatibo Nagbibigay ng Pag-uulat Ulat, pamanahong papel
informasyon o datos pagtuturo

Ipinasa ni;
Buenafe, Cheryl E.
Ipinasa kay;
Bb. Sheila May Palomar LPT, MAEd

Sanggunian:
Liezl Radin Borlasa, MA.ED._FLT, Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at
Kulturang Piipino. CRONICA BOOKHAUS. 45-C Pisces ST., Tandang Sora, Quezon City.
2016. Pp. 10-11, Pp. 22-23.

You might also like