You are on page 1of 1

Mga Tungkulin ng Wika

Kinikilala ang wika bilang kaluluwa ng isang kultura o tradisyon. Ito ay nagsisilbing
tulay upang magkaroon ng sibilisasyon sa bawat pangkat na mayroon sa iisang komunidad. Ang
wika ay may mga kahalagahan at tungkulin. Hindi lamang ito ginagamit sa mga okasyong
impormal at ang tanging layunin lamang ay magkaintindihan ang bawat isa.
Ayon sa Language, Culture, and Society ni Salzmann. Ang pagkakaroon ng malawak na
saklaw ng wika at ang kakayahan ng tao maituro ang wika sa iba ay mga ikinahihigit ng wika ng
tao kumpara sa mga hayop. Kumbaga, kung sa mga hayop ginagamit lamang ang wika upang
maging ligtas sa pamumuhay. Ngunit, para sa ating mga tao, higit pa ito sa kadahilanang
malagpasan ang mga pagsubok sa buhay.
Isa sa mga akda ni M.A.K Halliday (1973), ayon sa kanyang Explorations in the
Functions of Language. Mayroong pitong kategorya ang mga tungkulin ng wika batay sa
ginagampanan nito sa ating buhay.
Ang sumusunod ay mga binigyang-diing kategorya ng mga tungkulin ng wika at mga
halimbawa nito sa pasalita at pasulat na paraan:
Tungkulin ng Katangian Halimbawa
Wika Pasalita Pasulat
1.Pang- Nakapagpapanatili/nakapagpapatatag Pormularyong Liham-
Interaksyunal ng relasyong sosyal Panlipunan, Pangkaibigan
Pangangamusta,
Pagpapalitan ng
biro
2.Pang- Tumutugon sa mga pangangailangan Pakikipag-usap, Liham-
Instrumental pag-uutos Pangangalakal

3. Panregulatori Kumukontrol/gumagabay Pagbibigay ng Panuto


sa kilos/asal ng iba Direksyon,
paalala o babala
4.Pampersonal Nakapagpapahayag ng sariling Pormal/Di- Liham sa
damdamin o opinyon Pormal na Patnugot
Talakayan
5.Pang- Nakapagpapahayag ng imahinasyon Pagsasalaysay, Akdang
imahinasyon sa malikhaing paraan Paglalarawan Pampanitikan

6.Pang-Heuristiko Naghahanap Pagtatanong, Sarbey,


ng mga impormasyon/datos pakikipanayam Pananaliksik
7.Pang-Impormatib Nagbibigay ng impormasyon/datos Pag-uulat, Ulat,
Pagtuturo Pamanahong
Papel

Ayon naman sa Uses of Language (1997) ni Frank Smith, kanyang binanggit ang
mga sumusunod na puna.

1. Higit na napag-aralan ang wika sa mga tunay na karanasan sa komunikasyon.


2. Ang kasanayan sa isang tungkuling pangwika ay hindi nangangahulugan ng
kasanayan sa iba pa.
3. Hindi lamang isang tungkulin/gamit pangwika ang nagagamit sa isang
pagkakataon. Maaari ring dalawa o higit pa.
4. Kailangan ng nagsasalita ang tagapakinig at kailangan ng nagsusulat ang
mambabasa.
5. Isa lamang alternatibo ang wika (pasalita at pasulat. Madalas upang maging
higit na mabisa ang komunikasyon, kinakailangang gamitin ang kumbinasyon
ng wika at ng iba pang alternatibo tulad ng pagsasakilos, pagkumpas,
pagsasalarawan at ekspresyon ng mukha.

You might also like