You are on page 1of 21

Gamit ng

Wika sa
Lipunan
Pinagyamang Pluma
Ang mga mag-aaral ay inaasahang
makakamit ang mga kasanayang
pampagkatuto:

1. Nauunawaan ang iba’t ibang gamit ng wika


mula sa mga kilalang tao.

2. Nasasabuhay ang kahalagahan ng gamit ng


wika.

3. Natutukoy ang gamit ng wika mula sa mga


ibang pahayag sa palabas sa telebisyon.
Ang pinakadiwa ng wika ay panlipunan.
Isang magandang ehemplong
magpapatunay rito ang kuwento ni Tarzan.
Mga tunog ng hayop ang kanyang unang
natutunan dahil ito ang wika ng mga
kasama niyang hayop sa gubat. Ang isang
batang walang ugnayan sa ibang tao ay
mahihirapang matutong magsalita dahil
wala naman siyang kausap.
Maging ang isang taong bagong lipat lang sa isang
komunidad na may ibang wika, kung hindi ito
makikipag-ugnayan sa iba, ay hindi matututo ng
ginagamit nilang wika. Kung gayon, ang isang
taong hindi nakikipag-ugnayan o nakikisalamuha sa
isang komunidad ay hindi matututong magsalita
sa paraan kung paano nagsasalita ang mga
naninirahan sa komunidad na iyon. Sadyang ang
wika nga ay isang sistema ng pakikipag-ugnayan
na nabubuklod sa mga tao. Hindi matatawaran ang
mahalagang gamit nito sa lipunan.
Batay sa kanyang aklat na Exploration in
the Fuctions of Language (Exploration in
Language Study) (1973)

Ang Pitong
Tungkulin ng
Wika (M.A.K
Halliday)
Mga Tungkulin ng Wika

01 Instrumental
07 Imahinatibo

06 Impormatibo
02 Regulatoryo

05
Heuristiko

03 04 Personal
Interaksyonal
1. Instrumental
Ito ang tungkulin ng wikang
tumutugon sa mga
pangangailangan ng tao gaya ng
pakikipag-ugnayan sa iba.

• Liham pangangalakal
• Liham sa patnugot
• At pagpapakita ng mga talastasan
tungkol sa isang produkto na
nagsasaad ng gamit at halaga ng
produkto.
2. Regulatoryo

Ito ang Ang pagbibigay ng


tungkulin ng direksyon gaya ng
wikang pagtuturo ng
tumutukoy sa lokasyon ng
pagkokontrol siyang partikular na
lugar , direksyon sa
sa ugali o asal pagluluto ng ulam at
ng ibang tao. direksyon sa
paggawa ng
anumang bagay ay
mga halimbawa ng
Tungkuling
regulatoryo.
3. Interaksiyonal

Ang tungkuling ito ay nakikita sa


paraan ng pakikipag-ugnayan ng
tao sa kanyang kapwa;
pakikipagbiruan; pakikipagpalitan
ng kuro-kuro tungkol sa
partikular na isyu; pagkukwento
at paggawa ng liham-
pangkaibigan.

__ __ __ __ __
4. Personal

Saklaw ng tungkuling ito


ang pagpapahayag ng
sariling opinyon o kuro-
kuro sa paksang pinag-
uusapan. Kasama rin
dito ang pagsulat ng
talaarawan at journal , at
ang pagpapahayag ng
pagpapahalaga sa
anumang anyo ng
panitikan.
5. Heuristiko

Ang tungkuling Kasama rito


ito ay ginagamit ang iinterbyu
sa pagkuha o sa mga taong
paghahanap ng makakasagot
impormasyong sa mga tanong
may kinalaman tungkol sa
sa paksang paksa,
pinag-aaralan. pakikinig sa
radyo,
panonood ng
telebisyon at
pagbabasa ng
pahayagan at
iba.
6. Impormatibo

Ito ang kabaliktaran ng


heuristiko. Kung ang heuristiko ay
pagkuha o paghahanap ng
impormasyon, ito naman ay may
kinalaman sa pagbibigay ng
impormasyon sa paraang pasulat
at pasalita. Ang ilang halimbawa
nito ay pagbibigay-ulat, paggawa
ng pamanahong papel, tesis,
panayam at pagtuturo.

__ __ __ __ __
7. Imahinatibo

Gamit ng wika sa
pagbuo sa isang
sistemang pangkaisipan
na malikhain
Halimbawa: pagbuo ng
kwentong piksyon.
Si Jakobson
(2003) naman
ay nagbahagi
rin ng anim na
paraan ng
pagbabahagi
ng wika.
1. Pagpapahayag ng damdamin (Emotive)

Saklaw nito
ang
pagpapahayag
ng mga
saloobin,
damdamin, at
emosyon
2. Panghihikayat (Conative)

Ito ang gamit ng


wika upang
makahimok at
makaimpluwensya
sa iba sa
pamamagitan ng
pag-uutos at
pakiusap.
3. Pagsisimula ng pakikipag-ugnayan(Phatic)

Ginagamit ang
wika upang
makipag-ugnayan
sa kapwa at
makipagsalamuha
ng usapan.
4. Paggamit bilang sanggunian (Referential)

Ipinapakita nito ang


gamit ng wikang
nagmula sa aklat at
iba pang
sangguniang
pinagmulan ng
kaalaman upang
magparating ng
mensahe at
impormasyon.
5. Paggamit ng Kuro-Kuro (Metalingual)

Ito ang gamit na


lumilinaw ang
mga suliranin sa
pamamagitan ng
pagbibigay ng
komento sa isang
kodigo o batas.
6. Patalinghaga (Poetic)

Saklaw nito ang


gamit ng wika sa
masining na
paraan ng
pagpapahayag
gaya ng
panulaan, prosa,
sanaysay, at iba
pa.
Galingan ang
pagsagot sa
pagsusulit

You might also like