You are on page 1of 19

KOMUNIKASYON AT

PANANALIKSIK SA WIKA AT
KULTURANG PILIPINO
TUNGKULIN O
GAMIT NG WIKA SA
LIPUNAN
Tungkulin o Gamit ng Wika

1. Interaksyonal
Ang tungkulin ng wika na ginagamit ng tao sa pagtatatag
at pagpapanatili ng relasyong sosyal sa kapwa tao
2. Instrumental
Ang tungkulin ng wika na ginagamit sa pagtugon sa mga
pangangailangan
Tungkulin o Gamit ng Wika

3. Regulatori
Ang tungkulin ng wikang ginagamit sa pagkontrol o
paggabay sa kilos o asal ng ibang tao

4. Personal
Ang tungkulin ng wikang ginagamit sa pagpapahayag ng
sariling damdamin o opinyon
Tungkulin o Gamit ng Wika

5. Imahinatibo
Ang tungkulin ng wikang ginagamit sa pagpapahayag ng
imahinasyon sa malikhaing paraan
6. Heuristic
Ang tungkulin ng wikang ginagamit sa paghahanap o
paghihingi ng impormasyon
Paraan ng Pagbabahagi ng Wika (Jackobson, 2023)

1. Pagpapahayag ng damdamin (emotive)


Pagpapahayag ng damdamin, saloobin, o emosyon

2. Panghihikayat (conative)
Panghihimok at pag-iimpluwensiya sa iba sa
pamamagitan ng pag-utos at pakiusap
Paraan ng Pagbabahagi ng Wika (Jackobson, 2023)

3. Pagsisimula ng pakikipag-ugnayan (Referential)


Gamit ang wikang nagmula sa aklat at iba pang
sangguniang pinagmulan ng kaalaman upang maiparating
ang mensahe at impormasyon
Paraan ng Pagbabahagi ng Wika (Jackobson, 2013)

4. Paggamit ng kuro-kuro (Metalingual)


Lumilinaw sa mga suliranin sa pamamagitan ng
pagbibigay ng komento sa isang kodigo o batas

5. Patalinghaga (Poetic)
Masining na paraan ng pagpapahayag ng panulaan, prosa,
sanaysay, at iba pa
Kakayahang Pangkomunikatibo

Ang kakayahang pangkomunikatibo ay tumutukoy sa


pag-aaral na kung saan mayroong pagtuturo at pagkatuto ng
wika. Ang mga dalubhasa sa wika ay binigyan din ng ibang
pakahulugan o mas malalim na pagpapaliwanag kung ano
ang ibig sabihin ng kakayahang pangkomunikatibo.
Kakayahang Pangkomunikatibo

Ang kakayahang pangkomunikatibo ay suamsakop a


mas malawak na konteksto ng lipunan at kultura. Ito ay ang
wika kung paano ginagamit at hindi lang basta ang wika at
ang mga tuntunin nito. (Shuy, 2009).
Ang komponent ng kakayahang pangkomunikatibo ay
naglalaman ng mga mahahalagang impormasyon sa tamang
paraan ng paggamit sa kakayahang lingguwistik o
kakayahang gramatikal.
Komponent ng Kakayahang Pangkomunikatibo

1. Sintaks – pagsasama ng mga salita upang makabuo ng


pangungusap na may kahulugan
2. Morpolohiya – mahahalagang bahagi ng salita tulad ng
iba’t ibang bahagi ng pananalita
3. Leksikon – mga salita o bokabularyo
4. Ponolohiya – palatunugan o segmenta
5. Ortograpiya – mga grapema, pantig at tuntunin sa
pagbaybay
Kohesyong Gramatikal (Cohesive Devices)

Ang mga cohesive devices ay mga salita o pariralang


nagpapanatili ng maayos at tuloy-tuloy na daaloy ng
kaisipan ng mga mambabasa. Ang mga salita o pariralang
nag-uugnay sa mga ideya sa loob ng talata o sa isang teksto
ay tinatawag na pariralang transisyunal na ginagamit ding
cohesive devices
Kohesyong Gramatikal (Cohesive Devices)

Mahalaga sa pagbibigay ng malinaw at maayos na daloy ng


mga kaisipan sa isang teksto.

1. Reperensiya (Reference)
Ito ang paggamit ng mga salitang maaaring tumukoy o
maging reperensiya ng paksang pinag-uusapan sa
pangungusap.
Kohesyong Gramatikal (Cohesive Devices)

Maaari itong maging anapora (kung kailangan bumalik


sa teksto upang malaman kung ano o sino ang tinutukoy) o
kaya’y katapora (kung nauna ang panghalip at malalaman
lang kung sino o ano ang tinutukoy kapag ipinagpatuloy
ang pagbabasa sa teksto.
Kohesyong Gramatikal (Cohesive Devices)

Anapora: Aso ang gusto kong alagaan. Ito kasi ang


maaaring maging mabuting kaibigan.

Katapora: Siya ang nagbibigay sa akin ng inspirasyong


bumangon s aumaga at masiglang umuwi sa gabi. Siya si
Bella, ang bunso kong kapatid na mag-iisang taon pa
lamang.
Kohesyong Gramatikal (Cohesive Devices)

2. Substitusyon (Substitution)
Ito ay paggamit ng ibang salitang ipapalit sa halip na
muling ulitin ang salita.

Halimbawa: Nawala ko ang aklat mo. Ibibili na lang kita ng


bago
Kohesyong Gramatikal (Cohesive Devices)

3. Ellipsis
May binabawas na bahagi ng pangungusap subalit
inaasahang maiintindihan o magiging malinaw pa rin sa
mambabasa ang pangungusap dahil makatutulong ang
naunang pahayag para matukoy ang nais ipahiwatig ng
nawalang salita

Halimbawa: Bumili si Gina ng apat na aklat at si Rina


nama’y tatlo.
Kohesyong Gramatikal (Cohesive Devices)

4. Pang-ugnay
Nagagamit ang pang-ugnay tulad ng at sap ag-uugnay ng
sugnay sa sugnay, parirala sa parirala, at pangungusap sa
pangungusap.

Halimbawa: Ang mabuting magulang ay nagsasakripisyo


para sa mga anak at ang mga anak naman ay dapat
magbalik ng pagmamahal sa kanilang mga magulang.

You might also like