You are on page 1of 7

FILIPINO 1

Mr. Gapol

Lesson 1: Retorika

● Galing sa Griyegong salitang “Rhetor” - may karanasang mambibigkas o pampublikong


mambibigkas; “Ika” - sining o kasanayan

Mga kahulugan:

● Isang pag-aaral sa masining na paggamit ng lenggwahe upang maimpluwesiyahan ang


damdamin at kaisipan ng ibang tao.

● Isang mahalagang karunungan ng pagpapahayag na tumtukoy sa sining ng maganda


na pagsusulat at pagsasalita (Sebastian, 1967)

● Isang sining ng pagwawagi ng kaluluwa sa pamamagitan ng diskruso (Plato); ng


pagpapahayag nang mahusay (Quintillan)

● Isang pampublikong komunikasyon kung saan ang gumagamit at nakaiintindi nito ay


nagkakamit ng resulta (Richard Whately)

● Aplikasyon ng rason sa imahinasyon at pagpapatuloy ng “will”. (Francis Bacon)

● Nakaugat sa esensyal na fraksyon ng wika- fraksyon na realistiko at patuloy;


ginagamit ng wika bilang simbolong nagpapakilos sa tao na tumutugon sa mga simbolo
(Kenneth Burke)

● Ay aksyon na nagagawa ng tao kapag gumagamit ng mga simbolo sa pakikipag-usap


sa isa’t-isa (Sonja at Karen)

● Ay pag-aaral kung paano ginagamit ng tao ang wika upang matami ang kanilang mga
gol. Isang praktikalan na pag-aaral. (Bazerman Charles)

● Isang Sining, pagsasanay, at pag-aaral ng pantaong komunikasyon (Andrea Lunsford)

● Isang sining ng mahusay na komunikasyong gamit ang wika (Hill, A.S)

● Ginagamit upang mapanatili ang magandang ugnayan, pagkakaisa, at


pagkakaunawaan ng mga mambansa (Trudgill)
● Mabisang pagpapahayag ng damdamin at kaisipan na taglay ang kariktan sa
wastong paggamit ng wika, pasalita man o pasulat. (Austero, Bandril, at De Castro)

Mga kahalagahan:

Pasalitang Pagpapahayag

1. Nakakapagsaliksik ang tagpagsalita bago magsalita, kaya lumalawak at napapaunlad


ang kaniyang kaisipan

2. Napupukaw ang interes o kawilihan ng mga tagapakinig dahil sa kasiningan sa


pagpapahayag.

3. Napapa-isip ang tagpakinig. Randam nila ang kanilang pinapakinggan; nadadama,


nakikipagsimpatiya, o nakaka relate ang mambabasa sa kanilang nababasa.

Pasulat na Pagpapahayag

1. Makakabasa ng mga materyal na mapaghahanguan ng mga ideya at impormasyon

2. Nagpapahusay ng kakayahan sa pagsulat

3. Pakikipagpalitan ng mga kaisipan sa iba upang mapayaman ng higit na karunungan

4. Nakakapanood ng mga materyal na mapaghahanguan ng impormasyon tulad ng


telebisyon, pelikula, at mga panooring pang-entablado.

5. Nakapaglalakbay ang diwa

6. Nakapangangalap ng impormasyon na nasa isipan at ginagmit sa pagsulat

7. Nagkikiritik ng mga sulatin at ginagamit itong modelo

Ang masining na Pagpapahayag at Retorika

● Ang paggamit ng mapapalabok na salita sa pangungusap, ang mga pahayag ay


maligoy at hindi direkta

● Ang paggamit ng mga talinghaga at pagkukumpara gaya ng paglalagay ng mga


tayutay at idyoma sa pahayag

● Ito ay panghihimok, pangungumbinsi, or pagpapahinuhod

● Retorika ang politiko

● Mga taong ma retorika ay karaniwang mambobola


● Mga taong maretorika ay kahanga-hanga ang paraan ng pagsasalita

3 mahahalagang sangkap ng mabisang pagpapahayag ayon kay Aristotle

1. Ethos
a. karakter o kredibilidad ng tagapagsalita
b. Upang ma impluwensiya ang awdyens para ikunsedira na kapani-paniwala ito
2. Pathos
a. ang paggamit ng emosyon ng tagapagsalita
b. Upang mahikayat ang awdyens na mabago ang kanilang desisyon
3. Logos
a. Paggamit ng katwiran o rason sa pag buo ng argumento
b. Maaaring maipakita sa paggamit ng astatistiks, matematika, lohika, o obhektibiti

Mga katangian ng Retorika

a. Nagbibigay ngalan/katawagan
b. Nagbibigay lakas/kapangyarihan
c. Nakakapaglawak ng ating mundo
d. Nakakapagkuha ng atensyon
e. Nagppaluwag ng daan para sa komunikasyon

Mga elemento ng Retorika

a. Paksa
b. Kaayusan at debelopment ng mga bahagi
c. Istilo
d. Tono
e. Malinis na paglilipat ng mensahe
f. Interaksyon
Lesson 2: Idyoma
● ‘Di direktang pagpapahayag nang gustong sabihin
● Nagbibigay ng mga matalinghagang kahulugan na malayo sa literal na kahulugan ng
salita

Mga halimbawa:

1. Nagbibilang ng poste- Walang trabaho


2. Magkahiramang suklay- matalik na kaibigan
3. Nagsusunog ng kilay- Nag-aaral nang mabuti
4. Anak-dalita- Mahirap
5. Ilaw ng Tahanan- Nanay
6. Alog na ang baba- Matanda
7. Pusong bakal- Di marunong magpatawad
8. Butas ang bulsa- walang pera
9. Bahag ang buntot- duwag
10. Bukas ang palad- matulungin

Lesson 3: Tayutay

● Ang paggamit ng mga salita sa di’karaniwang at ltieral na kahulugan


○ Nakakapagdaragdag ng kagandahan sa isang katha, pasalita man o pasulat

Mga uri ng tayutay:

1. Simili o pagtutulad
a. Paghahambing; hindi diretso ang pag hambing
b. Gumagamit ng mga pagtutulad na salita; katulad, parang, etc
2. Metapora o pagwawangis
a. Diretsong paghahambing; di gumagamit ng pagtutulad na salita
3. Personipikasyon
a. Pagbibigay katauhan
4. Pagmamalabis
a. Exaggeration ; nagbibigay ng lagpas-lagpasang kalabisan o kakulangang angkin
ng mga bagay, tao, etc
5. Pag-uyam
a. Panunudyo o pangungutya sa tao, bagay, o pangyayari
6. Metonomiya o Pagpalit-tawag
a. Pansamantalang pagpapalit ngalan
b. Pagbigay ng ibang katawagn ng mga bagay na magkakaugnay
7. Apostrope o Pagtawag
a. Tuwirang pagtawag o pakikipag-usap sa gi-kaharap
b. Panawagan sa isang bagay na wala sa naroroon at di nakakaunawa
8. Pagsayusay (Tanong Retorikal)
a. Pagtatanong nasa anyong panawagan ngunit di kailangan ng katugunan
9. Senekdoke o pagpapalit-saklaw
a. Pagbanggit ng isang bagay para tukuyin ang kabuuan
10. Aliterasyon
a. Pagpapareho sa unang titik o pantig
11. Anapora
a. Pag-uulit ng unang salita
12. Anadiplosis
a. Paggamit ng salita sa unahan at sa hulihan ng pahayag
13. Epipora
a. Pag-uulit ng salitang nasa hulihan
14. Paglumanay
a. Pagpapalit ng mga bulgar na salita upang mas magandang pakinggan
15. Paralelismo
a. Iisang istraktura, pag-uulit ng mga salitang may parehong kahulugan
16. Pagtatambis o oksimoron
a. Pagbabanggit ng mga bagay na makasalungat
17. Pasukdol
a. Papunta sa climaz ng pahayag; paghahanay ng mga salita ayon sa kahalagahan
nito
18. Paghihimig
a. Ang tunog ay siyang kahulugan

Wika

● Mula sa “lengua” na nangunguhulugang dila.


● Masistemang gamit sa pakipagtalastasan
● Binubuo ng mga simbolo at panuntunan
● Pagpahayag ng damdamin at opinyon sa pagsalita
Katangian ng Wika

1. Pantaong Tunog
● Ang wika ang nabubuong tunog sa pamamagitan ng sangkap ng pagsasalita
gamit ng labi, dila, ngipin, ngalangala, babagtingang tinig (mga speech organ,
mga bahagi ng katawan sa pagsasalita ng tao)
● Wikang sinasalita, hindi sinsulat dahil itoy mga larawan o simbolo lamang ng
wikang ginagamit

2. Masistemang Balangkas
● Sistema ng wika:
○ Palatunugan / Ponolohiya- Pag-aaral ng ponema (tunog), paghinto, pag
taas o baba ng mga pintig (pitch), diin, at pagbabahaba ng tunog.
○ Palabuuan / Morpolohiya- Pag-aaral sa pagbuo ng salita sa pamamagitan
ng iba’t-ibang morpema.
○ Palaugnayan / Sintaks- Pag-aaral ng pagbubuo ng pangungusap
● Kataga- ang gamit ng katinig at patinig sa pagbuo ng salita
● Gamit, ayos, at anyo ng pangungusap (simuno before panaguri, or panaguri
before simuno)

3. Arbitraryo
● walang tiyak na batayan.
● Ang mga salita sa ating wika ay pinili at inayos ang mga tunog batay sa
pinagkasunduan sa isang lugar.
● Ang pagbabago ay marahil sa impluwensiya ng mananakop ng lugar.

4. Patuloy na nagbabago o daynamiko


● Patuloy na paglawak ng talasalitaan ng wika
● Pag bago ng ortograpiya o palabaybayan, at alfabeto
5. Kabuhol ng kultura
● Hindi pwede paghiwalayin ang kultura at wika
● Nakikilala ang kultura ng tao ayon sa wikang ginagamit
● Nakakaugnayan sa pamumuhay, saloobin, tradisyon, mithiin, at paniniwala

6. Komunikasyon
● Kailangan ang wika sa komunikasyon
● Kaialngan ang wika upang maipahayag ang ating damdamin, pangangailangan,
at iniisp
● Ginagamit ang wika sa pakikipagtalastasan sa lahat ng pagkakataon

7. Malikhain
● Taglay ng wika ang mga tuntunin (rules) sa pagbubuo ng pangungusap
● Malika=hain din tayo sa paggawa ng tula, kwento, awitin, sanaysay, at iba pang
akdang pampanitikan.

8. Natatangi
● Ang bawat wik aay may kanyang set ng mga tunog, yunit ng panggramatika
(grammar), at sintaks (study of forming of sentences).
● Bawat wika ay iba, walang wikang magkatulad
● “kung anong bigkas ay siyang sulat, kung anong baybay ay siyang basa”

Halimbawa: bapor (vapor) kotse (coche) bangko (banco) kahon (cajon)

You might also like