You are on page 1of 4

KAKAYAHANG PANGKOMUNIKATIBO NG MGA PILIPINO

Kahulugan
 Nagagamit nang wasto ang wika sa mga angkop na sitwasyon upang maging maayos ang
komunikasyon, naipapahatid ang tamang mensahe, at nagkakaunawan ang dalawang taong nag-
uusap
 Unang ginamit ni Dell Hymes
 Ang nagsasalita ng wika ay hindi lang dapat magkakaroon ng kakayahang linggwistika o gramatikal
upang epektibong makipagtalastasan gamit ang wika.
 Nararapat na malaman ang paraan ng paggamit ng wika sa linggwistikong komunidad na gumagamit
nito upang matugunan at maisagawa ito nang naaayon sa kanyang layunin

Dr. Dell Hathaway Hymes


 Isinilang sa Portland, Oregon noong Hunyo 7, 1927

 Nagtapos ng Bachelor’s Degree in Literature and Anthropology sa Reed College noong 1950 at PhD
Linguistics noong 1955

 Naging propesor sa University of Virginia, Harvard University, University of California, Berkeley; at sa


University of Pennsylvania kung saan nagging dekano ng Graduate School of Education
 Yumao noong Nobyembre 13, 2009 sa edad na 82 dahil sa sakit na Alzheimer’s
 linggwista at anthropologist at maituturing na higante ng mga nabanggit na larangan
 Sociologist, anthropological linguist, at linguistic anthropologist

Kakayahang Komunikatibo
 Ang taong may kakayahan sa wika ay dapat magtaglay hindi lamang ng kaalaman tungkol dito kundi
ng kahusayan, kasanayan, at galing sa paggamit ng wikang naaangkop sa mga sitwasyong
pangkomunikatibo (Bagaric, et al. 2007)
 Sa pagtatamo ng kakayahang ito, nararapat na pantay na isaalang-alang ang pagtalakay sa
mensaheng nakapaloob sa teksto at sa porma (gramatika) ng wikang ginamit sa teksto (Higgs at
Clifford 1992).
 Ang paglinang sa wika ay nakapokus sa kapakinabangang idudulot nito sa mag-aaral, na matutuhan
ang wika upang sila ay makapaghanapbuhay, makipamuhay sa kanilang kapwa, at mapahalagahan
nang lubusan ang kagandahan ng buhay na kanilang ginagalawan. (Dr. Fe Otanes 1992)
 Sumasakop sa mas malawak na konteksto ng lipunan at kultura- ito’y wika kung paano ginagamit at
hindi lang basta ang wika at ang tuntunin nito. (Shuy 2009)

Mga Komponent ng Kakayahang Komunikatibo

A. Kakayahang linggwistiko/ istruktural/ gramatikal


-Pag-unawa at paggamit sa kasanayan sa ponolohiya, morpolohiya, sintaks, semantika pati nga
tuntuning pang-ortograpiya

B. Kakayahang sosyolinggwistik
-pag-unawa batay sa pagtukoy sa sino, paano, kailan, saan, bakit nangyari ang sitwasyong
komunikatibo
- kakayahang isaalang-alang ang ugnayan niya sa kausap, mga
impormasyong pinag-uusapan at ang lugar ng kanilang pinag-uusapan pati na rin ang kontekstong
sosyal ng isang wika
-isinasaalang alang din ang SPEAKING ni Dell Hymes
 
 Halimbawa:
Hindi dapat sumali ang bata sa usapang pangmatanda
S - SETTING S - lugar ng usapan
P - PARTICIPANTS P - sino-sino ang sangkot
E - ENDS E - pakay o layunin
A - ACT SEQUENCE A - takbo ng usapan
K - KEYS K - tono
I - INSTRUMENTALITIES I - midyum o tsanel
N - NORMS N - paksa
G- GENRE G - uri ng diskurso
 

C. Kakayahang pragmatic
-pagtukoy sa kahulugan ng sitwasyong sinasabi, di sinasabi ikinikilos ng kausap
-Natutukoy niya ang kahulugan ng mensaheng sinasabi at di-sinasabi, batay sa ikinikilos ng taong
kausap
-Natutukoy ang kaugnayan ng salita batay sa paggamit at sa konteksto.
-Mahalagang maunawaan natin ang intensyon ng kausap upang mahulaan din ang mensahe ng
tagapakinig

D. Kakayahang Istratedyik
-Kakayahang magamit ang mga berbal at di-berbal na hudyat upang maipabatid ang mensahe at
maiwasan ang gap sa komunikasyon
-Makakatulong ang paggamit ng mga di-berbal (proxemics, pictics, oculesics, kinesics) na hudyat
tulad ng kumpas ng kamay, ekspresyon ng mukha, nguso,

E. Kakayahang diskorsal
-pagtiyak sa kahulugang ipinapahayag ng mga teksto/sitwasyon ayon sa konteksto
-Nakapagbigay ng wastong interpretasyon ng napakinggan o nabasang pahayag

Mga Pamantayan sa Pagtaya ng Kakayahang Komunikatibo

A. Pakikibagay (adaptability)
-nagagawang mabago ang pag-uugali at layunin para sa pakikipag-ugnayan
-pagpapakita ng pagiging kalmado sa paggamit sa pakikisalamuha
-kakayahang magpatawa habang nakikisalamuha

B. Paglahok sa usapan
-may kakayahang tumugon
-may kakayahang makinig, ang magpokus sa kausap

C. Pamamahala ng pag-uusap
-nakokontrol ang daloy ng usapan at paanong ang paksa ay nagpapatuloy at naiiba

D. Pagkapukaw-damdamin
-Kakayahang mailagay ang sarili sa klagayan ng iba

E. Bisa
-Naging mabisa ba ang naganap na komunikasyon o hindi

F. Kaangkupan
- naiaangkop niya ang kanyang wika sa sitwasyon, sa lugar na pinangyarihan at sa taong kausap
Katangian ng Epektibong mananalita

1.)Responsable isinaalang-alsng ang kanyang mga gawain


2.)Magiliw magsalita at kawili-wiling pakinggan
3.)May malawak na kaalaman sa paksa
4.)palabasa
5.)Pala-isip
6.)May koleksiyonng mga ideya at babasahin
7.)May interest sa paksang tinatalakay
8.)Objektibo
9.)May sense of humor
10.)Gumagamit ng angkop na salita
11.)Nirerespeto ang mga nakikinig
12.)Sapat at angkop ang lakas ng boses
13.) Malinaw at wasto ang pagbigkas ng salita
14.)Gumagamit ng angkop na kumpas o galaw
15.)Hindi iniinsulto ang damdamin ng tagapakinig
16.)Gumagamit ng kumpas o galaw
17.)Hindi iniinsulto ang mga takapakinig
18.)Angkop na kasuotan sa okasyon
19.)Pinaniniwalaan at isinasabuhay ang mga sinasabi
20.)Mainam ang tindig o posture
21.)Maayos at lohikal ang presentasyon
22.)Iniiwasan ang labis na maligoy na salita
23.)Binibigyan diin ang mga mahalang konsepto
24.)Alam kung kailan tapusin ang salita
25.)Iniiwasan ang pagyayabang o himig ng pagyayabang
26.)Mayaman ang bokabularyo
27.)Taglay ang angkop na inaasahang gawi, personalidad at karakter

You might also like