You are on page 1of 5

Ano ang tawag sa wikang itinalaga ng isang bansa na gagamitin ng mga

mamamayan nito sa pakikipag-usap at pakikipagtalastasan sa kapwa?

Correct

wikang pambansa


wikang pangkomunikasyon


wikang pampanitikan


wikang komon

Ang wikang pambansa ay ang wikang itinalaga ng isang bansa na


gagamitin ng mga mamamayan nito. Ito rin ang magiging daluyan at
representasyon ng pambansang identidad at kultura ng nasabing
bansa.
Finish quiz
Question
Ano ang wikang pambansa sa Pilipinas?

Correct

Cebuano


Tagalog


Ingles


Filipino

Batay sa Artikulo XIV, Seksyon 6 ng 1987 Konstitusyon ng Pilipinas,


“Ang wikang pambansa ng Pilipinas ay Filipino.”
Finish quiz
Question
Ano-ano ang batayan para maitalagang wikang pambansa ang isang wika?

Correct

de fines


de humus


de jure


de facto

May dalawang batayan para maitalagang wikang pambansa ang isang


wika: de jure, o ang pagtatalaga ng batas, at de facto, o ang wika ay
kasalukuyan nang ginagamit at nauunawaan ng mas nakararami.
Finish quiz
Question
Alin sa sumusunod ang hindi naitalaga bilang wikang pambansa ng Pilipinas
sa kasaysayan nito?

Correct

Tagalog


Ingles


Filipino


Pilipino

Ang Tagalog ay naging batayan ng wikang pambansa noong 1937.


Noong 1959 ay pinalitan ito ng wikang Pilipino. Naging Filipino naman
ang wikang pambansa noong 1987. Hindi kailanman naitalaga ang
wikang Ingles bilang wikang pambansa ng Pilipinas.
Finish quiz
Question
Bakit pinalitan ng wikang Pilipino ang Tagalog bilang wikang pambansa
noong 1959?

Correct

matigil ang awayan ng mga Tagalog at Cebuano


kumatawan sa mga mamamayang nakatira sa Pilipinas


pinaikling "Wikang Pambansang Pilipino"


maging katunog ng Pilipinas

Noong 1959, sa bisa ng Kautusang Pangkagawaran Blg. 7 na nilagdaan


ni Kalihim Jose E. Romero ng Kagawaran ng Edukasyon, ang wikang
pambansa ay tatawagin nang “Pilipino” bilang pinaikling “Wikang
Pambansang Pilipino.”
Finish quiz
Question
Ano-ano ang gamit ng wikang pambansa sa mga mamamayan ng Pilipinas?

Correct

gamit sa mga opisyal na dokumento at pahayag ng pamahalaan


tulay para magkaunawaan ang mga taong may magkaibang unang wika


maging kinatawan ng mga paniniwala, tradisyon, at kaugalian ng mga
tao


gamit sa pakikipagtalastasan at debate sa ibang bansa

Ayon sa batas, ang wikang Filipino bilang wikang pambansa ay wikang


gagamitin ng mga Pilipino sa pakikipagkomunikasyon sa kaniyang
kapwa Pilipino, lalo na kung magkaiba ang kanilang unang wika. Ito rin
ang gagamitin ng pamahalaan sa mga opisyal na pahayag at
dokumento. Gayundin, bilang wikang pambansa, ito ang magiging
kinatawan ng pambansang pagkakakilanlan kung saan nakapaloob ang
mga paniniwala, tradisyon, at kaugalian ng mga Pilipino.
Finish quiz
Question
Pagsunud-sunurin sa tamang ayos ang pag-unlad ng wikang pambansa sa
Pilipinas.

Correct
Drag unnecessary answers here
Rearrange the items into the correct order

Tagalog bilang batayan ng wikang pambansa


Pilipino bilang pinaikling "Wikang Pambansang Pilipino"


pagtatatag ng Surian ng Wikang Pambansa para linangin at
paunlarin ang wikang pambansa


pagtatalaga sa Filipino bilang wikang pambansa ng Pilipinas

Ang pag-unlad ng wikang pambansa ay dumaan sa maraming
pagbabago sa pagdaan ng panahon. Ang buod nito ay makikita sa
sumusunod na tsart.

Finish quiz
Question
Sino ang maaaring magtakda ng wikang pambansa?

Correct

opisyal o ahensiya ng pamahalaan


kahit sinong Pilipino


pamahalaan


kinatawan ng United Nations

Isa sa mga batayan sa pagtatalaga ng wikang pambansa ang "de jure" o


ang pagiging "batay sa batas." Kung gayon, ang wikang pambansa ay
itinatalaga sa pamamagitan ng pgtatakda dito ng pamahalaan, o opisyal
o ahensiya nito, sa pamamagitan ng pagpapalabas ng kautusan o
pagsasabatas nito.
Finish quiz
Question
Alin sa sumusunod na pahayag ang walang katotohanan tungkol sa wikang
pambansa?

Correct

Hindi na maaaring magbago ang wikang pambansa.


Ang wikang pambansa ay pinipili at itinatalaga ng pamahalaan sa pamamagitan ng isang
kombensyon at pagsasabatas.


Ang wikang pambansa ay hango sa mga wikang umiiral sa Pilipinas.


Patuloy na tutugon ang wikang pambansa sa pangangailangan ng mga Pilipino na
magkaintindiihan.

Dahil ang pangunahing layunin ng wikang pambansa ay tugunan ang


pangangailangan ng mga mamamayan na magkaunawaan, may
pagkakataong magbago ang itinalagang wikang pambansa kung ito ang
kinakailangan para higit na magkaitindihan at magkaisa ang mga
Pilipino. Patunay rito ang naging mga pagbabago sa wikang pambansa
sa pagdaan ng mga taon.
Finish quiz
Question
Bilang isang Pilipino, ano ang iyong tungkulin sa wikang pambansa?

Correct

Makipagdebate na ito ang pinakamagandang wika sa mundo.


Isulong ang pagkakaroon ng bagong wikang pambansa.


Tumulong sa pagpapalaganap at pagpapaunlad nito.


Gamitin ito nang maayos at wasto, lalo na sa pakikipagkomunikasyon.

Bilang mamamayan ng bansa, tungkulin mong paunlarin ang wikang


pambansa at palaganapin pa ang paggamit nito sa buong bansa. Ito ay
magagawa lamang sa pamamagitan nang wasto at maayos na paggamit
ng wikang pambansa sa pakikipagkomunikasyon sa kapwa Pilipino.
Finish quiz

You might also like