You are on page 1of 2

Komunikasyon at Pananaliksik

WEEK: 3 SUBJECT: FILIPINO


NAME: NIDAR, FRANCED JOSHUA G. GRADE & SECTION: XI – STEM F

I. Evaluating learning (Pagtataya ng Aralin)


Isulat ang angkop na sagot.
kakayahang pangkomunikatibo, kakayahang pang lingguwistiko, wika, Dr. Dell Hymes, Noam
Chomsky, makrong kasanayan, Canale at Swain, Leksikon, Ponolohiya, Morpolohiya, Sintaks,
Ortograpiya, Semantika, Silid-aralan, Guro

1.Isang masusing pag-aaral ng mga salita upang malaman ng lubusan ang kahulugan nito
gayundin ang paggamit nito sa pangungusap.
2.Ang pag-aaral ng mga tunog o ponema ng isang wika, ang pagkukumpara ng mga ito sa mga
tunog ng iba pang wika at ang Sistema ng paggamit ng mga tunog na ito upang makabuo ng
yunit ng tunog na may kahulugan.
3.Ang pag-aaral ng mga morpema ng isang wika at ng pagsasama-sama ng mga ito upang
makabuo ng isang salita.
4.Ayon kina ________ang kakayahang gramatikal ay pag-unawa at paggamit sa kasanayan sa
ponolohiya, morpolohiya, sintaks, semantika, gayundin ang mga tuntuning pang-ortograpiya.
5.Ito pag-aaral ng tamang pagbaybay ng mga salita at pag-aaral ng mga letra sa alpabeto.
6.Ito ay ang pagsasaayos ng mga salita sa pagbuo ng parirala, sugnay at pangungusap.
7.Pagkilala sa mga Content words, Function words, Konotasyon at denotasyon, Kolokasyon. Ito
rin ay ang mga salita o bokabularyo.
8.Ipinakilala niya ang konsepto ng kakayahang pangkomunikatibo o communicative competence
na nakaapekto nang malaki sa mundo ng lingguwistika.
9.Sa pagtatamo ng kakayahang ito, ay kailangang pantay na isaalang-alang ang pagtalakay sa
mensaheng nakapaloob sa teksto at sa porma ng kayarian (gramatika) ng wikang ginamit sa
teksto (higgs at clifford 1992).
10.Isang lingguwista na ang interes sa pag-aaral ay abstrakto o makadiwang paraan ng pagkatuto
ng gramatika at iba pang kakayahang pangwika at nagpakilala sa konseptong tinatawag na
Lingguistic competence noong 1965.
11.Kaalaman sa mga tuntunin ng wika, gaya ng balarila at talasalitaan at ang mga kombensyon
ng pasulat na representasyon.
12.Sa pagtuturo at pagkatuto ng __________, hindi sapat na matutuhan lang ang mga tuntuning
panggramatika. Sa pangunahing layunin sa pagtuturo ng wika ay magamit ito ng wasto sa mga
angkop na sitwasyon upang maging maayos ang komunikasyon, maipahatid ang tamang
mensahe at magkaunawaan ng lubos ang dalawang taong nag-uusap
13.Dito nangyayari ang pormal na pagtuto ng wika.
14.Sa pagkatuto ay mangangailangan ng higit na partisipasyon ng mga mag-aaral sa mga
gawaing nilinang ng ____________ kasanayan tulad ng pagsasalita, pagbasa, pakikinig, at
pagsulat
15.Ang ___________ ang nagsisilbing tagapatnubay o facilitator lamang sa iba’t ibang gawain
sa klasrum at ang mga estudyante naman ay aktibong nakikilahok sa iba’t ibang gawaing
pangkomunikasyon.

You might also like