You are on page 1of 9

DALUMAT

E-JOURNAL

Mga Teorya sa Gramatika at Wika, Salalayan


sa Pagtuturo ng Filipino
Grammar and Language Theories, Teaching of Filipino Mounting

Maria Fe Gannaban – Hicana, PhD


Techonological University of the Philippines-Taguig
mariafe_hicana@tup.edu.ph

Abstrak
Nararapat lang na taglay ng isang guro ang malalim na kaalaman sa mga teoryang panggramatika at
pangwika na iaangkop o ilalapat sa mga paksang kanyang ituturo. Ang papel na ito ay naglalayong ilahad at
dalumatin ang ilang mga teoryang panggramatika at pangwika upang maging saligan o salalayan sa
pagtuturo ng wikang Filipino sa larang ng gramatika at wika. Ang mga teoryang referens na gramatika,
pedagohikal na gramatika, case grammar, immediate constituents, transformational grammar, at gramatika
bilang produkto, proseso, at kasanayan ay inilahad hinggil sa mga teoryang panggramatika. Sa huling
bahagi naman ay ang pagdalumat sa mga teoryang pangwika.

Ang desisyong ng guro hinggil sa pamamaraang pipiliin sa pagtuturo ay ginagabayan ng kaniyang


paniniwala tungkol sa wika at gramatika at pagkatuto ng wika at gramatika; teorya ang tawag sa set ng mga
paniniwalang ito. Maraming teorya o pananaw ang isinusulong kaugnay ng pagtuturo ng wika at gramatika.
Malaki ang naging ambag ng mga ito bilang batayan sa pagsubok ng iba’t ibang pamamaraan sa pagtuturo.
Ayon kay Espiritu (2003), kahit ano pang pamamaraan ang gamitin ng guro, ang mahalaga ay ang pagpokus
hindi lamang sa gramatika ng wika kundi sa gamit ng wika sa komunikasyon at ang paglinang ng mag-aaral
na mahusay na komunikeytor sa Filipino; na umaalinsunod din sa paniniwala ni Chomsky (1957).
Samakatuwid, para sa mga guro na naghahangad at nagsusulong ng mabisang pagtuturo ng Filipino, malaki
ang maitutulong sa pag-alam ng mga batayang teorya sa wika at gramatika at ang paglalapat nito sa
kaniyang pagtuturo.

Mga Susing Salita


gramatika bilang produkto, proseso, at kasanayan, pedagohikal na gramatika, referens na gramatika,
transformasyunal na gramatika, case grammar, immediate constituents, beheyvyoristik, kognitibo, awdyo-
lingwal, komunikatibo

Abstract
The know-how of teachers in grammatical and linguistic theories must adapt to the lessons he taught and
apply the qualities of his students is a challenge that must deal with or ought to have, if not a requisite of a
teacher in his profession. This paper aims to present and analyze several grammatical theories and
different theories of language as a basis to review or mounting on language teaching in the fields of Filipino
language and grammar. The theories reference grammar, pedagogical grammar, case grammar, immediate
DALUMAT E-JOURNAL
ISYU 2020, TOMO 6, BLG.2

constituents, transformational grammar, and grammar as products, processes and practices are presented on
grammatical theory. The last part is the analysis of linguistic theory. The following are behavioristic, cognitive,
audio-lingual, and communicative theory.
The teacher’s decision regarding the choice of his teaching methods are guided by his beliefs about
language and grammar and the learning of language and grammar; and the set of beliefs is called theory.
Many theories or insights related to promoting the teaching of language and grammar in the coming period.
The great contribution of this as the basis to test different methods of teaching. According to Espirirtu (2003),
no matter what method is used by teachers, the important thing is to focus not only on the grammar of the
language but using the language of communication and the development of student as good communicator in
Filipino; which is consistent in the belief of Chomsky (1957). Therefore, for teachers seeking and promoting
effective teaching Filipino greatly help in knowing the basic theory of language and grammar and its
application to his teaching.

Keywords
grammar as products, processes, and skills, pedagogical grammar, reference grammar, transformational
grammar, case grammar, immediate constituents, behavioristic, cognitive, audio-lingual, communicative

Noong taong 1996, nilinaw ng Komisyon sa mga wika sa Pilipinas at sa iba pang mga wika.”
Wikang Filipino kung ano ang wikang Filipino. “Ang (Art. XIV Sek.6). Ginagamit ang wikang Filipino sa
Filipino ay katutubong wika na ginagamit sa buong iba’t ibang paksa, sitwasyon, at pagsasalita na
bansa bilang wika ng komunikasyon ng mga etnikong nagpapatunay na may iba’t ibang barayti ang
grupo. Katulad ng iba pang wikang buhay, ang Filipino. At sa huli, hindi lamang sa pansosyal na
Filipino ay dumaan sa proseso ng paglinang sa pangangailangan ginagamit ang wikang Filipino,
pamamagitan ng panghihiram sa mga wika ng bagkus para rin ito sa akademiko at iskolarling
Pilipinas, mga di-katutubong wika sa ebolusyon ng pagpapahayag.
iba’t ibang barayti ng wika para sa iba’t ibang Ang mga nabanggit na katangian at kalikasan ng
sitwasyon sa mga nagsasalita nito na may iba’t ibang wikang Filipino ay may malaking impluwensiya sa
saligang sosyal, at para sa mga paksa ng talakayan, pagtuturo ng guro: wika at gramatika - kung paano
at iskolarling pagpapahayag.” dapat ito ituro ng guro na lumalagpas sa hangganan
Kung dadalumatin, malinaw na tinukoy sa kung ano ang kaniyang ituturo.
depinisyon ang kalikasan at katangian ng wikang Sa papel na ito, nahahati ang pagtalakay sa
Filipino – ang wikang ginagamit na wikang panturo at dalawang bahagi. Ang unang bahagi ay naglalayong
ang wikang itinuturo ng guro. Kung hihimayin ang maglahad ng ilang mahahalagang teorya sa
depinisyon, sinabing ang wikang Filipino ay wika ng gramatika. Gayundin, ito ay isang pagsipat sa ilang
komunikasyon ng buong bansa, samakatuwid, ito ang aklat ng gramatikang Filipino na malaki ang
magsisilbing pambansang lingua franca; isinaad pa naiambag sa gramatika. Ang ikalawang bahagi
na buhay ang wikang ito, nangangahulugang naman ay ang pagtalakay sa iba’t ibang teorya sa
dinamiko ang wikang Filipino; patuloy na nililinang at wika at pagkatuto sa wika.
pinauunlad sa pamamagitan ng panghihiram sa mga
katutubong wika at mga wikang umiiral sa Pilipinas I. Iba’t ibang Teorya sa Gramatika
lalo na ang mga salitang may natatanging katangian, “It is certainly the business of a grammarian to find
gayundin sa iba pang mga wika sa iba’t ibang bansa. out, and not to make, the laws of a language.”
Alinsunod ito sa nakasulat sa ating saligang-batas na - John Fell
“ang wikang pambansa ng Pilipinas ay Filipino.
“Any fool can make a rule And every fool will mind it.”
Samantalang nalilinang, ito ay dapat payabungin at
- Henry David Thoreau
pagyamanin salig sa umiiral na
Nasa aklat ni Fromkin (2003) ang mga pahayag sa
itaas.

24 Maria Fe Gannaban – Hicana, Ph.D.


DALUMAT E-JOURNAL
ISYU 2020, TOMO 6, BLG.2

Pansinin naman ang sumusunod na pangungusap. wika at upang bigyan ng mapaghahanguang kaalaman
Dalumatin ang gramar ng mga ito. tungkol sa mga tiyak na detalye hinggil sa wika.
Iisinaayos naman ito ayon sa unibersal o
(1.) Naulan pala. pangkalahatang kategoryang estruktural. Naglalaman
(2.) Kamusta ka naman? ng mahahabang kabanata, paliwanag, at maraming
(3.) Ganun nga ang nangyari sa kanya at ‘yun ang halimbawa ang RG kaysa sa PG sapagkat maikli at
sinasabi ko sa ‘yo dati pa. karamihan ay pagsasanay ang nakasaad sa RG upang
mahasa ang indibidwal lalo na sa bokabularyo at
Kung pag-uusapan ang preskriptibong gramatika ay tamang pagbigkas. Isinulat ito para sa indibidwal na
hindi sumusunod ang mga nakasulat na halimbawa may kaunti nang kaalaman sa wika bilang unibersal na
ngunit katanggap-tanggap naman sa deskriptibong penomenon o pangkalahatang kalakaran at nagnanais
gramatika. Ang “na” sa unang pangungusap kung pag- matuto kung paanong ang isang wika ay natutuhan ng
uusapan ang preskriptibong gramatika ay nararapat na tao (sariling salin mula sa Summer Institute of
“um verb” sa halip, “Umuulan pala.” Kung saan Linguistics, sa webpage na Glossary of Linguistic
napalitan ang “um” ng “na” na madalas ginagamit sa Terms. Web. 20 Aug. 2004).
kasalukuyan kahit na ang mga Tagalog ispiker. Sa kabuuan, sa RG ay may dati nang kaalaman ang
Matutukoy na ito ay dialectal variety na ginagamit sa indibidwal kung paanong gamitin ang wika ngunit sa
Batangas. Ang kamusta kung dadalumatin ay kabuuan ay hindi niya lamang alam ang kahalagahan
nararapat na kumusta sa preskriptibong gramatika. nito sa gramatika; L 1 (first language o unang wika) na
Mula ito sa wikang Kastilang ‘como esta’ na nagkaroon ng indibidwal ang RG na nagnanais lamang matutuhan
ng pagbabagong morpoponemiko ngunit itinuturing din ang ilan pa tungkol sa kaniyang wika. Halimbawa, may
naman itong baryasyon ng salita sa usapin ng isang Pilipino na nagnanais mapalalim ang kaalaman
sosyolinggwistika. Sa huling pangungusap, ang mga sa wikang Filipino. Sa kabilang banda, ang PG naman
salitang ganun at yun ay hindi rin sumusunod sa ay para sa indibidwal na nagnanais matutuhan ang
preskriptibong gramatika. Mula sa salitang gaya + noon wika para sa kaniyang kapakinabangan. Halimbawa,
= ganoon, nagkaroon ng reduksyon sa proseso ng isang Koreanong estudyante na nag-aaral ng batayang
pagbabagong morpoponemiko ang salitang ito sa kaalaman sa Filipino (basic Filipino) upang maiagapay
preskriptibong gramatika ngunit maihahanay naman sa ang sarili sa kaniyang paligid o ginagalawan (survival
deskriptibong gramatika. Ang salitang yun ay nararapat language).
na iyon sa preskriptibong gramatika bilang isang
panghalip pamatlig. Teoryang Panggramatika: Immediate Constituents,
Kung tutuusin, walang mali sa mga salitang ginamit Case Grammar, at sTransformational Grammar
sa pangungusap kung ang punto de vista ay ang Nakatala sa ibaba ang ilan sa mga teoryang
pagkaunawa o komunikatibong pahayag; ang panggramatika.
mahalaga ay nauunawaan ka ng taong kausap mo,
datapwat sa hangarin ng pagsasapamantayan ng Immediate Constituents
kaayusan ng mga salita at kaisahan ng mga ito, malaki Pinalaganap nina Henry Gleason at Leonard
ang papel ng preskriptibong gramatika. Bloomfield ang teoryang ito noong 1917, 1925
hanggang 1955. Ito ay naglalayong ilarawan ang
Referens na Gramatika (RG) at Pedagohikal na kayarian ng wika. Sa Britannica.com binigyang
Gramatika (PG) kahulugan ang Immediate constituent analysis na kilala
Malaki ang pagkakaiba ng referens na gramatika rin sa tawag na Ic Analysis sa Linggwistika: “a system
(RG) sa pedagohikal na gramatika (PG). Ang PG ay of grammatical analysis that divides sentences into
may layuning turuan ang sinoman na nagnanais successive layers, or constituents, until, in the final
matuto ng partikular na wika; isinaayos ito ayon sa layer, each constituent consists of only a word or
kapakinabangan/kahalagahan ang organisasyon o meaningful part of a word." Sinasabi sa paliwanag
pagkakabuo at upang mapadali ang pagkatuto. Ito ay na “A constituent is any word or construction that
isinulat din para sa sinomang interesado o nagnanais enters into some larger construction." Inihalimbawa
matuto ng wika. Ang RG naman ay naglalayong turuan ang pangungusap na “The old man ran away,” ang
ang sinoman tungkol sa unang dibisyon ng immediate constituents ay sa
pagitan ng “the old man” at "ran away.” Ang immediate

MGA DAHILAN AT SALIK SA PADRONG SINTAKSIS 25


DALUMAT E-JOURNAL
ISYU 2020, TOMO 6, BLG.2

constituents ng “the old man” ay ang “the” at “old teoryang ito na sa pagtuturo ng pokus ng pandiwa,
man.” Sumunod na lebel ang “old man” na nahahati dapat tandaan ang mga elementong ito: pandiwa,
sa “old” at “man.” Ang terminong nabanggit ay paksa, pananda, at panlapi.
ipinakilala ni Leonard Bloomfield noong 1933 sa
Estados Unidos. Suriin ang ilustrasyon:
Tinatawag din itong istruktural/ o palarawan na Bumili si Jose ng kendi para sa bata kay Ana sa
nangangahulugang ang isang salita na nabubuo sa palengke sa pamamagitan ng pera.
pamamagitan ng iba’t ibang morpema patungo sa
mas malawak o malaking pagbubuo ng mga salita. Paliwanag:
Nakapokus ang teoryang nabanggit sa istruktura at Gumanap si Jose bilang aktor (bumili), ang kendi
anyo ng wika, may layuning matamo ang kakayahang bilang layon ng pandiwa (binili), ang bata bilang
gramatika, ito ay nakasentro sa pagmememorya, tagatanggap (ibinili), si Ana na direksyunal
pag-uulit at reinforcement, at stimulus-response. (pinagbilhan), at pera bilang instrumental
Pokus din nito ang paglalarawan ng balangkas ng (ipinambili).
wika.
Transformational Grammar
Pansinin ang halimbawa: Ang linggwistikang Istruktural ay naging popular
Ang matandang lalaki na naninirahan doon ay noong 1925 hanggang 1955. Namukod-tangi sa
nanggagaling sa bahay ng kaniyang anak na lalaki. panahong ito ang pangalang Leonard Bloomfield ng
Amerika. Subalit sa paglakad ng panahon ay
Paliwanag: napansin ng mga dalubwika na hindi sapat na
Ang mga salitang nakahilig ay mula sa ilarawan lamang ang mga balangkas ng mga
pinakamalaking constituents tungo sa maliit na pangungusap. Inisip nilang kailangan ding alamin
constituents (ito ang mga salitang nakasalungguhit). kung “bakit” at kung “paano” nagsasalita ang tao.
Ang ganitong pananaw ay nangangahulugang higit
Case Grammar sa mga tunog at salitang nabibigkas ng tao. Ang
Pinalaganap naman nina Charles Fillmore (1968) at mga pantas, sikologo, antropologo, at maging ang
Fe Otanes (1977) ang teoryang ito. Tinatawag din mga inhinyero ay nangangailangan ng isang wikang
itong Pokus ng Pandiwa sa Filipino na inilalarawan sa pamamagitan ng isang maagham na
nangangahulugang semantikang relasyon ng pamamaraan upang kanilang higit na maipahayag
pandiwa sa iba’t ibang pariralang pangngalan (NP- ang kanilang karunungan sa isang mabisa, tiyak, at
noun phrase) sa loob ng pangungusap. Binigyang- teknikal na paraan. Noon lumitaw ang tinatawag na
kahulugan ang case grammar sa Dictionary.com Logical Syntax na pinabuti at pinagyaman ni Zellig
bilang “a form of generative grammar that views case Harris at hindi nagtagal ay nakilala sa tawag na
roles, as agent, experiencer, instrument, and object, "Transformational” o Generative Grammar. Ang
based on the semantic relationship of noun phrases saykolinggwistika ay sinasabing bunga ng
to verbs, to be basic categories in deep structure and gramatikal heneratibo (generative grammar) upang
derives grammatical relations, as subject and direct lalong matugunan ang pangangailangan sa
object, from these case roles.” Sa diksiyonaryo ng larangan ng sikolohiya. Si Harris ang kinikilalang
Oxford ganito naman ang pakahulugan “a form of transitional figure mula sa istruktural tungo sa
grammar in which the structure of sentences is linggwistikang heneratibo. Si Noam Chomsky ay
analyzed in terms of the semantic roles of nouns in namumukod-tanging pangalan sa Phrase Structure
relation to predicates.” Samakatuwid, nakapaloob sa Transformational Generative Model na masasabing
teoryang ito ang mga konsepto tungkol sa pokus ng nag-ugat sa logical syntax. Ang disiplinang ito ay
pandiwa, pagbubuo ng iba’t ibang pangungusap na may pagkakahawig sa saykolinggwistika, ang
nakatuon sa pandiwa, pagbabago ng kahulugan ng pagtarok sa sinasabi at di-sinasabi ng nagsasalita
pandiwa sa pamamagitan ng paglalapi. Binigyang sa kaniyang sariling wika. Noong 1957, lumabas
diin din sa teoryang ito na nababago ang paksa at ang isang aklat na nagpabago nang lubos sa paraan
pokus ng pangungusap batay sa pagbabago ng ng pagsusuri ng wika. Samantalang ang teorya ng
pandiwa dahil sa panlaping ginamit. Isinusulong ng istruktural ay naglalayong ilarawan o bigyan ng
deskripsyon ang kayarian ng wika, ang teoryang

26 Maria Fe Gannaban – Hicana, Ph.D.


DALUMAT E-JOURNAL
ISYU 2020, TOMO 6, BLG.2

Panimulang Linggwistika, sinabi niyang ang modelong kasamang tulad nina Jakobs at Rosenbaum ngunit
tranformasyunal ni Chomsky ay nilinang bilang pamalit waring ang modelong ito’y hindi makapasok sa
sa gramatikang istruktural. Datapwat, kung titingnan larangan ng pagtuturo ng wika sa mga paaralan. Ang
nang malapitan ang kaniyang modelo, masasabi nating modelong Generative Semantics ay nagsimula nang
ang anyo (form) pa rin ang kanyang pinagtuunan. pumalit sa modelong Transformational Generative
Bumuo lamang siya ng isang generative grammatical gayundin sa modelong Case for Case ni Fillmore.
model na ayon sa kaniya ay higit na mabisa kaysa Ang pagtuturo ng wika ay isang teknikal na gawain
modelong taxonomic sa pagpapaliwanag ng at dapat na maibatay rin sa mga teknikal na kaalaman
masalimuot na mga balangkas ng wika. Sa katunayan ukol sa wika gaya ng mga kaalamang naidudulot ng
ay napakahirap sabihin kung alin sa modelo ni teorya. Sa mga guro, dapat matutuhan ng mga
Chomsky ang orihinal sa kaniya. Ang mga sinasabi darating pang bagong teorya hindi upang maging
niya sa kaniyang modelo ay nasabi na rin ng mga linggwista kundi upang mapag-aralan ito at ibukas ang
istrukturalistang nauna sa kaniya. Ang pagkakaiba nga isip kung paano mailalapat ito sa kanilang pagtuturo.
lamang ay nagawa niyang mapag-anyong bago ang Panahon lamang ang makapagsasabi kung aling
kaniyang modelo. Ang kaniyang guro na si Harris , modelo ang sa dakong huli ay totohanang papalit sa
halimbawa ay nauna sa kaniya ng kung ilang taon sa modelong istruktural.
teoryang transformasyunal bagamat ito’y ayaw Sa kasalukuyan, marami pang lumilitaw na modelo
tanggapin ni Chomsky. Sinabi niyang ang sa linggwistika. Ang pinakahuli ay ang Mathematical
pamamaraan ni Chomsky ay maituturing na di natural Linguistics o Computational Linguistics. Hindi pa ito
na paraan na paglalarawan sa wika, lalo na ng mga di gaanong nalilinang ngunit dahil sa pagdatal ng
nakauunawa sa kaniyang ginagawa. Maaaring sabihin kompyuter ito ay sasabay na rin.
na pinahihirap ni Chomsky ang pag-aaral ng isang
buhay na kasangkapan sa pakikipagtalastasan ng tao Gramatika Bilang Produkto, Proseso, at Kasanayan
– ang wika. Subalit nakinig kay Chomsky ang daigdig Ayon kay Ross Alonzo ng Unibersidad ng Pilipinas
ng linggwistika, kundi man naniniwala ang karamihan. (1998), ang gramatika ay bahagi ng diskurso. Isa itong
Maaaring ang dahilan ay dumating ang modelong mahalagang sangkap na ating ginagamit sa mga
matematikal ni Chomsky nang ang daigdig ay kasanayang makro ng wika, i.e. pakikinig, pagsasalita,
nagbabago sa panahon ng kompyuter. Dinagdag pa ni pagbasa, pagsulat at panonood. Aniya, “hindi epektibo
Santiago na kaninoman nanggaling ang gramatikang ang komunikasyon kung wala tayong kakayahang
transformasyunal, ang tiyak na ambag ni Chomsky sa gamitin ang gramatika at diskursong angkop sa
daigdig ng linggwistika ay ang pagpapapunlad at sitwasyon at kausap.” Bilang guro, magiging higit na
pagpapalawak ng kaniyang ginawa sa nasabing anyo. mahusay ang ating pagtuturo kung alam natin kung
Pinasimulan niya ang pagtalakay sa subcategorization paano natutuhan at ginagamit ang gramatika. Ang
at selectional restriction rules sa leksikon na hindi o gramatika ay batayang balangkas ng wika at sa
iniwasang talakayin ng mga istrukturalista. Ayon pa rin balangkas na ito mabubuo ng mga mag-aaral ang
kay Santiago, ang mga modelo ni Chomsky ay lubhang kanilang gagawin at masusukat ang kanilang pag-
masalimuot, matematikal, at di matipid. Kung sabagay, unlad.
nang buuin niya ang modelong ito ay hindi naman niya Binigyang-diin niya na sa gramatika bilang produkto
inisip na ang mga ito’y maaaring magamit sa loob ng ay alam na alam ng guro ang perspektiba ng gramatika
silid-aralan. Maaaring magamit ang nasabing modelo bilang produkto. Nakikita ito sa libro ng gramatika kaya
sa mataas na antas na pag-aaral ng wika, lalo na sa nahahati sa bawat kabanata, i.e. pananalita, parirala,
mga mag-aaral na matatalino at sawa na sa paggamit at sa mga pangungusap. Iisa ang pagtingin sa
ng mga modelong istruktural. Winakasan niya ang gramatika at istatik ito. Ang bawat anyo ay batay sa
kaniyang komentaryo sa pamamagitan ng gramatikal na pagsusuri ng gramaryan o linggwista
pagsasabing, “sa gayon ay mahahamon ang tulad ng case grammar ni Fillmore na siyang batayan
katalinuhan ng nasabing mga mag-aaral sapagkat ang ng pokus ng pandiwa. Sa pamamagitan ng
mga modelo mismo ay mga aralin nang dapat pag- pagtalakay sa mga anyong gramatikal, natutulungan
aralan, mga araling higit na mahirap sa pag-aaral ang mga mag-aaral upang maunawaan ang gramatikal
mismo ng wika!” na sistema ng wika at ang mga kahulugang
Sa Pilipinas, masasabing pinakapalasak pa rin ang ipinapahayag nito Pinagsusunod-sunod ang mga aralin
modelong istruktural. Bukambibig na rin ang modelong batay sa mga kaayusan o popularidad sa wika.
Transformational-Generative ni Chomsky at mga

MGA DAHILAN AT SALIK SA PADRONG SINTAKSIS 27


DALUMAT E-JOURNAL
ISYU 2020, TOMO 6, BLG.2

Halimbawa: Passive na kayarian. Ginagamit ito Gamitin ang sumusunod: noong una, pagkatapos,
upang ipahayag ang kaisipang nakatuon sa gawain sa huli.
kaysa sa taong gumawa at karaniwang ginagamit ito May puwang sa konteksto, sa prosesong
sa larangan ng siyensya at ekspositoryong sulatin pagtuturo. Halimbawa ay suliraning dapat lutasin o
upang maging obhetibo. pagtatanong na dapat tapusin. Ang gawain ng
estudyante ay buuin ang gawain sa pamamagitan
Halimbawa: ng pag-aalis ng puwang sa konteksto na
Natuklasan ang lunas sa diabetes noong _______. ginagamitan ng wika.
Ginagamit din ang passive upang umiwas at ilipat
ang responsibilidad sa iba. Halimbawa:
Halimbawa: Dapat nang gawin ang sulat. Makabubuo ka ba ng kuwento na angkop sa mga
larawang ito? Maaari mong pagsunud-sunurin ang
Tinalakay naman niya na sa gramatika bilang mga larawan ayon sa iyong kagustuhan. Maaari
proseso at kasanayan ay natututo ang estudyante sa kang magsulat ng tala para sa iyong kuwento.
perspektibang ito na magsagramatika, i.e. gamitin Basahin mo ang iyong kuwento at ipaayos sa mga
ang gramatika sa kanilang wika. Nangangahulugan kaklase ang mga larawan ayon sa tamang
ito na ang direksyong tinutungo ng estudyante ay pagkakasunod-sunod.
mula sa salita tungo sa gramatika. Ang pag-aayos ng
impormasyon sa pangungusp at pagkatuto kung Sa kabuuan, litaw na litaw sa pag-aaral na ito ni
paano nangyayari ang pagsasagramatika ng wika Alonzo ang paniniwala sa komunikatibong teorya sa
ang pinakamapaghamong gramatikal na gawain ng pagtuturo ng gramatika at hindi nakapokus sa
mga estudyante. Gumagamit tayo ng mas maraming istruktura lamang. Bagamat naging batayan din ang
wika o mas mahahabang pahayag kung hindisapat Tradisyunal na Gramar sa pagtuturo ng gramatika
ang parehong impormasyon at kung mas malayo ang bilang produkto, iginigiit pa rin ang transformasyunal
ugnayan ng mga nag-uusap. na pagdulog na teorya ni Chomsky; na sa proseso
nakapokus at hindi sa ano ang wika kung hindi kung
Halimbawa: ano ang gamit ng wika. Masasabing malaki ang
Pwede bang manghiram ng bolpen? epekto o kabisaan ng mga hakbanging iminungkahi
Pahiram ng bolpen. ni Alonzo sa papel na ito hinggil sa
Akina ‘yan. pagtuturo ng gramar.

Ang pag-aaral ng gramatika bilang proseso ay Makabagong Gramar ng Filipino


pag-aaral kung paano ito ginagamit sa Ayon sa awtor, Dr. Lydia Garcia-Gonzales
komunikasyon. Ang pagbibigay-diin sa gramatika ay (1992), inihanda ang aklat niya na may pamagat na
dapat ibagay sa sitwasyon at uri ng gawain. Hindi “Makabagong Gramar ng Filipino” upang masagot
dapat dikdikin ng mga guro sa gramatika ang mga ang pangangailangan ng dumaraming mag-aaral sa
estudyante at hindi rin naman dapat pabayaan o hindi Filipino, ang pambansang wika ng Pilipinas. Batay
na ituro ang gramar. Sa halip na bigyan ang sa makabagong takbo ng linggwistika ang
estudyante ng mga pagsasanay tungkol sa pagtalakay sa gramar na ito. Bagamat may bahid
panahunan ng pandiwa sa pamamagitan ng pang kaunting teoryang istruktural ang aklat na ito,
magkakahiwalay na kaugnayang pangungusap na masasabing may bahid na itong Transformasyunal
may patlang na dapat punuin, gawin ang prosesong na Gramar ni Chomsky datapwat hindi
pagtuturo. kasinsalimuot ng ginawa ni Chomsky sa kaniyang
transformasyunal na gramar. Ang mga bahagi ng
Halimbawa: pagtalakay na isinagawa sa aklat ay ang
Pag-usapan kung ano ang nangyayari sa larawan at sumusunod: Ponoloji, Morpoloji, Sintaks, at
kung ano ang nararamdaman ng mga tao. Semantiks. Sa dakong bahagi ng aklat, isinama sa
Apendiks ang ilang mga salitang nagpapatunay ng
Ngayon, gawing mag-isa ang sumusunod: pagkakapareho ng mga salitang may iba’t ibang
Isiping may nasaksihang pangyayari sa iyong wika sa Pilipinas upang magpatunay na hindi
dalawang kaibigan at isusulat mo iyon sa iyong diary. lamang sa wikang Tagalog nagbuhat ang mga

28 Maria Fe Gannaban – Hicana, Ph.D.


DALUMAT E-JOURNAL
ISYU 2020, TOMO 6, BLG.2

salitang tinatawag na Filipino na siyang ginagamit sa Binanggit din na sa kasalukuyang panahon na hindi na
kasalukuyan. Pinagsanggunian ng gramatikang aklat ang tungkol sa tinig na aktibo o pasibo ang
na ito ang mga akdang panggramatikang isinulat ng binibigyang-diin kundi ang tungkol sa pokus. Sa
mga Pilipino at mga dayuhan. Ang ilan sa mga Filipino lamang napakaraming gawing pokus sa
pinagbatayan ay sina: Ernesto Constantino (1964), pangungusap na hindi nagbabago ang diwang
Teodoro Llamson (1968), Cecilio Lopez (1940), ipinahayag. Ang binibigyang-diin lamang ang
Mamerto Pangilinan (1910), Conzuelo Paz (1981), nababago, dugtong pa niya. Ayon pa rin sa kaniya, sa
Teresita Ramos (1971), Alfonso Santiago at Norma makabagong linggwistika, hindi tinatalakay ang
Tiangco (1977), Blake, Frank, Ringgold (1906), panahaunan. Aspekto na ang binibigyang-diin.
Leonard Bloomfield (1983), Noam Chomsky (1957 at Tinatawag itong (1) naganap na, (2) ginaganap, at (3)
1972), Jeffrey Gruber (1976), Ruth Kempson (1977), gaganapin. Katulad din ng sa Ingles ang tungkol sa
Geoffrey Leech (1974), at Stephen Ulman (n.d.). aspekto ngunit sa wikang Filipino ay maaaring magamit
Ang kaniyang aklat ay binubuo ng 149 pahina. ang parehong istruktura kahit na gamitin ang
Inilimbag ng Rex Book Store, taong 1992. Nagsimula pangyayari kahapon, ngayon, at bukas. Hindi tulad sa
ang pagtalakay sa Ponoloji (ayon sa aktuwal na wikang Ingles na makikita kaagad ang pagkakaiba. Sa
ispeling na ginamit ng awtor sa kanyang aklat), kaniyang sanaysay sa huling bahagi ng aklat, binanggit
sinundan ng Morpoloji, Sintaks at ang panghuli ay ang niya ang isa sa suliranin sa pagtanggap ng wikang
Semantiks. Sa bawat pagtalakay ng mga paksa ay Filipino, ito ay ang pag-aakalang napakahirap ng
may mga pagsasanay pagkatapos nito. Sa huling wikang Filipino para sa mga di-Tagalog at buhat lang
bahagi ng aklat ay inilathala ang sanaysay mismo ng sa Tagalog ang malaking bahagi nito. Napatunayan na
may akda hinggil sa ating wikang pambansa at may napakaraming salitang magkatulad. Malapit ang Bisaya
talaan ng mga salita mula sa iba’t ibang rehiyon upang sa Tagalog kaya napakaraming salita ang magkatulad,
ipakita ang pagkakatulad ng mga wika sa Pilipinas. (gayong maraming tumututol sa pahayag na ito mula
Ayon sa awtor, “ginawang ayon sa bigkas ang sa kanilang panig). Sa Bikol at Bisaya, Kastila ang
pagbaybay ng mga terminolohiya upang ipakitang nakahihigit kaysa Kailokohan (nangangahulugan ba ito
ginagamit na ngayon ang mga idinagdag na letra sa na higit nilang tinatanggap ang dayuhang wika kaysa
ating alpabeto.” Kaya, ang mga makabagong taga hilaga)? Ayon pa rin sa kaniya, sadyang
terminolohiya ay lantad na lantad sa aklat na ito. multilinggwal ang Pilipino at nasa pagtanggap ang
Mapapansin ang paggamit ng O kung ipinakikilala ang suliranin, wala sa wika.
ibang katawagan sa termino o tinatawag na
pagpipilipinisado. Halimbawa: pangungusap o sentens, II. Iba’t ibang Teorya sa Wika
pagpapantig o silabikeysyon, stress o diin atbp. Sa papel ni Espiritu (2003) hinggil sa iba’t ibang
Datapwat, napansing may inkonsistensi sa paggamit teorya ng wika, ipinahayag niya na ang istrukturalismo
ng salitang “terminoloji” (mula sa p.125) ang ginamit, na batay sa teoryang beheyvyorismo ay nagsilang sa
ngunit sa p. 128, “terminolohiya” ang ginamit. Ang ilan pamamaraang awdyo-linggwal na nagbigay-diin sa
sa mga makabagong pagbaybay sa mga terminong istruktura ng wika at sa pagpapaulit at pagpapagaya sa
ginamit ng may akda ay ang sumusunod: projeksyon, iminomodelong istruktura ng guro. Ang pananaw na
krusyal, gol, laryngeal, frikatib, tapik, sabject, paktor. komunikatibo naman na nagbibigay-diin sa gamit ng
Komprehensibo ang pagtalakay na ginawa sa wika, bukod sa istruktura, ay isinusulong na dahilan sa
morpoloji partikular sa pangungusap na binigyan ng di-matagumpay na pagkatuto at pagtuturo ng wika
pagpapaliwanag sa pamamagitan ng mga dayagram. gamit ang pamamaraang awdyo-linggwal.
Ang pagpapakilala ng makabagong paggamit ng
katawagan sa ilang terminoloji/ terminolohiya ay isa rin Beheyvyoristik at Kognitibo
sa kaniyang naiambag sa Filipino. Gayundin ang May malaking impluwensiya ang debelopment ng
pagtalakay niya sa mga anyo ng pangungusap na kung sikolohiya sa pagbuo ng mga teoryang panlinggwistika.
tutuusin ay tila mga pormula (makikita sa mga Ang Beheyvyoristik sa ilalim ng paaralan ng Sikolohiya
dayagram, tingnan ang mga halimbawa na nasa ay tumutugon sa Istruktural Palarawan sa paaralan
pahina 110-117). Ayon pa rin sa aklat, sinang-ayunan naman ng Linggwistika. Katangian nito ang pag-uulit at
ng may-akda ang mga pahayag ni Dr. Jose Rizal na reinforcement, pag-aaral-conditioning, at stimulus-
ang pandiwa ang pinakamahirap na bahagi ng response/tugon. Ang mga naobserbahang mga tugon
pananalita at dapat pag-ukulan ng masusing pag-aaral. sa teoryang ito ay ang sumusunod:

MGA DAHILAN AT SALIK SA PADRONG SINTAKSIS 29


DALUMAT E-JOURNAL
ISYU 2020, TOMO 6, BLG.2

siyentipikong pamamaraan, tuon ang performans, pagtuturo; samantalang sa pamamaraang


empirisismo, panlabas na anyo, at pokus ang komunikatibo ay may layuning matamo ng bata ang
paglalarawan na tumutugon sa tanong na “ano?” kakayahang komunikatibo at kung kinakailangan ay
Samantala, ang teoryang Kognitibo sa ilalim ng ituturo ang awtentikong wika na ginagamit sa
paaralan ng Sikolohiya ay kumakatawan naman sa makatotohanang konteksto.
Heneratibo Transformasyunal (Generative Sa isang banda, may mga kontrobersyal na
Transformational). Ilan sa mga katangian ng teoryang paniniwala naman si Stern (na kay Brown, 1994:49)
ito ay may kamalayan sa wika, tuon ang proseso, tungkol sa pagkatuto at pagtuturo ng wika. Ilan sa
pagsusuri, insayt, akwisisyon, kalikasan ng wika, mga argumento niya ay madaling matutuhan ang
rasyonalismo, mentalismo, intwisyon, kompetens, wika sa pamamagitan ng panggagaya at kailangang
natatagong kahulugan, pokus ang paliwanag upang magpraktis nang paulit-ulit. Dagdag pa niya, hindi
masagot ang tanong na “bakit?’ dapat gamitin ang unang wika (L1) sa pagkatuto ng
pangalawang wika (L2) at walang kabuluhan ang
Awdyo-Linggwal at Komunikatibo pagsasalin sa pagtuturo ng pangalawang wika. Ang
Pinagtambis ni Freeman, 1986 ang pamamaraang mga ito ay umaalinsunod sa teoryang komunikatibo.
awdyo-linggwal at komunikatibo. Ayon sa kaniya, Naniniwala pa rin siya na hindi kailangan ang mga
pokus ng awdyo-linggwal ang istruktura at anyo konseptong panggramatika sa pagtuturo ng L2.
samantalang mahalaga sa pamamaraang Si Brown (1994) naman ay nagbigay ng ilang
komunikatibo ang kahulugan. Nakasentro sa awdyo- teorya sa pagkatuto ng pangalawang wika. Ayon sa
linggwal ang pagmememorya ng dayalog gayong kaniya, ang kaalaman sa pagkatuto ng mag-aaral ng
hindi naman minememorya sa komunikatibo ang kaniyang L1 ay nakapagbibigay ng mahalagang
dayalog kundi nakasentro ang dayalog sa mga insayt para sa pag-unawa ng pagkatuto ng L2 . Ito
tungkuling pangkomunikatibo. Para sa pamamaraang ay kinapapalooban ng pag-unawa sa kahulugan ng
awdyo-linggwal, mahalaga ang masteri at ang wika, kahulugan ng pagkatuto, at para sa konteksto
mahabang proseso ng drill at pagsasanay bago ng klasrum, kung ano ang pagtuturo. Gayunpaman,
magbigay ng gawaing komunikatibo na taliwas sa may mga dapat isaalang-alang na ilang
pamamaraang komunikatibo sapagkat mas mahahalagang pagkakaiba sa pagkatuto ng L1 at L2
pinahahalagahan ang mabisang komunikasyon at ang mga batang may edad na. Dagdag pa rito,
may drill din na isinasagawa ngunit hindi ito ang tuon malaki rin ang pagkakaiba-iba ng mga mag-aaral sa
sapagkat sa simula pa lang ay hinihikayat na ang istilo ng pagkatuto at paggamit ng estratehiya sa
pakikipagtalastasan. Layunin ng komunikatibong pag-aaral ng pangalawang wika. Dagdag pa niya,
pamamaraan ang maunawaan at ang malinaw na may kinalaman sa kwantiti at kwaliti ng pagkatuto ng
pagbigkas, sa awdyo-linggwal naman, layunin na L2 ang pananaw sa sarili o personalidad ng
linangin ang kasanayan ng katutubong tagapagsalita. indibidwal at pagbabantad ng kaniyang sarili sa
Iniiwasan rin sa awdyo-linggwal ang pagpapaliwanag komunikasyon. Binigyang-diin din niya na ang
na gramatikal ngunit sa komunikatibo ay tinatanggap pangunahing layunin ng mag-aaral ay ang
ang anomang makatutulong sa mag-aaaral depende pagtatamo ng kakayahang komunikatibo at dapat
sa edad, interes, at iba pang salik. Hindi puwedeng maging komprehensibo ang teorya ng pagkatuto ng
gamitin ang katutubong wika ng bata sa L 2 sa pagsasama ng posibleng mahahalagang salik
pamamaraang awdyo-linggwal gayundin habang kasabay nito ang pagtiyak sa mga praktikal
ipinagbabawal ang pagsasalin lalo na sa mga unang na aplikasyon sa makatotohanang konteksto.
taon ng pag-aaral ngunit sa pamamaraang
komunikatibo, ginagamit nang makatuwiran ang Lagom
katutubong wika/ unang wika (L 1 ) ng bata kung Marami pang ibang teorya sa gramatika at wika
kinakailangan at maaaring magsalin kung kapaki- ang hindi natalakay sa pag-aaral na ito. Ilan lamang
pakinabang. Sa komunikatibo pa rin, ang pagbasa at ang mga teorya sa wika at gramatika ang inilahad
pagsulat sa panimula ay maaaring ituro kung sa papel na ito na sa abot ng kabatiran ng
kailangan bagay na hindi itinuturo sa awdyo-linggwal mananaliksik ay makatutugon kundi man ay
hanggat hindi namamaster ang pagsasalita. Layunin makapupuno sa pagkaunawa at dagdag kaalaman
ng awdyo-linggwal ang pagtatamo ng kakayahang ng mga guro sa pagtuturo ng wikang Filipino. Kundi
panggramatika at madalas na paggamit ng realia sa man kalabisang sabihin, maaaring ituring din na

30 Maria Fe Gannaban – Hicana, Ph.D.


DALUMAT E-JOURNAL
ISYU 2020, TOMO 6, BLG.2

sors ang papel na ito na paghahanguan ng batis ng Barsky, Robert. “ Zellig Harris: From American
karunungan sa mga susunod pang pananaliksik kung Linguistics to Socialist. http://forward.com/culture/
magkagayonman. 141205/zellig-s disappearing-act/#ixzz42vD0Even
Ang lubos na kaalaman ng guro sa iba’t ibang Brown, Douglas H. Principles of Language Learning
teorya sa wika at gramatika ay mahalagang isaalang- and Teaching. Englewood Cliffs, Prentice Hall. 1994.
alang sa pagtuturo. Ang kabatiran sa iba’t ibang Buvitch, Scott, at Zach Cullimore, eds. “The
teoryang ito ay hindi sapat kung hindi naman alam ng Educational Theory of Noam Chomsky.” 2011New
guro kung paano niya ito ituturo. Nararapat na Foundation. 2013.Web.25 Feb. 2016 www. New
pulsuhan ng guro ang kaniyang mga mag-aaral na foundations.com/Gallery/Chomsky.html.
hindi lamang nakatuon sa kaniyang aralin. Mayaman Espiritu, Clemencia. “Iba’t ibang Teorya sa Wika at
man ang aralin kung wala namang gana ang mga mag- Pagkatuto ng Wika.” Parola sa Pagtuturo ng
aaral na matutuhan ang mga ito ay mawawalan Filipino (2003) : 1-9. Nakalimbag.
lamang ng saysay ang pinagpaguran ng guro. Freeman, Diane. Techniques and Principles in
Mahalagang bigyang-pansin din nating mga guro ang Language Teaching. Oxford: Oxford University
muling pagtingin at pagsusuri sa mga layunin ng Press. 1986.
pagtuturo ng wika at ang kaugnayan ng mga ito sa Fromkin, Victoria A. at Rodman, Robert. Introduction to
nagbabagong layunin ng edukasyon- lalo na ngayong Language. Harcourt Brace. 6th edition.1997.
millennial age kung saan karamihan sa ating mga mag- Fromkin, Victoria A. at Rodman, Robert, eds. An
aaral ay digital natives at/o digital migrants. Gayundin, Introduction to Language. Harcourt Brace.7th
mainam na pagtuunan ng guro, ang pagbibigay halaga edition.Boston, Massachusetts, USA. Thompson
sa gamit ng wika sa iba’t ibang sitwasyong Corp. 2003.
komunikatibo at ang pagbuo ng eklektik na Gonzales Lydia. Makabagong Gramar ng Filipino. Rex
pamamaraan at dulog pragmatik. Ang pagsasaalang- Bookstore, Inc. Quezon City. 1992.
alang sa interes ng mga mag-aaral, istilo sa pagkatuto, Johnson, Kyle. “Introduction to Transformational
iba’t ibang estratehiya sa malayang pagkatuto, at Grammar.” University of Massachussetts at
motibasyon ng mga mag-aaral ay nararapat isaisip sa Amberst. 2004. Web. 10 Jan. 2016. www.people.
tuwina ng mga guro. Dahil walang permanente sa umass.edu.
mundo, maging bukas ang ating isipan sa anomang Santiago, Alfonso. Panimulang Linggwistika. Rex
pagbabagong nagaganap sa ating paligid at sa larang Bookstore, Inc. Quezon City. 1997.
ng pagtuturo lalo na sa panahon ngayon ng information Summer Institute of Linguistics, sa webpage na
age kung saan, baka nga o totoo ngang mas marami Glossary of Linguistic Terms. Web. 20 August 2004.
pang alam sa atin ang ating mga mag-aaral dahil sa n.a. https://www.britannica.com/topic/immediate-
google university o knowledge explosion. constituent-analysis. Kinuha 20 Aug. 2020.
Hindi saklaw ng talakay sa papel ang aplikasyon ng n.a.https://www.google.com/search?q=definition+
mga teoryang gramatikal at pangwika sa iba’t ibang of+case+grammar&rlz=1C1NHXL_
dulog ng pagtuturo ng Filipino na hindi lamang enPH770P H770&oq=DEFINITION+
nakatuon sa komunikatibong pagtuturo; dahil dito OF+CASE+GRAMMAR&aqs=chrome.
iminumungkahi ng mananaliksik na isagawa ito sa 0.0l5j69i60l3.10197j1j4&sourceid=chrome&
susunod pang pananaliksik bilang paksang amp;ie=UTF-8. Kinuha 20 Aug. 2020.
pananaliksik. n.a.https://www.oxfordlearnersdictionaries.com/us/spell
check/english/?q=immediate+constituent Kinuha
Sanggunian 20 Aug. 2020.
Alonzo, Ross.“Gramatika Bilang Produkto, Proseso at
Kasanayan.” Talisik. Opisyal na Jornal ng Sentro ng
Kahusayan sa Filipino (2001) : 251-54. Nakalimbag.

Si Dr. Maria Fe Gannaban-Hicana ay nagwagi bilang isa sa mga ULIRANG GURO sa Filipino 2018 ng KWF.
Sumulat siyanng ilang aklat sa Filipino, Sibika at Kultura at Edukasyong Pagpapakatao. Proof reader,
validator, rebyuwer at tagapagsalin. Naiimbitahang guest examiner/panelist, tagapagsalita at tagapayo.
Kasalukuyang siyang nagtuturo sa Technological University of the Philippines-Taguig bilang full time
Associate Professor V.

MGA DAHILAN AT SALIK SA PADRONG SINTAKSIS 31

You might also like