You are on page 1of 3

MGA KAUGNAY NA TEORYA

Sa bahaging ito ay nakasaad ang mga teorya na makapagbibigay patibay at may kaugnayan hinggil sa
Kasanayan ng paggamit ng Gramatikang Filipino.

REFERENS NA GRAMATIKA (RG) AT PEDAGOHIKAL NA GRAMATIKA (PG)

"It is certainly the business of a grammarian to findout, and not to make, the laws of a language.”
- John Fell

“Any fool can make a rule And every fool will mind it.” - Henry David Thoreau

Nasa aklat ni Fromkin (2003) ang mga pahayag sa itaas

Pansinin naman ang sumusunod na pangungusap.Dalumatin ang gramar ng mga ito.(1.) Naulan pala.
(2.) Kamusta ka naman?(3.) Ganun nga ang nangyari sa kanya at ‘yun ang sinasabi ko sa'yo dati pa.
Kung pag-uusapan ang preskriptibong gramatika ay hindi sumusunod ang mga nakasulat na
halimbawa ngunit katanggap-tanggap naman sa deskriptibonggramatika. Ang “na” sa unang
pangungusap kung pag-uusapan ang preskriptibong gramatika ay nararapat na“um verb” sa halip,
“Umuulan pala.” Kung saan napalitan ang “um” ng “na” na madalas ginagamit sakasalukuyan kahit
na ang mga Tagalog ispiker.Matutukoy na ito ay dialectal variety na ginagamit saBatangas. Ang
kamusta kung dadalumatin aynararapat na kumusta sa preskriptibong gramatika.Mula ito sa wikang
Kastilang ‘como esta’ na nagkaroonng pagbabagong morpoponemiko ngunit itinuturing din naman
itong baryasyon ng salita sa usapin ng sosyolinggwistika. Sa huling pangungusap, ang mga salitang
ganun at yun ay hindi rin sumusunod sa preskriptibong gramatika. Mula sa salitang gaya + noon=
ganoon, nagkaroon ng reduksyon sa proseso ng pagbabagong morpoponemiko ang salitang ito
sapreskriptibong gramatika ngunit maihahanay naman sadeskriptibong gramatika. Ang salitang yun ay
nararapatna iyon sa preskriptibong gramatika bilang isang panghalip pamatlig. Kung tutuusin,
walang mali sa mga salitang ginamit sa pangungusap kung ang punto de vista ay ang pagkaunawa o
komunikatibong pahayag; ang mahalaga ay nauunawaan ka ng taong kausap mo,datapwat sa
hangarin ng pagsasapamantayan ngkaayusan ng mga salita at kaisahan ng mga ito, malakiang papel ng
preskriptibong gramatika. Referens na Gramatika (RG) at Pedagohikal naGramatika (PG) Malaki ang
pagkakaiba ng referens na gramatika(RG) sa pedagohikal na gramatika (PG). Ang PG aymay
layuning turuan ang sinoman na nagnanaismatuto ng partikular na wika; isinaayos ito ayon
sakapakinabangan/kahalagahan ang organisasyon opagkakabuo at upang mapadali ang pagkatuto.
Ito ayisinulat din para sa sinomang interesado o nagnanaismatuto ng wika. Ang RG naman ay
naglalayong turuanang sinoman tungkol sa wika at upang bigyan ng mapaghahanguang
kaalamantungkol sa mga tiyak na detalye hinggil sa wika.Iisinaayos naman ito ayon sa unibersal
opangkalahatang kategoryang estruktural. Naglalamanng mahahabang kabanata, paliwanag, at
maraminghalimbawa ang RG kaysa sa PG sapagkat maikli atkaramihan ay pagsasanay ang nakasaad
sa RG upangmahasa ang indibidwal lalo na sa bokabularyo attamang pagbigkas. Isinulat ito para
sa indibidwal namay kaunti nang kaalaman sa wika bilang unibersal napenomenon o pangkalahatang
kalakaran at nagnanaismatuto kung paanong ang isang wika ay natutuhan ngtao (sariling salin mula
sa Summer Institute ofLinguistics, sa webpage na Glossary of LinguisticTerms. Web. 20 Aug. 2004).
Sa kabuuan, sa RG ay may dati nang kaalaman angindibidwal kung paanong gamitin ang wika ngunit
sakabuuan ay hindi niya lamang alam ang kahalagahannito sa gramatika; L 1 (first language o unang
wika) nang indibidwal ang RG na nagnanais lamang matutuhanang ilan pa tungkol sa kaniyang wika.
Halimbawa, mayisang Pilipino na nagnanais mapalalim ang kaalamansa wikang Filipino. Sa kabilang
banda, ang PG namanay para sa indibidwal na nagnanais matutuhan angwika para sa kaniyang
kapakinabangan. Halimbawa,isang Koreanong estudyante na nag-aaral ng batayangkaalaman sa
Filipino (basic Filipino) upang maiagapayang sarili sa kaniyang paligid o ginagalawan
(survivallanguage).

TEORYANG BEHEYVYORISMO AT KOGNITIBO

Sa papel ni Espiritu (2003) hinggil sa iba’t ibang teorya ng wika, ipinahayag niya na ang
istrukturalismona batay sa teoryang beheyvyorismo ay nagsilang sapamamaraang awdyo-linggwal
na nagbigay-diin saistruktura ng wika at sa pagpapaulit at pagpapagaya saiminomodelong istruktura
ng guro. Ang pananaw nakomunikatibo naman na nagbibigay-diin sa gamit ngwika, bukod sa
istruktura, ay isinusulong na dahilan sadi-matagumpay na pagkatuto at pagtuturo ng wikagamit ang
pamamaraang awdyo-linggwal.

May malaking impluwensiya ang debelopment ng sikolohiya sa pagbuo ng mga teoryang


panlinggwistika. Ang Beheyvyoristik sa ilalim ng paaralan ng Sikolohiyaay tumutugon sa Istruktural
Palarawan sa paaralannaman ng Linggwistika. Katangian nito ang pag-uulit atreinforcement, pag-aaral-
conditioning, at stimulus-response/tugon. Ang mga naobserbahang mga tugon sa teoryang ito ay ang
mga sumusunod: siyentipikong pamamaraan, tuon ang performans,empirisismo, panlabas na anyo,
at pokus ang paglalarawan na tumutugon sa tanong na “ano?”Samantala, ang teoryang Kognitibo
sa ilalim ngpaaralan ng Sikolohiya ay kumakatawan naman sa Heneratibo Transformasyunal
(GenerativeTransformational). Ilan sa mga katangian ng teoryangito ay may kamalayan sa wika, tuon
ang proseso,pagsusuri, insayt, akwisisyon, kalikasan ng wika,rasyonalismo, mentalismo, intwisyon,
kompetens,natatagong kahulugan, pokus ang paliwanag upang masagot ang tanong na "bakit?"

Referens na Gramatika (RG) at Pedagohikal naGramatika (PG) Malaki ang pagkakaiba ng


referens na gramatika(RG) sa pedagohikal na gramatika (PG). Ang PG aymay layuning turuan ang
sinoman na nagnanaismatuto ng partikular na wika; isinaayos ito ayon
sakapakinabangan/kahalagahan ang organisasyon opagkakabuo at upang mapadali ang pagkatuto.
Ito ayisinulat din para sa sinomang interesado o nagnanaismatuto ng wika. Ang RG naman ay
naglalayong turuan ang sinoman tungkol sa sa wika at upang bigyan ng mapaghahanguang
kaalamantungkol sa mga tiyak na detalye hinggil sa wika.Iisinaayos naman ito ayon sa unibersal
opangkalahatang kategoryang estruktural. Naglalamanng mahahabang kabanata, paliwanag, at
maraminghalimbawa ang RG kaysa sa PG sapagkat maikli atkaramihan ay pagsasanay ang nakasaad
sa RG upangmahasa ang indibidwal lalo na sa bokabularyo attamang pagbigkas. Isinulat ito para
sa indibidwal namay kaunti nang kaalaman sa wika bilang unibersal napenomenon o pangkalahatang
kalakaran at nagnanaismatuto kung paanong ang isang wika ay natutuhan ngtao (sariling salin mula
sa Summer Institute ofLinguistics, sa webpage na Glossary of LinguisticTerms. Web. 20 Aug. 2004

SANGGUNIAN

(1) Espiritu, Clemencia. “Iba’t ibang Teorya sa Wika at Pagkatuto ng Wika.” Parola sa Pagtuturo ng
Filipino (2003) : 1-9. Nakalimbag.

(2) Summer Institute of Linguistics, sa webpage na Glossary of Linguistic Terms. Web. 20 August 2004.

(3) Maria Fe GANNABAN Hicana, “Mga Teorya sa Gramatika at Wika, Salalayan sa Pagtuturo ng Filipino
DALUMAT E-JOURNAL” September 2020

You might also like