You are on page 1of 4

Paglalagom ng Makabagong Balarila ng Pilipino ni Teresita Ramos

ni Ma. Alma Sheila O. Manabat, Ph. D sa Filipino


Ipinasa kay Prop. Althea Enriquez para sa kursong Fil 201
Unibersidad ng Pilipinas Diliman

Mahalaga ang papel ng mga gurong nagtuturo sa asignaturang Filipino na maitimo sa kaisipan ng mag-

aaral ang epektibong paggamit ng wika. Humaharap ang bawat guro sa Filipino ng mas malaking hamon

sa pagtuturo ng Filipino, sa pagpapanatili nito at sa paghikayat sa mga mag-aaral na pahalagahan ang

naturang asignatura bilang ang gamit ng wika ay siyang kinikilala at ginagamit na wikang pambansa. Ito ay

batid ni Dr. Teresita Ramos, na dalubwika ng Tagalog sa University of Hawaii at Manoa. Ang kanyang

karanasan bilang isang dalubhasa sa edukasyon at Ph.D. sa Linggwistika ay naging instrumento upang

iorganisa ang programa sa Pilipino sa nasabing unibersidad noong panahon na iyon. Ang isinulat niyang

aklat na Makabagong Balarilang Pilipino ay sinadyang buuin para sa pangangailangan ng mga mag-aaral sa

Pilipino na namumulat na sa pagkakaroon ng Wikang Pambansa na mabilis na naging wikang gamitin sa

mga pormal at di-pormal na pagkakataon. Ang aklat na ito ay ibinatay sa balarilang may pamagat na ‘’A

Synopsis of Tagalog Structures’’ na inihanda ni Ramos para sa mga Peace Corps Volunteers na iniayos ni

Dr. Howard Mckaughan at inilimbag ng Pacific and Asian Linguistics Institute of the University of Hawaii.

Bagamat ang Makabagong Balarila ay nakasulat sa Tagalog at isinulat para sa mga katutubong mayroon

nang kaalaman sa wika, ilan pa sa kanyang mga akda ay partikular na isinulat para sa mga mag-aaral niya

sa Hawaii kabilang na ang 20 aklat na may kaugnayan sa pag-aaral ng Tagalog, mula sa pangunahin

hanggang kumbersasyunal na gamit ng wika. Ang aklat ay idinisenyo na pang-gramatika upang masanay

sa idyomatikong kumbersasyon ang mga dayuhang nag-aaral ng Tagalog na nakapokus sa simpleng gamit

lang ng wika (University of Hawaii-Manoa, 2011).

Ang aklat ay nahahati sa iba’t ibang bahagi na nagtataglay ng maraming ilustrasyon at ibinatay sa

makabagong takbo ng lingguwistika. Ang mga aralin tungkol sa Ponolohiya at Morpolohiya ay inilahad sa

pamamagitan ng paggamit ng mga talahanayan na madaling mauunawaan ng mga hindi taal sa


pagsasalita ng Tagalog. Sa aking pagsusuri, ang mga inilahad na aralin ay mayroong mga halimbawa na

interaksyunal na kalikasan ng komunikasyon. Napuna ko ang paglalahad ng may-akda ng mga sitwasyong

makabuluhan sa buhay ng mga tao na siyang humihimok sa mga mag-aaral na maghanap at mag-isip ng

mga kahulugan na magkakaroon ng epekto ng kanilang sasabihin sa kapwa. Mas matimbang ang sosyal na

gamit ayon sa hinihingi ng panahon at sa kasanayan ng mananalita kaysa sa mga preskriptibong paggamit

ng wika.

Sa aklat, ang wikang Tagalog ay binubuo labing-anim (16) na katinig, limang (5) patinig, at pitong (7)

diptonggo. Gaya ng presentasyon ni Schachter at Otanes (1974), binigyan ni Ramos ng klasipikasyon ang

bawat katinig bilang pasara (stop), pasutsot (fricative), pailong (nasal), pagilid (lateral), pangatal (trill), at

mala-patinig (semi-vowels). Ang mga patinig naman ay grinupo base sa taas at sulong ng dila.

Tinalakay din ang mga kambal-katinig. Sa ganitong paglalahad, masasabing malaking bilang ng mga

salitang may kambal patinig ay pawang mga hiram na salita sa Ingles, Espanyol, at Tsino.

Sa paglalahad ng Morpolohiya, ito ay nagpapakita ng dalawang bahagi: (1) kabuuan ng salita, (2) mga

bahagi ng pananalita, at (3) paglalapi sa mga salitang batayan. Gaya ng mga naunang aklat sa

gramar ng Tagalog, prinesenta ang mahalagang papel ng mga paglapi, pag-uulit (reduplication), at

pagtatambal sa pagbubuo ng ibang mga salita. Ang mga nabuong salita mula sa tatlong teknik na ito

ay mayroon ng bagong kahulugan.

Ang paglalahad ng may-akda sa bahagi ng Pagbubuo ng Batayang Pangungusap ay gumamit ng mga

pangkaraniwang karanasan at hindi nakabase sa ilusyon ang pagkatuto ng mga mag-aaral. Ang

kaalamang istraktural o kayarian ng wika ang pinagtuunan ng pansin ng may-akda. Ang kasanayan sa wika

ay hindi lamang sa kaalaman sa gramatika o sa tuntuning gramatikal kundi gayundin ang kasanayan sa
angkop at matagumpay na pag-unawa at pagpapaunawa ng nais ipahayag ng nag-uusap. Inaangkop ng

may-akda sa konteksto ang mga halimbawa na nagpepresenta ng maraming posibilidad na gamit na

naaayon sa sitwasyon. Kayat mapapansin ang pagpapa-ulit-ulit ng mga paliwanag na ginamit na sa unang

bahagi ay muling babanggitin sa huli. Sa paglalahad ng mga pangungusap, tinukoy ng may-akda na may

dalawang uri ng pangungusap sa Tagalog/Pilipino: pagpapanaguri (predicational) o pagtitiyak

(identificational). Sa uring pagpapanaguri ay nauuna ang panaguri sa simuno (o ang pinag-uusapan),

samantalang sa uring pagtitiyak ay nauuna naman ang simuno. Ang pangkaraniwang pangungusap sa

Tagalog ay ang pagpapanaguri.

Sa mga bahagi ng pananalitang prinesenta ng may-akda, kapansin-pansin ang paghihiwalay niya sa

pamparami at pamilang bilang hiwalay na bahagi ng pananalita sa pang-uri. Ito ay dahil pansemantikang

maaaring ibukod sa ibang bahagi ng pananalita ang dalawang ito. Mapapansing ang kaantasan ng mga

pang-uri ay hindi katulad ng sa pamilang o pamparami. Sa mga pang-uring hindi pamilang o

pamparami, naipapakita ang papel ng panlapi o pang-abay sa pagbibigay-kaantasan.

Samantalang sa paglalahad ng aspekto ng wika na maaaring paglalapi o pag-uulit. Pinili ng may-akda na

ang aspekto kaysa verb tenses sa pagrerepresenta ng oras, tulad ng ipinaliliwanag na ang pagbabanghay

ng pandiwang Tagalog ay sa aspekto at hindi sa panahunan. Halimbawa nito ay

• naganap na – kilos na nasimulan o natapos na

• gaganapin – kilos na hindi pa naisasagawa

• nagaganap – kilos na nasimulan na subalit hindi pa natatapos

Ang mga pandiwa na hindi nagsasaad ng aspekto ayon sa oras ay pawatas/neutral. Halimbawa nito ang

mga pandiwang may panlaping “mag” na hindi nag-uulit ng unang pantig ng gaya ng “maglaba”.

Sinasabing ang pokus ay tumutukoy sa kaugnayang pambalarila na natatagpuan sa pandiwa at sa isang


kaganapang pandiwang may pananda sa pokus na “ang”. Ang kaugnayang ito, na siyang tinuturing na

simuno ng pangungusap ay maaaring tagaganap, tagatanggap, ganapan, kalaanan, o pangganap.

Maituturing na kahinaan ang kawalan ng pokus sa paglinang ng kahusayan sa paggamit ng wika,

kasanayan sa pakikipagtalastasan o ang kasanayang komunikatib. Ang kasanayan sa wika ay hindi lamang

sa kaalaman sa gramatika o sa tuntuning gramatikal kundi gayundin ang kasanayan sa angkop at

matagumpay nap ag-unawa at pagpapaunawa ng nais ipahayag ng nag-uusap. Kaya’t ako’y naniniwala na

ang epektibong pagkatuto sa wika ng isang tao ay nakadepende sa kakayahan ng guro na ipresenta ang

mga patakarang ito sa gramar. Sa ganitong kalagayan, ang mga dayuhang mag-aaral ng wika ay may iba’t

ibang kultural na pinanggalingan, kaya naman sila ay bumubuo na lamang ng simpleng ekspresyon at

teksto sa makabuluhang paraan. Kaugnay nito sa aking palagay, ang aklat ay gumamit ng isang functional-

situational na dulog sa gramar ng Tagalog/Pilipino, na mabuting gawing isang sanggunian sa paggalugad

ng aplikasyon ng grammar.

You might also like