You are on page 1of 1

Hindi na lingid sa karamihan na kahit tayong mga Pilipino ay hirap din sa paggamit ng ating

sariling wika kung pagbabatayan ay ang tamang gamit ng mga ito, pasulat man o pasalita.

Yaman ng isang bansa ang wika, ito ang nagsisilbing salamin ng kultura ng bawat lahi. Sa pag-
aaral upang makamit nang maayos ang wika sa lahat ng pagkakataon ay kinakailangan itong pag-aralan.
Mahalaga ang gramatika/balarila, ito ay nagsisilbing isa sa mga pundasyon upang makamit ang higit na
pagkatuto . bago matutunan ang isang wika ay nararapat lamang na mapag-aralan muna ang
gramatika/balarila. Ang balarila ay tumutukoy sa pag-aaral ng anyo at uri ng mga salita, tamang gamit ng
mga salita at tamang kaugnayan ng mga salita sa isang pahayag upang makabuo nang malinaw na
kaisipan o diwa. Ayon sa Ama ng Balarilang Tagalog na si Lope K. Santos na ang balarila ay “bala ng dila”,
kung kaya’t mahalaga na malaman ang lawak ng balarila. Ang pagkatuto ng mga mag-aaral sa
gramatika/balarila ay hindi lamang nakasalalay kung ano ang nakapaloob sa aklat. Nangangailangan din
ang guro ng iba’t iba at tiyak na sanggunian na magagamit sa kaniyang pagtuturo gramatika.

Sa panahon ng globalisasyon na kung saan tayo ay nahaharap sa makabagong teknolohiya at


gumagamit ng internet, kinakailangan din makisabay ng mga guro sa panahon ng globalisasyon.
Mahalaga na magkaroon ng interaksyon ang guro at mag-aaral. Ayon kay Wells (1987) ang interaksyon
sa klase ay kinapapalooban ng tatsulok na ugnayan ng tagahatid ng mensahe, tagatanggap nito at ng
konteksto ng sitwasyon, pasulat man o pasalita. Kinakailangan din na gumawa o humanap ng iba’t ibang
estratehiya ang guro upang maalis ang ano man balakid sa pagkatuto ng mga mag-aaral. Ayon
naman kina Bustos at Espiritu (1985) na tinuran ni Laurente, nakakaimpluwensya sa pag-unawa ng
estudyante ang paraang gamit ng guro kaya dapat lang na mabisa ito. Nakasalalay sa asal at
estratehiyang gagamitin ng guro kung makakamtan ang nais,niyang maunawaan ng estudyante.
Ayon kay Esperitu (2004), sa wika, estratehiya ang tawag sa mga kagamitan at gawaing ginagamit sa
bawat hakbang ng pagtuturo. Halimbawa ay ang gamit ng mga awtentikong teksto,larawan, o larong
pangwika. Ibig sabihin, nakasalalay sa estratehiya ng guro ang epektibong pagkatuto ng isang mag-
aaral sa wika lalong-lalo na sa gramatika.  

You might also like