You are on page 1of 20

TOPIC

Katangian ng Wika; Antas ng Wika; Gamit/Tungkulin ng Wika sa Lipunan;


Kahalagahan ng Wika; Homogenous at Heterogenous; Patalinghagang
Pagpapahayag

WEEK 3 DURATION 180 mins

Pagkatapos ng modyul na ito, ikaw ay inaasahang:

1. Nababalangkas ang kahulugan at mga katangian ng wika.


2. Nakikilala ang kahalagahan ng wika sa buhay ng tao at sa lipunang kanyang kinabibilangan.
3. Natutukoy ang gamit ng wika sa lipunan.
4. Naipaliliwanag ang gamit ng wika at tungkulin ng wika sa pamamagitan ng pagbibigay ng
halimbawa.
5. Nakasusulat ng mga halimbawang salita sa homogeneous at heterogeneous para sa pagpapayaman
ng talasalitaan.
6. Nagagamit ang wika sa aktwal na pakikipagtalastasan gamit ang patalinghagang pagpapahayag.

Ginagamit natin ang wika, hindi kaya ginagamit tayo nito?

Alam mo ba sa anumang bagay o gawain, saanmang lugar, o pagkakataon ang wika ay lagi na nating
ginagamit. Ito ang nabibigigay katuparan sa lahat ng ating pagkilos, gawi at kinokontrol nito ang ating
pag-iisip maging ang ating pag-uugali. Kaya naglalahad sina Michael A.K. Halliday, Roman Jakobson at
W.P. Robinson ng pangkalahatang gamit ng wika upang mapag-aralan natin kung paano napakikilos o
napagagalaw ng wika ang lahat ng bagay sa mundo. Maliban sa inilalahad nila alamin din natin ang
katangian ng wika, antas ng wika, kahalagahan ng wika at ang homogenous at heterogenous na
makakatulong sa pagpapayaman at paglinang ng talasalitaan ng isang tao habang ginagamit sa
pagpapahayag sa pamamagitan ng patalinghaga.

- Dahil sa nakilala ang wika na may iba’t ibang baryasyon ayon sa lugar, grupo at
pangangailangan ng paggamit nito.

- Yayaman ang bokabolaryo at talasalitaan ng isang tao sa pamamagitan ng kanyang


kaalaman sa iba’t ibang wika o barayti nito.

- KAYA ang HOMOGENOUS NA WIKA

● ay nangangahulugang iisang wika ang ginagamit o mas ginagamit sa iisang teritoryo,


rehiyon, probinsya o kaya naman sa bansa.
● karaniwang ito ang wikang ginagamit ng mas nakararaming tao, hindi lang sa pisikal na
interasksyon sa pamamagitan ng pakikipagtalastasan pati na rin sa anyo ng pagsusulat at
patuloy na nabuo at ginagamit sa kasalukuyan.
● Ang LITERAL na ibig sabihin ng salitang “HOMOGENOUS” ay isang pang-uri na ang
ibig sabihin ay “pare-pareho o pagkakatulad”
● Ngunit ito ay nangangahulugan na may mga salitang magkakapareho ngunit dahil sa
mga paraan ng pagbabaybay at mga intonasyon at/o punto ay nagkakaroon ng
bagong kahulugan ang mga salita

HALIMBAWA
gamot – root (Cebuano)
gamot – medicine (Filipino)
gamot – flow (water) (Ilocos)
HETEROGENOUS NA WIKA

● Ito ang wika mula sa iba-ibang lugar, grupo, at / o pangangailangan ng paggamit nito
● Mula sa LITERAL na salitang “HETERO” o magkaiba at “GENOUS” o uri at / o lahi
● Magkaiba ang kahulugan, magkaiba rin ang bigkas

HALIMBAWA
Bulong – to look (Cebuano)
Bulong – whisper (Filipino)
Bulong – medicine (Ilonggo – Hiligaynon)

BAGAMAN MAY MARAMING WIKA NGUNIT MAGKAPAREHO-PAREHO LAMANG


ANG KATANGIAN NITO. Naririto ang ilang mga katangian:

● May masistemang balangkas ang wika


- Ito ay isang pag-aayos ng mga salita upang makabuo ng mga pangungusap na
mayroong diwa.
Saan nagsimula ang isang “SALITA o WORD”
- Ito ay nagsimula sa letra o titik na tinatawag na PONEMA – ang makahulugang tunog
- At kung pag-aralan ang PONEMA tinatawag itong ponolohiya
- Kung dudugtungin ang mga letra “Ano ang lalabas” _________
Ito ay tinatawag na MORPEMA
- Ang pag-aaral naman ng MORPEMA ay tinatawag na morpolohiya
- Kung dudugtungin ang morpema “Ano naman ang mabubuo?”______
- Ang pag-aaral ng pangungusap naman ay tinatawag na SINTAKSIS
- At kung pagdugtungin naman ang mga pangungusap ay makabubuo tayo ng isang
talata at ginagamit ito sa PAGPAPAHAYAG O DISKURSO.

● Ang wika ay sinasalitang tunog


- Hindi lahat ng tunog ay wika kasi hindi lahat ng tunog ay may kahulugan.
- May mga tunog na may kahulugan at magkakaroon ng isang malalim ang pag-unawa.

● Ang wika ay arbitraryo


- Ito ay ang pagkakakilanlan ng isang tao kung saan ito ang pinagmulan na lugar.
- Nangangahulugang na isinasaayos ang mga tunog sa paraang pinagkasunduan ng
pangkat ng mga taong gumagamit nito.
- Magdepende ito sa tono, bigkas at intonasyon ng gumagamit ng wika

- Kaya huwag nang pagtakhan kung bakit may mga salitang binibigkas ay tila
nakatutuwa o magkaminsan pa nga ay nakakainis sa ibang tao.

● Pinipili at isinasaayos
- Ito ay mayroong sistematikong pagkakaayos at pagkakapili ang bawat salita.
- Hindi mo maaaring gamitin ang kahit na anong salita upang makabuo lamang ng
pangungusap magdepende ito sa pagkakataon.

● Nakabatay sa Kultura

- Ang wika at kultura ay magkabuhol at hindi maaaring paghiwalayin. Maraming salita na


hindi maisalin sapagkat wala silang katumbas sa ibang wika kaya sa ganitong
pagkakataon, napilitang manghiram ng salita sa isang wika dahil hindi pangkaraniwan
ang salita sa kultura ng wikang patutunguhan.
- Ito ay ang mga taong kabilang sa iisang kultura o rehiyon na nagtatakda ng kanilang
wika. May iba't ibang paggamit ng mga salita sa bawat lugar o kultura.

HALIMBAWA
MALONG – walang katumbas sa Tagalog ang salitang ito dahil hindi ito kultura ng mga Tagalog.

LAMAW – ang salitang ito mula sa Cebuano ay hindi matutumbasan sapagkat iba ang
paraan ng paghahanda bukod ng mga Cebuano sa iba pang komunidad sa bansa.

● Ang wika ay ginagamit


- dapat ang wika ay gagamitin ng bawat nilalang dahil ang hindi paggamit ng wika ay
mamamatay ito at sa palagiang paggamit ng wika ito naman ay mabubuhay.
Ilan sa mga salitang mali na laging ginagamit ay:

HALIMBAWA
SARI-SARI - kung tutuusin walang sari-sari na may gitling dahil ang makikita sa diksyunaryo ay
isang sari sari ngunit laganap sa buong Pilipinas ang sari-saring may gitling
- Kaya ang nagpapatunay na ang palaging paggamit ng salita na mali ay
nabubuhay.

SUBUKAN – lahat ng di Tagalog ay nagkakamali sa paggamit nito kahit nga mga Tagalog ay
nagkamali rin sa paggamit dahil ang nasa isipan ng LAHAT ay ang salitang ito ay
TO TEST or TO TRY ngunit ito ay TUMUTUMBAS sa INGLES ng tama na TO SPY
at kadalasan ginagamit ang salitang ito “as TO TEST / TRY ” at ito ay buhay na
buhay.
● Ang wika ay malikhain
- Naging malikhain din ang wika sapagkat nakakapagpalawak ito ng imahinasyon. Ang
bawat salita na ginagamit ng isang tao sa kanyang paglalarawan ay maging malikhain
sa kausap ang mga salita o wikang ginagamit.
- Dahil taglay ng wika ang set ng mga tuntunin na makapagbubuo ng kahit na anong
haba ng pangungusap at naging malikhain din ito sa paraang nakabubuo tayo ng tula,
kuwento, awitin, sanaysay at iba pang akdang pampanitikan gamit ang wika.

● Ang wika ay dinamiko


- Sapagkat ito ay buhay at patuloy na nagbabago at yumayaman na nagbibigay ng mga
bagong kahulugan ng isang salita na dumaragdag sa leksikon ng wika.
- Dahil ito ay buhay nagpapahiwatig na patuloy na ginagamit ng tao at iniangkop ang
wika sa mabilis na takbo ng buhay na dulot ng agham at teknolohiya.

● Ang wika ay natatangi


- Bawat wika ay naiiba sa ibang wika.
- Sapagkat ang bawat wika ay may kanyang sariling set ng mga tunog, mga yunit
panggramatika at kanilang sistema ng palaugnayan.
- Dahil sa iba iba nga ang kultura ng pinagmulang lahi ng tao at iba iba sa lahat ng panig
ng mundo.

● Ang wika ay makapangyarihan


- Ito ay nagagawa ng isang wika na mapukaw ang damdamin at mapilit ang isang
indibidwal o grupo ng mga indibidwal upang kumilos patungo sa iisang layunin.
- Ang pagpapahayag ng isang tao o paggamit ng wika sa kausap ay may pagkakataong
maging kaakibat nito ang damdamin at dahil sa salitang ginagamit ay may panahong
nakapagbabago ng isipan at nagpapaantig ng damdamin.
- Sa isang salita lang nakapagpabago ka ng KALOOBAN (mood)

● Ito ay ang pakikibagay ng tao sa katayuan nito, sa hinihingi ng panahon at pook at


maging sa okasyong dinadaluhan.

NAHAHATI SA DALAWANG KATEGORYA ANG ANTAS NG WIKA


PORMAL
- Ito ay mga salitang pamantayan dahil na kinikilala, tinatanggap at ginagamit ng
karamihang nakapag-aaral sa wika.
- Gumagamit ng bokabularyong mas komplikado minsan sa isang sitwasyon.
- Kalimitang ginagamit sa mga paaralan at sa iba pang mga pangkapaligirang
intelektwal.

Ang 2 Antas ng Wika Pormal ay ang mga sumusunod:

1. PAMBANSA /LINGUA FRANCA

- Mga salitang ginagamit sa mga aklat, babasahin at sirkulasyong pangmadla na


pinalabas sa buong kapuluan at lahat ng paaralan.
- Mga wikang ginagamit ng pamahalaan at wikang panturo sa mga nagsisipag-aral
- Salitang higit na kilala o ginagamit sa pook na sentro ng sibilisasyon at kalakalan.

HALIMBAWA:
maganda maaga aklat

2. PAMPANITIKAN

- Mula sa isang eksperto na ang panitikan ay ang “kapatid na babae ng kasaysayan,”


dahil ang wikang pampanitikan ay makasaysayan sa kanyang kakayahang lumikha ng
malikhaing pag-iisip o imahinasyon
- Mga salitang matatayog, malalalim, makukulay at kadalasaý ginagamit ang salita sa
ibang kahulugan
- Mga salitang ginagamit ng mga manunulat at dalubwika at malayang ginagamit sa
pagkatha ng dula, palabras at iba pang likhang pampanitikan
HALIMBAWA
Kapatid – kapusod/karugtong ng bituka
Katulong – katuwang
Langit – matinding kaligayahan

IMPORMAL/ DI PORMAL

- Ito ang mga salitang karaniwan at palasak sa mga pang-araw-araw na pakikipag-usap at


pakikipagsulatan (ka text) sa mga kakilala o kaibigan

Ang 3 Antas ng Wika Di Pormal ay ang mga sumusunod:

1. LALAWIGANIN (Provincialism)

- Mga salitang kilala at saklaw lamang ng pook na pinaggagamitan nito at karaniwang


dayalekto ng mga katutubo sa lalawigan gaya ng Cebuano, Tagalog,
Tagalog-Batangeno, Bisaya-Bohol, Cebuano-Dalaguete
- May kakaibang bigkas at tono at isang palatandaan ng lalawiganing tatak ay ang punto
o accent
- Mga salitang ginagamit ng mga tao sa isang partikular na pook, sa isang lalawigan at
mga hindi pamilyar na gamitin sa ibang lugar.

HALIMBAWA

(pormal) INA
(di-pormal) mamay (Bikol) nana/nanay/mamang (Mindanao/Bisaya/Ilonggo)

2. KOLOKYAL (Colloquial)

- Mga salitang ginagamit sa pang-araw-araw na hinalaw sa pormal na mga salita


- Ginagamit sa okasyong impormal at isaalang-alang nito ang mga salitang madaling
maintindihan
- Mga salitang ginagamit sa pang-araw-araw na pakikipagtalastasan ngunit may
kagaspangan at pagkabulgar, bagama’t may anyong repinado at malinis ayon sa kung
sino ang nagsasalita o gumagamit
HALIMBAWA
(pormal) NASAAN – nasan ; EYWAN – ewan ; NASAAN BA? - san ba?
3. BALBAL

- Ito ang mga salitang kilala o pinakamababang antas ng wika bilang salitang kanto,
salitang kalye, panlansangan o katumbas nito sa Ingles na “slang”
- Karaniwang nabubuo ng isang grupo tulad ng mga bakla na nagsisilbing koda nila sa
kanilang pakikipag-usap
- Tinatawag din itong singaw ng panahon sapagkat bawat panahon ay may nabubuong
mga salita
- Kaya para sa mga matatanda ay pinag-aralan ang mga salitang ito ay hindi tanggap
dahil hindi magandang pakinggan at walang modo o respeto

HALIMBAWA
(pormal) AMA – erpat ; SECURITY GUARD – sikyo ; LALAKI – ekals

- Ang wika ay ginagamit ayon sa pangangailangan ng tao


- Ito ay nagsisilbing instrumento upang maipahayag ng tao ang nais at maisagawa ang
minimithi
- Samakatuwid, may partikular na tungkulin ang wika at nakabatay sa
pangangailangan o paggamit ng isang tao lalong-lalo na sa pakikipagsalamuha sa
kapwa

SA PAG-AARAL, nagkaroon ng 2 kategorya ang GAMIT NG WIKA

1. BASIC INTERPERSONAL COMMUNICATIVE SKILLS (BICS)


- Ito ay tumutukoy sa pang-araw-araw na tungkulin ng wika sa tao; halimbawa nito ay
ang pakikiusap, pagmumungkahi, paghingi ng pahintulot, pagbabawal, pagsang-ayon,
pagbati, pag-imbita, pasasalamat at pagpapahayag ng galit, tuwa, hinanakit, gulat at
iba pa (de Guzman, et al., 2013

2. COGNITIVE/ACADEMIC LANGUAGE PROFICIENCY (CALP)


- Ito naman ay tumutukoy sa akademikong wika, sapagkat kadalasan itong ginagamit sa
mga sitwasyong pangklase at mga sitwasyong nangangailangan ng mataas o kritikal na
pag-iisip

● Kaya napakahalaga sa isang taong nag-aaral ng ibang wika na magkaroon ng masteri sa


paggamit ng wika sa mga sitwasyong nakaugnay sa BICS upang mas mapadali ang
paggamit ng wika sa mga sitwasyong nakaugnay sa CALP.
Ayon kay Michael Alexandre Kirkwood Halliday o M.A.K (Lingguwistikang Briton) may 7
TUNGKULIN ANG WIKA na naayon sa BAWAT KATEGORYA:

BICS (BASIC INTERPERSONAL COMMUNICATIVE SKILLS)

1. Pang-instrumental – nagagamit ito ng tagapagsalita para mangyari/maganap at


ipahayag ang pangangailangan
- pinababayaan ng wikang pagalawin (manipulate) ng tagapagsalita ang
kanyang kausap
- maaaring humiling ang tagapagsalita ng mga bagay at maging dahilan
ng paggawa at pagkaganap ng mga bagay-bagay sa paggamit ng mga
salita lamang

HALIMBAWA (mga bigkas na ginaganap “performative utterances”)


pagbabansag/pagpapangalan, pagmumukahi,
pakiusap, pag-uutos, pamimilit, pagbibigay ng panuto

2. Regulatory – gamit ng wika para alalayan ang mga pangyayaring nagaganap


(maintenance of control)

- ito ang gamit ng wika na nagbibigay sa mga tao para kokontrulin ang
mga pangyayaring nagaganap at nagbibigay-daan para alalayan ang
pakikisalamuha o pakikipag-usap na sumang-ayon, di-sumang-ayon at pag-
aalay at pag-abala(disrupt) sa gawa o kilos ng kausap.

HALIMBAWA
pag-ayon o di pag-ayon, pagtutol, pag-aalay sa kilos/gawa
pagtatakda ng mga alituntunin sa paglalaro
pagbibigay ng patakaran, pagbibigay ng pahintulot o pagbabawal

3. Pang-interaksyonal – nagagamit ang wika upang bumuo ng relasyon o ugnayan


-ito ay ginagamit para mapanatili ang pakikipagkapwa-tao at
nagsasaad ng isang bukas na tulay (channel) ng pakikipagtalastasan
upang maging mahusay ang pakikipagsalamuha nito
-nangangailangan ng matagumpay na interaksyon ng wastong pag-
uugali (good manners), wastong pagsasabi sa wastong paraan ayon
sa kinagawian (presented way)

HALIMBAWA
Pagbati, pagpapaalam, pagbibiro, pag-iimbita
Panunudyo, pag-aanyaya, pagtanggap, pasasalamat
4. Pampersonal – nagagamit ang wika upang ipahayag ang nararamdaman, opinyon at
sariling identidad.
- ito ang gamit ng wika na may kalayaang magbuka ng bibig o hindi at
ipahayag ang katauhan ng isang tao

HALIMBAWA
pagsigaw, pagmumura, pagrerekomenda,
pagpapahayag ng galit, paghingi ng paumanhin

CALP (COGNITIVE/ACADEMIC LANGUAGE PROFICIENCY)

1. Pangheuristiko – gamit ng wika bilang kagamitan sa pagtuklas, pagkatuto ng kaalaman at


pag- unawa tungkol sa kapaligiran o daigdig.
- ang gamit na ito ay batayan din ng kaalaman sa iba't-ibang disiplina at

binigyan ng wika ang tao ng pagkakataong magtanong at bumuo ng mga


posibleng kasagutan nito
-naging institusyon na ang gamit na ito ng wika sa mga kalagayang
pang-edukasyon at sa mga gawaing pangkaalaman ngunit patuloy
pang makapupukaw ng iba-ibang pananaliksik ang mga posibleng
paraan ng pagkaalam sa pamamagitan ng wika at hindi paggamit ng wika

HALIMBAWA
pagtatanong, pagsagot, pangangatwiran,
pagbibigay konklusyon, paggawa ng hypothesis,
pagbibigay katuturan, pagpapaliwanag,
pagbibigay ng puna

2. Pang-imahinasyon – nagagamit ang wika upang maipahayag ang malikhaing kaisipan


-ito rin ang gamit ng wika sa pagbuo ng isang sistema ng haraya (tumutukoy sa
ilusyon) maging mga akdang pampanitikan, sistemang pampilosopiya, o
huwarang pangarap (utopian visions - pangkalawakang imahinasyon)
-pinahintulutan din ng gamit na ito ng wika na pansinin di lamang ang tunay
na daigdig kundi pati na rin ang mga posibleng daigdig.

HALIMBAWA
tula, awit/kanta, salawikain(kawikaan), idyoma
kuwento, dula, kasabihan, sawikain
3. Pangrepresentasyonal – nagagamit ang wika sa pagpaparating, pagbibigay at pagpapalitan
ng katotohanan at impormasyon

-nagaganap dito ang pagpapalitan ng kaisipan at impormasyon na


dapat maging totoong-totoo ( hindi) at buo (hindi buo)

HALIMBAWA
pag-uulat, paglalahad, pagpapaliwanag, pagpapahayag
paghahatid ng mensahe, pagbibigay ng tama/mali

Ang wika ay isang kaluluwa ng bansa, pag-iisip ng isang bayan, kumakatawan sa isang malayang
pagsasama-sama at sa pagkakaisa ng layunin at damdamin.

Ito ay simbolong salita ng mga kaisipan at saloobin at behikulo o paraan ng paghahatid ng ideya o
palagay sa tulong ng mga salita na maaaring pasalita o pasulat.

Kaya narito ang mga KAHALAGAHAN NG WIKA

● INSTRUMENTO NG KOMUNIKASYON
⮚ sa kahalagahang ito ay hindi mahalaga o nangangailangan na mataas na kaalaman o
edukasyon sa dahil sapat na ang nagkakaunawaan, nagkakaintindihan at
nagkakapalagayan ang bawat isa gamit ang wika

● NAGBUBUKLOD NG BANSA
⮚ ito naman ay nagpapahiwatig na ang wika ang naging dahilan upang magkaisa ang
mga tao, magkakaugnay-ugnay, umunlad at makamit ang kapayapaan at kalayaan

● NAG-IINGAT AT NAGPAPALAGANAP NG KAALAMAN


⮚ ang wika dito ay naging daan, paraan at dahilan sa paglalakbay, pagsasalin,
pagtatala ng karunungan at kaalaman

● LUMILINANG NG MALIKHAING PAG-IISIP


⮚ sa bahaging ito makikita at nagpapahayag na ang wika ay nagpapalakas at
naglilinang ng imahinasyon ng isang tao at nagpapakita ng emosyon at antas ng
wika
● TAYUTAY
● Ito ay mga salita o pahayag na ginagamit upang bigyang-diin ang mga kaisipan o
damdamin sa pamamagitan ng mga mabisa, matalinghaga, makulay at kaakit-akit
na pananalita

MGA PILING URI NG TAYUTAY


1. Simili o Pagtutulad – ito ay nagpapakita ng pagtutulad ng dalawangmagkaibang bagay sa
pamamagitan ng paggamit ng mga katagang kagaya, katulad, parang, anakiý, animo,
kawangis, gaya, tila, kasing, -sing, -- at ibang pang mga kauring kataga

HALIMBAWA: Ang mga mata mo ay parang mga bituin sa langit na kumikislap-kislap tuwing
ako ay iyong nasilayan.

2. Metapora o Pagwawangis – uri ng tayutay na may tiyak na paghahambing ngunit hindi na


ginagamitan ng mga kataga o pangatnig at nagpapahayag ito ng paderitsahang
paghahambing na nakalapat sa mga pangalan, gawain, tawag o katangian ng bagay na
inihahambing.

HALIMBAWA: Ang iyong mukhang unggoy ay alis sa aking harapan.


Ang kanyang tinig ay awit sa aking pandinig

3. Pagpapalit-tawag o Metonimya – ito naman ay tumutukoy sa pagpapalitan ng katawagan o


ngalang tinutukoy nito

HALIMBAWA: May dalawa akong anghel sa tahanan.


Impyerno ang buhay na ito kaya ako ay lalayas na.

4. Sinekdoke – uri ng tayutay na nagbabanggit sa isang bahagi, konsepto o kaisipan , upang


sakupin o tukuyin ang kabuuan.

HALIMBAWA: Hiningi ni Adonis ang kamay ni Venus.


Isang subo ng kutsara lamang ang kanyang kinain bago umalis.

5. Eksaherasyon o pagmamalabis – ito ang tayutay na lagpas lagpas ang pagpapasidhi ng


kalabisan o kakulangan ng isang tao, bagay, pangyayari, kaisipan, damdamin at iba pang
katangian, kalagayan o katayuan

HALIMBAWA: Gabundok ang aking labahan tuwing lingo.


Makakabasag ng pinggan ang kanyang kabaitan.
6. Pagtawag o Apostrope – uri ng tayutay na kung saan ang pakikipag-usap sa karaniwang
bagay ay mistulang pakikipag-usap sa isang buhay na tao na malayo o isang taong parang
nasa harapan gayong wala naman
HALIMBAWA: “Oh Bathala!” Bigyan mo kami ng isang pagkakataon na maging
malaya sa COVID19
“Tukso!” Layuan mo ako.

7. Personipikasyon – tayutay na nagbibigay-buhay/katauhan o nagsasaad ng kilos upang buhayin


ang mga bagay, pangyayari, at taglayin ang mga katangiang pantao tulad ng talino, gawi,
kilos, na walang buhay sa pamamagitan ng mga pananalitang nagsasaad ng kilos tulad ng
pandiwa at pangngalang-diwa.

HALIMBAWA: Hinalikan ako ng malamig na hangin tuwing ikaw ay aking naaalala.


Lumuha ang langit noong ako ay nagkasakit.

8. Paglilipat-wika o Transferred epithet – ito naman ay nagpapahayag sa mga bagay na walang


buhay ng mga katangian na ginagamit sa tao sa pamamagitan ng pang-uri. Nabibigyan ng
buhay ang mga bagay na kakabitan ng katangiang pantao gamit ang bahagi ng pananalita na
pang-uri

HALIMBAWA: Ang mapaglingkod kong payong ay palagi kong bitbit.


“Bobo ang calculator kong ginagamit.”

9. Pag-uyam o Irony – ito ay nangangahulugan ng paghahamak at pagkukutya sa tao o bagay sa


pamamagitan ng mga salita kapag kukunin sa tiyakan ay tunay ay tila kapuri-puring mga
pananalita ngunit sa tunay na kahulugan ay may bahid na pang-uyam

HALIMBAWA: Kay kinis ng mukha mong butas-butas sa kapipisil mo ng tigyawat.


Talagang ang mga kabataan ngayon ay mababait at tahimik, ni ho at po ay
hindi mababanggit dahil sa cellphone ang palaging bitbit.
A. ANTAS NG WIKA: Isulat sa kahon ang tamang sagot (20 pts)

PAMBANSA PAMPANITIKAN LALAWIGANIN KOLOKYAL BALBAL


pulis

Haligi ng tahanan

ganda

waswas

‘mang

B. Pagbuo ng photolanguage
INTERNET:
philnews.ph 2019/7/22katangian-ng-wika
www.slideshare.net
brainly.ph
tl.wikipedia.rog
www.tagaloglang.com

MGA AKLAT
Arrogante J., et al. 2009. Sining ng Komunikasyon sa Akademikong Filipino. Navotas City: National Bookstore, INC

Dayag, Alma et al, 2006. Pinagyamang Pluma (Komunikasyon at Pananaliksik Tungo sa Wika at Kulturang Pilipino,
Phoenix Publishing House, INC. Quezon City

Montera, Godfrey and Plasencia, Norly. 2016. Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kultura: Para sa Senior High
School. Cebu City: SoLINE Publishing Company Inc.

Peregrino J., et al. 2002. Minanga: Mga Babasahin sa Varayti at Varyasyon ng Wikang Filipino, Quezon City Unibersidad
ng Pilipinas – Surian ng Wikang Filipino

Inihanda ni:

Charlotte G. Ablen
Instructor, Senior High School

You might also like