You are on page 1of 7

2

Z, ang wikang natututunan ay kanilang nagagamit sa natural na kumbersasyon lalo na sa kapwa

Gen Z.

Ang wika ay arbitraryo, ayon kay Edgar Sturtevant. Nangangahulugan ito na ang bawat

salita ay may pinagkasunduang kahulugan. Ang bawat makabagong salitang ginagamit ng Gen Z

ay may kahulugan na kanilang pinagkasunduan para sa mabisa at epektibong komunikasyon o

kumbersasyon. Hindi man nakatago o lihim ang kahulugan ng mga salitang ito, hindi naman

maitatanggi na karamihan sa henerasyon bago ang Gen Z ay baguhan at nahihirapang unawain

ang wikang ito. Ito ay bunsod sa katotohanang ang wikang Gen Z ay ginawa upang makibagay

sa konteksto ng lipunan sa kasalukuyan. Ayon pa kay Henry Gleason, ang wika ay masistemang

balangkas kaya mayroong pinagkakasunduang tamang paraan sa paggamit ng mga salita. May

istruktura ang paggamit sa wika ng mga Gen Z sa pasalita o pasulat na kumbersasyon.

Ang wikang Gen Z ay bunsod ng dimensyong sosyal ng lipunan. Matatawag itong

sosyolek dahil ito ay ginagamit ng isang grupo sa lipunan, partikular ng kabataan sa

kasalukuyan. Ang mga salitang umusbong ay pinagkakasunduan at malayang ginagamit sa

partikular na usapan. Ang mga makabagong salitang ito ay layong makapagpahayag ng ideya sa

makabagong paraan.

Dulot din ng pagbabago, marami ring mga termino ang ginagamit sa kasalukuyan at

kabilang dito ang mga salita ng Gen Z. Hindi maitatanggi na sa paglipas ng panahon ay may mga

salitang nabubuo na tinatanggap sa kasalukuyan at ginagamit sa mga natural na kombersasyon.

Ang Gen Z Language ay salitang ginagamit ng mga kabataang isinilang sa taong 20‟s. Bunsod

ng pagbabago, madalas maririnig sa kasalukuyan ang mga kabataang nakikipagpalitan ng

kumbersasyon gamit ang mga makabagong salita.


3

Katanungan ng pag-aaral

Layunin ng pag-aaral na ito na masuri ang istruktura ng mga salitang ginagamit ng mga

Gen Z, kabilang na ang pinagmulan o etimolohiya ng mga salitang ito. Nilalayon ng pananaliksik

na ito na alamin ang kahulugan ng mga salitang ito at kung paano ito ginagamit ng mga Gen Z sa

natural kumbersasyon.

1. Ano-ano ang mga salitang ginagamit ng Gen Z sa natural na kumbersasyon?

2. Paano nabubuo ang istruktura ng mga salitang Gen Z sa natural kumbersasyon?

3. Ano-ano ang etimolohiya at kahulugan ng ng mga salitang Gen Z ayon sa

pagpapakahulugan ni Leech?

Kahalagahan ng Pag-aaral

Wika ang isa sa prominenteng paraan ng paglalahad ng idea at pagpapahayag ng

mabungang pag-iisip ng bawat tao. Wika rin ang isa sa mabisang paraan upang magkaroon ng

pagkakaintindihan sa pamamagitan ng pakikipagkomunikasyon.

Isa sa kahalagahan ng pag-aaral na ito ay upang malaman kung paano binubuo ng mga

Gen Z ang kanilang makabagong salita. Ang pag-aaral na ito ay maaaring makapagbigay ng

ideya sa mga mag-aaral at mga mambabasa kung paano nabuo ang istruktura ng mga salitang

Gen Z.
4

Mag-aaral, mahalaga ang pag-aaral na ito upang mas madaling maunawaan ang "Gen Z

Language". Makakatulong ang pananaliksik na ito upang mas lalong mapalawak ang kanilang

kaalaman kung paano nabubuo ang mga salitang Gen Z.

Magulang, mahalaga ang pag-aaral na ito upang magkaroon ng kaalaman sa makabagong gamit

ng salita ng mga Gen Z. Ang mga magulang ang unang guro ng kanilang anak kaya

makakatulong ang pananaliksik na upang mas maunawaan ang mga salita ng Gen Z.

Paaralan, maaaring gamitin ang pag-aaral bilang reperensya upang mas magkaroon ng malalim

na ideya sa mga salita ng Gen Z. Ang pananaliksik na ito ay magagamit ng paaralan upang sila

ay magkaroon ng ideya kung anong mga kaalaman ang maari nilang ibigay sa kanilang mag-

aaral.

Sa mga susunod na mananaliksik, magagamit ito upang maging represensya sa pananaliksik na

may kaugnayan sa pag-aaral sa mga salita ng mga Gen Z. Maari nila itong magamit bilang

batayan ng kaalaman at sanggunian sa kanilang pag-aaral..

Saklaw at delimitasyon ng pag-aaral

Ang pag-aaral na ito ay nakatuon lamang sa pagsusuri sa istruktura ng mga wikang Gen

Z sa Natural na Kumbersasyon. Saklaw ng pag-aaral na ito ang mga impormante sa piling mag-

aaral na nagmula sa Pamantasan ng Unibersidad ng Katimugang Mindanao.

Limitado lamang ang pag-aaral na ito sa ilang mga natural na kumbersasyon sa mga

piling mag-aaral sa nasabing paaralan. Nasa lima o sampung nakakaunawa ng salitang Gen Z sa

mga mag-aaral sa kantina, at lobby ang magiging bilang ng mga impormante na maaaring maka
5

panayam o marecord. Isinasagawa ang pananaliksik na ito sa antas ng Unibersidad ng

Katimugang Mindanao, Kabacan, North Cotabato.

Sakop lamang ng pananaliksik na ito ang makalikom ng mga salitang Gen Z, at masuri

ang morpolohikal na istruktura nito gamit ang structural linguistics ni Bloomfield. Layon din ng

pag-aaral na ito na mabigyang kahulugan ang mga nalikom na salita gamit ang semantika ni

Leech.

Teoretikal na batayan

Sa bahaging ito inilahad ang teoryang ginamit sa pag-aaral. Ito ay magsisilbing gabay at

batayan sa ginawang pagsusuri sa istruktura ng salitang Gen Z.

Ang pag-aaral na ito ay nakaugnay sa pagdulog ni Bloomfield (1933) "structural

linguistic" na kinatawan ng "adherence to behaviorism" kabilang sa pormal na paraan ng pag-

aanalisa sa mga Datos na panglinggwistika. Kasama sa Istruktural linggwistika ang paglilikom

ng "corpus of utterance", ito ay pagbabago ng lebel na panglinggwistika sa ponema, morpema at

leksikal na kategorya at iba pa. Ayon kay Bloomfield, ang bawat salita ay may ponolohiya,

morpolohiya, at sintaktika,. Ponema ang tawag sa mga tunog na pinagsama-sama upang

makabuo ng salita. Halimbawa ay pa/na/na/lik/sik; ang salitang pananaliksik ay binubuo ng mga

tunog o ponema upang mabuo ang salitang nangangahulugang research sa ingles. Morpolohiya

naman ang pagkakabuo ng salita base sa gramatikal na istruktura katulad ng paglalapi.

Halimbawa ay ang salitang ugat na „sulat‟ na kapag dinugtungan ng unlaping „su‟ sa unahan ay

makakabuo ng salitang „susulat‟. Ang mekanismong ito ay tinatawag na morpema. Sintaktika


6

naman ang tawag sa pag-aaral sa pagkakabuo ng pangungusap gamit ang lipon ng mga salita. Sa

pananaliksik na ito ay susuriin ng mga mananaliksik ang bawat makabagong salita ng Gen Z

batay sa morpolohikal na istruktura sa gabay ng Structural Linguistics ni Bloomfield.

Ang wika ay isang masistemang balangkas (Henry Gleason). Ang pinagkasunduan na ito

ay isinaayos upang gamitin ng mga tao sa pakikipag-usap na kasama sa iisang kultura.

Nangangahulugan itong ang bawat makabagong salitang binubuo at ginagamit ng Gen Z ay may

pinagkasunduang kahulugan na magagamit sa pakikipagkomunikasyon.

Binigyang diin naman ni Geoffrey Leech noong 1974, sa kanyang librong Semantics:

The Study of Meaning, ang kontribusyon ng semantika sa pagpapalaganap ng epektibong

komunikasyon sa konsepto ng lipunan. Semantika ang pagbibigay-kahulugan sa mga salita.

Ayon sa kanya, ang bawat salita ay may kahulugan na nakaugnay sa konsepto ng lipunan.

Ayon kay Leech (1974), mayroong pitong uri ng pagpapakahulugan o semantika:

Connotative, Conceptual/logical, Social, Affective, Reflected, Thematic, at collocative

semantics. Ang nabanggit na pitong semantika ay may iba‟t ibang tungkulin sa

pagpapakahulugan sa mga salita o wika. Connotative meaning o semantics ay ang

pagpapakahulugang nagmumula sa sariling konsepto ng pag-intindi ng konteksto ng nag

aanalisa. Maaari itong magmula sa kanyang personal na pagpapakahulugan at maaaring kakaiba

mula sa interpretasyon ng ibang tao. Conceptual / logical meaning naman ay ang literal na

kahulugan ng mga salita mula sa diksyunaryo; tinatawag din itong denotative meaning. Social

meaning ang tawag sa kabuuan ng katangian ng tagapagsalita na nagpapabatid ng kanyang

sosyal na katayuan– katulad ng kanyang personalidad, kultura, lahi. Affective semantics ang

nagbibigay diin sa emosyon o nararamdaman ng tagapagsalita. Kabilang na rito ang tono ng


7

pananalita, ang diin ng mga pantig, o lakas ng boses na maaaring magpahiwatig ng kanyang

emosyon. Reflected semantics ang tawag kapag ang salita o parirala ay maaaring mangahulugan

ng higit pa sa isa. Thematic semantics naman kapag ang mensahe ng pangungusap ay maaaring

magbago ayon sa pagkakaayos o pagkakasunod-sunod ng mga salita. Halimbawa ay ang

pangungusap na “Binili ko ang upuan kahapon” na nagpapabatid na ang pokus ng usapan ay ang

pagbili ng upuan. Kung ang pangungusap naman ay babaliktarin, "Kahapon, binili ko ang

upuan", ang pokus ay ang ginawa nga tagapagsalita kahapon. Ito ang mekanismo ng thematic

semantics. Collocative meaning naman ang mga salitang may parehong konsepto ng kahulugan

ngunit pag ginamit sa pangungusap ay may pagkakaiba ng kahulugan.

Sa pag-aaral na ito ay isasalin ng mga mananaliksik ang mga salitang Gen Z na kanilang

nalikom sa gabay ng semantika ni Leech, partikular ang conceptual/logical semantics. Susuriin

ng mga mananaliksik ang mga salitang nalikom mula sa gen z gamit ang pagpapakahulugang

konseptual o lohikal ni Leech.

Depinisyon ng mga Termino

Upang lubos na maunawan ng mga mambabasa ang mga terminong ginamit sa pag-aaral,

binigyang katuturan ng mga mananaliksik ang mga sumusunod na mga terminolohiya.

Gen Z- anunsyo ni Pew (ND), ang sinumang ipinanganak mula 1997 pataas ay magiging bahagi

ng isang bagong henerasyon. Ang bagong henerasyong iyon ay madalas na tinutukoy bilang
8

Generation Z sila ay mga isinilang sa taong 20‟s na kadalasang gumagamit ng makabagong salita

o termino .

Millennials- Ayon kay Pew (ND) Ang sinumang ipinanganak sa pagitan ng 1981 at 1996 ay

ituturing na isang millennial.

Social Media- Elektronikong kagamitan na ginagamit ng makabagong henerasyon sa pakikipag-

komunikasyon.

Kumbersasyon- Tumutukoy sa pakikipag-usap ng isang tao gamit ang mga salita.

Dinamiko ang wika- Ayon kay Hill (Sa Tumangan, et al.. 2000) at Gleason (sa Tumangan. et al..

2000), Ang wika ay nagbabago. Hindi ito maaaring tumangging magbago.

Etimolohiya- Ay tumutukoy sa kung paano nababago ang anyo at kahulugan ng salita sa

paglipas ng panahon. Dito ay binibigyang linaw at paliwanag ang bawat salita.

Morpolohiya- Ito ang tawag sa pag-aaral ng mga morpema ng isang wika at ng pagbubuo ng

mga ito sa salita.

Pagsusuring istruktural- Ito ay paraan ng pag-aaral kung paano nabubuo ang wikang sinasalita

ng partikular na grupo ng tao.

Natural na kumbersasyon- Tumutukoy sa natural na pakikipag-usap ng dalawang tao.

You might also like