You are on page 1of 5

Republic of the Philippines

Sultan KUDARAT STATE UNIVERSITY


Graduate School
ACCESS, EJC Montilla, City of Tacurong
2nd SEMESTER (A.Y 2020-2021)

Joel B. Balajadia
Pinal na Pagsusulit
Kwantitatibong Pamamaraan ng Pananaliksik (EDUC 601)
Professor: Nor-en Bangkulit

Ang mga malayang baryabol ay ang (1) kaalaman sa wikang Filipino, (2)
kaligirang sosyal sa pagkatuto at (3) estratehiya sa pagkatuto ng wika. Samantala, ang
di-malayang baryabol naman ay ang katatasan ng mga mag-aaral sa Filipino.

A. Pamagat:
Kaalaman sa Wikang Filipino, Kaligirang Sosyal sa Pagkatuto at Estratehiya sa
Pagkatuto ng Wika: Isang Estruktural na Panatayang Dulog sa Katatasan ng mga Mag-
aaral sa Filipino

B. Suliranin ng Pag-aaral:
Nilalayon ng pag-aaral na ito na siyasatin ang pinakaangkop na modelo ng mga
mag-aaral sa pagsukat ng kanilang katatasan sa Filipino. Layunin din ng pag-aaral na
ito na masagutan ang sumusunod na katanungan:

1. Matukoy ang antas ng kaalaman ng mga mag-aaral sa Filipino batay sa:


1.1. pagpapaunlad sa pangkalahatang pagkatuto,
1.2. kaalaman sa bokabularyo,
1.3. pag-aaral ng gramatika,
1.4. pagbasa sa Filipino
1.5. pagsulat sa Filipino; at
1.6. pagsasalita sa Filipino

2. Matukoy ang antas ng kaligirang sosyal ng mga mag-aaral batay sa:


2.1. suporta sa guro,
2.2. pagtataguyod ng parehong paggalang,
2.3. pagtataguyod ng pakikipag-ugnayan na may kinalaman sa gawain, at
2.4. pagtataguyod ng mga layunin sa pagganap
3. Malaman ang antas ng estratehiya sa pagkatuto ng wika batay sa:
3.1. memorya,
3.2. kognitib,
3.3. kompensasyon,
3.4. meta-kognitib
3.5. afektib, at
3.6. sosyal

4. Matukoy ang antas ng katatasa ng mga mag-aaral sa Filipino pagdating sa:


4.1. pakikinig,
4.2. pagsasalita,
4.3. pagbasa, at
4.4. pagsulat

5. Matukoy kung may ugnayan sa pagitan ng:


5.1. kaalaman sa wikang Filipino at katatasan sa Filipino
5.2. kaligirang sosyal at katatasan sa Filipino
5.3. estratehiya sa pagkatuto ng wika sa katatasan sa Filipino

6. Malalaman ang baryabol na may pinakaimpluwensiya bilang prediktor sa katatasan


ng mga mag-aaral sa Filipino.

7. Matukoy ang pinakaangkop na modelo sa katatasan ng mga mag-aaral sa Filipino.

C. Mga haypotesis
Sa pag-aaral na ito, ang haypotesis ay susukatin sa 0.5 na antas ng
kabuluhan.
1. Walang makabuluhang ugnayan sa pagitan ng:
1.1. kaalaman sa wikang Filipino;
1.2. kaligirang sosyal sa pagkatuto; at
1.3. estratehiya sa pagkatuto ng wika.
2. Ang kaalaman sa wikang Filipino, kaligirang sosyal sa pagkatuto at
estratehiya sa pagkatuto ng wika ay walang makabuluhang
impluwensiya sa katatasan ng mga mag-aaral sa Filipino.
3. Walang pinakaangkop na gamiting modelo sa katatasan ng mga mag-aaral
sa Filipino.
D. Koseptwal na Balangkas
PPWF KsB PnG PBsF PGsF PSsF

Kaalaman sa
SSG Wikang Filipino
PKK

PPP
Kaligirang Katatasan ng PSL
Sosyal sa mga Mag-aaral
PPK Pagkatuto sa Filipino
PGB

PLP
PGS

Estratehiya sa
Pagkatuto ng
Wika

MEM KOG KOM MET AFE SOS

Hypothesized Model 1.
Legend:
Kaalaman sa Wikang Filipino: Kaligirang Sosyal sa Pagkatuto: Estratehiya sa Pagkatuto ng Wika: Katatasan ng mga Mag-aaral:
PPWF – Pagpapaunlad sa Pangkalahatang SSG – Suporta sa Guro MEM – Memorya PKK– Pakikinig
KsB – Kaalaman sa Bokabularyo PPP – Pagtaguyo ng parehong paggalang KOG – Kognitibo PSL – Pagsasalita
PnG – Pag-aaral ng gramatika PPK – Pagtataguyog ng pakikipag-ugnayan KOM – Kompensasyon PGB – Pagbasa
PBsF – Pagbasa sa Filipino na may kinalaman sa gawain MET – Meta-kognitib PGS – Pagsulat
PGsF – Pagsulat sa Filipino PLP – Pagtataguyod ng mga layunin sa AFE – Afektib
PSsF – Pagsasalita sa Filipino pagganap SOS - Sosyal
E. Kahalagahan ng Pag-aaral
Ang pag-aral na ito ay mahalaga para sa mga mag-aaral, guro, magulang, stakeholders
at ang pamunuan ng mga nasa pampubliko at pampribadong paaralan.
Para sa pamunuan ng sektor ng edukasyon sa bansa, upang magiging susi ang pag-
aaral na ito sa paghahatid at pagpapataas ng kalidad na edukasyon at magsagawa ng mga
programang tutugon sa pangangailangan ng mga mag-aaral lalo na sa kanilang katatasan sa
mga makrong kasanayan sa Filipino tulad ng pakikinig, pagsasalita, pagbasa at pagsulat;
Para sa mga pamunuan ng sektor ng edukasyon sa mga pampubliko at pampribadong
paaralan sa Rehiyon XII, upang magsagawa sila ng hakbang tungo sa ikauunlad ng sistema ng
edukasyon sa pamamagitan ng paglinang sa katatasan ng mag-aaral sa mga makrong
kasanayan sa Filipino sa pamamagitan ng pagpagpapatipyas at paghihimay-himay ng mga
kompetensi at pagsasagawa ng mga interbensyon kaugnay sa pagpapaunlad sa katatasan ng
mga mag-aaral sa pakikinig, pagsasalita, pagbasa at pagsulat;
Sa mga guro, upang magkaroon sila ng sapat na kaalaman hinggil sa antas ng
katatasan ng mga mag-aaral sa Filipino at magsagawa ng mga hakbang upang lalong
mapataas ang kalidad na edukasyon sa pamamagitan ng pagdalo ng mga seminar, pagbabasa
ng mga makabuluhang babasahin, artikulo at iba pa na siyang magiging daan upang
maibahagi ito sa mga mag-aaral;
Para sa mga mag-aaral, upang malaman ang kanilang katatasan sa Filipino partikular
na sa mga aspetong pakikinig, pagsasalita, pagbasa, at pagsulat;
Para sa mga magulang at stakeholders, upang maipagpatuloy nila ang pagbibigay ng
suporta sa paaralan at sa kanilang mga anak, ispiritwal, moral at pinansyal at maging
inspirasyon sa pagsisikap nila upang mapataas pa ang kalidad na edukasyon; at
Para sa mga mananaliksik, upang magiging modelo ang pag-aaral na ito sa nga
isasagawa nilang pananaliksik sa hinaharap katulad nito na siyang magiging daan upang
lalong mapaunlad ang kalidad ng edukasyon sa bansa at maging muhon ng tagumpay sa
bawat mag-aaral sa pamamagitan ng pagpapaunlad ng kanilang kakatasan sa paggamit ng
Filipino sa mga makrong kasanayan.

Katuturan ng mga Katawagan


Ang sumusunod na terminolohiya ay binigyan ng operasyunal na kahulugan.

Kaalaman sa Wikang Filipino. Nangangahulugan itong kakayahan ng mga mag-aaral sa


pagkakaroon ng kabatiran ng mga mag-aaral sa wikang Filipino gamit ang kanilang
kakayahan sa pagpapaunlad sa pangkalahatang pagkatuto ng wika, kaalaman sa bokabularyo,
pag-aaral ng gramatika, pagbasa sa Filipino, pagsulat sa Filipino at pagsasalita sa Filipino.

Kaligirang Sosyal sa Pagkatuto ng Wika. Ito ay nangangahulugang impluwensya o salik na


nakaaapekto sa pagkatuto ng mga mag-aaral ng wika sa tulong ng suporta sa guro,
pagtataguyod ng parehong paggalang, pagtataguyod ng pakikipag-ugnayan na may kaugnayan
sa mga gawain at pagtataguyod ng mga layunin sa pagganap.

Estratehiya sa Pagkatuto ng Wika. Nangangahulugan itong kakayahan ng mga mag-aaral sa


pagkuha ng pagkatuto ng wika sa mga aspetong tulad ng memorya, kognitib, kompensasyon,
meta-kognitib, afektib at sosyal.
Katatasan sa Filipino. Nangangahulugan itong kakayahan ng mga mag-aaral sa paggamit ng
Filipino sa mga makrong kasanayan tulad ng pakikinig, pagsasalita, pagbasa at pagsulat.

You might also like