You are on page 1of 8

Benguet State University

College of Arts and Sciences


Department of Humanities
Graduate School
La Trinidad, Benguet

Asignatura: SOSYOLINGGUWISTIKANG FILIPINO


Mag-aaral: JEONING C. DAWAYEN
Propesor: JANET B. MEDE, PhD
Petsa: Oktuber 24, 2020

PAGPAPLANONG PANGWIKA: TERITORYALIDAD AT PUKOS

Aralin sa Pagpaplanong Pangwika (APP)


Layunin ng papel na itong maipakita sa atin ang mga sumusunod:
1. Ang APP bilang erya ng Araling sa Wika at Disiplinang Filipino (AWDF).
2. Ang akademik na konsern ng APP sampu ng mga erya at sab-erya nito kaugnay ng pagpaplanong
pangwika sa Filipinas (PPF), Pagpapalanong Pangwikang Filipino (PPF), Transnasyonal na
Pagpaplanong Pangwika (TPP), at Internasyonal na Pagpaplanong Pangwika (IPP).
3. Ang PPF at ang istatus nito sa pangkalahatang pagpaplanong pangwika sa Filipinas at sa APP at ang relasyon
ng dalawang ito sa TPP at IPP.

4. Ang pagsasalin o paglilipat ng mga akademik na konsern ng APP, PPF at PPF sa kurikula na programa at
mga kurso bilang sangay ng karunungan; at

5. Ang mga angkop at napapanahong resirts, proyekto at publikasyon na dapat isulong ng Departmento ng
Filipino at Panitikan ng Filipinas.
Ang Aralin sa Pagpaplanong Pangwika (APP) Bilang Disiplinang Akademiko

Ang APP ay isang umuusbong na sangay ng AWDF na nauukol sa ad natural, i.e., lakas na pag-unlad, at
con natural, i.i., delibereyt at sinadyang paglutas at/o pagdulog sa mga problema sa wika lalo na sa aspekto ng
pagbuo ng desisyon at palising lingguwistik, kodipikasyon, elaborasyon, estandardisasyon, implementasyon,
ebalwasyon, at maging ng ekonomiks nito.
Hindi lang inoobserbahan at sinisinop dito ang mga teorya, lapit, metodo, hakbang, at iba pang kaugnay
dito kundi may tendensiya pang likhain at tuklasin ang mga ito pagkatapos, tinatasa at sinusuri para sa
functional, makabuluhan, at praktikal na topoloji. Inaasahang ang pagsisikhay na ito ng APP sa Filipino ang
titiyak hindi lang sa heograpikal na hugis at anyo, sa akademik na pokus at korelasyon ng mga larangan, at lalo
na sa teoritikal na direksiyon at sistematikong iskema ng mga kaalaman bilang sistema ng karunungan.

Pagpaplanong Pangwikang Filipino

*Nakatuon ang PPF sa layunin, gamit at gampanin ng wikang Pambansa ng Filipinas lalo na ang wikang
Filipino.

*Maaaring sumaklaw at pumaksa, halimbawa, sa pagpaplanong pangwika sa Ingles bilang midyum sa


internationasyonal na pakikipagtalastasan ng mga Filipino o kaya’y sa paglinang sa larangang ito para sa
espesyal na silbi nito sa bansa

* Maaari ring paksain dito ang pagpaplano kaugnay ng lingua franca bilang rehiyonal na wikang panturo sa
sistema ng edukasyon sa bansa
*Maaari ring halimbawa na matalakay dito ang magiging silbi at magiging gamit pa ng wikang Kastila.

*hindi lang isang perspektiba, isang oryentasyon kundi isang kabuuan at/o sisidlan ng kaalaman katulad ng mga
patern sa pagtrato ng mga lingguwistik, semi-lingguwistik at ekstra-lingguwistik na layunin at silbi ng wikang
Filipino bilang wikang Pambansa, wikang panturo at opisyal na wika ng sambayanang Filipino na pinagmulan
at pinaglalaanan nito.
*Kaparalel ng PPF ang Pambansang Pagpaplanong Pangwika sa iba’t ibang sulok ng daigdig. Sa pagdya-
juxtapose ng PPF sa mga pambansang pagpaplanong pangwika, nalilikha di kawasa, ang Transnasyonal at
Komparatibong Pagpaplanong Pangwika (TPP at KPP). Iba ito sa Internasyonal na Pagpaplanong Pangwika na
masyado ang konsern sa Ingles bilang panlahatan at pangunahing wika sa buong daigdig. Kasama sa IPP ang
konsern ng mga siyentista sa pagbuo ng wika para dito tulad ng Esperanto, Pratov, at Vulapoks.

Uri ng Pagpaplanong Pangwika

May apat na uri ng pagpaplanong pangwika ang kinikilala at pinag-iiba sa Aralin sa Pagpaplanong
Pangwika (APP):

1. Pangkalahatang Pagpaplanong Pangwika sa Filipinas


2. Pagpaplanong Pangwikang Filipino
3. Pambansa at Transnasyonal/Tawid-bansang Pagpaplanong Pangwika
4. Pagpaplanong Pangwika para sa Global na komunidad at/o Internasyonal na Pagpaplanong Pangwika
Ang Aralin sa Pagpaplanong Pangwika/ Bilang Erya ng Aralin sa Wika at Disiplinang Filipino

Apat na component :

(1) Aralin sa Teoretikal na Pagpaplanong Pangwika


(2) Aralin sa Historikal na Pagpaplanong Pangwika
(3) Aralin sa Deskriptibong Pagpaplanong Pangwika
(4) Aralin sa Komparatibong Pagpaplanong Pangwika
1. Teoretikal na Pagpaplanong Pangwika

Sa TPP mahalagang pagtuonan ng pansin ang depinisyon, teorya, lapit, uri, component, pokus, hakbang,
gamit, at mga parametro na may kinalaman sa paggawa ng patakaran, pagpili ng norm, kodipikasyon,
elaborasyon, estandardisasyon, implementsyon, ebalwasyon, at ekonomiks ng PP at iba pang salik na gustong
isangkot o nakataya.

Konsern nito ang pagkatuto, pag-aaral, riserts, at iskolarsyip kaugnay sa buong PP o ibang katangian
at/o element nito.
2. Historikal na Pagpaplanong Pangwika

Sa HPP, ang tuon ay nasa PPF at mga pambansang pagpaplanong pangwika. Dito samakatwid,
ginagabayan ng dayakronik na lapit, metodo, pagtingin, at perspektiba, ang pangangalap, pagtatalakay,
pagpoproseso, at pag-uuri ng kaalaman at/o karunungan na may kinalaman sa PP sa Filipinas bilang isang bansa
at pambansang wika, midyum ng pagtuturo, at opisyal na wika ng mga nasyonal na komunidad sa iba’t ibang
lugar sa mundo.
Matutugaygayan sa ganitong pagpapakasakit na hindi lang pagkakaiba at pagkakatulad ng mga patern sa
pagtrato ng mga problema sa wika ng mauunlad nang bansa, kundi lalong higit ng mga papaunlad pang bansa
na kinabibilangan ng Filipinas. Totoo ngang magagamit sa pagtalakay ng pambansang pagpaplanong pangwika
ang komparatibo at dayakronik na developmental na yugto at proseso ng PP sa konteksto ng pambansang
pagsulong at karanasan ng mga pambansang komunidad.
3. Deskriptibong Pagpaplanong Pangwika

Ang isa pang sab-erya ng PP ay ang deskriptibong pagpaplanong pangwika. Sapagkat nakatuon ito sa
iba’t ibang institusyon, kilusan, organisasyon, gawain, at ideolohiya ng mga institusyonal na Pagpaplanong
Pangwika. Sa sab-eryang ito, mahalaga ang paghimay, pagsusuri, at pagtataya sa watak-watak at sabog-sabog
na kaalamang may kinalaman sa wika batay sa praktis ng institusyon.
Mahalagang maipakita dito hindi lamang ang korelasyon ng mga datos na ilingguwistik, semi-lingguwistik at
ekstra-lingguwistik sa isa’t isa bilang kabuuan para sa institutional coherence, kundi ang korelasyon ng mga ito
sa iba pang variable sa loob ng institusyon: ideolohikal, kultural, sikolohikal, atbp., at maging sa institusyonal
na impra-estruktura at milyu, sa proseso at praktis. Dumarami rin ang ganitong tunguhin sa pag-aaral sa level na
teoretikal, applied, empirical. Kaugnay nito, matagal nang nasimulan ito. Kabilang dito ang mga ginawa ni
Ramos (1974), Atienza (1996), Catacataca, atbp.
4. Komparatibong Pagpaplanong Pangwika

*Ang KPP ay hindi lang magdedevelop ng komparatibong pagdulog sa PP kundi ang pagtuon sa
komparatibong pag-aaral at riserts.
*Maaaring may dalawang tuon dito:
a. ang inter-institusyonal na komparison
b. tawid bansang pag-aaral mula sa bibig ng komparativist na si Lydia Liwanag.

Kaugnay ng una, ang inter-institusyonal na pag-aaral, kabilang dito ang ginawa na nina Jovita Orara at Preciosa
Navarro. Sa pangalawa, kabilang ang mga pag-aaral nina Pamela Constantino at Liwanag. Bagama’t tinawag ni
Constantino na komparatibong pag-aaral ang kanyang pagsusuri sa mga PP sa Malaysia, Indonesia, at Filipinas,
halos ganito rin ang tawid-bansang pag-aaral ni Liwanag sa PP sa Hongkong, Brunie, at Filipinas. Ang esensiya
ng mga ganitong pag-aaral ay nasa rasyonal, lohikal, at siyentipikong paghimay batay sa komparatibong lapit
ng mga repetisyon. Baryasyon, at kontras ng mga PP sa mga bansang sangkot sa pag-aaral.
KURIKULAR NA KURSO AT ALOKASYON

Kurso sa Batsilyer
Sa batsilyer, iminumungkahing bigyan ng batayang kaalaman, teorya, at konsepto ang estudyante.
Kabilang dito ang depinisyon, uri, anyo, aspekto, hakbang, atbp. Samakatwid, dapat isa itong panimulang kurso
lamang sa PP. Kaparalel nito, samakatwid ang panimulang kurso sa Aralin sa Estrukturang Filipino, Pragmatik
na Filipino, Pagsasalin, atbp. Sa pagtalakay sa batayang kaalaman sa mga kursong ito, nagkaroon ng idea ang
mga estudyante sa AWDF. Mapapansing ang mga kaalaman ay may pokus, lohikal na coherence, ugnayan, at
integrasyon. Hindi sabog, hindi watak-watak na parang collage.
Kurso para sa Programang MA

Sa masteral na level nama’y malaking pakinabang siguro kung mauunawaan na ng estudyante ang PP sa
pamamagitan ng pagsuysoy sa mga yugto ng kasaysayan ng PP sa Filipinas. Sapagkat tinitingnan ang iba’t
ibang yugto ng PP simula sa panahon ng Kastila hanggang sa kasalukuyan, hindi lamang lalalim ang
dayakronik na pagkaunawa sa mga historikal na pagsulong ng PP sa Filipinas kundi makikita at mapag-aaralan
din nila ang mahahalagang konsepto ng PP sa konteksto ng lipunan at kultura ng Filipino at sa pambansang
pagsulong.
Mahalaga na malalim ang pagkagagap nito sapagkat mula rito uusbong ang pananaw sa mundo, perspektiba, at
oryentasyon ng mga mag-aaral sa mga kurso at sa disiplina mismo. Ang ganitong world-view, oryentasyon, at
perspektib ang magsisilbing durungawan at/o grid sa pag-aaral, pagsusuri, at pagtaya sa mga kaalaman sa PP sa
TPP at IPP habang sila ay nagpapakadalubhasa sa panahong nasa PhD Filipino.

Kurso para sa Programa sa PhD

Sa PhD level, kung saan ganap nang nagpapakadalubhasa ang mga estudyante, marapat na malangoy ng
mga ito nang buong lawak at lalim hindi lang ang Aralin sa Pagpaplanong Pangwikang Filipino na objeck ng
APP kundi maging ang transnasyonal at internasyonal na konsern din. Dapat harapin at maging malinaw sa
kaniya hindi lang ang teoretikal na pagtingin dito at ang mga praktis mismo sa larangang ito, i.e., institusyonal
at rehiyonal, kundi maging ang mga pagdulog, metodo sa pagtrato, at pagproseso ng mga karunungan,
kaalaman at mga datos sa paraang historikal/deskriptibo at komparatibo.
Adyenda sa Riserts para sa Aralin sa Pagpaplanong Pangwika

Batay sa papel na ito, magiging madali ang pag-aaral, pagtuturo at pagdidisenyo ng adyenda para sa
riserts, napagkasunduan ng mga may-akda na uriin sa tatlo ang riserts at publikasyon:

(1) Indibidwal
(2) panggrupo
(3) pangdepartamentong pananaliksik

Hindi lang nakatuon ito sa macro at micro, kundi sa teoretikal, applied, at empirical na riserts.
Kaugnay ng departamental na riserts, magsasagawa ang grupo ng PP ng bibliyograpiya o annotated na
bibliyograpiya ng lahat na nagawa na, nasulat at nalathala tungkol sa PP at/o may kinalaman dito ayon sa apat
na sab-erya ng APP. Ipinagpapatuloy din ang paghahanda ng teksbuk sa PP at pagsulat at paglalathala ng mga
artikulo ukol dito.
Riserts at Iskolarsyip sa Pagpaplanong Pangwika: Adyenda sa bagong Millenium

Ang PP ay isang gawaing kapwa akademiko at di-akademiko. Bilang akademikong gawain, nabibilang
ito sa larangan ng sosyolingguwistika na isang bagong larangan kompara sa lingguwistika. Ang
sosyolingguwistika ay akademikong tugon sa pangangailangang iugnay ang wika sa lipunan na hindi nagagawa
ng lingguwistika. Bilang di-akademikong larangan, humahanay ang pagpaplanong pangwika sa iba pang
pagpaplanong panlipunan (social planning) tungo sa kaunlarang pambansa.
Layunin ng PP:
Lutasin ang mga problemang pangwika at magpabago sa mga sitwasyon at kalagayang pangwika sa
pamamagitan ng mga mungkahing solusyon at manipulasyon tungo sa katutubong dominasyon at hegemonya.

Pananaliksik at Pag-aaral sa Pagpaplanong Pangwika

Sa larangan ng pananaliksik at pag-aaral, masasabing bata pa o nagsisimula pa lang ang interes sa


pagsusuri sa ginagawang mga pagpaplanong pangwika sa Filipinas. Iilang dekada pa lamang ang sumasakop sa
panahong may mga sistematikong pag-aaral sa larangang ito, ang mga pananaliksik at pag-aaral na ito ay nasa
anyo ng mga artikulo sa mga antolohiya, mga nailathala at di-nailathalang papel na binasa sa mga
kumperensiya, mga workshop at roundable discussion, mga tesis at disertasyon sa malalaking unibersidad gaya
ng UP, Ateneo, De La Salle, UST, FEU, Centro Escolar University, MLQU, at iba pa. Ang iba’y bahagi ng pag-
aaral na pang-edukasyon sa mga kolehiyo at edukasyon sa iba’t ibang unibersidad sa bansa.
Adyenda Para sa Bagong Milenyum

Di maikakailang may malaking pangangailangan sa riserts at mga pag-aaral sa larangan ng PP. Dahop sa
mga pag-aaral sa ganitong larangan. Bagama’t hindi na kailangang dumating o magkaroon ng ikatlo o bagong
milenyo para sa gawaing ito, isang malaking hamon ito sa mga Language planner, guro, mag-aaral, at maging
sa mga praktisyoner ng wika.
*Isang adyenda sa pananaliksik at pag-aaral ang kailangan upang masiguro hindi lamang ang pagpapalawak,
pagpapatatag at pagpapalalim ng PP bilang akademikong larangan kundi pati ang kahihinatnan at kinabukasan
ng ating mga katutubong wika na sa ayaw man o sa gusto ay masasama at matataboy sa agos ng mga
pagbabagong politikal, ekonomiko, kultural, at sosyal na dala ng puwersa ng global na daigdig at kaakibat
nitong globalisasyon.
*Ang hamon ng bagong milenyo ay nakatuon sa direksiyon ng pananaliksik sa mga larangan. Kailangang
mabigyan ng angkop at karapat-dapat na oryentasyon at tunguhin ang mga pananaliksik, ano, paano, para
kanino, at sino ang dapat gumawa nito. Dapat tugunan ang hamon ng angkop na kasagutan.

Kabuluhan at Kagalakan ng Pananaliksik

Ang interes sa pag-aaral at pananaliksik sa PP ay bunga ng pangangailangan ng mga sinakop na bansa


na igiit ang dominasyon ng katutubong wika sa gitna ng malakas at, sa kaso ng Filipinas, lumalakas na puwersa
ng wika ng mananakop sa kasalukuyan, at lalo pa, sa darating na milenyo. Lalong hihigpit ang paggigiit na ito
dahil sa ang mga inhinyero ng globalisasyon, ay nagpapalakas lalo sa wika nito, na sa kasamaang-palad ay wika
ng sumakop sa Filipinas noong siglo 19 at sa ngayo’y sumakop pa rin kung hindi man sa ekonomiya ay sa
isipan ng mga mamamayan.
Dahil dito mahalagang linawin sa mga mag-aaral, guro, mambabatas, mga grupo at organisasyon, mga
institusyong akademiko at panggobyerno, at maging sa mga praktisyoner ng wika, ang kahalagahang
mapayaman, mapaunlad, mapalago, mapalawak, at mapalalim ang pag-aaral ng wikang pambansa at mga
wikang katutubo para makakompetensiya sa wika ng globalisasyon at global na daigdig, sa mga gawain at
atensiyon sa sarili nating bansa. Ito rin ang magbibigay-kapangyarihan sa wika at sa mga gumagamit ng wika.
Ito ang adyenda sa hinaharap.
Mga Mungkahing Gabay sa Pagpili ng Paksa ng Pananaliksik sa PP sa Filipinas

1. Magpakita ng kagandahan at kakayahan sa wika na umaangkop sa mga pagbabagong panlipunan;

2. Sumuri sa kabuluhan at mahalagang papel ng wika/ mga wika sa lipunang Filipino;

3. Maglahad ng pangangailangang lumaganap at lumago ang wika/ mga wika;

4. Mag-ugnay sa wika/ mga wika sa iba’t ibang larangan/ kaisipan/ konsepto;


5. Sumuri sa mga impluwensiya at epekto ng mga ginawang pagpaplano sa inang wika sa mga gawaing
katutubo at wikang Pambansa;

6. Magsagawa ng ebalwasyon, rebyu, o pagsusuri ng mga pagsusuri sa PP at paglalahad ng bagong idea/


konsepto/ lapit/ rekomendasyon/ mungkahi, at ibpa. Ukol dito; at

7. Bumuo o tumungo sa pagbuo ng sariling teorya at lapit sa PP para sa Filipinas

Pagpaplanong Pangwika sa Edukasyon Karanasan ng Filipinas, Singapore, at Hongkong


ni Lydia P. Liwanag, Ph. D.

Interes sa Pagpaplanong Pangwika

Ayon kay Alisjanbana (1961 1ff), ang PP ay isang sinadyang paggabay sa development o pag-unlad ng
wika sa konteksto ng pagbabagong panlipunan, pangkultura, at panteknolohiya.

Interes sa PP sa Edukasyon

Sa kasalukuyan, Ang interes sa pagpaplanong pangwika ay nakasentro sa edukasyon kaugnay ng mga


pagpaplanong ekonomiko ng bansa.

Ang PP sa edukasyon ang siya namang magsasagawa ng pagbubuo ng mga kurikulum na siyang
lilinang sa pagkatuto at paggamit ng mga wika ng sektor ng populasyon na pinaglaanan nito.
Hindi tungkulin ng mga nasa sektor ng edukasyon na desisyonan ang de jure kung anong mga wika ang dapat
ituro sa isang konteksto;

Tungkulin ng mga nasa sektor ng edukasyon ay desisiyunan ang mga sumusunod:

a. Magtuturo ng wika o mga wika, Level ng edukasyon, Pangkat ng populasyon, Metodolohiya ng pagtuturo,
kagamitan, at ang gastos na kaugnay ng implementasyon ng patakaran sa wika at iba pa.

b. Humiling sa gobyerno ng mga inaakalang suporta para sa mga gawain nito sa implementasyon ng patakaran
sa wika
Tungkulin ng gobyerno:
*Bigyan ng suportang pinansyal o subaybayan ang sector ng edukasyon sa lawak ng pagpapatupad ng
patakaran, suliraning kinakaharap nito, pagbabago o pagreresiba sa patakaran kung kinakailangan.

Sa kasaysayan ng PP, ang suliranin ay nag-uugat sa hindi malinaw na pagkakaiba sa tungkulin ng


gobyerno at sector ng edukasyon. Sa pagsasagawa ng madaliang panahong programa sa patakaran sa wika sa
edukasyon nagiging layunin ng gobyerno ang mabilis na ekonomikong pag-unlad ng bansa at pagtatamo ng
mga kaalaman sa larangan ng siyensiya at teknolohiya. Isa ang Filipinas sa mga bansang ang ginamit na wika sa
edukasyon ay ang wika sa kolonisador (ingles) sa dahilang inaakala ng gobyerno na wala nang sapat na
panahon at kagamitan sa pagdevelop ng katutubong wika para sa pangangailangan nitong ekonomiko (Gonzales
1994,101).
Sa iba namang bansa tulad ng Malaysia at Indonesia, ginamit ng mga ito ang katutubong wika ng mga
mamamayan bilang wika ng edukasyon. Matatag ang nagging support ng gobyerno ng dalawang bansa sa
pagpapaunlad ng katutubong wika para sa pagkakaisa ng mga mamamayan at pagpapatatag ng kultura ng mga
bansa (Isman 1980,188).

Makikita rin sa kasalukuyan ang interes sa pagsasagawa ng mga pananaliksik na nauukol sa mga
pagpaplanong pangwika na nangyayari sa iba’t ibang bansa (cross-national studies) (Fishman, 1975, 212). Ang
ilan sa mga nagsagawa na ng pag-aaral sa mga pagpaplanong pangwika sa mga bansa (Alisjahbana 1960, De
Francis 1950, Haugen 1966, Heyd 1954, Kurman 1968) ay itinuturing na mahalagang konstribusyon sa larangan
ng PP.

Ngunit ayon kay Fishman (1975, 211) ang mga ito ay ginawa nang magkakahiwalay at may iba’t ibang
teoretikal na interes. Kailangan ang tawid-bansang (cross-national) pag-aaral na maghahambing sa mga
karanasan ng mga bansa na nauukol sa PP. Ang mga karanasang ito ang kakikikitaan ng mga hindi inaasahang
pagkakaiba at siyang magbibigay ng mahahalagang pananaw na makatutulong sa disiplina ng PP sa kalahatan
(Fishman 1974, 85).
Ang mga development sa Filipinas at Singapore at sa teritoryo ng Hongkong ay ginawan ng pag-aaral at
paghahambing kaugnay ng mga gawain sa PP sa edukasyon. Pare-pareho silang naging biktima ng
kolonisasyon- ang Singapore at Hongkong ng mga British, at ang Filipinas ng Kastila at Amerikano. Gayundin,
pare-pareho nilang ginamit na wika sa edukasyon ang wika ng mga kolonisador (British English) sa Singapore
at Hongkong at American English sa Filipinas, na hanggang ngayon ay may mahalagang papel na
ginagampanan bilang wika ng gobyerno at edukasyon.
Nakita rin ang pagkakatulad ng Filipinas, Singapore, at Hongkong sa pagnanais ng mga ito na gamitin bilang
wika ng edukasyon ang katutubong wika ng mga mamamayan (Filipino sa Filipinas, Mandarin sa Singapore, at
Cantonese sa Hongkong) layuning mapatatag ang sariling kultura.
Pagkakatulad at Pagkakaiba ng Filipinas, Singapore, at Hong Kong

Ang patakaran sa wika at edukasyon ay nagsimula pa noong mapasailalim ang mga ito sa mga dayuhang
mananakop.

Hong Kong:
Ang patakaran sa wika na edukasyong bilingguwal ay ipinatupad sa sekundarya. Ginawa ang ganito
upang patatagin muna ang kasanayan ng mga mag-aaral sa katutubong wika (Cantonese) at magkaroon ng
literasi sa wikang ito bago lumipat sa pangalawang wika (Ingles) sa kanilang pag-aaral sa sekundarya.
Naging suliranin sa mga nag-iimplementa ng patakaran ang ganitong kalagayan sa dahilang nabigla ang mga
mag-aaral sa paglipat mula sa kanilang katutubong wika patungo sa wika na pag-aaralan pa lamang na may
ibang istruktura kompara sa kanilang unang wika.

Nakita sa mga obserbasyon sa klase at sa mga pagsusulit na ang mga mag-aaral ay takot magsalita sa Ingles at
ang mga aralin ay isinasaulo nila kahit hindi nila ito naiintindihan. Maging ang mga kasanayan nila sa
Cantonese ay hindi napapaunlad dahil ang konsentrasyon ng pag-aaral ay sa Ingles. Tinatawag ito ni Lord
(1987, 20) na cultural eumuch na nagpapahiwatig na hindi marunong magpahayag ang mga mag-aaral sa Intsik
o sa Ingles.
Sa ngayon, muling sinusuri ng mga miyembro ng Education Commision (1994) ang patakaran sa wika sa
edukasyon at ang epekto nito sa pag-aaral ng mga estudyante sa Hong Kong.

Singapore:

Naging patakaran sa wika ang pagbibigay ng pantay-pantay na pagkakataon sa mga katutubong wika na
maging midyum ng pagtuturo sa mga paaralan kasama ng Ingles. Nagkaroon ng gradwal na pagbabago tungo sa
paggamit ng Ingles bilang pangunahing midyum ng pagtuturo sa lahat ng paaralan. Nangyari ito na hindi
itinakda o pinlano at nasa likuran ng “Hindi nakikitang plano” (invisible language planning) (pakir 1994) na ito
ang mga magulang, mga estudyante at mga propesyonal, kasama na ang mga guro.
Naging matagumpay sa mga paaralan ang pagtuturo ng Ingles, at sa kasalukuyan, hindi na pinag-uusapan ang
istatus ng Ingles kundi ang standard ng Ingles na dapat na linangin sa mga paaralan (Lam 1994).

Saq kabila nito, may nabubuong konsern sa parte ng gobyerno at mga magulang sa pagkakaroon ng
deteryorasyon sa kultura at pagpapahalagang Intsik dala ng pagbibigay-halaga sa pag-aaral ng Ingles.
Sa Filipinas:

Bagama’t malinaw ang itinakdang patakaran sa wika na nauukol sa paggamit ng dalawang wika, Ingles at
Filipino sa pagtuturo ng mga tiyak na asignatura, masasabing ang pagpapatupad niyo ay may kalabuan. Simula
pa noong 1974 hanggang sa kasalukuyan ay walang ginagawang pagbabago sa mga naunang plano gayong may
mga nakikitang problema sa mga paaralan. Katulad ng sa pagpapahayag at pag-unawa sa dalawang wika,
Filipino at Ingles. Ngunit higit na ikinabahala ng mga namumuno sa edukasyon ang pagbaba ng kalidad ng
Ingles ng mga mag-aaral na minsan ay isinisisi sa mismong patakaran sa wika.
Hindi nakikita ng mga nag-iimplementa ng patakaran na may matatawag ding invisible language planning na
nagyayari sa bansa tulad sa Singapore at ito ang masa at mga mag-aaral na nasa rural na lugar na unti-unting
nakikita ang gamit at kahalagahan ng Filipino sa pang-araw-araw ng buhay.

Makikita sa sumusunod na talahanayan ang pagbubuod sa mga pagkakatulad at pagkakaiba ng mga karanasan
ng Filipinas, Singapore, at Hong Kong sa PP sa edukasyon.

Pagkakatulad sa Karanasan at Pagpaplanong Pangwika sa Edukasyon ng Hong Kong, Singapore, at


Filipinas
Kalagayan at Gawain Filipinas Hong kong Singapore
1. Kolonyal na Kasaysayan Nasakop ng mga Kastila Nasakop ng mga British Nasakop ng mga
at Amerikano British
2. Wika ng gobyerno sa Banyaga (kastila at Banyaga (Ingles) Banyaga (Ingles)
Panahong Kolonyal Ingles)
3. Wika ng Edukasyon sa Banyaga (kastila at Banyaga (Ingles) Banyaga (Ingles)
Panahong Kolonyal Ingles)
4. Wika ng Edukasyon sa Banyaga (Ingles) at Banyaga (Ingles) at Banyaga (Ingles) at
Kasalukuyan katutubong wika katutubong wika katutubong wika
(Filipino) (Cantoneses) (Malay, Tamil, at
Intsik)
5. Pangkalahatang Patakaran Bilingguwal na Bilingguwal na Bilingguwal na
sa Wika sa Edukasyon Edukasyon (Ingles at Edukasyon (Ingles at Edukasyon (Ingles)
Filipino) Intsik) at isa sa katutubong
wika (Malay, Tamil,
at Intsik)
6. Ahensiya na nag- Departamento ng Departamento ng Ministri ng
iimplementa ng Patakaran sa Edukasyon, Kultura at Edukasyon Edukasyon
Wika sa Edukasyon Isport

Pagkakaiba sa Karanasan sa Pagpaplanong Pangwika sa Edukasyon ng Hong Kong, Singapore, at


Filipinas
Kalagayan at Gawain Filipinas Hong kong Singapore
1. Pinagbatayan ng Konstitusyong 1973 Official Language Ayon sa Republic of
Patakaran sa Wika at at 1987; Board of Ordinance (1974) na Singapore Independence
Wika sa Edukasyon National Education ipinasa ng gobyerno Act (1965) at sa mga
(Resolusyon Blg. 73- pahayag na mga
7s. 1973) namumuno sa Goberno
(mula sa Prime Minister at
iba pa
2. Pinanggalingan ng mga Board of National at Gobyerno at mga Walang permanenting
Panuntunan sa Komite sa miyembro ng Education ahensiya, tanging ang mga
Pagpapatupad ng Edukasyong Commission namumuno sa gobyerno
Patakaran sa Wika sa Bilingguwal ng ang nagbibigay ng mga
Edukasyon Departamento ng panuntunan
Edukasyon, Kultura at
Isport; Komisyon sa
Wikang Filipino
3. Patakaran sa Wika sa Paggamit ng Ingles at Paggamit ng Intsik sa Paggamit ng Inles at isa sa
Edukasyon Filipino bilang primary at dalawang wika katutubong wika (Malay,
wikang panturo sa (Ingles at Intsik) bilang Tamil, at Intsik) sa
mga tiyak na sabjek midyum sa sekondarya primary at sekondarya
mula elementarya
hanggang tersiyarya
4. Papel ng Gobyerno sa Kawalan ng suporta at May suporta ngunit Masigasig ang gobyerno
Pagpapatupad ng malinaw na walang malinaw na sa pagpapatupad ng
Patakaran sa Wika sa paninindigan sa parte patakaran sa pagpapatupadpatakaran sa wika sa
Edukasyon ng gobyerno at sa ng patakaran sa wika sa edukasyon kahit na
mga namumuno sa edukasyon. Tinawag itong walang tiyak na ahensiya
edukasyon laissez-faire na atityud na itinalaga ukol dito
5. Maga Ahensiya ng Komisyon sa Wikang Education Commission Walang permanenteng
Gobyerno na Tumutulong Filipino (dating ahensiya, tinutulungan ang
sa Pagpapatupad ng Linangan ng mga Ministri ng Edukasyon ng
Patakaran Wika sa Pilipinas) Institute of Education (IE)
Curriculum Development
Institute of Singapore
(CDIS) at Ministri ng
Kultura
6. Ebalwasyon ng Ginawa ng isang Ginawa ng isang pangkat Ginawa ng isang
Patakaran sa Wika sa pribadong ng mga dayuhang eksperto Education Study Team
Edukasyon organisasyon (Llewellyn, 1982) at (Goh 1979) at ministry ng
(linguistic Society of sinundan ng Education Edukasyon
the Philippines) sa Commission
pakikipag-ugnayan sa
Departamento ng
Edukasyon, Kultura
ar Isports; Philippine
Congressional
Commission on
Education

Batayan:

Constantino, Pamela. FILIPINO at Pagpaplanong Pangwika (IKALAWANG SOURCEBOOK NG SANGFIL)


15-29.

You might also like