You are on page 1of 4

Khiane Audrey P.

Gamet
Grade-12 St. Anthony the Abbot

ABSTRAK

Balauro, Arnel C., Castillo, Rolina B., Felizar, Joy Zerlaine S., Gonzaga, Aiza R.,
Moreno, Grace A., Omac, Glenn S., Pena, Romeo P. (2007). PANANAW NG MGA
PILING MAG-AARAL SA UP, PUP, AT PAU SA KURIKULUM NG PROGRAMANG
PANGKOLEHIYO NA MAY MALAKING KINALAMAN SA PAGPAPANATILI AT
PAGPAPAUNLAD NG WIKANG FILIPINO.

Ang kurikulum ay isang bagay na napakahalaga sa isang programang


pangkolehiyo. Ito ay nagsisilbing talaan ng mga kurso o asignatura at ang batayan at
gabay ng mga guro at mag-aaral sa institusyong pang-edukasyon. Sa pagpili ng
tatlong pangunahing pang-estadong unisbersidad sa Pilipinas tulad ng UP, PUP, at
PNU, ihahain sap ag-aaral na ito kung bakit napakalaki ng bahaging ginagampanan
ng kurikulum ng programang pangkolehiyo na may malaking kinalaman sa wikang
Filipino kaugnay sa pagpapanatili at papapaunlad ng wikang Filipino.

Ang pag-aaral na ito ay naglalayong sagutin ang sumusunod na mga


katanungan. Bakit pinili ng mga mag-aaral sa tatlong piling uninersidad ang kursong
may malaking kinalaman sa wikang Filipino? Ano-ano ang pananaw at kaalaman ng
mga mag-aaral sa tatlong piling unibersidad sa programang pangkolehiyo na may
malaking kinalaman sa wikang Filipino? Ano-ano ang pananaw at kaalaman ng mga
mag-aaral sa tatlong piling unibersidad sa kurikulum ng programang pangkolehiyo
na may malaking kinalaman sa wikang Filipino? Sa anong paraan tumutugon para
sa pangangailangan ng kasalukuyang panahon ang mga sumusunod: a.) layunin ng
programang pangkolehiyo na may malaking kinalaman sa wikang Filipino, b.) mga
kurso o asignatura na nakapaloob sa kurikulum ng programanf pangkolehiyo na
mahy malaking kinalaman sa wikang Filipino, Paano mauugnay ang kurikulum ng
programang pangkolehiyo sa tatlong piling unibersidad sa Pangkalahatang
Edukasyon na inihain ng CHED? Ano ang saloobin ng mag-aaral sa mga
preperensiyang pangwika kaugnay sa pagpapanatili at pagpapaunlad ng wikang
Filipino na maaaring ihain ng kurikulum ng programang pangkolehiyo na may
malaking kinalaman sa wikang Filipino?

Ang pag-aaral na ito ay kinasasangkutan ng mga piling mag-aaral na


kabuoang bilang na pitumpu’t lima (75) na kumukuha ng programang pangkolehiyo
na B.A Filipino, B.A Malikhaing Pagsulat, at B.A Araling Pilipino (UP); AB
Filipinolohiya (PUP); BSE Major in Filipino (PNU).

Sa pag-aaral na ito, ang mga mananaliksik ay gumamit ng deskriptibong


pamamaraan upang maipaliwanag at mailarawan ang kasalukuyang kurikulum ng
mga unibersidad na University of the Philippines (UP), Polytechnic University of the
Philippines (PUP), at Philippine Normal University (PNU). Upang maisagawa ang
pag-aaral, nagsagawa sila ng mga hakbang tulad ng pagsasagawa ng konsultasyon
sa iba't ibang silid-aklatan tulad ng Pambansang Aklatan, Ninoy Aquino Learning
Resource Center, at Silid-Aklatan ng Kolehiyo ng mga Wika at Linggwistika. Ginamit
din nila ang mga impormasyon mula sa mga websayt ng tatlong nabanggit na
unibersidad. Humingi rin ang mga mananaliksik ng pahintulot mula sa mga dekana
at tagapangulo ng mga programang pangkolehiyo sa tatlong unibersidad upang
makapag-sarbey ng 25 mag-aaral mula sa bawat unibersidad, na may kabuuang 75
respondente. Ang mga resulta ng kanilang survey ay naipaliwanag at nailarawan
nang maayos sa kanilang pag-aaral.

Pagkatapos ang pagsusuri ng mga datos, narito ang natuklasan ng mga


mananaliksik. Ang mga mag-aaral ngayon ay may malayaang kakayahan na pumili
ng kurso sa kolehiyo. Sa mga unibersidad tulad ng UP, PUP, at PNU, may malalim
na pananampalataya na ang mga programang pangkolehiyo tulad ng B.A. Filipino,
B.A. Malikhaing Pagsulat, B.A. Araling Pilipino sa UP; AB Filipinolohiya sa PUP; at
BSE major sa Filipino sa PNU ay magiging daan sa pag-usbong ng kamalayan
bilang mamamayang Pilipino. Ang mga programang ito ay nakatuon sa propesyon
ng pagiging guro at may layuning mapalaganap ang kaalaman sa wika. Sa kurikulum
ng mga nabanggit na programa, mahigpit na nakatuon sa intelektwal na pagkatuto at
pagmamahal sa wikang Filipino. Ang paggamit ng Filipino sa opisyal na
komunikasyon at ang pagtangkilik sa mga palatuntunan, babasahin, at sulating
pampanitikan sa Filipino ay mga paraan upang mapanatili at mapaunlad ang wikang
ito. Higit pa, ang pagsasalin sa Filipino ng banyagang sulatin at ang pagpapalimbag
ng aklat sa wikang Filipino ay makatutulong sa pagpapayaman ng sanggunian. Ang
paggamit ng wikang ito sa pagtatalumpati, sa pagpapahayag ng kuru-kuro at
saloobin, at sa pakikiisa sa mga kilusan para sa wikang Filipino ay mga
mahahalagang hakbang sa pagpapalaganap at pagpapabuti ng wikang Filipino. Sa
pangkalahatan, ang aktibong pakikiisa ng mga mamamayan sa mga paraan tulad ng
pag-aaral, panonood, pakikinig, pagsasalita, pagsusulat, at pagsasalin ng wika ay
mahalagang hakbang upang lalo pang mapanatili at mapaunlad ang wikang Filipino.

Batay sa ginawang pag-aaral, narito ang mga nabuong konklusyon. Ang mga
programang pangkolehiyo na may malalim na kaugnayan sa wikang Filipino ay
nagpapakita ng pagmamahal at kagustuhan ng mga mag-aaral sa wika at kultura ng
Pilipinas. Ito'y naglalaro ng mahalagang papel sa pagpapalaganap at
pagpapahalaga sa wikang Filipino, nagtuturo hindi lamang ng teknikal na aspeto ng
wika, kundi pati na rin ng kahalagahan nito sa kanilang pagkakakilanlan bilang
Pilipino. Sa mga gawaing pang-unibersidad, ito'y nagbibigay daan sa aktibong
paggamit ng wikang Filipino, mula sa panonood ng palabas at pagbabasa ng mga
aklat hanggang sa pagsusulat ng mga sulating pampanitikan. Bukod dito, ang
paggamit nito sa mga kilos-protesta at sa mga aktibidad sa aspetong sosyal ay
nagpapakita ng malalim na pagtangkilik at pag-unawa sa kahalagahan ng wika sa
lipunan. Sa kabuuan, ang mga programang ito ay nagiging daan para sa
pagpapalaganap ng kaalaman, pag-unlad ng kultura, at pagsusulong ng kamalayan
sa wika at pagkakakilanlan bilang Pilipino. Ipinapakita nito na ang wikang Filipino ay
hindi lamang isang asignaturang akademiko kundi bahagi na rin ng pang-araw-araw
na buhay at pagkakakilanlan ng mga mag-aaral.

Iminungkahi naman ng mga mananaliksik ang mga sumusunod na


rekomendasyon. Mahalaga na ang mga Pilipinong mag-aaral ay kumuha ng kursong
ayon sa kanilang interes upang mapabuti ang kanilang sarili. Dapat ituloy ang pag-
aalok ng mga asignatura na makakatulong sa pagpapalawak ng kaalaman ng mga
mag-aaral, lalo na sa wikang Filipino. Kailangan patatagin ang layunin at
kahalagahan ng pag-aaral ng wikang Filipino. Kailangan palaganapin ang mga
pamamaraan at preference sa wikang Filipino. Dapat ituring ng mga mag-aaral na
mahalaga ang mga gawain na may kinalaman sa wikang Filipino. Kinakailangang
itaguyod ng mga kolehiyo ang pag-unlad ng wikang Filipino sa iba't ibang larangan
ng edukasyon. Ang mga ahensya sa edukasyon at wika ay dapat maging matulungin
sa pagpapanatili at pagpapaunlad ng wikang Filipino. Ang mga programa na may
kaugnayan sa wikang Filipino ay dapat makatugon sa kasalukuyang
pangangailangan ng panahon. Ngayon ang tamang pagkakataon para dagdagan
ang mga programa na may kinalaman sa wikang Filipino sa antas kolehiyo. Ang mga
mananaliksik ay bukas sa mga dagdag na pag-aaral na makakatulong sa
pagpapahusay ng kanilang pananaliksik.

You might also like