You are on page 1of 2

Balauro, Arnel C., Castillo Rolina B., Fellizar Joy Zerlaine S., Gonzaga Aiza R.

,
Moreno Grace A., Omac Oliver Glenn S., Pena Romeo P., (2007). PANANAW NG MGA
PILING MAG-AARAL SA UP, PUP, AT PNU SA KURIKULUMBNG PROGRAMANG
PANGKOLEHIYO NA MAY MALAKING KINALAMAN SA PAGPAPANATILI AT
PAGPAPAUNLAD NG WIKANG FILIPINO.

Ang kurikulum ay isang bagay na napakahalaga sa isang programang


pangkolehiyo. Ito ay nagsisilbing talaan ng mga kurso o asignatura at ang batayan at
gabay ng mga guro at mag-aaral sa institusyong pang-edukasyon. Sa pagpili ng tatlong
pangunahing pang-estadong unibersidad sa Pilipinas tulad ng UP, PUP, at PNU,
ihahain sa pag-aaral na ito kung bakit napakalaki ng bahaging ginagampanan ng
kurikulum ng programang pangkolehiyo na may malaking kinalaman sa wikang Filipino
kaugnay sa pagpapanatili at pagpapaunlad ng wikang Filipino.

Ang pag-aaral na ito ay naglalayong sagutin ang sumusunod na mga


katanungan. Una, bakit pinili ng mga mag-aaral sa tatlong piling unibersidad ang
kursong may malaking kinalaman sa wikang Filipino? Ikalawa, ano-ano ang mga
pananaw at kaalaman ng mga mag-aaral sa tatlong piling unibersidad sa programang
pangkolehiyo na may malaking kinalaman sa wikang Filipino? Ikatlo, ano-ano ang mga
pananaw at kaalaman ng mga mag-aaral sa tatlong piling unibersidad sa kurikulum ng
programang pangkolehiyo na may malaking kinalaman sa wikang Filipino? Ikaapat, sa
anong paraan tumutugon para sa pangangailangan ng kasalukuyang panahon ang
sumusunod: layunin ng programang pangkolehiyo na may malaking kinalaman sa
wikang Filipino at mga kurso o asignatura na nakapaloob sa kurikulum ng programang
pangkolehiyo na may malaking kinalaman sa wikang Filipino. Ikalima, paano umuugnay
ang kurikulum ng programang pangkolehiyo sa tatlong piling unibersidad sa
Pangkalahatang Edukasyon na inihain ng CHED? Ikaanim, ano ang saloobin ng mag-
aaral sa mga preperensiyang pangwika kaugnay sa pagpapanatili at pagpapaunlad ng
wikang Filipino na maaaring ihain ng kurikulum ng programang pangkolehiyo na may
malaking kinalaman sa wikang Filipino?

Ang pag-aaral na ito ay kinasasangkutan ng mga piling mag-aaral na may


kabuoang bilang na pitumpu't lima (75) na kumukuha ng programang pangkolehiyo na
B.A. Filipino, B.A. amalikhaing Pagsulat, at B.A. Araling Pilipino (UP); AB Filipinolohiya
(PUP); BSE Major in Filipino (PNU).

Ang mga mananaliksik ay gumagamit ng deskriptibong pamamaraan. Nagamit


ang pamamaraang ito sapagkat inilarawan ang kasalukuyang ginagamit na kurikulum
ng UP, PUP, at PNU. Upang maisakatuparan ang pag-aaral na ito ay kumonsulta ang
mga mananaliksik sa iba't ibang silid- aklatan gaya sa Pambansang-Aklatan, Ninoy
Aquino Learning Resource Center, at Silid-Aklatan ng Kolehiyo ng mga Wika at
Linggwistika upang makapangalap ng mahalagang datos na may kaugnayan sa pag-
aaral. Kumuha rin ng mahalagang impormasyon sa website ng tatlong piling pang-
estadong unibersidad. Humingi ng pahintulot sa pamamagitan ng pormal na liham ang
mga mananaliksik sa dekana at tagapangulo na nakasasakop sa mga nabanggit na
programang pangkolehiyo upang mapahintulutan na makapagsarbey sa ilang piling
mag-aaral na may bilang na dalawampu't lima (25) sa bawat unibersidad. May
kabuoang pitumpu't limang (75) binahaginan ng talatanungan ng mga mananaliksik at
maayos na ipinaliwanag ang nilalaman nito sa mag-aaral

Matapos ang pagsusuri ng mga datos nabatid ng mga mananaliksik na malaya


ang mga mag-aaral ngayon na kumuha ng kursong kanilang kukunin pagtuntong nila sa
kolehiyo. Malaki ang tiwala ng mga mag-aaral mula sa UP, PUP, at PNU na
magsisilbing daan ang programang pangkolehiyo na BA Filipino. BA Malikhaing
Pagsulat, at BA Araling Pilipino sa UP; AB Filipinolohiya sa PUP; at BSE major sa
Filipino sa PNU sa pag-papaangat sa mga paaralan at ng mga guro.

Sa wikang Filipino nakasentro ang mga nakasaad na programang pangkolehiyo.


Ang paggamit ng wikang Filipino sa ulat at korespondensiya opisyal ay isa sa mabisang
paraan upang lalo pang mapanatili at mapaunlad ang wikang Filipino. At ang
intelektuwal na pagkatuto ang higit na inihahain ng mga asignatura na nakapaloob sa
kurikulum ng programang pangkolehiyo na BA Filipino, BA Malikhaing Pagsulat at BA
Araling Pilipino sa UP; AB Filipinolohiya sa PUP; at BSE major sa Filipino sa PNU. At
ang pagtangkilik at paggamit ng mga palatuntunang Filipino ay isang mabisang paraan
upang mapanatili at mapaunlad ang wikang Filipino.

You might also like