You are on page 1of 6

ABSTRAK

PASCAL
PANGALAWANG PANGKAT 12 -
INTRODUKSYON

Ang kurikulum ay napakahalaga sa programang pangkolehiyo. Inihain sa


tatlong pangunahing pang-estadong unibersidad, ang Philippine Normal
University (PNU), University of the Philippines (UP), at Polytechnic
University of the Philippines (PUP), kung bakit napakalaki ng
ginampanan ng kurikulum na may bahid ng wikang Filipino sa
pagpapanatili at pagpapaunlad nito.
METODOLOHIYA

Deskriptibong pamamaraan ang ginamit sa paglalarawan sa kurikulum


ng PNU, UP, at PUP. Nangalap ng datos sa pamamagitan ng
pagkonsulta sa mga silid-aklatan at pagsangguni sa website ng mga
nasabing unibersidad. Ang pahintulot sa pagsasagawa ng sarbey– sa
25 piling mag-aaral mula sa bawat unibersidad– ay nakuha gamit ang
pormal na liham. Sa kabuoan, 75 mag-aaral ang naging bahagi ng
pananaliksik.
RESULTA

Natuklasan sa pananaliksik na ang mga programang pangkolehiyong


nabanggit ay kaakibat sa pag-aangat sa kamalayan bilang tunay na
mamamayang Pilipino. Sa aspeto ng wikang Filipino, itinuturing silang
naghahasik ng kaalaman, nagpapayabong ng pamamaraan sa
pagpapaunlad, at nagpapanatili sa bansa. Maraming pamamaraan
upang pagyamanin ang wikang Filipino; pag-uulat, pagbabasa, panonood,
pagsusulat, pagsasalin, at paglilimbag gamit ang iba’t ibang midyum; at
pakikiisa sa mga kilusang may kaugnayan dito.
KONGKLUSYON
Bilang konklusyon: (1) Pinili ng mga mag-aaral ang kurikulum ayon sa
ninanais, (2) Naniniwala silang magiging dalubhasa sila sa wikang
Filipino dahil sa kurikulum, (3) Sa wika nakasentro ang mga
programang pangkolehiyo dahil marami ang tumugon nito, (4) Ang mga
estudyante ay patuloy sa pagtulong sa pagpapaunlad ng Wikang
Filipino, at (5) Ang panonood at pakikinig ng mga balita sa wikang
Filipino ay mga paraan upang mapaunlad ito sa aspetong sosyal.
SALAM A T SA
PAKIKIN IG

You might also like