You are on page 1of 8

MODYUL 4

Ang wikang Filipino sa labas ng Pilipinas

1.0 Mga Layunin

1. Makita ang pag-unlad ng wikang Filipino sa loob at labas ng bansa.


2. Makabuo ng global na pananaw hinggil sa pagsusulong ng wikang Filipino.
3. Masukat ang lawak ng wikang Filipino.

2.0 Paksa ng Pag-aaral

Nasaan na ang wikang Filipino?


*Artikulong sinaliksik ni Michelle Catudio sa paggabay ni Christian George Francisco.

Ang papel na ito ay tumatalakay sa kasalukuyang sitwasyon ng mga ahensya at


institusyon na mayroong programang Filipino sa labas ng Pilipinas. Pangunahing
layunin ng pag-aaral na ito ang tukuyin at suriin ang mga programang Filipino sa
Malaysia, Brunei, Japan, Korea, Singapore, Estados Unidos at Paris. Tatalakayin rin sa
papel na ito ang iba’t ibang layunin at kasaysayan hanggang sa kasalukuyang estado ng
mga ahensya at institusyon ng mga nabanggit na bansa.

Natuklasan sa pag-aaral na ito na bagama’t maraming suliranin ang patuloy na


kinakaharap ng mga programa ay mayroong namang pagyabong ang mga programang
Filipino sa labas ng bansa. Ito ay makikita sa pagtaas ng bilang ng mga ahensya at
institusyong nagbibigay ng nasabing programa at patuloy na pagtaas ng bilang ng mga
di- Filipinong mag-aaral na kumukuha ng mga programang Filipino.

Batay sa naging pag-aaral ng Philippine Statistics Authority, lumabas sa pagsisiyasat na


isinagawa noong 2015 na mayroong karagdagang 2,447 Overseas Filipino Workers na
nagmula sa iba’t ibang panig ng bansa na maidaragdag sa lumulobong populasyon ng
mga Filipino sa iba’t ibang panig ng daigdig. Malaki ang bilang ng mga Filipinong
nagtatrabaho sa mga bansang Hong Kong at Saudi Arabia na may karaniwang trabaho
na shop o market sales workers at laborers and unskilled workers (PSA, 2015).

Kaugnay nito, mataas ang bilang ng mga Pilipinong mula sa CALABARZON at NCR na
wikang Tagalog ang ginagamit sa pakikipag-ugnayan sa lipunan (PSA, 2015).
Mababakas sa mga nakuhang datos na patuloy ang pag-usbong ng mga Filipino sa labas
ng bansang Pilipinas ngunit ang mga wikang kanilang kinagisnan ay ‘di nagagamit sa
lugar na kanilang pinagtatrabahuan. Taliwas ito sa pag-unlad ng wikang Filipino na
nangangailangan ng mahabang panahon bago maabot ang estado ng pagkagulang nito
(Almario, 1997).

Sa nakaraang CSB International Conference, maraming lingguwista mula sa iba’t ibang


panig ng mundo ang dumalo upang talakayin ang wikang Filipino bilang wikang global.
Batay sa kasaysayan ng mga wikang global, ang mga wikang Arabic, Chinese, Greek,
French, German, Latin, Persian, Russian, Sanskrit at Spanish ang mga maituturing na
wikang global at intelektuwalisado base na rin sa bilang mga mananalita nito sa iba’t
ibang panig ng daigdig (Cruz, 2012).

Batay sa mga kilalang manunulat tulad nina Mabanglo, Almario at Corosa, maaaring
ituring na wikang global na rin ang wikang Filipino dahil sa malaking bilang mga
Filipino sa iba’t ibang panig ng daigdig na may dalang kultura at wikang Filipino. Batay
sa estadistikang isinagawa noong 2003, humigit-kumulang 10,238,614 ang bilang mga
Overseas Filipino Workers. Malaki ang bilang ng mga Filipino sa Estados Unidos,
3,146,840; Saudi Arabia, 1,020, 000; United Arab Emirates, 700,000; at Canada,
662,600.

Ngunit kung susuriin, di sapat ang malaking bilang ng mga Filipino sa labas ng bansa
kung ang buhay ng mga ito sa trabaho at lipunang ginagalawan sa labas ng Pilipinas ay
di nangangailangan ng kabihasaan sa wikang Filipino. Ito’y batay na rin sa mga
naunang datos na naipresenta kaugnay ng mga pagsisiyasat ng Philippine Statistics
Authority noong 2015. Gayundin naman, lubos na kakaunti ang mga naging pag-aaral
upang masuri nang mas malaliman ang pag-unlad ng wikang Filipino sa iba’t ibang
bansa.

Bibigyang-pokus sa papel na ito ang kalagayan ng wikang Filipino sa labas ng Pilipinas.


Pangunahing layunin ng papel na ito na: (1) makalap ang mga institusyon at ahensiya na
mayroong programang Filipino sa labas ng Pilipinas; (2) malaman ang layunin at
kasaysayang pag-unlad ng bawat programa; (3) matukoy ang mga suliraning
kinakaharap ng bawat ahensya at institusyon na nagtataguyod ng programang Filipino;
at (4) malaman ang kasalukuyang estado ng mga programang Filipino sa labas ng
Pilipinas.

Ang pag-aaral na ito ay magsisilbing gabay sa mga: (1) institusyon at ahensiyang patuloy
na nagbibigay ng programang Filipino sa labas ng bansa; (2) institusyon at ahensiyang
nasa loob ng Pilipinas na nakikipag-ugnayan sa mga ahensiya at institusyong nasa iba’t
ibang panig ng daigdig; (3) intitusyon at ahensiyang nagnanais na bumuo ng isang
programang pangwikang Filipino sa labas ng Filipinas.

Sa huli, ang mananaliksik ng pag-aaral na ito ay nagnanais na makapag-ambag sa


pagyabong ng programang Filipino sa labas ng Pilipinas na bahagi ng mga hakbang
patungo sa maunlad at intelektuwalisadong wikang Filipino.

Nakabatay ang balangkas ng pag-aaral na ito sa pananaliksik na isinagawa ng University


of Hawaii sa Manoa, “Review of Provisional Academic Programs to Established Status”,
taong 2012. Ang mga hakbang ay ang mga sumusunod: (a) koleskyon ng mga programa,
(b)layunin ng programa; (c) kasaysayan ng mga programa; (d) hamon sa mga programa;
(e) kasalukuyang kalagayan ng mga programa; at (f) rekomendasyon sa programa.
Upang maging sistematiko ang pagtatalakay sa kasaysayang pag-unlad ng mga
programang nakalap, una ay kailangang tukuyin ang mga institusyon o ahensiya na
mayroong programang Filipino. Kasunod nito ay ang pagtukoy sa mga layunin ng
programa at institusyong kinapapalooban nito. Mahalaga ang hakbang na ito dahil ito
ang magdidikta kung matagumpay ang programa. Matapos nito ay ang pagtalakay sa
kasaysayan ng pag-unlad ng mga programang Filipino upang malaman ang pinagmulan
at ugat ng layunin. Kaalinsabay ng pag-unlad ay ang mga hamon at suliranin kinaharap
o kinakaharap ng mga ahensiya at programang Filipino nang mapagkaiba o mapagtulad
ang mga iba pang programa sa ibang bansa. Matutukoy gamit ang hakbang na ito kung
may pagkakatulad na suliranin ang mga iba’t ibang ahensiya sa labas ng bansa. Batay sa
kasaysayan at hamon ng programa, masusuri ang kasalukuyang estado ng mga
programang Filipino sa ibang bansa. At huli, pagtalakay sa maaaring isagawa upang
mapayabong pa ang mga programang Filipino na isasaad sa huling bahagi ng papel na
ito.

Ang mga datos na nakalap tungkol sa mga programang Filipino sa labas ng Pilipinas ay
susuriin batay sa layunin, kasaysayang pag-unlad, mga hamon at suliranin upang
malaman ang kasalukuyang estado ng mga ito.

Mga Institusyon at Ahensiya na Mayroong Programang Filipino sa Labas ng Pilipinas

Talahanayan 1. Mga Piling Programang Filipino sa Labas ng Pilipinas

Bansa Ahensiya/ Layunin Estado


Institusyon
Malaysia University of Malaya Makasunod sa mga pagtaas sa mga kumuha ng
alituntunin upang kursong BahasaFilipino. Ito’y
makapag-aral ang mga mula sa 45 noong 2001 at patuloy
batang ipinanganak sa na tumaas hanggang 2008 na
Malaysia na nais makapag- mayroong 145 na magaaral ng
aral sa loob ng Pilipinas. kursong nabanggit. Sa kabila
nang pagtaas, ang DSAS
Makasuporta sa inatas na (Department of Southeast Asian
karagdagang asignatura sa Studies) ay patuloy humaharap sa
kurikulum na Southeast mga hamon sa pagtuturo ng
Asian Studies. wikang Filipino sa Malaysia. Ito
ay ang mga sumusunod na isyu:
ang paggamit ng wikang Ingles sa
pagtuturo, kakulangan sa
materyales tulad ng diksyunaryo
sa Malay- Filipino o
FilipinoMalay at mga
sangguniang aklat, at labis na
pagkakahawig ng wikang Filipino
sa Malay.
Singapore Lingo Language Maturuan ang mga hindi Tinatag ang programa noong
School mananalita ng wikang 2004 na nagbibigay ng
Filipino na nagnanais na programang pangwika kasama na
matuto nito gamit ang ang wikang Tagalog.
mataas na pamantayan sa
pagtuturo.
Japan Osaka University Magamit ang wikang Batay kay Naonori Nagaya, isa sa
of Foreign Studies Filipino at maunawaan ang mga guro ng Filipino Studies sa
lipunan at kultura sa Osaka University Foreign Studies,
Pilipinas. binuksan ang programa noong
Abril 1992. Mula sa humigit-
kumulang 50 na aplikante ay
pumipili lamang sila ng 15 upang
makakuha ng programa. Ang
hamon na nakikita niya sa
pagtuturo ng Filipino ay
nakapaloob sa lingguwistikong
aspekto kung saan lubos na naiiba
ang wikang Filipino sa Nihonggo.
Ayon kay Nagaya, kadalasang
nagsisimula sa pandiwa ang mga
pahayag sa Filipino kaiba sa
Nihonggo na kadalasang
nagtatapos sa pandiwa ang mga
pahayag. Kaugnay nito ang
pagiging komplikado ng struktura
ng wikang Filipino tulad ng
maraming panlaping kinakabit sa
salita at pag-uulit. Sa kabila nito,
ang kanilang mga magaaral ay
nanatiling interesado upang
pagaralan ang wikang Filipino.
Korea Philippine Embassy Maturuan ang mga Korean- Ika-14 ng Hunyo ng 2014,
in Seoul, South Korea Filipino na natutuhan at pinasinayaan ang proyektong
pahalagahan ang wika at “Wika nga! Filipino Language
kulturang Filipino gamit Classes for Filipino Korean
ang wika ng kanilang bansa Children”. Naglalayon ang
bilang wikang panturo ng programang ito na makapagturo
araling Filipino. ng 20 Korean-Filipino na
makapagsalita ng wikang Filipino
at pahalagahan ito tungo sa
pagiging multikulturismo ng
Korea. Ngunit ang programang
ito ay kritikal sapagkat maraming
Filipinong ina na nakabase sa
Korea ang wala sa posisyon upang
magbigay ng Filipinong identidad
sa kanilang tahanan (Rodrico
Atienza, Embassy’s Education
Officer)
Brunei University of Brunei Makasunod sa mga Pinasinayaan ang pagtuturo ng
Darussalam alituntunin upang wikang Filipino sa UBD dekada
makapag-aral ang mga ang nakararaan. Nagsilbing tulay
batang ipinanganak sa ang atas na isama sa kurikulum
Malaysia na nais makapag- ang Asean Languages kasama na
aral sa loob ng Filipinas. ang wikang Filipino bilang
pagsuporta sa Southeast Asian
Studies. Mayroong 70 kumuha ng
programang Filipino noong 2010
at umakyat pa sa 106 na mag-
aaral ang kumuha ng programa
makalipas lamang ang isang taon
(Jubilado, 2008). Batay sa naging
pag-aaral ni Adeva na “Filipino
Language Teaching and Testing
for Beginners: The Malaysia and
Brunei Experience” na
mapanghamon ngunit nakawiwili
ang pagtuturo ng wikang Filipino.
Gayunpaman, may
pangangailangan sa materyales
tulad teksbuk na nababagay sa
mga mag-aaral ng bansang
Brunei.
Estados University of Matutuhan ang wika at Batay sa pag-aaral ni Mabanglo
Unidos California at kulturang Filipino ng wika (1997), nitong nakaraang dekada
University of at kultura ng mga mag- sa Amerika sumibol ang mga
Hawaii aaral na may mga magulang pangkat ng mga magaarala sa
at ninunong Filipino Filipino. Gamit ang pagsisiyasat,
(Mabanglo, 1997) natuklasan na lumalaki ang
bilang mga gurong nagtuturo ng
wikang Filipino sa Estados
Unidos partikular na ang
California at Hawaii. Sa California
may Filipino sa UC Berkeley, UC
Los Angeles, UC Hayward, at San
Francisco State University.
Samantalang sa Hawaii ay may
Filipino ang University of Hawaii
sa Manoa, Leeward Cmmunity
College, Kapiolani Community
College, at Honolulu Community
College (Mabanglo, 1997) Sa
palagay ni Mabanglo, upang
umunlad ang wikang Filipino ay
kailangan matugunan ang
sumusunod sa salik: ang
propesyonalismo ng mga guro at
insentibo sa pagbubuo ng mga
material sa pagtuturo.
Paris Unibersidad ng Paris Magturo ng mga Ang Institut National des Langues
- INALCO kontemporanyong wikang et Civilisations Orientales
pansilangan (INALCO) o Institusyong
(Pottier, 1997) Pambansa para sa mga Wika at
Kabihasnang Pansilangan
noong1971. Ayon kay Pottier, may
81 wikang itinuturo sa kanilang
unibersidad. Ito ang tanging
pamantasang mayroong ganito
karaming wikang tinuturo. Ang
Filipino, Bisaya-Cebuano at
Ilokano ay sinimulang ituro
noong 1965. Noong 1980, tanging
sa Unibersidad lamang
makukuha ang Araling Filipino.
Sa panahong ito, tinatayang 800
na ang mga mag-aaral na kumuha
ng programa. Kaugnay nito, may
mga suliraning tinukoy si Pottier
(1997) patungkol sa pagtuturo ng
Filipino, ito ay ang mga
sumusunod: Ano ang dapat
itawag sa pambansang wika?;
Pagwawalang bahala sa diin;
Nararapat bang magkaroon ng
isang kasunduan hinggil sa
pangunahing talasalitaang dapat
ituro habang isinasaalangalang
ang dalawang nananatiling
pangkat: purista at
kontemporanyo? Mula rito ay
nagbigay ng mungkahi si Pottier
na tutugon sa pangangailangan o
suliranin sa pagtuturo ng wikang
Filipino na makikita kanyang
akda na nakapaloob sa Daluyan,
1997.

Ang estado ng mga programang Filipino sa labas ng Pilipinas ay nakasalalay sa mga


Filipino at di-Filipinong nagnanais na matutuhan ang wika at kulturang Pilipino. Malaki
ang epekto ng migrasyong nagaganap sa nakalipas na dekada dahil sa mga nagtatrabaho
sa labas ng Filipinas. Ang pamumuhay ng mga Filipino sa ibang bansa ay isa sa mga
dahilan kung bakit patuloy na may mga di-Filipinong nagkakaroon ng interes upang
matutuhan ang wikang Filipino. Kaugnay nito, ang pagkakaroon ng ASEAN ay nagbigay
daan upang magbukas ng mga programang Filipino ang mga pangunahing unibersidad
sa Malaysia, Brunei, Japan, Korea, at Singapore. Batay sa mga datos na nakalap
nananatiling masigla ang mga programang Filipino sa labas ng bansang Filipinas lalo na
sa mga bansa tulad Estados Unidos na may mataas na bilang ng mga Filipino o
American Filipino ngunit sa kabila nito ay may mga suliranin at hamon ang iba’t-ibang
ahensiya at institusyon sa aspekto ng mga sumusunod: (1) ang istruktura ng wikang
Filipino ay lubos na naiiba at komplikado; (2) ang materyales at diksyunaryo ay limitado
at kakaunti; at (3) ang mga unibersidad sa loob ng Filipinas na may ugnayan sa ibang
ahensiya at pamatasan sa labas ng bansa ay kakaunti. Gayunman, ang iba’t ibang
ahensya sa labas ng Filipinas ay patuloy na nangangalap ng mga materyales sa
pagtuturo katulad ng University of Malaysia at University of Brunei Darussalam na
gumawa ng proyekto upang makapaglathala ng teksbuk para sa pagsulat gamit ang
wikang Filipino. Maidaragdag pa ang aktibong partisipasyon ng Osaka University at
mga unibersidad na may programang Southeast Asian Studies sa mga gawaing
pangwika ng Unibersidad ng Pilipinas, De La Salle University at iba pang malalaking
unibersidad sa loob ng Filipinas.

Samakatuwid, ang papel na ito ay magsisilbing gabay sa mga mananaliksik na


nagnanais malaman ang kalagayan ng wikang Filipino sa iba’t ibang bansa at sa mga
institusyong nagnanais na magsimula ng programang Filipino sa labas ng Filipinas.

Sa huli, ang aktibong ugnayan ng pamahalaang Filipinas sa mga programang Filipino sa


labas ng Filipinas ay mahalagang sangkap upang mapaunlad at mapayabong ang mga
nasabing programa na magbibigay daan sa pagiging wikang intelektuwalisado at wikang
global ng Filipinas.

Mga Reperensiya:
Adeva. (2008). Filipino Language Teaching and Testing for Beginners: The Malaysian
and Brunei Experience.
Almario et al. (1997). Daluyan. BAPLL. (2012). Review of Provisional Academic
Program to Established Status.
Fraenkel, J. & Wallen, N. (1994). How to Design and Evaluate Research in Education.
Manila: National.
Jubilado. (2008). The Filipino Language in the Malaysian Linguistic Space.
Manueli et al. (2012). Filipino as Global Language.
Philippine Statistics Authority. (2015). Distribution of Overseas Filipino Workers by
Major Occupation Group, Sex and Area; Distribution of Overseas Filipino Workers by
Place of Work and Sex; and Distribution of Overseas Filipino Workers by Sex and
Region.

3.0 Gawain

Panuto: Sagutin ang mga sumusunod na tanong:

1. Patunayan: Matagumpay bang maituturing ang kasalukuyang estado ng wikang


Filipino sa labas ng Pilipinas?
_______________________________________________________
_______________________________________________________
_______________________________________________________
_______________________________________________________
_______________________________________________________
_______________________________________________________

2. Magbigay ng mga institutsyon o ahensya sa labas ng Pilipinas na may


pinakamahusay na programa sa araling Filipino. Magbigay ng mga ebidensya.
_______________________________________________________
_______________________________________________________
_______________________________________________________
_______________________________________________________
_______________________________________________________
_______________________________________________________

3. Bilang mag-aaral ng kursong pang-marino, ano ang maitutulong mo upang higit


na mapaigting ang pag-aaral ng wikang Filipino sa labas ng bansa?
_______________________________________________________
_______________________________________________________
_______________________________________________________
_______________________________________________________
_______________________________________________________
_______________________________________________________

4. Kung ikaw ay bibigyang ng pagkakaton na makapagdisenyo ng programang


Filipino, ano ang lalamanin nito at saang bansa mo ito nais palaganapin?
_______________________________________________________
_______________________________________________________
_______________________________________________________
_______________________________________________________
_______________________________________________________
_______________________________________________________

5. May nappansin ka bang kahinaan samga programang Filipino na ipinapatupad sa


ibang bansa? Ano-ano ito at paano mo nasabing kahinaan ang mga ito?
_______________________________________________________
_______________________________________________________
_______________________________________________________
_______________________________________________________
_______________________________________________________
_______________________________________________________

You might also like