You are on page 1of 11

“ANG POSITIBO AT NEGATIBONG MGA EPEKTO NG PAGGAMIT NG WIKANG

FILIPINO BILANG WIKANG PANTURO SA MGA SENIOR HIGH SCHOOL SA BAYAN

NG TALAVERA, NUEVA ECIJA”

KABANATA I

1.1 PANIMULA

Ang wikang Filipino ay ang pambansang wika at isa sa mga

opisyal na wika ng Pilipinas ayon sa Saligang Batas ng 1987.

Noong 2007, ang wikang Filipino ay ang unang wika 28 milyon na

tao, o mahigit kumulang isangkatlo ng populasyon ng Pilipinas.

Ayon sa Komisyon sa Wikang Filipino, ang wikang Filipino ay "ang

katutubong wika, pasalita at pasulat, sa Kalakhang Maynila, ang

Pambansang Punong Rehiyon, at sa iba pang sentrong urban sa

arkipelago, na ginagamit bilang wika ng komunikasyon ng mga

etnikong grupo." Kagaya ng nasabi sa itaas ang kadalasang

gingagamit sa pag-sasalita at pag-sulat ng mga Pilipino at ang

wikang Filipino. Ang wikang Filipino ay ang kinagisnan o

kinalakihan na wika ng bawat isa sa atin, ito rin ang kadalasang

ginagamit bilang midyum ng pagtuturo ngunit hindi natin nalalaman

na may mga positibo at negatibong mga epekto ito.

Ayon kay Gng.Desiree Reyno "sa pagagamit ng wika, mahahasa

ang pundasyon ng mga salita na siyang magagamit sa pag-unawa sa

maraming bagay tungkol sa ating mga Pilipino." Ayon nga sa

nasabing pahayag may mga mabuting nadudulot ang paggamit ng


wikang Filipino bilang panturo ilan lamang ito sa mga epekto.

Nakalahad naman sa pag-aaral ni Florentino T. Timbreza na

mayroong apat na maling pagkukuro, pag-aakala o mga pala-palagay

hinggil sa paggamit ng Filipino sa pagtuturo, "Una, pabayaan

munang umunlad ang Filipino bago ito gamitin. Pangalawa, marami

pang kakulangan ang wikang pambansa kung kaya't hindi pa maaari

na gamitin pangturo. Pangatlo, maraming salitang Ingles na walang

katumbas sa wikang Filipino at pang-apat, kulang pa ng mga

batayang-aklat sa Filipino kung kaya't nahihirapan ang mga guro

at mga mag-aaral." Kagaya nga ng nasabi ito ay mga kuro-kuro

lamang sa paggamit ng wikang Filipino sa pagtuturo ngunit ito

parin ang mga opinyon na nakatanim sa isip ng karamihan. Maraming

bagay ang tatalakayin sa pag-aaral na ito nang sa gayon magkaroon

ng kaalaman ang bawat isa sa mga maaring sanhi ng pagkakaroon ng

iba't ibang epekyo ng paggamit ng wikang Filipino. Tulad nga ng

mga halimbawa sa itaas ang wikang Filipino ay talaga nga namang

laganap na sa katunayan nga ito na ang nagiging unang wika ng

bawat Filipino.
1.2 KALIGIRANG PANGKASAYSAYAN

Mahalaga ang wika sapagkat ito ang midyum ng

pakikipagtalastasan o komunikasyon. Atin itong ginagamit upang

mas maging malinaw at epektibo nating maipahayag ang ating

damdamin at kaisipan at bukod dito, ang wika rin ay sumasalamin

sa ating kultura at pagkakakilanlan. Ang paksa ng pananaliksik ay

“ang positibo at negatibong mga epekto ng paggamit ng wikang

Filipino bilang wikang panturo sa mga Senior High School sa bayan

ng Talavera, Nueva Ecija”. Matatalakay dito ang mga suliranin ng

mga mag-aaral sa pang-unawa o pag-intindi sa paggamit ng wikang

Filipino bilang wikang panturo.

Sa pag-aaral na ito ay ninanais ng mananaliksik na matukoy

ang mga positibo at negatibong mga epekto ng paggamit ng wikang

Filipino bilang wikang panturo. Layunin nito na maipaalam sa

lahat ang mga positibo at negatibong nadudulot ng paggamit ng

wikang Filipino sa pagtuturo, nang sa gayon malaman ng bawat isa

ang kahalagahan ng patuloy na paggamit ng wikang Filipino bilang

panturo. Nais din ng mananaliksik na malaman ang mga saloobin ng

mga mag-aaral at guro ukol sa pananaliksik na ito nang sa gayon

maka-isip ng maaring solusyon para sa mga negatibong mga epekto.

Para naman sa mga positibong epekto ito ay ninanais na mapalawak


at maparami pa nang sa gayon lalong umunlad ang paggamit ng

wikang Filipino.

1.3 PAGPAPAHAYAG NG SULIRANIN

Nais ng mananaliksik na magkaroon ng kasagutan ang mga sumusunod:

1. Ano ang mga positibo at negatibong epekto ng paggamit ng

wikang filipino bilang wikang panturo?

2. Paano makakatulong ang pag-aaral na ito sa mga mag-aaral at

guro?

3. Bakit mahalaga na malaman ang mga positibo at negatibong

mga epekto ng paggamit ng wikang Filipino bilang wikang

panturo?

4. Paano nakakatulong ang pag-gamit ng wikang Filipino bilang

panturo sa mga magaaral at guro?

5. Ano ang maaaring solusyon upang maiwasan ang mga

negatibong epekto ng paggamit ng wikang Filipino bilang

wikang panturo sa mga mag-aaral?


1.4 HAYPOTESIS

1. Ano ang mga Pagsasagawa ng Mapapalawakang

positibo at pananaliksik at kaalaman ng bawat

negatibong talatungan isa sa wikang

epekto ng Filipino,

paggamit ng mapapadali ang

wikang pagtuturo at

filipino pagkakaintindihan

bilang wikang ng bawat isa ngunit

panturo? hindi mabibigyang

pansin ang iba pang

mga lenggwahe.

1. Paano Pagsasagawa ng Makadadagdag ng

makakatulong pananaliksik, panibagong kaalaman

ang pag-aaral talatungan at at makakatulong sa

na ito sa mga pagkakaroon ng mga susunod na

mag-aaral at obserbasyon mananaliksik.

guro?

2. Bakit mahalaga Pagsasagawa ng Upang mas lalo pang


na malaman ang pananaliksik at gamitin at

mga positibo talatungan paunlarin ang

at negatibong wikang Filipino at

mga epekto ng mahadlangan na rin

paggamit ng ang mga negatibong

wikang epekto nito.

Filipino

bilang wikang

panturo?

3. Paano Pagsasagawa ng Mas mapapadali at

nakakatulong pananaliksik, mapapabilis ang

ang pag-gamit palatungan at mgagagawing pag-

ng wikang pagkakaroon ng aaral at

Filipino ocserbasyon magkakaroon ng lalo

bilang panturo pang pagkatuto.

sa mga

magaaral at

guro?

4. Ano ang Pagsasagawa ng Pag-iwas sa

maaaring pananaliksik at paggamit nmg

solusyon upang palatungan ibangmga

maiwasan ang lenggwaheatmaslalon

mga negatibong g pagtuunan ng


epekto ng pansinang

paggamit ng pagpapayaman sa

wikang wikang Filipino.

Filipino

bilang wikang

panturo sa mga

mag-aaral?
1.5 KAHALAGAHAN NG PAG-AARAL

Sa paggamit ng wikang Filipino bilang wikang panturo

kaakibat nito ang pagkakaroon ng iba't-ibang epekto sa mga mag-

aaral at guro. Sa pag-aaral na ito ay tatalakayin ang mga

positibo at negatibong mga epekto ng paggamit ng wikang Filipino

bilang wikang panturo nang sa gayon magkaroon ang bawat isa ng

kaalaman ukol dito, sa pagkakaroon ng sapat ng kaalaman ay mas

mapapadali ang pag-iisip ng maaaring solusyon at mas mapapadali

rin ang pagkakaroon ng pagkakainitidihan sa pagitan ng guro at

mga mag-aaral. Makakatulong ang pag-aaral na ito sa mga guro,

mag-aaral at sa mga susunod pang mananaliksik sa pag-bibigay ng

karagdagang kaalaman at impormasyon ukol sa paggamit ng wikang

Filipino bilang wikang panturo. Ito rin ay magbibigay kamalayan

sa mga mag-aaral at guro sa positibong mga epekto nang sa gayon

maging madalas na ang paggamit ng wikang Filipino para sa lalong

pag-unlad nito.
1.6 SAKLAW AT LIMITASYON NG PAG-AARAL

Sa pananaliksik na ito ay tatalakayin ang mga iba't-ibang

epekto ng paggamit ng wikang Filipino bilang wikang panturo sa

mga Senior High School sa bayan ng Talavera, Nueva Ecija.

Nasasaklaw nito ang pag_aaral sa mga maaring kagandahang dulot ng

paggamit ng wikang Filipino bilang midyum ng pagtuturo. Tutuyukin

sa pag-aaral na ito ang mga positibo at negatibong mga epekto ng

paggamit ng wikang Filipino bilang wikang panturo sa mga mag-

aaral at kung paano ito nakakaapekto sa mga gionagawang pag-

aaral.
1.7 KATUTURAN NG MGA SALITA

 Wikang Filipino - ay ang pambansang wika at isa sa

mga opisyal na wika ng Pilipinas

 Midyum - tumutukoy ito sa daluyan o daanan ng inihahatid na

mensahe

 Urban - ay isang pook kung saan may matataas na gusali at

may ibang ibang uri ng sasakyan at may mga makabagong

teknolohiya

You might also like