You are on page 1of 1

Ang Babaeng Naging Kaibigan ng Isang Engkantada

(Sa pagsasalaysay ni Teodorico Escobido ng Surigao del Norte)

Isang araw, nan gang tiya ni Mang Doric ay patungong bayan upang mamili, may
nakasabay siyang isang babaeng nagpanggap na kapitbahay niya. Nagulumihanan ang nabanggit
na tiya dahil bago sa paningin niya ang mukha ng babae.
Mula noon, malimit na silang nagkakasabay papuntang palengke. Sa kalaunan, nakilala
ng tiya ni Mang Doric ang tunay na pagkatao ng babae. Siya pala’y isang engkantadang nakatira
sa Lauban, sa dulong bahagi ng Sta. Cruz.
Ang dalawa ay naging matalik na magkaibigan. Kaya, paminsan-minsan sumasama ang
tiya ni Mang Doric sa bahay ng engkantada at gayundin ang ginagawa ng huli. Paminsan-
minsan, isinasama pa ng engkantada angkanyang mga anak upang makipaglaro sa mga anak ng
kaibigan niya, ngunit hindi sila maaaring Makita ng kailang kalaro.
Isang araw, nagsabi ang engkantada na ang kanyang ama ay luluwas ng maynila upang
ipagbili ang mga Cacao. Sasakay ang kanyang ama sa bapor na pag-aari nila. Ayon pa sa kanya,
marami silang tanim na Cacao sa may likod ng bundok, sa Lauban.
Ang pagbibiyahe ng engkantado ay naganap sa loob ng isang araw.Kinabukasan
nakabalik na siya sa Sta. Cruz, Loreto.
Umabot ng isang taon ang pagiging magkaibigan ng dalawa. Sa panahong ito,
inumpisahan nang ikuwento ng tiya ni Mang Doric sa kanayang bana, ina at mga kanayon ang
ukol sa pakikipagkaibigan niya sa isang engkantada.
Mula noon, hindi nakipagkita sa kanya ang engkantada. Kaya naisipan niyang kusang
puntahan ito subalit hindi niya Makita ang daan patungo sa bahay nito. Ayon sa tiya ni Mang
Doric, malasiyudad daw ang lugar na kinatitirikan ng bahay ng engkantada, subalit ngayon
kasukalan na ang dating lugar na malimit niyang puntahan noon.

You might also like