You are on page 1of 27

KAKAYAHANG

PANGKOMUNIKATIBO NG
MGA PILIPINO
ANO BA ANG IBIG SABIHIN NG
KAKAYAHANG
PANGKOMUNIKATIBO?
Ito ay sumasaklaw sa kasanayan
nakatuon sa mga tuntunin at dapat
iasal sa paggamit ng wika
• Ang kakayahang komunikatibo ay
nagmula kay Dr. Hymes na
nilinangnila ng kasamahan niyang si
John J.Gumperz ang konseptong ito
bilang reaksiyon sa kakayahang
lingguwistika (linguisticcompetence)
na ipinikilala namanni Noam
Chomsky noong 1965.
Ayon sa orihinal na ideya ni Hymes, ang
nag sasalita ng wika ay hindi lang dapat
magkaroon ng kakayahang
lingguwistika o gramatikal upang
epektibong makipagtalastasan gamit ang
wika.
Sa pagtamo ng kakayahang
pangkomunikatibo, kailangang pantay
naisaalang- alang ang pagtalakay sa
mensaheng nakapaloob sa teksto at sa
porma o kayarian (gramatika) ng wikang
ginagamit sa teksto (Higgs at Clifford
1992).
Ayon kay Dell Hymes (1972), isang
lingguwista at antropologo, hindi lamang
dapat sinasaklaw ng kasanayan ang
pagiging tama ng pagkakabuo ng mga
pangungusap, kundi ang pagiging angkop
ng mga ito, depende sa sitwasyon.
Naniniwala naman si Dr. Fe Otanes
(2002), na ang paglinang sa wika ay
nakapokus sa kapakinabang idudulot nito
sa mag-aaral, na matutuhan ang wika
upang makapaghanapbuhay, makipamuhay
sa kanilangkapwa, at mapahalagahan nang
lubusan ang kagandahan ng buhay sa
kanyang ginagalawan.
•Ang kakayahang pangkomunikatibo ay
sumasakop sa mas malawak na konsteksto
nglipunan at kultura. Ito’y wikang
ginagamit at hindi lang basta wika at mga
tuntunin nito (Shuy2009).
•Bilang isang lingguwistika, binigyan diin
ni Dr.Hymes sa kanyang mga katrabaho
ang pag-uugnay ng kultura sa wika.
Sa kasalukuyan, ang pananaw na ito ay
tanggap at ginamit na sa pag- aaral ng
wika sa iba’t-ibang panig ng mundo
kasama na ang ating bansa.
Mga dapat alamin ng tao:
•tamang ayos ng sasabhin
•Dapat sabihin
•Dapat pag-usapan
•Kanino lamang pwedeng sabihin
•Saan sasabihin
•Paano sasabihin
Kakayahang Komunikatibo
Sa pagtuturo at pagkatuto ng wika, hindi sapat na matutuhan lang ang
mgatuntuning panggramatika. Ang pangunahing layunin sa pagtuturo ng
wika ay magamit ito nang wasto samga angkop na sitwasyon upang
(1.)maging maayos ang komunikasyon,
(2.)maipahatid ang tamang mensahe,
(3.)magkaunawaan nang lubos ang dalawang taong nag-uusap.
Kapag umabot na rito, masasabing ang taong ito ay nagtataglay ng
kakayahang komunikatibo at hindi lang basta kakayahang lingguwistiko
ogramatikal kaya naman maituturing na isang mabisang komyunikeytor.
Ang isang taong may kakayahan sawika
ay dapat magtaglay hindi lang ng
kaalaman tungkol dito kundi ng
kahusayan, kasanayan, at galing
sapaggamit ng wikang naaangkop samga
sitwasyong pangkomunikatibo (bagaric,
et. Al. 2007).
KAKAYAHANG
LINGGUWISTIKO
-Ito ay ang natural na kaalaman ng tao sa sistema
ng kaniyang wika, dahilan kaya nagagamit niya
ito nangtama at mabisa ayon kay Chomsky
Ito rin ang pundasyon ng kaniyang generative
grammar-generate na nangangahulugang “
lumikha” , “ bumuo” o “magbigay” at grammar o
ang “ sistema ng isang wika”.
KAKAYAHANG
LINGGUWISTIKO
Noam Chomsky – naniniwala na isinilang ang tao na may
Language Acquisition Device o LAD na responsible sanatural
na paggamit ng wika
LAD – dahil dito nagagawa ng taong masagap ang wika,
maiitindihan at magamit ito at matiyak na tama ang ayos nito
upang madaling maintindihan
Savignon (1997)
Sa kanyang pagpapaliwanag, ang kakayahang
gramatikal, sa kanyang pinakarestriktibong
kahulugan ayon
sapaggamit ni Chomsky (1965) at iba pangestr
ukturalistang lingguwistika, ay tinatawag ding
kakayahang linggwistik
KAKAYAHANG
LINGGWISTIKOO
GRAMATIKAL
Tumutukoy ito , kung gayon sa anyong gramatikal
ng wika sa lebel ng pangungusap. Nahahanay
rito ang kakayahang umunawa sa mga
morpolohikal, ponolohikal at sintaktik na
katangian ng wika at kakayahang magamitang
mga ito.
PONOLOHIKAL - ay tumutukoy sa
pamilyaridad sa tunog ng wika
MORPOLOHIKAL – ay napabibilang sa
kakayahan sa pagbuo ng mga salita sa
pamamagitan ng mga iba’t-ibang proseso na
ipinahintulotsa isang partikular na wika
SINTAKTIK - tumutukoy sa kakayahan ng
isang indibidwal na makabuo ng mga
makabuluhang pahayag mula sa pag-uugnay sa
mga salita na nakabubuo ng mga parirala, mga
sugnay at mga pangungusap.
2 MAHALAGANG URI
NGPONEMA SA FILIPINO
1.PONEMANG SEGMENTAL- ito ay
tumutukoy sa indibiwal na tunog ng
wikang Filipino. Ang mga tunog na ito
ay narerepresenta ng mga simbolong
penemiko na halos katud din ng titik
Mga Ponemang Segmental:
1. Mga Patinig sa Filipino
2. Mga Katinig sa Filipino
3. Diptonggo sa Filipino
4. Mga Digrapo sa Filipino
5. Mga Klaster sa Filipino
6. Mga Pares Minimal
Mga Ponemang Segmental:
1. Mga Patinig sa Filipino- may limang patinig ang Filipino/a,e,i,o,u / \
2.Mga Katinig sa Filipino- may labinsiyam na katinig sa
Filipino / b, d, f, g, h, k, l, m, m, nň, p, r, s, t, v, w , y, z/
3.Diptonggo sa Filipino- mga tunog na nabubuo sapamamagitan ng pag-
uugnay ng mga patinig at malapatinigna /w/ at / y/.
Ang sikwens ng mga tunog na ito ay tinatawag nadiptonggo. /aw/,
/iw/, /ey/, /iy/, /oy/, /uy/ (bahay at baliw)
4. Mga Digrapo sa Filipino- ay sikwens
ng dalawangkatinig ngunit may iisang
tunog lamang. Sa Filipino kadalasang
maririnig ang mga digrapo sa
mgasalitang hiram, ngunit maging
sa mga taal na salita aymaririnig na rin
ito dahil sa proseso ng simplikasyon

hal. /ts/: tseke /sh/ : shabu


5. Mga Klaster sa Filipino – magkasunod na
katinig sa isang pantig at naririnig pa rin ang
isang indibidwal na ponemang katinig
/pw,py, pr, pl, te, ty, tr, te, kw,ky, kr, kl,bw, by,
br,bl, dw, dy, gw, gy, gr, gl, mw, my, nw, ny, lw, ly,
rw,ry, sw, hw, hy, wt, wn, wl, yp, yt, yk, yb, yd,
ym, yn, ys, rt, rk, rd, rn, rs, lb,ls, sk, ks/
(Santiago ,2003) hal. Prito, troso, twalya
6. Mga Pares Minimal- ang
paghihiwalay ng mga salita na magkaiba
ngkahulugan ngunit magkapareho ang
kaligiran maliban sa isang ponema./ p/
at /b/ , /t/ at /d/ , /k/at /g/
Ponemang Suprasegmental
1. Haba (length) - ito ay tumutukoy sa haba
ngbigkas sa patinig (a, e, i, o, u ) ng isang pantig.
Maaaring gumamit ng simbolong tuldok (. ) parasa
pagkilala sa haba. Halimbawa:
1. bu.kas - nangangahulugang susunod na araw
2. bukas - hindi sarado
2.Tono (pitch) - ito ay tumutukoy sa pagbaba at
salakas ng bigkas ng pantig. Nagpalilinaw ngmensahe
o intensyong nais ipabatid sa kausap,tulad ng pag-
awit, sa pagsasalita ay may mababa,katamtaman at
mataas na tono.Maaaring gamitin ang bilang
1 sa mababa, bilang 2sa katamtaman at bilang 3 sa
mataas. Halimbawa:
1. Kahapon - 213 (pag-aalinlangan / pagtatanong)
2. Kahapon - 231 (pagpapatibay)
3. Antala (juncture) - tumutukoy ito sa
pansamantalang pagtigil ng ating
ginagawa sa pagsasalita upang higit
namaging malinaw ang mensahe. Maaring
gumamit ng simbolo kuwit ( , ), dalawang
guhitna pahilis ( // ), o gitling( - )
Halimbawa:
1. Hindi, siya si Pedro
2. Hindi siya si Pedro.
4.Diin (stress o emphasis) - ang lakas o bigat
sa pagbigkas ng isang salita o pantig ay
makakatulong sa pag unawa sa kahalagahan
ng mga salita.
Maaring gamitin sa pagkilala ng pantig
na may diinang malaking titik.
Halimbawa:
1.BU:hay - kapalaran ng tao
2. bu:HAY - humihinga pa

You might also like