You are on page 1of 15

Republika ng Pilipinas

PAMPAMAHALAANG KOLEHIYO NG ZAMBOANGA SA PANGMARINONG


AGHAM AT TEKNOLOHIYA
Kolehiyo ng Malayang Sining
Fort Pilar, Lungsod ng Zamboanga

Kaalaman sa wika

varyasyon

wika sa lipunan

linggwistika at sosyolohiya ng wika

Batayang Kaalaman sa Wika

Ayon kina Espina at Borja (1999:1), ang wika ay isang


mahalagang kasangkapan upang maipahayag ng tao ang
kanyang damdamin at kaisipan.

Ano nga ba ang wika? Bakit ito’y totoong napakakomplikado


at tunay na may kapangyarihan?

Ang mga dalubhasa ay may iba’t ibang pakahulugan sa


wika.

Ayon kay Edward Sapir, ang wika ay isang likas at


makataong pamamaraan ng paghahatid ng mga kaisipan,
damdain at mithiin.

Si Carroll (1964) ay nagpapahayag na ang wika ay


isang sistema ng mga sagisag na binubuo at tinatanggap ng
lipunan.
Ayon kay Todd (1987) ang wika ay isang set o kabuuan
ng mga sagisag na ginagamit sa komunikasyon. Ang wikang
ginagamit ng tao ay hindi lamang binibigkas na tunog kundi
ito’y sinusulat din. Ang mga tunog at sagisag na ito ay
arbitraryo at sistematiko.

Ayon din kay Archibald A. Hill sa kanyang papel


na What is Language? Ang wika raw ay ang pangunahin at
pinakaelaboreyt na anyo ng simbolikong gawaing pantao.

Kaalamang Pangwika

Kapag ang dalawang tao o


higit pa ay nakipagtalastasan sa
isa’t isa matatawag ang
sistemang ginamit nila bilang
code. Mahalaga ding bigyan ng
pasin na ang dalawang taong
nagsasalita na bilingual, ay may
kakayanang gamitin ang
dalawang code kung saan
maaari niya itong paghaluin
habang nag-uusap sila sa
pamamagitan ng code switching
na kung tutuusin ay maituturing
na third code.

Ang pananaw ni Chomsky sa gramatika ng wika o grammar of


language ay siyang pinakasinusundan ng karamihang linggwista.
Itinuturing siyang pinakamaimpluwensya sa linggwistika sa nakalipas
na kalahating siglo.
“Sinuman na
nakaaalam sa wika ay
higit na nakaaalam sa
wikang iyon kaysa sa
mga nasa aklat na
naglalayong ilarawan
ang wika”
-Wardhaugh (2010)
Ang Mahalaga at Hindi Mahalaga sa Wika at Kaugaliang
Pangwika

1. Mahalaga (important)- ang mga mahalaga ay ang


learnability ng lahat ng wika , ang katangian na kanilang
ibinabahagi, ang mga tuntunin at prinsipyong ginagamit ng
mga nagsasalita sa pagbubuo at pagpapakahulugan sa mga
pangungusap.

2. Hindi Mahalaga (unimportant)- ito ay napatutungkol naman


sa kung paano gamitin ng tao ang pagbigkas sa maraming
baryasyon o paraan.

Ang I-Language at E-Language ni Chomsky

 Tungkulin ng isang linggwista na bigyang-pokus ang I-


language (Internalized Language) dahil ito ay sitemang
pangkaisipan na naglalarawan ng lawak ng kakayahang
panglinggwistika na kadalasang inirerepresenta ng isip
ng indibidwal.

 Samantala, ang E-language (Externalized Language) ay


bahagi ng panlabas na mundo… amorphous/walang
hugis…hindi isang sistema…hindi sistematiko.
Nangangahulugan at maaaring sabihin na ito ay hindi
gaanong mahalaga sa maka-agham na pagsisiyasat.

 Tinukoy ni Chomsky and kaibahan ng kaniyang


sinasabing kasanayan (competence) at pagganap
(performance).

CHOMSKY (1965)- ang teoryang panglinggwistika ay nakasalig


sa kaisipang tagapagsalita-tagapakinig, sa isang kumpletong
homogenous speech-community, na nakaaalam sa kaniyang
wika at hindi naaapektuhan ng mga kondisyong tulad ng
limitasyon sa kaisipan, mga kaguluhan sa isip, pagbabago ng
tuon ng atensyon at interes, at mga pagkakamali sa paglalapat
ng kaniyang kaisipan sa wika sa aktwal na pagganap/paggamit.
Ayon kay Labov-ang pinakamaimpluwensyang tao sa
sosyolinggwistika sa nakalipas na 40 taon ay nagsabing “

“Ang kaugaliang
panglinggwistika ng indibidwal
ay hindi mauunawaan kung
walang kaalaman sa uri ng
lipunang kinabibilangan nila”

Varyason ng Wika

Baryasyon

Isang larangan ng sosyolinggwistika na pinagtutuunan


ngayon ng mga pag-aaral at pananaliksik ang tungkol sa
varayti at varyasyon ng wika.

Nagbigay ang mga teoristang neo-klasikal (Tollefson, 1991)


ng tîpolohiya ng mga pangkat-wika batay sa mga katangiang
istruktural ng mga varayti ng wika sa degri ng
pagkamultilinggwal at sa gamit ng mga varyasyong ito
(Kelman, 1971; Fishman, 1968; Kloso, 1968).

Nakabatay ang pagkakaroon ng varayti at varyasyon ng wika


sa paniniwala ng mga linggwist ng pagiging heterogeneous o
pagkakaiba-iba ng wika (Saussure, 1916) at “hindi kailanman
pagkakatulad o uniformidad ng anumang wika”, ayon kay
Bloomfield (1918).

Maiuugnay ang Teorya ni Babel (Genesis 11:1-9) sa


mga pag-aaral kung bakit may baryason ang wika kung saan
siasabing naging labis na mapagmataas at mapagmalaki ang
mga tao at sa paghahangad ng lakas at kapangyarihan, sila
ay nagkaisang magtayo ng toreng aabot hanggang langit.
Pinarusahan sila ng Diyos sa pamamagitan ng pagbibigay sa
kanila ng iba’t ibang wika. Dahil hindi nagkakaintindihan,
natigil ang pagtatatayo ng babel.

Homogeneous Na Wika

“Homogeneous”. Mula sa isang pang-uri na salita na ang


ibig sabihin ay pare-pareho o pagkakatulad.
Ang Homogeneous ay pagkakatulad ng mga salita, ngunit
dahil sa paraan ng pagbabaybay at intonasyon o aksent sa
pagbibigkas ito ay nagkakaroon ng ibang kahulugan.

Heterogenous

 Ang heterogeneous ay isang pang-uri na salita. Mula sa


salitang heterous (magkaiba) at genos (uri/lahi) nabuo ang
heterogeneous. Ito ay nauuri ang mga wika sa ibat ibang
baryasyon o barayti. May mga aspetong sumasaklaw sa
pagkakaiba- iba nito, gaya ng heograpiya, kasarian, edad,
grupo, antas ng pamumuhay at uri ng sosyodad na
ginagalawan ng nagsasalita.

 Maihahanay din sa Heterogenous ang mga salitang di pormal at


mga naimbento lamang ng mga ibat- ibang grupo sa ating
lipunan. Ito ay mga salitang ginagamit sa iba’t-ibang
pamamaraan at istilo pero ang kahulugan ay iisa din lamang.
Andiyan ang mga salitang nabuo sa mga kalye o mga pabalbal
na uri ng mga salita.

 Gaya ng tinatawag na gay linggo o salita ng mga bakla, ang


tawag nila sa ama nila ay fudra o fader, mudra, maderaka o
mama naman sa kanilang ina. Magkakaibang bansag,
magkakaibang baybay, magkakaibang tunog ngunit iisa rin ang
ibig sabihin, ina at ama.

 Ang Homogeneous ay pagkakatulad ng mga salita, ngunit dahil


sa paraan ng pagbabaybay at intonasyon o aksent sa
pagbibigkas ito ay nagkakaroon ng ibang kahulugan.

 Sa Heterogenous naman ay nauuri ang mga wika sa ibat ibang


baryasyon o barayti. May mga aspetong sumasaklaw sa
pagkakaiba- iba nito, gaya ng heograpiya, kasarian, edad,
grupo, antas ng pamumuhay at uri ng sosyodad na
ginagalawan ng nagsasalita.

 Dayalek/Dayalekto – ito ang barayti ng wikang ginagamit sa


isang pangkat ng mga tao mula sa isang partikular na lugar
tulad ng lalawigan, rehiyon at bayan. Ang barayti ng wikang
nalilikha ng dimensyong heograpiko.
 Idyolek - ito ay pansariling paraan, nakagawiang
pamamaraan o istilo sa pagsasalita. Makikita rito ang
katangian at kakanyahang natatangi ng taong nagsasalita o ng
isang pangkat ng mga tao.

 Sosyolek - naman ang tawag sa barayting nabubuo batay sa


dimensyong sosyal o nakabatay sa katayuan, antas o sa
pangkat na kanyang kinabibilangang panlipunan.

Iba’t Ibang Sosyolek

1. Gay Lingo – ang wika ng mga bakla. Ginamit ito ng mga


bakla upang mapanatili ang kanilang pagkakakilanlan kaya
binago nila ang tunog o kahulugan ng salita.

2. 2. Coňo - tinatawag ding coňotic o conyospeak isang baryant


ng Taglish o salitang Ingles na hinahalo sa Filipino kaya
nagkaroon ng coede switching.

3. 3. Jejemon o Jejespeak – ay isang paraan ng pagbaybay ng


hehehe at ng salitang mula sa Hapon na pokemon.

4. Jargon - ang mga tanging bokabularyo ng isang partikular na


pangkat ng isang propesyon, artikula na trabaho, o gawain ng
tao.

 Etnolek – ito ay barayti ng wika mula sa mga


etnolengguwistikong grupo. Ang salitang ito ay nagmula sa
pinagsamang etniko at dialek. Taglay nito ang mga salitang
nagiging bahagi ng pagkakakilanlan ng isang pangkat-etniko.

 Register – ito ang barayti ng wika kung saan naiaangkop ng


isang nagsasalita ang uri ng wikang ginagamit niya sa
sitwasyon at sa kausap.

a. Tono ng kausap o tagapakinig (tenor of discourse) – naaayon


ang wika sa sino ang nag-uusap.
b. b. Paksa ng pinag-uusapan (field of discourse) – batay sa
larangan na tinatalakay at sa panahon.

c. Paraan o paano nag-uusap ( mode of discourse) –pasalita o


pasulat pagtalima sa mga panunturan dapat sundin batay sa
uri ng piniling paraan ng pag-uusap.

 Ekolek - Barayti ito ng wika na karaniwang nabubuo at


sinasalita sa loob ng bahay. Taglay nito ang kaimpormalan sa
paggamit ng wika subalit nauunawaan ng mga gumagamit nito.

 Pidgin - ito ay umusbong na bagong wika na tinatawag sa


Ingles na Nobody’s Native Language o katutubong wikang di
pag-aari ninuman.

 Creole - ay isang wika na unang naging pidgin at kalaunan


ay naging likas na wika (nativized) na ng mga batang isinilang
sa komunidad ng pidgin.

Mga sanggunian:

Dayag, Alma at Del Rosario, Mary Grace. Pinagyamang Pluma


– Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino.

Wennie TM. Barayti ng Wika. Retrieved from http://wenn-


listahanngsanggunian.blogspot.com/2016/07/barayti-ng-
wika.html

Wika sa Lipunan

 Ang lipunan ay malaking pangkat ng mga tao na may


karaniwang set ng pag-uugali, ideya, saloobin at namumuhay
sa tiyak na teritoryo at itinuturing ang mga sarili bilang isang
yunit.
 Ang wika ,pasalita man o pasulat, ang instrumentong
ginagamit ng mga tao sa loob ng lipunang ito upang makipag-
ugnayan sa isa't isa.

Marami-rami rin ang nagtangkang i-katergorya ang mga


tungkulin ng wika batay sa gampanin nito sa ating buhay, isa
rito si M.A.K. Halliday na naglalahad sa pitong tungkulin ng
wika na sumusunod:

1. Instrumental

-tumutugon sa mga pangangailangan ng tao gaya nga


pakikipag-ugnayan sa iba.Ang paggawa ng
liham pangangalakal,liham sa patnugot, at pagpapakita ng
mga patalastas tungkol sa isang produkto na nagsasaad ng
gamit at halaga ng produkto ay mga halimbawa ng tungkuling
ito.

2. Regulatoryo

-pagkontrol sa ugali o asal ng ibang tao.Ang pagbibigay ng


direksiyon gaya ng direksyon sa pagluluto ng ulam,direksiyon
sa pagsagot sa pagsusulit, at marami pang iba.

3. Interaksiyonal

-ay nakikita sa paraan ng pakikipag-ugnayan ng tao sa


kanyang kapwa;pakikipagbiruan; pakukuwento ng
malulungkot o masasayang pangyayari; paggawa ng liham-
pangkaibigan; at iba pa.

4. Personal

-ang pagpapahayag ng sariling pinyon o kuro-kuro sa paksang


pinag-uusapan. Kasama rin dito ang pagsusulat ng talaarawan
at journal, at ang pagpapahayag ng pagpapahalaga sa
anumang anyo ng panitikan.
5. Heuristiko

- ginagamit sa pagkuha o paghahanap ng impormasyong may


kinalaman sa paksang pinag-aaralan. Halimbawa rito ay ang
pag-iinterbyu, pakikinig sa radyo, panonood sa telebisyon, at
pagbabasa ng pahayagan,blog at aklat.

6. Impormatibo

- ang kabaligtaran ng heuristiko. Kung ang heuristiko ay


pagkuha o paghahanap ng impormasyon, ito naman ay may
kinalaman sa pagbibigay ng impormasyon sa paraang pasulat
at pasalita.

Si Jackobson (2003) naman ay nagbahagi rin ng anim na


paraan ng pagbabahagi ng wika.

1.Pagpapahayag ng damdamin (emotive)


- pagpapahayag ng damdamin, saloobin at emosyon.

2.Panghihikayat (conative)
- upang makahimok at makaimpluwensya sa iba sa
pamamagitan ng pag-uutos at pakiusap.

3.Pagsisimula ng pakikipag-ugnayan (phatic)


- upang makipag-ugnayan sa kapwa at makapagsimula ng
usapan.

4.Paggamit bilang sanggunian (referential)


-ipinapakita nito ang gamit ng wikang nagmula sa aklat at iba
pang sangguniang pinagmulan ng kaalaman upang
magparating ng mensahe at impormasyon.

5.Paggamit ng kuro-kuro (metalingual)


- lumilinaw sa mga suliranin sa pamamagitan ng pagbibigay
ng komento sa isang kodigo o batas.
6.Patalinghaga (poetic)
- masining na paraan ng pagpapahayag gaya ng panulaan,
prosa, sanaysay, at iba pa.

 Ayon naman sa pag-aaral ng Benguet State University

Tagapag-ulat: Jose V. Valdez

Paksa: Introduksyong Kilatis at Kaligiran ng


Sosyolingguwistika

Asignatura: PhD Fil- 388: Sosyolingguwistikang


Filipino

Petsa ng Ulat: Agosto 25, 2018

Propesor: Winston N. Ros, PhD

Silid-aralan: CAS An 203

Ang wika ang nag-uugnay sa mga tao sa isang kultura. Ito


ang kanilang identidad o pagkakakilanlan.

Ayon sa linggwistang si W.P. Robinson may mga tungkulin


ang wika sa aklat niyang Language and Social Behavior
(1972). Ito ay ang mga:

1. Pagkilala sa estado ng damdamin at pagkatao, panlipunang


pagkakakilanlan, at ugnayan; at

2. Pagtukoy sa antas ng buhay sa lipunan.

Ang isang lipunan ay nakabubuo ng sariling pagkakakilanlan


sa pamamagitan ng paggamit ng wika na ikinaiba nila sa iba
pang lipunan. Bawat tao rin ay nakabubuo ng sariling
pagkakakilanlan sa pagsasalita na nagpapakita ng kaniyang
pagkakaiba sa iba pang tao. Bawat tao ay may sariling
katangian, kakayahan, at kaalaman hindi maaaring katulad ng
iba. Dayag (2016)

Apat na Posibilidad na Ugnayan ng Wika at ng Lipunan

1. Ang estrukturang sosyal ay maaaring nakaiimpluwensya o


makatukoy ng panlinggwistikang estruktura o kaugalian.

2. Ang panlinggwistikang estruktura o kaugalian ay maaaring


makaimpluwensya sa estrukturang sosyal. Ito ang pananaw sa
likod ng Whorfan hypothesis na taliwas sa unang posibilidad.

3. Ang impluwensya ay maaaring Bi-directional. Ang wika at ang


lipunan ay maaaring makaimpluwensya sa isa’t isa.

4. Pagpapalagay na walang kaugnayan ang panlinggwistikang


estruktura sa estrukturang sosyal at sila ay independent sa
isa’t isa.

Ayon kay Holmes (1992) ang isang sosyolinggwista ay


naglalayong makatuklas ng teoryang makapagbibigay ng
dahilan kung bakit ginagamit ang wika sa isang komunidad, at
ang mga pagpipiling ginagawa ng mga tao kapag ginagamit
nila ang wika.

Sosyolohiya ng Wika
Layunin ng Sosyolinggwistika at Sosyolohiya ng Wika

Sosyolinggwistika Sosyolohiya ng Wika

(Micro-sociolinguistics) (Macro-sociolinguistics)

Layunin nitong Layunin naman nitong


imbestigahan ang subuking tuklasin kung
kaugnayan ng wika at ng paanong ang estrukturang
lipunan upang maunawaan sosyal ay mas mabuting
nang mabuti ang estruktura maunawaan sa
ng wika at kung ano ang pamamagitan ng pag-aaral
tungkulin nito sa sa wika
komunikasyon

Inilarawan naman ni Hudson (1996) ang pagkakaiba ng


dalawa sa sumusunod:

ang sosyolinggwistika ay ang pag-aaral ng lipunan at pag-


uugnay sa wika. Sa madaling salita, sa sosyolinggwistika
pinag-aaralan ang wika at lipunan upang matunton kung ano
ang uri ng wika.

Ayon naman kay Coulmas (1997) ang micro-


sociolinguistics ay nag-iimbestiga kung paanong ang
estrukturang sosyal ay nakaiimpluwensya sa paraan ng
pagsasalita at kung paanong ang mga barayti ng wika ay
naiuugnay sa kasarian at edad. Samantalang ang macro-
sociolinguistics ay nag-aaral sa kung ano ginagawa ng lipunan
sa kanilang wika.

Ang sosyolinggwistika at sosyolohiya ng wika ay parehong


nangangailangan ng sistematikong pag-aaral ng wika at ng
lipunan.

Sanggunian:

Chambers, J. K. (2003). Sociolinguistic Theory: Linguistic


Variation and its Social Significance. 2nd Edn. Oxford:
Blackwell.

Chomsky, N. (1965). Aspects of the Theory of Syntax.


Cambridge: Cambridge University Press.

Coulmas, F. (ed.) (1981). The Handbook of Sociolinguistics.


Oxford: Blackwell.

Dayag, Alma at Del Rosario, Mary Grace. (2016).


Pinagyamang Pluma – Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika
at Kulturang Pilipino. Quezon City: Phoenix Publishing House,
Inc.

Holmes, J. (1992). An Introduction to Sociolinguistics.


London: Longman.

Hudson, R. A. (1996). Sociolinguistics. 2nd edn. Cambridge:


Cambridge University Press.

Wardhaugh, Ronald. (2010). Introduction to Linguistics.


Singapore: Fabulous Printers Pte Ltd.
Wennie TM. Barayti ng Wika. Retrieved from http://wenn-
listahanngsanggunian.blogspot.com/2016/07/barayti-ng-
wika.htm

.(http://sites.google.com/a/sheffield.ac.uk/aal20S13/
branches/sociolinguistics/what-is-sociolingguistics).

Inihanda nina:

Bb. CARMEN T. TAMAC

Bb. KYVYLYN SHORT

You might also like