You are on page 1of 1

Republika ng Pilipinas

PAMPAMAHALAANG KOLEHIYO NG ZAMBOANGA SA PANGMARINONG


AGHAM AT TEKNOLOHIYA
Kolehiyo ng Malayang Sining
Fort Pilar, Lungsod ng Zamboanga

Kurso: Filipino
Pamagat ng Kurso: ELECTIVE 1
Propesor:Dr. Darwisa Asaali
Mag-aaral: Carmen T. Tamac
Seksyon: MAED Filipino 1A

PANITIKAN NG BARANGAY PASONANCA, LUNGSOD NG ZAMBOANGA

Ang Lungsod ng Zamboanga (Chavacano de Zamboanga: Ciudad de


Zamboanga) ay isang lungsod sa Rehiyon ng Tangway ng Zamboanga ng Pilipinas.
Ayon sa senso ng 2020, ito ay may populasyon na 977,234 sa may 185,621 na
kabahayan. Habang hindi nababahagi sa anumang lalawigan ng Pilipinas, minsan itong
naiuugnay sa Zamboanga del Sur para lamang sa datos galing sa Pangasiwaan ng
Estadistika ng Pilipinas. Pero sa politikalmente hindi kailanman naging bahagi ang
Lungsod ng Zamboanga ng Probinsya o Lalawigan ng Zamboanga del Sur. Ito ay
gumaganap bilang isang lubos na urbanisado at malaya o nagsasariling lungsod.

Sa politikal na lokasyon ayon sa mga karatig pook, matatagpuan ang lungsod sa


hilaga ng Probinsya o Lalawigan ng kapuluan ng Basilan lalo na ng Lungsod ng Isabela
ng Basilan, timog at timog-silangan ng Bayan ng Sibuco at Sirawai ng Probinsya o
Lalawigan ng Hilagang Zamboanga (Zamboanga del Norte), at timog at timog-kanluran
ng Bayang ng Tungawan ng Probinsya o Lalawigan ng Zamboanga Sibugay. Sa buong
rehiyon ng pamamahala o administratibo ng Tangway ng Zamboanga, ito ay
matatagpuan sa hilaga ng Lungsod ng Isabela ng Probinsya o Lalawigan ng Basilan
ngunit kasama sa rehiyong nabanggit sa mga panrehiyong layunin, sa may timog-
kanluran ng buong Probinsya o Lalawigan ng Hilagang Zamboanga (Zamboanga del
Norte) sa may gawing timog-kanlurang dulo nito, sa may timog-kanluran din ito ng mga
Probinsya o Lalawigan ng Zamboanga Sibugay at Timog Zamboanga (Zamboanga del
Sur).

Base sa aking saliksik karamihan ang mga taong naninirihan sa pasonanca ay ang tribo
ng Subanen o tinatawag nilang Subanon Tribe. Isa po akong Subanen at may binuo po
ang Subanen tribe na pangkat at ang aming pinuno ay si MEDINA BAYAWA siya ay
isang aktibong bilang pinuno ng pangkat na tinawag nilang IP’s o INDIGENOUS
PEOPLE. May iba’t ibang uri ang dayalekto ng subano isa sa aking natatandaan ay ang
tinatawag nilang TULOT magkaiba ang bigkas ngunit iisa lamang ang dayalekto,
magkaiba ang Subanen sa Zamboanga Del Sur at Zamboanga Del Norte, ngunit
madalas na pagkakaiba nito ay ang salitang D at L. Sa Sur ang salitang MOTOR ay
MOTOR parin ngunit sa Del Norte ay nagiging MOTOL, at marami pang iba.

You might also like