You are on page 1of 3

Republic of the Philippines

Department of Education
Region III
DIVISION OF SAN JOSE CITY
CAANAWAN NATIONAL HIGH SCHOOL
Brgy. Caanawan, San Jose City, Nueva Ecija 3121
Tel. No. (044) 803-5490

PAGSULAT NG SANAYSAY
KOMUNIKASYON AT PANANALIKSIK
SA WIKA AT KULTURANG FILIPINO

ni

AIVY R. TOMENES
TVL- AFA 11

Ipinasa kay:

THEIA JACELLE P. GARCIA


Teacher II
Senior High School
Caanawan National High School

September 12, 2022


Unang Sanaysay
Sino ako sa likod ng Camera?

Lahat ng tao ay may kanya kanyang personalidad depende sa kung sino at ano
ang kaharap nila. May mga personalidad na pinapakita nila sapagkat iyon ang dapat
at kailangan na ipakita ngunit mayroon din naman na hindi pinapakita dahil hindi
naman kailangan at meron din namang kahit na ano man ang sitwasyon na dumaan
ay hindi ipinapakita. Bakit nga ba? Dahil ba natatakot ka na mahusgahan ng mga
tao? O baka dahil walang gustong makakita non? O baka dahil inilalaan mo iyon sa
mga taong karap dapat?. Kahit na ano mang rason ng pagtatago, alam ko na balang
araw ay lalantad din iyon at bago pa man mangyari iyon sa aking sariling buhay, akin
ng ibabahagi ang aking sarili sa likod ng Camera.
Aking sisimulan sa pagbabahagi ng mga pangunahing impormasyon tungkol sa
aking sarili. Ako nga pala si Aivy Ramos Tomenes na ipinanganak noong ika-
dalawampu’t isa sa buwan ng disyember taong dalawang libo at apat na taon sa
barangay ng Sto. Tomas lunsod ng San Jose probinsya ng Nueva Ecija. Ako ay
kasalukuyang nag aaral sa isang pribadong paaralan na nagngangalang Caanawan
National High School at kasalukuyang nasa labing isa at kumukuha ng kursong
bokasyon pang agrikultura. Ako may mayroong apat na kapatid at ako ang
sumusunod na pinakamatanda sa aming lima. Kami ay parehong tinataguyod ng
aming magulang ngunit ang aming ama lamang ang aming nakakasama,
nagaaruga, nakakasama at ang syang gumagawa ng mga gawain na dapat ay
gawain ng aming ina ngunit sa dulot ng kahirapan, napagdesisyon nya na
magtrabaho sa dayuhang bansa kung kaya ay hindi namin sya nakakasama sa pang
araw araw na dumadaan.
Sa pag uunawa ng aking sarili at pagsusuri ng mabuti, aking natanto na kung ano
ang mga gusto at ayaw ko. Sisimulan ko sa mga pisikal na bagay. Gusto ko ang
pagbili ng mga bagay na hindi naman masyadong kinakailangan katulad na lamang
ng mha damit, sapatos at paggastos sa aking sarili. Gusto ko na nagagawa ko ang
mga bagay bagay na nakapagpapasaya sa akin at nakakapagtanggal ng stress at
mga nakakapagpagabag sa aking isipan, gusto kong laging nakakapaglibang. Gusto
ko din na nagkakaroon ng oras sa mga taong mahahalaga sa akin katulad nalang ng
aking mga pamilya at nga kaibigan. Kung may bagay man ako na hindi
nagugustuhan o ayaw kong gawin, iyon ay ang ipilit ako sa bagag na hindi
nakakapagbigay saya at interes sa akin. Ayoko din sa mga taong nangingialam sa
mga pangyayari sa aking buhay o sa aking sarili sapagkata naniniwala ako na hindi
na nila dapat malaman o alamin ang mga iyon sapat iyon na’y aking privacy.
Ang pagsasayaw at pagkanta ang malimit kong gawin sapagkat doon ako
nasisiyahan na gawin. Ako din ay naglalaro ng online games katulad nalang ng
mobile legends ngunit hindi gaanong magaling, marunong lamang kung aking
ilalarawan. Gusto ko ang mga bagay na nagkakaroon ako ng oras para sa sarili ko.
Kapag mag isa ako, iyon ang mga oras na nagkakaroon ako ng pagmumuni muni at
pag iisip ng mga bagay bagay at isa doon ang pag iisip sa kung ano ba ang
pangarap ko sa buhay at mga hakbang na dapat kong gawin upang makuha ang
ninanais na bagay. Isa sa pinaka pangarap ko ay ang magkaroon ng simple,
payapa, at masaganang buhay kasama ang aking pamilya na dahilan ng mga ito at
maging isang matagumpat sa larangan na aking tatahakin sa buhay.
Sa ngayon, akin pa lamang din inaaral ang aking sarili sa kung ano man ang mga
bagay na gusto kong gawin sa buhay sapagkat aking aaminin na hanggang ngayon
ay may mga bumabagabag pa din sa akin at mga tanong na hindi pa nasasagot
ngunit alam ko na sa pagdaan ng mga panahon at sa tulong ng gabay ng mga tak sa
paligid ko, alam ko na mabibigyan ding sagot ang mga katanungan sa aking isipin.
Sa ngayon, akin munang ipagpapatuloy kung ano mang nasimulan ko at iyon ay ang
pag aaral nang sa ganon ay magkaroon ng saysay ang aking buhay.

You might also like