You are on page 1of 1

Macabinguel, Rochelle Anne D.

Kwentong Pangkasarian sa mga Kwentong Pambata

Ang akdang aking nabasa ay tungkol sa mga kwentong pambata na nagsasaad ng iba’t ibang uri ng mga
kwento na nagpapakita o nagtuturo sa mga kabataan ng tamang asal, pagpasa ng mga iba’t ibang
kultura sa isang lipunan, pagpapakita ng mga gender roles, at marami pa. hindi biro at madali ang pag
gawa ng mga ganitong klaseng libro dahil dito nagsisimula ang mga bata at dadalin nila sakanilang
paglaki kaya siguro matindi na rin ang pagiingat tungkol sa paglalahad ng iba’t ibang kasarian ng mga tao
saaking palagay kaya karamihan ay babae at lalaki ang mag-asawa dahil hindi agad maiintindihan ng mga
bata kung bakit mayroong mag asawang parehas ng kasarian ngunit sa kabilang banda eto ay nangyayari
saating lipunan at siguradong may mga kabataang ang nararanasan na ito ngayon.

Iba’t ibang uri ng mga kwento ang nilalaman neto ngunit iisa ang punto na magkaroon ng kaalaman ang
mga kabataan sa iba’t ibang nangyayari sakanaling kapaligiran ngunit may mga naisaad dito na wala sa
punto o maguguluhan lang kabataan dahil tulad ng dahilan kung bakit umaalis ng bansa ang kanilang
mga magulang karamihan satin ay hindi nakasama ang mga magulang dahil nag tatrabho ito sa ibang
bansa hindi tama na bigyan ng ibang dahilan ang mga bata kung bakit sila umalis dahil sa paglaki nito ito
ang nakakatatak sa isip nila. Ngunit hindi rin natin masisi ang ibang tao kung bakit nila ito nagagawa
dahil kadalasan ay hindi rin ito agad natatangap ng mga bata. Pero para saakin mahalagang ibigay ang
totoong impormasyon sa kanilang mga anak dahil dito magsisimula ang malawak nilang pagiisip at
pagtanggap sa totoong nangyayari sa kanilang buhay . naisaad rin dito ang lumang tradisyon sa
paguugali at tungkulin ng mga kababaihan at kalalakihan sa pagaalalaga, pagtatrabaho at iba pa. dapat
ay maipakita dito na hindi dapat manatili lamang o kinagisnan na tradisyon kundi magkaroon ng bagong
paniniwala na kahit anong kasarian ay may kakayahan sa iba’t ibang bagay pati na rin ang paniniwalang
ang mga kabataan ay may kanya kanyang lakas, at dapat magtiwala sa sarili na kayang gawin ang isang
bagay at hamukin ang iba pang kayang gawin maari ring maituro sa bata ang paghanga o pagidolo sa
nakakatanda sakanila sa tamang bagay at paraan. Para saakin isa tong mahirap na akda, dahil kabataan
ang nagbabasa nito ang iba ay dito unang natututo at nakakakuha ng mga impormasyon ngunit magiging
maayos ito kung ipapakita ang mga totoong nangyayari sa ating kapaligiran, maging tapat at
maipaintindi ng maigi. Maselan ang paglalagay ng mga kasarian tulad ng tomboy o bakla ngunit
sakabilang banda hindi naman ito masama saaking palagay ay kailangan rin ng matinding gabay ng mga
magulang kung ito ay mailalagay sa kwento. Walang mali sa paglalagay ng totoong impormasyon. O
pagbibigay ng maayos na salita o “sugarcoating” dapat lang at mailahad ng maayos.

You might also like