You are on page 1of 7

 DON MARIANO MARCOS MEMORIAL STATE UNIVERSITY

NORTH LA UNION CAMPUS


Bacnotan, La Union
COLLEGE OF EDUCATION

Intoduksyon/ Panimula
“Ang hindi marunong maghintay madalas maagang nagiging nanay”.
Ang kwentong ito ay napapanahon at tumutukoy sa mga nagiging problema ng mga
kabataan. Sapagkat sa panahong ito nagsisimulang malito at maging mapusok ang mga kabataan
dahil sa mga pagbabagong nangyayari sa kanila, pisikal man ito o intelektwal kaya kinakailangan
ng malawak na pag-unawa at paggabay ng kanilang mga magulang sa mga anak nila.
Buod
Ang kwentong ito ay tungkol kina Ariel at Cleofe na simula noong walong taong gulang
pa lamang ay itinuturing na nilang paraiso ang malawak na damuhan at dalampasigan. Ang
kanilang pagkabata ay isang makulay, masayang yugto at masasabing ang lahat ng mga dapat
gawin ng isang bata ay kanilang ginagawa.
Ngunit sa hindi inaasahang pagkakataon, nagbago ang kanilang kinagisnang daigdig,
dahil sa kanilang pagbabago, nagsimula na silang magdalaga at magbinata. Nagbago ang
kanilang itsura, paraan ng pananamit, pagdedesisyon at pag-iisip. Sa puntong iyon nagkaraaon na
ng lamat sa kanilang isipan at nagsimula nang umusbong ang pader sa kanila ay pumapagitan.
Bilang mga magulang ang naging pangunahing aksyon nila ay ang paglayuin sina Ariel at
Cleofe sapagkat ang patuloy nilang pagkikita at pagiging malapit sa isat isa ay maaring magdulot
o mabunga ng kapahamakan. Mas inisip ng kanilang mga magulang ng kanilang kinabukasan
kung kayat pinilit silang pinaglayo ng walang sapat na dahilan o eksplenasyon, sapagkat kung
bakit kailangan silang paglayuin.
Doon na nagsimulang tumaas ang pader sa kanilang pagitan at paglaban ng kanilang
damdaming nahihirapan. Nag-aral sa siyudad si Cleofe para mailayo kay Ariel ngunit hindi
nakatiis ang dalawa. Nais nilang makasama at maipadarama ang pagmamahal nila sa isat isa.

At sila ngay nagkita sa lugar na hindi dapat sila makita ng mga tao. At dahil doon ay
tuluyan nilang winasak ang pader na nakapagitan sa kanila. Ang dati nilang maaliwalas at
masayang paraiso na kung saan punong puno ng masasayang alaala namalaya silang
nagtatakbuhan, naglalaro at nagpapatiran ay napalitan na ng isang isang malamig at sulok sulok
na silid, na ang tanging init ng kanilang lumalayang katawan ang yumayakap sa kanila.
Patuloy silang nagkita at nagsama. At sa kanilang palagay ay tuluyan na silang lumaya.
At ang kanilang pagkakamali ay nagbunga ito ng isang buhay, nabuntis si Cleofe.
Tauhan

Molding Lives Beyond Borders


 DON MARIANO MARCOS MEMORIAL STATE UNIVERSITY
NORTH LA UNION CAMPUS
Bacnotan, La Union
COLLEGE OF EDUCATION

Ariel- makasarili at suwail na anak, dahil mas pinairal niya ang kanyang nararamdamang
pagmamahal kaysa pagrespeto sa babaeng minamahal at pagtupad ng kanilang mga pangarap.
Cleofe- suwail na anak, dahil kahit alam niyang tama ang mga payo ng kanyang mga
magulang hindi niya ito sinunod dahil nga mas pinili niyang sundin ang kanyang nararamdaman
pagmamahal kay Areil.
Tagpuan
Isang malamig at sulok-sulok na silid
Mga Paniniwala, Kultura at Tradisyon
Sinasabing masarap ang bawal. Kung alin ang bawal siya ang nagugustuhan nating
gawin. Ito’y marahil na rin sa pagiging likas na mausisa ng isang tao sa mga bagay-bagay na
ating hinahanap ng kasagutan.
Ang akdang ito ay nagpapatungkol sa magkababatang sina Ariel at Cleofe na noong bata
pa lamang sila ay malaya nilang gawin lahat ang kanilang gusto. At ang kanilang naging paraiso
ay isang malawak na loobang kinatitirikan ng dalawang tabla’t yero na sa di kalayuan
matatagpuan ang dalampasigan at malawak na damuhan. Ngunit nilisan nila ang kinagisnang
daigdig upang lasapin ang biyayang handog ng itinuturing nilang Bgong Paraiso.
Nangyari ito dahil sa pagsuway nina Areil at Cleofe sa mga utos at payo ng kanilang mga
magulang na huwag muna silang magkita kung gusto nilang

makatapos ng pag-aaral. Pero ito ay nagdulot ng kalituhan sa kanilang isipan kasi hindi nila
lubos maintindihan ang dahilan kung bakit sila pinagbabawalan na magkita. Ngunit mas pinairal
nila ang kanilang nararamdaman at hindi nila ito mapigilan kung kayat nagkita sila at pumunta sa
isang malamig at sulok- sulok na silid at pinalaya nila ang kanilang damdamin at ginawa lahat
ang kanilang gusto. At ang kanilang pagkakamali ay nagbunga ng isang buhay, nabuntis si
Cleofe sa hindi tamang edad at panahon. Ito ang itinuring nilang bagong paraiso sa kanilang
buhay.
At kung ibabase natin ito sa ating lipunang ginagalawan, ito ay nagaganap. Isa ito sa mga
problemang kinakaharap ng ating bansa. Sapagkat sa maagang edad ng kanilang pagdadalang
tao, hindi pa nila alam ang mga reponsibilidad na kaakibat nito. Responsibilidad ng mga
magulang na gabayan at payuhan ang anak sa bawat bagay na kanilang gagawin. Mahalaga rin
na kausapin sila tungkol sa tamang panahon ng pagpapamilya. Dahil mas lalo nilang
maintindihan kapag mula sa kanilang mga magulang sapagkat alam na natin na napagdanan na
nila ito. Ngunit sa lahat ito ang pinakamahalaga pa rin na ipakita ng mga magulang ang
pagmamahal nila sa kanilang mga anak, maging bukas sa lahat ng bagay upang maramdaman ng

Molding Lives Beyond Borders


 DON MARIANO MARCOS MEMORIAL STATE UNIVERSITY
NORTH LA UNION CAMPUS
Bacnotan, La Union
COLLEGE OF EDUCATION

mga anak na may magulang na maasahan at matatakbuhan anuman ang problemang haharapin sa
buhay.
Sa mga itinuturing naman natin kaibigan tignan din kung sila nga’y totoo sa atin hindi
iyong naghahatid ng kapahamakan sa ating buhay. Sapagkat alam naman natin lahat na kailangan
natin ng kaibigan na makakasama sa bawat kasiyahan at karamay sa panahon ng kalungkutan.
Pero lagi sana nating isaisip na hindi lahat ng tao ay mabuting kaibigan, dahil minsan
kinakaibigan ka lang kapag mayroon siyang nakukuha sa iyo. Mayroon naman iba na ang laging
sinasabi’y “gawin mo kung anong makapagsasaya sayo, at kung ano ang nasa puso mo”, kahit
alam naman nilang mali ito. Imbes na pagsabihan sila sa kung ano ang tama tinutulak pa nila ito
para gumawa ng mali. Bilang kaibigan reponsibildad natin na isama sila sa tuwid na daan at
hindi

sang-ayunan ang kanilang baluktot na katwiran. Lagi natin tandaan , na ang mabuting kaibigan
ay dapat laging totoo sa kahit kanino man.
At bilang magkarelasyon dapat tayo ang mas nakakaalam ng limitasyon. Respeto dapat
ang pairalin kapag ikaw ay nagmamahal. Hindi kailangan magmadali dahil ang mga bagay-
bagay ay mas magiging masya at matagumpay kung inalalaan ito sa tamang panahon. Dahil
bawat kilos na ating gagawin ay laging may kaakibat na responsibilidad. Responsibilidad na
dapat alam natin sa sarili natin. Sapagkat tayo rin at walang ibang sinuman ang magsasakripisyo
sa mga maling desisyon na ating gagawin. Hindi kailanman mali ang magmahal hanggat alam
natyin ang limitasyon at itama ang mali. Lagi sana natin tandaan na nag lahat ng bagay ay mas
maganda at sasaya kung ito ay naayon sa tamnag panahon at tamang pagkakataon.
Sa kasalukuyan parami na nang parami ang mag isyu tungkol sa teenage pregnancy o
maagang pagbubuntis. Lumalaganap na ito sa ibat ibang parte ng ating bansa.
Maraming mga posibling rason o kadahilanan ang paglaganap nito sa boung mundo. Isa
na rito ang kahirapan o kawalan ng panustos. Kaya marami ang nagpapasyang ibenta ang
kanilang sarili. Madalas natin silang makita sa
mga bar na sumasyaw na halos wala ng saplot at nagpapagamit ng sarili sa mga konstumer
kapalit ng pera.
Maliban dito, ang temptasyon ay isa ring napakahirap labanan na dahilan. Hindi mapigil
ang mga mapupusok na damdamin lalo na sa mga magkarelasyon na labis-labis ang pagmamahal
sa isat isa. Kung kayat madali nilang naibibigay nila ang kanilang sarili. Sapagkat madalas

Molding Lives Beyond Borders


 DON MARIANO MARCOS MEMORIAL STATE UNIVERSITY
NORTH LA UNION CAMPUS
Bacnotan, La Union
COLLEGE OF EDUCATION

inaakalang karamihan na sila na talaga ang magkakatuluyan habang buhay. Ngunit hindi nila
alam na maraming mapagsamantalang lalaki at ito ang lang ang habol sa kanila.
Kailangan maginagt din sa pagpili ng kinasamang barkada sila ang nagdudulot minsan n
gating ikapaphamak. Marahil sila pa mismo ang mag-udyok at magturo sayo na gawin ang hindi
nararapat.

Ang iba nama’y sdayang agresibo lang talaga, naku-curious o gusting maranasan. Alam
naman natin lahat na likas sa mga kabataang ang pagiging curious sa mga bagy-bagay sa
kanyang paligid at gustong maranasan ang mga nararanasan ng iba. Madali rin silang
maimpluwensyahan ng kanilang madalas na nakikikta dahil hindi pa sila mature at hindi pa nila
alam ang kaniulang ginagawa.
Problema rin ang kulang sa disiplina ng mga magulang. Ang kawalang gabay ng
magulang ay may malaking epekto sa pagkato ng mga kabataan dahil sila ang humuhubog ng
pag-uugali, paniniwala at pagkatao ng kanilang anak. Sila rin ang responsible sa pagtutuwid ng
mga kamalian ng kanilang anak habang silay bata pa dahil mahirap na itong ituwid kapag may
sarili ng is pang bata.
Ang paggahasa rin ay nagdudulot ng dahilan ng pagbubuntis sa mga batang babae.
Madalas itong nangyayari sa mga liblib na lugar kung saan lumalabas ang mga kababaihan hindi
nila alam na may nakaabang pala sa kanilang mga adik na gumagamit ng ipinagbabawal na
gamot.
Sa kabila ng mga sahning ito, mayroon din itong maidudulot na mga epekto o bunga.
Paghihirap, sapagkat mararanasan nila ang hirap ng pagdala ng bata sa sinapupunan sa murang
edad sa loob ng siyam na buwan, ang hirap ng panganaganak, pagpapalaki sa bata, pagbibigay ng
sapat na nutrisyon, disiplina at maging edukasyon nito. Mas lalala ang paghihirap na ito kapag
walang pinagaralan dahil walang mahanap na matinong trabaho. Posible ring ang pagiging single
mom dahil karamihan ngayon ang mga lalaki ay di marunong managot sa kanilang
reponsibilidad. Sila rin ang mamomroblema sa kanilang katawan dahil sila ay pumapangit dahil
sa kawalan ng oras sa sarili dahil itoy nahahti at kailangan unahin ang kapakanan ng anak.
Nakakaepekto rin ito sa ating pisikal, mental, emosyonal at sikolohikal na suliranin dahil sa hindi
handang katawan at kakulangan sa kaalaman ng kabataang ina malaki ang posibilidad na
magkaroon ng “pre mature birth”. At iba pang implikasyon sa pisikal at mental. Mayroon din
sakit na pwedeng makuha katulad ng STD o “sexually transmitted disease”. Nakaksira din ito ng

Molding Lives Beyond Borders


 DON MARIANO MARCOS MEMORIAL STATE UNIVERSITY
NORTH LA UNION CAMPUS
Bacnotan, La Union
COLLEGE OF EDUCATION

ating kinabukasan dahil maaaring magdulot nang sapilitang pagtigil ng kabataan sa pag-aaral. At
pagpapalaglag o aborsyon sa batang nasa sinapupunan.
Kung kaya’t tayong ng magising mahirap ang maging ina. Dagsa ang mga nakaabang na
mga responsibilidad. Wala itong maidudulot ng kabutihan para sa atin sapagkat itoy nakakasira
sa ating magandang kinabukasan. Lagi sana nating tandaan na sa simula lang ang sandaling sarap
ngunit ang kasunod nitoy pangmatagalang hirap.
Alam naman natin na ang pre-marital sex ang pinakasentrong dahilan ng pagiging
teenage pregnancy. At isang karumal-dumal at kadungis-dungis na gawain ngayon sa ating
bansa. Na nakakawasak sa ating maliwanag na kinakabukasan. Isipin natin na ang ating dignidad
at puri ay isang sagrado sa ating buhay. Kung kayat pangalagaan natin ito sapagkat ito lang ang
pinakamagandang regalo na iyong maibibigay sa iyong mapapangasawa sa hinaharap. Dapat din
nating ipakita na tayo’y responsable at may respeto sa ating sarili sa pamamagitan ng pag-iingat
ng ating “virginity”.
Pero anu ano nga ba ang dapat gawin upang matigil ang pagdami ng mga kabataang
maagang nabubuntis? Dapat ba nating ipatupad o isulong ang pagtuturo ng sex education?
Sa aking sariling pananaw, oo sapagkat naniniwala ako na ang pagkakaroon ng
edukasyon sekwal ay maghahatid ng mabuting epekto sa ating bansa. Mas mabuting matutunan
ng mga kabataan ang mga bagay-bagay patungkol sa pakikipagtalik. Malalaman nila kung ano
ang kakahantungan ng kanilang buhay kung sakaling gawin nila ito. Naniniwala akong
magsisilbing gabay sa ating lahat.
Ngunit ang iba ay hindi nais na ipatupad ito sapagkat maraming kabataan ang
mamumulat kung ano at paano gagawin ang pakikipagtalik dahil na rin sa natutuunan ng mga ito
sa paaralan. At hindi rin ganap na tanggap ng publiko sa kadahilanang marurumihan daw ang
isip ng mga kabataan kasi hindi pa daw napapanahon upang ituro sa kanila ang paraan ng
pakikipagtalik. At alam naman natin na ang kapangahasan ang bunga ng

kuryosidad, kuryosidad na unti-unting pumapatay sa pagkatao ng mga kabataan. Kuryosidad na


nagbububunga upang tangkilikin aaaaaaaang mga pornograpiyang maeryales na naguudyok sa
kanila upang gawin ang pre-mrital sex.
Pero kung iisipin natin, ang pagkakaroon ng awareness programs tungkol sa edukasyon
sa sex at kung papaano mahahawakan ang adolescent period ng mabuti makakatulong ng malaki
para matigil ang pagkakaroon ng maagang pagbubuntis at ang pakikisuong ng mg kabataan sa
pre-marital sex.

Molding Lives Beyond Borders


 DON MARIANO MARCOS MEMORIAL STATE UNIVERSITY
NORTH LA UNION CAMPUS
Bacnotan, La Union
COLLEGE OF EDUCATION

Sa aking pagsusuri, napagalaman ko na sina Cleofe at Ariel sa ating lipunan ay mga


mapusok na kabataan. Sapagkat mas pinairal nila ang kanilang nararamdaman pagmamahal
kaysa sa pagrespeto sa isat isa. Sila rin ay mga suwail na anak at hindi marunong maghintay ng
tamang panahon. Dahil kahit alam nilang tama ang lahat ng payo ng kanilang mga magulang
kanila itong sinuway.
Nagkamali man sina Ariel at Cleofe mayroon pa rin solusyon na kanilang maaaring
gawin upang silay maging masaya sa kabila ng kanilng ginawa. At ito ay ang pagtanggap at
hayaang mabuhay ang batang nasa sinapupunan ni Cleofe dahil wala itong kasalanan bunga
lamang siya sa pagmamahalan nina Ariel at Cleofe. Palakihin din nila na may takot sa ating
Panginoong Diyos, tamang pagdedesiplina para hindi na maulit ang kamaliang ginawa nina Ariel
at Cleofe. Higit sa lahat pag-aralin nila itong mabuti at bigyan ng masayang buhay.
Base sa aking pananaw, sa mata ng ating Panginoon hindi kasalanan ang ginawa nina
Ariel at Cleofe, dahil anuman ang kasalanang gawin natin andiyan siya para tayo ay patawarin sa
mga kasalanan na ating ginawa. Pero sa mata ng mga tao ito ay kasalanan at nakakadiri.
Sapagkat hindi dapat makipagtalik ang mga kabataan kung hindi pa kasal dahil pwede silang
mabuntis nang hindi pa handa sa responsibilidad dahil nga wala pa sila sa tamang edad. At palagi
sana nating itatak sa ating isipan na hindi dapat maging basehan ng pagmamahal ang
pakikipagtalik.

Masasabi ko rin na malaki ang pagkakamali ang mga magulang nina Cleofe at Ariel, ito
ay ang pagtutol sa kanilang magkita gayong hindi nila lubusang maipaliwanag kung bakit
ganoon nalang kahigpit ang kanilang pagtutol. Ngunit ang dalawa ay maraming mga kamaliang
nagawa at akala
nila ay nagtagumapay sila sa pagsugpo ng problema sa pamamagitanng pagsuway sa mg autos
ng kanilang mga magulang. Ngunit iyon pala ay nagging daan lamang sa maraming pagsubok na
nag-aabang sakanila.
Simbolismo
Sa paggamit ng mga simbolo naipapahiwatig ng isang kwento ang mga ideya at katangian nito.
Sa pamamagitan ng pagbibigay sa kanila ng mga kahulugan na iba mula sa kanilang literal na
kahulugan upang maging kaakit akit at kawili wiling basahin ng mambabasa. At sa kwentong ito,
na pinamagatang Bagong Paraiso ang mga sumusunod ay ang mga simbolismong ginamit sa
kwento.

Molding Lives Beyond Borders


 DON MARIANO MARCOS MEMORIAL STATE UNIVERSITY
NORTH LA UNION CAMPUS
Bacnotan, La Union
COLLEGE OF EDUCATION

Pader na nakapagitan sa kanila. Tinutukoy nito ang kanilang mga magulang mismo. Ito ay
angmga payo, paghihigpit, pagbabawal sa kanila dahil ang hinahangad lamang ng kanilang
magulang ay ang makabubuti sa kanila.
Bagong paraiso. Ito ay ang pagharap nina Cleofe at Ariel sa bagong pagsubok na dumating sa
kanilang buhay. Ang pagbubuntis ni Cleofe at pagiging binatang ama ni Ariel.
“Ang babae ay nagdamdam, nais niyang iluwa ang bagay na nasa kanyang tiyan na
itinutulak patungo sa kanyang lalamunan, siya ay tumingala at pagkaraay yumuko siya”.
Ang katagang ito ay nagpapahiwatig na si Cleofe ay nagdadalang tao sa kwento na nagging
bunga sa hindi pagsunod sa kanilang mga magulang.
Nagkaroon ng lamat sa kanilang isipan. Nagbago ang kanilang paraan ng pagiisip tungkol sa
mga bagay-bagay. At pagkakaroon ng kaalaman tungkol sa kung ano ang mali at ang tamang
gawain ng isang kabataan.
Pangkahalatang Reaksyon.
Napapanahon ang aral ng kwentong ito, lalo na’t marami sa kabataan ngayon ang naliligaw ng
landas. Hindi nila sinusunod ang utos ng kanilang mga

magulang kung kaya’t sa huli’y sinisisi nila ang kanilang sarili. Kaya dapat makinig tayo sa ating
mga magulang at unawain natin kung bakit tayo pinagbabawalan o hinahadlangan sating nais
kung minsan. Sapagkat ang gusto lamang ng ating mga magulang ay ang ikakabubuti natin. At sa
modernong panahon tayong mga kabataan dapat na maging maingat at sundin ang mga
magulang at manatili sa lilim ng kanilang mga payo. At palagi nating tandaan sa ating daigdig ay
may tamang oras at maaring makapaghintay. Hindi dapat madaliin sapagkat an mga ito’y
nakatakda o nakatadhana nang mangyari. Nararapat din sumunod tayo sa mga nakakatanda sa
atin dahil sila ang nakakalam ng mabuti para sa atin. Mas marami silang alam at karanasan kaysa
sa atin na nagsisimula pa lamang sa paghahanap ng mga kasagutan sa mga pangyayari sa buhay
natin. Sa mga magulang naman hindi dapat sila magkulang sa pagpapaunawa sa kanilang
mga anak. Hindi yong sasabihin nalang na malapit ang tukso. Dapat mag-unawaan ang anak
magulang.
Dapat natin ipakita na tama ang sinabi ang ating pambansa bayani na “ang kabataan ang
pag-asa ng bayan”. Hindi lang sana ang pag-sang ito ay di lang basta pag-asa sanay
maisakatuparan at matupad. Nang sa gayon ang mga kabataan yaon ang tatayo ng isang bansang
maunlad, progresibo at mapayapa. Na ang pag-asa ng bayan ay di mga pabigat ng bayan.

Molding Lives Beyond Borders

You might also like