You are on page 1of 1

L athalain

“Musmos na Ina”
Bata, bata paano ka ginawa? Yan ang mga tanong na palaging nasa isip ng isang ina.
Isang inang musmos na uhaw sa pagiging bata, sa kadahilanang “masunod ka lamang.”

Musmos nitong isip ay kinalimutan, dahil sa mabigat na tungkuling kinakaharap. Ang


ilaw ng tahanan ang siyang nagbibigay ng liwanag sa madilim na landas, ngunit paano na
lang kung ika’y isang musmos na ina? Paano pa ba mabibigyan ng tamang liwanag ang
kanyang supling kung mismong buhay nito ay di mabigyan ng maayos-ayos na liwanag? Sino
pa ba ang sisihin sa madilim nilang landas?

Mula sa lugar ng Palawan sa bayan ng Rizal makikita ang paglubo ng maagang


pagbubuntis na mga kababaihan. Kabilang sa mga nagbubuntis o may mga anak na, ay may
edad na labing dalawa hanggang labing walong taong gulang kung saan ito ay pangkaraniwan
na nilang ginagawa. Kadalasan sa kanila ay pinagkakasundo sa kamag-anak dahil ayon sa
tribong ito ay matagal na nila itong pinapraktis. Napag-alaman rin ng Kapuso mo, Jessica
Soho na maari palang mag-asawa ng higit pa sa dalawa ang kanilang mga kalalakihan na
tinatawag na “Duwaya,”Ayon sa GMA 7 ang mga paslit na ito ay kulang sa edukasyon sa
kadahilanan ng maagang pag-aasawa. Ngunit may mga nagboluntaryo naman sa kanilang
lugar na nagtuturo sa mga katutubo, ngunit ayon sa mga batang ina na ito ay prayoridad pa
rin nila ang pagtatrabaho upang mabuhay ang kanilang binuong pamilya. Naging tradisyonal
na sa kanilang tribo sa nasabing lugar ang pag-aasawa ng maaga. Di lingid sa kaalaman ng
mga ito na dahil dito lalong lumulubo ang kahirapan, kawalan ng trabaho at edukasyon.

Sa paglipas ng panahon ang kawalang edukasyong at kahirapan ang namamayani sa


karamihan. Kahirapan na lalong lumala dahil sa sapilitang pag-aasawa ng mga kabataan na
walang kamuwang muwang sa pagbubukod at kung paano ang tamang pagbuo ng pamilya.

Ang pag-aasawa ay isang napakahalagang desisyon na dapat pinag-iisipan; sariling


kagustuhan man ito o desisyon ng magulang o maging ang pagsunod sa nakaugaliang tribo.
Ang pagsunod sa magulang ay isang mabuting ehemplo bilang isang anak, ngunit kung ang
pagsunod na ito ang daan sa kahirapang mararanas ay pag-isipan ito ng paulit-ulit, kung tayo
ba ay nakahanda sa panibagong tsapter ng ating buhay o hindi. Maraming naghihirap dahil sa
kawalan ng hanapbuhay dahil sa maagang pagsabak sa pagiging isang batang ina. Ngunit ang
pagiging ina; mapabata man o matanda ay itinuturing na bayani sa mundong ibabaw.
Samakatuwid, sila ang nagdadala sa isang nilalang sa loob ng siyam na buwan na paghihirap
at kagalakan sa bawat munting supling na dumadating sa kanilang buhay. Ang kanilang ngiti
ang unang sumilay sa labing puno ng pagmamahal nong nasa sinapupunan pa lang nila ito sa
loob ng ilang buwang pagsasakripisyo. Ngunit sa kabila ng musmos nilang diwa, bata man
sila sa paningin, sakripisyo pa rin ang namumutawi sa kanilang mga batang damdamin….

JAMELA R. AMEROL
Teacher II
Division of Lanao Del Norte – Pantar NHS

You might also like