You are on page 1of 2

Kawayang Pangarap

GMA NEWS : I-Witness


Dokumentaryo ni Kara David
Published April 10, 2015 5:36 PM

Linggo, araw ng pahinga pero hindi uso ang salitang ito sa pamilya Liwanag.
Sa pamilya Liwanag, isang kahig isang tuka na may kakambal na kalbaryo ang
bawat subo. Ang pagbubuho ang kinabubuhay ng pamilya Liwanag. Sila ay mga
aeta na nakatira sa sitio Malipuno, Zambales.Pagtatabas ng kawayan ang
nakagisnang kabuhayan, walang ibang alam na trabaho si tatay Joseph kundi ang
pagbubuho. May tatlong anak si tatay Joseph, ang dalawang batang babae ang
nakakatulong niya sa paghahanapbuhay kapag walang pasok ang mga ito. Dahil sa
kahirapan ng buhay napilitang magtrabaho ang mga bata dahil nakikita nila sa tatay
nila na hirap ito sa pagbubuhat ng mga kawayan.
Sabado at linggo lang tumutulong ang dalawa niyang anak at kapag Lunes
hanggang Biyernes ay nasa paaralan naman ang mga ito. Kahit anong hirap ng
buhay ang nararanasan ng pamilya Liwanag ay di kahulugan na sila ay sumuko,
ipinagpatuloy pa rin nila ang buhay dahil iyon na ang nakagisnan nila. Nakatutuwang
isipin na kahit hirap hanapin ang pang-araw-araw nilang pangangailangan ay inuuna
pa rin ni Tatay Joseph ang edukasyon ng kaniyang dalawang anak. Kahit
pagbubuho lang ang ikinabubuhay nila ay handa pa rin siyang itaguyod ang mga
pangarap ng kaniyang mga anak.
Dalawang oras ang bubunuin para akyatin ang bundok kung saan tumutubo
ang mga buho o kawayan, ngayon ay konti na lang ang nakukuha nilang kawayan
dahil may mga nagmamay-ari na ng mga ito. Noon daw kasi walang nagmamay-ari
sa mga lupa kung saan ang mga ito tumutubo. Ang mga buho o kawayan libre ito
para sa lahat ng mga katutubo pero nang dumating daw ang mga Tagalog
nagkaroon ng titulo ang mga lupain hanggang sa nagkaroon ng bakod ang gubat.
Makikitang animo'y walang kapaguran si Tatay Joseph sa pagbubuhat ng kawayan
araw-araw para lang may maipambayad sa utang sa tindahan at panustos sa pag-
aaral ng dalawang anak. Sa panahon kung kailan may babayaran, kawayan at
pangarap nalang ang pwede nilang kapitan. Sapat na ba ang isang kahig para
masuportahan ito?
Mabagal ang mga hakbang ni Tatay Joseph, ramdam nya ang pagod at bigat na
pinapasan niya, pero paano ka susuko kung pasan mo sa iyong balikat ang iyong
mga pangarap? Marami sa mga katutubong aeta na nangangarap ng magandang
buhay pero nabago ang mga pangarap na iyon dahil sa nararanasang hirap ng
buhay. Mas mahalaga ang trabaho kaysa pag-aaral sa kolehiyo.
Isa sa mga anak ni Tatay Joseph ang nagturo sa kanya sa pagsulat at
pagbasa, katulad ng sabi ng isang anak niya na kahit wala sila at may magpipirma,
alam ng tatay niya kung ano ang gagawin nito. Matupad man daw o hindi ang
kanyang mga pangarap kahit papaano’y maipasa man niya ang binhi ng kaniyang
panaginip. March 23, 2015, araw na pinakahihintay ng pamilya Liwanag kung kailan
sa unang pagkakataon may magtatapos na ng elementarya, ang panganay niyang
anak na labis na ikinatuwa niya. Sa kultura ng mga aeta ang mga bata ang
pinakamahalaga. Ang kanilang mga pangarap, ang puno’t dulo ng kanilang
paghihirap, ang kanilang tagumpay ang matamis na biyaya ng buhay.

1. Sa iyong palagay ano ang kahalagahan ng dokyumentaryong pampelikula sa


kasalukuyan?
2. Batay sa iyong binasa ano ang isang mahalagang nalaman mo tungkol sa paksa?
3. Magbigay ng isang mahalagang dapat tandaan sa pagbuo ng dokyumentaryong
pampelikula?

You might also like