You are on page 1of 74

KOMUNIKASYON AT

PANANALIKSIK SA
WIKA AT KULTURANG
PILIPINO
TAGALOG
CEBUANO WARAY
BICOLANO
TAUSUG
ILOKANO
ILONGGO KAPAMPANGAN
Biblical (Tore ng Babel)
 Malinaw na ipinahayag sa bibliya na ang wika ay
kaloob ng Diyos.

 Batay din sa istorya ng Bibliya, matapos ang


matinding pagbaha noong panahon ni Noah,
binigyan uli ng pagkakataon ng Diyos ang mga tao
na magbago.

 Iisa lang ang wika noong unang panahon kaya’t


walang suliranin sa pakikipagtalastasan ang tao
 Mayroon silang lider, si Nimrod, na naging
maramot at nais makita ang kaharian ng Diyos sa
alapaap.

 Naghangad din ang tao na higitan ang


kapangyarihan ng Diyos, naging mapagmataas at
nag-ambisyong maabot ang langit.

 Hinimok ni Nimrod ang mga tao na gumawa ng


tore para maabot ang kaharian ng Diyos.
 Nagtayo ng pagkataas-taas na tore ang mga
tao. Nang nalaman ito ng Diyos, nagalit siya
naging ganid, mapangahas at mayabang na
ang mga tao.

 Pinatunayan ng Diyos na higit siyang
makapangyarihan kaya sa pamamagitan ng
kaniyang kapangyarihan, ginuho niya ang tore
at nahulog ang mga tao.
 Ginawa ng Diyos na magkakaiba ang
wika ng bawat isa, hindi na
magkaintindihan at naghiwa-hiwalay
ayon sa wikang sinasalita.
(Genesis 11:1-9)
https://youtu.be/ac0sHF2KjtU?si=QgDJLFJf
8jk-GtRI
Ayon kay Edward Sapir
(1961), tanging tao
lamang ang nakagagawa
ng wika, at dahil dito likas
niyang naipapahayag ang
kanyang kaisipan,
damdamin at mga
ninanais sa pamamagitan
ng mga sadyang
isinagawang simbolo na
kinokontrol nila.
Ito ang kakayahang nagpatangi sa
tao sa iba pang nilikha, at ang
ikinaiba niya sa mga hayop.
Ang tao sa tulong ng wika ay
nakabubuo ng mga paraan upang
maiangkop ang sarili sa kanyang
kapaligiran.

 Mahalaga sa kanya ang wika


bilang di-pangkaraniwang bahagi
ng kultura.
Sa pamamagitan ng wika, nakagagawa
rin siya ng mga pamantayang magiging
gabay sa pakikitungo sa kapwa o sa
isa’t isa sa institusyon o lipunan.

Dahil sa wika naipahayag ang


kaugalian, kaisipan at damdamin ng
bawat pangkat ng tao.
Bagaman may mga makabago
nang kasangkapang ginagamit sa
pakikipaagtalastasan tulad ng
social media, cellphone, play
station, at iba pa, WIKA parin ang
ginagamit ng tao sa pagpapahayag
ng kanyang diwa.
1. Bakit kaya ginawa ng Diyos na may iisang wika
lamang ang sangkatauhan noong unang panahon?

2. Ano kaya ang maaaring mangyari kung hindi pinag-


iba-iba ng Diyos ang wika ng sangkatauhan?

3. Ano ang nagtulak sa Diyos upang pag-iba-ibahin


Niya ang wika ng sangkatauhan?

4. Bakit mahalaga ang wika sa tao?

5.Magsaliksik ng isang kuwento o alamat tungkol sa


wika. Ibahagi ito pagkatapos ilahad ang inyong
sariling pananaw o konklusyon tungkol dito.
WIKA
ANO NGA BA ITO?
WIKA- nagmula sa salitang Latin na
“lengua” na ang kahulugan ay dila.

Ito’y isang masistemang gamit sa


pakikipagtalastasan na binubuo ng mga
simbolo at panuntunan.

 Ito’y paraan ng pagpapahayag ng


damdamin at opinyon sa pamamagitan
ng mga salita upang magkaunawaan ang
mga tao (Panganiban).
Henry Gleason: Ang wika ay masistemang
balangkas ng sinasalitang tunog na pinili at
isinaayos sa paraang arbitraryo upang
magamit ng mga taong kabilang sa isang
kultura.

George Lakoff: Ang wika ay politika,


nagtatakda ng kapangyarihan, kumukontrol
ng kapangyarihan kung paanong magsalita
ang tao at kung paano sila maunawaan.
Henry Gleason
Ang wika ay
masistemang
balangkas ng
sinasalitang tunog na
pinili at isinaayos sa
paraang arbitraryo
upang magamit ng
mga taong kabilang
sa isang kultura.
Sa depinisyon ni Gleason na binanggit sa aklat ni
Rolando A. Bernales et.al, ang wika ay masistemang
balangkas ng sinasalitang tunog.
Lahat ng wika ay nakabatay sa tunog na kung tawagin
ay ponema, na ang maagham na pag-aaral nito ay
tinatawag na ponolohiya.
Kapag ang ponema ay pinagsama-sama, maaaring
makabuo ng maliliit na yunit ng salita na tinatawag na
morpema.
Sintaksis naman ang tawag sa makaagham na pinag-
ugnay-ugnay na mga pangungusap.
 Diskors naman kapag nagkaroon ng makahulugang
palitan ng dalawa o higit pang tao.
Ayon kay Lachica (1993) matatagpuan sa
wika ang mga tanda o simbolo na
nagkakaroon ng kahulugan ayon sa mga
gumagamit nito.
 Ang mga simbolo o tanda ay maaring
salita, bilang, drowing, larawan o
anumang hugis na kumakatawan sa
konsepto, ideya o bagay.
Si Caroll (1964) ay nagpahayag na ang wika ay
isang sistema ng mga sagisag na binubuo at
tinatanggap ng lipunan. Ito ay resulta ng unti-
unting paglilinang sa loob ng maraming
dantaon at nagbabago sa bawat henerasyon,
ngunit, sa isang panahon ng kasaysayan.
 Ayon kay Todd (1987) ang wika ay isang set
o kabuuan ng mga sagisag na ginagamit sa
komunikasyon. Ang wikang ginagamit ng
tao ay hindi lamang binibigkas na tunog
kundi ito’y sinusulat din. Ang mga tunog at
sagisag na ito ay arbitraryo at sistematiko.

 Ayon naman kay Bram, ang wika ay


nakabalangkas na sistema ng mga
arbitraryong simbolo at tunog na binibigkas
at sa pamamagitan nito’y nagkakaroon ng
interaksyon ang isang pangkat ng tao.
Archibald Hill
 Ang wika ang
pangunahin at
pinakatiyak na anyo ng
simbolikong gawaing
pantao .
 Malinaw na tinukoy sa
pagpapakahulugan na
ang wika ay pantao.
Brown (1980)

nagsabi na ang wika ay masasabing


sistematiko, set ng simbolong
arbitraryo, pasalita, nagaganap sa
isang kultura, pantao at natatamo ng
lahat ng tao.
Jose Villa Panganiban: Ang wika ay paraan ng
pagpapahayag ng damdamin at opinyon sa
pamamagitan ng mga salita upang
magkaunawaan ang mga tao.

Nenita Papa: wika ang ginagamit natin upang


malayang maipahayag ang ating iniisip at
nadarama.

Pamela Constantino at Monico Atienza: ang


wika ay mahalagang kasangkapan sa pag-
unlad kapwa ng indibidwal at ng bansa.
Ayon naman kay San Buenaventura (1985)
mula sa Wikipediang Tagalog: “Ang wika ay
isang larawang binibigkas at isinusulat.
Isang kahulugaan, taguan, imbakan o
deposito ng kaalaman ng isang bansa.” isang
ingat-yaman ng mga tradisyong nakalagak
dito, sa madaling salita ang wika ay kaisipan
ng isang bansa kaya’t kailanman ito’y tapat sa
pangangailangan at mithiin ng sambayanan.
Taglay nito ang haka-haka at katiyakan ng
isang bansa.
Ayon sa pagsusuri ni Gordon Wells,
ang wika ay may limang tungkulin:
1.Pagkontrol sa kilos at gawi ng iba.
2.Pagbabahagi ng damdamin.
3.Pagpapanatili sa pakikipagkapwa at
pagkakaroon ng intensyon sa kapwa.
4.Pangarap at paglikha.
5.Pagbibigay o pagkuha ng
impormasyon.
Gawain:
- Itala ang mga salitang magkakatulad sa mga
kahulugang ibinigay sa wika ng mga dalubwika.

WIKA
KATANGIAN NG WIKA
1. ANG WIKA AY PANTAONG TUNOG-
hindi lahat ng tunog na maririnig ay maituturing
na wika. Ang wika ay nabubuong tunog sa
pamamagitan ng sangkap ng pagsasalita tulad ng
labi, dila, ngipin, ngalangala, babagtingang tinig
at iba pang bahagi ng speech organ o mga
bahagi ng katawan sa pagsasalita ng tao.
Masasabing ang wika ay wikang sinasalita, ang
mga nakasulat na mga salita ay larawan o
simbolo lamang ng wikang ginagamit.
2. ANG WIKA AY MASISTEMANG
BALANGKAS
May sistema ang wika. Ito ay ang
palatunugan(ponolohiya),
palabuuan(morpolohiya), at
palaugnayan(sintaks). Mapapatunayan din
ito sa pamamagitan ng kataga, ang gamit ng
katinig at patinig sa pagbuo ng salita (PK, KP,
KPK, KKP, KPKK, KKPK, KKPKK). Gayundin ang
gamit, ayos at anyo ng pangungusap
(nauuna ang simuno sa panaguri o ang
panaguri sa simuno).
3. ANG WIKA AY ARBITRARYO
Ang wika ay pinili at isinaayos ang mga
tunog sa paraang pinagkasunduan sa isang
pook o lugar. Ang pagbabagong naganap ay
dala marahil ng impluwensya ng ibang
bansang naging kaugnay ng isang bansa
dahil sa pampulitika, panlipunan o pang-
ekonomiyang karanasan.
TAGALOG PAMPANGA PANGASINAN AKLAN WARAY

baliktad baligtad baliktar baliskad balikad


4.Ang wika ay dinamiko -
namamatay, nabubuhay.
• Mayaman sa salita ang mga Pilipino.
Kaya, umusbong at patuloy na
ipinapanganak ang ilang katawagan
at barayti ng wika na maituturing na
buhay na buhay na minsan naman ay
namamatay kapag walang
tagatangkilik.
4.1 ANG WIKA AY PATULOY NA NAGBABAGO O
Ang panahon ay patuloy na nagbabago kaya ang
pamumuhay ng tao ay nagbabago din dulot ng
agham at teknolohiya. Gayundin ang wika, patuloy
lumalawak ang talasalitaan ng wika kaya kailangang
mabago rin ang ortograpiya at alfabeto maging ang
sistema ng palabaybayan.

ALIBATA (17) ABAKADA (20) ABICEDARIO (31)


ALPABETO (20+8)
Note:The term “baybayin” comes from the
Tagalog root word baybay, which means “to
spell.” For many years the script was incorrectly
referred to as “alibata,” based on the
arrangement of another alphabet system –
Arabic, in which the first letters are called alif,
ba, and ta.
Ang Abecedario

• Ang mga titik Romano gaya


ng alam na natin, ay iba sa
mga simbolong ginagamit sa
pagsulat sa wikang Hapon o sa
wikang Intsik. Pansinin na sa
dating 17 katutubong tunog sa
matandang Alibata ay
naparagdag ang mga
sumusunod upang maging 31
titik lahat.
5. ANG WIKA AY KABUHOL NG KULTURA
Ang wika at kultura ay dalawang bagay na
hindi pwedeng paghiwalayin. Nakikilala ang
kultura ng isang tao ayon sa kanyang
wikang ginagamit. Sa pamamagitan ng
wika, nakakaalam at nagkakaugnayan sa
pamumuhay, saloobin, tradisyon, mithiin at
paniniwala ang mga tao.
6. ANG WIKA AY KOMUNIKASYON
Ang wika ay behikulo ng
komunikasyon ng dalawang taong
nag-uusap. Ginagamit ang wika
upang ipahayag ang ating damdamin,
pangangailangan, at iniisip. Ang wika
ay ginagamit sa pakikipagtalastasan
sa lahat ng pagkakataon.
7. ANGWIKA AY MALIKHAIN
 Taglay ng wika ang set ng mga tuntunin
na makapagbubuo ng kahit na anong
haba ng pangungusap.
Naging malikhain din ito sa paraang
nakabubuo tayo ng tula, kuwento, awitin
sanaysay at iba pang akdang
pampanitikan gamit ang wika.
8. ANG WIKA AY NATATANGI
Ang bawat wika ay may
kanyang set ng mga tunog,
mga yunit panggramatika at
kanyang sistemang
palaugnayan. Ang bawat wika
ay may katangiang pansariling
naiiba sa ibang wika. Walang
wika na magkatulad na
magkatulad. Kung may
pagkakatulad marahil ito ay
nasa piling salita lamang.
• Ito ay Makapangyarihan
Ang bisa ng kapangyarihan ng wika
ay nangyayari kapag nakapaghahatid
at nakapagpapalabas ng iba’t ibang
emosyon, positibo man o negatibo.
Napagagalaw nito ang isip,
napasisigaw nito ang puso at
napasunod nito ang tao.
• May pulitika ang wika.

Tinukoy ni Almario (1997) ang pulitika sa


wika sa mga sitwasyong dinanas ng wikang
pambansa upang kilalanin at isulong bilang
komon na wika.
Nakapaloob dito ang isyu sa pagitan ng mga
puristang Tagalog (ang mga higit na makiling
sa Tagalog), hindi Tagalog (maaring buhat sa
ibang mga wikain sa Pilipinas kasama ang
mga may kiling sa Ingles at Espanyol).
Walang wikang Superyor.
• Itinatak na sa kaisipan ng ilang Pilipino
na ang Ingles ay susi ng karunungan.
Malaking kamalian ang ganoon at ang
pagtatatak sa mga nag-iingles na
hawak na nila ang lahat ng
katalinuhan sa mundo.
TEORYA NG WIKA
1. BOW WOW- (Kalikasan) Dito ang tunog na nalikha
ng kalikasan, anuman ang pinagmulan ay ginagad
ng tao.
2. DING-DONG- (Bagay) Ipinalagay sa teoryang ito na
ang lahat ng bagay sa kapaligiran ay may sariling
tunog na siyang kumakatawan sa nasabing bagay.
Tinawag ito ni Max Muller na simbolismo ng tunog.
3. POOH POOH- (Tao) Ipinalalagay na ang tao ang
siyang lumikha ng tunog at siya ring nagbibigay ng
kahulugan. Dahil sa hindi sinasadya ay napabulalas
sila bunga ng mga masisidhing damdamin tulad ng
sakit, tuwa, sarap, kalungkutan, takot, pagkabigla,
atbp.
4. YO-HE-HO- Pinaniniwalaan ng linggwistang si A.
S. Diamond (2003) na ang tao ay natutong
magsalita bunga diumano ng kanyang pwersang
pisikal.
5.TA-TA- sa mga kumpas at galaw ng kamay na
ginagawa ng mga tao sa mga partikular na
okasyon ay ginaya ng dila hanggang ito ay mag-
produce ng tunog at natutong magsalita ang mga
tao. Ang tawag dito ay ta-ta na sa France ay
paalam o goodbye.
6. SING-SONG- Inimungkahi ng linggwistang si
Jesperson na ang wika ay nagmula sa paglalaro,
pagtawa, pagbulong sa sarili, panliligaw.
Iminungkahi pa niya na taliwas sa iba pang
teorya, ang mga unang salita ay sadyang
mahahaba at musikal, at hindi bulalas.
7. TA-RA-RA-BOOM-DE-AY- sa mga tunog na
galing sa mga ritwal ng mga sinaunang tao ang
naging daan upang matutong magsalita ang tao.
Ang mga sayaw, sigaw, incantation at mga
bulong ay binigyan nila ng kahulugan at sa
pagdaan ng panahon ito ay nagbago-bago.
8. HOCUS-POCUS – ayon kay Boeree (2003),
maaaring ang pinanggalingan ng wika ay tulad
ng mahikal o relihiyosong aspeto ng
pamumuhay ng ating ninuno.
9.EUREKA!- sadyang inimbento ang wika ng ating
mga ninuno.
10. RENE DESCARTES- hindi pangkaraniwang
hayop ang tao kung kaya’t likas sa kaniya ang
gumamit ng wika na aangkop sa kaniyang
kalikasan bilang tao. May aparato ang tao lalo
na sa kaniyang utak gayundin sa pagsasalita
upang magamit sa mataas at komplikadong
antas ng wika.
11. PLATO- nalikha ang wika bunga ng
pangangailangan. “Necessity is the mother of all
invention”. Sa paniniwalang ito, gaya ng damit,
tirahan at pagkain, pangunahing
pangangailangan din ng tao ang wika kung kaya’t
naimbento ito ng tao.
12. CHARLES DARWIN- nakikipagsapalaran ang tao
kung kaya’t nabuo ang wika. “Survival of the
fittest, elimination of the weakest”. Ito ang
simpleng batas ni Darwin. Upang mabuhay ang
tao, kailangan niya ng wika. Ito ay nakasaad sa
aklat ni Lioberman (1975) na may pamagat na
“On the Origin of Language”.
Pangkatang Gawain:
Magsagawa ng isang maikling
pagsasadula tungkol sa
pinagmulan ng wika
Ang Wikang Pambansa
• Ang Filipino ay ang katutubong wika na
ginagamit sa buong Pilipinas bilang wika ng
komunikasyon ng mga etnikong grupo.
• Katulad ng iba pang wikang buhay, ang Filipino
ay dumaraan sa proseso ng paglinang sa
pamamagitan ng panghihiram sa mga wika ng
Pilipinas at mga di katutubong wika at sa
ebolusyon ng iba’t ibang barayti ng wika para sa
iba-ibang sitwasyon, sa mga nagsasalita nito, na
may iba’t ibang sanligang sosyal at para sa mga
paksa ng talakayan at iskolarling pagpapahayag.
• Nagbigay ng lubos na pagsuporta si dating
Pangulong Corazon Aquino sa paggamit ng
Filipino sa pamahalaan sa pamamagitan ng Atas
Tagapagpaganap Blg. 335, serye ng 1988.
• Ito ay “nag-aatas sa lahat ng mga kagawaran,
kawanihan, opisina, ahensiya, at instrumentaliti
ng pamalahaan na magsagawa ng mga hakbang
na kailangan para sa layuning magamit ang
Filipino sa opisyal na mga transaksiyon,
komunikasyon at korespondensiya.”
• Wikang Opisyal at Wikang Panturo
• Ang opisyal na wika ay isang wika o lenggwahe na
binigyan ng bukod-tanging istatus sa saligang batas
ng mga bansa, mga estado, at iba pang teritoryo.
• Ito ang wikang kadalasang ginagamit sa
lehislatibong mga sangay ng bansa, bagama't
hinihiling din ng batas sa maraming bansa na isalin
din sa ibang wika ang mga dokumento ng
gobyerno. Ibig sabihin, ang wikang maaaring
gamitin sa anumang uri ng komunikasyon, lalo na
sa anyong nakasulat, sa loob at sa labas ng
alinmang sangay o ahensiya ng gobyerno.
Artikulo XIV, Sek. 7 ng Saligang Batas 1987
• “Ukol sa mga layunin ng komunikasyon at
pagtuturo, ang mga wikang opisyal ng Pilipinas
ay Filipino, at hangga’t walang ibang
itinatadhana ang batas, Ingles”.Ang mga
wikang panrehiyon ay pantulong na mga
wikang opisyal sa mga rehiyon at magsisilbing
pantulong na mga wikang panturo roon. Dapat
itaguyod nang kusa at opsiyonal ang Kastila at
Arabik.
• Ang wikang panturo naman ay opisyal na
wikang ginagamit sa pormal na edukasyon. Ito
ang wikang ginagamit sa pagtuturo at pag-
aaral sa mga eskwelahan at ang wika sa
pagsulat ng mga aklat at kagamitang panturo
sa mga silid-aralan.
• Ikalawang bahagi ng Artikulo XIV, Sek. 6 (1987)
ang paggamit sa Filipino bilang wikang
panturo.
• …“alinsunod sa tadhana ng batas at
sang-ayon sa nararapat na maaaring
ipasiya ng Kongreso, dapat magsagawa
ng mga hakbangin ang pamahalaan
upang ibunsod at puspusang itaguyod
ang paggamit ng Filipino bilang midyum
ng opisyal na komunikasyon at bilang
wika ng pagtuturo sa sistemang pang-
edukasyon.”
• Sa pangkalahatan nga ay Filipino at Ingles ang
mga opisyal na wika at wikang panturo sa mga
paaralan. Sa pagpasok ng K to 12 Curriculum,
ang Mother Tongue o unang wika ng mga
mag-aaral ay naging opisyal na wikang panturo
mula Kindergaten hanggang Grade 3 sa mga
paaralang pampubliko at pribado man.
Tinawag itong Mother Tongue-Based Multi-
Lingual Education (MTB-MLE).
• Ayon kay dating DepEd Secretary Brother
Armin Luistro, FSC, ‟ang paggamit ng wikang
ginagamit din sa tahanan sa mga unang
baitang ng pag-aaral ay makatutulong upang
mapaunlad ang wika at kaisipan ng mga mag-
aaral at makapagpapatibay rin sa kanilang
kamalayang-sosyal”.
• Pinatunayan ng mga isinagawang pag-aaral na
lokal at internasyonal na ang paggamit ng
wikang kinagisnan sa mga unang taon ng pag-
aaral ay nakalilinang sa mga mag-aaral na mas
mabilis matuto at umangkop sa pag-aaral ng
pangalawang wika.
• Noong mga unang taon ng pagpapatupad
ng K to 12 ay itinadhana ng DepEd ang 12
lokal o panrehiyong wika at diyalekto para
magamit ang MTB-MLE.
• Sa taong 2013 ay nadagdagan pa ito ng pito kaya’t
19 na wika at diyalekto na ang ginagamit tulad ng
mga sumusunod: Tagalog, Kapampangan,
Pangasinense, Iloko, Cebuano, Hiligaynon, Warat,
Tausug, Maguindanaoan, Maranaw, Chavacano,
Ybang, Ivatan, Sambal, Aklanon, Kinaray-a, Yakan,
at Surigaonon. Ang mga wika at diyalektong ito ay
ginagamit sa dalawang paraan: (1) bilang hiwalay
na asignatura; at (2) bilang wikang panturo.
• Ang wikang Filipino at Ingles ay gagamitin at
ituturo pa rin sa mga paaralan. Ang magiging
pokus sa kindergarten at unang baitang ay
katatasan sa pasalitang pagpapahayag. Sa
ikalawa hanggang ikaanim na baitang ay
bibigyang-diin ang iba’t iba pang komponent
ng wika tulad ng pakikinig, pagsasalita,
pagbasa at pagsulat. Sa mas mataas na
baitang ay Filipino at Ingles pa rin ang mga
pangunahing wikang panturo o medium of
instruction.
ANTAS NG WIKA
1. PABALBAL/BALBAL- may katumbas itong “slang”
sa Ingles at itinuturing na pinakamababang antas
ng wika.
-Mga salitang pangkalye o panlansangan.
-Tinatawag din itong singaw ng panahon
sapagkat bawat panahon ay may nabubuong mga
salita.
-Pinakamababang antas ng wika na karaniwang
ginagamit sa lansangan.
-Karaniwan itong nabubuo ng isang grupo
tulad ng mga bakla na nagsisilbing koda nila
sa kanilang pakikipag-usap.
Halimbawa:
parak- pulis
eskapo- takas sa bilangguan
istokwa- naglayas
juding- bakla
tiboli- tomboy
balbonik- taong maraming balahibo
brokeback- lalaki sa lalaking relasyon
lobat- lupaypay
2. KOLOKYAL- mga salitang ginagamit sa pang-
araw-araw na hinalaw sa pormal na mga
salita.
-Nagtataglay ng kagaspangan ang mga salitang
ito subalit maari rin naman maging repinado
batay sa kung sino ang nagsasalita gayon din
sa kanyang kinakausap.
-Ginagamit sa okasyong impormal at
isinaalang-alang dito ang salitang madaling
maintindihan.
Halimbawa: alala, lika, naron, kanya-kanya-
antay, lugal, utol, atsay, tisay
3. LALAWIGANIN- ang wikang ito ay ginagamit sa
isang rehiyon at ang mga tagaroon lamang ang
nakauunawa nito kung ang pagbabatayan ay ang
wikang pambansa.
Halimbawa:
TAGALOG ILOKANO CEBUANO BIKOLANO
aalis pumanaw molakaw mahali
kanin inapoy Kan-on maluto
alikabok tapok abug alpog
paa saka tiil bitis
ibon bilit langgam gamgam

You might also like