You are on page 1of 5

PAGSUSURING BASA

JEREMY M. CAPUNDAG G10-HARMONY

PAMAGAT: “SI PARUPARO AT SI LANGGAM”


TAUHAN: Si Langgam na masipag na nag-iimbak ng pagkain para sa darating na bagyo.

Si Paruparo na takang-taka kung bakit naghahakot ng pagkain si Langgam.

si Tipaklong na kaibigan ni Paruparo.

At ang ang dalawang ibon na dumakit kay Paruparo at Tipaklong.

BOUD: Takang-taka si Paruparo habang minamasdan niya si Langgam na pabalik-balik sa


paghahakot ng pagkain sa kanyang lungga sa ilalim ng puno. “Ano ba iyang ginagawa mo,
kaibigang Langgam? Mukhang pagod na pagod ka ay di ka man lang magpahinga?” tanong ni
Paruparo. “Bakit di ka magsaya na tulad ko?
''Naku, mahirap na,” aniya. “Malapit na ang tag-ulan. Iba na ang may naipon na pagkain bago
dumating ang tag-ulan.” “Kalokohan iyan. Tingnan mo ako. Hindi natitigatig,” pagmamalaki ni
Paruparo. “Bakit nga ba?” Nagtataka si Langgam. “Ganito iyon, e. Nakikita mo ba ang kaibigan
ko sa damuhan?” inginuso niya ang nasa di kalayuan. “Sino?’ tanong ni Langgam.
''Si Tipaklong, kaibigan ko iyan, Alam mo, matapang ang kaibigan ko. Nabibigyan niya ako ng
proteksyon. Baka akala mo, dahil sa kanya walang sigwang darating sa akin,” pagyayabang ni
Paruparo. “A, ganoon ba?” sabi ni Langgam. “Utak lang, utol. O, di pakanta-kanta lang ako
ngayon dito. Ikaw lang e,” sabi ni Paruparo. “Wala akong inaasahan kundi ang aking sarili. Kaya
kayod dito, kayod doon,” mababa subalit madiin ang tinig ni Langgam. “O, sige, ipagpapatuloy
ko muna ang aking gawain.” Pagkatapos ng usapang iyon nagkahiwalay ang dalawa.Ang mga
sumusunod na araw ay maulan. Hindi lamang mahabang tag-ulan. May kasama pang bagyo at
baha. Mahirap lumabas at kung makalabas man wala ring matagpuang pagkain.Lalong umapaw
ang tubig. Walang madaanan ang tubig dahil malalim din ang mga ilog at dagat. Tumagal ang
baha. Palubha nang palubha ang kalagayan dahil malakas pa rin ang pagbuhos ng ulan. Ano kaya
ang nangyari kay Langgam? Naroon siya sa guwang ng puno. Namamahinga. Sagana siya sa
pagkain. Naisipan ni Langgam ang dumungaw upang alamin ang kalagayan ng paligid. Aba, ano
ba ang kanyang nakita?
Nakita niya si Paruparo at Tipaklong na nakalutang sa tubig. Patay ang dalawa. Mayamaya’y
dalawang mabilis na ibon ang mabilis na dumagit sa kanila. Napaurong sa takot si Langgam sa
kanyang nakita. Subalit nasabi pa rin niya sa kanyang sarili: “Kung sino ang may tiyaga, siya ang
magtatamong pala.''

LOKASYON: Sa guwang puno ng kung saan nandoon si Langgam


ARAL: Wag gugulin sa paglilibang lamang ang magandang panahon. Isipin ang bukas na darating at
paghandaan ang mga maaring mangyari. Matutong mag-impok upang sa oras ng kagipitan ay may
madudukot.

REKOMENDASYON: Mag-impok para sa oras ng kagipitan ay may madudukot at wag sayangin ang oras.

KUHANG LARAWAN :
PAGSUSURING PELIKULA

JEREMY M. CAPUNDAG G10-HARMONY

PAMAGAT: ‘’ANAK’’ ito ay hango sa mag-ina na nawalay sa isa’t isa para maging matagumpay
Ang anak sa pag-aaral.

DIREKTOR: Rory Quintos

PRODUSER: Charo Santos-Concio

Malou N. Santos

Trina N. Dayrit

TEMA: Ang istorya ay tungkol kay Josie (Vilma Santos), isang ina na nagtatrabaho sa Hong Kong bilang
domestic worker. Ginawa niya ito upang makapagpadala ng pera sa mga anak niya upang matustusan
ang kanilang pangangailangan. Binanggit niya na ginagawa niya ito para mabigyan ng magandang
kinabukasan ang kanyang mga anak.

TAUHAN:- Vilma Santos-biang Josie- isang dakilang ina na nagtatrabaho bilangOFW sa Hongkong para
mabigyan ng magandang kinabukasan angkanyang mga anak.

- Claudine Barreto-bilang Carla-panganay na anak ni Josie na nagrebeldesa akalang


pinabayaan na sila ng kanilang ina.

-Baron Geisler-bilang Michael-lalaking anak ni Josie

-Shiela Mae Alvero-bilang Daday-bunsong anak ni Josie

-Joel Torre-bilang Rudy-asawa ni Josie

-Amy Austria-bilang Lyn-matalik na kaibigan ni Josie na isa ring OFW sa Hongkong.


-Cherrie Pie Picache-bilang Mercy- matalik na kaibigan ni Josie na isa ring OFW sa Hongkong.

BOUD: Ang istorya ay tungkol kay Josie (Vilma Santos), isang ina na nagtatrabaho sa Hong Kong bilang
domestic worker. Ginawa niya ito upang makapagpadala ng pera sa mga anak niya upang matustusan
ang kanilang pangangailangan. Binanggit niya na ginagawa niya ito para mabigyan ng magandang
kinabukasan ang kanyang mga anak. Bagama't siya ay malayo sa kanila, tiniis nya ang mga pasakit ng
kanyang amo at ang kanyang pagnanais na makasama ang kanyang mga anak sa kanilang paglaki.
Pagkaraan ng ilang taon ay nakauwi na rin siya dahil sa pagpapasyang hindi na pagtatrabaho sa Hong
Kong at siya ay magnenegosyo na lamang. Sa kanyang pagbabalik, hinarap niya ang matabang na
pagsalubong ng mga anak. Si Daday (Sheila Mae Alvero), ang bunso, ay hindi siya kilala, si Michael
(Baron Geisler) ay mahiyain at walang kimi at si Carla (Claudine Barretto), na hindi man lang siya
ginagalang at iniitsa-pwera lamang. Lahat ng hirap ay tiniis niya upang makuha man lamang ang
atensiyon ng mga anak at sa mga araw na lumilipas ay nakikilala niya ang kanyang mga anak. Nakita niya
ang mga bisyo at karanasan ni Carla ang pag-aaral, paninigarilyo, paglalagay ng tattoo, paghihithit ng
rugby, panlalalake at paglalaglag ng bata. At marami pang problema ang kanyang kinaharap, ang
pagkawala ng iskolarship ni Michael na siya pa namang pinakamatalino sa kanyang mga anak, iniwan
siya ng isa sa mga kasosyo niya dahil nagastos nito ang perang ibabahagi sana niya. Si Josie ay nagkaroon
ng maraming pagkukulang. Isa siyang masamang ehemplo katulad ng anak niyang si Carla. Ang kanyang
paglaki ng walang inang gumagabay sa kanyang tabi ang nagtaboy sa kaniya para magrebelde, ngunit sa
kanilang alitang iyon, naintindihan rin ni Carla ang pagmamahal ni Josie sa kanila bagama't malayo siya
sa kanilang tabi. At mula sa pangyayaring iyon ay nagbalik-loob si Carla sa kanyang ina at nagpakatino na
siya bilang anak at nakatatandang kapatid na siyang gagabay sa mga bata niyang kapatid sa muling pag-
alis ng ina.

SINEMATOHRAPIYA
Lokasyon- HONGKONG(kung saan nag tatrabaho si Vilma Santos
Kasuotan/props- maraming kasuotan ang kanilang sinusout o pinalitpalit
Musika-Gary Valenciano - Anak (Audio)
Pagganap ng mga artista- NAGAMPANAN NG MGA TAUHAN NANG MAAYOS ANG MGA KARAKTER NA
KANILANG GINAMPANAN.ANG BAWAT SALITANG KANILANG BINIGKAS AT ANG PARAAN NG KANILANG
PAG ARTE AY MAKATOTOHANAN.ANG BAWAT PANGYAYARI AY NAKA - ANTIG NG DAMDAMIN, KUNG
KAYA'T NAGIGING EMOSYONAL ANG MANUNUOD. LAHAT NG PANGYAYARI AY KAPANABIK SAPAGKAT
HINDI MO ALAM KUNG ANO ANG SUSUNOD NA MANGYAYARI AT ANG "PLOT TWIST". ANG BUONG
HUSAY NA PAGGANAP NG MGA ARTISTA ANG NAGBIGAY BUHAY SA BUONG KWENTO KAYA'T ITOY
NAGING MAKATOTOHANAN.

ARAL: Ang pelikulang anak ay nagpapakita ng hindi magandang bunga ng pagkakalayo ng ina sa
kanyang mga anak. Matatandaan na si Josie ay nagtrabaho sa ibang bansa upang mabigyan ng maayos
na buhay si Carla at ang kanyang mga kapatid. Subalit si Carla ay lumabag sa tagubilin ng kanyang ina.
Ang paglabag na ginawa ni Carla sa mga tagubilin ng kanyang ina ay nagdulot sa kanya ng malaking
kapahamakan at ng paglayo ng kanilang mga loob sa isa't - isa. Sapagkat natuto siyang magbisyo at
makipagrelasyon sa murang edad, nagkaroon ng malaking pagbabago sa kanyang pag - uugali. Naging
pabaya siya at nawalan ng amor sa ibang tao maging sa kanyang pamilya. Nawala ang sigasig niya sa pag
- aaral at nagkaroon siya ng mga bisyong tulad ng paninigarilyo, paghithit ng rugby, papaplit - palit ng
karelasyon, pakikipagtalik, at pagpapalaglag ng sanggol sa kanyang sinapupunan. Ang lahat ng mga ito ay
bunga ng kanyang pagrerebelde sa kanyang ina na namalagi sa ibang bansa upang doon magtrabaho. Sa
huli, dapat na maisip ng mga kabataang tulad ni Carla na may inang nagtatrabaho sa ibang bansa na ang
lahat ay titiisin ng ina para lang masiguro ang kinabukasan ng kanyang mga anak.

KUHANG-LARAWAN:

You might also like